DARK POV:"Sinabi ko na sa yo sa text, diba?” Napikon agad si Sky, inangilan ako. “Hayaan mo akong tulungan ka kung paano kukunin ang loob niya nang hindi halata.""Bakit ko naman gagawin yon?" Iritable agad ako. No deal. Ayoko na ng kahit anong tulong mula sa kanya. Nagbago na ang isip ko. Hindi ko pala kayang maging pasensyoso pagdating kay Frey. Alam kaya ni Sky ang pakiramdam kung paano ko pipigilan ang sarili ko at para akong mababaliw gaya ngayon kung hindi ko mahahawakan si Frey ano mang oras ko gusto?Ang bawat himaymay ng katawan ko, sumisigaw dahil sa babaing yon."Dahil ang mga kumplikadong babae na gaya ko, namin ni Frey, ang pinakamahirap paibigin. We can love someone from afar, forever. Platonic. Ganon kami katigas. Palagi naming iniiisip kung ano ang delubyo naming dala sa taong minamahal namin at sa huli lagi naming pinipili ang umiwas, magtago at lumayo." Nakalatay sa tinig ni Sky ang matinding sakit nang sabihin yon.At sino naman kaya ang masuwerteng lalaki na bu
FREY POV:NAGISING ako ng madaling araw sa pakiramdam na basa ako. At yon pala, dinatnan ako ng menstruation. Eksaktong isang linggo bago kami nagtalik ni Dark Samaniego. Medyo nagpanic ako dahil puting panty ang suot ko at wala akong sanitary napkin ngayon di gaya sa isla na may naka-ready sa tokador ko.Tumakbo ako papunta sa banyo, naglinis, nagpalit ng panty, at gamit ang dalawang panyo na puti, ginawa ko yong temporary napkin o pasador. Nagbihis ako; pajama at bagong t-shirt. Saka ako humangos pababa para maghanap ng convenience store. Ang hanay ng gusali kung nasaan ang hotel ay puro mga establishments na malalaki at nagpapataasan ng business signboards. Sa kabilang panig, parang maliliit na negosyo at mga stalls. May ilang bahay na luma at parang masisikip na paupahan. Kung dudungaw ako sa bintana ng silid ko mula sa 3rd floor, ibang mundo na ang tanawin mula roon. Mas malawak ang nakalatag na mga kabahayan na parang ordinaryong barangay lang.Magkaibang mundo sa pagitan lang
FREY POV:“Wala po akong makuhang impormasyon sa kanila hanggang nitong nakaraang buwan. Malinis. Wala kahit sa marketplace ng facebook o political campaigns kung saan aktibo siya noon.” Naalala ko ang sinabi ni Catherine na nakita niya ang stepdad ko sa Samaniego Tower. Naka business suit at parang share holder doon. Sinabi ko rin ang mga ito sa imbestigador.“Puede ko bang malaman kung bakit mo siya hinahanap?”Itinikom ko agad ang bibig ko. “Mukhang hindi ko na kailangang sagutin yan, Sir. Paki-background check na lang po muna siya.” Ibinigay ko ang buong pangalan ni Ray at ilang personal information na alam ko.“Limitado lang ang impormasyon maibibigay namin sa ‘yo; huling address, employer kung mayroon. Criminal records, real properties, vehicles titled in subject’s name at mga negosyo.”“Sapat na po yon sa ngayon. At gusto ko pong magbayad para sa isang linggong paghahanap sa kanya.” Iniisip kong maghanap ng mas murang PI at iba pang paraan na matatagpuan ko agad si Ray.Bina
Sa loob ng isip ko, ang dapat mangyari ay kuyumusin ko siya ng halik. Kabigin siya sa batok at isalya sa pinakamalapit na dingding. Wasakin ang suot niyang damit at angkinin siya bawat pulgada.Akin siya.Hindi rin maitatanggi na hindi lang naman ako ang nahulog sa mga sandali ng matinding pagkahumaling. Ang titig na ibinigay niya sa akin ay parang tornado ng mga ipo-ipo at sala-salabat na damdamin. Nagpapaligsahan ang mga hindi nakikitang labanan ng lakas na halos walang pasensya at pagtitimpi ang mangingibabaw.Pag aari niya ako kahit sa titig lang at ganon din siya sa akin.Nagtaas ng kamay ang unang lalaki. Yong may hawak na inumin. Sumisingit ang mukha sa pagitan namin. “M-Mr. Dark Samaniego? Boss?” Sumaludo ito. “Anak ako ni Mrs. Solis. The building owner. At isa ang daddy ko sa—-”“----wala akong oras sa ‘yo,” pinanlisikan niya ito ng mata sa isang segundong sulyap tapos ay sa akin na uli nakatitig. Malupit na sex ang isinisigaw niya sa pagitan namin. Dumadaan ang mata niya
“LUCKY YOU, breach of contract is not a criminal offense. But you have to pay for the moral damages you have caused to my client, Miss Fontanilla,” ang may edad na Attorney sa likod ng mahogany table niya. Nasa early 60s, balingkinitan at may pagod na boses pero edukado at mahinahon. Maamo rin ang mukha na parang hindi nakakita ng kahit anong karahasan sa mundo. Pero parang lawin kung paano ako titigan sa harap niya.Nagpatuloy siya nang makitang tulala na lang ako. “Kailangan ninyo ring pag usapan kung paano mo babayaran ang portion na hindi mo natupad gaya ng nasa kasunduan at kalakip na penalty na nasa 50% ng halaga ng kabayarang tinanggap mo mula sa kanya.” Tinapik niya ng ballpen ang papel sa harap niya, umuunat sa pagkakaupo. “Actually, Mr. Samaniego could file a case against you higit pa rito, masyado lang siyang abala sa mga panahong ito.”Nawala ang pagkalula ko sa high-end home office na pinuntahan ko. Mabango ang hangin sa maluwang na silid kahit maraming libro. Sa liku
“WELCOME, back, Miss Fontanilla,” si Leila ang nagbeso sa akin sa unang araw ko sa kumpanya matapos ang tatlong araw na palugit bago ako nakapasok.Dahil wala na akong choice. Nang bumalik ako kinabukasan sa opisina ng Attorney ni Dark, nakahanda na ang bagong kontrata na kailangan kong magtrabaho uli sa kanya.At gaya ng una, wala akong naintindihan sa mga yon kaya pinirmahan ko na lang.Si Dark sa sistema ng katawan at utak ko ang pinakamabangis na sumpa.Hindi ako gumagana nang maayos nakikita ko man siya o hindi.Basta ko tinanggap ang trabaho nang walang malinaw na posisyon kung ano dahil si Dark daw ang magde-desisyon niyon.At dahil ikakasal na siya sa iba, 80%, pinaniwala ko ang sarili ko na ligtas na ako sa dati kong posisyon sa kama niya at hindi na ako nababagay doon.At iniisip kong hilingin na ilipat ako sa mas malayong planeta kung puede lang.Pagbaba ko pa lang kanina sa kotseng minamaneho ng driver ni Dark para sa akin, hindi na ako makahinga.Para akong nasa loob ng
Sukat sa sinabi ko—itinulak niya akong mag isa sa pader at bumuway siya palayo sa akin. Para siyang hayop na naghihingalo at ako ang may kagagawan niyon sa kanya.Hindi rin niya ako magawang tingnan na para bang may naalala siyang tagpo gaya ng namagitan sa amin ngayon.Ano ba ang nangyayari sa kanya?“Maupo ka,” basag, malat at naghihirap ang loob niya nang tumingin sa akin. Umaalon ang kalamnan sa dibdib kahit maayos na maayos ang dress shirt niya maliban sa tatlong butas na kinalas na niya ang bitoness. Isang bahagi ng laylayan niyon ang gusot na nakasiksik sa beltline ng pants niya. At parang mabigat ang kanyang pagkilos. Sa guwapo niyang mukha, naroon ang matinding sakit at hindi ko maipaliwanag na parang galit.Sumuray siya pabalik sa mesa niya, inihilamos ang kamay sa buhok at tahimik na naupo. Nanatili siyang naka arko ang leeg patalikod na parang nagdadasal sa milagro at pasensya sa loob ng ilang sandali.At kahit hindi ko pa nakikita ang mga mata niya alam kong parusa ang ar
FREY POV: Tumayo ako para umalis pero bukas at sira na ang blouse ko dahil wala na ang ibang botones. Hindi niya nabuksan ang bra ko pero pakiramdam ko namumula ang balat ko mula sa leeg pababa sa dibdib ko dahil sa stubbles niya na humagod sa katawan ko kanina. Nagmadali ako dahil alam kong yon mismo ang kailangan kong gawin at ang makakabuti.At sana hindi na uli kami magkita pa bago ako umabot sa puntong hindi ko na rin kilala ang sarili ko.Nalaglag sa sofa ang isang hikaw ko pero hindi ko na nilingon. Umekis ang mataas na takong ng sapatos ko nang pilitin kong tumayo nang deretso at muntik na akong matumba.Sinalo ako ng mga kamay ni Dark na nagmumura pa rin. At nang lumapat ako sa braso niya, mapag angking humigpit sa akin yon habang nakatalikod ako sa kanya at sinamyo ang buhok ko na gaya ng droga. Nalilito, itinulak ko siya pero ayaw akong pakawalan.“Tangina,” halos naghihingalo ang paghinga niya, sunod-sunod. “Dito pa mismo sa loob ng lintik na opisina ko sa katiri
FREY POV: Walang palantandaan na matatanggap ako ng nanay niya. Pero hindi na yon mahalaga. Tinuruan ko na rin ang sarili ko na huwag maapektuhan, araw-arawin man nila ang magpa-presscon sa TV kung sino ang nararapat na babae sa anak niya. Dahil alam na alam ko ang totoo: Ako yon at wala nang iba. Siguro, nalaman din nila na ako ang tipong hindi basta puedeng tapakan at may tapang din naman dahil nagawa kong ituloy ang shop kahit na para sa marami ay malas. Marami kasing dugo ang bumuhos doon. Pero naging inspirasyon ko uli ang tapang ni Anna. Kung kaya nitong matulog sa katabi ang bangkay, kaya ko ring harapin ang mga pagsubok sa buhay ko sa sarili kong paraan. Magiging matapang ako para ipaglaban ang pagmamahalan namin ni Dark. Kailan lang, nakaharap ko rin ng personal si Roxanne sa loob ng shop ko, pero siya rin ang nagpatunay sa akin na walang namamagitan sa kanila ni Dark dahil sa nakita kong matinding selos niya sa akin sa puntong gusto na akong saktan, pero sa huli, umali
FREY POV:Pagkagaling sa isla, kusa akong nagpunta sa police station para magbigay ng statement sa nangyari kay Ray.Pero bago pa ako makarating sa opisina, sinabulong na ako ng Senior Detective na may hawak ng kaso sa hallway pa lang at iginiya ako palabas ng building.“Closed case na ang kaso, ma’am.” Matangkad, nasa late 50’s at mabait ang mga mata ng lalaking tinitingala ko. “Inayos na lahat ng boyfriend mo. At may naiwan pa pala siyang sobrang sukli kasi nagpa-merienda siya sa buong team.” Iniabot niya sa akin ang puting sobre na nakasarado. “Pakibigay na lang po, Ma’am. At pakisabi na maraming salamat.”“Okay. Makakarating.”Kaya ko nang hulaan ang nangyari. Mahusay talagang negosyante si Dark, wala na akong masasabi.Pina-plantsa niya ang lahat ng gusot para wala na akong ibang alalahanin pa.Dumeretso ako sa shop, at inabutan ko doon ang isang cleaning team na ipinadala ni Dark.At may bago na naman akong tauhan galing sa isla:Sina Astrid, Nandi at bagong platero, si Regan.
FREY POV: IPINAGLABAN ko rin noon ang tahimik na lamay ng nanay ko sa buong linggo hindi lang noong unang araw na nagwala ako. Na naging napakahirap. Bawat araw nagwawala ako para walang tao na pumunta at matakasan ang pagpaparinig nila sa akin na wala akong kuwenta. Pero pagdating ng kinabukasan, mas marami sila. May mga sasakyan. May mga kaya. Dala nila ang galit sa akin na hindi ko maintindihan.Ako nga raw pala yong babae sa mga larawan.Na wala akong maisagot kundi galit dahil wala akong makitang kasalanan ko kung may mga pictures nga ako na kumakalat kung saan saan. Anong klase ba yon at nagagawa nila akong husgahan at alipustain?Sa huling lamay, dala ng matinding galit, binubusan ko na ng gasolina ang sarili ko at kabaong ng nanay ko, at talagang sisindihan ko mawala na lang kami ng nanay ko nang magkasama. Kung hindi kay Logan na bigla akong niyakap habang hawak ko na ang posporo, sigurado akong noon pa lang patay na ako.Napakasama sa akin ng mundo pero nang makilala ko s
FREY POV: NAGISING ako sa aroma ng mabangong niluluto ni Dark mula sa kitchen kinabukasan. Kaya kahit masakit ang ulo ko at gusto ko pang matulog, bumangon ako at sinundan ko ang amoy niyon.Nahulaan ko agad ang tinolang manok na itinuturing kong comfort food kapag masama ang pakiramdam ko dahil sa healing properties ng luya para sa inflammation.Alam niyang pagod ako sa kaiiyak kaya natatandaan niya siguro dahil minsan kaming naghanap ng putaheng ito nang sobrang pagod ko sa trabaho.Napakamaalalahanin ni Dark sa napakaraming bagay. Perpektong nobyo para sa akin.“Hindi ka papasok?” Suot na naman niya ang apron na may anime design na nakita ko rin sa beach house dati. Iba lang ang kulay.May jeans pattern ng teady bear at korning bulaklak ng sunflower.Malayo sa kanyang personalidad kaya lagi kong napapansin na parang kakaiba yon para sa kanya.Nilingon niya ako, pinagmasdan akong maglakad palapit sa kanya, puno ng pagmamahal at paghanga. Walang bakas na may kailangan kaming pag u
FREY POV:Sa loob at labas ng shop nagkakaingay ang mga taong dinadaanan namin at may mga nagsisigawan dahil sa takot. At sa malabo kong isip, nadaanan ng mga mata ko ang nakahandusay na mga bangkay sa loob at labas ng tindahan.Nasa sampung katawan. Maraming dugo sa hagdan, at may mga talsik hanggang sa pintuang salamin kung saan kami dadaan.“Huwag kang tumingin,” si Dark na kinabig ako para itago sa loob ng kanyang coat.Hinarang kami ng hepe ng pulis, sa likuran nito ay marami pang pulis at imbestigador.“Magbibigay kami ng statement at tutulong kami sa imbestigasyon,” si Dark na sandaling huminto. “Pero hindi ngayon. Under shocked pa ang girlfriend ko. Hayaan ninyo akong tulungan kayo sa ibang paraan maliban dito.”Naiuwi niya ako nang bahay at saka ko lang nagawang umiyak.Hindi ko makalimutan ang matinding takot ko nang matitigan ko uli ang mga mata ni Ray at ang mga mukha ng mga lalaking wala ng buhay sa loob at labas ng shop ko.At ang mga dugo sa paanan ko galing sa katawan
FREY POV:Hindi.Si Ray at ang lalaking ito ay iisa ng mata at pareho silang tumingin!Nangatal ako buong katawan, hindi na ako humihinga. Nanlalaki ang mga mata ko at hindi ko maramdaman ang tuhod ko. Ginusto kong tumakas, alam ng mga paa ko ang daan palabas pero sinalubong niya agad ako sa isang hakbang lang at sinakal ako paatras sa metal rack:“Ah, Frey,” dinukot niya ang baril sa likuran at kalmadong idinampi sa pisngi ko. Ipinaalala sa akin ang amoy ng bakal at nakakapangilong lamig ng pamilyar na armas kapag pinapasok niya ako sa silid ko noon bago mas-masturbate sa harap ko. “Sabihin mo, na-miss mo ba ako?”“R-Ray?”Boses niya ang naririnig ko pero paanong—?Idinikit niya sa botones ng blusa ko ang dulo ng baril, pinakawalan ako. “Maghubad ka, madali!” Umatras siya sa sofa na malayo sa akin at gusto yata uli akong panoorin.FREY POV: Iniwan na ako ng sentido-kumon at hindi na ako nag-iisip. Matigas na ako sa takot dahil nasa loob na ako ng madilim kong isip at kasama kong
FREY POV:DAHIL isinusuka ako ng mga tao sa San Ignacio at marami akong ginawang nakakahiyang bagay sa loob ng isang linggong lamay ng nanay ko, hanggang sa huling araw bago siya ilibing, natuto akong bumasa ng mga matang nakatitig sa akin, body language at kahit bugso ng kanilang mga hininga nang hindi sa kanila tumitingin ng direkta.Isama pa ang panghihiya na nararanasan ko bawat araw na nakikisalamuha ako sa ibang tao mula nang maging bahagi ng buhay namin si Ray at bago ang ikalawang atake sa puso ng nanay ko na kumitil sa buhay nito.Malandi.Baliw.Walang kuwentang babae.Hindi dapat pakasalan.Malas sa magiging asawa.Salot.Isang kahihiyan.Pokpok. At kung ano-ano pa.Ang pakiramdam na yon, bumabalik sa akin ngayong araw na ito.Ang kontratang nakuha ko ay nagkakahalaga ng 5 milyon. At dahil sa 24 karat yellow gold ang metal base at ready made na, ikakabit na lang ang swarovski crystals and precious gems na kayang tapusin ng isla ang total production sa loob lang ng limang
FREY POV: Naglagi ako sa itaas ng shop at hindi na ako nakababa. Nang kumalat ang dilim, hiningi ko kay Ruth ang dalawang bote ng soju niya na nasa ref sa loob mismo ng opisina ko. Alas siete ng gabi, nagchat ako kay Dark na gagabihin ako at huwag na niya akong sunduin dahil totoo rin namang overtime kaming lahat. Pero nagulat ako nang dumating siya sa rooptop at nakita akong umiinom, nagtatago sa mga kasama ko.Basa ako ng luha at namumula na ang mukha ko.Tensyonado siya, bukas ang ilang botones ng dress shirt at mabibilis ang mga hakbang palapit sa akin.“May problema, hindi ba?” Inagaw niya ang alak sa kamay ko na walang kahit anong pulutan.Binawi ko rin yon kaagad, nanginginig, ayoko siyang tingnan, pero mas malakas siya at ayaw niyang bitiwan ang hawak kong bote kung saan direkta akong umiinom."Palagi naman! Kailan ba wala?" Sinigawan ko siya dahil mas naging kawawa ako dahil nahuli niya akong nagmumukmok. Talunan. “Napanood mo yong sa TV news, tama?” Hinaklit niya ang b
FREY POV: KALOKOHAN.Ibinagsak ko ang report na galing sa Security Agency tungkol kay Ray. Wala raw makuhang latest information tungkol sa stepdad ko maliban sa mga personal informations na dati ko nang alam at hindi rin daw nila ito mahanap.O baka naman may taong tumutulong dito para magtago at takpan ang mga bakas nito?Imposible na wala sa report kahit ang naging kaugnayan nito sa Samaniego Corporation at ang naging address nito habang nasa Villasin.Nakaka-insulto yon dahil alam kong hindi nagsisinungaling sa akin si Catherine. Oo, mapaglaro ito, pero matatapatan mo ng pera ang bawat impormasyong pinakakawalan nito sa iba.Sa tingin ko nga, awa na lang para sa akin ang umiral kaya inambunan ako ni Catherine ng tungkol kay Ray.Alam nitong handa kong ibenta ang kaluluwa ko sa demonyo, makaganti lang ako.Na sa ngayon, hindi na ako sigurado sa nararamdaman ko.Bawat sandaling nagiging maligaya ako sa piling ni Dark, bumibitaw ako sa nakaraan at parang gusto ko nang mangarap ng pa