Si Vince na rin ang nagpaligo kay Coleen. Sabay sila na naligo na may kasamang harutan at kulitan.Pati sa pag blower ng kanyang buhok ay ang lalaki na rin ang gumawa. Halos ayaw siya pakilusin ng asawa. Bumabawi sa ginawang pag pagod sa kanya. Nakahiga sila ngayon sa kama at nakaunan ang ulo niya sa dibdib ng asawa niya. Tahimik silang nanonood ng movie sa tv sa kanilang kwarto. Habang kumakain ng sliced fruits na dala kanina ni Vince. Sinabihan pa siya ng loko na kumain ng marami para bumalik ang lakas niya at mapapalaban na naman daw siya ulit.''Wala na talagang ibang naiisip ang asawa niya sa mga oras na ito kundi puro kalibogan,'' pero gusto niya ang pagiging malibog nito sa kanya. Sa kanya lang.****Hapon na at ni hindi man lang sila lumabas ng kwarto. Buong araw silang nagkulong sa loob ng silid. Si Vince lang ang bumababa sa kusina para kamuha ng pagkain nila. Masakit pa rin kasi ang gitna niya at hirap pa siyang maglakad. Daig pa niya ang navirginan ngayon kaysa noong una
Coleen "SURPRISE!!!" Ito ang sigawan pagkapasok pa lang nila ni Coleen sa loob ng napakagandang mansion na hindi niya alam kung kanino. Halos mabingi siya sa ingay ng mga tao sa kanyang harapan na sabay-sabay sumigaw ng katagang surprise! Nakatakip ang dalawang palad nya sa kanyang bibig ng makita niya ang mga tao sa kanyang harapan. Kay lapad ng mga ngiti nito sa labi habang nakatingin sa kanya na nagulat. Kaya pala hindi sila tumuloy sa mansion ng mga biyenan dahil nandito pala ang mga ito. Pati na rin ang mommy at daddy niya ay nandito rin. Si Vera, Bella, Sam at Nathan ay nasa likod ng mga parents nila at masayang nakangiti ang mga ito sa kanya. Pero ang kambal kanina pa hindi niya makita kung saan na ang mga anak, kaya hinagilap ito ng paningin niya. Nilibot niya ang paningin sa paligid, ngunit hindi niya makita ang mga anak. May mga tao siyang nakikita sa paligid na hindi niya kilala. May hawak ang mga ito sa kamay na camera at nakatutok iyon sa kanya. Ano bang klase
Vince Walang kaala-alam si Coleen na matagal na niyang pinaplano ang mag propose ulit dito ng kasal. At plano nyang gawin iyon sa bagong gawa nilang mansion. Ang ideal at dream palace niya para sa kanyang reyna, prinsesa at prinsipe. At sa mga mga susunod pa nilang mga anak. Nakipagsabwatan siya sa parents ng asawa niya maging sa sariling magulang niya para maisagawa ang kanyang plano. Kasama na rin dito ang bestfriend nitong si Bella, maging si Nathan at Sam. Kung noon nagseselos siya kay Nathan ngayon ay hindi na. Simula ng tulungan siya nito para sa kanyang mag-ina ay doon niya napatunayan na kaibigan na lang ang turing nito sa asawa niya. Isa pa may girlfriend na ito si Sam, na kasama rin nila ito sa planong pag surpresa kay Coleen. Pati ang pagsama ng kambal sa mansion ng parents niya ay pakana nilang dalawa ng kapatid niyang si Vera. Mabuti na lang at matatalino ang kambal, walang duda. Madali lang kausapin at paintindihin ang mga ito. Si Vera din ang siyang nagturo sa kambal
Coleen ''Hubby, bakit hindi mo man lang sinabi sa akin ang tungkol sa mansion na ito?'' kunwari ay nagtatampo na tanong ni Coleen kay Vince. Kasalukuyan nilang nililibot ngayon ang buong mansion kasama ang kanilang pamilya at ang Pari. Pina-blessingan ngayon ni Vince ang buong mansion nila. Isinabay ito ng asawa niya sa plinano nitong surpresang engagement sa kanya. ''Kapag sinabi ko, edi hindi na ito surprise, mahal ko,'' sagot ni Vince sabay pisil sa beywang niya at singhot sa kanyang leeg. Sheyte, ang sarap pakinggan ng binigkas nitong mahal ko, para siyang nakikiliti sa kilig. Bakit ba lagi na lang siyang pinapakilig ng lalaking to. Parang pati tinggìl niya nakikiliti na rin. Pinilig niya ang ulo dahil sa naging takbo ng utak niya sa huli. Ano ba itong huling salitang naisip niya? Nagiging madumi talaga ang isip niya kapag ang asawa niya ang kasama niya. ''Hindi pa naman halata pagiging m*****g mo Cole, tuloy mo lang,'' pang aasar ng pakialamera niyang utak. After na bendis
Vince At syempre hindi siya pumayag na hindi nila mabinyagan ni Coleen itong bagong mansion nila. Pagkauwi ng kani-kanilang pamilya ay agad niyang hinila ang asawa patungong masters bedroom. Triple 'ata ang laki nito kaysa dun sa kwarto nila sa dating bahay. Kasama nila ngayon sa kwarto ang dalawang bata na nasa king size bed na. Tulog na tulog na ang kambal at napagod ang mga ito sa paliligo sa pool kanina kaya walang magiging isturbo sa sexy time nila ng asawa. Nasa kabilang side ang mga anak nila at magkatabi ang mga itong natutulog. Nakayakap pa si Casey na kuya nito. Sanay si Casey na tinatawag na kuya si Carter kahit pa magkambal naman ang dalawa. "Are you ready, wifey? Rawr..." malanding turan ni Vince at gumapang sa ibabaw ni Coleen. Tanging boxer na lamang ang suot nito, samantalang si Coleen ay may damit pang suot. Natatawa naman si Coleen sa asawa niya. Kalalaking tao ang landi-landi, may pa rawr pa. "I love you, Coleen, my love," sambit na Vince at tinitigan sa mga mat
Coleen Ilang araw ng masama ang pakiramdam ni Coleen. Palagi siyang matamlay at laging wala sa mood. Wala rin siyang gana kumain minsan. Napapansin na rin siya ni Vince, pero sinasabi niyang okay lang siya. May hinala na rin siya sa nangyayari sa kanya ngayon, pero hindi na muna niya sinasabi sa asawa hanggat hindi niya nakukumpirma na totoo nga. Kagaya ngayon kagigising niya lang at agad siyang napatakbo sa banyo para doon sumuka. Parang hinahalukay ang loob ng kanyang tiyan, pinagpapawisan na rin siya kahit hindi naman mainit. Tanghali na nga siya nagising ngayon. Buti na lang at wala ang kambal, hiniram kasi ito kahapon ng mommy niya. Si Vince naman ay maagang pumasok sa opisina at bumabawi ito nun mga nakaraan na panay ang pagliban sa trabaho. Naririnig pa niya kaninang ginigising siya nito, pero dahil sa antok na antok siya ay hindi niya magawang bumangon kaya hinayaan na lang siya nito. Binuksan niya ang drawer sa bedside table at kinuha mula roon ang dalawang pregnancy te
"Congratulations, Mrs. Santillan. Your pregnant," masiglang sambit ng Doctora sa kanya. Hindi niya maipaliwanag ang sayang nadarama niya ngayon. Lalo pa at sa Doctor na niya mismo narinig ang confirmation na hinihintay niya. Matapos niyang magpa check up sa Ob gyne ay nagpahatid muna siya sa driver nila patungo sa mansion ng mga magulang niya. Susunduin niya ngayon doon ang kambal. Habang nasa biyahe at hindi mawala-wala ang magandang ngiti na nakapaskil sa kanyang labi. Kinausap na rin siya si manong Nilo na huwag magsasalita kay Vince kapag nagtanong ito kung saan sila nagpunta. Kaagad naman na umuoo ang matanda at hindi na lamang pa nagtanong. Pagdating niya sa mansion ay agad niyang nadatnan ang mga anak na busy sa paglalaro ng mga iba't-ibang laruan. As usual mukhang mga bago nanaman ang toys ng mga ito at nakikita pa niya ang ilang paper bags at wrapper sa sahig. Mukhang kabibili lang ang mga ito. Napailing na lamang siya. Mga Bata pa pero sunod na sa luho. Hindi nam
"I miss you, daddy," malambing na sabi ni Casey sa daddy nito. Nakalambitin ang mga kamay sa leeg ng ama niya. "Me too daddy, I miss you too," di rin papahuling sambit ni Carter. "Hello kids, mommy tita is here. I miss you two babies," agaw pansin ni Vera sa kambal. Nilingon naman ito ng kambal at nag-unahang tumakbo para makalapit sa tita Ver nila. Nakaluhod na inantay ni Ver na makalapit ang mga pamangkin at mahigpit na niyakap ang mga ito. Pinugpog niya ng halik ang kambal at pinanggigilan ang matambok na pisngi ng mga ito. "Hey, wife," pukaw ni Vince sa kanya. Hindi niya napansing nasa harapan na niya ito. Nagulat pa siya ng binigyan siya nito ng halik sa labi. Napatingin siya sa babaeng bisita ng asawa niya. Marahil napansin ni Vince kaya nagsalita ito. Tumikhim pa muna ito. At hinapit siya sa beywang. Napakislot pa siya ng bahagyang pisilin iyon ni Vince. "Uhm, wife, nga pala s—..." ngunit nabitin sa ere ang sasabihin ni Vince ng unahan ito ng babae na magsalita.