Nawala ang halik at bumagsak siya pabalik sa sopa. Ang kanilang ritmo ay bumilis na parang disco at siya ay bumubulong, "oh yes, oh yes, oh yes, oh, oh, oh, oh." Sinimulan niyang ipagsalpok ang kanyang sarili nang mas matindi sa kanya sa bawat pag-angat, sinasalubong ang kanyang ulo pabalik-balik at kinagat ang kanyang mga ngipin. Pagkatapos, ang buong katawan niya ay humigpit, bawat kalamnan ay tense. "AAAAAAAAAHHHHHHHHHH!" ang lumabas mula sa kanya nang siya ay labasan nang matindi.Pagkalipas ng ilang segundo, nahulog siya pabalik, hingal na hingal. Ang kanyang mga mata ay malabo nang buksan niya ito at tumingin sa kanya. Sa pagitan ng mga hingal na paghinga, sinabi niya, "Nilabasan ka ba?""Hindi," sabi niya, "hindi ako sigurado kung kaya ko na ulit.""Pagkatapos noon, kailangan mo talagang gawin. Magpatuloy ka."Bagaman napapagod na siya, nagsimula siyang muling mag-ulos, dahan-dahan, upang makabawi siya ng hininga. Pumikit siya at mabilis kaming bumalik sa ritmo ng disco. Ipinag
“Ayoko! Louie, bitawan mo ako!” Nagpupumiglas siya pero masyadong malakas si Louie.Hanggang sa—BAM!Napatigil silang dalawa nang bumukas ang pinto ng kanilang kwarto at pumasok ang kasambahay nila.Nanlaki ang mata ng babae. “Ay Diyos ko, pasensya na po! Akala ko po tulog pa kayo! Ihahatid ko lang po sana ang mainit na tubig!”Nag-freeze si Klarise, pero si Louie naman ay nagawa pang ngumiti at kumaway sa kasambahay. “Good morning, Manang! Tamang-tama, magsha-shower na kami ni wifey.”“ANONG—” Bago pa matapos ni Klarise ang sasabihin niya, napagtanto niyang pareho silang hubad ni Louie at ang tanging bumabalot lang sa kanila ay kumot.Dahil sa kahihiyan, bigla siyang lumusot sa ilalim ng kumot at tinakpan ang buong katawan niya. “MANANG, LUMABAS KA NA!!!”“O-Opo, ma’am! Pasensya na po talaga!” mabilis na sagot ng kasambahay bago dali-daling isinara ang pinto.Muling nagkatahimikan sa loob ng kwarto.Si Louie naman ay napahagalpak ng tawa. “Klarise, hindi ka makahinga diyan sa ilalim
Habang nasa kama pa si Louie, lumabas siya ng silid at nagtungo sa kusina. Pero hindi pa siya nakakalayo nang marinig ang baritonong tinig nito.“Wifey, saan ka pupunta?”Napapitlag siya at dahan-dahang lumingon. Ang lalaki, nakasandal sa pintuan ng kanilang silid, nakataas ang isang kilay, at walang suot kundi pajama—walang pang-itaas.Masyadong maaga para sa ganitong eksena!Napalunok siya. “A-ano... magluluto ng almusal.”Napangisi si Louie. “Wow, gusto mo akong ipagluto? Ang sweet mo naman.”Umirap siya. “Para sa sarili ko ‘yon.”Naglakad na siya papunta sa kusina, pero bago pa siya makalayo, mabilis siyang hinila ni Louie pabalik. Napasandal siya sa matigas nitong dibdib, at ramdam niya ang init ng balat nito sa kanyang likuran.“Pero wifey,” bulong ni Louie sa kanyang tainga, “hindi mo ba ako ipagluluto? Pagod na pagod ako kagabi, ah.”Namula ang buong mukha niya.“L-Louie, bitawan mo nga ako!” pilit niyang pag-alis sa hawak nito, pero lalo lang nitong hinigpitan ang yakap.“Nah
Sa isang tahimik na umaga sa bagong bahay nina Klarise at Louie, mukhang hindi magiging payapa ang araw para kay Klarise."Wifeyyyyyy!"Napapitlag si Klarise nang biglang may bumalot na mainit na yakap sa kanya mula sa likod. Kakagising pa lang niya, at heto na naman si Louie—mangungulit na naman!“Louie, ano ba?! Hindi pa ako nakakapaghilamos!” reklamo niya, pero sa halip na lumayo, mas lalo pang hinigpitan ni Louie ang yakap niya.“Ano namang pake ko? Eh kahit hindi ka pa naghihilamos, maganda ka pa rin naman.” Dinampi pa nito ang labi sa balikat niya.“Eew, Louie! Ang corny mo!”“Hmm… E di sabihin mo na lang na kinikilig ka para tapos na!” pilyong sagot ni Louie habang hinahalikan ang pisngi niya.Namula si Klarise at pilit siyang kumawala, pero masyadong malakas si Louie. “Ang aga-aga, nanggugulo ka na naman!”“Hmmm…” Inikot ni Louie ang katawan niya paharap at seryosong tinitigan siya. “Kasi may iniisip ako.”“Ano na naman ‘yan?”Hinaplos nito ang tiyan niya at ngumiti nang nakak
Kinabukasan nagkaroon ng surprise visit ng kanilang ina.“Klarise!!! Anak!!!”Nabitawan ni Klarise ang kutsarang hawak nang biglang bumukas ang pinto ng bahay nila at pumasok na parang bagyo ang kanyang ina na si Pilita. Kasunod nito si Georgina, ang ina ni Louie, na may dalang dalawang malaking paper bag ng mga pagkain at prutas.“Ma?! Tita?!” gulat na gulat niyang sigaw habang napaatras. “Ano’ng ginagawa niyo dito?!”“Bakit? Bawal ba kaming dumalaw sa aming mga anak?” sagot ni Georgina na dumiretso agad sa kusina at inilapag ang dala nitong pagkain sa counter. “Nagpaalam naman kami kay Louie!”“Ano?!” Mas lalong lumaki ang mata ni Klarise. “Louie!!!”Walanghiya. Ni hindi man lang siya sinabihan ng asawa niya na dadalaw ang mga ito?!Halos napamura siya nang biglang bumaba si Louie mula sa hagdan, nakangisi at parang aliw na aliw sa reaksyon niya.“Good morning, wifey,” bati ni Louie sabay halik sa pisngi niya. “Nagulat ka ba?”“Ano sa tingin mo?” malamig niyang sagot habang pinandil
Maagang nagising si Klarise nang maramdaman niyang may nakayakap sa kanya. Nang imulat niya ang kanyang mga mata, napagtanto niyang mahigpit siyang nakakulong sa bisig ni Louie.“Louie, bitawan mo na ako,” mahina niyang sabi.Pero imbes na bumitaw, mas lalo pa itong humigpit ang yakap. “Hmmm… hindi pa pwede.”“Louie, may trabaho ako ngayon!”“Edi, wag kang pumasok.”“Hoy! Ang kapal ng mukha mo! Tumigil ka nga—”Ngunit hindi na siya natapos magsalita nang biglang halikan siya ni Louie sa noo. “Kasi gusto kitang makasama buong araw.”Natigilan si Klarise.“Gusto kitang alagaan.”Bumilis ang pintig ng puso niya. Parang gusto niyang mapikon sa kakulitan nito, pero sa isang banda… kinikilig siya.“Hmm… gusto ko rin naman sanang mag-stay,” bulong niya. “Pero may trabaho talaga ako, Louie.”Napatingin si Louie sa kanya, saka tumango. “Fine. Pero ihahatid kita.”“Hindi mo na kailangang—”“Wala kang choice. Asawa mo ako.” ngumiti ito, saka hinalikan siya sa pisngi bago bumangon sa kama.At sa
Pagbabalik sa tunay na mundo nila ni Klarise at Louie natapos ang isang buwan ng kanilang honeymoon."Sigurado ka bang hindi mo ako mamimiss?" malanding tanong ni Louie habang nakasandal sa pintuan ng kanilang kwarto, nakatupi ang mga braso sa kanyang dibdib at nakangisi habang pinapanood si Klarise na nag-aayos ng gamit."Sino may sabing hindi?" sagot ni Klarise, hindi nagpatinag. "Pero may sarili rin akong buhay, mister ko. Hindi lang ako taga-alaga mo dito sa bahay."Lumapit si Louie at mahigpit siyang niyakap mula sa likod. "Bakit naman parang mas gusto ko ‘yung ideyang alagaan mo na lang ako?" bulong nito sa kanyang tenga."Louie!" Kinilabutan siya, pero hindi niya maitago ang ngiti sa kanyang labi."Ano ba? Isang linggo tayong magkasama, ni hindi mo ba ako mami-miss?" malambing nitong tanong, kasabay ng paghagod ng mainit na labi nito sa kanyang leeg."Aba, sino nagsabi?!" agad niyang iniwasan ang pang-aakit nito. "Pero kung gusto mong magtrabaho na lang ako at hayaan kang mamat
Dahil sa dami ng patients ni Louie sa kanyang pagbabalik, hindi niya namalayang lumampas na pala siya sa oras ng trabaho. Kasalukuyan siyang nag-aasikaso ng isang VIP client nang biglang mag-vibrate ang kanyang cellphone sa loob ng coat pocket niya.Napatingin siya—Klarise Calling."Doc, ready na po ang syringe," paalala ng nurse niya.Nag-aalangan siyang sagutin ang tawag. "Okay, wait lang. Saglit lang ako."Lumabas siya ng operating room at sinagot ang telepono. "Hello?""Louie… uuwi ka ba ngayon?"Napakunot ang noo niya. "Oo naman. Bakit? Anong problema?""Wala naman.""Sigurado ka?"May ilang segundong katahimikan bago ito muling nagsalita. "Wala lang… namiss lang kita."Napaawang ang bibig ni Louie. Hindi niya inasahan ‘yon.Ngumiti siya. "Talaga? Namiss mo ako agad? Kakahiwalay lang natin this morning, ah.""Tanga, gabi na ‘no?!"Hindi niya mapigilan ang matawa. "Okay, okay. Give me thirty minutes. Last patient ko na ‘to.""Okay. Ingat ka."Ngumisi siya. "Ikaw rin. Huwag ka muna
Maaga pa lang ng Sabado, nasa isang mamahaling baby store na sina Klarise at Louie kasama ang kanilang mga magulang. Halata ang kasabikan ng mga ito habang nag-iikot sa mga aisle, tila ba sila ang magkakaanak.“Grabe, Klarise,” wika ni Mommy Pilita habang may hawak na apat na pirasong baby onesie na puro ruffles at may print na ‘Little Princess.’ “Ang tagal ko nang hinihintay na magkaroon ng babaeng apo. Sa wakas, may Luna na tayo!”“Mama,” natatawang sagot ni Klarise, “isang baby lang po, hindi po fashion show.”“Excuse me,” sagot ni Pilita habang tinutupi ang damit para i-test kung gaano kalambot. “Ang baby, parang bahay. Kailangan kompleto. May wardrobe, may furniture, may chandelier.”“Chandelier?” napabulalas si Louie. “Sa nursery?”“Oo naman,” sabat ni Mommy Georgina na kasalukuyang nakatuon sa section ng mga bote. “Hindi pwedeng basta ilawan lang. Apo ng trillionaire ‘yan. Dapat sosyal.”“Baka gusto niyong magpalagay na rin ng red carpet sa crib,” ani Klarise habang umiiwas sa
Hindi pa rin makapaniwala si Klarise habang yakap ang isang pink na stuffed bear.“Grabe,” bulong niya. “Hindi pa rin ako makapaniwala. Baby girl nga talaga. Si Luna. Si baby Luna.”Umupo si Louie sa tabi niya, pinisil ang kamay ng asawa. “Parang kahapon lang sinusukat ko kung kakasya ba ‘yung maliit na bassinet sa tabi ng kama natin.”“Ngayon may pangalan na siya,” sagot ni Klarise, punong-puno ng emosyon ang tinig. “May identity na. May pink closet na nga rin siya. Apat na drawer puro booties at headbands.”“‘Yung isa doon, puro milk bottles,” natatawang tugon ni Louie. “Ang dami, akala ko may milk factory ka sa loob.”“Kasalanan mo ‘yun,” umirap si Klarise pero nakangiti. “Ikaw bumili ng apat na set ng bottle warmer. Para raw hindi na ako maglalakad-lakad sa gabi.”“Syempre. Ayoko nang pinapawisan ka kahit midnight. Ako na ang taga-init. Ako na rin ang taga-burp. Ako na rin ang yaya. Basta ikaw, pahinga lang.”“Pangako mo ‘yan ha.”“Pangako ko ‘yan. Basta pangako mo rin, huwag mo n
“Pero Mahal, please, ‘wag mong kagatin agad ang cake bago ko sabihin ang line,” warning ni Klarise.“Eh kung gutom na ako?” biro ni Louie.“Makakalimutan ko talaga ‘yung gender, ikaw talaga.”Sa gabi bago ang party…Magkayakap sina Klarise at Louie sa kama, nakatingin sa kisame.“Bukas na…” bulong ni Klarise. “Malamang ilang oras na lang, malalaman na natin kung little princess or little prince.”“Kahit sino pa siya, Mahal, ang mahalaga… ikaw ang mommy niya. At ako ang daddy. That’s already perfect.”“May kaba ka pa ba?” tanong ni Klarise.“Meron. Pero mas excited ako.”“Same. Sobrang saya ko, Mahal. Kasi dati akala ko… wala na tayong chance.”“Ngayon, may isa na tayong buong mundo na sabay nating bubuuin.”Kinabukasan ay araw na Gender Reveal Party.“Okay, Klarise, last touch na lang!” sigaw ni Jenna, ang ever energetic na kaibigan niya habang inaayos ang blue and pink tassels sa veranda ng venue.“Feeling ko parang kasal ulit ‘to,” natatawang sabi ni Klarise habang nakaupo sa isang
Naka-upo sila sa couch ng condo, napapalibutan ng sample invitation cards, fabric swatches, at cake design pegs na may nakasulat na “Team Girl” o “Team Boy.”“Copy. No spoilers. Pero paano natin pipigilan si Tita Rowena na hindi magdala ng pink na balloons sa party? Alam mong may ‘instinct’ daw siya, ‘di ba?”“Ugh! Hindi ko makakalimutan ‘yon!” tawa ni Klarise. “Noong baby shower ni Cams, may dala na agad siyang onesie na may embroidery na ‘It’s a girl!’ Eh lalaki pala!”“Classic Rowena. Siguro ang strategy natin… distraction,” sagot ni Louie, sabay kindat.“Like what?” kunot-noong tanong ni Klarise habang sinisimsim ang mainit na gatas.“Tayo mismo ang gumawa ng fake hula! Parang ‘hmm feeling ko boy to, grabe akong magsuka eh’ tapos sasabihin ko naman ‘siguro girl, sobrang clingy ka lately.’ Tapos sila na mismo ang malilito!”Natawa si Klarise. “Ay gusto ko ‘yan. Psychological warfare!”“Exactly. Labas ang pagka-Dr. Strange natin. Multiverse of gender confusion!”Sumunod na araw, sa
Kinabukasan. “Love, siguradong may parking dito?” tanong ni Klarise habang nakasandal sa passenger seat, suot ang komportableng maternity dress at light pink cardigan. Bitbit ang folder ng mga prenatal records.“Meron, Mahal. Maaga tayong umalis ‘di ba? Para sayo, laging may reserved spot sa puso ko—at sa parking,” sabay kindat ni Louie habang pinapihit ang manibela.“Corny,” sabay ngiti ni Klarise. “Pero cute ka pa rin.”Pagkarating sa clinic ni Dr. Angelica Rosales, ang OB-GYN nila, agad silang pinaupo ng assistant at binigyan ng tubig. Panay ang tapik ni Louie sa hita ni Klarise habang naghihintay.“Excited ka?” tanong niya habang minamasahe ang likod ng kamay nito.“Super. Pero kabado rin. Lalo na’t second trimester na,” sagot ni Klarise habang hawak ang tiyan. “Sana okay si baby…”“Si baby Luna o baby Liam…” pahabol ni Louie.“Wala pang pangalan ang opposite, Mahal. Huwag mo munang i-claim,” natatawang singit ni Klarise.Ilang saglit pa, tinawag na sila ng nurse. “Mr. and Mrs. R
Limang buwan na mula nang unang narinig ni Louie ang tibok ng puso ng anak nila sa ultrasound. Limang buwan na ring tuloy-tuloy ang pag-aalaga niya kay Klarise—mula sa pag-grocery ng mga craving nito sa kalagitnaan ng gabi, hanggang sa pagiging tagabantay tuwing may prenatal check-up. At ngayong gabi, ibang katahimikan ang bumalot sa condo nila.Umuulan sa labas, mahina lang, parang himig na pampatulog.Nasa kama sina Louie at Klarise, magkayakap sa ilalim ng kumot. Nakapatong ang kamay ni Louie sa tiyan ng asawa—isang bagay na naging routine na sa kanila tuwing gabi.“Mahal…” bulong ni Klarise habang nakasubsob ang mukha sa dibdib ng asawa.“Hmmm?”“Hindi mo ba naiisip na parang… kahapon lang ‘yung kasal natin?”Napangiti si Louie. “Tapos ngayon, may pa-kick na sa loob ng tiyan mo?”“Ang bilis ng panahon. Parang hindi pa rin ako makapaniwalang may maliit na tao sa loob ko na bunga ng pagmamahal natin.”Marahang hinaplos ni Louie ang tiyan ni Klarise. “Gusto mo bang lalaki siya o baba
Sa loob ng isang home design store.“Tingnan mo ‘tong wallpaper na ‘to, Louie! May mga elepante, giraffe at clouds. Parang safari sa langit,” turo ni Klarise.“Perfect! Remember our idea? Gabi at araw. Pwede nating i-divide ang wall. Kalahati clouds, kalahati safari.”“Ang kulit mo talaga,” tumatawang sagot ni Klarise. “Pero gusto ko ‘yan. Para kahit saan siya tumingin, may adventure.”Lumapit sa kanila ang sales assistant. “Ma’am, Sir, first baby po?”“Yes,” sabay nilang sagot.“Congrats po. Meron din po kaming lighting fixtures na may stars and moon, bagay po sa theme niyo.”Nagkatinginan ang mag-asawa. “Sige nga, pakita mo,” sabi ni Louie.Habang isa-isang pinapakita ng sales assistant ang mga decor, tila ba unti-unting nabubuo sa imahinasyon ni Klarise ang mundo ng anak nila. Isang munting kaharian ng kulay, liwanag, at pagmamahal.Pag-uwi nila sa bahay, magkaagapay nilang binuhat ang mga bag ng biniling baby essentials. May mga stuffed animals, ilang bibs, isang maliit na crib na
Makalipas ng ilang linggo, kailangan nang bumalik sa trabaho si Louie at tinatawagan na siya ng kanyang sekretarya dahil may mga nakatakdang operasyon na kailangan niyang gawin.“Three more surgeries, Doc,” sabi ng assistant ni Louie habang patakbo itong naglalakad kasabay niya sa hallway ng klinika.“Okay. Ready na ba ang OR?” tanong ni Louie, hindi na tumitingin sa paligid.“Prepped and waiting, sir.”Mula sa seventh floor ng White Aesthetique Clinic, walang hinto ang paggalaw ni Louie. Mula alas-siyete ng umaga hanggang alas-diyes ng gabi, punô ng pasyente ang schedule niya. Hindi lang local celebrities ang kliyente niya ngayon—pati international models at beauty queens ay bumabyahe pa mula ibang bansa para lang magpa-enhance sa kanya.Habang abala siya sa pagpapaganda ng mundo, sa bahay naman…“Nanny, pakikuha nga ng prenatal vitamins ko sa drawer,” tawag ni Klarise mula sa loob ng silid.“Ma’am, andiyan na po,” abot ng yaya.Napaupo si Klarise sa kama, hawak ang kanyang tiyan. Ta
Huminga ng malalim si Klarise at tumango. "Sige. Tara na. Let's do this."Pagdating sa Olive MansionPagbukas ng pinto, sinalubong agad sila ni Pilita. Naka-long dress ito at may hawak na tasa ng tsaa."Ay naku, anak! Napakaaga n'yo namang dumalaw. May okasyon ba?" tanong niya, sabay yakap sa anak na babae."Ma, gusto sana naming makausap kayo ni Dad... privately," sagot ni Klarise, hawak pa rin ang kamay ni Louie."Halika, sa veranda. Nandun ang daddy mo."Pagpasok nila sa veranda, si Hilirio ay nakaupo sa recliner, nagbabasa ng dyaryo. Nang makita ang anak at manugang, agad itong ngumiti."Aba, may dalang regalo ah. Anong meron at parang kasal ulit ang datingan?"Nagkatinginan sina Klarise at Louie. Kumabog ang dibdib ni Klarise, pero ngumiti siya."Pa... Ma... may gusto po sana kaming sabihin."Umupo sila sa harap ng kanilang mga magulang. Kinuha ni Louie ang kahon at inilagay ito sa gitna ng mesa."Ano 'to?" tanong ni Pilita habang pinagmamasdan ang kahon."Buksan n’yo po," sabi n