CHAPTER 29THE MAN WHO BREAKS MY HEARTNasa tenga ko pa rin ang cellphone ko habang papasok ako sa bar. Dahil kinulit ako ng bartender na nagwawala na ang boss na Sullivaño na iyon sa bar. May kasagutan pa nga raw ito kanina. Ayaw umuwi dahil gusto lang uminom.Problema no'n, kulang pa ba o nabitin ba siya sa yugyugan ng babae niya kanina. Eh! Sa daming pwedeng tawagan ay cellphone number ko pa talaga.Napaisip tuloy ako kung saan niya nakuha ang number ko pero siguro dahil secretary niya ako kaya sinave niya ito sa contact niya pero kahit na, sana sa ibang babae na lang siya tumawag hindi sa akin na matutulog na, nakakainis talaga.Mabuti na lang at naintindihan ni mama na may kaibigan akong kukunin sa bar, ayaw pa sana niyang pumayag pero buti na lang nadala sa paglalambing."Nasaan po siya? Tanong ko sa bouncer na tinutukoy ng bartender na makapagturo sa akin kung nasaan umiinom ang boss na ito. "Punta lang po kayo sa left side ma'am, nasa malapit po sa bar counter. Nandoon po yun
CHAPTER 30THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Oh, anong pinoproblema mo?" Tanong ni Donna sa akin. Nasa bahay siya para bisitahin ang mga bata. Pero aalis din agad. Naghahanda na ang mga anak ko para sa pagpasok nila mamaya sa school. Ihahatid ko sila bago ako papasok sa trabaho. May kailangan pa akong tapusin pero ito ako, hindi pa nakalis dahil ang plano ko na six pa lang ng umaga ay aalis na ako sa bahay papuntang office ay hindi ko nagawa dahil sa nangyari kagabi na anong oras na ako nakauwi.Inaantok pa nga ako ngayon eh. Hays. Hinilot ko ang sintido ko, "kasi naman Don dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako makahanap ng ibang trabaho.""Eh, bakit ka ba kasi lilipat ka ng trabaho? Akala ko na okay na yung tinatrabahuan mo ngayon? Hindi ka ba tinatrato ng maayos ng amo mo, kasamahan mo? Sabihin mo lang at marami kaming magwewelga sa harapan ng building na yan." Napatawa tuloy ako sa sinabi ng kaibigan. May isa pa akong kaibigan na namimiss ko na hanggang ngayon, hindi pa nagkikita ang
CHAPTER 31THE MAN WHO BREAKS MY HEARTHabang busy ako sa computer ay narinig ko na bumukas ang pintuan. Tatayo na sana ako para bumati sa bisita pero agad din na pabalik sa upuan na matanto kung sino ang pumasok.Si Ryker."Did you eat your lunch?" Aniya at inangat ko pa ang ulo ko para masiguro na ako ba ang kausap niya. Baka may katawagan siya at asawa o girlfriend niya ang tinatanong niya. Nang makita ko na sa akin siya nakatingin ay hilaw akong ngumiti at pinakita ang biscuit na meron ako sa ibabaw ng lamesa."Ito lang po muna, malapit nang matapos ang ginagawa ko, sir." Sabi ko sabay balik sa computer ang mga mata ko."I-I bought you this. Tell me if you don't like it then I will buy another one." Aniya at may nilagay siya sa ibabaw ng maliit na lamesa kung saan ako nagtatrabaho. Agad kong nahulaan kung ano ang binigay niya sa akin dahil supot pa lang ay talagang basang-basa ko na kung saan niya ito binili. Bakit niya pa kailangan na mag-offer ng ganyan? Anong akala niya sa akin
CHAPTER 32THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Yehey! But I want dolphin toys, mama!" "Dolphin then…What else? Yon lang ba?" Tanong ko kay Freya na ngayon lang tumahan sa kakaiyak dahil nga aalis ako mamayang gabi papuntang Cebu. "Hmm, I want a teddy bear and panda, too!" Dagdag pa niya. Nasa kwarto namin ang mga anak ko para samahan ako na magligpit ng mga dadalhin ko pero panay naman ng iyak, pero nung sinabi ko na may pasalubong saka pa lang tumigil sa pag-iyak. "Noted po." Sabi ko habang pinupunasan pa rin ang kanyang mukha dahil sa hilam pa ito ng luha. "How about my baby Maynard?" Tanong ko sa anak ko na lalaki na ngayon naka squat sa kutson at nagbabasa ng libro. "I'm happy with books and airplane toys, mama? Pero kung wala po doon, it's okay. I have a lot of toys and books pa naman." Aniya. Pero hindi sigurado niya na sagot sa airplane kaya ngumiti ako, I know he wants it. "Alright! Nilista na ni mama sa kanyang brain ang mga gusto ng mga baby ko.""Thank you mama, I love you! "
CHAPTER 33THE MAN WHO BREAKS MY HEARTMay kausap ngayon si Ryker sa kanyang phone and until now hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi niya kanina.Nakalimutan niya ba talaga ako o isang pakulo lamang iyon? I clenched my teeth, pinipigilan na bumuhos ng emotion lalo at paalis pa lang kami ng Maynila. Ayokong masira ang pangarap ko para sa mga anak ko ng dahil sa hindi ako nakilala ni Ryker o talagang sa dami na niyang babae ay isa na ako sa nakalimutan niya. Damn him. Na pahilot na lamang ako sa sintido ko, ang mga anak ko ang naiisip ko. Hindi niya deserve na makilala ang mga anak ko. Hindi."Are you okay? Do you want to take a nap or do you want to eat first? We can call the flight attendant." Napalingon ako sa kaliwang side kung saan siya nakaupo. Palipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa laptop niya.Bumuntonghininga ako, hindi ko alam kung bakit. Nasusufocate ako kapag malapit siya."No thanks, Mr. Sullivaño. I'm not hungry and natulog ako kanina kaya hindi pa naman ako i
CHAPTER 34THE MAN WHO BREAKS MY HEARTNasa table ako nakaupo habang hinihintay ang amo ko na kasama ang isang kaibigan niya. Ayon sa narinig ko kanina ay may ipapatayo raw sila na building sa isang hacienda dito sa Cebu or Negros.Maaga kami ng amo ko na dumating dito sa isang cafe to meet his client na kaibigan niya rin. Nasa kabilang table sila nag-uusap habang may tinitingnan na blueprint at dahil may food ang nasa table kung nasaan ako kaya sila lumipat doon, nahiya nga ako kalaunan dahil siguro lumipat sila doon dahil ang bagal kong kumain, kaya nainip sila. Pero sabi naman ni Ryker na kakain sila ulit kaya doon na lang sila at ako muna ang magbabantay ng mga gamit nila dito sa table like laptop at pinaiwan pa ni Ryker sa akin ang wallet niya kaya wala akong choice kundi ang maghintay sa kanila habang nagpupuslit ako ng text para kumustahin sila ni mama sa Maynila, namimiss ko na ang mga bata. At isa pa mas maliwanag sa area na kung saan sila dahil sa sinag ng araw, dito kasi
CHAPTER 35THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Where are you?" Narinig ko na tanong ni Ryker sa kausap niya sa kanyang cellphone. Nasa isang restaurant kami ngayon na pagmamay-ari ng Clark Family. Nasa thirty minutes kalayo ang place sa condo unit namin. Dahil wala pa ang kanyang bisita ay naging busy muna ako sa sa paglilista ng mga bibilhin ko dito sa Cebu para pasalubong sa mga bata, kina mama at papa at mga kaibigan ko. Mas natawa ako sa gusto ni Donna, t-back ba naman ang hiniling sa akin na bilhin. Gaga na iyon, ang dami sa Divisoria, gusto pa talaga made in Cebu. "Cancel ko na lang ang meeting kung matagal ka pa–fuck! What the?-""Anong cancel ang sinasabi mo ha? Ipapatay kita kay Dark diyan." Hindi ko alam na bigla akong napangiti na makita si Ms. Cole na nasa likuran ni Ryker at sumenyas na 'wag akong magsalita kasi iyon pala ang balak niya. Binatukan ba naman ang boss ko na alam ko naman na deserve niya. "What took you so long, kanina pa kami naghihintay dito, one hour waiting f
CHAPTER 36THE MAN WHO BREAKS MY HEARTHalos hindi ako makatingin sa kanya ng direkta sa mga mata. Ako kasi ang rason kung bakit siya nariyan sa hospital bed dahil sa ginawa ko kanina. Nahihiya ako lalo kapag nakatingin siya sa banda ko.Hindi naman siya galit pero yung pakiramdam na ako talaga ang rason kung bakit s'ya na riyan ay talagang hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya o hindi. May allergy pala siya, bakit hindi niya sinabi man lang sa akin at bakit niya pa pinilit ang sarili niya na kainin ang beans na nakalagay sa halo-halo. So ibig sabihin, nung dati na nag-aaral pa kami ay kapag binigyan ko siya ng beans ay nagkaka allergy na siya? Bata pa raw siya na may allergy sa mga ganyang kinakain. Kaya ba kapag binigyan ko siya dati ng beans kapag bibili kami ng halo-halo at kinain naman niya pero maya-maya ay nagmamadali siya na umalis sa table namin? Yun ay dahil na allergy na pala siya, bakit hindi niya sinabi? Palaisipan tuloy. "Are you okay?" Agad akong natauhan dahil s
SPECIAL CHAPTER PART 02THE MAN WHO BREAKS MY HEART“Don't worry kahit may lumalapit sa amin na afam hindi namin hinayaan na makalapit sa amin dahil sa tindi ba naman ng mga bodyguard niyo." napapailing ko na sabi. Kung alerto ang mga bodyguard namin sa lakad papuntang Disneyland, what more pa kaya kung ang mga asawa namin ang kasama at nagbabantay, baka may pasa na ang mga afam kung namimilit na magpakilala sa amin. “Good and I miss you so much. You owe me something for being away from me for three days.” Kinurot ko ulit ang matangos niya na ilong, “I know and I'm ready," sabi ko sabay kindat kaya mas lalo niya pa akong idiniin sa katawan niya habang hinahaplos ang bewang ko.He smirked at me. “Gusto mo umpisahan natin ngayon para maka round ten tayo-" kinurot ko ang tagiliran niya kaya napadaing siya. “What? Kaya ko ba? Inaantok kaya ako at isa pa may mga bata.” Sabi ko kahit alam ko na may sagot na siya sa tanong ko. “Baka nakalimutan mo na pinaayos ko na ang kubo kung saan ta
SPECIAL CHAPTER Part 01THE MAN WHO BREAKS MY HEARTNilagay ko ang bulaklak at kandila sa tabi ng lapida niya, hinaplos ko ang pangalan na nakaukit doon at binasa ng paulit-ulit at pagkatapos ay nagdadasal na muna ako para sa kanyang kaluluwa.“Hi! Ilang taon na ba ang lumipas, matagal na pala ano? Kumusta ka na? Ayos ka lang ba diyan? Alam mo bang hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nariyan ka na. Sorry kung ngayon lang ako nakabisita ulit sa puntod mo. Busy kasi sa trabaho ko at sa mga bata. Alam mo ba, bumisita ako sa paaralan natin dati? Ganun pa rin, siguro ang nagbago lang ay may bagong estudyante at mga guro, may binago lang sa kulay ng classroom pero ganun pa rin kung ano noon na nag-aaral pa lang tayo. Kung saan ka man ngayon, sana masaya ka. Sana ngumingiti ka pa rin, tulad noon. Kung paano kita nakilala dati ay sana ganun ka pa rin. Walang pagbabago, I miss you. Kung darating man ang panahon na isa na akong katulad mo ay sana magkita tayo muli, hindi man na
RYKER MATT SULLIVAÑO POV 05THE MAN WHO BREAKS MY HEART“Ryker!"Bakit ang sakit? Bakit kapag binabanggit niya ang pangalan ko ay unti-unti akong nasasaktan? Dahil ba tama ako, na matagal ko na siyang kilala at hanggang ngayon hindi ko parin siya nakikilala? Ganito ba talaga ang pagmamahal? “Ba-bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit hindi mo sinabi na hindi ka pala nakakaalala? Bakit? Bakit hindi mo ako pinaglaban noon? Masaya na sana tayo ngayon. Ang bilis mong sinukuan kung anong meron tayo. Dahil kung ako ‘yon? Kayang-kaya kitang ipaglaban kahit pilitin mo akong mahalin ang iba.”Habang sinasabi ng kaharap ko kung sino ako sa buhay niya ay biglang sumaya ang puso ko dahil tama ang nasa panaginip ko na may tao na akong minahal dati pa. Pero ayokong pilitin ang sarili ko na makaalala sa buong pagkatao ko dahil kuntento na ako sa sinabi palang ni Aubree ay siguradong-sigurado na ako sa kanya na may nakaraan kami. Na mahal niya ako at mahal ko siya, isang bagay na lang ang hinihilin
Ryker Matt Sullivaño POV 04THE MAN WHO BREAKS MY HEARTNakatulala lang ako habang pinagmasdan ang sekretarya ko. Hindi ko alam kung anong mahika ang ginamit niya para nakafocus lang ako sa kanya. Kung bumaling siya sa akin ay umiiwas naman ako. Isa lang ang hindi ko maintindihan, everytime na nakikita ko siya, may nakikita akong galit sa kanyang mga mata at pagkadismaya sa hindi ko malaman na dahilan at kung pipilitin ko ay saka naman sumasakit ang ulo ko at kapag pinilit kong makaalala ay matatagpuan na lang akong wala ng malay.Kapag nakikita ko syang nagsusungit sa akin parang matagal niya na akong kilala at matagal ko rin siyang kilala pero kahit anong pilit ko ay nauwi lagi sa sakit ng ulo.Gayunpaman, simula na nagpakita siya sa akin ay ginawa ko pa lalo ang lahat para mapalapit sa kanya kahit pakiramdam ko, kung nakakamatay lang ang titig niya ay matagal na akong humimlay.Siguro, ang isa sa masayang araw na nangyari sa akin ay nagkaroon kami ng business trip sa Cebu, dahi
RYKER MATT SULLIVAÑO POV 03THE MAN WHO BREAKS MY HEART Nangako ako na pagkatapos ng graduation ay papakasalan ko si Aubree pero hindi ko alam kung paano gagawin lalo at may kaibigan akong naghihintay sa kanya. Pauwi ako, bigla na lang akong bumagsak sa semento dahil sa biglaang pag suntok ni Sebastian.“Gago ka, sinasabi ko na nga ba na may namamagitan sa inyong dalawa." Nanggagalaiti niyang duro sa akin. Pinunasan ko gamit ang likod ng palad ang bibig kong duguan at nakangising tumingin sa kanya.“Gusto ko siya, simula pa lang pare, I'm sorry."“Sorry! Sorry lang? Tangina naman pre, marami naman diyang iba, bakit siya pa? I told you that I liked her. I fucking told you na sasabihin ko sa kanya after ng graduation natin, pare, pero anong ginawa mo? Tangina.”"Hindi ko rin alam, patawad. Isa lang ang alam ko, minahal ko siya pare, minahal ko siya simula pa lang. Kung hindi mo man masabi ang nararamdaman mo then patas lang tayo, siguro tadhana lang din ang naghanap ng paraan,” Napa
RYKER MATT SULLIVAÑO POV 02THE MAN WHO BREAKS MY HEART“Sino ‘yon pare?" Tanong ko ulit dahil gusto kong manigurado. Sana hindi totoo-“Si Aubree Lynn, and I think she likes me too, narinig ko kasi ‘yon sa isa sa kaklase niya. Of course, ayokong minamadali dahil lang sa nalaman ko na gusto niya ako ay agad ko rin siyang liligawan, maybe after ng graduation natin sa college, what do you think, pare?’’ hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Sa dami-daming estudyante, bakit siya pa? Bakit ang crush ko pa. The moment na sinabi niya na gusto niya si Aubree, I realized something, minahal ko na pala ang isang Aubree Lynn, matagal na pero dinadaan ko lang sa pikunan at asaran para mainis s'ya sa akin. Pero tangina, kaibigan ko ito eh, paano ko ba sasabihin na kung pwede iba na lang.Hanggang dala-dala ko ang bagay na yan sa pag-uwi at pagtulog, mas lalo akong nasasaktan kapag nakikita sila na magkasama at masaya. Sila na kaya? Fuck! Late na ba ako?Dahil sa inamin ng kaibigan ko, parang m
EPILOGUE RYKER MATT SULLIVAÑO POV 01(Mature Content)“Tama na yan pare, napuruhan na yata." Awat ni Sebastian sa akin.“Gago tol, hindi pwede, sila ang nanguna eh. Isa na lang, titigil na ako. Gago pare, nagtawag pa nga yung isang panot ng kasamahan." I smirked kasi nakakatanga nga naman. Kung sino na siga ang una na nag-aamok ng away tapos ngayon ayaw makipag laban ng patas. Nagtawag pa nga ng isa pang kasamahan. “Okay, pagkatapos nito uuwi na tayo at baka mapagalitan ako ni mama." Saad ng kaibigan ko since high school. Kami na lang talaga na dalawa ang magbarkada ang naiwan ngayon. Meron pa kaming mga kasamahan pero nakauwi na si Alberto at si Albert, hindi namin inaasahan na haharanangan pa kami ng mga gago na’to.Tatlo lang sila at nakipagsuntukan na ang dalawa at akala ko yung isang panot ay na takot kaya tumakbo na lang, iyon pala naghanap ng recruit. Iba rin. Mga ka schoolmate namin ito noong highschool na hanggang ngayon may atraso pa rin sa amin, sila ang may atraso, sil
CHAPTER 65THE MAN WHO BREAKS MY HEARTNapabalikwas ako ng gising dahil sa masamang panaginip. Agad akong tumayo at kumuha ng tubig at pinakalma muna ang sarili ko bago uminom. Sinilip ko ang mag-ama at mabuti naman sila kaya naginhawaan ako.Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip na ‘yon? Bakit sobrang sakit? Madaling araw pa lang. Natutulog pa ngayon sina mama at Freya sa sofa at mabuti na lang na malapad ang hinihigaan nila kaya nagkasya sila. Sinabi ko kay may mama na umuwi na lang muna pero ayaw niya talaga, buong maghapon rin na narito ang mag-asawang Sullivaño pero dahil sensitive ang ina ni Ryker kaya sa hotel ulit sila nagstay, ayaw naman sumama ni Freya sa kanila dahil nahihiya raw at gusto niya na kapag magising ang kapatid niya ay siya agad ang nakikita nito. Hindi na rin siya pumasok sa school hangga't wala ang kanyang kambal at mabuti na lang pumayag ang guro nila. Pagkatapos kong kinalma ang sarili ko tiningnan ko muna si Maynard na hanggang ngayon ay hindi pa rin na
CHAPTER 64THE MAN WHO BREAKS MY HEART“Hoy pare, akala ko ba engagement party ang pupuntahan namin? Bakit ka nariyan? Pambihira oh, gising.” Boses ni Edziel ang nagpagising sa diwa ko. “Gising na oh, may pa lechon ka pang pinaluto sa akin, lima yun pare wala pang bayad. Malapit lapit one million yon.” Si Douglas."Ha? Ganun ang presyo ng lechon mo? Hindi na ako bibili oy-” si Carlos. "Gagi, pampagising lang, malay mo biglang umupo para magbayad.”"Ahh…" Sabay-sabay na tango ng mga sampung mga kalalakihan. Mga baliw talaga. “Hello, Aubree sorry dumaan kami dahil narinig namin ang balita. Kagabi pa sana kaso sabi ng bantay sa labas na huwag muna dahil kailangan ng pahinga.” Sambit naman ni Lance kaya tumango ako.Nakatulog pala ako habang nakaupo sa maliit na plastic chair habang magkahawak ang kamay namin ni Ryker. Sinilip ko ang anak ko sa kabilang bed na kung saan naroon si mama. Hanggang ngayon ay tulog pa rin silang dalawa ni Ryker at hindi man lang nagising simula pa kahapo