CHAPTER 10THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Nag-aaway? H-hindi naman anak. Kanina ka pa ba nakarating?" tanong ulit ni mama sa akin at nagtungo sa kusina. Kumuha ng pitchel sa maliit namin na ref at saka kumuha ng baso para uminom ng tubig.Si papa naman ay lumabas muna ng bahay, siguro… para magpahangin? Kumalma dahil galing sa bangayan? "Ngayon pa lang po ako nakarating mama, sorry medyo lumampas na po ng alas singko ng hapon ang dating ko sa bahay," hingi ko ng pasensya kay mama."Ayos lang anak, sige magbihis ka na sa kwarto mo at may niluto ako kanina dito na turon, di ba gusto mo 'yon?" ani ni mama. Kaya ngumiti ako dahil gusto kong kumain sa luto ng mama ko. ''Pero bago ka kumain ay magbihis ka muna ng pambahay para hindi marumihan ang uniform mo," tumango ako at nagmamadaling pumasok sa kwarto ko para kumain ng merienda kahit nakakain naman ako kanina at may milktea pa na kasama.Yung narinig ko kanina ay baka nagkamali lang ako. Baka ganun lang sila mag-usap na nagtataasan ng b
CHAPTER 11THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Grabe! Ang ganda naman dito. Ryker! babalikan namin ito ha? Oh di kaya sa next reunion natin ay dito pa rin tayo. Ano sa tingin niyo guys?" Hindi mapigilan na sabihin ni Rowela.Paano ba naman kasi nasa resort Cebu kami lahat nag reunion at pinakamamangha pa dahil wala ni isa kaming binayaran. Libre lahat, thanks to Ryker dahil sa kanya kaya nagsabi ang kanyang Tito at Tita na libre na raw ito kaya ang saya lang namin. Imagine? Masusulit mo na ang two nights and three days na pag-iikot dito sa sikat na resort nila rito. Kahit ang pamasahe namin ay nakadiscount pa kami kaya tuwang-tuwa hindi lang kami kundi pati mga magulang namin.Pwera lang sa akin dahil ni libre na ako ni Ryker lahat-lahat, siya na ang bumili ng ticket ko. O diba? Akalain mo 'yon, marunong din palang mag waldas ng pera ang isang Ryker Matt Sullivaño para sa akin. Akala ko ba hanggang halo-halo lang ang kayang niyang mailibre sa akin, pwede ko rin pala itong mautangan pambili
CHAPTER 12THE MAN WHO BREAKS MY HEARTDahil napagod na ako sa kakahabol kay Ryker at kakatampal sa kanya kaya napagpasyahan na namin na bumalik sa gazebo kung nasaan ang mga kaklase at kaibigan namin. Baka sa ngayon tapos na silang kumain. Gosh, baka wala na akong ulam na masarap mamaya. "Napagod ba kita?" tanong niya pa. Matalim ko siyang tiningnan."Ano sa tingin mo? Pinagod mo ako sa kakakiliti mo eh alam mo naman na hindi ko gusto na kinikiliti ako ng ganun. Halos hindi ako makahinga dahil sayo. At saka pa, tingnan mo! Hindi pa nga tayo nakakaligo sa dagat ang dumi ko na Sullivaño!" alburoto ko habang naglalakad pa rin kami ng dahan-dahan sa buhangin dahil halos hindi ko na kayang maglakad pa."Mawawala 'yan mamaya, massage kita kung gusto mo?""Libre? Payag ako kapag ganun. Wala akong dalang pera eh," pang-uuto ko, malay mo pumayag at masakit talaga ang katawan ko."No! Sa tingin mo may libre pa ngayon? Wala ng libre ngayon Aubree Lynn," aniya.Ngumuso ako dahil akala ko malulu
CHAPTER 13THE MAN WHO BREAKS MY HEARTUmirap na naman ako sa kawalan lalo kapag nakikita ko ang mukha ng lalaking ito. Gustong-gusto niya talaga na nakasimangot ako palagi.Kapag titigan ko siya ay umiiwas ng tingin pero kita naman na tumataas ang gilid ng kanyang labi at tinatago lamang na mapangiti.Sayang-saya niya talaga na makita akong sinunod ko ang gusto niya like itong pagsuot ng rash guard na para na akong lumpia dahil sa sobrang balot."Hi sexy!" Narinig kong may sumisipol na lalaki sa isa kong kaklase, kung ganyan sana na bikini ang nasuot ko ay talagang may gumaganyan din sa akin, tinatawag ako na sexy.Sexy naman ako di ba? Pinasadahan ko ang katawan ko na balot na balot tulad ng lumpiang wrapper esti ng tela at talagang napa padyak na lang talaga ako sa kalagayan ko. Pero yung isa pangiti-ngiti lang ang alam. Nasa buhangin siya nakaupo at ganun din ako pero hindi ako tumabi sa kanya dahil kahit perfume na ginamit niya ay ayokong maamoy dahil sa inis ko sa kanya.Ngu
CHAPTER 14THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Di ba sabi ko sa'yo na maganda dito sa kanila mall!" Bungad ni Rowela sa akin ng makarating kami sa mall na sinabi niya na pagmamay-ari ng mga Baltimoore."Sayang nga lang wala rito sa Cebu ang batang modelo na anak nila kundi nasa Negros Oriental daw." Dagdag pa n'ya. Natawa ako doon parang updated ang bruha na ito sa mga Baltimoore na 'yan though nasabi na rin niya sa akin na crush niya nga 'yong modelo at sa katunayan meron pa siyang picture no'n sa wallet niya, pang remembrance daw. "Kaya nga, malaki rin pala ang mall nila dito sa Talisay Cebu at kanina pa tayo ikot ng ikot dito. Halos wala pa tayong nabili dahil sa nag-eenjoy tayong kumain muna kaysa mamili ng mga chichirya at mga soft drink mamaya sa inuman." ani ko.May kanya-kanya ring lakad ang mga kaklase namin para mag-ikot sa mall at sinabihan lang namin na magkita sa may fast food malapit sa exit para doon na lang maghintayan lahat.Malaki na sila kaya alam na nila ang gagawin nila
CHAPTER 15THE MAN WHO BREAKS MY HEARTKwentuhan at asaran habang naliligo sa swimming pool. Gabi na kaya hindi na pwede na sa dagat pa kami maliligo at baka kung saan pa kami aanurin o makakalangoy, nakakatakot kaya maligo kapag gabi na.Lalo na ngayon na may nag-iinuman, hindi na talaga pwedeng lumangoy pa sa dagat dahil gabi na rin at dahil maraming pagkain ang nakahilera sa maliit na basket kung saan nakalagay malapit sa pool para kung gusto naming kumain ay doon na lang kukuha."Imagine, sobrang bait pala ang mga angkan ng mga Sullivaño dahil free na tayo sa resort at imagine sa mga food na niluluto ng mga chief sa atin, simula pa kahapon, literal na hindi tayo nagugutom!" Saad ni Rowela."Kaya nga… " kanya-kanya naman na sang-ayon ang lahat.Pero ako? Yes mabait ang mga Sullivaño pero yung kilala ko? Mabait siguro iyon kapag tulog, walang iba kundi si Ryker."Hoy gising!" See.. kahit tulog siguro 'tong gagong ito ay hindi rin sinasapian ng kabaitan."Bakit mo ba ako sinabuyan
CHAPTER 16THE MAN WHO BREAKS MY HEARTNaalimpungatan ako dahil sa may mahigpit na yumakap sa akin. Ginalaw ko ang katawan ko pero napaigik na lang ako dahil sa sakit ng ibaba ko.What happened?Parang binugbog ako ng ilang beses bago tinigilan. Lalo kong pinikit ang mga mata ko para maisip kung ano ang nangyari.Muli, naramdaman ko na meron talagang nakayakap sa akin at umiiyak? Kaya idinilat ko ang mata ko at laking gulat ko kung sino ang katabi ko. "Ryker?" Tawag ko sa pangalan niya. "Anong nangyayari sayo? Umiiyak ka ba?" Akmang ilalayo ko ang paa ko malapit sa kanya ay talagang napapaiyak na lang ako dahil sa sakit sa pagitan ko. "Ryker, uyy okay ka lang?" Tawag ko ulit sa kanya."Kasalanan ko! I'm sorry," nangunot ang noo ko. Pilit kong inaangat ang ulo niya pero nakayuko lang ito malapit sa aking dibdib. "Why? May nangyari ba?""Wala kang naalala?" Natigilan ako. "W-What do you mean?" Kinakabahan sa sariling tanong."Hindi ko mapigilan. We made love last night, Aubree. An
CHAPTER 17THE MAN WHO BREAKS MY HEARTNakabalik na nga kami galing sa Cebu at natapos na namin ang farewell party pero parang nagbabalak na naman ang iba na dumalaw kahit saan basta same batch. Welcome naman kung merong sasama pang iba na hindi na kasama last time. Pero hindi na ako pumayag, focus muna ako sa last thesis at ibang requirements na ipapasa para sa pagtatapos ng kolehiyo ko, at makahanap na agad ng trabaho, isa pa napagod na rin ako sa party na 'yon.Iiwasan ko muna ang mga gatherings na yan lalo at may iba akong na experience sa araw na 'yan mismo. May nangyari sa amin ni Ryker. Kay Ryker Matt Sullivaño na ni minsan hindi ko maisip na siya ang una ko. Na pumatol ako sa kilalang playboy ng paaralan na ito."Tulala ka na naman, may iniisip ka bruha? Share share din pag pwede kung hindi sige ka, mag-usap kayo ng sarili mo," dahil sa boses ni Rowela ay bumalik ako sa realidad. Umirap ako dahil sa huling sinabi niya. Nasa soccer field kami ngayon para tumambay, nakau
SPECIAL CHAPTER PART 02THE MAN WHO BREAKS MY HEART“Don't worry kahit may lumalapit sa amin na afam hindi namin hinayaan na makalapit sa amin dahil sa tindi ba naman ng mga bodyguard niyo." napapailing ko na sabi. Kung alerto ang mga bodyguard namin sa lakad papuntang Disneyland, what more pa kaya kung ang mga asawa namin ang kasama at nagbabantay, baka may pasa na ang mga afam kung namimilit na magpakilala sa amin. “Good and I miss you so much. You owe me something for being away from me for three days.” Kinurot ko ulit ang matangos niya na ilong, “I know and I'm ready," sabi ko sabay kindat kaya mas lalo niya pa akong idiniin sa katawan niya habang hinahaplos ang bewang ko.He smirked at me. “Gusto mo umpisahan natin ngayon para maka round ten tayo-" kinurot ko ang tagiliran niya kaya napadaing siya. “What? Kaya ko ba? Inaantok kaya ako at isa pa may mga bata.” Sabi ko kahit alam ko na may sagot na siya sa tanong ko. “Baka nakalimutan mo na pinaayos ko na ang kubo kung saan ta
SPECIAL CHAPTER Part 01THE MAN WHO BREAKS MY HEARTNilagay ko ang bulaklak at kandila sa tabi ng lapida niya, hinaplos ko ang pangalan na nakaukit doon at binasa ng paulit-ulit at pagkatapos ay nagdadasal na muna ako para sa kanyang kaluluwa.“Hi! Ilang taon na ba ang lumipas, matagal na pala ano? Kumusta ka na? Ayos ka lang ba diyan? Alam mo bang hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nariyan ka na. Sorry kung ngayon lang ako nakabisita ulit sa puntod mo. Busy kasi sa trabaho ko at sa mga bata. Alam mo ba, bumisita ako sa paaralan natin dati? Ganun pa rin, siguro ang nagbago lang ay may bagong estudyante at mga guro, may binago lang sa kulay ng classroom pero ganun pa rin kung ano noon na nag-aaral pa lang tayo. Kung saan ka man ngayon, sana masaya ka. Sana ngumingiti ka pa rin, tulad noon. Kung paano kita nakilala dati ay sana ganun ka pa rin. Walang pagbabago, I miss you. Kung darating man ang panahon na isa na akong katulad mo ay sana magkita tayo muli, hindi man na
RYKER MATT SULLIVAÑO POV 05THE MAN WHO BREAKS MY HEART“Ryker!"Bakit ang sakit? Bakit kapag binabanggit niya ang pangalan ko ay unti-unti akong nasasaktan? Dahil ba tama ako, na matagal ko na siyang kilala at hanggang ngayon hindi ko parin siya nakikilala? Ganito ba talaga ang pagmamahal? “Ba-bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit hindi mo sinabi na hindi ka pala nakakaalala? Bakit? Bakit hindi mo ako pinaglaban noon? Masaya na sana tayo ngayon. Ang bilis mong sinukuan kung anong meron tayo. Dahil kung ako ‘yon? Kayang-kaya kitang ipaglaban kahit pilitin mo akong mahalin ang iba.”Habang sinasabi ng kaharap ko kung sino ako sa buhay niya ay biglang sumaya ang puso ko dahil tama ang nasa panaginip ko na may tao na akong minahal dati pa. Pero ayokong pilitin ang sarili ko na makaalala sa buong pagkatao ko dahil kuntento na ako sa sinabi palang ni Aubree ay siguradong-sigurado na ako sa kanya na may nakaraan kami. Na mahal niya ako at mahal ko siya, isang bagay na lang ang hinihilin
Ryker Matt Sullivaño POV 04THE MAN WHO BREAKS MY HEARTNakatulala lang ako habang pinagmasdan ang sekretarya ko. Hindi ko alam kung anong mahika ang ginamit niya para nakafocus lang ako sa kanya. Kung bumaling siya sa akin ay umiiwas naman ako. Isa lang ang hindi ko maintindihan, everytime na nakikita ko siya, may nakikita akong galit sa kanyang mga mata at pagkadismaya sa hindi ko malaman na dahilan at kung pipilitin ko ay saka naman sumasakit ang ulo ko at kapag pinilit kong makaalala ay matatagpuan na lang akong wala ng malay.Kapag nakikita ko syang nagsusungit sa akin parang matagal niya na akong kilala at matagal ko rin siyang kilala pero kahit anong pilit ko ay nauwi lagi sa sakit ng ulo.Gayunpaman, simula na nagpakita siya sa akin ay ginawa ko pa lalo ang lahat para mapalapit sa kanya kahit pakiramdam ko, kung nakakamatay lang ang titig niya ay matagal na akong humimlay.Siguro, ang isa sa masayang araw na nangyari sa akin ay nagkaroon kami ng business trip sa Cebu, dahi
RYKER MATT SULLIVAÑO POV 03THE MAN WHO BREAKS MY HEART Nangako ako na pagkatapos ng graduation ay papakasalan ko si Aubree pero hindi ko alam kung paano gagawin lalo at may kaibigan akong naghihintay sa kanya. Pauwi ako, bigla na lang akong bumagsak sa semento dahil sa biglaang pag suntok ni Sebastian.“Gago ka, sinasabi ko na nga ba na may namamagitan sa inyong dalawa." Nanggagalaiti niyang duro sa akin. Pinunasan ko gamit ang likod ng palad ang bibig kong duguan at nakangising tumingin sa kanya.“Gusto ko siya, simula pa lang pare, I'm sorry."“Sorry! Sorry lang? Tangina naman pre, marami naman diyang iba, bakit siya pa? I told you that I liked her. I fucking told you na sasabihin ko sa kanya after ng graduation natin, pare, pero anong ginawa mo? Tangina.”"Hindi ko rin alam, patawad. Isa lang ang alam ko, minahal ko siya pare, minahal ko siya simula pa lang. Kung hindi mo man masabi ang nararamdaman mo then patas lang tayo, siguro tadhana lang din ang naghanap ng paraan,” Napa
RYKER MATT SULLIVAÑO POV 02THE MAN WHO BREAKS MY HEART“Sino ‘yon pare?" Tanong ko ulit dahil gusto kong manigurado. Sana hindi totoo-“Si Aubree Lynn, and I think she likes me too, narinig ko kasi ‘yon sa isa sa kaklase niya. Of course, ayokong minamadali dahil lang sa nalaman ko na gusto niya ako ay agad ko rin siyang liligawan, maybe after ng graduation natin sa college, what do you think, pare?’’ hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Sa dami-daming estudyante, bakit siya pa? Bakit ang crush ko pa. The moment na sinabi niya na gusto niya si Aubree, I realized something, minahal ko na pala ang isang Aubree Lynn, matagal na pero dinadaan ko lang sa pikunan at asaran para mainis s'ya sa akin. Pero tangina, kaibigan ko ito eh, paano ko ba sasabihin na kung pwede iba na lang.Hanggang dala-dala ko ang bagay na yan sa pag-uwi at pagtulog, mas lalo akong nasasaktan kapag nakikita sila na magkasama at masaya. Sila na kaya? Fuck! Late na ba ako?Dahil sa inamin ng kaibigan ko, parang m
EPILOGUE RYKER MATT SULLIVAÑO POV 01(Mature Content)“Tama na yan pare, napuruhan na yata." Awat ni Sebastian sa akin.“Gago tol, hindi pwede, sila ang nanguna eh. Isa na lang, titigil na ako. Gago pare, nagtawag pa nga yung isang panot ng kasamahan." I smirked kasi nakakatanga nga naman. Kung sino na siga ang una na nag-aamok ng away tapos ngayon ayaw makipag laban ng patas. Nagtawag pa nga ng isa pang kasamahan. “Okay, pagkatapos nito uuwi na tayo at baka mapagalitan ako ni mama." Saad ng kaibigan ko since high school. Kami na lang talaga na dalawa ang magbarkada ang naiwan ngayon. Meron pa kaming mga kasamahan pero nakauwi na si Alberto at si Albert, hindi namin inaasahan na haharanangan pa kami ng mga gago na’to.Tatlo lang sila at nakipagsuntukan na ang dalawa at akala ko yung isang panot ay na takot kaya tumakbo na lang, iyon pala naghanap ng recruit. Iba rin. Mga ka schoolmate namin ito noong highschool na hanggang ngayon may atraso pa rin sa amin, sila ang may atraso, sil
CHAPTER 65THE MAN WHO BREAKS MY HEARTNapabalikwas ako ng gising dahil sa masamang panaginip. Agad akong tumayo at kumuha ng tubig at pinakalma muna ang sarili ko bago uminom. Sinilip ko ang mag-ama at mabuti naman sila kaya naginhawaan ako.Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip na ‘yon? Bakit sobrang sakit? Madaling araw pa lang. Natutulog pa ngayon sina mama at Freya sa sofa at mabuti na lang na malapad ang hinihigaan nila kaya nagkasya sila. Sinabi ko kay may mama na umuwi na lang muna pero ayaw niya talaga, buong maghapon rin na narito ang mag-asawang Sullivaño pero dahil sensitive ang ina ni Ryker kaya sa hotel ulit sila nagstay, ayaw naman sumama ni Freya sa kanila dahil nahihiya raw at gusto niya na kapag magising ang kapatid niya ay siya agad ang nakikita nito. Hindi na rin siya pumasok sa school hangga't wala ang kanyang kambal at mabuti na lang pumayag ang guro nila. Pagkatapos kong kinalma ang sarili ko tiningnan ko muna si Maynard na hanggang ngayon ay hindi pa rin na
CHAPTER 64THE MAN WHO BREAKS MY HEART“Hoy pare, akala ko ba engagement party ang pupuntahan namin? Bakit ka nariyan? Pambihira oh, gising.” Boses ni Edziel ang nagpagising sa diwa ko. “Gising na oh, may pa lechon ka pang pinaluto sa akin, lima yun pare wala pang bayad. Malapit lapit one million yon.” Si Douglas."Ha? Ganun ang presyo ng lechon mo? Hindi na ako bibili oy-” si Carlos. "Gagi, pampagising lang, malay mo biglang umupo para magbayad.”"Ahh…" Sabay-sabay na tango ng mga sampung mga kalalakihan. Mga baliw talaga. “Hello, Aubree sorry dumaan kami dahil narinig namin ang balita. Kagabi pa sana kaso sabi ng bantay sa labas na huwag muna dahil kailangan ng pahinga.” Sambit naman ni Lance kaya tumango ako.Nakatulog pala ako habang nakaupo sa maliit na plastic chair habang magkahawak ang kamay namin ni Ryker. Sinilip ko ang anak ko sa kabilang bed na kung saan naroon si mama. Hanggang ngayon ay tulog pa rin silang dalawa ni Ryker at hindi man lang nagising simula pa kahapo