Nagkatinginan sila ni Ken ng bumukas ang pinto ng elevator. Pinahinto pa nga ni Ken ang kaniyang assistant sa pagsasalita nito ng makita si Ghie Anne. "Oh, bakit hindi pa kayo sumakay?" Ani ni Jacob ng um-appear sa likuran bigla nila Ghie Anne. Napahinto si Jacob ng makita niya si Ken. "Ahhh...oo nga pala, bawal pa lang sumabay sa kaniya," sarcasm nitong salita na sinabayan pa ng ngiti. "Good morning, Sir." Bati ni Jacob. "Tara dito tayo sa kabila," sabay aya nito kala Ghie Anne kasama ng iba pang bagong hire na employee. Pero biglang lumabas sa may pintuan ang assistant ni Ken at tinawag silang lahat. Takang nagkatinginan sila Jacob at Glenda ng ayain silang sumabay na sa elevator kasama ang CEO. Maging si Ghie Anne ay nagulat din sapagkat noon una niyang punta ay hindi siya pinasabay ng mga empleyado dahil bawal daw. Pero ngayon ay pinasabay silang lahat. Nasa dulo banda sila Ken katabi ang assistant nito habang si Ghie Anne ay sa gitna banda. CHRISTOPHER KEN Iisang floor
GHIE ANNEHalos gusto ko ng tanggalin ang suot kong sapatos na may 3 inches heels. Sobrang sakit na kasi ng aking paa sa kakatayo at kalalakad sa buong maghapon. Hindi man lang ako nakaupo ng maayos o kahit tumagal man lang ng ilang minuto. At sa maghapon na iyon ay buti sana kung malapit lang ang nilalakad ko. Nakaupo ako sa may waiting shed at minamasahe ang aking binti habang inaantay ko ang parating na bus na aking sasakyan. Sa mga oras na iyon ay sadyang napakaraming mga pasahero sapagkat napasabay ang out ko sa rush hour at talagang ang kinaiinis ko ay siksikan pa ang mga bus.Kaya naman minabuti kong huwag munang sumabay sa mga pasahero dahil sa napapagod na rin ako at gusto ko munang maupo ng matagal."Ma'm Ghie Anne," tawag sa akin banda sa aking tagiliran.Si Mr. Kim nakatayo at nakatitig sa akin."B...bakit?" Tanong ko rito."Sumabay ka na po sa amin," ani nito na aking ikinataas ng aking kaliwang kilay."Hindi na Mr. kim, pakisabi na lamang ay ayos lang ako." Pagkasabi ko
Inaayos ni Ghie Anne ang kaniyang higaan ng lumapit sa kaniya si Ken na may dalang malaking paper bag."Ano yan?" tanong ni Ghie Anne ng iniaabot iyon ni Ken sa kaniya."Sayo," ani ni Ken.Kunot noong kinuha iyon ni Ghie Anne at sinilip."Binilhan kita ng maisusuot mo sa kompanya. Kanina kasi sa meeting ko napadaan ako sa mall at nakita ko ang mga iyan. Kaya naisip kong bilhin para sayo," paliwanag nito sa akin."Salamat na lang at baka madagdagan pa ang pagkakautang namin sayo," salita ko sa kaniya saka ko ibinalik kay Ken ang paper bag na may lamang damit.Alanganin pang kinuha iyon ni Ken at kita ni Ghie Anne ang paggalawa ng panga ni Ken na hudyat na nainis ba o galit ito sa sinabi ng dalaga.Mabilis itong tumalikod at tinungo ang pinto ng kuwarto bitbit ang paper bag.Nakaramdam ng kaba si Ghie Anne. Ano kaya ang gagawin ni Ken sa isinoli niyang damit.Binitiwan bigla ng dalaga ang dulo ng kumot at sinundan niya si Ken.Laking gulat ng dalaga ng ipasok ni Ken sa basurahan ang pa
Dala dala ni Ghie Anne ang kaniyang gamit papunta sa opisina ng CEO. Napapabuntong hininga na lamang siya sa tuwing naaalala niya ang nangyari kaninang umaga. Ngayon ay kailangan niyang mag ayos ng kaniyang gamit kapalit ng personal secretary nito. "Hi," bati ni Ghie Anne sa babaeng nag entertain sa kaniya mula pa ng mag punta siya sa opisina ni Ken noong gusto niyang i meet ang attorney nito. Hindi siya binati ng babae hindi katulad dati. Nag aayos din ito ng kaniyang gamit sa ibabaw ng kaniyang mesa. "Ahhhh... pasensya na, kahit ako hindi—" "No need to explain," sabi nitong bigla na ikinahinto ko agad. "Sa umpisa pa lang nakakaamoy na ako ng hindi maganda. Akala ko okay ang katayuan ko dito as CEO secretary. Pero bigla na lang akong pinababa para maging assistant ni Ma'm Glenda. Tell me Ms. Velasquez...ano bang ipinakain mo kay Sir at bigla bigla ka niyang ipinalit sa lugar ko?" Ani nito na may pagka sarcasm ang ngiti kay Ghie Anne. "Look Miss...i have no idea for what happen. K
Nakita ni Ken kung paano nagulat si Ghie Anne sa kaniyang ginawa matapos niyang ubusin ang tubig."Look Ghie Anne, wala akong pakealam kung malaman man ng lahat na mag asawa tayo dahil iyon ang totoo." Ani pa nito."May usapan tayo di ba? At nasa kontrata iyon," tayong bigla ni Ghie Anne."Yung kontrata pwede ko iyon sirain pero ang marriage certificate, hindi! Alam mo ba kung gaano kahirap ang sitwasyong ito?" Inis na salita ni Ken sa dalaga na ngayon ay galit na rin."Kung sapalay mo ginusto ko ang pangyayaring ito nagkakamali ka. Dahil sa maniwala ka man o sa hindi ayaw kong makasal sayo! At kahit kaylan hindi hindi kita magugustuhan bilang asawa ko." Ani ni Ghie Anne sabay ligpit ng mga pinagkainan nila."So, totoo nga? Mag asawa nga kayo?" Boses ng lalake na kapwa nila ikinalingon. "Sorry ha, narinig ko ata ang lahat. Kontrata? Ayaw maging asawa at ayaw ipaalam na mag asawa kayo? Parang ang gulo ng pinag uusapan ninyo na kapwa kayo galit na," si Jacob na nakatayo sa pintuan. "Na
Nakita ni Ghie Anne ang pag agos ng dugo mula sa ilong ni Ken na agad naman pinunasan ni Mr. Kim at tinakpan nito ng panyo ang ilong nito. "Sir, sorry...hindi ko sinasadya," ani ni Ghie Anne na sinenyasan naman ni Ken ang dalaga na huwag itong lumapit sa kaniya. May iilang empleyado ang nakasaksi ng pangyayari at ang mga mata ng mga ito ay kay Ghie Anne nakatingin. Alam ng dalaga na pinag uusapan siya ng dalawang empleyado na unang nakakita sa kaniyang ginawa. Inaamin ni Ghie Anne na sadya niya itong apakan pero ang mauntog siya sa mukha ng binata ay hindi at talaga naman natakot itong bigla ng makita ang dugo sa ilong ni Ken. Kasunod pa rin siya hanggang sa makalipat sila sa kabilang gusali sa kung saan makikipag meeting si Ken. "Mr. Lee? What the hell! What happen to your nose?!" Gulat na salita ng isang may edad na lalake kay Ken. "Well... somebody hit my nose by her head," ani ni Ken sabay lingon nito sa kay Ghie Anne na ewan ba ni Ghie Anne kung matatawa siya o hindi dahil s
"Hep! Where do you think your going?" Harang kong bigla kay Andie ng akmang sasakay ito ng kotse kung saan ngayon nakahiga si Ken. "Natural na sasamahan ko ang fiance ko, alangan na ipagkatiwala ko sayo?" Matapang nitong salita sa akin na halos tabigin nito ang aking kamay. "Bakit hindi mo balikan ang Daddy me kesa ang ipilit mo ang gusto mong mangyari? Nakita mo naman na dalawa na kaming umaalalay kay Ken," matapang ko ring salita dito. "The hell are you?! Kanina ka pa eh, alam mo naman sa simula pa lang na kami na ni Ken kaya puwede ba umalis ka sa pintuan!" Kasabay ng pagtabig nito sa akin na lalo kong kinainis. Bigla ko na lamang hinablot ang mahaba nitong buhok palayo sa may pintuan. "Aray! Aray! Take off your hands on me!" Tili nito na nakatawag pansin sa mga taong nasa paligid ng bar. "Kung sapalagay mo tulad pa rin ako ng dati nagkakamali ka," gigil kong salita. "Pakealamera ka talaga noon pa eh! Look, wala ka ng pag asa kay Ken dahil noon pa man sa akin na siya hindi si
Gulat si Ken ng mabungaran niya si Ghie Anne mismo sa may pintuan. Nakahalukipkip ang kaniyang mga braso na animo'y kanina pa siya nito inaantay. "Bakit?" Tanong ni Ken kasabay ng pagtanggal nito ng kaniyang amerikano suit at necktie. "Ano ang ibig sabihin ni Andie sa sinasabi nitong Fiance ka?" Taas ang isang kilay ni Ghie Anne sa tanong na iyon. "Hindi ko alam," sagot ni Ken sabay lampas niya kay Ghie Anne. "Anong hindi mo alam? Fiance mo daw siya? At saka sa loob ng limang taon nasa sistema mo pa rin si Andie?" Mga salita ni Ghie Anne kay Ken habang nakasunod ito hanggang sa kanilang kuwarto. "Tuloy kailangan ko ring sabihin sa kaniya na mag asawa tayo," ani nito sa likuran ni Ken without knowing na isa isa ng naghuhubad ng damit si Ken. "Wala namang masama sa sinabi mo. Unang una totoo naman iyon," at sabay hubad nito ng kaniyang pants at humarap kay Ghie Anne. "Ken!!" Sabay talikod ni Ghie Anne. "P'wede ba maging pribado ka naman sa paghuhubad mo," "Ikaw itong hindi umaal
GHIE ANNETama ba ang aking narinig?Si Nestor ba talaga ang kaharap ko?"Huwag mo akong niloloko ng ganyang salita," sabi ko na lamang na may ngiti sa aking mga labi kahit na nakikita ang pagkaseryoso nito sa kaniyang mukha."Hindi ako nagbibiro," mabilis na sagot sa akin ni Nestor."Nestor...huwag kang ganyan. Nakakailang," sabi ko sa kaniya na totoo naman talga. Napahinto na tuloy ako sa pagkain ng masarap na pagkain. "Ghie Anne...matagal na kitang gusto. Noon pa kung natatandaan mo ito. Hindi lang ako makalapit sayo noon dahil sa masyado kayong close ni Ken..kaya naman noong nagkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan nagkaroon ako ng pagkakataon na makalapit sayo. Maniwala ka na noon pa kita gusto," ani ni Nestor sabay hawak nito sa aking kamay na nasa ibabaw ng mesa.Hindi ako agad naka react sa aking narinig. Dahil biglang nag flash back sa akin ang nakaraan ng mga panahon na si Nestor lamang ang nagpasaya ng mga araw ko sa panahon na iniiwasan ko si Ken. At alam ko na noon na may
Tahimik ang lahat sa conference room ng dumating si Ken upang makinig at manood sa presentation ng dalawang team na hawak ni Ghie Anne. Syempre na roon din si Jacob at Nestor na nakatabi pareho kay Ghie Anne. "Sandali," pahinto ni Ken sa team one na nagpapaliwanag tungkol sa presentation ng bago nilang product packaging. "Do you think it will pass the standard in all convenience store on each of their shelves if the packaging is this big?" Tanong ni Ken sa leader ng team one. "Can you see guys na masyado itong malaki at kapag i-display ito sa shelves ilang piraso lang ang mailalagay," Nagtaas bigla ng kamay si Ghie Anne na agad tinanguan ni Ken. "Sir, can you please listen first to the presentation of my team? And nasa next page ang bawat sizes ng packaging ng ready to eat meal." Derektang salita ni Ghie Anne kay Ken. Lahat ng naroon sa kuwarto ay nakatingin sa kanilang dalawa. "So ibig sabihin nito na kapag sa convenient store ang ready to eat meal ay itong maliit na size ang n
ANDIE "Ano ba ang mahalaga nating pag uusapan?" Bungad agad sa akin ni Nestor bago ito naupo banda sa aking harap. Inimbitahan ko kasi itong kumain sa labas upang alukin sa aking plano. Dahil alam ko na noon pa man ay gustong gusto na niya si Ghie Anne. Kaya nga hanggang ngayon ay nanatili itong single kahit na maraming mga babaeng nagkaka interes sa kaniya. Ni isa ay wala itong na i-date na babae. Dahil minsan ko na itong napanood sa interview na meron siyang inaantay na tao na noon pa niya gusto. "Let's eat first," sabi ko sabay buklat ko ng menu. "May mga bagay pa akong gagawin Andie kaya sabihin mo na ang dapat mong sabihin," ani ni Nestor sa seryosong mukha. "Ohhh, well...i'll go straight to the point. Do you like Ghie Anne?" Derekta kong tingin sabay lapag ko ng menu sa isang tabi. "Inimbitahan mo lang ba ako para sa ganyang tanong?" He smirked. "Alam mong mahal na mahal ko si Ken at gagawin ko ang lahat para mapasa akin siya. Ikaw? Gaano mo kagusto si Ghie Anne? Sa pagka
GHIE ANNE Unti unting nagdilat ang aking mga mata at doon ko lang napansin na nasa ibang kuwarto ako. Mabilis ang aking pagkilos at napaupo akong bigla upang malaman lang na nasa opisina ako ni Ken. "How are you now?" Boses na aking ikinalingon. Si Ken nakaupo sa kaniyang office chair habang may ginagawa ito sa kaniyang personal na computer. "A...anong nangyari? Kasama ko kanina—" "Matagal mo na bang sakit iyan? Bigla ka na lang matutulog ng wala sa oras," sabay tingin nito sa akin. "Hindi. I mean oo! At bihira lang ito mangyari sa akin," sabi ko sabay tayo ko at inayos ko ang aking sarili. "My father wants to have a dinner with you," biglang sabi sa akin ni Ken. "Ha?" Ang tanging nasambit ko habang nakatingin sa kaniya na busy naman sa pagtingin nito sa monitor nh kaniyang computer. "Andito si Daddy at gusto ka niyang makita bago siya umuwi ng mansion," ani nito sabay sulyap niya saglit. "At kailangan mong magpa Psychiatry dahil sa kondisyon mong iyan," habol nitong salita.
"Hi!" Bungad ni Nestor sa pintuan ng opisina ni Ghie Anne."Oh, ikaw pala. Tapos na ang show mo?" Tanong ni Ghie Anne kay Nestor na palapit na sa dalaga."Kain tayo sa baba," aya ni Nestor."Sure," mabilis na sagot ni Ghie Anne.Inayos ng dalaga ang kaniyang gamit sa ibabaw ng kaniyang mesa bago hinubad niya ang coat niya puti na uniform nila sa lab at isinabit. Nakangiti ang dalaga na sumabay kay Nestor tungo sa elevator pababa sa canteen."Masarap ang menu ng canteen ninyo ngayon kaya mag eenjoy tayo," ani ni Nestor.Maraming empleyado ang nakapila dahil sa mga oras na iyon at lunch time na. Pumila din sila at habang napila ay nag uusap sila ni Nestor.Sadyang kwela talaga ang binata kaya naman hindi maiwasan na tuwang tuwa si Ghie Anne sa presensiya nito. Ang saya ng mukha ni Ghie Anne ay hindi nakawala sa paningin ni Ken na kasalukuyang kumakain din sa canteen kasama ang Assistant nito at ang kaniyang Daddy na Chairman ng Company."Andito pala ang Chairman," mahinang salita ng i
Napatitig si Ken sa hawak niyang stick ng sigarilyo na kasalukuyan niyang hinihithit. "Kailan ka pa natutong manigarilyo? Hindi ka naman naninigarilyo dati ah!" Sita ni Ghie Anne kay Ken. "Dati iyon Anne. Sa nagdaang limang taon sa palagay mo ba ako pa rin ang Ken na nakilala mo? Kung ikaw nga ang laki ng ipinagbago mo ako pa kaya?" Sabi ni Ken kay Ghie Anne. "Kung ganun huwag mong ipakita sa akin ang paninigarilyo mo," sabi ni Ghie Anne sabay talikod nito at padabog na isinara ang sliding door ng terrace. "What the heck!" Sabay pitik ni Ken sa stick na kaniyang hawak. Pagpasok niya ay dumeretso siya sa banyo upang maglinis ng kaniyang katawan. Matapos ang ilang minuto ay lumabas si Ken sa banyo ng tanging tuwalya lamang ang nakabalot sa kaniyang pang ibabang bahagi ng kaniyang katawan at sobrang ikli nito. "Ano ba Ken! Sinabihan na kita na hindi lang ikaw ang narito sa kuwarto, bakit kailangan mong lumabas ng ganyan lang ang itsura mo?!" Ani ni Ghie Anne na nakapaling na ang k
GHIE ANNE"Kasama si Andie?!" Gulat ko sa aking narinig kasabay ng aking pagharap."Oo kailangan siya roon pati si Jacob. Sila kasi ang naging front ng kausapin nila ang merging ng two companies," paliwanag noya sa akin.Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit bigla may kung anong kirot at inggit na hindi ko maipaliwanag? Bakit parang naiinis ako ng marinig kong kasama niya si Andie? Paano kung gawin uli nito ang nakita niya noong nalasing si Ken? "Kung wala ka ng itatanong matutulog na ako," sabi ni Ken sabay talikod nito sa akin.Padabog kong itinapon sa aking higaan ang hawak kong unan at saka ako nahiga na nagngingitngit ang aking kalooban."Bakit kayo aabutin ng tatlong araw doon?" Pabalikwas kong upo mula sa aking pagkakahiga pero hindi na kumibo pa si Ken."Tulog ka na agad?" Muli kong tanong na baka gising pa ito pero hindi na talaga ito kumibo pa.Kainis! Anas ng aking isipan.Bakit tatlong araw sila doon? Sa tatlong araw na iyon baka kung ano ang gawin ni Andie kay Ken.Haizz
Isang linggo rin ang lumipas mula ng mag umpisang mag work si Nestor sa company ni Ken. Naging patok ang produktong ini launch ng company sa panlasa ng masa. At naging sikat si Nestor sa harap ng camera bilang isang chef na nagtuturo sa bawat audience na naroon sa shoot. "Ma'm, mag uumpisa na po ang show." Ani ni Laarnie ang leader ng team one. Napangiti si Ghie Anne bago sumenyas na mauna na at susunod siya. Naglalakad na siya patungo sa elevator ng marinig niya ang sunod sunod na tunog ng takong sa kaniyang likuran. Kaya naman nagulay siya kung mapag sino iyon ng sumabay ito sa pagsakay ng elevator. "Hi, Ghie Anne!" Nakangiti nitong bati kay Ghie Anne. "So, how's your contract marriage? Matagal din bago tayo hindi nagkausap, ah! Ano ba ang pakiramdam ng pekeng asawa?" Sarcastic na salita ni Andie. "Ano bang sinasabi mo?" Inis kong tanong rito na hindi ko na binigyan pa ng panggalang. "I know naman na contract marriage lang ang nasa pagitan ninyo ni Ken. So tell me, how many d
CHRISTOPHER KEN"Mr. Kim, kumusta si Ghie Anne sa bago niyang trabaho?" Tanong ko sa aking assistant na kasabay kong bumaba galing opisina."Naging usap usapan po siya ngayon dito sa loob ng kompanya, Sir." Sagot nito na aking ikinagulat. Huminto ako sa aking paglalakad at hinarap ang aking assistant."Anong ibig mong sabihin?" Kunot noo kong tanong."Mula pa po kaninang umaga ay naging usap usapan ang pabago bago niyang posisyon at sinasabi na iba daw talaga ang may kapit," paliwanag sa akin ni Mr. Kim."Bakit ngayon mo lang ito sinabi?" Inis kong salita dahil sa wala man lang akong kaalam alam na ponag uusapan na pala ang aking asawa."Dahil hindi naman po ito importante tulad ngayon na kailangan na po kayo makipag meet sa isang investor," paalala sa akin ni Mr. Kim.Bago pa man ako magsalita ay napansin ko agad ang papasok na si Ghie Anne sa loob ng building."Saan kaya ito galing?" Tanong ng aking isipan.Sinalubong ko ito na agad niyang napansin. Binati ako bago ito nag bow sa ak