CHAPTER 57THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Akala ko nakakita ako ng multo ngayon ah, sabi mo hindi ka papasok?" Si Lanie. Same sila ng reaksyon ni Annaliza kaya hindi ko na rin alam kung paano ko sabihin ang totoo.Isip-isip Aubree. "Nabagot ako sa bahay kaya sabi ko papasok na lang ako, kaya ako nandito, pero mamaya ay same pa rin maaga akong uuwi, napadaan lang ako kamo dito." Sabi ko pero ang mga mukha ng mga kaibigan ko ay nagdududa pa, bahala kayo diyan."Yung shining armor mo ay wala na sa opisina niya. Alam ko kung bakit ka narito ay dahil yan kay boss Ryker Matt Sullivaño. Huwag ka ng magdeny Aubree baka one of these days ay mabalitaan na lang namin na ikakasal kana without inviting us." Si Lorna."Hindi a, advance niyo naman mag-isip. Hindi naman ako gusto ng amo natin ano, tumulong lang talaga siya nung isang beses na inaway ako ng kirida niya. Isa pa, hindi naman siya ang rason kung bakit ako narito sa opisina kaya wag talaga kayong advance mag-isip diyan." Rason ko pa."Si
CHAPTER 58THE MAN WHO BREAKS MY HEARTHindi ko alam kung paano kumalma. Nasasaktan ako sa ibinalita ni Rowela sa akin. Parang kinakapos ako sa paghinga kahit hindi pa naman nasabi lahat. “Kaya pala noong nagkita kami muli ay nagtataka ako dahil the way na tinititigan niya ako ay akala ko hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya na ako. Yung akala ko, hihingi na siya ng sorry sa akin dahil sa ginawa niya noon na pag-iwan at panloloko niya dati pero hindi nangyari. May sinasabi siya pero ni minsan hindi ko binigyan ng pansin iyon, kundi mas lalo akong nagagalit sa kanya. Sinusumpa ko pa siya na maunang mamatay kaysa sa anak ko na minsan na ring nag-aagaw buhay. Ang dami kong kasalanan sa kanya Wel. Ang dami kong sinasabi sa kanya na hindi maganda. Hindi ko alam kung mapapatawad niya pa ako. Ayokong lumayo ang loob niya sa akin, lalo ngayon sa nalaman ko. P-paano nangyari na-nagka amnesia si Ryker? May alam ka ba? Kailan pa?” Tanong ko sa kaibigan ko kahit hindi ko na alam kung ka
CHAPTER 59THE MAN WHO BREAKS MY HEARTHa? Sino? Anak! Okay ka lang ba? Pupuntahan ka namin.” Pag-alala ni mama."Si Ryker po mama, may amnesia po siya. Hindi nya po ako maalala ma… mahigit limang taon na.”"Anak! Ganoon pala. Kawawa naman ang bata na ‘yon. Anong balak mo?”"Pupuntahan ko po siya ma, aalagaan ko po siya. Magsosorry ako sa kanya. Kaya, kayo na po bahala na mag-asikaso sa mga bata mama, baka hindi ako makakauwi ngayong gabi. Magtetext na lang po ako.” Paalam ko kay mama."Sige…sige anak. Mag-ingat ka ha? Tawagan mo kami kung anong balita. Kami na ang bahala sa mga bata.” Pagkasabi ni mama ay nagpaalam na kaming dalawa at dinadial ko pa rin ang cellphone ni Ryker pero wala pa ring sumasagot.Pagkarating sa office ng mga engineer at architects located dito sa BGC ay agad akong nag para kay manong driver at inabot ang bayad at nagbigay ako ng tip. Pinunasan ko lang ang mga luha sa mukha at inayos ang buhok ko. Agad akong pumasok sa lobby at nagtungo sa receptionist para m
CHAPTER 60THE MAN WHO BREAKS MY HEARTNaglakad ako patungo sa kanya. Hindi ako kumurap dahil natatakot ako na hindi siya totoo. Na nanaginip lang ako at pagdilat ng mga mata ko ay isa lamang siyang usok sa paningin ko at biglang lumaho. Paglapit ko sa harapan niya ay kinuha ko ang bote ng alak sa kamay niya at nilagay sa maliit na mesa na naroon malapit sa wall glass kasama ang bag ko.Binalik ko ang attention sa kanya. Nagkatitigan kami sa isa't-isa ng ilang segundo. Parang na estatwa siya sa kinatatayuan niya ngayon. Nakaawang ang kanyang bibig at tulalang nakatitig sa akin. Ngumiti ako ng bahagya ngunit hindi ko mapigilan na bumuhos ang luha ko. Hinayaan ko iyon dahil luha iyon ng kasiyahan na sa wakas naliwanagan ako sa nangyari at ngayon na nandito siya sa harapan ko, ang dami kong gustong sabihin sa kanya. “Hindi man ako maalala ng isip mo, pero nararamdaman mo ako dito,” turo ko sa kung saan ang puso niya. “iyon ang mahalaga para sa akin sa ngayon. I'm sorry ngayon ko lang
CHAPTER 61THE MAN WHO BREAKS MY HEARTNakapikit pa ako habang kinakapa ang left side ko na higaan dahil naalala ko na my kayakap ako kagabi pero kahit anong kapa ko ay wala talaga.Kaya dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko kung nasa tabi ko pa ba si Ryker o nahulog na naman sa kama tulad ng dati dahil sobrang likot kong matulog pero laking gulat ko na wala na siya sa higaan niya at sinilip ko pa sa sahig pero wala siya.Kinabahan ako kaya dali-dali akong bumaba ng kama at hindi na nakapag tsinelas at agad tumakbo patungo sa labas ng kwarto at baka iniwan na naman niya ako. “Ryker! Ryker! Please, come back!" Tawag ko sa pangalan niya, kinalma ko ang sarili ko para hindi ako umiyak. Saka na lang ako nahimasmasan na makita ko siya na nakatingin sa akin habang nakangiti. May apron na nakayakap sa kanyang katawan habang naka sando at black short. Na isip niya yata kung ano ang nasa isip ko. Kinalma ko ang sarili ko habang nakanguso na tinitigan siya. “Come here!" Agad niya na tawag
CHAPTER 62THE MAN WHO BREAKS MY HEART(Mature content)“Blooming mo ngayon Inday, masaya ang puso mo ngayon? Hulaan ko." Shit! Nalaman kaya ni Lanie ang tungkol sa amin ni Ryker na…?“A-ang ano?"“Dahil tataas ang sahod natin ngayong buwan, ahh yes" aniya sabay tili kaya natawa na lang ako. Akala ko kung ano na. Well, bakit ba ako kinakabahan na totoong asawa ako naman si Ryker kahit hindi pa kami kasal, may anak na nga kaming dalawa eh, kaya wala na akong pakialam kung ano ang sasabihin ng iba. Hindi naman sa inilihim namin ni Ryker kung ano ang papel ko sa buhay niya. Ang gusto na nga niya na ipakilala niya ako sa lahat ng empleyado at barkada n'ya pero sinabihan ko na saka na kung maalala niya na ako para wala akong ibang marinig na balita na nagtatake advantage ako sa relasyon na meron kami dahil sa nakalimutan niya ako. Hindi naman kami nagtatago, alam kung may alam na ang iba, ganyan basta chismosa kaya wala akong pake basta masaya kami ni Ryker. May kinakaabalahan siya re
CHAPTER 63THE MAN WHO BREAKS MY HEART“No… no… bitawan nyo ako please… please… please. Gusto kong pumasok… gusto kong makita ang mag-aama ko.” Pagmamakaawa ko sa mga nurse na umawat sa akin na pumasok sa emergency room."Ma’am, bawal po pumasok ma’am. Ginagamot na po sila–”"Hindi… hindi niyo ako naiintindihan. Kailangan nila ako, please.. please." Halos lumuhod na akong nagmamakaawa sa kanila. “Please lang… gusto ko silang makita… Maynard! Ryker! Nandito ako… nandito na ako.”“Anak! Aubree, anak ko. Dyos Ko." Agad akong bumaling sa tumawag sa akin at nakita ko ang mga magulang ko na patakbong lumapit sa akin kasama sina Donna at Caloy."Anak?"“Aubree… ““Mama. Papa. Si Maynard at si Ryker na- nasa loob ma, pa, ayaw akong papasukin ng mga nurse, gusto ko silang makita." Halos magwawala na ako sa labas ng emergency room.Niyakap ako ng mahigpit ni papa. “Lakasan mo ang loob mo anak, lakasan mo ang loob mo. May awa ang Panginoon, may awa anak, hindi-hindi niya hahayaan na may mangyar
CHAPTER 64THE MAN WHO BREAKS MY HEART“Hoy pare, akala ko ba engagement party ang pupuntahan namin? Bakit ka nariyan? Pambihira oh, gising.” Boses ni Edziel ang nagpagising sa diwa ko. “Gising na oh, may pa lechon ka pang pinaluto sa akin, lima yun pare wala pang bayad. Malapit lapit one million yon.” Si Douglas."Ha? Ganun ang presyo ng lechon mo? Hindi na ako bibili oy-” si Carlos. "Gagi, pampagising lang, malay mo biglang umupo para magbayad.”"Ahh…" Sabay-sabay na tango ng mga sampung mga kalalakihan. Mga baliw talaga. “Hello, Aubree sorry dumaan kami dahil narinig namin ang balita. Kagabi pa sana kaso sabi ng bantay sa labas na huwag muna dahil kailangan ng pahinga.” Sambit naman ni Lance kaya tumango ako.Nakatulog pala ako habang nakaupo sa maliit na plastic chair habang magkahawak ang kamay namin ni Ryker. Sinilip ko ang anak ko sa kabilang bed na kung saan naroon si mama. Hanggang ngayon ay tulog pa rin silang dalawa ni Ryker at hindi man lang nagising simula pa kahapo