Ang katahimikan ni Thessa ay nagdulot ng kaunting pagkabigo sa puso ni Carlo.Mula sa pagiging isang batang henyo hanggang sa pagiging isang alamat sa negosyo, mahigpit na sinasabi na wala pa itong nakakalaban.Sa loob ng maikling dalawampung taon, nakamit na niya ang taas hindi kailanman maabot ng ibang tao sa buong buhay nila. May marangal na pinagmulan at walang kapantay na kagandahan, ang buhay ni Carlo ay masasabi mong napakaayos.Ang maikling limang taong pag-aasawa ni Thessa sa kanya ay ang tanging lugar na may "pulang krus" sa perpektong papel ng eksamen sa buhay ni Carlo. "Bakit hindi ka nagsasalita?" namamaos na boses ang tanong ng lalaki.Ang lalaking nasa harapan niya ay parang matinding hangin ng taglamig. At isang pagtingin lang sa kanya ng mga tao ay tila hindi na ito makakalakad sa sobrang lamig.Isinandal ni Thessa ang kanyang likod sa pader, at ang lamig na nararamdaman niya ay nagdulot ng bahagyang pang-uuyam sa kanyang mga matang hugis almendras."Kung hindi ka na
"Anong ginagawa niyong tatlo dito?" tanong ni Carlo.Walang pag-aalinlangan namang sumagot si Kenzo, "Tay, iniisip namin kung kailan mo susuyuin si Nanay." sabi pa nito.Tumingin naman si Kerby sa kanyang ama at dahan-dahan niyang sinabi, "Tay, matagal na rin tayong hindi nagkita, sobrang namiss ka namin." malambing na boses ng bata.Ngumiti naman si Bella ng kasing liwanag ng sikat ng araw, ang kanyang ngiti ay nakapagdulot ng kagalakan at pag-asa. Maaring ang pangunahing tema ay hindi niya maintindihan, ngunit nagawa parin nitong magpa kyut.Bahagyang natunaw ang matigas na kalasag na nakapalibot sa puso ni Carlo dahil sa mga salitang binitawan ng kanyang dalawang anak. Lumuhod si Carlo at marahang hinaplos niya ang mga ulo ng tatlong musmos. Ang mga bata ay mukhang masaya at mapayapa sa kanilang kinaroroonan.Matagal na rin niyang pinasuri ang mga detalye ng laboratoryo. Kahit hindi niya alam ang pagkakakilanlan ng nagtatag, ang lahat ng mga tao roon ay nahuhumaling sa pananaliksi
Matapos niya itong tanungin, biglang nag-init ang dibdib ni Carlo. Parang may kung anong hindi maipaliwanag na tensyon ang nag-uumapaw sa kanyang puso."Kung mag-aasawa man ako ulit, may kinalaman ba ito sa'yo?" tanong ni Thessa, ang boses ay malamig at walang ekspresyon. Malamig siyang sumulyap sa lalaki bago siya umikot at nagtungo sa pinto ng banyo.Sa may hamog na salamin ng pinto, malinaw nakikita niya ang tatlong maliit na bata sa labas. Kumatok si Thessa at mahinahong niyang sinabi sa kanyang mga anak, "Kenzo, Kerby, buksan ninyo ang pinto, kung hindi, magagalit si Nanay." aniya.Nang marinig ang seryusong boses ng kanilang ina, agad na nanlumo ang dalawang bata.Makalipas ang limang minuto...Nagbihis ng maayos na pananamit si Thessa, habang nakaupo sa sofa ng sala, tinitignan niya ang dalawang kambal na nakatayo sa harapan niya at nakayuko, habang umaamin sa kanilang nagawang pagkakamali."Pasensya na po Nay, alam po naming mali ang ginawa namin." malumanay na boses ng dalawa
"Thessa, malinaw namang hindi ka nag-asawa muli tama? Bakit ka nagsinungaling sa akin?" Pagsinghal ng lalaki, ang kanyang mga mata'y parang yelong tumitibok sa pagkutya at pagdududa.Bahagyang namilog ang mga mata ni Thessa nang tignan niya ang lalaki sa harapan, napagtanto niyang isinailalim ng lalaki ang kanyang kapangyarihan para tignan ang ilan sa kanyang mga file at talaan."Aba, at ano naman ang bagong natuklasan ng isang Presidente?" pangungutya ni Thessa, ang kanyang mga labi ay nakakurba sa isang mapang-uyam na ngiti."Kay tagal ng paghihintay para sa isang lalaking tulad mo, ang magpakababa para saliksikin ang buhay ng isang hamak na babae." hiyaw niya nang may pabalangkas na paghamak."Tama ka, pinaghihinalaan mong akoy nagtaksil noong tayoy kasal pa, at kaagad mong pinagtatanong ang pagpapakasal muli sa iba nang tayo ay maghiwalay na. Para bang sa paningin mo, ako'y isang babaeng hindi mabubuhay nang walang lalaki." dagdag pa ni Thessa.Nang marinig ng lalaki ang sarkasmo
Ang pagtatanong sa kawalan ng tiwala sa mga ata ni Thessa ay bahagyang nagdulot ng pagkasiklab ng galit kay Carlo. Pero hindi siya isang padalus-dalos na hangal. Ang kanyang boses ay parang nababad sa tubig, nababalot ng sobrang lamig, "May problema ba sa ulat?" kalmadong tanong ni Carlo.Si Thessa ay nanatili lang tahimik, lumapit siya sa lalaki at dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay nito. Ang mga puting daliri ng lalaki na tila yare sa jade, ay tila may kakaibang lamig na dumadampi sa pulso ni Thessa, ni hindi niya mawari kung ano ang tunay na nararamdaman ng lalaki.Kanina pa napapansin ni Thessa ang tila kakaibang pagtibok sa puso ng lalaki. Ngunit dahil nasasangkot dito ang pag-aaruga niya sa dalawang bata, kaya't pinili ni Thessa na huwag magpa-abala sa bagay na iyon.May pribadong hospital naman ang kompanya ng Davilla's Group, at mayroon ding personal na doktor ang pamilyang Davilla, kaya hindi gaanong nag-aalala si Thessa. Subalit hindi niya inaasahan ang mangyayari...
Pumasok si Carlo sa esklusibong ward ng laboratoryo, na personal na inangkin ni Thessa. Nang dumating siya, ang lalaki ay abala parin sa isang pagpupulong habang nakasuot ng headphones."Boss Carlo, paulit-ulit ng nagtatanong si Ms.Trixie kung kailan ka pupunta para makita siya." tanong ng nasa kabilang linya."Sabihin mo sa kanya tapos na ang usapan, ito na ang huling tulong na ibibigay ko sa kanya." malamig na sagot ni Carlo, halata pa ang pagod sa mga boses niya.Nasaksak si Trixie sa tiyan dahil sa pagligtas niya sa batang si Kenzo noon, at ang kanyang matris na nataamaan ay dumanas ng di-maibabalik na pinsala.Natatakot siyang hindi na siya makakapag-buntis at magkaroon ng isang anak sa buong buhay niya. Dahil dito, pinangakoan siya ni Carlo ng tatlong kondisyon.Dahil sa delikado ang kalagayan ni Thessa nang mga oras na iyon, hindi sinabi ni Carlo sa kanya ang tungkol sa pag-atake ng dalawang bata para hindi ito mag-alala at hindi maapektuhan ang kalagayan niya.Noong gabing iy
Kinaumagahan, maagang nagtungo si Kerby kasama ang dalawa niyang kapatid sa silid ng ward ng kanilang ama. Napako ang mga mata ni Carlo sa pintuan, at kunwari'y walang pakialam na nagtanong, "Nasaan ang inyong ina?" anito sa mga bata.Tumingala si Kerby at mahinahon niyang tugon, "Si nanay po ay nasa paliparan, may susunduin daw po." Sa gilid naman, masiglang ibinalita ni Kenzo, "Tay, ipapakilala daw sa amin ni Nanay mamaya ang isang napakahalagang tao!" anito sa kanyang ama.Isang hindi maipaliwanag na kaba ang bumalot kay Carlo; naalala niya ang tawag na natanggap ni Thessa kahapon, ang saya at kilig na narinig niya mula sa tinig nito.Narinig ng munting si Bella ang sinasabi ng dalawang kuya niya, kaya inihilig niya ang ulo at dagdag pa, "Si Julia..." Pagkarinig noon, bahagyang naningkit ang mga mata ni Carlo, nanigas ang kanyang mga kalamnan, at isa pang katanungan ang biglang sumulpot sa kanyang isipan. Paano kung hindi pala nakuha ni Thessa ang marriage certificate, at basta
Napatingin si Carlo sa isang matangkad na bulto na mabilis na dumaan sa silid ng bisita. Mahigpit na nagdikit ang manipis niyang mga labi, at tila bumigat ng bumigat ang atmospera sa kanyang paligid.Ang silid ng bisita ang tinutulugan ni Thessa kapag minsan ay gabi na siyang umuuwi mula sa pag-eeksperimento, para hindi niya magising ang mga bata.Ni minsan ay hindi pa nakapasok si Carlo doon, ngunit ngayon biglang may lalaki nalang ang titira."Carlo, bitiwan mo na." matigas na tono ng boses ni Thessa."Tito?" sumulpot naman ang maliit na boses ni Bella.Sa puntong iyon, biglang nagising si Carlo at nakakita ng dalawang magkahawig na mukha, isa't malaki, at isa't maliit, habang puno ng pagtataka.Nakayakap na ang batang babae sa leeg ni Thessa, ngunit hawak parin ng lalaki ang mga binti nito. Naguguluhang siyang tumingin sa lalaki.Mabilis na binitawan ni Carlo ang mga binti ng batang babae at humingi ng paumanhin, "Pasensya na, biglang may sumagi lang sa isip ko." malumanay nitong s
Kung kaya mang ibigay ni Thessa ang sapat na pagmamahal ng isang ina para sa kanyang anak, paano kung ang munting bata ay naghahangad din ng pagmamahal ng isang ama sa kanyang puso?May isang sandali ng pagkabigla sa kanyang mga mata, at napahinto ang kanyang paghinga.Mahinahong sumagot si Thessa, "Yan ay... Hintayin muna natin ang resulta bago mo husgahan kung karapat-dapat kang mangialam." aniya.Isinara niya ang pinto ng silid-aklatan at iniwan ni Thessa ang lalaking nakatayo roon, ang likod ay isang larawan ng walang pakialam.Sa katahimikan ng silid-aklatan, si Carlo na lamang ang natira. Nagtikom ang kanyang mga labi, at dahan-dahang umakyat ang kanyang mga mata sa isang larawan sa may ibabaw ng mesa. Isang polaroid, kuha nina Thessa at ng tatlong mga bata.Sa araw ding iyon, sa tahanan ng mga Santiago. Nagtungo si Carlo upang sunduin ang mga bata, at nasaksihan niya ang kanilang pagkuha ng mga larawan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit pa siya sumingit nun sa kuha. Maaari na
Ang maliwanag at magandang mga nata ni Thessa ay may bahid ng pagdududa. Tumingin siya kay Carlo na puno ng may hindi pagkakaunawa, para bang siya'y sinasapian."Bakit ngayon ka biglang naging mabait kay Bella?" pagtatakang tanong ni Thessa.Sa harap ng mga matang puno ng pagdududa, parang iniipit si Carlo sa isang nakakasakal na silid. Nanghihina ang hangin, bawat paghinga'y tila pagsuong sa makapal na putik, unti-unting nauubusan siya ng lakas. "Thessa, nais ko lang bilhan ng mga laruan ang mga bata." giit pa nito.Sa isang tinig na walang bahid ng pagmamadali, ibinaon niya ang katotohanan: ang bagay na di masusukat ang halaga ay ginagawa niyang parang mga mumurahing paninda sa bangketa, walang saysay na banggitin."Milyon-milyong mga branded ang kasuotang pambihira, mga laruan lang ba talaga iyon sa paningin mo?" Malamig na usal ni Thessa, halos walang awang bumulwak mula sa kanyang bibig."Carlo, ginugulo mo ang lahat sa pagtatanghal mo, ano ba talaga ang pakay mo!" Dagdag pa niy
"Sige po Mr. Carlo!" masiglang boses ng tauhan.Para sa isang taong may mataas na posisyon katulad ni Carlo na kumikita ng bilyon-bilyon sa isang iglap, ang oras ay pera, pero handa siyang maglaan ng napakaraming oras kasama ang kanyang anak para pumili ng damit. Ang kanyang mga mata ay nakatuon, na para bang nag-aayos siya ng isang proyekto ng kooperasyon na nakakahalaga ng daan-daang milyong piso.Ang mga tauhan na nagbebenta ay nag bubulong-bulongan sa kanilang isipan; Sobrang saya ni Mr. Carlo magkaroon ng anak na babae! ani nila, ang saya'y tila ba isang lihim na kayamanan.Simula sa araw na ito, isang bagong kabanata ang nagbukas. Isang mahiwagang mensahe, isang bulong sa dilim, ang dumapo sa bawat taong bahagi sa kanilang mundo. Si Carlo ang Presidente ng Davilla's Group, ay may isang maliit na prinsesa matapos ang dalawang pinakamamahal na anak na lalaki. Isang karagdagan sa kanilang pamilya na nagdudulot ng matinding kagalakan, ngunit sa likod ng matamis na kagalakan, isang
"Ilipat niyo ang mga hilera roon," boses ng isang batang babae, ang boses ay may bahid ng awtoridad ngunit may pagpipigil din upang hindi masyadong mahigpit. Ang kanyang mga mata ay mapanuri, sinusuri ang bawat galaw ng mga taong nag-aayos ng mga mamahaling tela, "At ang mga hilera naman dito." aniya.Isang daing ang sumabog mula sa gitna ng mga nagtatrabaho. "Aray! Dahan-dahan lang! Mag-ingat kayo baka masabit ang mga diyamante sa mga palda!" matigas nitong sabi."Ayusin ninyo ang mga maliit na lobo ayon sa laki, saka ninyo ipasok!" sumunod nitong wika.Habang nakaupo, ang mga mata ni Carlo ay bahagyang nakatitig sa orasan, hinihintay ang resulta ng pagpapahalaga. Ngunit sa gitna ng kanyang pagkabalisa, napansin niya ang batang babae. Kitang-kita niya ang pagkagusto ng bata sa mga alahas.Hindi pa man lumamig ang mga salitang binitawan niya, isang alon ng pagkilos ang sumunod. Sa isang iglap, ang mga pangunahing brand, mga pangalang kilala sa mundo ay nag-uumpisang magpadala ng mga k
Lalo na kapag sumasabay sa ngiti ang kanyang mga mata, tila ba para itong mga gasuklay ng buwan, eksaktong talaga namang kapareha ng kanyang ina. Ang batang si Bella ay mas maliit na bersyon ni Thessa.Ang tanging pagkakahawig ay ang maliit na nunal sa pagitan ng kanyang mga kilay, iaang marka na tila minana, isang bakas ng isang hindi inaasahang ugnayan.Ngunit posible nga ba? Ang ideya ay gumuhit ng matinding pag-aalala sa puso ni Carlo. Maaari kayang si Bella... ang kanyang anak? anito sa sariling isip.Mahigipit na nakayakap ang batang babae sa leeg ni Carlo, ang mga maliit na braso nito ay tila mga sanga ng isang punong kahoy na mahigpit ang pagkakapit. Sa salamin, nakikita niya ang repleksyon ng kanilang dalawa- ang maliit na mukha ni Bella na halos kopya ng kanyang repleksyon, ay paminsan-minsang nagpapalabas ng mga nakakatawang ekspresyon, sinasadya upang mapatawa siya."Tito, ang gwapo niyo naman po!" malambing na usal ng musmos.Bagamat alam ng batang babae sa kanyang puso n
Isang mabigat na katahimikan ang bumalot kay Carlo matapos ang gabing iyon. Ang sagot na kanyang inaasam ay nanitiling isang anino, isang palaisipan na tila nagpapabigat sa kanyang dibdib.Sa hapag-kainan, habang ang amoy ng mainit na kanin at almusal ay pumupuno sa silid, panay ang tingin niya kina Thessa at Bella, may kutob siyang may kinalaman sila sa palisipan niya.Ang una'y nagkukunwari pa itong walang nakikita, habang ang munting si Bella ay napaisip na baka nais lang nitong tikman ang lugaw niya, kaya't buong-loob na kumuha siya ng malaking kutsara at inilagay sa mangkok ng tito niya.Mula sa maliit na upuang pambata, maingat na kinuha ng batang babae ang kutsarang may lamang lugaw, sa isang galaw na puno ng pag-aalaga, iniharap niya ito sa bibig ni Carlo. "Tito, tikman mo ito." malambing na usal ni Bella.Natunaw ang puso ni Carlo sa ginawa ng bata, hinawakan niya ang maliit na ulo nito at malumanay niyang sinabi, "Hindi kumakain si Tito, ikaw nalang ang kumain niyan." malum
Orihinal na nais niyang sabihin ang tungkol kay Bella, ngunit nang makita ang ekspresyon sa mukha ni Carlo, malinaw na hindi nito alam na ang munting batang babae ay kanyang anak.Hindi inaasahan ni Mark na si Carlo, ang may isang malaking pangalan sa mundo ng negosyo at kinatatakutan pa ng mga kalaban, ay ganoon nalang pala kaduwag pagdating sa pag-ibig. Hindi lamang niya nakikita ang kanyang tunay na damdamin, kundi lalo pa nitong tinutulak ang mga taong malapit sa kanya.Ngunit naisip pa rin ni Mark na mas mabuti na rin 'yon, upang sa gayon ay makahanap siya ng pagkakataong suyuin si Thessa, at mabigyan ng pag-asa ang kanilang di-maipaliwanag at nakatagong pag-ibig noon.Mahigpit ang pagkakahawak ni Carlo sa kanyang panga, ang manipis niyang mga labi ay halos magkasalubong na, at ang mga daliri ay mahigpit na nakakuyom sa kanyang palad. Isang nakakatakot na lamig ng aura ang kanyang pinapakita.Nang mga oras na iyon, nakalayo na si Mark sakay ng kanyang sasakyan.Bumalik si Carlo,
Gumapang ang takot sa puso ng musmos na bata. Mahigpit na napayakap siya sa leeg ni Carlo, ang mukha'y binaon sa matipuno nitong balikat. Para bang ang pamilyar na kapanatagan ng isang ama ang nararamdaman niya, isang seguridad na hindi niya namalayan na hinahangad niya nang mga sandaling iyon. Sa kauna-unahang pagkakataon, mahigpit na niyakap ng munting bata ang leeg ni Carlo, ang kanyang maliit na braso ay nakapulupot nang mahigpit, at halos ayaw ng bumitaw."Tito, natatakot po ako." nanginginig na boses ng bata.Ang lambing at pag-asa sa tinig ng bata ang gumuhit ng lambot sa puso ni Carlo. Dahil dito, bahagyang lumiwanag ang kanyang tinig. "Huwag kang matakot, nandito si Tito." malumanay na boses ni Carlo.Mahirap ipaliwanag ang kakaibang pag-alala at pagmamahal na kanyang nadarama para sa batang babaeng yakap-yakap niya ng mga sandaling iyon. Isang damdamin na higit pa sa pagiging isang tiyuhin.May iba rin namang mga pamangkin si Carlo na mas bata pa kina Kenzo at Kerby, nguni
Napangiwi si Carlo, naaawa sa dalawang batang kanina pa nakaupo. "Bakit nga ba nandito si Mr. Mark?" tanong niya sa lalaking nakaupo sa wheelchair na para bang wala lang."Naparito ako para magpasalamat." sagot ni Mark, ang mga labi'y bahagyang nakangiti. Ang mga mata niya'y malumanay na nakatuon kay Thessa, taos-puso ang pasasalamat sa kanyang tinig.Magalang namang ngumit si Thessa, isang "walang anuman" ang sinabi niya sa lalaki.Kinuyom ni Carlo ang kanyang mga kamao. Sa likod ng kanyang kalmadong mukha, ang puso niya ay matagal nang sinasalanta ng apoy ng selos at kawalan ng pag-asa.Malamig ngunit matalas ang kanyang mga kilay habang nagtatama ang kanilang mga tingin ni Mark sa ere. Isang di-maipaliwanag na tensyon ang bahagyang bumabalot sa pagitan ng dalawa."Tay, sumama ka na rin sa pangingisda, mag-uunahan tayo!" sigaw ni Kenzo.Nabasag ng masiglang boses ni Kenzo ang nakakabigat na katahimikan. Kumuha siya ng panibagong pamingwit ng mga bata mula sa gilid at inabot iyon ka