Pagdating nila sa harap ng gusali, nakaramdam sila ng isang malalim na katahimikan. Si Giovanni, nakatingin sa matayog na gusali, ay nagdasal na sana ay maging maingat sila sa bawat hakbang.“Okay, so here's the plan,” sabi ni Marco, muling tinitingnan ang paligid bago magpatuloy. “Papasok kayo sa loob, at kailangan niyong magmukhang karaniwang tao lang na pumunta doon. Maghintay kayo sa lobby, at bibigyan ko kayo ng signal kapag handa nang magsimula. Giovanni, ikaw ang bahala kung paano makakapasok.”“Mayroon akong mga kilala sa loob,” sagot ni Giovanni, bahagyang kinakamot ang kanyang noo. “Alam ko kung paano magsimula. Pero kailangan mabilis tayo. Kung may makakapansin, baka mahirapan tayong makaalis.”Bago pa makapagsalita si Sander, tumingin siya sa paligid, pinaalalahanan ang grupo. “Ilang minuto lang, Giovanni. Dapat magka-cover tayo.”Tumingin si Giovanni kay Fatima. “I’m not doing this alone, Fatima. I need you by my side. Together, we can do this.”Ngumiti si Fatima, kahit n
Habang ang elevator ay bumababa, ang tahimik na paghinga nila Giovanni at Fatima ay mas lalong sumabog sa kaba. Tumigil ang elevator sa bawat palapag, at tila hindi magtatagal bago sila makatagpo ng iba pang mga hadlang.“Ilang segundo na lang, Fatima,” bulong ni Giovanni, ang mga mata ay patuloy na nagsusuri ng bawat kanto at anino sa paligid.“Gusto ko nang huminga nang maayos, ‘yung walang iniisip na takot,” sagot ni Fatima, ang mga palad ay basang-basa ng pawis. “Ligtas pa tayo sa ngayon, pero paglabas natin dito… hindi tayo sigurado.”Tumingin si Giovanni sa kanya, isang tipid na ngiti ang sumik sa kanyang labi. “I know. But we will win this battle, I promise you.”Bago pa nila maramdaman ang kahit anong pag-urong ng elevator, nagsalita muli si Giovanni, “Sa ngayon, stay focused lang tayo.” Walang sino man sa kanila ang nagnanais na magkaroon ng anumang pagkaantala.“Pagkatapos nito,” sambit ni Fatima, “Magiging malaya na tayo.”Isang matalim na tunog ng bell ang umabot sa kanila
William’s Point of ViewNagmumuni-muni ako sa harap ng malaking lamesa sa aking opisina habang ang tunog ng tawag mula sa kabilang linya ay patuloy na bumabalik sa aking tainga. Tumawa ako ng malakas.“Aha, akala nila… akala nila mananalo sila,” sambit ko, ang mga mata ay kumikislap ng kasiyahan at panlilinlang. Ang mga mata ko’y nanlilisik habang iniisip ko ang mga susunod na hakbang.“Boss, ano ang susunod na hakbang?” tanong ng tauhan ko mula sa kabilang linya. Hindi ko siya iniintindi sa unang saglit. Ibinaba ko ang telepono at tiningnan ang mga dokumentong nakalatag sa harap ko.“Nagkamali sila,” bulong ko sa sarili. “It’s almost over, Giovanni. Hindi mo alam na ang lahat ng iyong galaw ay pinaplano ko.”Ilang sandali pa at nagsalita ako muli, medyo malumanay na, pero puno ng poot. “Tell our men to stay put. Let them think they have won. Let them come to us.”“Understood, Boss,” sagot ng tauhan ko. “Papatagilid lang po ba tayo o diretso na?”“Diretso na,” sagot ko nang buo ang lo
Nagtungo sila Giovanni sa warehouse upang kunin ang iba pang dokyumento laban sa ama niyang si William, pero naabutan nilang nasusunog na ang warehouse at paparating pa lang ang mga bumbero.“G-Giovanni, paano na 'to? Wala na...” sambit ni Fatima.Nakatayo si Giovanni at Fatima sa harap ng lumalagablab na warehouse. Naghalo ang sindak at galit sa mukha ni Giovanni habang pinapanood ang mga dokumentong sana’y magbibigay-linaw sa mga lihim ng kanyang ama, unti-unting nagiging abo.“This is fvck up!”“Giovanni, ano’ng gagawin natin? Hindi na natin maililigtas ang mga dokumento!” Halata ang takot at pag-aalala sa kanyang boses.“Hindi ito aksidente, Fatima. Sigurado akong may kinalaman si Daddy dito. Alam niyang may natuklasan tayo.” Ang kanyang mga kamao ay mahigpit na nakasara, ang kanyang tingin ay nanlilisik sa galit.“Kung ganon, paano na ang plano mo? Wala na tayong ebidensya laban sa kanya!”“Hindi tayo puwedeng sumuko. Kung nawala man ang mga dokumento, alam kong may ibang paraan
Sa dulo ng madilim na lagusan, nakarating sina Giovanni at Fatima sa isang mas maliit na silid. Nagmamadali nilang iniayos ang mga dokumentong dala nila habang pilit na inaayos ni Giovanni ang sirang cassette tape.“Giovanni, paano natin malalaman kung anong laman niyan? Mukhang luma na at baka hindi na gumana,” tanong ni Fatima, halatang balisa.“May kaibigan akong technician. Kaya niyang ayusin ito. Pero kailangan nating magmadali bago pa tayo mahanap ng mga taong nasa taas kanina,” sagot ni Giovanni, hindi inaalis ang tingin sa tape.“Si Tito Cesar… sigurado ka bang ligtas siya?”Napabuntong-hininga si Giovanni at saglit na tumigil sa ginagawa. “Hindi ko alam, Fatima. Pero alam kong alam niya ang ginagawa niya. Handa siyang magsakripisyo para sa laban na ito.”Biglang narinig nila ang tunog ng tumutulong tubig mula sa isang pader. Napatingin sila at napansin ang maliit na uka kung saan tila may dumadaloy na likido.“Giovanni… ano ‘to? Hindi kaya may ibang daan pa palabas?” tanong n
Pinilit ni Leo na huwag ipakita ang kaba habang mahigpit na hawak ang baril na nakatago sa likod ng pintuan. “Tape? Wala akong ideya sa sinasabi mo. Baka nagkamali ka ng bahay,” sagot niya, subukang panatilihin ang normal na tono ng boses.Umungol ng marahan ang lalaki, halatang hindi kumbinsido. “Huwag na tayong maglokohan, Leo. Alam naming nandito ang tape. Ayaw naming may mangyari pa sa’yo o sa mga kasama mo.”Nagkatinginan sina Giovanni at Fatima mula sa sulok. Tumango si Giovanni kay Fatima, senyales na maghanda sa anumang maaaring mangyari.“Wala akong alam sa sinasabi mo,” ulit ni Leo, mas mahigpit na ang hawak sa baril. “Pero kung gusto mong pumasok, siguro dapat magdala ka ng warrant.”Nakita ni Giovanni ang kamay ng lalaki na unti-unting bumababa sa gilid ng kanyang jacket, tila may kukunin. Agad siyang kumilos.“Leo, baba!” sigaw ni Giovanni sabay labas mula sa likod ng kabinet at sinipa ang pinto para sumara ito sa lalaki. Tumilapon ang lalaki paatras, ngunit narinig nila
Napaatras si Julius sa narinig mula kay Fatima, halatang nabigla sa sinabi ni Fatima.“B–Baby?” tanong nito, pansamantalang nabawasan ang lakas ng kanyang galit. Ngunit bago pa makapagsalita ulit si Julius, isang malakas na tunog ng baril ang narinig mula sa likuran.“Bitawan mo siya!” sigaw ni Giovanni, hawak ang baril at itinutok ito kay Julius. May mga sugat siya sa braso at mukha, ngunit determinado ang kanyang mga mata.Napahawak si Julius sa kanyang baril, ngunit mabilis na tumama ang isa pang bala sa lupa malapit sa kanyang paa. “Huwag mong subukang gumalaw,” mariing banta ni Giovanni.“Giovanni…” mahinang tawag ni Fatima habang nakahawak sa kanyang tiyan, ang sakit sa kanyang katawan ay halatang halata.“Fatima, huwag kang mag-alala. Nandito ako,” sagot ni Giovanni, hindi inaalis ang tingin kay Julius. “Julius, kung ayaw mong maging abo sa gabing ito, tumalikod ka at maglakad palayo.”Ngunit ngumisi si Julius. “Hindi mo ako matatakot. Alam kong hindi mo ako papatayin. Kailanga
Ilang minuto pa ang lumipas nang magsimulang maglakad-lakad si Giovanni sa pasilyo ng ospital, ang mga hakbang niya ay mabigat at puno ng galit. Ang tawag mula kay William ay paulit-ulit na umaabot sa kanyang isipan, ang mga salitang nagdulot ng galit na tila baga hindi na siya makakaligtas mula sa banta ng kanyang ama.“Aong klaseng laro ba ang pinaplano ni Dad?” bulong ni Giovanni sa sarili, ang mga mata’y matalim sa poot. “Hindi ko siya hahayaang sirain ang pamilya ko. Hindi ko siya hahayaan.”Nang marating niya ang dulo ng pasilyo, nakita niyang pabalik na ang doktor at nars mula sa treatment room. Nagkatinginan sila, ngunit hindi siya pinansin ng doktor— tinutukan ng mga mata ng babae ang folder na hawak ng nars, ang utak niya'y gumagana ng mabilis upang makalap ang impormasyon na maaaring magbigay sa kanya ng sagot.“Doktor, kamusta na po siya?” tanong ni Giovanni, ang tinig ay puno ng pasensya at sakit. “Ano ang susunod na mangyayari?”“Mr. Giovanni,” nagsimula ang doktor, “Kai
Nagpatuloy ang kaguluhan sa loob ng silid. Nang marinig ang unang putok ng baril, agad na kumilos si Giovanni, mabilis at determinado. Tinamaan ang isa sa mga tauhan ni William sa balikat, dahilan upang mawalan ito ng balanse at bumagsak nang malakas sa sahig. Sa gitna ng kaguluhan, hindi na nag-aksaya ng oras si Lydia. Hinawakan niya nang mahigpit si Fatima at mabilis itong kinaladkad palabas ng silid. Halatang takot si Fatima, nanginginig ang buong katawan, ngunit wala siyang magawa kundi sumunod kay Lydia, na nagmamadaling maghanap ng ligtas na lugar sa lumang gusali.“Giovanni! Tumigil ka! Alam mong wala kang laban sa akin!” malakas na sigaw ni William habang nagtatago sa gilid ng pinto, iniiwasan ang mga bala ni Giovanni.“Sinira mo ang buhay namin! Ngayon, titiyakin kong hindi mo na magagawa ulit ito!” sagot ni Giovanni na puno ng galit, habang patuloy na nagpapalit ng posisyon upang maiwasang maging target ng mga natitirang tauhan ni William. Ang kanyang mga mata ay puno ng det
Dumating sina Giovanni at Lydia sa airport sa Manila. Malakas ang hangin dahil sa amihan, at naririnig mula sa malayo ang mahihinang tunog ng lungsod kahit tahimik ang gabi. Naunang bumaba ng eroplano si Giovanni, bakas sa kaniyang mukha ang determinasyon, habang kasunod niya si Lydia, mabigat pa rin ang dalahin ng konsensya sa kanyang balikat.“Anong plano mo ngayon?” tanong ni Lydia habang papunta sila sa isang itim na kotse na inihanda na ni Giovanni.“Hahanapin natin ang safehouse,” sagot ni Giovanni nang walang emosyon. “May sinabi kang clue— ikwento mo lahat ng naalala mo sa sinabi ni Dad.”Sandaling tumigil si Lydia bago sumagot habang sumasakay sila sa kotse. “Ang alam ko lang, isa itong lumang ari-arian niyo malapit sa museo sa Bulacan, isa sa mga dating safehouse ng Daddy mo. May nabanggit siyang simbahan na malapit doon, pero hindi siya malinaw.”Sumingkit ang mga mata ni Giovanni habang unti-unting nabubuo ang naiisip niyang lugar.“Museo? Tama, marahil ang tinutukoy ni Da
Giovanni sat in his dimly lit apartment, staring at the small photograph of his wife. The image had worn edges, his thumb tracing the familiar contours of Fatima’s face. His conversation with Sander echoed in his mind. “Dig deeper.” Could there be a connection between the mysterious woman and his wife?He rubbed his temples, frustration boiling in his chest. “This doesn’t make sense,” he muttered.A sharp knock on the door startled him. Giovanni stood, hesitating before approaching. His hand hovered over the doorknob. Sino kaya ito, at ganitong oras pa? Slowly, he opened the door.Standing there was Fatima—no, Lydia—her face illuminated by the dim hallway light. She wore a gentle smile, but something in her eyes made Giovanni uneasy.“Fatima?” Giovanni’s voice was barely above a whisper.Lydia tilted her head, a playful smirk forming on her lips. “Naalala kita, Giovanni. Hindi ko rin maipaliwanag, pero parang may koneksyon talaga tayo.”His heart raced as confusion clouded his thought
“Who are you?” tanong ni Giovanni.“I’m Fatima, Fatima Vega. Ikaw sino ka ba? Kilala ba kita?” kunot na tanong ng babae.Nanlata si Giovanni. Hindi ang asawa niya ang narito kundi kapangalan lang ni Fatima. Akala niya makikita na niya ang asawa niya. Giovanni slumped into the wooden chair by the window, his gaze fixed on the woman before him. She had the same name, at may hawig ito ni Fatima, and yet, she wasn’t her.The woman still standing, crossed her arms, studying Giovanni with suspicion.“Bakit parang kilala mo ako? Para kang nakakita ng mutlo.” She tilted her head, a trace of curiosity breaking through her stern tone.Giovanni hesitated, his voice trembling. “I… I’m sorry. Hindi kita dapat nilapitan ng ganito. It’s just... you look exactly like my wife. At ang pangalan mo pa—” He broke off, looking away, swallowing the lump in his throat.“Wife?” Fatima’s brows furrowed. “Saan siya ngayon? At paano naman tayo nagkakilala kung ganon?”“She’s…” Giovanni’s voice faltered, the wor
Madilim ang gabi, ngunit maliwanag ang buwan na tila nagmamasid mula sa kalangitan. Habang naglalakad si Giovanni sa kahabaan ng ospital, hawak ang envelope at sulat, napansin niyang may liwanag mula sa maliit na chapel sa loob ng compound. Nagdesisyon siyang pumasok, tila hinahatak ng tahimik na panawagan mula sa loob.Sa loob ng chapel, nakita niya si Mayvel, nakaluhod at taimtim na nagdarasal. Tumayo siya nang makita si Giovanni at lumapit nang may maingat na ngiti. "Hindi ko alam na pupunta ka rito. Hindi ka ba makatulog?" "Paano ako makakatulog, Mayvel? Nalaman ko na ang dahilan ng lahat, pero parang mas lalo akong nawasak. Bakit ganoon? Kapag mas lumalapit ako sa sagot, mas lalong nagiging masakit ang katotohanan." "Hindi mo kailangang dalhin lahat ng bigat mag-isa. Ang mahalaga ngayon, alam mo na ang katotohanan. At mula rito, maaari kang gumawa ng hakbang para ayusin ang lahat." "Pero paano? Hindi ko alam kung saan magsisimula. Paano ko siya haharapin, lalo na't alam
Pagkatapos ng mahaba at emosyonal na araw, naupo si Giovanni sa isang bangko sa hardin ng ospital. Tahimik niyang hawak ang sulat ni Fatima, paulit-ulit na binabasa ang bawat linya. Ang malamig na simoy ng hangin ay tila sinasalamin ang lungkot sa kanyang puso. Dumating si Mayvel, dala ang dalawang tasa ng mainit na kape, at maingat na umupo sa tabi niya.“Hindi ka na naman kumain, Giovanni. Hindi mo dapat pinapabayaan ang sarili mo. Kailangan mong maging malakas.” sambit ni Mayvel. Bahagyang napangiti si Giovanni habang nakatingin sa sulat. “Hindi ko naman napapansin ang gutom. Mas iniisip ko kung nasaan si Fatima ngayon. Anong ginagawa niya? Masaya ba siya? Napatawad na kaya niya ako sa mga pagkukulang ko noon?”Tumingala si Mayvel sa buwan, tila nagmumuni-muni) “Sa tingin ko, Giovanni, hindi mo kailanman kailangang humingi ng tawad sa kanya. Mahal ka niya, alam ko iyon. Pero baka ang sarili niya ang hindi niya mapatawad.”Napabuntong-hiningadi Giovanni. “Bakit kailangan niya lumay
“Giovanni, nakita ko siya. Nasa Maynila siya ngayon, pero hindi pa siya pwedeng puntahan. Kailangan natin ng kaunting oras." “Maynila? Anong ginagawa niya roon? At bakit hindi ko siya puwedeng makita? Sander, matagal na akong naghihintay. Hindi ko na kayang maghintay pa ng mas matagal.” “Giovanni, kalma. May mga bagay na masalimuot, at may dahilan kung bakit hindi siya nagpapakita. Pero huwag kang mag-alala, tinutulungan ko na siya. Importante lang na maging matatag ka.” Nanatiling tahimik si Giovanni, pilit inuunawa ang mga sinabi ni Sander. Ngunit ang puso niya ay nag-uumapaw sa halo-halong emosyon—pag-asa, pagkabigo, at pangungulila. “Hindi ko maintindihan, Sander. Kung mahalaga ako kay Fatima, bakit siya lumayo? Bakit hindi niya man lang sinubukang makita ako kahit isang beses mula nang magising ako?” Sa kabilang linya, nagbuntong-hininga si Sander. “Giovanni, maybe may rason siya. Pero hindi ako ang nararapat magsabi sa 'yo ng lahat ng iyon. Hintayin mo siya. Bigyan mo siya
Biglang bumukas ang pintuan ng silid, at sa pagbukas nito ay pumasok si Mayvel, bitbit ang anak niyang si Joshua. Napuno ng ingay ang tahimik na silid sa boses ng masiglang bata. “Tito Giovanni!” tumakbo ito papalapit sa kama, halatang sabik makita siya. Napatingin si Giovanni sa pumasok. Sa unang saglit, ang mukha niya ay puno ng pag-asa, umaasang ang makikita niya ay si Fatima. Ngunit nang makita niyang si Mayvel at Joshua ang dumating, bahagyang naglaho ang ngiti niya. Mabilis naman niya itong itinago at ngumiti ng bahagya habang sinalubong ang bata. Hinaplos ni Giovanni ang ulo ni Joshua. “Uy, Joshua, kamusta ka? Mukhang mas masigla ka pa ngayon kaysa noong huli kitang nakita.” Umupo si Joshua sa gilid ng kama at masayang nagkukwento. “Tito, ang dami ko nang natutunan sa school! Tapos kahapon, naglaro kami ng basketball ng kaklase kong si Ronnie sa park. Tinalo ko siya! Ang galing ko, ‘di ba?” Ngumiti si Giovanni. Ngunit sa likod ng ngiti niyang iyon, naroon ang bahagyang lung
THE FOLLOWING WEEK – SWITZERLANDSa gitna ng isang tahimik na umaga, abala si Fatima sa pagdidilig ng mga halaman sa kanilang bakuran. Ang araw ay bahagyang sumisilip sa ulap, at ang hangin ay may dalang lamig ng tagsibol. Nasa tabi niya si Amanda, umiinom ng kape habang nagmamasid sa paglalaro ni Marcus at Bruno sa damuhan.“Mukhang mas lumalakas ang mga pangarap ng prinsipe natin, ah. Kahapon, bayani. Ngayon, parang gusto nang maging astronaut.” natatawang sambit ni Amanda.Natawa rin si Fatima. “Kung saan-saan na kasi niya nakikita ‘yung mga laruan niya. Minsan may espada, minsan may helmet. Sobrang creative na bata nitong si Marcus.”Habang nag-uusap sila, biglang pumasok sa gate ang isang lalaki— matangkad, may maayos na pananamit, at may dalang brown na envelope. Agad na napansin ito ni Fatima.Bahagyang lumapit si Fatima.“Yes? What can I do for you?”Ngumiti ang lalaki at bahagyang yumuko bilang pagbati.“Good morning, Ma’am. Are you Fatima Flores?"Nagpalitan ng tingin sina F