CHAPTER 55THE MAN WHO BREAKS MY HEART "Bakit kaya? Kaya ba wala siya ng mga ilang araw dahil inaasikaso niya ang pag-alis niya?" Tanong ni Annaliza kay Lanie na may nakalap kami na balita."Sayang naman, masungit siya pero ayos naman si sir Ryker bilang boss, hindi ba Aubree? May alam ka ba dito?" Tanong ni Lorna sa akin kaya napabaling ang attention ko sa kanila.Umiling ako at nagpatuloy sa pagkain ng chicharon. "Hindi ko alam, kahit sekretarya ako hindi ko naman alam ang ibang plano ng mga boss natin tulad na lang sa bagong chismis ngayon." Saad ko sa kanila.May nagkalat kasi na balita na magreresign na si Matt Sullivaño sa pagiging CEO kaya dalawang buwan ng hindi pumapasok sa opisina. "Akala ko kasi may something kayo kaya alam mo ang bagay na ganyan, Aubree." Ani pa ni Annaliza.Ngumiwi ako dahil wala naman talaga, huli kong kausap sa kanya noong dinala niya ako sa penthouse niya na hindi man lang ako nakatulog dahil nagtatampo ako sa kanya tapos ayon akala ko papasok na siy
CHAPTER 56THE MAN WHO BREAKS MY HEART Mugto ang mata ko sa kakaiyak kagabi at wala pa akong magandang tulog dahil sa sinabi ni baby Freya kaya hindi na muna ako papasok sa opisina dahil wala na naman panigurado si Ryker. Wala rin naman akong ganang pumasok at baka tadtarin naman ako ng mga katanungan kung saan na naman ang may-ari ng building ng mga Sullivaño.Hindi ko na alam kung ano ang isasagot ko sa mga katanungan nila.Ayon kay mama, nasa school na raw ang mga bata. Hindi ko man lang namalayan ang pag-alis ng mga bata kaya hindi man lang ako nakapag paalam ng maayos sa mga anak ko. Sayang lang dahil hindi ko sila na ihatid pero sabi ni mama na pinuntahan nila ako sa kwarto para makapag paalam kahit tulog pa ako. "Dagdagan mo pa ang arroz caldo anak, marami ang niluto ko." Ani ni mama sa akin kaya nagdagdag pa ako, wala yata akong kabusugan, napansin ko na ilang araw na rin na panay lamon ko, kahit chichirya ay pinatulan ko. "Salamat mama.""Umiyak ka ba? Kagabi o kaninang u
CHAPTER 57THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Akala ko nakakita ako ng multo ngayon ah, sabi mo hindi ka papasok?" Si Lanie. Same sila ng reaksyon ni Annaliza kaya hindi ko na rin alam kung paano ko sabihin ang totoo.Isip-isip Aubree. "Nabagot ako sa bahay kaya sabi ko papasok na lang ako, kaya ako nandito, pero mamaya ay same pa rin maaga akong uuwi, napadaan lang ako kamo dito." Sabi ko pero ang mga mukha ng mga kaibigan ko ay nagdududa pa, bahala kayo diyan."Yung shining armor mo ay wala na sa opisina niya. Alam ko kung bakit ka narito ay dahil yan kay boss Ryker Matt Sullivaño. Huwag ka ng magdeny Aubree baka one of these days ay mabalitaan na lang namin na ikakasal kana without inviting us." Si Lorna."Hindi a, advance niyo naman mag-isip. Hindi naman ako gusto ng amo natin ano, tumulong lang talaga siya nung isang beses na inaway ako ng kirida niya. Isa pa, hindi naman siya ang rason kung bakit ako narito sa opisina kaya wag talaga kayong advance mag-isip diyan." Rason ko pa."Si
CHAPTER 58THE MAN WHO BREAKS MY HEARTHindi ko alam kung paano kumalma. Nasasaktan ako sa ibinalita ni Rowela sa akin. Parang kinakapos ako sa paghinga kahit hindi pa naman nasabi lahat. “Kaya pala noong nagkita kami muli ay nagtataka ako dahil the way na tinititigan niya ako ay akala ko hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya na ako. Yung akala ko, hihingi na siya ng sorry sa akin dahil sa ginawa niya noon na pag-iwan at panloloko niya dati pero hindi nangyari. May sinasabi siya pero ni minsan hindi ko binigyan ng pansin iyon, kundi mas lalo akong nagagalit sa kanya. Sinusumpa ko pa siya na maunang mamatay kaysa sa anak ko na minsan na ring nag-aagaw buhay. Ang dami kong kasalanan sa kanya Wel. Ang dami kong sinasabi sa kanya na hindi maganda. Hindi ko alam kung mapapatawad niya pa ako. Ayokong lumayo ang loob niya sa akin, lalo ngayon sa nalaman ko. P-paano nangyari na-nagka amnesia si Ryker? May alam ka ba? Kailan pa?” Tanong ko sa kaibigan ko kahit hindi ko na alam kung ka
CHAPTER 59THE MAN WHO BREAKS MY HEARTHa? Sino? Anak! Okay ka lang ba? Pupuntahan ka namin.” Pag-alala ni mama."Si Ryker po mama, may amnesia po siya. Hindi nya po ako maalala ma… mahigit limang taon na.”"Anak! Ganoon pala. Kawawa naman ang bata na ‘yon. Anong balak mo?”"Pupuntahan ko po siya ma, aalagaan ko po siya. Magsosorry ako sa kanya. Kaya, kayo na po bahala na mag-asikaso sa mga bata mama, baka hindi ako makakauwi ngayong gabi. Magtetext na lang po ako.” Paalam ko kay mama."Sige…sige anak. Mag-ingat ka ha? Tawagan mo kami kung anong balita. Kami na ang bahala sa mga bata.” Pagkasabi ni mama ay nagpaalam na kaming dalawa at dinadial ko pa rin ang cellphone ni Ryker pero wala pa ring sumasagot.Pagkarating sa office ng mga engineer at architects located dito sa BGC ay agad akong nag para kay manong driver at inabot ang bayad at nagbigay ako ng tip. Pinunasan ko lang ang mga luha sa mukha at inayos ang buhok ko. Agad akong pumasok sa lobby at nagtungo sa receptionist para m
CHAPTER 60THE MAN WHO BREAKS MY HEARTNaglakad ako patungo sa kanya. Hindi ako kumurap dahil natatakot ako na hindi siya totoo. Na nanaginip lang ako at pagdilat ng mga mata ko ay isa lamang siyang usok sa paningin ko at biglang lumaho. Paglapit ko sa harapan niya ay kinuha ko ang bote ng alak sa kamay niya at nilagay sa maliit na mesa na naroon malapit sa wall glass kasama ang bag ko.Binalik ko ang attention sa kanya. Nagkatitigan kami sa isa't-isa ng ilang segundo. Parang na estatwa siya sa kinatatayuan niya ngayon. Nakaawang ang kanyang bibig at tulalang nakatitig sa akin. Ngumiti ako ng bahagya ngunit hindi ko mapigilan na bumuhos ang luha ko. Hinayaan ko iyon dahil luha iyon ng kasiyahan na sa wakas naliwanagan ako sa nangyari at ngayon na nandito siya sa harapan ko, ang dami kong gustong sabihin sa kanya. “Hindi man ako maalala ng isip mo, pero nararamdaman mo ako dito,” turo ko sa kung saan ang puso niya. “iyon ang mahalaga para sa akin sa ngayon. I'm sorry ngayon ko lang
CHAPTER 61THE MAN WHO BREAKS MY HEARTNakapikit pa ako habang kinakapa ang left side ko na higaan dahil naalala ko na my kayakap ako kagabi pero kahit anong kapa ko ay wala talaga.Kaya dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko kung nasa tabi ko pa ba si Ryker o nahulog na naman sa kama tulad ng dati dahil sobrang likot kong matulog pero laking gulat ko na wala na siya sa higaan niya at sinilip ko pa sa sahig pero wala siya.Kinabahan ako kaya dali-dali akong bumaba ng kama at hindi na nakapag tsinelas at agad tumakbo patungo sa labas ng kwarto at baka iniwan na naman niya ako. “Ryker! Ryker! Please, come back!" Tawag ko sa pangalan niya, kinalma ko ang sarili ko para hindi ako umiyak. Saka na lang ako nahimasmasan na makita ko siya na nakatingin sa akin habang nakangiti. May apron na nakayakap sa kanyang katawan habang naka sando at black short. Na isip niya yata kung ano ang nasa isip ko. Kinalma ko ang sarili ko habang nakanguso na tinitigan siya. “Come here!" Agad niya na tawag
CHAPTER 62THE MAN WHO BREAKS MY HEART(Mature content)“Blooming mo ngayon Inday, masaya ang puso mo ngayon? Hulaan ko." Shit! Nalaman kaya ni Lanie ang tungkol sa amin ni Ryker na…?“A-ang ano?"“Dahil tataas ang sahod natin ngayong buwan, ahh yes" aniya sabay tili kaya natawa na lang ako. Akala ko kung ano na. Well, bakit ba ako kinakabahan na totoong asawa ako naman si Ryker kahit hindi pa kami kasal, may anak na nga kaming dalawa eh, kaya wala na akong pakialam kung ano ang sasabihin ng iba. Hindi naman sa inilihim namin ni Ryker kung ano ang papel ko sa buhay niya. Ang gusto na nga niya na ipakilala niya ako sa lahat ng empleyado at barkada n'ya pero sinabihan ko na saka na kung maalala niya na ako para wala akong ibang marinig na balita na nagtatake advantage ako sa relasyon na meron kami dahil sa nakalimutan niya ako. Hindi naman kami nagtatago, alam kung may alam na ang iba, ganyan basta chismosa kaya wala akong pake basta masaya kami ni Ryker. May kinakaabalahan siya re