Hinayaan muna ni William si Fatima na magpahinga sa kaniyang kuwarto, at isipin nito ang katotohanan na hindi sila maaaring mag-ibigan ni Giovanni sa dahil magkapatid sila. "Paano? Mauuna na po ako. Salamat da rewards." paalam ni Lorena.Tumango si William. "Make sure na wala kang ibang pagsasabihan kung nasaan kami.""Understood, Mr. Samaniego."Nang umalis si Lorena ay kaagad nagtungo si William sa kaniyang opisina, at tinawagan si Julius."Kamusta ang pakikipaglaban niyo kay Giovanni? Ligtas ba ang anak ko?”“Umatras kami dahil ang dami nila. Pero ligtas naman po si Giovanni." tugon ni Julius. Sa opisina ni William, nakasandal siya sa kanyang upuan habang pinapakinggan ang ulat ni Julius. Napabuntong-hininga siya, ngunit nanatili ang seryoso niyang ekspresyon."Magandang balita na ligtas si Giovanni," sabi ni William, ngunit ang boses niya'y may halong kabigatan. "Pero kailangan nating masigurado na hindi na mauulit ang ganitong sitwasyon. Ano ang plano mo ngayon?""Pinag-aaralan
Kinabukasan, habang pababa ng hagdan si Fatima, naramdaman niya ang kakaibang tensyon sa loob ng bahay. Si William ay nasa harapan ng mesa, hawak ang isang tasa ng kape, ngunit halatang ang isipan niya ay wala roon. Lumapit siya nang dahan-dahan, pilit na ginagawang normal ang bawat hakbang."William, aalis na ba tayo?" tanong niya, pilit na pinapalambot ang tono ng kanyang boses."Oo," sagot ni William, hindi man lang tumingala. "Pero bago tayo umalis, gusto kong tandaan mo: ang pagkakakilanlan mo bilang Eunice ay hindi isang kahinaan. Isa itong lakas na kailangan nating magamit para mabuo ang pamilyang ito."Napatingin si Fatima sa kanya, naguguluhan. "Pero paano ako magiging lakas kung ako mismo ang dahilan ng sakit ni Giovanni? At kung malaman niya ang totoo, masisira siya, William."Tumayo si William, tinungo ang salamin sa tabi at tumingin sa kanyang repleksyon. "Kaya nga kailangan nating maging maingat. Hindi lahat ng sugat ay kailangang sabihin sa tamang panahon. Tandaan mo, F
William’s Point of ViewNarito ako sa opisina ko, at walang mapaglagyan ang saya na nararamdaman ko. Lahat ng plano ko ay nangyayari— finally, Amanda is cured! Hindi pa man gano’n kabutibang lagay niya but at least may progression na.Hindi ko inakalang gano’n lang kadaling paikutin si Fatima. Kailangan lang pa lang gamitan ng gamot— yes, ang mga pagkain at inumin niya nitong mga nakaraang araw ay may gamot akong pinalalagay. It’s like a drugs— na siyang pinapahina ang emosyon mo, pinapagulo ang isipan mo.At kusa mong susundin ang utos ng nasa paligid mo.Bagong labas lamang ito sa planta ko— at si Fatima ang siyang unang nakagamit nito. And it was successful! Gano'n niya lang kabilis kalimutan si Giovanni.Oh, my poor son. Sorry not sorry, pero para naman ito sa Mommy, para gumaling na siya.Fatima is not my daughter. She’s the daughter of the woman who died years ago sa isang aksidente kung saan sangkot si Amanda– my wife. Matagal ko na siyang hinahanap because Amanda always talk a
SIX YEARS LATER “Marcus! Where are you?” pagtawag ni Fatima sa kaniyang anak.“Mom! I’m here!” sigaw ni Marcus, at tumakbo palapit kay Fatima.Nakangiting sinalubong ni Fatima ang kaniyang anak. Kasunod nito sa likuran Grandma nitong si Amanda.“Naku, napakakulit ni Marcus. Hinihingal ako sa paghabol ko sa kaniya.” sambit ni Amanda.“Naku, Mommy. Dapat hindi ka na tumatakbo pa, baka mamaya ay magkasakit ka pa.” nag-aalalang sambit ni Fatima, bago buhatin si Marcus.“Si Marcus na nga lang ang nagbibigay sigla sa akin, eh. Kaya hayaan mo na ako.” nakangiting sambit ni Amanda.Nagtungo sila sa nilatag nilang tela gamit pang pick-nick. Si Fatima naman ay abala sa pag-aayos ng isang basket ng mga prutas sa mesa.Nang tumakbong muki si Marcus ay napatingin si Fatima. “Marcus, dahan-dahan lang, baka madapa ka na naman!”Nakangiting huminto saglit si Marcus. “Hindi po, Mommy! I’m really strong po kaya! I’m just like Andres Bonifacio!” conyo nitong tugon.“Hay nako, he looks like his father w
THE FOLLOWING WEEK – SWITZERLANDSa gitna ng isang tahimik na umaga, abala si Fatima sa pagdidilig ng mga halaman sa kanilang bakuran. Ang araw ay bahagyang sumisilip sa ulap, at ang hangin ay may dalang lamig ng tagsibol. Nasa tabi niya si Amanda, umiinom ng kape habang nagmamasid sa paglalaro ni Marcus at Bruno sa damuhan.“Mukhang mas lumalakas ang mga pangarap ng prinsipe natin, ah. Kahapon, bayani. Ngayon, parang gusto nang maging astronaut.” natatawang sambit ni Amanda.Natawa rin si Fatima. “Kung saan-saan na kasi niya nakikita ‘yung mga laruan niya. Minsan may espada, minsan may helmet. Sobrang creative na bata nitong si Marcus.”Habang nag-uusap sila, biglang pumasok sa gate ang isang lalaki— matangkad, may maayos na pananamit, at may dalang brown na envelope. Agad na napansin ito ni Fatima.Bahagyang lumapit si Fatima.“Yes? What can I do for you?”Ngumiti ang lalaki at bahagyang yumuko bilang pagbati.“Good morning, Ma’am. Are you Fatima Flores?"Nagpalitan ng tingin sina F
Biglang bumukas ang pintuan ng silid, at sa pagbukas nito ay pumasok si Mayvel, bitbit ang anak niyang si Joshua. Napuno ng ingay ang tahimik na silid sa boses ng masiglang bata. “Tito Giovanni!” tumakbo ito papalapit sa kama, halatang sabik makita siya. Napatingin si Giovanni sa pumasok. Sa unang saglit, ang mukha niya ay puno ng pag-asa, umaasang ang makikita niya ay si Fatima. Ngunit nang makita niyang si Mayvel at Joshua ang dumating, bahagyang naglaho ang ngiti niya. Mabilis naman niya itong itinago at ngumiti ng bahagya habang sinalubong ang bata. Hinaplos ni Giovanni ang ulo ni Joshua. “Uy, Joshua, kamusta ka? Mukhang mas masigla ka pa ngayon kaysa noong huli kitang nakita.” Umupo si Joshua sa gilid ng kama at masayang nagkukwento. “Tito, ang dami ko nang natutunan sa school! Tapos kahapon, naglaro kami ng basketball ng kaklase kong si Ronnie sa park. Tinalo ko siya! Ang galing ko, ‘di ba?” Ngumiti si Giovanni. Ngunit sa likod ng ngiti niyang iyon, naroon ang bahagyang lung
“Giovanni, nakita ko siya. Nasa Maynila siya ngayon, pero hindi pa siya pwedeng puntahan. Kailangan natin ng kaunting oras." “Maynila? Anong ginagawa niya roon? At bakit hindi ko siya puwedeng makita? Sander, matagal na akong naghihintay. Hindi ko na kayang maghintay pa ng mas matagal.” “Giovanni, kalma. May mga bagay na masalimuot, at may dahilan kung bakit hindi siya nagpapakita. Pero huwag kang mag-alala, tinutulungan ko na siya. Importante lang na maging matatag ka.” Nanatiling tahimik si Giovanni, pilit inuunawa ang mga sinabi ni Sander. Ngunit ang puso niya ay nag-uumapaw sa halo-halong emosyon—pag-asa, pagkabigo, at pangungulila. “Hindi ko maintindihan, Sander. Kung mahalaga ako kay Fatima, bakit siya lumayo? Bakit hindi niya man lang sinubukang makita ako kahit isang beses mula nang magising ako?” Sa kabilang linya, nagbuntong-hininga si Sander. “Giovanni, maybe may rason siya. Pero hindi ako ang nararapat magsabi sa 'yo ng lahat ng iyon. Hintayin mo siya. Bigyan mo siya
Pagkatapos ng mahaba at emosyonal na araw, naupo si Giovanni sa isang bangko sa hardin ng ospital. Tahimik niyang hawak ang sulat ni Fatima, paulit-ulit na binabasa ang bawat linya. Ang malamig na simoy ng hangin ay tila sinasalamin ang lungkot sa kanyang puso. Dumating si Mayvel, dala ang dalawang tasa ng mainit na kape, at maingat na umupo sa tabi niya.“Hindi ka na naman kumain, Giovanni. Hindi mo dapat pinapabayaan ang sarili mo. Kailangan mong maging malakas.” sambit ni Mayvel. Bahagyang napangiti si Giovanni habang nakatingin sa sulat. “Hindi ko naman napapansin ang gutom. Mas iniisip ko kung nasaan si Fatima ngayon. Anong ginagawa niya? Masaya ba siya? Napatawad na kaya niya ako sa mga pagkukulang ko noon?”Tumingala si Mayvel sa buwan, tila nagmumuni-muni) “Sa tingin ko, Giovanni, hindi mo kailanman kailangang humingi ng tawad sa kanya. Mahal ka niya, alam ko iyon. Pero baka ang sarili niya ang hindi niya mapatawad.”Napabuntong-hiningadi Giovanni. “Bakit kailangan niya lumay
Nagpatuloy ang kaguluhan sa loob ng silid. Nang marinig ang unang putok ng baril, agad na kumilos si Giovanni, mabilis at determinado. Tinamaan ang isa sa mga tauhan ni William sa balikat, dahilan upang mawalan ito ng balanse at bumagsak nang malakas sa sahig. Sa gitna ng kaguluhan, hindi na nag-aksaya ng oras si Lydia. Hinawakan niya nang mahigpit si Fatima at mabilis itong kinaladkad palabas ng silid. Halatang takot si Fatima, nanginginig ang buong katawan, ngunit wala siyang magawa kundi sumunod kay Lydia, na nagmamadaling maghanap ng ligtas na lugar sa lumang gusali.“Giovanni! Tumigil ka! Alam mong wala kang laban sa akin!” malakas na sigaw ni William habang nagtatago sa gilid ng pinto, iniiwasan ang mga bala ni Giovanni.“Sinira mo ang buhay namin! Ngayon, titiyakin kong hindi mo na magagawa ulit ito!” sagot ni Giovanni na puno ng galit, habang patuloy na nagpapalit ng posisyon upang maiwasang maging target ng mga natitirang tauhan ni William. Ang kanyang mga mata ay puno ng det
Dumating sina Giovanni at Lydia sa airport sa Manila. Malakas ang hangin dahil sa amihan, at naririnig mula sa malayo ang mahihinang tunog ng lungsod kahit tahimik ang gabi. Naunang bumaba ng eroplano si Giovanni, bakas sa kaniyang mukha ang determinasyon, habang kasunod niya si Lydia, mabigat pa rin ang dalahin ng konsensya sa kanyang balikat.“Anong plano mo ngayon?” tanong ni Lydia habang papunta sila sa isang itim na kotse na inihanda na ni Giovanni.“Hahanapin natin ang safehouse,” sagot ni Giovanni nang walang emosyon. “May sinabi kang clue— ikwento mo lahat ng naalala mo sa sinabi ni Dad.”Sandaling tumigil si Lydia bago sumagot habang sumasakay sila sa kotse. “Ang alam ko lang, isa itong lumang ari-arian niyo malapit sa museo sa Bulacan, isa sa mga dating safehouse ng Daddy mo. May nabanggit siyang simbahan na malapit doon, pero hindi siya malinaw.”Sumingkit ang mga mata ni Giovanni habang unti-unting nabubuo ang naiisip niyang lugar.“Museo? Tama, marahil ang tinutukoy ni Da
Giovanni sat in his dimly lit apartment, staring at the small photograph of his wife. The image had worn edges, his thumb tracing the familiar contours of Fatima’s face. His conversation with Sander echoed in his mind. “Dig deeper.” Could there be a connection between the mysterious woman and his wife?He rubbed his temples, frustration boiling in his chest. “This doesn’t make sense,” he muttered.A sharp knock on the door startled him. Giovanni stood, hesitating before approaching. His hand hovered over the doorknob. Sino kaya ito, at ganitong oras pa? Slowly, he opened the door.Standing there was Fatima—no, Lydia—her face illuminated by the dim hallway light. She wore a gentle smile, but something in her eyes made Giovanni uneasy.“Fatima?” Giovanni’s voice was barely above a whisper.Lydia tilted her head, a playful smirk forming on her lips. “Naalala kita, Giovanni. Hindi ko rin maipaliwanag, pero parang may koneksyon talaga tayo.”His heart raced as confusion clouded his thought
“Who are you?” tanong ni Giovanni.“I’m Fatima, Fatima Vega. Ikaw sino ka ba? Kilala ba kita?” kunot na tanong ng babae.Nanlata si Giovanni. Hindi ang asawa niya ang narito kundi kapangalan lang ni Fatima. Akala niya makikita na niya ang asawa niya. Giovanni slumped into the wooden chair by the window, his gaze fixed on the woman before him. She had the same name, at may hawig ito ni Fatima, and yet, she wasn’t her.The woman still standing, crossed her arms, studying Giovanni with suspicion.“Bakit parang kilala mo ako? Para kang nakakita ng mutlo.” She tilted her head, a trace of curiosity breaking through her stern tone.Giovanni hesitated, his voice trembling. “I… I’m sorry. Hindi kita dapat nilapitan ng ganito. It’s just... you look exactly like my wife. At ang pangalan mo pa—” He broke off, looking away, swallowing the lump in his throat.“Wife?” Fatima’s brows furrowed. “Saan siya ngayon? At paano naman tayo nagkakilala kung ganon?”“She’s…” Giovanni’s voice faltered, the wor
Madilim ang gabi, ngunit maliwanag ang buwan na tila nagmamasid mula sa kalangitan. Habang naglalakad si Giovanni sa kahabaan ng ospital, hawak ang envelope at sulat, napansin niyang may liwanag mula sa maliit na chapel sa loob ng compound. Nagdesisyon siyang pumasok, tila hinahatak ng tahimik na panawagan mula sa loob.Sa loob ng chapel, nakita niya si Mayvel, nakaluhod at taimtim na nagdarasal. Tumayo siya nang makita si Giovanni at lumapit nang may maingat na ngiti. "Hindi ko alam na pupunta ka rito. Hindi ka ba makatulog?" "Paano ako makakatulog, Mayvel? Nalaman ko na ang dahilan ng lahat, pero parang mas lalo akong nawasak. Bakit ganoon? Kapag mas lumalapit ako sa sagot, mas lalong nagiging masakit ang katotohanan." "Hindi mo kailangang dalhin lahat ng bigat mag-isa. Ang mahalaga ngayon, alam mo na ang katotohanan. At mula rito, maaari kang gumawa ng hakbang para ayusin ang lahat." "Pero paano? Hindi ko alam kung saan magsisimula. Paano ko siya haharapin, lalo na't alam