Claire’s Pov
Minsan parang gusto ko na rin lumaho dito sa mundong ibabaw dahil sa sobrang hirap na pinagdadaanan ko sa bawat araw. Gusto ko na sumuko sa hamon ng buhay pero naisip kong hindi iyon ang tamang paraan para lutasin ang problema ko. Naniniwala akong malalampsan ko ito.
Araw ng sabado, wala akong pasok kaya’t naisipan kong dumaan sa paborito kong tambayan. Kapag nalulungkot ako ay dito ang takbuhan ko palagi. Pakiramdam ko kasi dito ko nahahanap ang pahinga sa bawat pagod na nararamdaman ng katawan ko. Tahimik ang lugar at malayo sa ingay ng kabihasnan . Kumbaga ang sarap mag senti dito.
Hinila ko ang maliit at mataas na upuan at umupo sa harap ng may kalumaang stand ng piano at nagsimulang igalaw ang aking mga daliri upang patugtugin ito. Napapikit ako ng mata ng simulan ko ng tugtugin ang Ballade for Adeline. Ang lungkot ng tugtog na ito at tumutugma sa nararamdaman kong lungkot. Subalit sa kalagitnaan ng pagtugtog ko ay napahinto ako ng makarinig ng malakas ngunit mabagal na palakpak na nagmumula sa aking likuran. Napatigil ako sa aking ginawa at nilingon ang pinanggalingan ng ingay.
Pag minalas ka nga naman. Kanina pa kaya siya diyan? Hindi ko napansin ang dulong upuan dahil may kadiliman banda roon.
Bumuntong-hininga ako at tumayo saka kinuha ang aking bag na nakapatong sa bakanteng upuan na katabi ko lamang. Wala akong balak na kausapin siya dahil alam kong bubwisitin na naman niya ako.
“At para saan naman yang buntong-hininga mo? Alam kong hindi mo ineexpect na makita ako dito, but I’m not sorry for you for being unlucky, okay?Paano ba yan nakita mo na naman tong kagwapuhan ko” Saad nito na may kasama pang pag ngisi. Mabilis din siyang tumayo saka humarang sa dadaanan ko.
“Pwede ba Steve? Hanggang dito ba naman guguluhin mo ko? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala akong panahon sayo lalo na diyan sa mga kalokohan mo.” Iritable kong sagot sabay irap.
He smirked at me. “Oh, really? Alam kong wala kang oras sa mga kalokohan ko kasi abala ka sa sarili mong kalokohan, di ba?” Balik tanong niya.
Hindi ako natinag sa mga sinabi niya. Sanay na ako sa pangungutya niya sa akin tuwing magkikita kami. Ang hindi ko lang alam ay kung kailan ko siya kayang tiisin dahil baka masampal ko siya ng wala sa oras. Kailangan ko pa ng mahabang pasensya para sa kanya dahil alam niya ang sekreto ko. Sekreto na nakakasulasok at walang ibang nakakaalam maliban sa kanya. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit hindi niya pa ito ibinubunyag?
“Oh bakit ka natulala diyan, wala kang masabi o tama ako ng sinabi? Na ang malanding babae kagaya mo ay busy sa mga bagay na wala namang kwenta.” Dagdag niya.
There you go, pumakawala na naman siya ng mga salita na makakasakit sa akin pero sabi ko nga nasanay na ang mga tenga ko sa mga sinasabi niya pero di pa rin maiiwasan ang makakaramdam ng kaunting kirot. I heaved out a sigh to release a small pinch of pain.
“Ano na naman ba ang kailangan mo?! Bakit ka ba nandito? Di ba sinabi ko na sayo na hindi ako pumapayag sa gusto mo. Mahirap bang intindihin yun?!” Pasigaw kong sabi sa kanya. He’s unbelievable.
Umigting ang panga niya at lumapit sakin kaya napaatras ako hanggang sa mabunggo ko ang upuan na inupuan ko kanina. He moved closer and put his hands on the piano in my sideways making me caged in his arms.
“Oh, You forgot again? How many times do I need to remind you what I want, hmm?” He said on my face. I almost smell his breath.
“And to remind you again. Just one night,” he added without hesitation.
Hindi ko siya sinagot dahil sinabi ko na kanina na hindi ako pumapayag sa gusto niyang mangyari. Mahirap ba siyang makaintindi? Paulit-ulit na lang.
Tinulak ko siyang malakas kaya napaatras siya. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para makalakad palabas ng pinto. Wala na siyang ginawa kundi aksayahin ang oras ko. Subalit bago ko pa marating ang pintuan ay muntikan na ako mawalan ng balanse dahil sa malakas niyang paghatak sa kamay ko. He grabbed my wrist at hinila papunta sa kanya.
“Bakit ba ayaw mong pumayag ha? Isang gabi lang. Mahirap bang ibigay sakin yun? Parang hindi mo ito ginagawa sa iba ah. Ang hinala ko nga ay malapit ka ng magkaroon ng HIV hindi ba? You’re a slut after all.” Saad niya habang nakatingin sa mukha ko.
Wala siyang pakialam kung masaktan man ako o hindi sa sinabi niya, ang sa kanya lang ay mapagbigyan ang kanyang nais.
Umahon ang galit mula sa aking dibdib. Ang extension ng pasensya ko ay malapit ng umabot sa kadulu-duluhan. Hinaklit ko ng malakas ang kamay ko mula sa mahigpit niyang pagkakahawak. Binaliwala ko ang sakit dahil wala yun sa sakit na nararamdaman ko sa loob.
“Can’t you even get it, Steve? Why is it hard for you to understand, ha? Kahit pa sabihin mong bayaran o maruming babae ako. Hinding-hindi ako papayag sa kagustuhan mo! Bakit ba ayaw mo na lang kunin sa iba ang gusto mo, marami naman diyan. Bakit ako pa?!” Naiinis kong sigaw sa kanya.
“Drop your price! How much do you cost? Wala akong problema sa pera. Just tell me the exact amount and I’ll give it to you with no hesitation. Gusto mo ng blankong cheke? Say it!” he replied in frustration.
“No. Ang hindi ay hindi at hindi na magbabago ang desisyon ko at sana naman lubayan mo na ako.” Saad ko at walang lingong tinalikuran siya.
“You can’t stay away from me, Claire!” Pahabol niyang sigaw pero hindi ko nilingon at nag tuloy-tuloy sa paglalakad para makalayo sa lugar na iyon.
Simula ng matuklasan ni Steve ang uri ng trabaho ko ay nag-iba na din ang uri ng tingin niya sa akin. Sinabi ko isang beses na hindi ako ganoong babae ngunit hindi siya naniniwala hanggat hindi niya nakukuha ang proweba. A proof that I’m still a virgin. At yun ang ayaw kong ibigay sa kanya because he’s not worth it.
Mas binilisan ko pa ang hakbang ng lakad ko palayo sa lalaking walang ginawa kundi sirain ang araw ko at ipilit ang kanyang gusto. Matagal ko ng iniiwasan subalit habol pa rin ng habol. Hindi ko na alam kung anong pag-iwas ang gagawin ko para hindi na ulit mag krus ang landas namin. Ang gusto ko lang ay makapag-ipon ng mabilis para makalikom ng malaking halaga dahil yun ang importante at kailangan kong pagtuunan ng pansin.
****
Nakaraan…
Pauwi na ako galing sa pagtuturo ng sayaw sa mga estudyante para daw sa kanilang project sa school. Naisipan kong maglakad na lang pauwi dahil hindi naman kalayuan ang tinitirhan ko at para na rin makatipid sa pamasahe. Lahat ng klase ng pag-iipon at pagtitipid ay ginagawa ko. Halos dalawang beses na lang ako kung kumain sa isang araw. Swertehan na lang kung may manlilibreng kaibigan. Habang naglalakad ay tiningnan ko ang oras sa cellphone ko napakunot ako ng noo dahil mag-aalas nuebe na ng gabi at wala na masyadong tao sa daanan. Ngunit napakunot ako ng may maaninag sa bandang unahan ng daraanan ko. Hindi kalayuan sa nilalakaran ko ay may nakita akong isang lalaki na nakahandusay sa isang malawak na kalsada. Wala ibang tao ang nakakita sa kanya upang tulungan siya. Napaisip ako kung lasing ba ito kaya dito na siya inabot at hindi na nakarating sa kanilang bahay. Meron akong napansing tricycle na dumaan ngunit tiningnan lamang nito ang lalaki saka nilagpasan.
Dali-dali ko siyang nilapitan saka niyugyog ng marahan ang kanyang balikat. “Excuse me. Sir, ayos lang po ba kayo? Bakit dito po kayo natulog?” tanong ko kahit hindi ako sigurado kung naririnig ba niya ako. Gumalaw siya saka dahan-dahan minulat ang mga mata ngunit bigla naman itong nawalan ng malay at bumulagta ulit sa kalsada.
Steve’s POV“Masyado kang pa-hard to get Claire. Really? You rejected me for the 6th time? Ikaw lang ang babaeng gumawa nito sa’kin and it’s driving me crazy to pursue you more. I will have you one day and I’m excited for that to happen.” Tinungga ko ang isang bote ng alak para ilabas ang galit at frustration ko sa babaeng yun. She’s making me mad. Just one night, one night only pero hindi niya ako mapagbigyan. As if naman hindi pa niya yun nagawa sa klase ng trabaho niya. Alam kong sanay na siya sa kama at sigurado ako doon at ano ba naman ang pagbigyan niya ako ng isang beses. Pero imbes na gawin niya yun ay mas lalo pa siyang lumalayo sa akin at mas lalo pa akong pinapahabol kaya lalong nadadagdagan ang inis ko sa mga ginagawa niyang ito sa akin.Noong una ang gusto ko lang ay makipagkaibigan sa kanya dahil sa pagligtas niya sa buhay ko. Utang ko sa kanya ng pangalawang buhay ko. Pero habang kalaunan ay mas lalong napapalapit at nahuhulog na ang loob ko sa kanya at hindi na siya m
Claire’s Pov Nandito ako ngayon sa club S Triple X para simulan na naman ang gabi ng pakikibaka. Hindi ako sanay sa nakakasulasok na amoy ng alak sa loob ng club pero wala akong magagawa dahil isa ito sa pinagkukunan ko ng malaking halaga para makaipon ng mabilis. Ayoko ko sa ganitong uri ng trabaho but I don’t have any option at tinitiis ko lamang dahil sa malaking sahod na natatanggap ko kumpara sa iba ko pang mga raket. Malaki magpasahod ang S-triple-X at madali lang kausap si madam. Siguro ay sobrang galanti ng may-ari ng club na ito. Salamat din sa panginoon dahil pinagkalooban niya ako ng talento sa pagsasayaw dahil nakakatulong ito ng malaki sa akin. Habang umiindayog ako sa sayaw ay hindi ko maiwasang tingnan ang aking paligid at napansin ko halos lahat ng mga lalaki ay halos tumulo na ang laway sa pagtitig sa akin. Those lusty and pervert stares at my body ay nakakapangilabot subalit kailangan ko ng masanay sa ganitong sitwasyon kung gusto ko pang magtagal sa ganitong traba
Claire’s POV Kinabukasan araw na ng linggo at halos hindi rin ako nakatulog dahil sa nangyari sa akin kagabi sa club. Halos kakaidlip ko pa lang ay nagising agad ako dahil sa ingay na nanggagaling sa labas ng bahay. Bumangon ako saglit upang silipin sa bintana kung sino ang mga tao sa labas subalit sa wari ko ay si Lyka iyon dahil kilala ko ang boses niya at nakikipagsagutan sa kausap niya. At tama nga ako, nakita ko ang isang lalaking nakaitim at nakasuot pa ng helmet kaya hindi ko makita ang mukha. Kahit mahilo-hilo pa ay pinilit kong lumabas at makiusisa sa kanilang usapan. “Gaya nga ng sabi ko Miss, nandito ako para maningil. Busy ang amo ko kaya sa akin iniutos,” Ani ng lalaki kay Lyka. “Excuse me, sino po sila?” Tanong ko ng makalapit sa gawi nila. Lumingon ito sa gawi ko at nakita ko ang pagtaas ng kilay nito, nakabukas ang visor ng helmet nita kaya nakikita ang kalahati ng kanyang mukha. Ngayon ko lang siya nakita. Hindi siya iyong pumupunta dito dati para maningil. “S
Claire’s POV Hindi ako naglagay ng kolorete sa mukha dahil matatakpan lang din ito ng belong ilalagay ko sa mukha ko pantakip upang hindi makilala. Nagperform akong wala sa tamang hwesyo ang isip dahil lumilipad ito at hindi iyon nakatakas kay madam kaya napagsabihan ako kanina habang break time ko. Sumayaw pa rin ako kahit walang gana buti na lang at hindi masyadong napansin ng mga customer at panay pa rin ang hiyawan nila. Ang nasa isip ko ay kung paano solusyunan at mabayaran ang malaking halaga sa ganoong kaiksi na palugit na ibinigay sa akin. Tatlong linggo na lang ang natitira at hindi pa rin sapat ang naipon ko. Sinubukan ko ring kontakin ang opisina na pinagkakautangan ni Tatay subalit bigo lamang ako. Gaya ng sabi ni Edward ay tatawagan ako ng amo niya subalit hindi naman nangyari dahil siguro sa hectic ng schedule niya. Alam kong walang ibang paraan para makumbinse ko sila ngunit nagbabakasakali lamang ako. I was desperate dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang ba
Benedict’s POV I came early to the club dahil may hinihintay akong dumating. Isang tao na palagi kong hinihintay at ang dahilan kung bakit ako naririto gabi-gabi. It makes me mad if I don’t see her. I wanted to see her face, her body and smell her natural scent. Umupo ako sa vip seat kung saan naroroon palagi ang aking pwesto para kitang-kita ko ng malapitan how she dance in front of me. Subalit makalipas ang ilang oras ay nadismaya ako ng ibang dancer ang lumabas upang magperfrom. Narinig ko din ang panghihinayang ng ibang mga lalaking audience. So, absent siya ngayon? Out of my dismay I went out para puntahan ang manager niya. “Excuse me, where is she?” “Oh hello there Mr. Gonzalvo? Sino pong hinahanap niyo?” “That girl, the pole dancer, bakit hindi siya ang sumasayaw ngayon? Where is she?! I asked loudly out of my frustrations. “Relax Mr. Gonzalvo. Nanghingi lang ng isang gabing pahinga ang aming star dancer, pinagbigyan ko na dahil mukhang may mabigat na pinagdadaanan. Isang
Claire’s POV Nanginginig ako sa takot at kaba at hindi alam kung paano makakatakas sa impyernong kinalalagyan ko ngayon. “Please let me go, sir.” paghikbi kong pakiusap pero hindi niya pinapansin ang pagsusumamo ko kanina pa. Anumang oras ay papatak na ang mga luhang namuo at nagbabadya sa aking mga mata. I feel betrayed. Nagtiwala ako kay madam pero ito ang kapalit ng tiwalang iyon. Danger. He started to walk near me habang hindi inaalis ang titig ng mapupungay niyang mga mata sa akin. Epekto ng alak dahil napansin ko kanina sa kanyang mesa na maraming siyang inorder na mga imported at mamahaling alak ng club. And he looked like a giant in this room. Makipot lang ang kwartong ito at masyadong masikip para sa kagaya niyang malaking tao. Umatras ako ng umatras hanggang sa mabangga ng likod ko ang pader. Ang kaninang nagbadyang luha sa aking mga mata ay kusa ng pumatak sa aking pisngi. Nanginginig ang tuhod ko sa kaba at alam kong kahit sumigaw ako ay walang makakarinig sa akin sa la
Claire’s POV Kinabukasan ay medyo na-late ako ng gising and I have thirty minutes to prepare upang pumasok sa dayshit kong trabaho. Hindi ko na rin naabutan pa si Lyka dahil maaga talaga ang pasok niya. Alas singko pa lang ay gumigising na siya at siya na rin ang naghahanda ng almusal namin dahil alam niyang pagod ako at late na ang tulog ko. Pagkatapos ko maligo ay tiningnan ko muna ang sarili sa salamin. Sobrang pugto ang mga mata ko dahil sa kakaiyak kagabi at naramdaman ko rin ang pagkirot sa bandang leeg ko. Nakita kong may pasa doon at may konting sugat. That devil made this. I hate him. Tinali ko ang buhok at lalagyan ko sana ng concealer para takpan pero sakto namang may kumatok sa pinto kaya binuksan ko muna baka yung nagdedeliver ng tubig. But I was shocked when I opened the door and saw that face again. Siguradong problema na naman ang hatid nito. “Anon na naman ang kailangan mo, Steve?” Walang gana kong tanong dahil alam kong kukulitin na naman niya ako. Walang hiya
Claire’s POV Sobrang gulong gulo ng utak ko ngayon pero kahit ganun ay napag desisyunan kong mag-quit sa S3X club. They don’t deserve my service anymore. Ayoko ng makita ang demonyong Benedict na yun at ayoko ko rin maulit pa ang nangyari nung isang gabi. Nawalan na rin ang tiwala ko kay madam dahil sa ginawa niyang pag labag sa kasunduan namin. I can’t believe she betrayed me after I trusted her. Mabuti na lang at nakatakas at nakaligtas ako noong gabing iyon dahil kung hindi ay hindi ko alam kung saan ako pupulutin ngayon. Kung mananatili pa ako sa club ay hindi ko alam kung makakaligtas pa ako sa susunod na mag attempt ng kanyang maitim na balak si Benedict laban sa akin. Kaya mas minabuti kong tumigil na lamang at maghanap ng kapalit na trabaho. Siguro naman ay mabilis lang ako matanggap dahil marami na akong experience. Bahala na maghanap ng kapalit ko si madam Sally dahil hindi na ako magsa-submit ng resignation letter ko sa kanya. Nag- awol na ako dahil wala na akong balak