Tumigil ang mundo ko."YERAZ!" sigaw ko habang bumagsak kami pareho sa sahig. Mainit ang dugo niya sa mga kamay ko, at mabilis itong bumabasa sa damit ko. Nanginginig ang katawan ko—hindi sa takot, kundi sa galit.Miori.She was smiling. Smiling."You've served your purpose," bulong niya bago pa siya makatakbo palayo. Pero wala akong pakialam kung ilang tao ang humarang sa daan ko.Tumayo ako, hinugot ang baril mula sa isang tauhan ni Ranma na natumba, at tinutok iyon sa ulo ng unang lalaking sumugod. Bang. Walang second thought. Isa pa. Dalawa. Lahat ng nagtatangkang lumapit—pinapatay ko. Wala nang mission. Wala nang taktika. Lahat ng pumipigil sa akin ngayon, tinutumba ko."Move, and you die," sabi ko sa isang lalaki na nakaharang sa hallway. Umatras siya, nanginginig.Tiningnan ko si Miori na papalabas na sa kabilang pinto."Hindi ka na makakatakas ngayon," bulong ko.At nang akala ko ay tapos na ang lahat... isang pagsabog ng pinto ang gumambala sa lugar.Sumulpot mula sa usok ang
Tahimik ako habang naglalakad papunta sa ICU. Mahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko, parang 'pag binitiwan ko, mawawala ako sa sarili kong isip. Pumwesto ako sa labas ng glass door, at doon ko siya nakita—si Tetsu.May mga bandage ang tiyan at braso niya. May mga tubo ng dextrose sa kamay, at naka-oxygen cannula siya. Gising siya pero halatang pagod, maputla.Nang tumingin siya sa direksyon ko, bahagya siyang ngumiti.Pumasok ako, dahan-dahan. "Hey..." mahina kong bati."Madelaine." Slurred pa ang boses niya, pero nandun yung usual na tapang. "Akala ko hindi mo na ko dadalawin bago ka umuwi.""Pwede ba 'yon?" ngumiti ako at naupo sa gilid ng kama niya. "Sorry kung ngayon lang ako." Tahimik kami sandali. Tinitigan ko lang ang kamay niyang may sugat. Ngumiti siya, kahit mahina. "Sorry, Mads, I doubted you." Malumanay niyang wika, "hindi mo sinabi sa'kin ikaw pala yung action star."Napailing ako, naiiyak pero natawa rin. "It's all good. Basta magpagaling ka, ha? Lilinisin niyo pa yu
Nasa kalagitnaan na kami ng flight pabalik ng Pilipinas. Sa wakas, pagkatapos ng lahat ng kaguluhan, uuwi na rin kami—hindi buo, hindi lubos na masaya, pero buhay.Tahimik sa loob ng private plane. Sina Commander at Yeraz ay parehong nasa bandang unahan, resting under supervision. Ravika and Peter were seated by the window, both asleep. Si Miles naman ay abala sa laptop niya sa tabi ko. Si Lilith, Wallace at Wilson naman ay naglalakad papunta sa mini kitchen ng plane, siguro gutom na naman."Maddy?" si Miles, "you okay?""Yeah." Maikling sagot ko. I smiled a little, pero hindi umabot sa mata. "Just thinking.""About him?"Napatingin ako sa kanya, pero hindi na ako sumagot. He already knew."I get it," he added. "But hey... we're going home. That means a fresh start."Napalingon ako sa bintana. Madilim pa rin sa labas. Para kaming lumilipad sa pagitan ng kung anong nangyari at kung anong susunod.Home. After everything... uuwi rin kami.——Nag-land na ang eroplano makalipas ang ilang
Tahimik ang paligid habang naglalakad ako palabas ng bahay. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta—basta malayo sa kanila. Sa lahat. Sa mga taong sinaktan ako kahit pa hindi sinasadya.Humigpit ang hawak ko sa jacket na suot ko, pilit tinatago ang panginginig ng kamay.Lahat ng iniingatan kong emosyon, sumabog kanina. At ngayon, hindi ko na alam kung paano ko ulit bubuuin sarili ko.Umupo ako sa may open park, kung saan may maliit na bench na natatamaan ng sikat ng araw. Tahimik. Sariwa ang hangin. Pero kahit gaano kaganda ang paligid, parang wala pa ring saysay sa akin ngayon.Napahawak ako sa dibdib ko.Anak ako ni Zeus...?Parang ang hirap pa ring paniwalaan. Kahit ilang ulit ko nang narinig, hindi pa rin nagsi-sink in. Lahat ng alaala ko, nagbabago na ang kahulugan.At si Yeraz...Napapikit ako."Ang tanga-tanga mo, Maddy," bulong ko sa sarili.Hindi ko na narinig ang mga yapak na papalapit. Pero naramdaman ko na lang biglang may tumabi sa'kin."Hey..." pamilyar na boses.Napaling
The morning light seeped through the cracks of the blinds, but I barely noticed it. My mind was already too occupied with the task at hand. The house was eerily quiet, but there was no time to relax. Everyone was busy.I checked the motion sensors in the hallway, making sure they were properly calibrated. "All set here," I muttered to myself, my fingers working quickly. I couldn't let my guard down—not after everything that had happened. After the whole world now knowing who we were. We weren't just a group of thieves anymore. We were a target.As I moved down the hallway, I couldn't shake the feeling of being watched. I hadn't realized just how much everything had changed until now. The world knew our faces, and while people praised our work, it meant nothing but trouble for us.I stepped outside, taking a moment to breathe in the crisp morning air. The house was still, the yard empty and serene, but I knew better than to let the silence fool me. The calm before the storm, I thought
Lumabas na ako ng kwarto suot ang dress na binili namin. A simple black backless gown—something elegant pero hindi masyadong loud. I let my hair down para kahit paano matakpan ang likod ko, at hindi na rin ako lamigin masyado. I kept my accessories minimal—silver bracelet, necklace, hoop earrings, and a pair of classic black stilettos.Pagbaba ko, abala na ang lahat.Ravika was busy fixing Peter and Wallace's neckties habang parehong parang bata na pinagsasabihan niya."Tumigil ka nga, Wallace. Ayusin mo ang postura mo," sabi ni Ravika habang inaabot ang kwelyo niya."Teka lang, Ravs! Mas masikip pa 'tong tie kesa sa security natin," reklamo niya, sabay irap.Peter just chuckled habang tahimik na nagpaayos.Si Lilith naman, nakaupo sa bar counter, focused habang nireretouch ang makeup niya. She looked confident as always, calm under pressure kahit paparating ang event.Miles was already dressed up, in a sharp charcoal suit, but his eyes never left his laptop screen. May iniinput pa ri
Tumigil siya sandali bago tuluyang umupo sa tapat ng stage, kasama sina Ren, Sato, Seiji, Tetsu, at Yuta. Parang sinadya 'yon—'yung dahan-dahang pagpasok, 'yung pagkakatingin. Maybe it was nothing. Or maybe... it was something.Naramdaman kong sumikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba, sa hiya, o dahil sa bigat ng mga mata niyang tumama sa'kin kanina. Parang lahat ng ingay sa paligid—yung mahihinang kuwentuhan, ang clink ng wine glasses, ang background jazz—lahat 'yon, nawala saglit. Tahimik. Pero ang puso ko, ingay na ingay."Hoy," bulong ni Ravika sa gilid ko, siniko ako ng marahan. "Okay ka lang? Humihinga ka pa ba?"Napakagat ako sa loob ng pisngi ko at napangiti ng pilit. "Hindi... okay lang."Pero kahit sinong tumingin sa akin ngayon, makikita—hindi ako okay.Si Ryu. He was really here.And I wasn't ready."Good evening, everyone."Nagsimula nang magsalita ang host sa stage, introducing the alliance, their efforts, and the honored guests. The usual opening spiel
Warning: Mature Content (18+) – Read at your own risk."We have the same tattoo..."Tahimik pa rin si Ryu, tila naguguluhan. Hindi siya kaagad nagsalita. I could feel the tension in his body habang nakatalikod pa rin siya sa'kin.Then finally, he spoke—low, almost a whisper."Matagal na 'to... I didn't know... you had the same one."Dahan-dahan siyang humarap sa'kin.His eyes searched mine."I had this dream," he confessed. "Over and over again. Ever since I was sixteen. There's always an eagle... and a serpent. They're enemies. Always fighting—yet neither of them ever wins. Every night, that's what I dream about. I didn't know what it meant... but I couldn't shake it off. I thought I was going crazy.""Then one day, I saw it." He gestured to the tattoo on his back. "Sa isang tattoo shop sa Kyoto. The exact image I kept dreaming about—an eagle and a serpent, locked in battle. I don't know why, pero may kung anong boses na nagsabi sa'kin... 'This is yours.' So I got it."Hindi ako naka-
Bata palang ako. Hindi ko na naramdaman ang pagmamahal ng isang ama. Pero hindi kailanman nagkulang sa'kin si mama. She's the best person I ever had. She was my safe space. Noong nawala sya, parang nawala na rin ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Dahil kung uuwi ako, dalawa lang ang pupuntahan ko. Bugbog at walang makain. Kaya pumasok ako sa iba't ibang klaseng trabaho para buhayin ang sarili ko. Na hindi humihingi ng tulong sa kinilala kong ama na si Malcolm. Ilang taong nakalipas, nakilala ko si Zeus. Napakalakas nga ng timing niya kasi 18th birthday ko pa. Sinong mag aakalang magdedebut ako sa bahay ng mga magnanakaw? Ang astig lang diba. Pero hindi ko gusto ang ideyang yon sa una palang. At the same time, I have nowhere to go. Kaya kumagat ako sa offer niya at marami akong nakilalang tao. Doon nagsimulang magbago ang takbo ng buhay ko. Nandito ako ngayon sa rooftop ng ospital. It's been a day since I woke up. Hinihingal pa ang hangin, malamig, pero hindi nakakakil
Madelaine's point of view. Parang may pumitik sa loob ng dibdib ko. Isang banayad na pagtulak. Hindi malakas—hindi rin masakit. Parang paalala lang.And then, the weight in my chest lifted.Huminga ako.Dahan-dahan. Mabigat. Parang unang hinga ko ulit sa mundo.But before this peace—there was noise.Flashes. Chaos."Code Blue—room 509! She's crashing!"Voices shouting. Tumutulak ang mga kamay sa dibdib ko. Isa, dalawa, tatlo."Charge to 200!""Clear!"Sa panaginip, may ilaw akong tinahak. Dahan-dahan.Tahimik.Parang lumulutang lang ako sa kawalan.Walang ingay. Walang sakit. Walang galaw.Puti ang paligid—malambot sa mata, parang ulap na niyakap ako. Walang pader, walang sahig, pero hindi rin ako nahuhulog. I was just... there.Hanggang sa may narinig akong yapak. Mahinang hakbang, dahan-dahan, pamilyar.Napalunok ako kahit hindi ako sigurado kung buhay pa ba ako. "Hello?" tawag ko, pero parang walang tunog na lumabas sa bibig ko.Then I saw her.Dahan-dahang lumabas sa liwanag ang
Third person's POV. Two weeks later..."Sa tingin mo... bagay ba 'to sa kanya?" tanong ni Lilith, halos hindi marinig ang boses habang maingat na inaayos ang puting tela sa mga daliri niya.Tumango si Ravika, kahit nangingilid ang luha sa mata. "Lahat naman bagay sa kanya," bulong nito. "Mamimiss ko siya.""Mas lalo ako..." sagot ni Lilith, impit ang hikbi habang pinipilit ngumiti. Tinitigan niya ang simpleng damit na hawak, dumampi ang hinlalaki niya sa lace sa gilid nito.Tahimik ang paligid. Ang langit sa labas ay makulimlim. Walang ibang naririnig kundi ang marahang paghinga, ang tunog ng tela na hinahaplos ng kamay, at ang paminsang pagsinghot.Walang nagsalita.Sa kabila, sina Miles at Zeus ay parehong tahimik. Zeus was polishing a silver necklace—Maddy's necklace. Isang simpleng pendant na binili niya para kanyang anak. "Parang kailan lang buo pa tayo e," bulong ni Miles. "Namimiss ko na si Maddy."Yeraz didn't answer. His silence said more than words could.Ilang segundo pa
Naglalakad kami palabas ng teritoryo ng Kimura. Mabigat ang katahimikan sa bawat hakbang, parang hangin sa gabi na ayaw umalis sa paligid namin. Wala ni isa sa amin ang nagsalita. Si Seiji, nasa likod lang, nakayuko. Si Tetsu, tahimik na nakasunod. Si Sato, tahimik din—unusual para sa kanya.Sa tabi ko, naglalakad si Ren. Pareho kaming walang masabi. Lahat kami pagod. Lahat kami ubos.Hanggang sa napahinto si Sato at napatingin sa paligid."Alam niyo..." panimula niya. "Pwede bang, just this once... inom tayo?"Nag-angat si Seiji ng kilay. "Sa gitna ng ganito?""Mas lalo nga ngayon," sabat ni Sato. "We need a break. Just for one night."Tahimik pa rin ang lahat. Pero sa loob ko, alam kong lahat kami gusto 'yon. Kailangan namin 'yon."May kilala akong lugar," ani Ren sa wakas. "Tahimik. Walang istorbo."Napatingin ako sa kanila. Isa-isa silang tumango."Sige," sabi ko. "Let's go."Tahimik ang biyahe. Walang gustong magsalita. Ang tanging naririnig lang ay ang pag-ikot ng gulong sa kals
Wala akong maramdaman. Parang nasa loob ako ng isang malalim na bangungot na ayaw akong bitawan."She's alive," ang sabi ng doctor kanina. Pero yung sumunod—"there's a chance that she might not make it"—yun ang paulit-ulit na umuugong sa tenga ko.Nakatayo lang ako sa hallway, nakatitig sa sahig na tila ba may makikita akong sagot doon. Nasa paligid ko sina Ren, Seiji, Tetsu... walang umiimik. Si Zeus, nakaupo sa gilid, nakayuko.Then biglang—Mabilis. Malakas.Napa-urong ako.Tumama ang kamao ni Yeraz sa panga ko at halos matumba ako sa lakas."Putangina mo, Yamada!” sigaw niya, galit na galit. "You promised her! You promised her no one gets hurt!""Yeraz!" awat ni Ravika habang hinawakan ang braso niya. Pero hindi siya nagpatinag."Kapag may nangyari sakanya, babalikan kita. Alam mo 'yan," banta pa niya, nanginginig sa galit at lungkot.Hindi ako sumagot. Wala akong mailabas. Wala akong masabi. Kasi alam ko—tama siya.Ako ang dahilan.Ako ang target.At si Maddy ang natamaan.Tumali
Ryu's point of view."MADDY!"Nabingi ako sa sabay-sabay nilang sigaw sa pangalan niya kasunod ng malakas na putok.Napalingon ako.At doon ko siya nakita.Si Madelaine.Nakatayo pa—pero nanginginig, hawak ang tagiliran, tinatakpan ang sugat. Nakatingin siya sa sariling kamay, basang-basa ng dugo. Para bang hindi siya makapaniwala.Then... she collapsed.Parang binura ang lahat ng kulay sa paligid ko. Parang huminto ang mundo. Tumingin lang ako sa kanya habang dahan-dahan siyang bumagsak sa malamig na sahig.Biglang nandilim ang paningin ko.No. This can't be happening.Anger crawled up my spine like poison, mabilis, matalim. It wrapped itself around my heart until there was nothing left but fury.I fucking told her I'd keep her safe.And now—No. No more.Hinugot ko ang baril ko—ang baril na lagi kong dala, ang baril na matagal ko nang hindi ginagamit para pumatay. Pero ngayon, it felt right in my hand. Too damn right.I pulled the trigger.Sunod-sunod.Lahat ng kalaban na makita ko—
Zeus' point of view. It was fourth of July when I invited the last member of my group. She was my bestfriend's—well, not anymore—daughter. At the age of 18, naging independent na ito. That's what I admire about her. I approached slowly. Nakasuot pa ako ng simpleng polo, walang badge, walang pangalan. I didn't need those. She didn't look surprised to see me—parang alam na niyang darating ako."You're Zeus," sabi niya, diretso sa punto."Madelaine," I replied.Tahimik."Why me?" tanong niya. Diretso rin. Walang drama. Walang paikut-ikot.I looked her in the eye and said, "Because the world already tried to break you... and you're still here."Nagkibit-balikat lang siya. "Maybe I'm just too stubborn.""Maybe. But I know potential when I see it."And something else I didn't say aloud:She looked like her mother.Carbon copy. Lahat. Yung tikas, yung mata, pati yung tahimik na tapang na hindi mo agad mapapansin.Amy, I I hope you know you raised a beautiful kid. Strong. Fierce. With just
Tumawa si Ally."She's not even scared," bulong ni Wallace.Sato scoffed, "told you, she's a psycho." Mas hinigpitan pa ang pagkakahawk sakanya. "Ouch, bro."Lumingon si Zeus, calm as ever, kahit may barrel sa sentido niya. "Ally," panimula niya, mababa ang tono, "this doesn't have to end this way."Ally's smile twitched. "And what would you know, old man?"Zeus didn't blink. "A lot. I've seen people like you... full of pain, trying to find power in revenge."He took a slow breath. "But you're smarter than this. So if you could just—breathe—stay calm, we'll talk."Tumahimik ang lahat. The guards tightened their grips, but they were waiting too.Ally started ranting again. "You think I want to talk?! After what he did to me? What all of you took?!"Pero wala na akong naririnig. I was staring at Zeus. And he was staring at me.That look—steady, silent, commanding.Then I saw it. His lips moved, barely."Now."And then—BOOM. Lahat gumalaw sabay sabay.Nagulat ako nang makita ang Ryukets
Maddy's point of view."Who the fuck was that?" Inis kong tanong. "I'm not leaving him alone with her!""Maddy, I understand your—""Sino ba kasi yon? Ren," nilingon ko sya, "Sino yon?!" He sighed heavily. "She's one of our workers here in the Philippines at noong pinansin na sya ni Ryu, she became obssessed. Ryu needed a shoulder during those days... Ally was there."Hindi ako makasagot. Kung ganun, wala pala akong kalaban laban doon. Ang dami namang babaeng dumaan sakanya. Baka pati ako dadaanan niya lang din. "But Mads, walang something sakanila ni Ryu. Hindi niya type yon." Sabi naman ni Tetsu. "And she's psychologically diagnosed with OLD, may traits yon ng borderline personality disorder, takot syang mawala sa paningin niya si Ryu. She's not mentally unstable." Si Seiji. "Hindi niyo ba sya pinagamot? Therapy?" Si Lilith naman ang nagtanong. "We did kaya nagulat kaming makita sya rito." Tumigil ang ingay sa paligid ko. Ang mga sinabing iyon ni Seiji ay umalingawngaw sa teng