Ilang minuto pa ang lumipas nang magsimulang maglakad-lakad si Giovanni sa pasilyo ng ospital, ang mga hakbang niya ay mabigat at puno ng galit. Ang tawag mula kay William ay paulit-ulit na umaabot sa kanyang isipan, ang mga salitang nagdulot ng galit na tila baga hindi na siya makakaligtas mula sa banta ng kanyang ama.“Aong klaseng laro ba ang pinaplano ni Dad?” bulong ni Giovanni sa sarili, ang mga mata’y matalim sa poot. “Hindi ko siya hahayaang sirain ang pamilya ko. Hindi ko siya hahayaan.”Nang marating niya ang dulo ng pasilyo, nakita niyang pabalik na ang doktor at nars mula sa treatment room. Nagkatinginan sila, ngunit hindi siya pinansin ng doktor— tinutukan ng mga mata ng babae ang folder na hawak ng nars, ang utak niya'y gumagana ng mabilis upang makalap ang impormasyon na maaaring magbigay sa kanya ng sagot.“Doktor, kamusta na po siya?” tanong ni Giovanni, ang tinig ay puno ng pasensya at sakit. “Ano ang susunod na mangyayari?”“Mr. Giovanni,” nagsimula ang doktor, “Kai
Habang ang mga sirena at ingay ng mga pagsabog ay patuloy na umaabot sa loob ng ospital, nagpatuloy si Giovanni sa pagtakbo. Ang bawat hakbang ay naglalaman ng poot at pagnanais na protektahan ang kanyang pamilya. Nakatingin siya kay Sander at sa mga tauhan nito na nakapaligid sa kanya.“Alam kong hindi madali, pero kailangan nating tapusin ito.” sabi ni Sander habang iniiwas ang kanyang mga mata sa mga sugatang kalaban.Giovanni ay hindi sumagot agad. Ang mga mata niya ay nanatiling nakatutok kay Julius na nakatayo sa dulo ng pasilyo, tila nagmamasid, naghihintay na kumilos.“Si Julius... I want to kill him, bago pa siya makasakit ng isa sa atin.” seryosong sinabi ni Giovanni. “Hindi ko kayang mawalan pa ng isa pang mahal sa buhay. Hindi ko kayang mawalan sila.”“Sabi ko na nga ba, wala kang takot, Giovanni,” sagot ni Sander. “Pero tandaan mo, hindi lang si Julius ang kalaban mo ngayon.”Dumating ang mga tauhan ni Julius, parang mga anino na nagsimula nang magsalakay mula sa likod.“
Habang abala sila Giovanni at Sander sa pakikipaglaban kila Julius si Fatima naman ay walang malay na itinakas ng Doktora, at ang Doktora ay tauhan din ni William.Dinala ng Doktor si Fatima sa isang safehouse ni William.“Boss William, narito na si Fatima sa warehouse.”“Magaling Doktora, nasa bangko mo na ngayon ang bayad ko sa 'yo.”Dahan-dahang nagising si Fatima, ang ulo'y kumikirot habang sinusubukang intindihin ang kanyang paligid. Amoy ang mga kemikal ng isang madilim na silid. Nakagapos ang kanyang mga kamay sa isang upuan, at habang lumilinaw ang kanyang paningin, napagtanto niyang nasa isang warehouse siya—hindi pamilyar at malamig. Tumaas ang panic sa kanyang dibdib.Ang tunog ng mga yapak na papalapit ay nagdulot ng kaba sa kanya. Bumukas ang pinto at isang matangkad na tao ang pumasok. Ang Doktora, nakatayo na may kumpiyansang hitsura, nakataas ang mga braso habang pinagmamasdan ang kalagayan ni Fatima.Pinilipit ni Fatima ang kanyang mga mata at nahirapan magsalita. “A-
“Pinapatawag niyo daw po ako, Boss William?” tanong ng Doktora.“Gising na ba si Fatima?”“Opo, at umiiyak siya at galit na galit dahil ramdam niya ang operasyong ginawa ko sa kaniya. Alam na niya na wala na ang sanggol sa sinapupunan niya.”Tumango si William. “Sige, pupunta ako ngayon sa kuwarto niya upang kausapin siya.”Habang papunta si William sa silid ni Fatima...Ang mga yabag ni William ay mabigat at puno ng determinasyon. Alam niyang hindi magiging madali ang pagharap kay Fatima, lalo na’t alam niyang may malaking sugat ang iniwan niya hindi lamang sa kanyang katawan, kundi pati na rin sa kanyang puso. Sa likod niya, tahimik na naglalakad ang Doktora, tila nakadarama ng kaba sa mangyayari.Pagbukas ni William ng pinto, tumambad sa kanya si Fatima na nakaupo sa gilid ng kama. Namumugto ang mga mata nito sa kakaiyak, ngunit ang galit na bumabalot sa kanya ay higit pa sa kapansin-pansin.“William,” simula ni Fatima, ang boses ay nanginginig ngunit matatag. “Ano ang ginawa mo sa
Nagpatuloy si Fatima sa pagpupumiglas, ngunit sa bawat hakbang ay tila lalong tumitindi ang higpit ng pagkakahawak ni William. Nasa gilid ng kanyang isipan ang pag-asang makatakas, ngunit ang takot at galit ang nangingibabaw sa kanyang puso."William, hindi mo ako maaaring kontrolin habambuhay!" sigaw niya, pilit na hinahabol ang kanyang hininga. "Kahit anong gawin mo, hindi kita kailanman susundin! I’m not a fvcking puppet!""Fatima, ang hindi mo maintindihan ay wala kang pagpipilian," malamig na sagot ni William. "Ang buhay mo ay nasa ilalim ng mga desisyon ko ngayon. Kung gusto mong mabuhay nang payapa, tanggapin mo na lang iyon."Huminto si Fatima at hinarap siya. Kahit nanginginig sa galit at takot, buong tapang niyang sinabi, "Hindi ako papayag. Ang kontrol mo sa akin ay matatapos din, William. At kapag dumating ang araw na iyon, pagsisisihan mo ang lahat ng ito."Natigilan si William sa lakas ng boses ni Fatima, ngunit saglit lang. Agad niyang dinagdagan ang higpit ng hawak sa
Tinig ni William ang nagtakip sa katahimikan ng kuwarto. Fatima, na naguguluhan at nag-aalangan, ay hindi agad nakapagsalita. Minsan, ang pinakamalupit na tanong ay hindi nangangailangan ng sagot mula sa kanya—ngunit ang tinig ni William na iyon ay parang mga salitang nagtataglay ng misteryo at pananagutan."Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Fatima, ang boses niya'y may pag-aalalang nagsisimulang magtaglay ng takot.Si William, na nakatayo lang sa may pintuan, ay hindi agad sumagot. Tinitigan lang siya ng malamig na mata, at sa kanyang mukha ay makikita ang isang halo ng kalupitan at malupit na kasinungalingan. "Sana'y hindi mo na ako pinilit pang marinig ito," sagot ni William, ang boses niya’y tahimik ngunit puno ng sakit. "Pero darating ang panahon na makikita mo rin ang katotohanan."Fatima, hindi maintindihan ang lahat ng nangyayari, ay naglakad palapit sa kanya, ang mga mata'y puno ng galit at matinding pangungutya. "Ano bang itinatago mo? Kung may mga lihim ka, bakit hindi mo
“Wala si Fatima! Wala na rin ang Doktora dito!” galit na sigaw ni Giovanni nang balikan niya sila Fatima sa loob ng hospital.“Mukhang nakuha sila ng iba pang mga tauhan ng Daddy mo.” sambit ni Sander.Napasabunot si Giovanni sa kaniyang buhok at mahinang napamura.“Saan ko ngayon hahanapin si Fatima? Ang baby namin, nasa delikadong sitwasyon pa sila.”Halos mapaluha si Giovanni dahil sa nangyayari sa kanila ni Fatima. “Maraming safehouse si Tito William 'di ba? Saan dito ang malapit lang sa syudad?” tanong bigla ni Sander. Habang nakatayo sa harap ng hospital, patuloy ang pag-aalala ni Giovanni. Hindi niya alam kung anong gagawin, parang nauurong ang bawat hakbang."May safehouse nga, pero hindi ko alam kung saan, Sander," sagot ni Giovanni habang pinipigilan ang sarili na magpumiglas sa galit. "Kung makikita man natin sila doon, paano na ang baby ko? Hindi pwedeng mawala sila.""Giovanni, kailangan mong mag-isip nang maayos. Hindi makakatulong ang galit mo ngayon."Ang boses ni Sa
“Ampon ba ako, Tita Lorena?” tanong ni Fatima sa kaniyang stepmother. “At ikaw, William... Anong kinalaman mo sa pagkatao ko? Bakit mo ako kailangan? Bakit tutol ka sa pagmamahalan namin ni Giovanni, na ultimo kahit anak ko ay hindi niyo pinalampas!” umiiyak na sigaw ni Fatima kay Lorena at William.“Wala ako sa tamang position para sagutin 'yan, I'm just here to claim my rewards, dahil ako nagdala ng ebidensya tungkol sa pagkatao mo.” tugon ni Lorena.Tumingin si Fatima kay William.“You really want to know the truth?” tanong ni William.“Oo! At kung puwede lang sana ay yung totoo!”“Giovanni is my son... And you are my stepdaughter— Fatima, magkapatid kayo ni Giovanni sa ina.”Ang mga salita ni William ay parang dagundong na bumulusok sa puso ni Fatima. Tumigil siya sandali, parang hindi makapaniwala sa narinig. "Magkapatid? P-paano? Paano naging ganun?" ang tanong niya, ang mga mata ay puno ng kalituhan at sakit.Tumagilid si Lorena, ang mga mata ay puno ng pagnanasa at kasinungali
Nagpatuloy ang kaguluhan sa loob ng silid. Nang marinig ang unang putok ng baril, agad na kumilos si Giovanni, mabilis at determinado. Tinamaan ang isa sa mga tauhan ni William sa balikat, dahilan upang mawalan ito ng balanse at bumagsak nang malakas sa sahig. Sa gitna ng kaguluhan, hindi na nag-aksaya ng oras si Lydia. Hinawakan niya nang mahigpit si Fatima at mabilis itong kinaladkad palabas ng silid. Halatang takot si Fatima, nanginginig ang buong katawan, ngunit wala siyang magawa kundi sumunod kay Lydia, na nagmamadaling maghanap ng ligtas na lugar sa lumang gusali.“Giovanni! Tumigil ka! Alam mong wala kang laban sa akin!” malakas na sigaw ni William habang nagtatago sa gilid ng pinto, iniiwasan ang mga bala ni Giovanni.“Sinira mo ang buhay namin! Ngayon, titiyakin kong hindi mo na magagawa ulit ito!” sagot ni Giovanni na puno ng galit, habang patuloy na nagpapalit ng posisyon upang maiwasang maging target ng mga natitirang tauhan ni William. Ang kanyang mga mata ay puno ng det
Dumating sina Giovanni at Lydia sa airport sa Manila. Malakas ang hangin dahil sa amihan, at naririnig mula sa malayo ang mahihinang tunog ng lungsod kahit tahimik ang gabi. Naunang bumaba ng eroplano si Giovanni, bakas sa kaniyang mukha ang determinasyon, habang kasunod niya si Lydia, mabigat pa rin ang dalahin ng konsensya sa kanyang balikat.“Anong plano mo ngayon?” tanong ni Lydia habang papunta sila sa isang itim na kotse na inihanda na ni Giovanni.“Hahanapin natin ang safehouse,” sagot ni Giovanni nang walang emosyon. “May sinabi kang clue— ikwento mo lahat ng naalala mo sa sinabi ni Dad.”Sandaling tumigil si Lydia bago sumagot habang sumasakay sila sa kotse. “Ang alam ko lang, isa itong lumang ari-arian niyo malapit sa museo sa Bulacan, isa sa mga dating safehouse ng Daddy mo. May nabanggit siyang simbahan na malapit doon, pero hindi siya malinaw.”Sumingkit ang mga mata ni Giovanni habang unti-unting nabubuo ang naiisip niyang lugar.“Museo? Tama, marahil ang tinutukoy ni Da
Giovanni sat in his dimly lit apartment, staring at the small photograph of his wife. The image had worn edges, his thumb tracing the familiar contours of Fatima’s face. His conversation with Sander echoed in his mind. “Dig deeper.” Could there be a connection between the mysterious woman and his wife?He rubbed his temples, frustration boiling in his chest. “This doesn’t make sense,” he muttered.A sharp knock on the door startled him. Giovanni stood, hesitating before approaching. His hand hovered over the doorknob. Sino kaya ito, at ganitong oras pa? Slowly, he opened the door.Standing there was Fatima—no, Lydia—her face illuminated by the dim hallway light. She wore a gentle smile, but something in her eyes made Giovanni uneasy.“Fatima?” Giovanni’s voice was barely above a whisper.Lydia tilted her head, a playful smirk forming on her lips. “Naalala kita, Giovanni. Hindi ko rin maipaliwanag, pero parang may koneksyon talaga tayo.”His heart raced as confusion clouded his thought
“Who are you?” tanong ni Giovanni.“I’m Fatima, Fatima Vega. Ikaw sino ka ba? Kilala ba kita?” kunot na tanong ng babae.Nanlata si Giovanni. Hindi ang asawa niya ang narito kundi kapangalan lang ni Fatima. Akala niya makikita na niya ang asawa niya. Giovanni slumped into the wooden chair by the window, his gaze fixed on the woman before him. She had the same name, at may hawig ito ni Fatima, and yet, she wasn’t her.The woman still standing, crossed her arms, studying Giovanni with suspicion.“Bakit parang kilala mo ako? Para kang nakakita ng mutlo.” She tilted her head, a trace of curiosity breaking through her stern tone.Giovanni hesitated, his voice trembling. “I… I’m sorry. Hindi kita dapat nilapitan ng ganito. It’s just... you look exactly like my wife. At ang pangalan mo pa—” He broke off, looking away, swallowing the lump in his throat.“Wife?” Fatima’s brows furrowed. “Saan siya ngayon? At paano naman tayo nagkakilala kung ganon?”“She’s…” Giovanni’s voice faltered, the wor
Madilim ang gabi, ngunit maliwanag ang buwan na tila nagmamasid mula sa kalangitan. Habang naglalakad si Giovanni sa kahabaan ng ospital, hawak ang envelope at sulat, napansin niyang may liwanag mula sa maliit na chapel sa loob ng compound. Nagdesisyon siyang pumasok, tila hinahatak ng tahimik na panawagan mula sa loob.Sa loob ng chapel, nakita niya si Mayvel, nakaluhod at taimtim na nagdarasal. Tumayo siya nang makita si Giovanni at lumapit nang may maingat na ngiti. "Hindi ko alam na pupunta ka rito. Hindi ka ba makatulog?" "Paano ako makakatulog, Mayvel? Nalaman ko na ang dahilan ng lahat, pero parang mas lalo akong nawasak. Bakit ganoon? Kapag mas lumalapit ako sa sagot, mas lalong nagiging masakit ang katotohanan." "Hindi mo kailangang dalhin lahat ng bigat mag-isa. Ang mahalaga ngayon, alam mo na ang katotohanan. At mula rito, maaari kang gumawa ng hakbang para ayusin ang lahat." "Pero paano? Hindi ko alam kung saan magsisimula. Paano ko siya haharapin, lalo na't alam
Pagkatapos ng mahaba at emosyonal na araw, naupo si Giovanni sa isang bangko sa hardin ng ospital. Tahimik niyang hawak ang sulat ni Fatima, paulit-ulit na binabasa ang bawat linya. Ang malamig na simoy ng hangin ay tila sinasalamin ang lungkot sa kanyang puso. Dumating si Mayvel, dala ang dalawang tasa ng mainit na kape, at maingat na umupo sa tabi niya.“Hindi ka na naman kumain, Giovanni. Hindi mo dapat pinapabayaan ang sarili mo. Kailangan mong maging malakas.” sambit ni Mayvel. Bahagyang napangiti si Giovanni habang nakatingin sa sulat. “Hindi ko naman napapansin ang gutom. Mas iniisip ko kung nasaan si Fatima ngayon. Anong ginagawa niya? Masaya ba siya? Napatawad na kaya niya ako sa mga pagkukulang ko noon?”Tumingala si Mayvel sa buwan, tila nagmumuni-muni) “Sa tingin ko, Giovanni, hindi mo kailanman kailangang humingi ng tawad sa kanya. Mahal ka niya, alam ko iyon. Pero baka ang sarili niya ang hindi niya mapatawad.”Napabuntong-hiningadi Giovanni. “Bakit kailangan niya lumay
“Giovanni, nakita ko siya. Nasa Maynila siya ngayon, pero hindi pa siya pwedeng puntahan. Kailangan natin ng kaunting oras." “Maynila? Anong ginagawa niya roon? At bakit hindi ko siya puwedeng makita? Sander, matagal na akong naghihintay. Hindi ko na kayang maghintay pa ng mas matagal.” “Giovanni, kalma. May mga bagay na masalimuot, at may dahilan kung bakit hindi siya nagpapakita. Pero huwag kang mag-alala, tinutulungan ko na siya. Importante lang na maging matatag ka.” Nanatiling tahimik si Giovanni, pilit inuunawa ang mga sinabi ni Sander. Ngunit ang puso niya ay nag-uumapaw sa halo-halong emosyon—pag-asa, pagkabigo, at pangungulila. “Hindi ko maintindihan, Sander. Kung mahalaga ako kay Fatima, bakit siya lumayo? Bakit hindi niya man lang sinubukang makita ako kahit isang beses mula nang magising ako?” Sa kabilang linya, nagbuntong-hininga si Sander. “Giovanni, maybe may rason siya. Pero hindi ako ang nararapat magsabi sa 'yo ng lahat ng iyon. Hintayin mo siya. Bigyan mo siya
Biglang bumukas ang pintuan ng silid, at sa pagbukas nito ay pumasok si Mayvel, bitbit ang anak niyang si Joshua. Napuno ng ingay ang tahimik na silid sa boses ng masiglang bata. “Tito Giovanni!” tumakbo ito papalapit sa kama, halatang sabik makita siya. Napatingin si Giovanni sa pumasok. Sa unang saglit, ang mukha niya ay puno ng pag-asa, umaasang ang makikita niya ay si Fatima. Ngunit nang makita niyang si Mayvel at Joshua ang dumating, bahagyang naglaho ang ngiti niya. Mabilis naman niya itong itinago at ngumiti ng bahagya habang sinalubong ang bata. Hinaplos ni Giovanni ang ulo ni Joshua. “Uy, Joshua, kamusta ka? Mukhang mas masigla ka pa ngayon kaysa noong huli kitang nakita.” Umupo si Joshua sa gilid ng kama at masayang nagkukwento. “Tito, ang dami ko nang natutunan sa school! Tapos kahapon, naglaro kami ng basketball ng kaklase kong si Ronnie sa park. Tinalo ko siya! Ang galing ko, ‘di ba?” Ngumiti si Giovanni. Ngunit sa likod ng ngiti niyang iyon, naroon ang bahagyang lung
THE FOLLOWING WEEK – SWITZERLANDSa gitna ng isang tahimik na umaga, abala si Fatima sa pagdidilig ng mga halaman sa kanilang bakuran. Ang araw ay bahagyang sumisilip sa ulap, at ang hangin ay may dalang lamig ng tagsibol. Nasa tabi niya si Amanda, umiinom ng kape habang nagmamasid sa paglalaro ni Marcus at Bruno sa damuhan.“Mukhang mas lumalakas ang mga pangarap ng prinsipe natin, ah. Kahapon, bayani. Ngayon, parang gusto nang maging astronaut.” natatawang sambit ni Amanda.Natawa rin si Fatima. “Kung saan-saan na kasi niya nakikita ‘yung mga laruan niya. Minsan may espada, minsan may helmet. Sobrang creative na bata nitong si Marcus.”Habang nag-uusap sila, biglang pumasok sa gate ang isang lalaki— matangkad, may maayos na pananamit, at may dalang brown na envelope. Agad na napansin ito ni Fatima.Bahagyang lumapit si Fatima.“Yes? What can I do for you?”Ngumiti ang lalaki at bahagyang yumuko bilang pagbati.“Good morning, Ma’am. Are you Fatima Flores?"Nagpalitan ng tingin sina F