ONE MONTH LATER
“GWAPO na romantic pa!” ang kinikilig na turan ni Lea, isa sa mga kaklaseng babae ni Anya.
“Kung ako ang girlfriend mo, hay naku wala na akong mahihiling pa!” si Janice naman iyon saka inilapit sa mukha nito ang hawak na campus journal at matunog na hinalikan. Doon natatawa niyang nilapitan ang dalawang kaklase.
“Anong nangyayari sa inyo?” ang amuse niyang tanong.
Umikot ang mga mata ni Lea habang nakangiting nakatingala sa kanya. “My god Anya hindi mo ba alam? Ah, baka hindi mo pa nababasa ang unang issue ng campus journal natin para sa sem na ito?” anito sa tinig na hindi makapaniwala.
Umiling siya. “Hindi pa nga, bakit ano bang meron?” aniyang kinuha sa kaklase ang hawak na dyaryo.
“Tingnan mo, hindi ba ang gwapo? At siya ang nagsulat ng tulang iyan! Bukas! Sana ikaw nalang ang bukas
NANG sumunod na araw matapos ang reporting nilang dalawa ay kapansin-pansin ang naging pag-iwas ni Tristan kay Lawrence. Naguguluhan man pero minabuti niyang hayaan nalang ito. Isang linggo ang nakalipas at ipinagtaka niya ng husto ang magkakasunod na absenses nito. Sinubukan niya itong tawagan pero palagi na’y naka-off ang cellphone nito. Pauwi na siya noon nang marinig ang isang pamilyar na tinig na tumawag ng pangalan niya. Napangiti siya nang makita itong nakatayo sa may gate ng university saka nagmamadaling lumapit sa kanya. “Hi,” hindi niya hinihiwalayan ng tingin ang mukha ni Anya nang makalapit ito sa kanya.Matamis ang ngiting sumagot ito. “Hello, pauwi kana ba?” Tumango siya. “Bakit?” Nagkibit ito ng balikat. “Wala lang, ayoko pa kasing umuwi, saan ka ba nakatira?” “Diyan lang sa may pagliko, teka, gusto mo bang pumasyal sa bahay?” naisip niyang itanong.
“BAKIT ba simula nung pumasok ako palagi ka nalang nagmamadali. Saka isa pa, saan ka nagpupunta?” salubong ang mga kilay na tanong sa kanya ni Tristan. Martes at gaya ng dati kasabay niya ito sa pagkain ng lunch. Ang kaibahan nga lang ay wala sina Carol at Joy. Kagaya niya ay may nobyo narin kasi ang dalawa kaya hindi na niya nakakasabay sa pagkain ng pananghalian ang mga ito ilang araw narin ang nakalipas. “Ano bang sinasabi mo?” medyo irita niyang tanong saka nakasimangot na sinulyapan si Tristan. Aminin man niya o hindi, talagang naiinggit siya kina Joy at Carol. At least ang mga ito malayang nakakasama ang kani-kanilang mga nobyo. Habang siya, guwardiyado ni Tristan. Maiintindihan pa siguro niya kung kuya niya ito. Dahil gaya na nga ng sinabi niya noon, may limitasyon ang panghihimasok ng isang kaibigan. Mabuti na nga lang at mabait si Lawrence, naiintindihan nito ang sitwasyon ni Tristan kaya ito nagbibigay.
“NAGPUNTA dito si Tristan kanina, nag-away daw kayo?” magkaharap sila noon sa mesa ni Loida at kumakain ng hapunan. Nagulat man pero nagawa iyong itago ni Anya at sa halip ay kalmado ang mukhang ipinagpatuloy ang pagkain. “Nakakainis na kasi siya Ma, lahat nalang pinakekealaman, dinaig pa kayong dalawa ni Papa,” pagsasabi niya ng totoo. Mabait ang ngiting pumunit sa mga labi ni Loida. “Pinagpasensyahan mo nalang sana, alam mo namang may sakit. Paano kung biglang inatake?” Napasimangot siya sa narinig. “Hindi naman kasi pwedeng lagi nalang iyon ang pinapanakot at idinadahilan niya. Pati pakikipagkaibigan ko sa iba gusto niyang panghimasukan,” aniyang hindi naitago ang pagkayamot sa tinig. Nagbuntong hininga si Loida bago nagsalita at tinapos ang pagkain. “O siya, matutulog na ako. Ikaw na ang bahala dito at maaga pa akong babangon bukas.” Tumango siya. “Good night po.” “T
NAGISING si Anya kinabukasan na wala na ang binata sa tabi niya. Mabilis siyang napabalikwas ng bangon saka pagkatapos ay nilamon ng kaba at takot ang kanyang dibdib. Nag-iinit ang mga mata niyang binuksan ang cabinet ng damit ni Lawrence para lang mapahagulhol nang iyak nang makitang napakalinis niyon at wala na ni isang piraso ng damit at gamit ang natira. Impit siyang napahagulhol sabay naupo sa tinulugang kama. Wala na ang lalaking pinakamamahal niya, iniwan na siya. Gusto niyang magalit pero bakit parang hindi nagkakapuwang iyon sa puso niya? Dahil ba alam naman niya ang dahilan kung bakit ito nagawa ng binata sa kanya? At alam niya mismo sa sarili niyang pareho lang silang nasasaktan? Nagpahid siya ng luha saka lumabas ng silid. Sa sala agad na nahagip ng paningin niya ang isang papel sa ibabaw ng center table. Malalaki ang mga hakbang niya iyong nilapitan, dinampot at binasa. Anya,
TWO YEARS LATER… “TITO Lawrence!” sa pagkakarinig sa matinis at munting tinig na iyon ay maluwang na napangiti ang binata saka hinarap ang tumatawag. Nasa entrance siya noon ng Festive kausap ang isang customer na agad ring nagpaalam pagkuwan. “Hey! Kumusta ang pamangkin kong gwapo?” ang masaya niyang salubong kay Ismael. Anak ng kuya niyang si Fritz at ng hipag niyang si Julia. Noon nagtatakbo patungo sa kanya ang tatlong taong gulang na bata na kamukhang-kamukha ng kuya niya. “Aba, ang bigat mo na ah? Big hug mo si Tito para may gift ka mamaya sa kanya,” nakangiti niyang turan kaya mabilis namang mahigpit na yumakap sa kanya si Ismael. “Kumusta?” si Fritz na kahawak-kamay ang asawa nitong halatang masayang-masaya dahil sa kakaibang kislap ng mga mata. Nagkibit siya ng balikat saka iginiya papasok ang mag-asawa. “Okay naman, mabuti napadalaw kayo? At bumiyahe pa talaga kayo mula Tagaytay?” simula kasi ng maik
“MUKHANG masaya ka?” kinahapunan ay dumating si Fritz para sunduin ang Yaya at anak nitong si Ismael. Umangat ang makakapal na kilay ni Lawrence saka nakangiting isinandal ang likuran sa kinauupuang swivel chair. “Guess what?” siya man ay naramdaman ang kakaibang kasiglahang kalakip ng kanyang sinabi. Nakangiting ibinagsak ni Fritz ang sarili sa mahabang sofa saka itinaas ang mga binti sa center table. “Ginawa mo pa akong manghuhula. Bakit nga?” amuse nitong tanong. Noon siya tumayo saka naupo sa katapat na sofa ng kinauupuan ng kanyang kuya. “Naalala mo ba iyong naikwento kong babaeng dinala ko sa ospital two years ago?” Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Fritz na tila ba inaaalala ang sinabi niya. “Iyon bang dinala ninyo ni Rodel?” Tumango siya. “Maniniwala ka ba kapag sinabi ko sa’yong siya ang dahilan kung bakit nag-drop ako sa university na pinapasukan ko noon sa Maynila? At maniniwala ka rin bang siya ang nag-iisang
“MUKHANG napapadalas yata ang pasyal dito ni Lawrence ah?” ang Mama niya matapos niyang samahan sa may labasan si Lawrence. Matamis ang ngiting sumilay sa mga labi ni Anya saka tinulungan sa pagliligpit ng mesa ang kanyang ina. “Hindi ko pa nga po pala naikukwento sa inyo.” Umangat ang magagandang kilay ng Mama niya. “Ang alin? Na siya ang first boyfriend mo?” Taka niyang pinakatitigan si Loida. “Kinuwento sa inyo ni Papa?” Tumawa ng mahina ang Mama niya saka tumango-tango. “Sa totoo lang masaya kaming makita kang masaya. Kung nakikita mo sana ang kakaibang kislap sa mga mata mo ngayon, parang noong nasa kolehiyo ka, noong unang taon mo sa kolehiyo,” nasa tono ng pananalita ni Loida ang sinabi. Nakuha niya ang ibig nitong sabihin kaya lumuwang ang pagkakangiti ni Anya doon. “Sa tingin ninyo? Hindi naman masamang subukan ko ulit kung sakali hindi po ba?” Magkakasunod na umiling si Loida. “Pwede kayong magsimulang muli,
“HINDI kasi nagdadala ng babae dito ang batang iyan kaya pasensya kana kung nagulat ako kanina nang makita ka,” ang ina ni Lawrence na si Roma kinagabihan habang pinanonood niya ito sa paghahanda ng hapunan. “Wala po siyang ipinakilala sa inyo kahit isa?” ang hindi makapaniwala niyang tanong. Tumango si Roma. “May nababanggit siyang nobya niya pero hanggang sa maghiwalay sila ay hindi ko naman nakita.” “Walang ibang babae akong gustong ipakilala sa pamilya ko maliban sa’yo, kasi mahal na mahal kita." Nang maalala ang sinabing iyon sa kanya ni Lawrence ay napuno ng hindi maipaliwanag sa saya ang puso niya. “Nay, aalis muna kami sandali!” magkasabay pa silang napalingon ni Roma sa likuran niya nang biglang pumasok doon si Lawrence. Salubong ang mga kilay na nagsalita ang ina ng binata. “Saan kayo pupunta? Malapit nang maghapunan ah?” “Nakalimutan ko, binyag nga pala noong anak ni Rodel. Ninong ako eh, saglit lang
NAGISING si Sara kinabukasan na kulong ng malalaking bisig ni Benjamin. Napangiti siya saka pinakatitigan ang pinakagwapong mukhang nasilayan niya. At nang mapadako sa mapupulang labi ng binata ang kanyang paningin ay mabilis siyang pinamulahan. Kagabi, nagawang punuan ng mga halik at haplos sa kanya ni Benjamin ang mahabang panahong pagkakawalay nila sa isa’t-isa. Isa iyon sa maraming dahilan kung bakit hindi niya pinagsisisihang ipinagkaloob niya rito ang sarili niya. At kung sakali man halimbawang maibabalik ang virginity niya alam niyang walang pagdadalawang isip niyang ibibigay muli iyon sa binata.“Good morning” nagulat pa si Sara nang marinig ang sinabing iyon ng katabi.Lutang ka kasi kaya hindi mo napansing kanina ka pa niya pinanonood na nakatanga sa kanya. Ang kabilang bahagi ng isip niya.“Good morning” ang napapahiya niyang sabi saka pasimpleng pinakawalan ang sarili mula sa mahigpit na pagkakayakap parin sa kanya ng bi
“TUMAHAN ka na, baka makita ka ng Papa mo, magtataka iyon” alo sa kanya ni Roxanne nang araw na dalawin siya nito sa mansyon. Nasa kwarto niya sila nang mga sandaling iyon kaya hindi niya nakontrol ang sariling emosyon.Ang totoo malaki ang pasalamat niya at dinalaw siya ng kaibigan niya. Tatlong araw narin kasi ang nakalilipas mula nang mangyari ang pagtatalo nilang iyon ng kanyang ama. Kinuha ni Roberto ang kanyang cellphone. Grounded siya dahil sa ginawa niyang pakikipagtalo rito. Kaya hindi na niya nakausap o naitext si Benjamin at maging si Roxanne.“Ayokong umalis dito Roxanne, paano na kami ni Benjie?” aniyang pinahid ang luhaang pisngi.Noon hinawakan ng kaibigan niya ang kanyang kamay saka iyon pinisil. “Mag-usap kayo, iyon ang mas magandang gawin” suhestiyon ni Roxanne.“Paano? Grounded nga ako ng one week di ba?” hopeless niyang sagot.“Teka, iyon bang cellphone mo naka-off?” na
“I’M happy for you. Mabuting tao si Benjamin kaya siguradong hindi ka niya sasaktan” masayang wika ni Roxanne nang araw ng Lunes.“Alam ko, saka nararamdaman ko namang mahal na mahal niya ako” sang-ayon niya.“Sana ganoon ka rin sa kanya. At kung sakali sana ipaglaban mo siya Sara” nakita niyang rumehistro sa mga mata ni Roxanne ang pag-aalala para sa kanyang nobyo.Noon siya nagbaba ng tingin. “Nagkasundo kasi kaming ilihim muna ang relasyon namin” aniyang nag-angat ng ulo pagkatapos.“Nandoon na tayo at iyon naman talaga ang inaasahan ko Sara. Pero alam mong wala namang lihim na hindi nabubunyag di ba? Paano kapag aksidenteng nahuli kayo ng Lolo mo? Alam mo ba kung ano ang pwedeng maging kapalit ng lahat ng ito?”Sa sinabing iyon ng kaibigan niya ay mabilis na nilamon ng pangamba ang kanyang dibdib. “Hindi naman siguro ganoon kasama ang Lolo kasi di ba kaibigan naman niya ang
TEN YEARS AGO…“NAGUSTUHAN mo?” kahit halata kay Sara na tuwang-tuwa ito sa regalo niyang bisikleta ay naisipan paring itanong ni Benjamin. Nasa likuran sila noon ng mansyon.“T-This is too much!” nabasag ang tinig ni Sara doon.“Hey! Ano ka ba, binigay ko ito sayo kasi gusto kitang mapasaya” aniyang natatawang hinawakan ang braso ng dalaga saka ito hinila palapit sa kanya. Noon na nga kumawala ang pinipigilan nitong mga luha.“I-Iyon na nga eh, ang saya-saya ko Benjie. Sobra” anito habang nakangiting binubukalan ng luha ang mga mata.Noon, sa pinakabanayad na paraan niya hinaplos ang luhaang mukha ng dalaga. “Kung alam mo lang, mas higit pa diyan ang gusto kong ibigay sa’yo” ang makahulugan niyang sabi. Gusto kong ibigay sa’yo ang puso ko, hindi ko lang tiyak kung tatanggapin mo.SA narinig ay tuluyan na ngang napahagulhol ng iyak si Sara saka mahigpit na yumakap
“HI Lolo” ang masiglang bati ni Sara sa Lolo niya kinagabihan nang araw ring iyon. Oras na ng hapunan at gaya ng dati nasa komedor na ito at naghihintay sa kanyang pagbaba.Nakangiting siyang pinagmasdan ng matanda. “Kumusta ang pamamasyal ninyo ni Benjamin kanina?”Taka niyang nilingon ang kanyang Lolo. “S-Sorry hindi po ako nakapagsabi sa inyo” totoo iyon sa loob niya. “nahihiya naman kasi akong istorbohin kayo kasi alam kong busy kayo. Pero nagsabi po ako kay Aling Norma” paliwanag niya.Maaliwalas ang bukas ng mukhang tumango ang kanyang Lolo. “Siya nga ang nagsabi sa akin, pero bago iyon ipinagpaalam ka na sa akin kagabi pa ni Benjamin” ang matandang sinimulan na ang pagkain.Nabitin sa ere ang kutsara ng pagkain na hawak ni Sara. “He did?”“Oh, bakit parang nasorpresa ka? Hindi ba niya binanggit sayo ang tungkol doon?”Umiling siya. “Wala po siyan
PARANG ipinako sa kinatatayuan niya si Sara nang malabasan kinabukasan si Benjamin sa garahe ng mansyon. Kinikilig siyang napangiti at nang maramdaman marahil ng binata ang presensya niya ay agad itong nagtaas ng ulo mula sa binabasang libro saka siya nginitian.Magagaan ang mga paa siya lumapit sa binata. Hindi niya maintindihan kung bakit para siyang nakalutang nang mga sandaling iyon? Siguro dahil iyon sa magagandang kislap ng mga mata nito na lalong pinatingkad ng angkin at natural nitong kagwapuhan.“Good morning Ma’am” biro nito sa kanya.“Shut up Benjie” aniyang napabungisngis. “I’m happy to see you here.”Pinagbuksan siya nito ng backseat. “Same here, halika na?” anito.“anong oras ang labas mo? Ang instruction kasi sa akin ni Don Antonio eh lagi raw tayong magsabay sa pagpasok at pag-uwi” tumatakbo na noon ang kotse at mula sa rear view mirror ay nakita niyang sumulyap sa kany
KINABUKASAN sa university minabuti niyang sadyain si Benjamin sa college building nito. Sakto namang nasa labas corridor ang binata nang marating niya ang second floor ng gusali. Malayo palang ay nakangiti na ito nang makita siya, at lihim siyang kinilig dahil doon.“May kailangan ka?” ang mabait nitong tanong nang makalapit siya.“Kukumustahin lang kita” aniyang sinipat ang pasa sa kaliwa nitong pisngi.“Okay lang ako” anito saka siya tinitigan ng matagal.“M-May pasok ka ba mamaya sa panciteria?” hindi niya naiwasan ang panginigan ng tinig epekto ng titig sa kanya ni Benjamin.Noon biglang nalungkot ang mga mata ng binata saka tumingin sa malayo at nagsalita. “Natanggal ako eh” anito saka siya sinulyapan.“Ano? Ikaw na nga itong sinaktan ikaw pa ang tinanggal?”“Hayaan mo na iyon, makakahanap naman ako sigurado ng bagong trabaho” si Benjamin na pinat
“MISS?” nang magising si Sara ay babaeng nurse ang nagisnan niya.Nakangiti itong humarap sa kanya. Nakita niyang nagbuka ito ng bibig para magsalita pero napigil iyon nang mula sa partisyong kurtina ng Emergency ng ospital ay sumilip si Benjamin. “Okay na miss” pagtataboy pa nito sa nurse.Parang hihimatayin siyang muli nang maiwan siyang mag-isa kasama ito. Mabilis siyang umiwas ng tingin pero napilitan rin siyang harapin ito nang magsalita ang binata. “Ano nang nararamdaman mo?” concerned nitong tanong.“O-Okay lang ako, salamat” aniyang ngumiti habang hindi alintana ang malalagkit na titig ni Benjamin sa kanya.“Good, ang sabi ng doctor pagod daw, at stress normal lang din na himatayin pagkatapos ng matagal na panahon” makahulugan nitong sabi saka amuse na ngumiti sabay kibit ng balikat.Nanlaki ang mga mata ni Sara sa narinig. “S-Sinabi mo iyon?”Lumapad ang pagkaka
MAGANDA ang sikat ng araw kinabukasan. Iyon ang araw ng alis ni Benjamin pauwi ng San Fernando. Bukas na ang graduation day kaya naman minabuti niyang ngayon na bumiyahe at magpalipas nalang ng gabi doon.Sinunod niya ang payo ng dalawang matanda na mag-break muna ng sa kanyang trabaho at magbakasyon. Matagal na panahon narin naman kasi ang nakalipas mula nang mag-leave siya. Kaya naman nag-file siya ng indefinite leave.After graduation ay tutuloy siya ng Don Arcadio, ang kalapit na bayan ng San Fernando para doon ituloy ang kanya pagbabakasyon. Kilala ito sa magaganda nitong beaches and resorts. Isa sa mga dahilan kung bakit dinarayo ito ng mga turista at mga taga-lungsod.“Tutuloy na ho ako” aniyang niyakap ang kanyang Lola at ang Lolo naman niya pagkatapos. Seventy five na si Benito habang seventy naman si Nena. Pero sa awa ng Diyos, malalakas pang pareho ang mga ito na labis niyang ipinagpapasalamat.“Mag-iingat ka, at kung may pagk