“Ghie Anne!” sigaw sa ‘di kalayuan na ikinalingon ng dalaga.
Si Ken ay mabilis na palapit kay Ghie Anne. “Sabay na tayong umuwi.” Ani ni Ken ng maabutan siya.
Napataas bigla ang isang kilay ng dalaga ng bigla itong nag-aya na sabay na silang umuwi.
“Hindi na Ken salamat na lang ha.” Iwas niya sa binata. Pero bigla siyang hinawakan sa kan’yang braso na ikinagulat nito.
“Iniiwasan mo ba ako? I mean, galit ka parin ba sa akin?” seryosong tanong nito sa dalaga na nanatiling nakahawak ito sa braso.
“Should I answer that question? Hindi ba’t alam mo na ang dahilan? Kaya Ken bitawan mo na lang ako.” Sabay taas ni Ghie Anne ng kaniyang braso upang makabitaw si Ken sa pagkakahawak nito.
“Akala ko ba mag best friend tayo?” muling tanong ni Ken sa kaniya.
“Iyon din ang akala ko nung una eh, kaso nagbago ang lahat.” Sabay irap ng dalaga rito at humakbang palayo sa binata.
“Ang dali mo naman ako ipagpalit sa iba.” Habol nitong salita na muling.ikinalingon ni Ghie Anne.
Ang eksena nilang iyon ay takaw pansin sa mga nagdadaang estudyante na pauwi na rin.
“Ano sinasabi mo? Pinagpalit kita sa iba?” kunot ang noo ng dalaga ng muli niyang ibato ang salitang iyon sa binata na nakatitig sa kaniya.
“Si Nestor? Ano bang ginagawa sayo ng taong yun?” muling lumapit si Ken kay Ghie Anne na halos isang dangkal na lamang ang naging agwat nila sa isa’t isa.
Dahil sa matangkad si Ken ay napatingala ng tingin na lamang si Ghie Anne rito. Pero umatras siya ng isang hakbang.
“Wala akong dapat ipaliwanag sayo tungkol sa kaklase nating iyon Ken.” Aniya sabay talikod nitong muli.
“Hindi ka ba naging masaya sa piling ko?” muling tanong ng binata.
Huminga ng malalim si Ghie Anne bago muling humarap sa binata na may lungkot sa mukha.
“Dati rati naman hindi ka ganyan bakit ngayon nagbago kana?” mahina nitong salita na ang mga mata ng binata animo’y nangungusap.
“Why don’t you ask yourself, why? Hindi ako ang dapat sumagot niyan, eh. Dapat ikaw sa sarili mo alam mo ang sagot. Kaya huwag kang magtaka kung bakit?” inis na sagot nh dalaga kay Ken.
“Ghie, im sorry. Sorry kung anuman ang nagawa ko sayo—I really apologize.” Sabay kuha ni Ken ng kamay ng dalaga. Sa ganong eksena sila nadatnan ni Andie na agad na hinila ni Ghie Anne ang kaniyang kamay.
“Ken?” sabay hawak ni Andie sa braso ng binata at tumingin kay Ghie Anne.
Akma ng aalis si Ghie Anne ng muli siyang pinigilan ni Ken.
“Sabi ko sabay na tayong umuwi.” Tiningnan niya ang kamay ng binata mula sa pagkakahawak nito. Bago ay tinapunan niya ng pansin si Andie. Nakita niya ang pagbabago ng mukha nito. Tumaas ang isang kilay nito sabay halukipkip pa.
“Kung ayaw niyang sumabay sa’yo Ken, ‘wag mo ng ipilit.” Bungad ni Nestor na nakatabi na pala no’n kay Ghie Anne. Nagulat pa si Ghie Anne sa pagsulpot sa kung saan si Nestor.
“Ken, mukhang may kasabay na ang best friend mo kaya ako na lang ang isabay mo.” Ani ng nakangiting si Andie.
“Ako na lang ang maghahatid kay Ghie Anne, Ken. Wala naman sigurong masama dahil magkaibigan lang kayo ni Ghie Anne at isa pa andyan naman na ang girlfriend mo na dapat s’ya ang ihatid mo.” Suwestyon ni Nestor sa nakaseryosong si Ken.
“Ghie Anne?” mga mata ni Ken na animo’y nag-aantay ng kan’yang sagot.
“Okay lang ako Ken. ‘Wag ka ng mag-abala pa sa akin. Hindi mo na kaylangan ang presensya ko andyan na si Andie ang pinakamamahal mong girlfriend.” Sabay hawak ni Ghie Anne sa braso ni Nestor. “Let’s go.”
Matagal ng wala sa paningin ni Ken ang dalawa pero naroon parin siya sa dulo ng hallway ng school. Nakakunot ang kaniyang noo at ‘di makapaniwala sa nangyari.
Talagang galit sa kan’ya si Ghie Anne. Halos isang buwan ng ganoon ang trato sa kaniya ng dalaga. At kapag may itatanong siya tipid lamang itong sasagot at saka siya tatalikuran nito. Magkasama nga sila sa isang k’warto pero parang wala naman siya sa paningin nito. Bukod tanging magiliw lamang siya sa ilan nilang kaklase lalo na kay Nestor. Para siyang hindi ka klase. Para siyang invisible sa paningin ni Ghie Anne. Ang lahat ng iyon ay masakit para kay Ken. At inaamin niya na nasasaktan siya sa ginagawa ng dalaga. Hindi siya makapaniwala na magagawa ni Ghie Anne ang tiisin siya nito.
Ang lahat ng ito ay dahil sa kaniyang kabaliwan kay Andie. Na nabulag siya ng katangahan niya sa pag-ibig. Ang lahat ng ito ay kasalanan niya.
“Ano Ken? Tatayo na lang ba tayo dito?”
Doon n’ya lang napansin na naroon pa pala si Andie sa kaniyang tabi
“Andie, nagkausap na tayo ‘di ba? Bakit ba lagi mo pa rin ako sinusundan?” inis niyang salita.
“Dahil mahal kita,” direktang sagot nito na may halong ngiti.
Natawa ng mapakla si Ken sa kan’yang narinig. Saka tumingala sa kisame at huminga ng malalim.
“I’m serious Ken, I really love you. Please believe me naman.” Sabay hawak ng dalaga sa braso ni Ken.
Pero tinanggal iyon ng binata at hinarap niya ito.
“Ilang beses ko ng sinabi sayo ‘di ba? Kailangan ko bang ulit ulitin ito Andie?” inis niyang sagot sa dalaga na ngayon ay malungkot na ang kaniyang itsura. “Nagsisisi ako kung bakit ko ipinagpalit ang friendship namin ni Ghie Anne sa isang katulad mo.”
“But Ken, I really love you.” Ulit muli ng dalaga sa kaniya na akmang hahawakan siya pero iniiwas nito ang kaniyang kamay.
“Andie! P’wede ba? Ibinigay na kita kay Alfred, bakit ‘di mo ito matanggap. Hindi na nga ako nagalit sayo sa ginawa mong panloloko sa ginawa mong pagsisinungaling at dahil diyan nasira ang relasyon namin ni Ghie Anne dahil mas pinanigan kita kesa sa kaniya na nagsasabi na pala sa akin ng katotohanan. At dahil sayo nakapagsalita ako ng hindi maganda sa kaniya. Hindi pa ba na si-sink ng utak mo na ayaw ko na sayo? Na tapos na tayo! Bigyan mo naman ng konting respeto ang sarili mo tulad ng pagbibigay ko sayo noon,” aniya sabay talikod nito sa maluha luhang dalaga.
“I won’t give up! You’re mine!” sigaw ni Andie sa kaniya na hindi na niya pinansin pa.
Dalawang araw ang nakalipas mula nang huli silang nag-usap ni Ken ay hindi na ito nagpapapasok na labis na ipinagtataka no Ghie Anne.
“Uy! Ghie Anne,” si Carla na katabi niya sa upuan.
“Bakit?” habang busy siya sa kan’yang pagsusulat at hindi niya nilingon ang kaklase.
“Nabalitaan mo ba ang nangyari noong isang araw sa plaza ng Kintana?” bulong nito sa kaniya.
“Anong meron sa plaza?” aniya na patuloy sa kaniyang pagsusulat.
“Kaya pala absent si Ken kahapon at ngayon—” muli niyang bulong.
Bigla na lang napahinto ang kamay ni Ghie anne sa pagsusulat nang marinig niya ang pangalan ni Ken. Lumingon ito sa katabi nitong kaklase.
“May nakakita na estudyante rin ng school natin. Nakikipagsuntukan siya sa isang lalake.” Dugtong nito na kaniyang ikinagulat.
“Ano?!” sabay bitaw nito sa hawak nito myng ballpen.
“Wag ka naman maingay. Marinig tayo ni ma’am.” Sabay patong nito ng hintuturo sa kaniyang labi para sabihing keep quiet.
Hindi siya mapakali sa kaniyang kinauupuan. Hindi niya akalain na ang dalawang araw ng pag-absent ni Ken ay dahil pala sa nakipagsuntukan ito. Ang buong akala niya ay magkasama sila ni Andie na nagbubulakbol na naman.
Kaya naman pagsapit ng vacant time ay agad siyang lumabas ng gate ng school at nag para ng jeep. Pagsapit niya sa kanto ng kalsada papasok sa kanilang lugar ay nagpara naman siya ng tricycle pauwi sa kanilang bahay upang kuhanin roon ang kaniyang bike. Magbibisekleta na lang siya papasok naman sa kalsada ng hacienda upang makarating sa mansion ng mga Lee.
Pagsapit sa may harapan ng malaking gate ay agad siyang pinapasok ng guard dahil sa kilala siya ng mga ito. Agad siyang bumaba at inayos ang stand ng bike upang nakatayo itong iiwan niya sa tapat ng malapad na pintuan.
GHIE ANNE
“Ghie Anne,” salubong ng isang naka unipormeng babae na kasing edad ng kan’yang mama.
“Si Ken po?” tanong ko rito na pinagmasdan pa siya ni nanay Imeng.
“Naku! Etong batang ‘to. Galing ka ba niyan sa inyong school at malamang tumakas ka ano?” ani nito sabay hawak ng ginang sa laylayan ng aking pang ibabang uniporme.
“Ano po bang nangyari nanay Imeng?” tanong ko agad niya.
“Ewan ko ba sa batang iyon. Basta no’ng nakaraang gabi mga miyerkules iyon. Umuwing may dugo ‘yong bibig ni Ken. Singkit ang isang mata tapos ang dumidumi n’ya na sira pa ang damit. Sabi ko nga isumbong naming sa pulis kaso tumanggi s’ya. Tapos iyong in-open ko na itatawag ko na lang sa mga magulang niya, aba’y lalo itong nagalit at sinabihan kami na subukan daw namin at lahat kami tatanggalin n’ya.” Mahina nitong paliwanag. Pero punong puno ng pag-alala ang mukha nito sa alaga niya.
“Nasa k’warto ba s’ya, nay Imeng.” Tanong kong muli.
“Oo, nagkukulong nga eh. T’yaka nagulat kami kasi inutusan n’ya si Inchang na bumili ng alak kanina. Eh, hanggang ngayon ‘di pa lumalabas. Mag gagabi na, hindi pa mandin iyon nag-aalmusal at tanghalian. Ayaw naman kami pagbuksan ng pinto. Buti na lang at andiyan kana. Baka sakaling makinig iyon sayo.” Sabay hawak ni Nay Imeng sa palad ko at nakikita ko rito ang lubos na pag alala ng ginang.
“Nay, p’wede ko ba s’yang makita?” ani ko sabay tingin sa taas ng hagdanan.
“Halika sasamahan kita papunta sa kan’yang k’warto.” Sabay hila sa akin ng ginang.
Agad akong sumunod kay nanay Imeng na isang mayordoma sa mansion nila Ken. Alam niya na ang k’warto ni Ken ay sa dulo pa ng pasilyo. Oo, matagal na silang magkaibigan pero ni isang beses ay ako nagpupunta sa kuwarto ng binata. Tanging hanggang sala at kusina lamang ako sa loob ng mansion.
Pagsapit namin sa pinto ng k’warto ay agad na kumatok si nay Imeng at sinabi nito na naroon ako.
Ilang minuto bago bumukas ang pinto.
Sumilip pa ito bago tuluyang buksan ni Ken ang pinto. Tiniyak siguro muna nito na totoo ang sinabi ni nay Imeng na naroon ako.
Si Ken ba ang nasa kan’yang harapan?
Gulo ang buhok, walang ayos ang suot na damit. Unti-unti ng tinutubuan ng bigote ang laging naka shave na mukha. Kasabay pa ang pagkakaroon nito ng black eye at sugat sa gilid ng labi. Halos hindi ko na ito makilala.
“Iwan mo na kami mamay,” ang mahina nitong salita sa mayordoma nila na agad namang nagpaalam sa kaniya bago umalis
Nang makaalis ito ay agad na niluwagan ni Ken ang pinto. Nadudurog ang kan’yang puso sa itsura ni Ken. Gusto niyang haplusin ang mukha ng binata at yakapin ito. Pero hindi niya magawa.
“Tititigan mo na lang ba ako” salitang nagpabalik sa aking ulirat.
Pagpasok niya ay agad niyang naamoy ang alkohol sa katawan ng binata. Ang mga lata ng beer ay nagkalat sa lamesita niya.
“Naka ilang lata ka ng beer? Hindi ko akalain na iinom ka ng gan’yang karami,” aniya sabay turo niya sa mga latang nagkalat. “Hindi ka raw lumalabas ng kuwarto at hindi ka pa kumakain. Ano ‘yon? Panay alak ka na lang?” sabay harap nitong nakakunot noo sa binata na tanging nakatitig na lamang sa kaniya.
“Hindi ako lasing, nakainom lang.”sabay ngiti nito na sinabayan ng mapupungay na mga mata.
Ewan ni Ghie Anne kung bakit bigla siyang kinabahan ng isara at i-lock ni Ken ang pinto.
“Anong ginagawa mo? Bakit kailangan mong mag lock ng pinto?” pag-aalala niya dahil sa ibang Ken na ang kaniyang nakikita ngayon.
“Nag aalala ka sa akin? Tingnan mo, naka uniporme ka pa ng pumunta ka dito. At maaga pa para sa oras ng uwian,” marahan nitong salita kasabay ng unti-unti nitong paglapit sa kaniya.
“Natural na mag alala ako dahil magkaibigan tayo. Sino ba ang may gawa n’yan sayo? May kinalaman ba si Andie dito?” tanong niya na kasabay ng kaniyang simpleng pag-atras dahil sa lumalapit sa kaniyang p’westo si Ken.
“Wala. And this time hindi si Andie ang problema ko.” Sabay haplos ni Ken sa kaniyang pisngi na agad niyang iniwasan.
Pasimple siyang tumalikod dito upang tunguin ang pinto.
“Sino ba talaga ang may gawa sayo n’yan? At bakit kaylangan humantong sa gan’yang eksena? Ken, i-report natin ito sa pulis, alam ko kilala mo sila.” Salita ng dalaga habang nakahawak na sa seradura ng pintuan. Kinakabahan na kasi siya sa nakikita niyang itsura ng binata. Para bang may gusto itong gawin sa kaniya.
“Ghie…” mabilis na kilos ni Ken at naagapan nito ang pagbukas ni Ghie Anne sa pinto. Laking gulat ng dalaga ng bigla siya nitong niyakap ng ubod ng higpit. Nalanghap niya ang amoy alkohol nito sa katawan ng binata.
“Ken, hindi ako makahinga— “ pilit niyang itinutulak ang binata.
“I miss you, Ghie anne..”sabay kalas nito sa kaniyang pagkakayakap at titigan siya nito sa mukha.
Napalunok ng laway si Ghie Anne ng mapansin niyang nakatingin si Ken sa kaniyang labi. Pero bago pa makapag react si Ghie Anne ay lumapat na bigla ang labi nito sa labi nh dalaga.
Na freeze ang buong katawan ni Ghie Anne sa ginawa ni Ken. Hindi niya iyon inaasahan at mas lalong hindi niya inaasahan na magiging mapusok ang mga halik ng binata sa kaniya. Nasasaktan siya.
“Ken!”pilit n’yang itinutulak ang katawan ng binata para kumalas ito sa kan’yang pagkakayakap. At pilit niyang iniiwas ang mukha niya rito. Ang halik kasi nito ay may hatid na sakit na para bang pinarurusahan siya. Nalalasahan n’ya na rin ang alak na kan’yang ininom. Pero lalo itong humigpit sa pagkakayakap at lalong pang naging mapusok ang halik nito lalo sa kan’ya. Gusto niyang sumigaw at humingi ng tulong pero walang boses ang lumalabas sa kan’yang bibig.
“Ken, please …” makaawa niya sa binata. Pero sad’yang bingi ata ito at lalo pa siyang nag panic nang mag-umpisang gumapang ang kamay nito sa kaniyang katawan.
Doon ay muli niyang itinulak si Ken dahilan sa pagka-out of balance nilang dalawa. Natumba siya kasama ang binata at bumagsak sila sa paanan ng kama nito. Buti na lang ay may carpet ang sahig kundi ay nasaktan siya. Nadaganan siya ng binata. Doon siya nasaktan sa pagkakadagan sa kan’ya ng binata. Saglit lang iyon at muling pinagpatuloy ang naudlot nitong ginagawa sa kaniya. Naramdaman niyang nakapasok na ang isang kamay nito sa kaniyang dibdib. Nanlaki ang kaniyang mga mata at pinilit niyang hatakin ang kamay ni Ken mula sa paghawak nito sa kaniyang dibdib. Ang halik nito ay gumapang narin sa kaniyang leeg patungo sa kaniyang dibdib!
Isang map’wersang lakas ang inipon ni Ghie Anne upang maitulak n’ya ang binata kasama na ang kaniyang mga paa. Nang maitulak n’ya ito ay agad siyang bumangon paupo, paatras siyang lumayo sa binata na noo’y natauhan sa ginawa nito.
Hindi alam ni Ghie Anne kung ano ang kan’yang nararamdaman sa mga oras na iyon. Basta ang alam lang niya ay nagagalit siya sa ginawa nitong kapangahasan.
Napakagat labi siya ng makita n’ya ang kan’yang sarili. Nahubad ni Ken ang kan’yang unipormeng blouse. Naibaba rin nito ang strap ng kanyang bra kaya nalantad dito ang isa niya dibdib. Agad niyang inayos ang kaniyang sarili. Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang isa isa niyang isinasara ang pagkakabutones ng kaniyang uniporme.
Habang ang binata ay sapo ng kaniyang palad ang kaniyang mukha. Nakaupo ito at nakasandal sa gilid ng kama. Habang siya naman ay nasa sulok at sumiksik sa pagitan ng kabinet at side table ng kama.
“Shit! Ano itong aking ginawa?” usal ni Ken na kaniyang narinig.
Pag angat niya ng kaniyang mukha ay nakatitig sa kaniya ang binata.
Taranta siyang nilapitan nito at akmang hahaplusin ang kaniyang mukha pero tinabig iyong bigla ni Ghie Anne.
Isang malakas na sampal ang pinadapo ng dalaga sa mukha ni Ken.
“How dare you! How could you?!” galit niyang salita sa nagulat na binata. Sabay pahid niya ng kaniyang luha na kanina pa walang tigil sa pag tulo.
“Ghie, im so—” naputol ito ng tapunan siya ng masamang tingin ni Ghie Anne.
“What? You will say sorry?”galit niyang baling sa binata.
“Ghie…” akma niyang hahawakan ang dalaga ngunit biglang tumaas ang palad nito na nagsasabing stop.
“Huwag mo akong hahawakan! Nasusuklam ako sayo! I hate you! I hate you, Ken!” sabay takbo nito sa may pintuan.
Hindi niya matandaan kung paano siya nakauwi. Basta ang natatandaan niya ay galit na galit siya kay Ken. Hindi siya nagpunta ng mansion para mabastos lamang siya. Nag aalala siya sa binata kaya naroon siya at hindi talaga siya makapaniwala na isang kapangahasan ang gagawin nito sa kaniyang pagpunta. Ang hindi pagrespeto ng binata sa kanyang pagkatao.
Paano kung hindi niya nagawang itulak ang binata?
Paano kung tuluyang nasira ang kan’yang pagkababae? Tapos, ano? Sorry lang?
Kuyom ang mga palad ng dalaga habang patuloy ang paghagulgol niya sa kan’yang k’warto.
Hindi niya mapapatawad ang binata. Galit na galit siya rito. Nawala ang paghanga niya sa kan’yang ginawa. Nawala ito ng tuluyan. Lahat ng iyon napuno ng galit, napalitan ng pagkasuklam! At hindi niya alam kung mapapatawad pa ba niya ito.
Hindi makapaniwala si Ghie Anne ng binabasa niya ang papel na nasa plastic envelope. Eto ba ang regalong inaasahan niya sa kaniyang pagtatapos ng kolehiyo? Halos manlumo ang buo niyang pagkatao ng matuklasan niya ang lahat. Dala dala iyon ng kaniyang kuya mula pa sa kanilang Probinsya. Kaya napakasakit sa kaniya na hindi na nga um-attend sa kaniyang graduation ang mama at papa niya ay ganito pa ang kaniyang malalaman. Na siya ay magiging kabayaran sa pagkakautang ng kaniyang pamilya sa pamilya na kaniyang kinamumuhian. “Sandali lang kuya….”ani ni Ghie Anne na napapikit pa ng mariin bago muling binasa ang dokumento na may sealed pa. “Hindi ko maintindihan… bakit nakalagay ang pangalan ko dito? At bakit ako ang kabayaran ng pagkakautang ng ating mga magulang?” sabi niya kasabay ng pagtuturo niya sa nakasulat sa papel. Maaging ang Tiya Pasing niya ay nagulat sa kaniyang narinig. Isang buntong hininga ang pinakawalan ng kuya ni Ghie Anne bago ito tumingin sa kaniya. “Sa maniwala ka sa
KEN Gusto kong haplusin ang makinis na mukha ni Ghie Anne pero hindi ko magawa. Para itong batang natutulog dahil sa maamo nitong mukha. Sa loob ng mahabang panahon hindi nagbago ang ganda ng aking matalik na kaibigan. Kung tutuusin ay lalo pa itong naging mas maganda lalo na't mahabang panahon din itong nanirahan dito sa siyudad. "Sir, andito na po si Doc de Guzman..." singit ng aking attorney habang pinagmamasdan ko ang dalaga. "Anong nangyari sa kaniya Mr. Lee?" tanong ng doctor na lumabas sa likuran ng aking attorney. "Bigla siyang nawalan ng malay, Doc." Sagot ko sa doctor na agad na lumapit kay Ghie Anne. Umatras ako upang hayaang tingnan nito ang dalaga saka ko hinarap ang aming attorney. "Mukhang matigas ang kalooban ni Ms. Velasquez, sir?" anito sa akin. "Ito lang ang paraan upang mapalapit siya sa akin," sabay buntong hininga ko rito. "Hindi ko kailangan magmadali, alam kong lalapit at lalapit si Ghie Anne sa akin kapag wala na siyang choice. Ang importante ngayon ay m
Namamaga ang mga mata ni Ghie Anne ng dumating sina Ken kasama ang kaniyang assistant. Nangingitim din ang ilalim ng mga mata nito dahil sa ilang araw na pagpupuyat. Kitang kita ni Ken ang kapaguran, lungkot at kung ano pa sa katawan ng dalaga. Halos madurog ang kalooban ni Ken ng makita niyang ganoon si Ghie Anne. "Nakikiramay kami sa pagkawala ni Mr. Velasquez," ani ni Ken sa kuya ni Ghie Anne at sa Mama nito. Tanging tango lamang ang ipinukol ng dalawa kay Ken. At si Ghie Anne ay hindi man lang siya tinapunan ng tingin kahit na alam ni Ken na narinig nito ang kaniyang boses. "Naayos na po pala ang lahat ng naiwan ninyong problema Auntie," mahina kong sambit at dinig ko ang isang malalim na buntong hininga na binitiwan ng Mama ni Ghie Anne. Napahinto si Ken ng biglang tumayo si Ghie Anne at humarap sa kaniya. "Mag-usap tayong dalawa... Tayong dalawa lang," seryoso nitong salita kasabay ng pagtingin ni Ken sa kuya niya at sa kaniyang Mama na nakatingin din kay Ghie Anne. Nagpa
Tulad ng dati ay sumunod si Ghie Anne pabalik ng Manila upang magkausap sila ng maayos ni Ken at pagnatapos ang lahat ay muli siyang babalik para sa ika apat na pung siyam na araw ng kaniyang mga magulang. "Hi po Ma'm! Good morning po," bati kay Ghie Anne ng secretary ni Ken pagbungad niya sa mesa nito na animo'y alam nito na darating si Ghie Anne. "Halika ka po at ihahatid po kita sa office ni Sir," muli nitong salita sabay ngiti nito kay Ghie Anne. Pagbukas ng secretary ng pintuan ng office ni Ken ay bumungad agad kay Ghie Anne ang binata na kausap ang lalakeng dinala nito sa kanilang bahay sa probinsiya. Parehong lumingon kay Ghie Anne ang dalawang binata, ang isa ay ngumiti pero si Ken ay hindi. Seryoso ang mukha nito at wala man lang makikitang konting ngiti sa labi mas lalong ikinainis ni Ghie Anne. "Sir, andito na po si Ma'm Ghie Anne," ani ng secretary ni Ken. "Okay... salamat," tipid na salita ni Ken. "Have a seat Ghie Anne," sabay turo ni Ken sa upuan banda sa harapan ng
"Isa pang halik sa bagong kasal!" Malakas na boses ni Judge George na sinuportahan naman ng mga kasambahay ni Ken na naroon at kasama nilang kumakain. Isang mabilis na halik ang ginawa ni Ken sa labi ni Ghie Anne na ikinagulat ng dalaga. Nakita ni Ken kung paano nag react si Ghie Anne sa kaniyang ginawa at naramdaman niyang bigla na lamang siyang kinurot nito sa bandang hita. "Nanamantala ka ba? Wala sa kontrata natin iyan," palihim na salita ni Ghie Anne habang kinakamot ni Ken ang hitang kinurot ng dalaga. "Wala akong magawa kundi ang gawin iyon Anne. Nakatingin si Judge sa atin," pabulong na salita ni Ken kay Ghie Anne na lumingon din sa kung saan nakaupo ang Judge. Ang nakakatawa pa ay tuwang tuwa ang mga kasambahay sa kanilang nasaksihan dahil nagpalakpakan pa ang mga ito. Pwera lang ang kuya Nilo ni Ghie Anne na tahimik lamang sa kaniyang upuan kasama ang kaniyang asawa na wala ding imik. Dahil alam nila na kasal lamang sa kontrata sina Ken at Ghie Anne. CHRISTOPHER KEN "H
GHIE ANNE Nakakamangha ang laki ng unit ni Ken sa isang kilalang condominiums dito sa Makati. Maging si Kesya ay di maitago ang pagkamangha nito sa unit. Bukod sa mga mamahaling gamit ay kompleto rin ito sa kagamitang pang kusina na gustong gusto ko. Dahil sa mahilig akong magluto at ito ang libangan ko noon pa. Lalo na't nakita ko ang malaking oven na may 6 burner. Mahilig akong mag bake kahit noon pa sa bahay namin at dinala ko iyon sa bahay ni tiya Pasing. "Ma'm Ghie Anne, saan po ako matutulog?" Ani ni Kesya na kahit ako ay hindi ko alam. Biglang tumunog ang security buttom ng pintuan hudyat na merong taong papasok sa unit. Kapwa kami napalingon ni Kesya ng lumitaw roon ang katauhan ni Ken. Nakasuot na lamang ito ng long sleeve na kulay asul at hawak ang amerikano nitong suit. "Kanina pa ba kayo?" Ani ni Ken sabay lapit nito sa akin. Nagulat pa ako sa paraang ginawa niya. Pasimple nitong dinikit ang pisngi nito sa pisngi ko na akala mo ay humalik sa aking pisngi. "Nakatingin
Hindi ko namamalayan na halos madurog ko na ang sugpo sa gigil ko sa pagbabalat nito dahil sa nakikita kong ginagawa ni Kesya kay Ken na gustong gusto naman ng kumag! "Sir eto po," magiliw na abot ni Kesya ng mainit na sabaw ng lapu lapu kay Ken. "Higupin nyo po agad ang sabaw sir," Tumayo akong bigla mula sa aking pagkakaupo at dumeretso ako sa lababo para maghugad ng kamay. Tama na! Hindi ko kayang panoorin ang dalawa. Isang nagpi flirt at isang nagpapa flirt. Salita ng aking isipan at ewan ko ba dahil nakakaramdam ako ng inis sa aking nakikita. "Saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Ken na hinawakan pa ang aking kamay. "Tapos na akong kumain," pormal kong sagot at hindi ko pinahahalatang naiinis ako. Uminom ng tubig si Ken at saka ito tumayo. "Iligpit mo na lang ang mga iyan Kesya kapag tapos ka ng kumain. Mauuna na kami ni Ma'm mo," ani ni Ken na tumayo na rin mula sa pagkakaupo. "Tapos na rin kayo, Sir?" Takang tanong ni Kesya na ko na nag iba ang awra ng mukha nito. "Tapos
"Magtitimpla muna ako ng kape," ani ni Ghie Anne na mabilis na kumuha ng mug dahil kitang kita nito ang pagkasungit ni Ken. Nasira ni Kesya ang umaga ng binata at sa loob ng limang taon ay nakita niya itong muli. "Bukas na lang kita isasabay sa company. For now paki suyo si Kesya para mamaya. Susunduin siya dito para ihatid sa airport pabalik sa atin," ani ni Ken sabay higop nito ng mainit na kape na tinimpla ko. Nakita ko ang ngiti nito sa labi ng matikman niya ang kape. "Naaalala mo pa pala ang kapeng gusto ng taste buds ko," sabi nito sabay higop muli. Hindi umimik si Ghie Anne bagkus ay naghain siya ng pagkain para makapag-almusal na si Ken. Naupo na rin ito para kumain at hindi nila alintana ang paglabas ni Kesya na naka uniporme na ngayon ng pang katulong. "May susundo sayo mamaya Kesya...babalik ka na sa probinsiya. At hindi ka na rin magtatrabaho sa Mansion," ani ni Ken without looking Kesya. Patuloy lamang itong kumakain ng toasted bread na pinahiran niya ng strawberry
GHIE ANNETama ba ang aking narinig?Si Nestor ba talaga ang kaharap ko?"Huwag mo akong niloloko ng ganyang salita," sabi ko na lamang na may ngiti sa aking mga labi kahit na nakikita ang pagkaseryoso nito sa kaniyang mukha."Hindi ako nagbibiro," mabilis na sagot sa akin ni Nestor."Nestor...huwag kang ganyan. Nakakailang," sabi ko sa kaniya na totoo naman talga. Napahinto na tuloy ako sa pagkain ng masarap na pagkain. "Ghie Anne...matagal na kitang gusto. Noon pa kung natatandaan mo ito. Hindi lang ako makalapit sayo noon dahil sa masyado kayong close ni Ken..kaya naman noong nagkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan nagkaroon ako ng pagkakataon na makalapit sayo. Maniwala ka na noon pa kita gusto," ani ni Nestor sabay hawak nito sa aking kamay na nasa ibabaw ng mesa.Hindi ako agad naka react sa aking narinig. Dahil biglang nag flash back sa akin ang nakaraan ng mga panahon na si Nestor lamang ang nagpasaya ng mga araw ko sa panahon na iniiwasan ko si Ken. At alam ko na noon na may
Tahimik ang lahat sa conference room ng dumating si Ken upang makinig at manood sa presentation ng dalawang team na hawak ni Ghie Anne. Syempre na roon din si Jacob at Nestor na nakatabi pareho kay Ghie Anne. "Sandali," pahinto ni Ken sa team one na nagpapaliwanag tungkol sa presentation ng bago nilang product packaging. "Do you think it will pass the standard in all convenience store on each of their shelves if the packaging is this big?" Tanong ni Ken sa leader ng team one. "Can you see guys na masyado itong malaki at kapag i-display ito sa shelves ilang piraso lang ang mailalagay," Nagtaas bigla ng kamay si Ghie Anne na agad tinanguan ni Ken. "Sir, can you please listen first to the presentation of my team? And nasa next page ang bawat sizes ng packaging ng ready to eat meal." Derektang salita ni Ghie Anne kay Ken. Lahat ng naroon sa kuwarto ay nakatingin sa kanilang dalawa. "So ibig sabihin nito na kapag sa convenient store ang ready to eat meal ay itong maliit na size ang n
ANDIE "Ano ba ang mahalaga nating pag uusapan?" Bungad agad sa akin ni Nestor bago ito naupo banda sa aking harap. Inimbitahan ko kasi itong kumain sa labas upang alukin sa aking plano. Dahil alam ko na noon pa man ay gustong gusto na niya si Ghie Anne. Kaya nga hanggang ngayon ay nanatili itong single kahit na maraming mga babaeng nagkaka interes sa kaniya. Ni isa ay wala itong na i-date na babae. Dahil minsan ko na itong napanood sa interview na meron siyang inaantay na tao na noon pa niya gusto. "Let's eat first," sabi ko sabay buklat ko ng menu. "May mga bagay pa akong gagawin Andie kaya sabihin mo na ang dapat mong sabihin," ani ni Nestor sa seryosong mukha. "Ohhh, well...i'll go straight to the point. Do you like Ghie Anne?" Derekta kong tingin sabay lapag ko ng menu sa isang tabi. "Inimbitahan mo lang ba ako para sa ganyang tanong?" He smirked. "Alam mong mahal na mahal ko si Ken at gagawin ko ang lahat para mapasa akin siya. Ikaw? Gaano mo kagusto si Ghie Anne? Sa pagka
GHIE ANNE Unti unting nagdilat ang aking mga mata at doon ko lang napansin na nasa ibang kuwarto ako. Mabilis ang aking pagkilos at napaupo akong bigla upang malaman lang na nasa opisina ako ni Ken. "How are you now?" Boses na aking ikinalingon. Si Ken nakaupo sa kaniyang office chair habang may ginagawa ito sa kaniyang personal na computer. "A...anong nangyari? Kasama ko kanina—" "Matagal mo na bang sakit iyan? Bigla ka na lang matutulog ng wala sa oras," sabay tingin nito sa akin. "Hindi. I mean oo! At bihira lang ito mangyari sa akin," sabi ko sabay tayo ko at inayos ko ang aking sarili. "My father wants to have a dinner with you," biglang sabi sa akin ni Ken. "Ha?" Ang tanging nasambit ko habang nakatingin sa kaniya na busy naman sa pagtingin nito sa monitor nh kaniyang computer. "Andito si Daddy at gusto ka niyang makita bago siya umuwi ng mansion," ani nito sabay sulyap niya saglit. "At kailangan mong magpa Psychiatry dahil sa kondisyon mong iyan," habol nitong salita.
"Hi!" Bungad ni Nestor sa pintuan ng opisina ni Ghie Anne."Oh, ikaw pala. Tapos na ang show mo?" Tanong ni Ghie Anne kay Nestor na palapit na sa dalaga."Kain tayo sa baba," aya ni Nestor."Sure," mabilis na sagot ni Ghie Anne.Inayos ng dalaga ang kaniyang gamit sa ibabaw ng kaniyang mesa bago hinubad niya ang coat niya puti na uniform nila sa lab at isinabit. Nakangiti ang dalaga na sumabay kay Nestor tungo sa elevator pababa sa canteen."Masarap ang menu ng canteen ninyo ngayon kaya mag eenjoy tayo," ani ni Nestor.Maraming empleyado ang nakapila dahil sa mga oras na iyon at lunch time na. Pumila din sila at habang napila ay nag uusap sila ni Nestor.Sadyang kwela talaga ang binata kaya naman hindi maiwasan na tuwang tuwa si Ghie Anne sa presensiya nito. Ang saya ng mukha ni Ghie Anne ay hindi nakawala sa paningin ni Ken na kasalukuyang kumakain din sa canteen kasama ang Assistant nito at ang kaniyang Daddy na Chairman ng Company."Andito pala ang Chairman," mahinang salita ng i
Napatitig si Ken sa hawak niyang stick ng sigarilyo na kasalukuyan niyang hinihithit. "Kailan ka pa natutong manigarilyo? Hindi ka naman naninigarilyo dati ah!" Sita ni Ghie Anne kay Ken. "Dati iyon Anne. Sa nagdaang limang taon sa palagay mo ba ako pa rin ang Ken na nakilala mo? Kung ikaw nga ang laki ng ipinagbago mo ako pa kaya?" Sabi ni Ken kay Ghie Anne. "Kung ganun huwag mong ipakita sa akin ang paninigarilyo mo," sabi ni Ghie Anne sabay talikod nito at padabog na isinara ang sliding door ng terrace. "What the heck!" Sabay pitik ni Ken sa stick na kaniyang hawak. Pagpasok niya ay dumeretso siya sa banyo upang maglinis ng kaniyang katawan. Matapos ang ilang minuto ay lumabas si Ken sa banyo ng tanging tuwalya lamang ang nakabalot sa kaniyang pang ibabang bahagi ng kaniyang katawan at sobrang ikli nito. "Ano ba Ken! Sinabihan na kita na hindi lang ikaw ang narito sa kuwarto, bakit kailangan mong lumabas ng ganyan lang ang itsura mo?!" Ani ni Ghie Anne na nakapaling na ang k
GHIE ANNE"Kasama si Andie?!" Gulat ko sa aking narinig kasabay ng aking pagharap."Oo kailangan siya roon pati si Jacob. Sila kasi ang naging front ng kausapin nila ang merging ng two companies," paliwanag noya sa akin.Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit bigla may kung anong kirot at inggit na hindi ko maipaliwanag? Bakit parang naiinis ako ng marinig kong kasama niya si Andie? Paano kung gawin uli nito ang nakita niya noong nalasing si Ken? "Kung wala ka ng itatanong matutulog na ako," sabi ni Ken sabay talikod nito sa akin.Padabog kong itinapon sa aking higaan ang hawak kong unan at saka ako nahiga na nagngingitngit ang aking kalooban."Bakit kayo aabutin ng tatlong araw doon?" Pabalikwas kong upo mula sa aking pagkakahiga pero hindi na kumibo pa si Ken."Tulog ka na agad?" Muli kong tanong na baka gising pa ito pero hindi na talaga ito kumibo pa.Kainis! Anas ng aking isipan.Bakit tatlong araw sila doon? Sa tatlong araw na iyon baka kung ano ang gawin ni Andie kay Ken.Haizz
Isang linggo rin ang lumipas mula ng mag umpisang mag work si Nestor sa company ni Ken. Naging patok ang produktong ini launch ng company sa panlasa ng masa. At naging sikat si Nestor sa harap ng camera bilang isang chef na nagtuturo sa bawat audience na naroon sa shoot. "Ma'm, mag uumpisa na po ang show." Ani ni Laarnie ang leader ng team one. Napangiti si Ghie Anne bago sumenyas na mauna na at susunod siya. Naglalakad na siya patungo sa elevator ng marinig niya ang sunod sunod na tunog ng takong sa kaniyang likuran. Kaya naman nagulay siya kung mapag sino iyon ng sumabay ito sa pagsakay ng elevator. "Hi, Ghie Anne!" Nakangiti nitong bati kay Ghie Anne. "So, how's your contract marriage? Matagal din bago tayo hindi nagkausap, ah! Ano ba ang pakiramdam ng pekeng asawa?" Sarcastic na salita ni Andie. "Ano bang sinasabi mo?" Inis kong tanong rito na hindi ko na binigyan pa ng panggalang. "I know naman na contract marriage lang ang nasa pagitan ninyo ni Ken. So tell me, how many d
CHRISTOPHER KEN"Mr. Kim, kumusta si Ghie Anne sa bago niyang trabaho?" Tanong ko sa aking assistant na kasabay kong bumaba galing opisina."Naging usap usapan po siya ngayon dito sa loob ng kompanya, Sir." Sagot nito na aking ikinagulat. Huminto ako sa aking paglalakad at hinarap ang aking assistant."Anong ibig mong sabihin?" Kunot noo kong tanong."Mula pa po kaninang umaga ay naging usap usapan ang pabago bago niyang posisyon at sinasabi na iba daw talaga ang may kapit," paliwanag sa akin ni Mr. Kim."Bakit ngayon mo lang ito sinabi?" Inis kong salita dahil sa wala man lang akong kaalam alam na ponag uusapan na pala ang aking asawa."Dahil hindi naman po ito importante tulad ngayon na kailangan na po kayo makipag meet sa isang investor," paalala sa akin ni Mr. Kim.Bago pa man ako magsalita ay napansin ko agad ang papasok na si Ghie Anne sa loob ng building."Saan kaya ito galing?" Tanong ng aking isipan.Sinalubong ko ito na agad niyang napansin. Binati ako bago ito nag bow sa ak