CHAPTER 17THE MAN WHO BREAKS MY HEARTNakabalik na nga kami galing sa Cebu at natapos na namin ang farewell party pero parang nagbabalak na naman ang iba na dumalaw kahit saan basta same batch. Welcome naman kung merong sasama pang iba na hindi na kasama last time. Pero hindi na ako pumayag, focus muna ako sa last thesis at ibang requirements na ipapasa para sa pagtatapos ng kolehiyo ko, at makahanap na agad ng trabaho, isa pa napagod na rin ako sa party na 'yon.Iiwasan ko muna ang mga gatherings na yan lalo at may iba akong na experience sa araw na 'yan mismo. May nangyari sa amin ni Ryker. Kay Ryker Matt Sullivaño na ni minsan hindi ko maisip na siya ang una ko. Na pumatol ako sa kilalang playboy ng paaralan na ito."Tulala ka na naman, may iniisip ka bruha? Share share din pag pwede kung hindi sige ka, mag-usap kayo ng sarili mo," dahil sa boses ni Rowela ay bumalik ako sa realidad. Umirap ako dahil sa huling sinabi niya. Nasa soccer field kami ngayon para tumambay, nakau
CHAPTER 18THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Baka after ng graduation natin ay hindi mo na ako papansinin." Niyakap niya ako galing sa likod."Baka ikaw ang ayaw na akong pansinin, Aubree.""Ano namang dahilan para hindi kita lapitan, eh di ba sabi mo na ipapasyal mo ako kinabukasan. Magce-celebrate tayong dalawa. Kaya lalapitan talaga kita to confirm at baka mamaya drawing lang ang lahat at hindi na matutupad na ililibot mo ako sa buong hacienda mo, yon ang pinangako mo."Yes, sa next week na talaga ang graduation namin na kabatchmate sa taon na ito. So far maganda ang kinalabasan ng mga plano ko. May naghihintay na rin na trabaho sa akin sa Maynila doon sa kakilala ni mama.Dahil wala ng pasok dahil practice na lang ng graduation at wala ang mga magulang ni Ryker dahil nasa states for vacation ngayon kaya dinala niya ako dito sa bahay nila. Nakapag paalam naman ako kina mama, pero hindi ko sinabi na magkasama kami ni Ryker na anak ng boss na kung saan sila nagtatrabaho. Baka kasi magtak
CHAPTER 19THE MAN WHO BREAKS MY HEART"OMG! This is it, pancit!" Tulad ko, walang paglagyan ang kasiyahan namin ni Rowela na sa wakas ay ito na ang hinihintay namin na pagtatapos na nga namin ng college. Lahat ng mga nakamit ko ngayon ay talagang ipinagpapasalamat ko sa Maykapal at sa mga magulang ko na walang sawang sinusuportahan ang pag-aaral ko. At ang susunod ko ngayon na hakbang ay ang pagbutihin ang pagtatrabaho ko para mabigyan ng magandang buhay ang mga magulang ko.Sila ang dahilan kung bakit ako nagsusumikap sa pag-aaral na kahit wala man akong natanggap na award sa paaralan pero yung salitang natanggap ko ng buong puso ang diploma ko ay isang malaking achievement na iyon sa akin. "Kahit nasa malayo na tayo ay dapat magtetext pa rin tayo ha," si Jenisa."Dapat lang talaga na nagpapansinan pa rin tayo kahit na nasa ibang mundo man tayo dalhin ng tadhana." Sabat ko.Napansin kong kumaway si mama kaya nagpaalam muna ako sa mga kaklase ko para mapuntahan si mama at papa na
CHAPTER 20THE MAN WHO BREAKS MY HEART(Warning: Mature Content)"Totoo ba?" Bigla nagulat si Ryker pagliko niya sa gawi ko dahil agad ko siyang hinarangan. "T-totoo ba ang lahat na narinig ko, Ryker Matt?" nanginginig kong tanong sa kanya na halos hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa lahat-lahat na narinig tungkol sa akin.Itinapon niya ang kanyang sigarilyo na malapit ng mangalahati malapit sa harapan niya at tinapakan ito ng dahan-dahan para maupos, bawal sa school pero ginagawa niya saka pa tumingala para ibuga ang usok na nasa kanyang bibig at matalim ang tingin na bumaling sa akin."Saan doon sa lahat ang gusto mong marinig Aubree?" Nanlaki ang mata ko at napasinghap dahil sa malalim na boses habang tinatanong niya ako, hindi siya ang Ryker na kilala ko. Hindi… Wala na yung malumanay at ma pang-asar na boses. "Na… na pinagpustahan niyo lang ako? Ha Ryker? Tell me, sabihin mo sa akin na…na hindi totoo ang narinig ko, ha Tell me?" Nakalagay sa magkabilaan na bulsa
CHAPTER 21THE MAN WHO BREAKS MY HEART "Hoy! Ayos ka lang ba talaga, Aubree? Kanina ka pa tulala diyan sa lamesa mo?' dahil sa tanong ni Lorna ay bumalik ako sa realidad.Binura ko ang mapait na kahapon ko tungkol sa pag-ibig at ngayon, magpapatuloy ako para sa mga anak ko."Ayos lang ako, Lorna!""Sure ka? May I see." Ilalayo ko na sana ang mukha ko na agad naman niya itong hinawakan at nilagay ang palad niya sa noo ko paharap at likod. "Medyo mainit ka ngayon. Buti pa umuwi ka na lang ng maaga. Tapos ka na naman siguro sa pagpafiles ng mga documents na isusubmit natin sa next clients this weekend." Mungkahi niya pa."Ayos lang ba? May 40 minutes pa bago ang uwian. Pero parang kailangan ko nga ng kaunting pahinga ngayon.""Sus, ayos na ayos lang, ikaw kasi baka iniisip mo kung sino ang magiging next boss natin nitong… omg.. next week na pala. Gosh! I'm so excited." "Hindi naman, marami lang yata akong iniisip na iba, pero hindi sa bagong boss," sagot ko."Alam mo ba na may balit
CHAPTER 22THE MAN WHO BREAKS MY HEARTAkala ko maging maayos na talaga ang pakiramdam ko pero hindi pa talaga. Medyo sinisipon pa ako at masakit ang ulo ko.Dahil hindi pa ako pwedeng lapitan ang mga anak ko kaya hanggang silip lang muna sila sa pinto tulad ngayon para kumustahin ako. "Mama, drink a lot of water po and take your medicine, nilagay na po ni kambal sa tray kanina bago hatid ni Lola mama," concern na sabi ni Freya."Get well soon, mama. We love you po." saad naman ni Maynard. Ngumiti ako sa kanilang dalawa."Thank you babies, marami na pong nakain at nainom ni mama na tubig. Tapos na rin po ako sa gamot. Salamat my dear angels, babawi si mama pag gumaling na ako, okay ba yon?""Mama, makita ka lang namin na wala na pong sakit, masaya na po kami ni kambal, shi lola mama at lolo papa and Noona ganda and Tito Caloy po. Di na po kami sad basta magaling na mama namin po!" Pinigilan ko na hindi ma luha ulit dahil sa sinabi ni Freya."Of course baby, pray niyo lagi si mama na g
CHAPTER 23THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Papasok ka anak? Baka hindi pa bumuti ang kalagayan mo? Maiintindihan naman siguro ng mga katrabaho mo kung bakit hindi ka muna makakapasok sa ngayon," nag-aalala na sabi ni mama. Nasa hapag kami para kumain ng sabay-sabay sa almusal at nagulat na lang sila kung bakit nakapag bihis na ako ng uniform namin. "Kaya nga anak! Baka hindi mo pa kaya!" Si papa."Alis ka po mama? Okay na po ikaw?" Tanong naman ni Freya sa akin, kahit hindi na magtanong si Maynard, alam ko na ganyan din ang itatanong niya at lahat sila ay nag-aalala na nakatitig sa akin."Ayos na si mama mga babies, pero hindi muna magkikiss si mama sa inyo hangga't hindi pa ako fully okay." Sagot ko sa mga anak ko, nilipat ko ang tingin sa mga magulang ko na ngayon ay nagtitimpla na ng kani-kanilang kape. "Kailangan mama… papa at baka kinabukasan pagkarating ko sa office wala na akong trabaho.""Huh? Bakit naman? Sa anong dahilan? Dahil umabsent ka? Eh, may sakit ka naman kaya valid r
CHAPTER 24THE MAN WHO BREAKS MY HEART"Shit! Bakit? Bakit siya pa? Wala na bang iba?" Nasa banyo ako at wala naman akong ibang ginagawa dito kundi ang pabalik-balik ang lakad.Ang sarap umuwi ng bahay at itago ang mga anak ko, hindi pwede na makita niya pa ang mga anak ko. Wala siyang karapatan sa kanila, wala? "Shit lang!" Inis kong sinabunutan ang buhok ko. Tapos ano pa ang reaksyon niya kanina, hindi niya ako kilala. Gago ba siya? Ang bilis niyang makalimot ha, ang dali niyang makalimot.Kinalma ko ang sarili ko, sa mga nanginginig na mga kamay, kinuha ko ang suklay at make-up ko. Hindi para magpaganda at pansinin niya kundi sabog na ang buhok ko sa kakasabunot at kakasampal ng mukha dahil akala ko panaginip lang ang lahat at isa pa para ipakita sa kanya na kahit sinaktan at niloko niya ako dati ay matapang na ako, hindi na ako ang babaeng mabilis magpakatanga sa kanya. Hindi siya kawalan at higit sa lahat wala siyang kwenta. Lahat ng ginawa niya sa akin, lahat-lahat ginawa ni
SPECIAL CHAPTER PART 02THE MAN WHO BREAKS MY HEART“Don't worry kahit may lumalapit sa amin na afam hindi namin hinayaan na makalapit sa amin dahil sa tindi ba naman ng mga bodyguard niyo." napapailing ko na sabi. Kung alerto ang mga bodyguard namin sa lakad papuntang Disneyland, what more pa kaya kung ang mga asawa namin ang kasama at nagbabantay, baka may pasa na ang mga afam kung namimilit na magpakilala sa amin. “Good and I miss you so much. You owe me something for being away from me for three days.” Kinurot ko ulit ang matangos niya na ilong, “I know and I'm ready," sabi ko sabay kindat kaya mas lalo niya pa akong idiniin sa katawan niya habang hinahaplos ang bewang ko.He smirked at me. “Gusto mo umpisahan natin ngayon para maka round ten tayo-" kinurot ko ang tagiliran niya kaya napadaing siya. “What? Kaya ko ba? Inaantok kaya ako at isa pa may mga bata.” Sabi ko kahit alam ko na may sagot na siya sa tanong ko. “Baka nakalimutan mo na pinaayos ko na ang kubo kung saan ta
SPECIAL CHAPTER Part 01THE MAN WHO BREAKS MY HEARTNilagay ko ang bulaklak at kandila sa tabi ng lapida niya, hinaplos ko ang pangalan na nakaukit doon at binasa ng paulit-ulit at pagkatapos ay nagdadasal na muna ako para sa kanyang kaluluwa.“Hi! Ilang taon na ba ang lumipas, matagal na pala ano? Kumusta ka na? Ayos ka lang ba diyan? Alam mo bang hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nariyan ka na. Sorry kung ngayon lang ako nakabisita ulit sa puntod mo. Busy kasi sa trabaho ko at sa mga bata. Alam mo ba, bumisita ako sa paaralan natin dati? Ganun pa rin, siguro ang nagbago lang ay may bagong estudyante at mga guro, may binago lang sa kulay ng classroom pero ganun pa rin kung ano noon na nag-aaral pa lang tayo. Kung saan ka man ngayon, sana masaya ka. Sana ngumingiti ka pa rin, tulad noon. Kung paano kita nakilala dati ay sana ganun ka pa rin. Walang pagbabago, I miss you. Kung darating man ang panahon na isa na akong katulad mo ay sana magkita tayo muli, hindi man na
RYKER MATT SULLIVAÑO POV 05THE MAN WHO BREAKS MY HEART“Ryker!"Bakit ang sakit? Bakit kapag binabanggit niya ang pangalan ko ay unti-unti akong nasasaktan? Dahil ba tama ako, na matagal ko na siyang kilala at hanggang ngayon hindi ko parin siya nakikilala? Ganito ba talaga ang pagmamahal? “Ba-bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit hindi mo sinabi na hindi ka pala nakakaalala? Bakit? Bakit hindi mo ako pinaglaban noon? Masaya na sana tayo ngayon. Ang bilis mong sinukuan kung anong meron tayo. Dahil kung ako ‘yon? Kayang-kaya kitang ipaglaban kahit pilitin mo akong mahalin ang iba.”Habang sinasabi ng kaharap ko kung sino ako sa buhay niya ay biglang sumaya ang puso ko dahil tama ang nasa panaginip ko na may tao na akong minahal dati pa. Pero ayokong pilitin ang sarili ko na makaalala sa buong pagkatao ko dahil kuntento na ako sa sinabi palang ni Aubree ay siguradong-sigurado na ako sa kanya na may nakaraan kami. Na mahal niya ako at mahal ko siya, isang bagay na lang ang hinihilin
Ryker Matt Sullivaño POV 04THE MAN WHO BREAKS MY HEARTNakatulala lang ako habang pinagmasdan ang sekretarya ko. Hindi ko alam kung anong mahika ang ginamit niya para nakafocus lang ako sa kanya. Kung bumaling siya sa akin ay umiiwas naman ako. Isa lang ang hindi ko maintindihan, everytime na nakikita ko siya, may nakikita akong galit sa kanyang mga mata at pagkadismaya sa hindi ko malaman na dahilan at kung pipilitin ko ay saka naman sumasakit ang ulo ko at kapag pinilit kong makaalala ay matatagpuan na lang akong wala ng malay.Kapag nakikita ko syang nagsusungit sa akin parang matagal niya na akong kilala at matagal ko rin siyang kilala pero kahit anong pilit ko ay nauwi lagi sa sakit ng ulo.Gayunpaman, simula na nagpakita siya sa akin ay ginawa ko pa lalo ang lahat para mapalapit sa kanya kahit pakiramdam ko, kung nakakamatay lang ang titig niya ay matagal na akong humimlay.Siguro, ang isa sa masayang araw na nangyari sa akin ay nagkaroon kami ng business trip sa Cebu, dahi
RYKER MATT SULLIVAÑO POV 03THE MAN WHO BREAKS MY HEART Nangako ako na pagkatapos ng graduation ay papakasalan ko si Aubree pero hindi ko alam kung paano gagawin lalo at may kaibigan akong naghihintay sa kanya. Pauwi ako, bigla na lang akong bumagsak sa semento dahil sa biglaang pag suntok ni Sebastian.“Gago ka, sinasabi ko na nga ba na may namamagitan sa inyong dalawa." Nanggagalaiti niyang duro sa akin. Pinunasan ko gamit ang likod ng palad ang bibig kong duguan at nakangising tumingin sa kanya.“Gusto ko siya, simula pa lang pare, I'm sorry."“Sorry! Sorry lang? Tangina naman pre, marami naman diyang iba, bakit siya pa? I told you that I liked her. I fucking told you na sasabihin ko sa kanya after ng graduation natin, pare, pero anong ginawa mo? Tangina.”"Hindi ko rin alam, patawad. Isa lang ang alam ko, minahal ko siya pare, minahal ko siya simula pa lang. Kung hindi mo man masabi ang nararamdaman mo then patas lang tayo, siguro tadhana lang din ang naghanap ng paraan,” Napa
RYKER MATT SULLIVAÑO POV 02THE MAN WHO BREAKS MY HEART“Sino ‘yon pare?" Tanong ko ulit dahil gusto kong manigurado. Sana hindi totoo-“Si Aubree Lynn, and I think she likes me too, narinig ko kasi ‘yon sa isa sa kaklase niya. Of course, ayokong minamadali dahil lang sa nalaman ko na gusto niya ako ay agad ko rin siyang liligawan, maybe after ng graduation natin sa college, what do you think, pare?’’ hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Sa dami-daming estudyante, bakit siya pa? Bakit ang crush ko pa. The moment na sinabi niya na gusto niya si Aubree, I realized something, minahal ko na pala ang isang Aubree Lynn, matagal na pero dinadaan ko lang sa pikunan at asaran para mainis s'ya sa akin. Pero tangina, kaibigan ko ito eh, paano ko ba sasabihin na kung pwede iba na lang.Hanggang dala-dala ko ang bagay na yan sa pag-uwi at pagtulog, mas lalo akong nasasaktan kapag nakikita sila na magkasama at masaya. Sila na kaya? Fuck! Late na ba ako?Dahil sa inamin ng kaibigan ko, parang m
EPILOGUE RYKER MATT SULLIVAÑO POV 01(Mature Content)“Tama na yan pare, napuruhan na yata." Awat ni Sebastian sa akin.“Gago tol, hindi pwede, sila ang nanguna eh. Isa na lang, titigil na ako. Gago pare, nagtawag pa nga yung isang panot ng kasamahan." I smirked kasi nakakatanga nga naman. Kung sino na siga ang una na nag-aamok ng away tapos ngayon ayaw makipag laban ng patas. Nagtawag pa nga ng isa pang kasamahan. “Okay, pagkatapos nito uuwi na tayo at baka mapagalitan ako ni mama." Saad ng kaibigan ko since high school. Kami na lang talaga na dalawa ang magbarkada ang naiwan ngayon. Meron pa kaming mga kasamahan pero nakauwi na si Alberto at si Albert, hindi namin inaasahan na haharanangan pa kami ng mga gago na’to.Tatlo lang sila at nakipagsuntukan na ang dalawa at akala ko yung isang panot ay na takot kaya tumakbo na lang, iyon pala naghanap ng recruit. Iba rin. Mga ka schoolmate namin ito noong highschool na hanggang ngayon may atraso pa rin sa amin, sila ang may atraso, sil
CHAPTER 65THE MAN WHO BREAKS MY HEARTNapabalikwas ako ng gising dahil sa masamang panaginip. Agad akong tumayo at kumuha ng tubig at pinakalma muna ang sarili ko bago uminom. Sinilip ko ang mag-ama at mabuti naman sila kaya naginhawaan ako.Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip na ‘yon? Bakit sobrang sakit? Madaling araw pa lang. Natutulog pa ngayon sina mama at Freya sa sofa at mabuti na lang na malapad ang hinihigaan nila kaya nagkasya sila. Sinabi ko kay may mama na umuwi na lang muna pero ayaw niya talaga, buong maghapon rin na narito ang mag-asawang Sullivaño pero dahil sensitive ang ina ni Ryker kaya sa hotel ulit sila nagstay, ayaw naman sumama ni Freya sa kanila dahil nahihiya raw at gusto niya na kapag magising ang kapatid niya ay siya agad ang nakikita nito. Hindi na rin siya pumasok sa school hangga't wala ang kanyang kambal at mabuti na lang pumayag ang guro nila. Pagkatapos kong kinalma ang sarili ko tiningnan ko muna si Maynard na hanggang ngayon ay hindi pa rin na
CHAPTER 64THE MAN WHO BREAKS MY HEART“Hoy pare, akala ko ba engagement party ang pupuntahan namin? Bakit ka nariyan? Pambihira oh, gising.” Boses ni Edziel ang nagpagising sa diwa ko. “Gising na oh, may pa lechon ka pang pinaluto sa akin, lima yun pare wala pang bayad. Malapit lapit one million yon.” Si Douglas."Ha? Ganun ang presyo ng lechon mo? Hindi na ako bibili oy-” si Carlos. "Gagi, pampagising lang, malay mo biglang umupo para magbayad.”"Ahh…" Sabay-sabay na tango ng mga sampung mga kalalakihan. Mga baliw talaga. “Hello, Aubree sorry dumaan kami dahil narinig namin ang balita. Kagabi pa sana kaso sabi ng bantay sa labas na huwag muna dahil kailangan ng pahinga.” Sambit naman ni Lance kaya tumango ako.Nakatulog pala ako habang nakaupo sa maliit na plastic chair habang magkahawak ang kamay namin ni Ryker. Sinilip ko ang anak ko sa kabilang bed na kung saan naroon si mama. Hanggang ngayon ay tulog pa rin silang dalawa ni Ryker at hindi man lang nagising simula pa kahapo