Home / Romance / THE MAN WHO BREAKS MY HEART / CHAPTER 01: THE MAN WHO BREAKS MY HEART

Share

THE MAN WHO BREAKS MY HEART
THE MAN WHO BREAKS MY HEART
Author: ROSENAV91

CHAPTER 01: THE MAN WHO BREAKS MY HEART

Author: ROSENAV91
last update Last Updated: 2023-07-23 17:32:00

CHAPTER 01

THE MAN WHO BREAKS MY HEART

"Mama!" naalimpungatan ako dahil sa mahinang tawag ni Freya Mae sa akin.

"Mama!" pati ang kanyang kambal na si Maynard ay tinawag din ako. Nasa limang taon na sila at hanggang ngayon ay katabi ko pa rin silang matulog sa kama.

"Hmmm… what's wrong with my two babies?" tanong ko kay Freya na malapit lang sa akin. Si Maynard kasi dahil sa sobrang likot matulog ay nasa paanan ko na nakatulog. Mabuti na lang at nasa sahig kami natutulog at dito lang nakalatag ang malapad na foam mattress.

"I love you, mama!" bigla akong na estatwa dahil sa sinabi ng anak ko. Lamp shade lang ang tanging ilaw kaya hindi ko maaninag ang mukha niya.

Kinapa ko ang cellphone ko na nasa maliit na box malapit sa uluhan ko para mabuksan ang flashlight at ng pinagmasdan ko ang anak ko ay nakapikit naman ito. Sa ilang segundo na paninitig sa kanya ay hindi ko namalayan na kusa na palang lumalabas ang mga luha ko sa mga mata.

They really love me that much na kahit sa panaginip, nandoon ako, "Oh my God, my baby! I love you too, I really love you both." saad ko habang hinahalikan ang pisngi ng anak ko na mahimbing pa rin ang tulog. Nanaginip lang siguro siya kanina.

Ang anak kong si Freya Mae na sobrang makulit at madaldal at walang takot na sabihin ang gusto niyang sabihin pero sobrang lambing pagdating sa amin. Hindi mawawala ang I love you and I'm sorry kapag nagkakamali, same sila ni Maynard pero my son ay masasabi kong tahimik lang at magsasalita lang kapag tinatanong mo o related sa pinag-uusapan.

They are my angels, sobrang proud ako sa sarili ko na bilang single mom ay nakaya ko silang palakihin, may mga mabait at mapagmahal ako na mga anak. Sila ang hangin at pahinga ko, sa araw-araw na pagsubok na ibinigay ng Makapal sa amin ay walang makakapantay kapag nakita ko na ang mga ngiti at tawa ng mga anak ko.

Sobrang saya basta makita sila na masigla at walang iniindang sakit. Hindi ko man maibigay ang lahat na materyales o luho na gusto nila ay binigay ko naman ng buong pagmamahal ko na walang halong kapalit.

Umupo ako para maayos kong mailagay pabalik si Maynard sa unan niya at katabi namin. May kabigatan na sila ngayon dahil ang hilig-hilig sa pagkain. Mabuti na lang at sa gulay at maganda sa katawan naman ang mga gusto nilang kainin at hindi panay junk food.

Hindi ko rin sila sinasanay sa mga gadgets kaya ang saya ko na makita sila na mahilig sa mga libro at pagsusulat ang mga kambal ko.

Ang mga magulang ko ang kasama ko sa pagpapalaki ng mga anak ko. Hindi man maganda ang nangyari sa nakaraan ay pilit namin itong kinalimutan at nag-focus sa pagpapalaki nina Freya at Maynard.

Nang makitang nasa maayos na higaan na ang mga anak ko ay kinukumutan ko sila pareho at saka pa ako bumalik sa pagtulog.

Dati, alarm clock ang nagpapagising sa akin lalo kapag pumasok sa school at kung may date kami ni…nevermind.

Pero ngayon, tawanan o di kaya tili ni Freya ang nagpapabalikwas sa akin sa mahimbing na pagtulog minsan dahil akala ko kung na pano na ang mga anak ko pero 'yon pala ang aga-aga naglalaro na ang mag lolo at lola. Ngayon lang ako nagising ng seven ng umaga dahil siguro sa pagod ko kahapon, naghahanap kasi ako sa ukay-ukay dyan lang sa pamilihan ng mga damit na pwedeng gamitin sa trabaho.

Nilabhan ko agad pagkarating sa bahay at for sure pwede na silang gamitin bukas.

Linggo ngayon at magsisimba kami ng second mass and then pagkatapos ipapasyal ko sila sa mall. Niligpit ko muna ang mga hinigaan namin para hindi makalat tingnan ang kwarto. Saka ang mga laruan at libro na hindi na ayos o nakalimutan na ibalik sa shelf o box niya. Minsan ay kusa na nilang nililigpit ang mga ginamit nila pero kapag alam nila na gising na ang kanilang lola at lolo ay lalabas na sila ng kwarto para makipaglaro.

Masaya ako ngayon dahil makakasama ko ang mga anak ko sa pamamasyal mamaya. Simula kasi bukas ay papasok na ako sa inaaplayan ko na trabaho na kung saan ako nakapasa. Naghahanap ng bagong secretary ang kakabukas lamang na building sa Mandaluyong at sa awa ng Diyos sa ilang araw na paghahanap ay nakahanap na rin ako ng trabaho.

Hindi kasi sapat ang kinikita namin sa tindahan, si mama ay tanging kinikita lang ay paglalaba, at si papa naman ay isang construction worker.

"Gising ka na pala anak, halika na sa hapag at sabayan muna ang mga bata na kumain, pumunta dito si Caloy at may dalang ulam kaya ayun na lang ang inihain ko."ani ni mama.

Ngumiti ako para magpasalamat, "salamat mama–"

"Mama! Mama! Good morning po, kiss kiss kiss Freya," masayang bati ng anak ko na babae habang patalon-talon pa para sa kanyang morning kiss, gusto niya kasi siya ang laging mauuna kaysa kanyang kapatid. Bitbit ni Freya ang kanyang brown teddy bear na binigay ni Caloy sa kanyang kaarawan at kay Maynard naman ay ang sasakyan ang natipuhan na bilhin na nagustuhan naman ng anak ko.

"Mwaahh… kabila po… mwahh…I love you mama ko." si Freya.

"I love you, mama!" sumunod si Maynard.

"Kanina pa yan sa labas at tinulungan nila ang papa mo na magdilig ng mga halaman kaya yan basang-basa, pinaliguan ko na at baka magkasakit at ikaw na lang magbibihis ng damit pang-alis para hindi madumihan," saad ni mama.

"Ganun po ba, salamat mama!" binalik ko ang tingin sa mga anak ko, kamukha ko si Freya samantalang si Maynard ay kuhang-kuha ng kanyang ama. Everytime, kung makikita ko ang mukha ng anak ko na lalaki, may galit ba ako? Wala. Para saan para magalit ako sa anak ko, carbon copy man siya pero kahit kailan tinanggap ko ang anak ko ng buo at walang pagsisisi, maybe I hate the father, but not my own son Maynard, never.

"Mama, ewan mo kambal bukas?" natigilan kami nina mama at papa dahil sa tanong ni Freya. Biglang sumikip ang dibdib ko dahil sa biglaang tanong niya.

Nilagyan ko ng bihon ang mga plato nila na dinala ni Caloy kanina, nagmamadali dahil may trabaho pa kaya ibinilin na lang na galing daw ito sa kanya, kaibigan ko siya simula nung lumipat kami dito sa Maynila.

"Uhmm, baby hindi ko naman kayo iiwan, aalis lang si mama pero babalik agad ng gabi, magwowork lang si mama pero nandito naman ako buong Saturday at Sunday then pasyal ulit tayo sa mall. Gusto niyo ba 'yon?" hindi kasi sila sanay na umaalis ako, kapag aalis man ay kasama ko sila, lagi kasi akong nasa bahay at nagbabantay na rin ng tindahan habang inaalagaan ko ang mga bata habang wala ang mga magulang ko, kung nasa bahay naman si mama ay ang ginagawa ko, naglalako ako ng mga paninda sa mga kapitbahay namin na mabait sa amin para pandagdag na rin sa kikitain gaya ng maruya, biko, banana o camote que.

"Hindi pwede sama po, baby? Behave po si baby Freya doon?" nangilid ang mga luha ko dahil sa nakikita kong lungkot sa mga mata ng anak ko, tahimik ko ring pinagmasdan si Maynard na sa tingin ko the same sila ng iniisip pero dahil mas madaldal si Freya kaya siya ang laging nangunguna sa pagsasalita.

"Kausapin ko muna ang may-ari kong pwede ang baby, at kung papayag ay ipapasyal ko kayong dalawa doo–"

" Yeheey!" hindi ko pa nga natapos ang sasabihin ko ay kanya-kanya na sila na palakpak dahil sa narinig na magandang balita. Hindi ko pa nga alam kung pwede ba ang mga bata doon. Bahala na. Magagawan naman siguro ng paraan kapag nag request ako na pwedeng mag tour ng mga anak ko.

"Mama's girl at boy talaga ang mga anak mo Lynn, ay naku parang kailan lang karga-karga kahit saan ang mga anak mo, tapos ngayon tingnan mo hindi lang madaldal ang lilikot pa pero wala akong reklamo dahil sa kanila ay talagang ang saya palagi ng bahay, pwera lang kung magkasakit sila ay naku kawawa ang tatay mo humahagulhol ng iyak dahil ang mga apo niya nasasaktan." kung napigilan ko pa kanina ang mga luha ko, pero dahil sa mga sinabi ng mga magulang ko ay nagbabagsakan na naman sila. Agad kong pinunasan ang pisngi para hindi mapansin ng mga anak ko na bumalik na sa pagkain at ganado dahil sa masayang sinabi ko.

Simula una na nalaman nila na buntis ako sa kambal ay sobrang saya nila, nanghihinayang man dahil sinira ko mismo ang mga pangarap ko para sa kanila pero ng dahil sa mga anak ko ay mas tumibay ang pagsasama ng mga magulang ko na dati, minsan maabutan ko sila galing ako sa school na nag-aaway, at ang pinag-aawayan nila na baka may iba si tatay at bakit maliit lang ang kita sa pagsasaka.

Pero nung lumipat kami sa Manila dahil sa nangyari sa akin ay sobrang pasalamat sila na sa wakas nakita nila at naranasan nila na mag-alaga ng apo. Hindi lang isa, kundi kambal pa, minsan kapag silang apat ang magkasama ay may nagsasabi na kapitbahay na anak nila ang kambal dahil hindi lumalayo ang itsura pwera nalang kay Maynard.

Nakakatuwa ngang isipin na kambal nga ang dalawa pero hindi masyadong magkamukha lalo na at titigan mo ng matagal dahil ako ang kamukha ni Freya at si Maynard naman ay sa kanyang ama, ama na walang isang salita at manloloko.

Kahit ganun pa man na nakikita ko talaga siya sa katauhan ni Maynard ay sobrang mahal ko ang anak ko, ang anak ko lang dahil matagal ko ng pinatay ang kanilang ama sa puso ko.

Kahit sinabi ni Donna na kaibigan ko na baka balang araw ay magkikita sila ng ama nila ay ano ba daw ang gagawin ko.

Isa lang naman ang gagawin ko, ay 'yon ang hindi na siya papansinin kailan man. Matagal ko na siyang tinanggal sa utak at puso ko, pwede ipakilala ko lang siya sa mga anak ko pero hindi at hindi ako papayag na kunin niya ang mga anghel ko sa akin. Hinding-hindi mangyayari 'yon.

"Yahoo! Mga tao! Andiyan po ba kayo?" narinig namin na may kumakatok sa pintuan namin, walang iba ang chismosa ko na kaibigan.

"Noona ganda!" tili naman ni Freya. "Mama! Mama Noona Ganda is here, yeheey!" Tinulungan ko siyang bumaba sa silya dahil gusto niya na kapag dadating sa bahay ang bruha ko na kaibigan ay si Freya ang magbubukas, kaya minsan alam ko na kung saan namana ng anak ko ang pagiging madaldal, Jusko 'wag naman sana.

"Be careful, apo!" paalala ni papa na ngayon ay tumayo na rin pagkatapos kumain ulit dahil sa pasalubong ni Caloy.

Pagbukas ko agad ng pintuan ay naghanda na ng dance number ang dalawa. Favorite kasi ni Donna ang mga girls group kaya pati ang anak ko ganyan ang tinuturo na sayaw everytime na magkikita sila.

Gee gee gee baby baby baby

Gee gee gee baby baby baby

Kahit si mama na kitang-kita kung ano ang sinasayaw ng dalawa ay nakitawa narin tulad ko. Napapailing na lang ako na laging bibong-bibo ng dalawang ito.

"Enough na baby, napagod na si Noona Ganda!" hinihingal na sambit ni Donna.

"Okay! Good morning po, pasok po kayo bahay Noona Ganda." hinawakan pa ni Freya ang braso ng kanyang bff para makapasok sa loob, sasama siyang magsimba at mamasyal dahil wala siyang trabaho ngayon sa palengke na kung saan sila nagbebenta ng mga gulay at karne.

Maingay ulit ang bahay dahil sa boses ng anak ko na babae at kaibigan mabuti na lang na nasanay na rin si Maynard hindi tulad dati na minsan nag-aaway sila dahil hindi nagkakaintindihan pero I explained to them to love and respect each other ay unti-unting natutunan nila.

Kaya bilang single mom, hindi ko kinakahiya na ganito ang nangyari sa akin, bagkos pinagpasalamatan ko pa dahil maaga akong nagising sa katotohanan. Katotohanan na hindi ko kayang magstay sa isang toxic na relationship.

Tumatayo ako bilang ama't ina ng mga kambal ko. Akala ko hindi ko kaya pero kayang-kaya naman pala. Dumaan man sa depression pero proud ako sa narating ng mga pangarap ko sa mga anak ko. Lumaban ako para sa kanila.

Kaya ko pala…

Tama ang kasabihan na after the rain has gone, you will see the sun come.

At ako, ang nag-iisang Aubree Lynn Corpez.

Related chapters

  • THE MAN WHO BREAKS MY HEART   CHAPTER 02: THE MAN WHO BREAKS MY HEART

    CHAPTER 02THE MAN WHO BREAKS MY HEART "Yun ang sabi?" narinig kong tanong ni Lanie, isang staff manager. Nasa kilalang fast food kami kumakain, tapat lang ng building kung saan kami nagtatrabaho. Lunch time kaya dito ang na isip namin na kumain, alternate lang naman ang ginagawa namin na lugar kung saan ang gusto namin na tumambay, dahil sa maraming restaurant o kilalang fast food ang nakapalibot sa lugar na ito, hindi lang naman ang mga tao na nasa building namin ang kumakain kundi marami pa. Kaya bukas, hindi ko alam kung saan na naman ang plano nila na kumain, sumasabay lang ako sa kanila. Minsan nagpapaiwan ako sa building at doon na lang sa office table ko kumakain depende sa ulam ko.May isang beses kasi na doon ako kumain sa office at pritong tilapia ang ulam ko at may kasama pang pinakbet na may kasamang konting bagoong kaya ayon may dumating na bisita at nagpaparinig na may amoy mabaho daw, nakapag spray naman ako pagkatapos pero hindi talaga maiwasan na may mga ilong na

    Last Updated : 2023-07-24
  • THE MAN WHO BREAKS MY HEART   CHAPTER 03: THE MAN WHO BREAKS MY HEART

    CHAPTER 03: THE MAN WHO BREAKS MY HEARTNasa labas pa lang kami ng bar nakatambay ay maririnig na ang sound system na pinapatugtog sa banda namin.Pagkatapos magbayad sa driver ay agad na kaming nagtungo muna sa mini mart na katabi lang ng bar para bumili ng candy, at iba pa.Hindi na kami nag-atubiling magbihis dahil magcecelebrate lang naman kami ng birthday ng kaibigan, tinanggal lang namin ang blazer namin para hindi kami makamalan na magtatrabaho pa talaga dito sa bar dis oras na gabi. Tanging black skirt at white polo long sleeve ang sinuot na lang namin. Kanina ay simpleng make-up lang kami habang nasa trabaho pero ngayon ay dinagdagan ng mga kaibigan ko ang make-up nila para may dating naman, lalo dagdag pampaakit sa mga boys. Kaya natawa na lang ako sa effort na ginagawa nila, samantalang ako basta alam ko sa sarili ko na normal pa ako ay doon ang paniniwalaan ko. "Wow! Ang ganda naman pala dito girl, paano mo ito nahanap?" tanong ni Lanie kay Lorna. "Yung pinsan namin

    Last Updated : 2023-07-25
  • THE MAN WHO BREAKS MY HEART   CHAPTER 04: THE MAN WHO BREAKS MY HEART

    CHAPTER 04THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Mama! Papa! Aalis na po ako! Nandito na po ang sundo ko!" sigaw ko sa likod bahay. Nasa labas kasi si mama at naglalaba habang si papa naman ay naliligo sa poso dahil aalis siya para pumunta ng trabaho.Isang magsasaka si papa ng palayan na pagmamay-ari ng mga Sullivaño na kung saan sila ang pinaka mayaman na pamilya dito sa baryo namin sa Davao."Sige anak! Mag-ingat ka. Nariyan na ba si Rowela?" Tukoy niya sa kaibigan ko at kaklase."Opo, mama. Naghihintay na lang po sa tricycle at hindi na bumaba, tinamad ang bruha!" sagot ko at natawa si mama dahil sa tawag ko sa aking kaibigan."Sige ingat, umuwi ng maaga!" pahabol pa ni papa habang naglalakad na ako patungo sa tricycle hindi kalayuan kung saan ang bahay namin."Hello, bruha!" tawag ng kaibigan ko habang kumakaway pa ito sa akin. Pati tatay niya na tricycle driver ay natatawa lagi kapag ganito ang tawagan namin ng kaklase ko.Ganito ang routine namin every morning na dinadaanan nila ako sa b

    Last Updated : 2023-07-31
  • THE MAN WHO BREAKS MY HEART   CHAPTER 05: THE MAN WHO BREAKS MY HEART

    CHAPTER 05THE MAN WHO BREAKS MY HEARTDapat maganda ang umaga ko pero dahil nakita ko na naman ang pagmumukha niya na nakangisi ngayon habang papalapit ako sa upuan ay umagang-umaga pa lang ay sira na ang mundo ko.Yes… mundo ko mismo. "Tingin-tingin mo dyan?" tanong ko habang nakataas ang kilay ko. "Bawal na bang tumingin sa magandang dilag?" balik na tanong n'ya sa akin."Ikaw ha, may atraso ka pa sa akin!" giit ko."Whoaa… ano naman yon at baka ikaw ang may atraso sa akin? "Ako? Anong ginawa mo sa akin kahapon, ha? You kissed me and… and?" Hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil nagsisi pasukan na ang mga kaklase namin sa loob ng classroom. "And what binibining, Corpez?" ngiting-aso niya na tanong.Hindi ko na naman masabi sa kanya ang sasabihin ko dahil may professor na kami ngayon para magsimula ang klase. Kaya hindi ko na muna siya aawayin at baka ilandakan niya sa buong klase at marami pang nakarinig na hinalikan niya ako.Hanggang ngayon hindi pa rin maalis-alis sa utak k

    Last Updated : 2023-08-05
  • THE MAN WHO BREAKS MY HEART   CHAPTER 06: THE MAN WHO BREAKS MY HEART

    CHAPTER 06THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Anak may naghahanap ng trabaho sa Maynila. Doon sa kakilala ko. Pwede kitang I recommend doon lalo at kakilala ko naman ang may-ari," mungkahi ni mama. Naghahanda kami ng pagkain ng lunch para dalhin ko kay papa sa palayan.Kapag walang pasok ay ako ang nagdadala ng pagkain sa kanya. Pwede naman magbaon ng pagkain si papa pero minsan gusto niyang laging mainit ang kanin kapag kumakain kahit malamig yung ulam. Carry lang. Basta 'wag lang daw puro malamig. "Try ko po mama, may nag-alok din po sa akin ng trabaho yung ang kaklase ko po, isang kompanya sa Maynila bilang secretary. Tingnan ko po kung saan sa kanila maganda ang benepisyo at doon po ako mag-aapply," saad ko. Nilagay ko na ang adobong manok sa tupperware at pritong isda habang si mama naman ay inaasikaso ang basket na paglalagyan ng mga pagkain. Plano ko na rin na doon kumain at sumabay kay papa at si mama naman ay maiiwan sa bahay."Mabuti naman na hindi kana mahihirapan niyan magha

    Last Updated : 2023-08-06
  • THE MAN WHO BREAKS MY HEART   CHAPTER 07: THE MAN WHO BREAKS MY HEART

    CHAPTER 7THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Oo, final na yung plan natin na magkaroon tayo ng farewell party, first week of the month kasi busy na ang lahat sa susunod at wala ng time na makapunta at okay naman yung iba, dadalo raw," sabi ni Rowela sa mga ibang kaklase namin na nagtanong about sa farewell party namin bago ang graduation.Nasa canteen kami ngayon nag launch kaya napag-usapan na naman ang tungkol diyan at lahat naman ay excited, mas lalo na yata ako syempre. Paano hindi ako sasaya na ang crush ko na si Sebastian ay pupunta raw. Ang alam ko kasi hindi mahilig si Sebastian sa mga party party na yan pero napapayag siya dahil kinukulit ko si Ryker.Ewan ko ba, kahit naiinis ako sa lalaking iyon pero kapag may gusto akong ibigay o di kaya tulad na lang ngayon na pakiusapan ang kaibigan niya na pupunta talaga sa farewell party kaya sobrang saya ko talaga na nagawa niya.Akala nga ng iba na jowa ko ngayon si Ryker dahil minsan kami ang magkasama lalo na sa uwian, kung hindi ako ka

    Last Updated : 2023-08-09
  • THE MAN WHO BREAKS MY HEART   CHAPTER 08: THE MAN WHO BREAKS MY HEART

    CHAPTER 8THE MAN WHO BREAKS MY HEARTDahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko. Pero dahil sa liwanag ng ilaw kaya pumikit ulit ako. Binaling ko ang mukha ko sa left side para hindi ako matamaan ng sinag ng liwanag at unti-unti ko na siyang idinilat. "Anak! Okay na ang pakiramdam mo? Wait lang-" tinulungan ako ni mama na makaupo sa kama.Inayos ko muna ang buhok ko gamit ang daliri ko at nahagip ng mata ko kung ano ang nasa table. "Ano po ang nangyari ma? Bakit maraming gamot sa maliit na mesa at may mga temperature at kung ano-ano pa?" nagtataka kong tanong kay mama."Nakalimutan mo na ang nangyari?""Po?" bigla tuloy akong kinabahan kong anong nangyari sa akin. "May lagnat ka at 2 days ka nang nasa higaan mo anak!" "Po? Hala! Paano po nangyari 'yon? Ang naalala ko po ay nasa school po ako," pilit kong inaalala ang mga nangyari two days before, pero wala talaga."Dinala ka ng kaklase mo dito na si Se-sebastian ba ang pangalan non? Basta itanong mo na lang si Rowela at kasama siya

    Last Updated : 2023-08-12
  • THE MAN WHO BREAKS MY HEART   CHAPTER 09: THE MAN WHO BREAKS MY HEART

    CHAPTER 9THE MAN WHO BREAKS MY HEART"I hate you! Akin na nga yang notes," agad kong sabi sa kanya nung humupa na ang pag-iyak ko, hindi ko nga alam kung bakit ako umiiyak."Ayoko nga…ayaw as in ayaw ko!" "Eh sa ayaw mong ibigay sa kanya eh, kaya akin na ang notes..."Pero hindi pa rin niya binigay kaya habang nakatayo siya ay kinapa ko ang black pants uniform niya para mahanap."What are you doing Aubree Lynn? Stop it at baka ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag nkadaan sila sa classroom natin?" tanong niya habang pilit na inaalis ang mga kamay ko para hindi siya makapa pero dahil naiinis ako sa kanya kaya naging dragon ako ngayon at biglang lumakas."Nasaan na nga sabi yon eh!" kailangan ko pa bang makipag-away sa kanya? "Bakit ba? Kunin mo nga yang mga kamay mo! Baka mamaya ay nabubuhay na ang sawa!" Hindi ako nakinig, sawa ka diyan, nasa gubat ang ahas at wala dito, kaya mas lalo kong pinag-igihan ang pagkapa sa kanya at lalo ko pang inabot ang bulsa nya para makapa ng m

    Last Updated : 2023-08-15

Latest chapter

  • THE MAN WHO BREAKS MY HEART   SPECIAL CHAPTER PART 02

    SPECIAL CHAPTER PART 02THE MAN WHO BREAKS MY HEART“Don't worry kahit may lumalapit sa amin na afam hindi namin hinayaan na makalapit sa amin dahil sa tindi ba naman ng mga bodyguard niyo." napapailing ko na sabi. Kung alerto ang mga bodyguard namin sa lakad papuntang Disneyland, what more pa kaya kung ang mga asawa namin ang kasama at nagbabantay, baka may pasa na ang mga afam kung namimilit na magpakilala sa amin. “Good and I miss you so much. You owe me something for being away from me for three days.” Kinurot ko ulit ang matangos niya na ilong, “I know and I'm ready," sabi ko sabay kindat kaya mas lalo niya pa akong idiniin sa katawan niya habang hinahaplos ang bewang ko.He smirked at me. “Gusto mo umpisahan natin ngayon para maka round ten tayo-" kinurot ko ang tagiliran niya kaya napadaing siya. “What? Kaya ko ba? Inaantok kaya ako at isa pa may mga bata.” Sabi ko kahit alam ko na may sagot na siya sa tanong ko. “Baka nakalimutan mo na pinaayos ko na ang kubo kung saan ta

  • THE MAN WHO BREAKS MY HEART   SPECIAL CHAPTER PART 01

    SPECIAL CHAPTER Part 01THE MAN WHO BREAKS MY HEARTNilagay ko ang bulaklak at kandila sa tabi ng lapida niya, hinaplos ko ang pangalan na nakaukit doon at binasa ng paulit-ulit at pagkatapos ay nagdadasal na muna ako para sa kanyang kaluluwa.“Hi! Ilang taon na ba ang lumipas, matagal na pala ano? Kumusta ka na? Ayos ka lang ba diyan? Alam mo bang hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nariyan ka na. Sorry kung ngayon lang ako nakabisita ulit sa puntod mo. Busy kasi sa trabaho ko at sa mga bata. Alam mo ba, bumisita ako sa paaralan natin dati? Ganun pa rin, siguro ang nagbago lang ay may bagong estudyante at mga guro, may binago lang sa kulay ng classroom pero ganun pa rin kung ano noon na nag-aaral pa lang tayo. Kung saan ka man ngayon, sana masaya ka. Sana ngumingiti ka pa rin, tulad noon. Kung paano kita nakilala dati ay sana ganun ka pa rin. Walang pagbabago, I miss you. Kung darating man ang panahon na isa na akong katulad mo ay sana magkita tayo muli, hindi man na

  • THE MAN WHO BREAKS MY HEART   RYKER MATT SULLIVAÑO POV 05

    RYKER MATT SULLIVAÑO POV 05THE MAN WHO BREAKS MY HEART“Ryker!"Bakit ang sakit? Bakit kapag binabanggit niya ang pangalan ko ay unti-unti akong nasasaktan? Dahil ba tama ako, na matagal ko na siyang kilala at hanggang ngayon hindi ko parin siya nakikilala? Ganito ba talaga ang pagmamahal? “Ba-bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit hindi mo sinabi na hindi ka pala nakakaalala? Bakit? Bakit hindi mo ako pinaglaban noon? Masaya na sana tayo ngayon. Ang bilis mong sinukuan kung anong meron tayo. Dahil kung ako ‘yon? Kayang-kaya kitang ipaglaban kahit pilitin mo akong mahalin ang iba.”Habang sinasabi ng kaharap ko kung sino ako sa buhay niya ay biglang sumaya ang puso ko dahil tama ang nasa panaginip ko na may tao na akong minahal dati pa. Pero ayokong pilitin ang sarili ko na makaalala sa buong pagkatao ko dahil kuntento na ako sa sinabi palang ni Aubree ay siguradong-sigurado na ako sa kanya na may nakaraan kami. Na mahal niya ako at mahal ko siya, isang bagay na lang ang hinihilin

  • THE MAN WHO BREAKS MY HEART   RYKER MATT SULLIVAÑO POV 04

    Ryker Matt Sullivaño POV 04THE MAN WHO BREAKS MY HEARTNakatulala lang ako habang pinagmasdan ang sekretarya ko. Hindi ko alam kung anong mahika ang ginamit niya para nakafocus lang ako sa kanya. Kung bumaling siya sa akin ay umiiwas naman ako. Isa lang ang hindi ko maintindihan, everytime na nakikita ko siya, may nakikita akong galit sa kanyang mga mata at pagkadismaya sa hindi ko malaman na dahilan at kung pipilitin ko ay saka naman sumasakit ang ulo ko at kapag pinilit kong makaalala ay matatagpuan na lang akong wala ng malay.Kapag nakikita ko syang nagsusungit sa akin parang matagal niya na akong kilala at matagal ko rin siyang kilala pero kahit anong pilit ko ay nauwi lagi sa sakit ng ulo.Gayunpaman, simula na nagpakita siya sa akin ay ginawa ko pa lalo ang lahat para mapalapit sa kanya kahit pakiramdam ko, kung nakakamatay lang ang titig niya ay matagal na akong humimlay.Siguro, ang isa sa masayang araw na nangyari sa akin ay nagkaroon kami ng business trip sa Cebu, dahi

  • THE MAN WHO BREAKS MY HEART   RYKER MATT SULLIVAÑO POV 03

    RYKER MATT SULLIVAÑO POV 03THE MAN WHO BREAKS MY HEART Nangako ako na pagkatapos ng graduation ay papakasalan ko si Aubree pero hindi ko alam kung paano gagawin lalo at may kaibigan akong naghihintay sa kanya. Pauwi ako, bigla na lang akong bumagsak sa semento dahil sa biglaang pag suntok ni Sebastian.“Gago ka, sinasabi ko na nga ba na may namamagitan sa inyong dalawa." Nanggagalaiti niyang duro sa akin. Pinunasan ko gamit ang likod ng palad ang bibig kong duguan at nakangising tumingin sa kanya.“Gusto ko siya, simula pa lang pare, I'm sorry."“Sorry! Sorry lang? Tangina naman pre, marami naman diyang iba, bakit siya pa? I told you that I liked her. I fucking told you na sasabihin ko sa kanya after ng graduation natin, pare, pero anong ginawa mo? Tangina.”"Hindi ko rin alam, patawad. Isa lang ang alam ko, minahal ko siya pare, minahal ko siya simula pa lang. Kung hindi mo man masabi ang nararamdaman mo then patas lang tayo, siguro tadhana lang din ang naghanap ng paraan,” Napa

  • THE MAN WHO BREAKS MY HEART   RYKER MATT SULLIVAÑO POV 02

    RYKER MATT SULLIVAÑO POV 02THE MAN WHO BREAKS MY HEART“Sino ‘yon pare?" Tanong ko ulit dahil gusto kong manigurado. Sana hindi totoo-“Si Aubree Lynn, and I think she likes me too, narinig ko kasi ‘yon sa isa sa kaklase niya. Of course, ayokong minamadali dahil lang sa nalaman ko na gusto niya ako ay agad ko rin siyang liligawan, maybe after ng graduation natin sa college, what do you think, pare?’’ hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Sa dami-daming estudyante, bakit siya pa? Bakit ang crush ko pa. The moment na sinabi niya na gusto niya si Aubree, I realized something, minahal ko na pala ang isang Aubree Lynn, matagal na pero dinadaan ko lang sa pikunan at asaran para mainis s'ya sa akin. Pero tangina, kaibigan ko ito eh, paano ko ba sasabihin na kung pwede iba na lang.Hanggang dala-dala ko ang bagay na yan sa pag-uwi at pagtulog, mas lalo akong nasasaktan kapag nakikita sila na magkasama at masaya. Sila na kaya? Fuck! Late na ba ako?Dahil sa inamin ng kaibigan ko, parang m

  • THE MAN WHO BREAKS MY HEART   EPILOGUE: RYKER MATT SULLIVAÑO POV 01

    EPILOGUE RYKER MATT SULLIVAÑO POV 01(Mature Content)“Tama na yan pare, napuruhan na yata." Awat ni Sebastian sa akin.“Gago tol, hindi pwede, sila ang nanguna eh. Isa na lang, titigil na ako. Gago pare, nagtawag pa nga yung isang panot ng kasamahan." I smirked kasi nakakatanga nga naman. Kung sino na siga ang una na nag-aamok ng away tapos ngayon ayaw makipag laban ng patas. Nagtawag pa nga ng isa pang kasamahan. “Okay, pagkatapos nito uuwi na tayo at baka mapagalitan ako ni mama." Saad ng kaibigan ko since high school. Kami na lang talaga na dalawa ang magbarkada ang naiwan ngayon. Meron pa kaming mga kasamahan pero nakauwi na si Alberto at si Albert, hindi namin inaasahan na haharanangan pa kami ng mga gago na’to.Tatlo lang sila at nakipagsuntukan na ang dalawa at akala ko yung isang panot ay na takot kaya tumakbo na lang, iyon pala naghanap ng recruit. Iba rin. Mga ka schoolmate namin ito noong highschool na hanggang ngayon may atraso pa rin sa amin, sila ang may atraso, sil

  • THE MAN WHO BREAKS MY HEART   CHAPTER 65: THE MAN WHO BREAKS MY HEART

    CHAPTER 65THE MAN WHO BREAKS MY HEARTNapabalikwas ako ng gising dahil sa masamang panaginip. Agad akong tumayo at kumuha ng tubig at pinakalma muna ang sarili ko bago uminom. Sinilip ko ang mag-ama at mabuti naman sila kaya naginhawaan ako.Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip na ‘yon? Bakit sobrang sakit? Madaling araw pa lang. Natutulog pa ngayon sina mama at Freya sa sofa at mabuti na lang na malapad ang hinihigaan nila kaya nagkasya sila. Sinabi ko kay may mama na umuwi na lang muna pero ayaw niya talaga, buong maghapon rin na narito ang mag-asawang Sullivaño pero dahil sensitive ang ina ni Ryker kaya sa hotel ulit sila nagstay, ayaw naman sumama ni Freya sa kanila dahil nahihiya raw at gusto niya na kapag magising ang kapatid niya ay siya agad ang nakikita nito. Hindi na rin siya pumasok sa school hangga't wala ang kanyang kambal at mabuti na lang pumayag ang guro nila. Pagkatapos kong kinalma ang sarili ko tiningnan ko muna si Maynard na hanggang ngayon ay hindi pa rin na

  • THE MAN WHO BREAKS MY HEART   CHAPTER 64: THE MAN WHO BREAKS MY HEART

    CHAPTER 64THE MAN WHO BREAKS MY HEART“Hoy pare, akala ko ba engagement party ang pupuntahan namin? Bakit ka nariyan? Pambihira oh, gising.” Boses ni Edziel ang nagpagising sa diwa ko. “Gising na oh, may pa lechon ka pang pinaluto sa akin, lima yun pare wala pang bayad. Malapit lapit one million yon.” Si Douglas."Ha? Ganun ang presyo ng lechon mo? Hindi na ako bibili oy-” si Carlos. "Gagi, pampagising lang, malay mo biglang umupo para magbayad.”"Ahh…" Sabay-sabay na tango ng mga sampung mga kalalakihan. Mga baliw talaga. “Hello, Aubree sorry dumaan kami dahil narinig namin ang balita. Kagabi pa sana kaso sabi ng bantay sa labas na huwag muna dahil kailangan ng pahinga.” Sambit naman ni Lance kaya tumango ako.Nakatulog pala ako habang nakaupo sa maliit na plastic chair habang magkahawak ang kamay namin ni Ryker. Sinilip ko ang anak ko sa kabilang bed na kung saan naroon si mama. Hanggang ngayon ay tulog pa rin silang dalawa ni Ryker at hindi man lang nagising simula pa kahapo

DMCA.com Protection Status