PAGKABASAG ng mga gamit ang umalingawngaw sa loob ng silid. Rinig na rinig ng isang bata ang mga nangyayari sa loob ng bahay habang nakatago sa ilalim ng sahig na ginawa ng kaniyang ama. Animo’y alam na alam na ng kaniyang ama ang mangyayari sa kanila kung kaya’t pasimple itong kumikilos na para bang pinaghahandang ang isang trahedya.
Tinakpan ng bata ang kaniyang tainga upang hindi marinig ang mga kalabog. Ngunit kahit anong pilit niyang pagtakip ay naririnig pa rin niya ang mga kalabog sa ibabaw.
Hindi maiwasang hindi maiyak ng batang babae nang marinig ang pagmamakaawa ng kaniyang ina pati na rin ang pag-iyak ng isang batang babae.
Rinig na rinig rin ng batang babae ang pagdaing ng kanyang ama na tila ba nakikipaglaban pa at nagpupumilit pang iligtas ang kaniyang mag-iina.
“Sagabal ka sa mga plano ko, Rudeus. Hinding-hindi ko mapapatawad ang ginawa mo sa akin at sa mga kasamahan ko. Pinagkatiwalaan kita!” sigaw ng isang lalaki na mayroong malaki at malalim na boses.
Mula sa isang maliit na butas sa sahig, kitang-kita ng bata ang isang anino ng kamay ng isang nilalang. Malaki at kakikitaan ng pagkakisig ang mga braso nito habang ang mga kuko nito ay nakalabas at handa nang kumitil ng buhay.
“Wag,” sigaw ng babae.
Nangibabaw ang palahaw ng babae kasabay ng pagbagsak ng isang lalaki sa sahig. Dumaloy ang dugo nito papunta sa silong ng silid kung saan nakatago ang isang batang babae.
Napatakip sa bibig ang batang nasa ilalim ng sahig upang hindi lumikha ng ingay. Sunod-sunod na pumatak ang luha nito nang unti-unti nang tumulo sa kaniyang ang dugo ng kaniyang ama.
Palahaw at tili ang namutawi sa loob ng silid hanggang sunod-sunod na kalabog ang muling narinig ng bata. Mula sa maliit na butas ng sahig, kitang-kita ng batang babae na nasa ilalim ng sahig kung paano hilahin ng isang nilalang ang katawan ng kaniyang ama.
Hinawakan ng halimaw ang leeg ng nag-aagaw buhay na lalaki at ilang segundo lamang ang makalipas, agad na sinunggaban ng taong lobo ang leeg ng ama. Nang masigurado na wala na itong buhay, ihinagis nito ang katawan ng lalaki na para bang isang laruan na pinagsawaan.
Napakapit ang bata sa kaniyang dibdib nang makita niya kung paano hawakan ng halimaw ang leeg ng batang babae sa kanang kamay nito habang ang kaliwa naman ay ang kaniyang nanay.
Pahigpit nang pahigpit ang pagkakahawak ng halimaw sa leeg ng mag-ina. Mas naunang mawalan ng buhay ang batang babae dahil sa liit ng leeg nito kumpara sa malaking kamay ng halimaw habang ang kaniyang ina ay umiiyak at pilit pang lumalaban.
Walang magawa ang batang nasa ilalim ng sahig kung hindi ang panoorin kung paano durugin ng malalaking kamay ng halimaw ang leeg ng kanyang kapatid at ina.
Gusto man niyang iligtas ang kaniyang mga magulang at kapatid ngunit wala siyang lakas para gawin iyon at higit sa lahat, siya ay bata pa.
Naalala niya ang palaging sinasabi ng kaniyang ama sa kanilang magkapatid.
“Piliin n’yong mabuhay kahit anong hirap ng buhay. Walang saysay ang buhay kung puro saya at sarap lang ang inyong mararanasan. Kadalasan, kung sino pa ang nahihirapan at naghirap, sila pa ‘yong mga taong masaya kaysa sa mga taong walang ibang alam kung hindi ang puro kasiyahan lamang. Ang kasiyahan ay nagmula sa tagumpay na ‘yong pinaghirapang makuha.”
Iyak lang nang iyak ang batang babae at sinisiguradong walang kahit na anong ingay ang magmumula sa kaniya.
Nang matapos ang halimaw sa pagpatay sa kaniyang kapatid at mga magulang ay kaagad rin itong umalis. Para bang nais lang nitong patayin ang buong mag-anak sa hindi malamang dahilan bukod sa lumalabas na nagtaksil si Rudeus – ang tatay ng batang babae na nasa ilalim ng sahig.
Dahan-dahan siyang lumabas mula sa kaniyang pinagtataguan at nang makita niya ang nangyari sa kaniyang mga magulang ay nagulatang na lamang ang kaniyang pagkatao. Gustuhin man niyang isipin na isa itong bangungot ngunit hindi niya magawa.
Gusto niyang pumalahaw sa pag-iyak ngunit hindi niya magawa dahil baka marinig siya ng halimaw at balikan siya nito para patayin rin katulad ng ginawa nito sa kaniyang mga magulang at kapatid.
Nilapitan niya ang kaniyang ama na walang nang buhay, malaki ang sugat sa leeg at naliligo sa kaniyang sariling dugo habang ang kaniyang kapatid at ina ay nangingitim ang leeg mula sa mahigpit na pagkakasakal ng halimaw sa mga leeg nila.
Napailing-iling siya nang makita ang kinahinatnan ng kaniyang kapatid na siyang nagpumilit sa kaniya na tumago sa ilalim ng sahig.
Bigla siyang nakarinig ng kalampag malapit sa pintuan at nang iangat niya ang kaniyang tingin ay para bang tinakasan siya ng kaluluwa nang biglang pumasok ang isang bata sa silid na pinangyarihan ng karumaldumal na pagpatay sa kaniyang pamilya. Walang emosyon ang batang lalaki, tiningnan lang siya nito at ang katawan ng kaniyang pamilya na wala nang buhay.
Kaagad na tumalikod ang batang lalaki at saka kumaripas ng takbo palabas ng silid..
Sa takot ng batang babae na magsumbong ang batang lalaki at balikan siya ng lalaki ng lalaki,, mabilis niyang kinuha ang kuwintas ng ama at ang pulseras na suot-suot ng kaniyang kapatid at kaagad ding umalis.
Habang lumalawak ang kaniyang distansya mula sa kanilang tahanan, unti-unting binabalot ang kaniyang dibdib ng takot at galit sa gumawa ng kalapastanganan sa kaniyang pamilya.
Tumakbo nang tumakbo ang batang babae hanggang sa isang nilalang ang kaniyang nasalubong. Nanlilisik ang mga mata nito, nakalabas ang pangil habang tumutulo ang laway, nakalabas rin ang mga kuko nito.
Napaurong ang batang babae habang nanginginig sa takot. Sa isang kisapmata niya lamang ay isang malaking kamay na may matatalas na kuko ang sumalubong sa kaniya at handa nang durugin ang kaniyang maliit na mukha.
NAPABANGON si Hasna habang hinahabol ang kaniyang sarili hininga. Tagaktak ng pawis ang kaniyang noo at leeg habang ang kaniyang puso ay malakas ang pintig.
Napasapo siya sa kaniyang noo at napailing-iling. Isang masamang panaginip na naman ang dumalaw sa kaniya. Iginala ni Hasna ang kaniyang paningin sa loob ng kaniyang silid hanggang sa napunta ang kaniyang atensyon sa bintana. Bumaba siya sa kaniyang higaan at pumunta rito.
Sinalubong ng hangin ang bagong gising na si Hasna. Tanging usok at amoy ng uling ang bumabalot sa buong sitio habang mangilan-ngilan na tilaok ng tandang ang maririnig sa paligid. Lumingon siya sa kaniyang likuran at hinanap ang orasan na nakasabit sa dingding ng kaniyang kuwarto.
Alas tres pa lang ng madaling araw. Panigurado ay hindi na siya makakatulog kahit pa sabihing pagod siya buong magdamag. Napagpasyahang bumaba ni Hasna nang kumalam ang kaniyang sikmura.
Isa-isa niyang binuklat ang takip ng kaldero na nasa kusina. Napabuntonghininga na lamang siya nang makita ang nilutong gulay na sitaw ni Kapitana Lena. Tila ba kinain siya ng konsensiya dahil sa kaniyang ginawa.
Itinakas niya ang mga gamit ng kaniyang ninong, hindi umuwi at hindi kinain ang nilutong gulay na paniguradong pinasarap nang pinasarap ni Kapitanan Lena.
Kumuha ng plato si Hasna at nagsandok ng kanin at ulam. Naglakad siya palapit sa mesa at doon na lamang nagtimpla ng kape.
Isang pagubo ang gumulat sa kaniya. Napatingin siya sa lalaking nakaupo sa kaharap niyang upuan at tahimik na nakatingin sa kaniya.
“K-Kapitan,”
“Ipagtimpla mo ako ng kape, Hasna,” wika nito. Tumango lang si Hasna at kumuha ng tasa. Ipinagtimpla niya ng kape si Kapitan Klaus. Palihim na napangiwi na lang si Hasna dahil hindi niya kaagad napansin si Kapitan Klaus na nakababa na rin pala mula sa kanilang silid ni Kapitana Lena.
Nang matapos sa pagtitimpla ng kape ni Kapitan Klaus si Hasna kaaga niya itong ibinigay at hinarap ang kaniyang pagkain.
Hinayaan lang ni Kapitan Klaus na kumain si Hasna habang siya ay tahimik na pinagmamasdan ang dalaga. Tahimik na kumakain at humihigop ng kape si Hasna habang hindi ito makatingin ng diretso sa kaniya.
“Hasna, ngayon ko lang ulit ito sasabihin,” panimula ni Kapitan Klaus. Napatingin sa kaniya si Hasna at pilit siyang tinitigan.
“Alam ko ang ipinaglalaban mo at gusto mong mangyari pero sana naman isipin mo rin ang maaring mangyari sa ‘yo lalo na’t wala ka pa sa hustong gulang. Hindi ko alam kung bakit nagpupumilit ka. H’wag mong madaliin ang panahon dahil kapag dumating ang tama oras, kusang lalapit sa ‘yo ang hinahanap mo,” malumanay na sabi ni Kapitan Klaus.
Napabuntonghininga si Hasna at mariing tiningnan si Kapitan Klaus. Ibinaba niya ang kubyertos na kaniyang hawak-hawak at saka isinandal ang likod sa sandalan ng upuan.
“Alam kong nag-aalala kayo sa akin. Alam kong ayaw n’yong may mangyaring masama sa akin. Hindi ko ‘yon maiwawaksi sa inyo dahil kayo ang nagsilbing mga magulang ko. Kayo ang mga tao na nasa paligid ko noong nagsisimula pa lang ako pero hindi ko alam ang inyong dahilan kung bakit, bakit hindi n’yo ako hayaang sumama sa paghahanap ng mga halimaw na ‘yon? Bakit si Eris, si Almidos at iba pang kasing edad ko ay pinapayagan mo nang sumama sa grupo?” wika naman ni Hasna.
“Hindi mo kailangang mainggit sa kanila, Hasna. Isipin mong pinoprotektahan lang kita, pinoprotektahan ka namin,”
“Pinoprotektahan? I’m too old to protect me, Kapitan. I can protect myself,” mariing sabi ni Hasna na siyang nagpainit sa dugo ni Kapitan Klaus. Ibinagsak nito ang kaniyang kamay sa mesa dahilan para magulat si Hasna at magising si Kapitana Lena.
“Too old? Masyado ka naman atang bilib sa sarili mo. basehan baa ng pagiging matanda o may edad para protektahan. Bata o matanda, kailangan ng proteksyon hindi dahil sa mahina sila kung hindi dahil kailangan nila ayon sa pangangailangan nila,” sabi pa ni Kapitan Klaus.
Hinawakan ni Kapitana Lena ang balikat ni Kapitan Klaus matapos na masaksihan at marinig ang ginawa nito.
“Gusto n’yo akong protektahan habang ako gusto kong protektahan ang iba. Paano ko magagawang protektahan ang mga tao kung ikukulong n’yo ako sa sitio ito? Paano ko magagamit ang mga itinuro mo sa akin kung mananatili lang ako rito? Hindi ko kayang marinig at mapanood ang mga nangyayari sa mga tao sa bayan, hindi ko kayang marinig na mayroon na namang tao ang mabibiktima at ikukulong ang sarili sa takot ,”
“Ang hirap sa inyo, ginagawa n’yong kahinaan ang nakaraan ko. Para saan pa ang lahat kung mananatili ako sa ganitong sitwasyon? Hindi ba’t walang saysay ang ‘yong itinuro kung ikukulong mo lang ako rito at sabihing pinoprotektahan n’yo lang ako?” dagdag pa ni Hasna.
Sa puntong ito, tumulo ang luha ni Hasna mula sa kaniyang mga mata ngunit hindi maikakaila ang sinasabi ng kaniyang bibig at sinisigaw ng kaniyang isip.
Naikuyom ni Kapitan Klaus ang kaniyang kamao at muli itong ipinukpok sa mesa. Sa ngayon, kapansin-pansin na ang galit sa mukha ni Kapitan Klaus na animo’y nagtitimpi lamang at pinipigilan ang sarili na masaktan ang kaniyang anak-anak.
“Sino ba ang nagsabing ikinukulong at ikukulong kita sa sitiong ito? Sagutin mo ako kung sino!” singhal niya kay Hasna. Tumayo ito habang hindi inaalis ang tingin sa anak-anakan.
“Katulad nga ng sinabi ko, ito na ang huling beses na sasabihin ko ito sa ‘yo. Hintayin moa ng araw na itinakda ko para sa ‘yo. Sa oras na nilabag mo pa ang mga bilin ko, pagsisihan moa ng lahat ng ginawa mo. Wala kang ibang gagawin kung hindi ang sundin ako hanggang sa tumuntong ka sa ‘yong wastong edad,” mariing sabi ni Kapitan Klaus bago naglakad palabas ng bahay.
Naikuyom ni Hasna ang kaniyang mga kamay na nakapatong sa ibabaw ng kaniyang hita. Napatingin na lamang siya kay Kapitana Lena na ngayon ay nakatitig rin sa kaniya. Napayuko na lamang siya at doon na lamang umiyak.
Ilang sandali pa, naramdaman niya ang mainit na palad na humaplos sa kaniyang likuran at kalaunan ay inilapit siya nito sa kaniyang tiyan upang magsilbing sandalan at yakap.
“Kapitana,” mahinang sambit ni Hasna sa gitna ng kaniyang mga hikbi.
“Magpalamig muna kayo ng mga ulo ninyo, Hasna. Hindi magandang nagsasabay kayo kapag pinag-uusapan ang tungkol sa mga ganoong bagay,” ani Kapitan Lena.
“Sa tingin ko, mas makabubuting sundin mo muna ang kagustuhan ng ninong mo upang maiwasan ang pagtatalo n’yong dalawa. Hasna, palagi mong tatandaan na ang sinasabi ng mas matanda sa ‘yo ay para sa kapakanan mo. Balang araw, malalaman mo rin at maiintindihan ang lahat ng kanyang sinasabi. Bilang isang magulang, ayaw nilang mapahamak ang kanilang mga anak lalo na’t wala sila sa inyong tabi,” pangaral ni Kapitana Lena kay Hasna.
SA LABAS, habang nagmumuni-muni si Kapitan Klaus. Hindi niya maiwasang hindi mapaluha nang makita ang pagbagsak ng luha ni Hasna. Mula nang matagpuan niya si Hasna noong bata pa lamang ito, at makita ang isang pamilyar na bagay na suot-suot nito, ipinangako niya sa kaniyang sarili na puprotektahan niya ito at sasanayin hanggang sa lumaki.
Ngunit hindi niya masasabi ang takbo ng panahon. Ang galit at poot na nararamdaman ni Hasna ang siyang nagiging hadlang sa kaniyang mga pinaplano. Hindi niya akalain na ang nakaraan ni Hasna ang magtutulak sa dalaga para ito ay masaktan at suwayin ang lahat ng bilin niya.
“Rudeus, kahit mahirap ang pagpapalaki ng isang katulad ni Hasna dahil sa kanyang karanasan, nangangako akong gagawin ko ang lahat para sa kanya. Alam kong darating ang araw na maiintindihan niya rin ako. Ang pagpapalaki ng ‘yong anak na lamang ang kaya kong isukli sa ‘yong kabutihan bilang isang pinuno, kaibigan at kapatid,” sambit ni Kapitan Klaus sa habang walang tigil sa pagdaloy ang kaniyang mga luha.
Suminghot siya bago tinungga ang isang bote ng alak.
“Hinding-hindi kita susukuan, Hasna. Susuko lang ako kapag ikaw na ang kusang sumuko at pumili ng iyong tatahakin,” ani Kapitan Klaus bago tuluyang sumandal sa katawan ng puno at pinagmasdan ang papasikat na araw sa Silangan.
NAGISING na lamang si Hasna dahil sa sikat ng araw na tumama sa kaniyang mukha. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya habang nakaupo at nakaunan ang kaniyang ulo sa kuwadernong nasa kaniyang harapan.Naniningkit ang kaniyang mga mata nang bumangon at saka ko ito kinusot-kusot. Nag-unat siya ng kaniyang katawan upang maibsan ang pangangawit ng kaniyang likuran mula sa pagkakatulog.Bigla na lamang siyang napatingin sa pinto nang bigla itong bumukas at iluwa nito si Kapitan Lena na may dala-dalang walis."Kapitana," tawag ni Hasna sa matanda. Lumingon naman ito sa kaniya at saka siya binigyan ng isang matamis na ngiti. Itinabi niya ang dust pan at ang kanyiang hawak na walis sa gilid ng pintuan."Akala ko tulog ka pa," wika ni Kapitana Lena. Nangunot ang noo nito nang mapansing magulo ang ibabaw ng mesa ni Hasna at gusot ang mga pahina ng papel sa kuwaderno nito."Sandali nga, nakatulog ka sa mesa mo?" tanong nito kay Hasna.Marahan na tumango si Hasna at dali-daling inayos ang m
TAHIMIK na sinulyapan ni Eris ang kaibigan na nakaupo sa kaniyang tabi at hindi inaalis ang atensyon nito sa labas ng umaandar na sasakyan. Napahinga nang malalim si Eris na siyang naging dahilan ng paglingon ni Hasna sa kaniya. Napakamot na lamang si Eris sa kaniyang ulo at saka ngumiti. “Ang aga-aga pa para lunurin ka ng mga iniisip mo. Ayos ka lang ba?” tanong ni Eris kay Hasna. Hindi sumagot si Hasna at muling ibinaling ang atensyon nito sa kalsada. Palihim na napangiwi si Eris at ginaya na lamang ang kaibigan sa pagmamasid sa kanilang dinadaanan. “Manong, sa Arson National High School po,” abiso ni Eris sa driver ng tricycle na kanilang sinasakyan. Nakuha ni Eris ang atensyon ni Hasna. Pagbaling niya sa kaniyang kaibigan ay nakatingin na ito sa kaniyang habang nakakunot ang noo nito. “Akala ko ba magliliwaliw? Bakit pupunta tayo sa school?” tanong ni Hasna kay Eris. “Dadaan lang naman tayo, kukuha
TANGHALI na nang makabalik si Eris sa puwesto ni Hasna kung saan matiyagang hinintay siya ng kaibigan. Nangunot ang kaniyang mga mata nang makita si Almidos na nakaupo sa dulo ng upuan habang si Hasna naman ang nasa kabilang dulo nito. “Hey, pasensya na natagalan. Sobrang haba pa naman ng pila. Nakikipag-away na nga ako doon sa mga kasunod ko dahil pasingit nang pasingit,” panimula ni Eris upang kuhanin nag atensyon ng dalawa niyang kaibigan na hindi namalayan ang kaniyang pagdating. Kaagad na tumayo si Hasna at saka lumapit kay Eris. “Ang tagal mo,” reklamo niya kay Eris. “Babalik na kayong sittio?” biglang singit ni Almidos. Tumayo ito mula sa kaniyang kinauupuan at saka lumapit sa dalawang dalaga. “Hindi pa. Kakain lang muna siguro tapos uuwi na rin,” sagot ni Eris. Napatango-tango naman si Almidos bago ngumisi. “Sabay-sabay na tayo,” wika ni Almidos. Pasimpleng umirap si Hasna at saka tinalikuran sina Eris at
TAHIMIK na nakasunod si Hasna sa kaibigang si Eris habang si Almidos ay nasa kaniyang likuran at nakasunod rin sa kaniya. Walang humpay sa kadadaldal sa Eris habang isinasalaysay ang mga nilaro nila sa mall. Si Almidos naman ay paminsan-minsan tumatawa upang tugunan ang mga kuwento ni Eris at mag reklamo mula sa pilahan sa pagkuha ng requirements at sa ticket sa mall. Mahigit bente minutos na silang naglalakad pabalik ng Sitio Perdis. Ang Sitio Perdis ang nagsilbi nilang tahanan sa loob ng ilang taon. Kung susumain ay mahigit kalahating oras ito kung lalakarin. Bihira lang din naman ang mapsok ito ng saksakyan dahil sa kitid at liblib na daanan kung kaya’t sa tuwing may duty ang ilan sa mga head hunters sa kabayanan ay maglalakad muna ito paibaba ng sakayan kung saan doon naghihintay ang isang jeep bilang service nila sa gabi. Mababa na ang sikat ng araw kung kaya’t tamang-tama lang ito para maglakad para kina Eris, Hasna at Almidos. Nagpalipas sil
HINIHINGAL na napahinto sina Almidos at Hasna nang makapasok sa Sitio Perdis. Kitang-kita ng kanilang mga mata kung paano mabilis na kumikilos ang mga residente na para bang sunog na kailangang apulahin. “Ano’ng nangyayari?” tanong ni Almidos sa isang babae na may dala-dalang kaldero. Hindi ito sumagot. Dire-diretso lamang ito naglakad at nilampasan si Hasna. Nanatiling nakatayo sina Almidos at Hasna habang pinagmamasdan ang mga residente na abala sa kabilang mga ginagawa. Kaliwa’t kanan ang kanilang pagmamasid hanggang sa mahagip ng atensyon ni Almidos si Eris. “Eris,” tawag ni Almidos sa dalaga na kaagad namang lumingon sa paligid nang marinig ang kaniyang pangalan. Itinaas ni Almidos ang kaniyang kamay at saka ito iwinagayway upang makita siya nang tuluyan ni Eris. Nang malaman kung nasaang direksyon ang tumawag sa kaniya, kaagad siyang naglakad palapit rito. Lumapit nang bahagya si Hasna kay Almidos habang hindi inaalis a
MATAPOS ang paghahalal kina Hasna, Eris at Almidos, naging mailap si Hasna kay Kapitan Klaus. Habang tumatagal ay tila ba pakapal nang pakapal ang pader na nasa pagitan nilang dalawa.Hindi na nag-abala pang kausapin ni Kapitan Klaus si Hasna dahil batid niyang susundin siya nito dahil sa kagustuhan nitong maipaghiganti at mabigyan ang pagkamatay ng kaniyang magulang. Iyon nga lang, dalawang taon pa bago niya pakawalan ang kaniyang anak-anakan at hayaang gawin ang gusto at higit sa lahat ang pagpatay sa pinuno at pumaslang sa pamilya ng dalaga. Wala din namang nagawa si Hasna kung hindi ang sumunod sa kondisyon ni Kapitan Klaus at ipagpatuloy ang pag-aaral.Ilang araw makalipas ang paghalal sa kanila, ibinigay ni Eris ang listahan ng kinakailangang ipasa upang makapag-enroll sa Arson. Nang matapos nilang makumpleto ang mga kailangan, sabay-sabay silang bumalik sa Arson para mag-enroll.Pinagsabay niya ang kaniyang pag-aaral at pagsasanay upang hindi mangalawang ang kaniyang kakayaha
Makikita sa itsura niya ang pagkabahala. Tumayo ito at nagpalakad-lakad habang nakakunot ang kaniyang noo. Walang imik na pinagmamasdan ni Hasna ang kaniyang ninong. Nang hindi makatiis ay peke itog umubo upang kuhanin ang atensyon nito. “Kapitan, napapansin kong kanina pa kayo hindi mapalagay. Ano po baa ng bumabagabag sa ‘yo?” tanong niya kay Kapitan Klaus. Huminto ito sa paglalakad at saka siya tiningnan. Napabuntonghininga ito at saka napaiwas ng tingin. Muli itong naglakad-lakad at hindi na sinagot pa ang tanong ni Hasna. Kasalukuyang nasa loob sila ng kiyusko na ginawa para sa head hunter kung saan dito rin ginanap ang pagpupulong-pulong sa tuwing may nababalitaan silang pag-atake ng mga halimaw sa bayan. “Kapitan, ipinatatawag mo raw po kami?” bungad ni Almidos nang makapasok ng kiyusko. Napatingin si Hasna sa dalawang bagong dating at saka marahang tumango. Apat na buwan na rin ang nakalipas magmula noong pasukan at noong mapags
MATAPOS ang pagpupulong dumiretso na si Hasna sa kanilang bahay. Kumain at nag-ayos na rin ng kaniyang sarili bago harapin ang mga kaniyang mga takdang aralin. Nang matapos sa paliligo, naupo siya sa upuan na nasa tapat ng kaniyang mesa at kinuha ang kaniyang bag upang kuhain ang mga kuwaderno.Isa-isa niyang binuklat ang kaniyang mga kuwaderno kung alin ang mayroong takdang aralin. Hiniwalay niya ang mga kuwaderno na mayroong takdang aralin at kumuha ng panulat upang simulan itong gawin.Habang sinasagutan niya ang mga tanong na nakasulat sa kaniyang kuwaderno, hindi niya maiwaksi ang kaniyang isipan kung ano nga ba ang maaring kahantungan ng lahat ng nangyayari ngayon. Magulo at nababalot nang takot ang ilang lugar ngayon dahil sa kaliwa’t kanan na mga krimen, idagdag pa itong mga halimaw na walang alam kung hindi ang mambiktima nang mambiktima.Napasulyap siya kaniyang bintana at napatulala. Makulimlim ang kaulapan at mababa ang hamog sa paligid. Bukod sa kinabukasan at mga posibil
HINDI mapakaling naglalakad si Hasna habang nakatingin sa paligid na unti-unti nang nilalamon ng dilim. Hindi niya mawari an gang kaniyan pakiramdam dahil sa magkahalong panggigigil at takot para sa kaniyang mga kasama. “Hasna,” tawag ni Mang Rigor sa kaniya kaya naman nakuha nito ang kaniyang atensyon. Bumaling ang leeg ni Hasna sa direksyon kung saan niya narinig ang tinig ng lalaki. “Mang Rigor,” mahinang sambit niya at saka ito sinalubong. “Wala pa rin ba si Kapitan Klaus?” “Wala pa, kanina ko pa nga siya hinihintay dahil ang ilan sa mga armas ay nasa loob pa ng bahay,” sagot ni Hasna. T umango-tango naman si Mang Rigor at saka napakamot sa kaniyang ulo. “Nakapuwesto na rin naman ang ilang hunters sa mga lugar kung saan sila nakatalaga. Mas maaga namin silang pinapunta sa puwesto dahil mas malaki ang tyansa na hindi alam ng mga taong lobo kung saan sila nakatago,” ani Mang Rigor. “Tama lang ‘yon, Mang Rigor pero hindi ba’t malalakas ang pang-amoy ng mga taong lobo kaya may po
ISANG MALAKAS na paghila ang ginawa ni Hasna upang umabante nang husto ang isang sako ng ipa na kaniyang dala-dala papunta sa lugar kung saan ay madalas siya tumatambay at nagsasanay.Tagaktak ang kaniyang pawis nang makarating sa tapat ng isang malaking puno. Ibinagsak niya ang lubid na kaniyang kinuha sa bodega ng bahay nila at saka inupuan ang sako ng ipa na kaniyang hila-hila. Humahangos itong pinunasan ang kaniyang noo na halos mabasa ng kaniyang mga pawis. "Wews!" Dahan-dahan niyang inabot ang lubid na kaniyang dala at saka itinali ito sa katawan ng sako. Nang maitali ni Hasna ang lubid sa katawan ng sako at masiguradong hindi na ito mahuhulog pa sa oras na isinabit, ibinato niya ang natitirang lubid sa isang malaking sanga ngunit bigo itong maisabit sa braso ng sanga.Walang ibang naisip si Hasna kung hindi akyatin ang puno ngunit bago siya umakyat ay hinila niya muli ang sako at itinapat sa sanga."Ang bigat naman, ay! Dapat pala ay hindi ko ito iniwan sa labas. Sa kaiisip k
HINDI man lang dinalaw ng antok si Hasna dahil sa kaniyang mga iniisip. Isa pa, hindi rin siya mapakali dahil sa nangyayari sa kanilang lugar. Hindi man maipaliwanag nang lubusan, isa lang naman ang alam nila may kagagawan ng mga ito, walang ibang kung hindi ang mga taong lobo na naghahasik ng lagim sa kabayanan. “Hasna,” malumanay na tawag ni Kapitana Lena sa kaniya. Napabaling kaagad siya ng tingin dito at saka bumangon mula sa kaniyang pagkakahiga. Kitang-kita niya ang dala-dalang tasa ni Kapitana Lena habang papalapit ito sa kaniya.“Pinagdala kita ng gatas baka sakaling makatulong ito at dalawin ka ng antok,” wika ng kaniyang nanay-nanayan. Tinanggap naman ni Hasna ang alok ng babae at saka sumimsim dito. “Maraming salamat, Kapitana,” ani Hasna. Seryusong nakatingin lang si Kapitana Lena kay Hasna habang pinapanood ito sap ag-inom ng kaniyang tinimplang gatas. Napabuntonghininga ito na siyang dahilan kung bakit nalingon sa kaniya si Hasna. “Kapitana,”“Pasensya ka na, alam k
KATULAD ng ipinag-utos ni Kapitan Klaus, kaagad na umuwi ang mga miyembro ng head hunter lalong-lalo na sina Hasna at Almidos na halos balutin ng putik ang buong katawan dahil sa paglalaro nito sa ulanan.Kaagad na umuwi si Hasna para maglinis ng sarili. Halos matuyo na ang putik sa kaniyang balat dahil sa lakas ng hangin. Habang naliligo hindi niya maalis sa kaniyang isipan ang sinapit ni Mang Oscar.Napailing-iling siya nang may maisip na hindi maganda. Itinuon na lamang niya ang kaniyang atensyon sa pagkukuskos ng kaniyang balat upang tuluyan na maalis ang putik.Pinagsisihan niya tuloy na nakipaglaro siya kay Almidos dahil ang suot niyang damit ang halos hindi na bumubula dahil sa dumi na nakadikit rito. Natagalan siya sa pagkukusot ng kaniyang damit dahil tiyak na kapag hindi niya ito nilabhan ngayon ay pagagalitan si ni Kapitana Lena dahil magiging kalawang ang putik na nasa kaniyang damit at imposible nang maalis.Napasipol siya nang makuntento siya sa kaniyang ginagawa at maki
ISANG malakas na hampas ng hangin ang dumampi sa balat ni Hasna. Walang imik niyang pinagmamasdan ang buong sitio ng Perdis. Hinayaan niya lang na guluhin ng hangin ang kaniyang buhok. Huminga siya nang malalim bago mabilis na hinugot ang kutsilyo mula sa lalagyan nito na nakatali sa kaniyang tagiliran at itinutok ito sa kaniyang gilid. Dahan-dahan niyang binaling ang kaniyang paningin sa gilid kung saan nakatutok ang kutsilyo. “M-muntik na ‘yon, ah,” kinakabahang sabi ni Almidos. Ibinaba ni Hasna ang kaniyang kutsilyo at muling ibinalik sa lalagyan nito. “Bakit ba hindi mo na lang ako tinawag o hindi kaya’y malayo pa lang ay nagsalita ka na?” tanong niya sa kaniyang kaibigan. Nagkibit-balikat lang ito at saka napakamot sa kaniyang batok. “Ang lalim ng iniisip mo. Nakakahiya namang abalahin,” sagot ni Almidos. “Sus, nahihiya kang abalahin ako o nasisiyahan kang tingnan ako habang nakatulala,” walang ganang sabi ni Hasna bag
MATAPOS ang pagpupulong dumiretso na si Hasna sa kanilang bahay. Kumain at nag-ayos na rin ng kaniyang sarili bago harapin ang mga kaniyang mga takdang aralin. Nang matapos sa paliligo, naupo siya sa upuan na nasa tapat ng kaniyang mesa at kinuha ang kaniyang bag upang kuhain ang mga kuwaderno.Isa-isa niyang binuklat ang kaniyang mga kuwaderno kung alin ang mayroong takdang aralin. Hiniwalay niya ang mga kuwaderno na mayroong takdang aralin at kumuha ng panulat upang simulan itong gawin.Habang sinasagutan niya ang mga tanong na nakasulat sa kaniyang kuwaderno, hindi niya maiwaksi ang kaniyang isipan kung ano nga ba ang maaring kahantungan ng lahat ng nangyayari ngayon. Magulo at nababalot nang takot ang ilang lugar ngayon dahil sa kaliwa’t kanan na mga krimen, idagdag pa itong mga halimaw na walang alam kung hindi ang mambiktima nang mambiktima.Napasulyap siya kaniyang bintana at napatulala. Makulimlim ang kaulapan at mababa ang hamog sa paligid. Bukod sa kinabukasan at mga posibil
Makikita sa itsura niya ang pagkabahala. Tumayo ito at nagpalakad-lakad habang nakakunot ang kaniyang noo. Walang imik na pinagmamasdan ni Hasna ang kaniyang ninong. Nang hindi makatiis ay peke itog umubo upang kuhanin ang atensyon nito. “Kapitan, napapansin kong kanina pa kayo hindi mapalagay. Ano po baa ng bumabagabag sa ‘yo?” tanong niya kay Kapitan Klaus. Huminto ito sa paglalakad at saka siya tiningnan. Napabuntonghininga ito at saka napaiwas ng tingin. Muli itong naglakad-lakad at hindi na sinagot pa ang tanong ni Hasna. Kasalukuyang nasa loob sila ng kiyusko na ginawa para sa head hunter kung saan dito rin ginanap ang pagpupulong-pulong sa tuwing may nababalitaan silang pag-atake ng mga halimaw sa bayan. “Kapitan, ipinatatawag mo raw po kami?” bungad ni Almidos nang makapasok ng kiyusko. Napatingin si Hasna sa dalawang bagong dating at saka marahang tumango. Apat na buwan na rin ang nakalipas magmula noong pasukan at noong mapags
MATAPOS ang paghahalal kina Hasna, Eris at Almidos, naging mailap si Hasna kay Kapitan Klaus. Habang tumatagal ay tila ba pakapal nang pakapal ang pader na nasa pagitan nilang dalawa.Hindi na nag-abala pang kausapin ni Kapitan Klaus si Hasna dahil batid niyang susundin siya nito dahil sa kagustuhan nitong maipaghiganti at mabigyan ang pagkamatay ng kaniyang magulang. Iyon nga lang, dalawang taon pa bago niya pakawalan ang kaniyang anak-anakan at hayaang gawin ang gusto at higit sa lahat ang pagpatay sa pinuno at pumaslang sa pamilya ng dalaga. Wala din namang nagawa si Hasna kung hindi ang sumunod sa kondisyon ni Kapitan Klaus at ipagpatuloy ang pag-aaral.Ilang araw makalipas ang paghalal sa kanila, ibinigay ni Eris ang listahan ng kinakailangang ipasa upang makapag-enroll sa Arson. Nang matapos nilang makumpleto ang mga kailangan, sabay-sabay silang bumalik sa Arson para mag-enroll.Pinagsabay niya ang kaniyang pag-aaral at pagsasanay upang hindi mangalawang ang kaniyang kakayaha
HINIHINGAL na napahinto sina Almidos at Hasna nang makapasok sa Sitio Perdis. Kitang-kita ng kanilang mga mata kung paano mabilis na kumikilos ang mga residente na para bang sunog na kailangang apulahin. “Ano’ng nangyayari?” tanong ni Almidos sa isang babae na may dala-dalang kaldero. Hindi ito sumagot. Dire-diretso lamang ito naglakad at nilampasan si Hasna. Nanatiling nakatayo sina Almidos at Hasna habang pinagmamasdan ang mga residente na abala sa kabilang mga ginagawa. Kaliwa’t kanan ang kanilang pagmamasid hanggang sa mahagip ng atensyon ni Almidos si Eris. “Eris,” tawag ni Almidos sa dalaga na kaagad namang lumingon sa paligid nang marinig ang kaniyang pangalan. Itinaas ni Almidos ang kaniyang kamay at saka ito iwinagayway upang makita siya nang tuluyan ni Eris. Nang malaman kung nasaang direksyon ang tumawag sa kaniya, kaagad siyang naglakad palapit rito. Lumapit nang bahagya si Hasna kay Almidos habang hindi inaalis a