CHAPTER 25THE MAN WHO BREAKS MY HEARTIdinilat ko ang mga mata ko at tanging puti na kisame ang sumalubong sa akin. Kumukurap-kurap ako dahil nasisilaw ako sa ilaw."Anak!" Binaling ko ang tingin na kung saan naroon si mama. "Anak! Kamusta ang pakiramdam mo?" Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung may masakit ba sa akin o kung ano. "Pahingi po ng tubig mama," imbes na sabi ko kay mama. Agad naman siyang pumunta sa table kung saan naroon ang tubig at naglagay sa baso. Inangat ko ng kaunti ang katawan ko para makaupo sa kama ng ospital. "Ito anak!" Kinuha ko kay mama ang tubig at agad uminom. Pagkatapos kung maibigay kay mama ang baso at maitabi ay lumapit siya akin, sinuklay niya ang buhok ko at ngumiti. "Papunta na dito ang doctor para tingnan ka ulit, hindi ka na ba nahihilo? O masakit ang ulo o anong sakit na nararamdaman? Sabi ko naman sayo na huwag ka na lang pumasok sa opisina pero makulit kang bata ka, hindi mo naman pala kaya.""Ano po ba ang nangyari mama?" Tanong ko."Da
CHAPTER 26THE MAN WHO BREAKS MY HEARTBusy ako sa mga papeles na kailangan kong I-files ngayong araw. Naging maayos ang naging araw ko simula nung pumasok ulit dito, wala pa akong nahanap na trabaho dahil halos lahat ay puno na o talagang hindi ko pa forte ang magiging trabaho ko.At sa dalawang linggo na wala ang playboy aka boss namin ay dalawang linggo na rin nakatinga itong mga documents na kailangan niyang permahan.Ang sarap batukan ang lalaking iyon dahil sa sobrang pabaya sa trabaho niya. Baka nasa mga babae na naman niya kaya hanggang ngayon hindi pa pumapasok sa office. Ang galing talaga, sa sobrang galing ang sarap ibalibag ang mukha na tamad na 'yon."Ano sa Saturday, bar tayo? May alam ako na bar na maganda rin puntahan. Ang The X-club, ano payag?'' Kilala ko yang club na tinutukoy ni Annaliza sa akin. May tatlong branch yan, nasa Makati, Taguig at Mandaluyong. Nasa canteen kami ngayon for lunch. Pinabaunan ako ni mama ng mga gulay na lutong pinakbet pero walang bagoong
CHAPTER 27THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Mama!""Hmm, yes baby Freya?" Sinuklay ko ang buhok ng anak ko. Nasa kwarto kami at nagpapahinga. After magsimba kasi, ayaw daw munang mamasyal ang mga bata kaya dito na kami kumain ng lunch sa bahay. Nag take-out na lang kami. "I love you, mama!""I love you too baby, but mama knows kung bakit ka ganyan, ayaw mong matulog ngayong hapon, ano?'' Bungisngis siya dahil tama ako."Kasi mama, gusto ko po pumunta sa bahay ni Tita Chevi, may baby daw po sa tummy niya mama." Aniya. Meron kasi kaming bagong kapitbahay na ang pangalan ay Chevika, buntis kaya nagagalak ang anak ko na pumunta. "Then gusto ko po mag play kay ate Chareleene po," dagdag pa niya. Ipinagpatuloy kong sinusuklayan ang buhok niya gamit ang daliri ko habang nakahiga kaming dalawa sa kama para maka idlip man lang muna siya. Si Maynard, natutulog na doon sa kwarto nina mama kaya hinayaan ko na. Baka magising at ayaw ng matulog ulit. "Matulog ka muna, baby. Mamaya na tayo mamasyal ki
CHAPTER 28THE MAN WHO BREAKS MY HEARTHanggang umalis sila ay tulala lamang ako sa aking kinauupuan. What happened? Bigla yata akong na estatwa dahil sa nangyari at nakikita at naiimagine ko.May nangyari ba? Umabot sila ng thirty minutes sa loob bago lumabas ng office at ayon naman sa kilos ng babae ay parang wala namang nangyari at nakapaglakad naman ng maayos dahil kung ako noon ay baka pa ika-ika pa ako. Ganun naman diba? Shit! Shit! Pinilig ko ang ulo ko at sinabunutan ang buhok ko dahil sa mga naiisip ko na baka hindi naman totoo.Teka! Ano ba ang pakialam ko kung may ginagawa silang kababalaghan sa loob ng opisina niya. He was a playboy before, maybe he is pa rin ngayon. Tama! Gago pa rin siya hanggang ngayon. Period. Agad kong niligpit ang mga gamit ko at bahala na ang ibang files na hindi pa natapos, agahan ko na lang bukas ang pagpasok dito sa office bago dumating ang gagong boss. Tinatamad na ako eh at wala na akong ibang maisip sa pina files ko. Baka double galit ang
CHAPTER 29THE MAN WHO BREAKS MY HEARTNasa tenga ko pa rin ang cellphone ko habang papasok ako sa bar. Dahil kinulit ako ng bartender na nagwawala na ang boss na Sullivaño na iyon sa bar. May kasagutan pa nga raw ito kanina. Ayaw umuwi dahil gusto lang uminom.Problema no'n, kulang pa ba o nabitin ba siya sa yugyugan ng babae niya kanina. Eh! Sa daming pwedeng tawagan ay cellphone number ko pa talaga.Napaisip tuloy ako kung saan niya nakuha ang number ko pero siguro dahil secretary niya ako kaya sinave niya ito sa contact niya pero kahit na, sana sa ibang babae na lang siya tumawag hindi sa akin na matutulog na, nakakainis talaga.Mabuti na lang at naintindihan ni mama na may kaibigan akong kukunin sa bar, ayaw pa sana niyang pumayag pero buti na lang nadala sa paglalambing."Nasaan po siya? Tanong ko sa bouncer na tinutukoy ng bartender na makapagturo sa akin kung nasaan umiinom ang boss na ito. "Punta lang po kayo sa left side ma'am, nasa malapit po sa bar counter. Nandoon po yun
CHAPTER 30THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Oh, anong pinoproblema mo?" Tanong ni Donna sa akin. Nasa bahay siya para bisitahin ang mga bata. Pero aalis din agad. Naghahanda na ang mga anak ko para sa pagpasok nila mamaya sa school. Ihahatid ko sila bago ako papasok sa trabaho. May kailangan pa akong tapusin pero ito ako, hindi pa nakalis dahil ang plano ko na six pa lang ng umaga ay aalis na ako sa bahay papuntang office ay hindi ko nagawa dahil sa nangyari kagabi na anong oras na ako nakauwi.Inaantok pa nga ako ngayon eh. Hays. Hinilot ko ang sintido ko, "kasi naman Don dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako makahanap ng ibang trabaho.""Eh, bakit ka ba kasi lilipat ka ng trabaho? Akala ko na okay na yung tinatrabahuan mo ngayon? Hindi ka ba tinatrato ng maayos ng amo mo, kasamahan mo? Sabihin mo lang at marami kaming magwewelga sa harapan ng building na yan." Napatawa tuloy ako sa sinabi ng kaibigan. May isa pa akong kaibigan na namimiss ko na hanggang ngayon, hindi pa nagkikita ang
CHAPTER 31THE MAN WHO BREAKS MY HEARTHabang busy ako sa computer ay narinig ko na bumukas ang pintuan. Tatayo na sana ako para bumati sa bisita pero agad din na pabalik sa upuan na matanto kung sino ang pumasok.Si Ryker."Did you eat your lunch?" Aniya at inangat ko pa ang ulo ko para masiguro na ako ba ang kausap niya. Baka may katawagan siya at asawa o girlfriend niya ang tinatanong niya. Nang makita ko na sa akin siya nakatingin ay hilaw akong ngumiti at pinakita ang biscuit na meron ako sa ibabaw ng lamesa."Ito lang po muna, malapit nang matapos ang ginagawa ko, sir." Sabi ko sabay balik sa computer ang mga mata ko."I-I bought you this. Tell me if you don't like it then I will buy another one." Aniya at may nilagay siya sa ibabaw ng maliit na lamesa kung saan ako nagtatrabaho. Agad kong nahulaan kung ano ang binigay niya sa akin dahil supot pa lang ay talagang basang-basa ko na kung saan niya ito binili. Bakit niya pa kailangan na mag-offer ng ganyan? Anong akala niya sa akin
CHAPTER 32THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Yehey! But I want dolphin toys, mama!" "Dolphin then…What else? Yon lang ba?" Tanong ko kay Freya na ngayon lang tumahan sa kakaiyak dahil nga aalis ako mamayang gabi papuntang Cebu. "Hmm, I want a teddy bear and panda, too!" Dagdag pa niya. Nasa kwarto namin ang mga anak ko para samahan ako na magligpit ng mga dadalhin ko pero panay naman ng iyak, pero nung sinabi ko na may pasalubong saka pa lang tumigil sa pag-iyak. "Noted po." Sabi ko habang pinupunasan pa rin ang kanyang mukha dahil sa hilam pa ito ng luha. "How about my baby Maynard?" Tanong ko sa anak ko na lalaki na ngayon naka squat sa kutson at nagbabasa ng libro. "I'm happy with books and airplane toys, mama? Pero kung wala po doon, it's okay. I have a lot of toys and books pa naman." Aniya. Pero hindi sigurado niya na sagot sa airplane kaya ngumiti ako, I know he wants it. "Alright! Nilista na ni mama sa kanyang brain ang mga gusto ng mga baby ko.""Thank you mama, I love you! "