공유

CHAPTER 1

작가: AlucaSed
last update 최신 업데이트: 2022-08-09 11:20:46

UMAGANG-UMAGA ay ginising si Hasna nang alingawngaw ng pagpupukpok ng pako mula sa itinatayong bahay sa sitio. Maririnig din ang tilaok ng mga tandang at putak ng inahin na malapit nang mangitlog.

Napabalikwas siya mula sa kaniyang pagkakahiga at antok na antok pang napakamot sa kaniyang ulo. Napasimangot na lamang siya nang marinig ang malakas na pagngawa ng isang bata sa gilid ng kanilang bahay na umaabot sa kaniyang ang ingay sa kaniyang silid.

Napailing-iling na lang si Hasna at napatayo dahil sa inis. Kaagad na lumabas siya sa kaniyang silid at dumiretso sa palikuran para maghilamos at magmumog.

Nang matapos sa pag-aayos ng kaniyang sarili, kaagad siyang naglakad papunta sa mesa para magtimpla ng kape.

“Magandang umaga, Hasna,” bati ng isang babae na kapapasok lang ng bahay at may suot-suot na chaleco.

“Magandang umaga, Kapitana. Nag-almusal  ka na po ba?” tanong ni Hasna sa matanda. Tatayo na sana si Hasna para ipaghanda siya ng almusal ngunit  hindi natuloy dahil sa isinenyas nito na maupo na lamang siya at ipagpatuloy ang pag-aalmusal.

“Nag-almusal na ako. Sabay kaming nag-almusal ng ninong mo kanina,” wika ni Kapitana Lena. Dahan-dahang umayos sa pagkakaupo si Hasna at napatango-tango na lamang habang ipinagpapatuloy ang pagkakape.

Tahimik na humigop siya ng kape habang pinagmamasdan si Kapitana Lena na kumilos.

Kinuha ni Kapitana ang isang bilao at ang gulay na sitaw na nakalagay sa nakabitin na basket. Naglakad ito palapit sa mesa at hinila ang upuan sa kaharap niyang puwesto. Umupo si Kapitan Lena sa kaharap na upuan ni Hasna at doon nagsimulang putol-putulin ang sitaw.

Si Kapitana Lena na ang tumayong ina ni Hasna magmula nang makuha nila ito sa gitna ng kakahuyan, umiiyak at punong-puno ng putik ang kaniyang kasuotan. Wala namang anak si kapitana kung kaya’t kinupkop niya si Hasna at itinuring na para bang isang tunay na anak.

“Hasna, ano’ng gusto mong luto nito sitaw? Adobo o gata?” tanong ni Kapitana kay Hasna

Napahinto sa paghigop ng kape si Hasna at tila ba napaisip pa ito. Natawa na lamang si Kapitan Lena nang matunghayan ang pag-iisip ng kaniyang anak-anakan.

“Ang hirap naman pumili,” sagot ni Hasna . Sabay silang natawa dahil sa sinabi ni Hasna. “Adobo na nga lang, kapitana,” pahabol na sagot ng dalaga.

Napailing-iling si Kapitana Lena habang patuloy sa pagpuputol-putol ng sitaw.

Natapos nang makapag-almusal si Hasna. Nagpaalam ito na lalabas at may pupuntahan lamang. Nangunot naman ang noo ni Kapitana Lena nang makita ang labit-labit ni Hasna ang isang bag.

“Sandali lang, Hasna, ano’ng gagawin mo sa bag na ‘yan? Saan ka ba pupunta? Sunod-sunod na tanong ni Kapitana Lena kay Hasna. Tumayo ito at naglakad palapit kay Hasna ngunit nang ilang hakbang na lang ang layo niya sa dalaga ay kaagad umurong palabas ng bahay.

“Pakisabi kay ninong, hihiramin ko lang ang mga gamit n’ya,” sigaw ni Hasna. Nakaharap ito sa kaniya. Kumaway-kaway pa ito bago tuluyang siyang tinalikuran. Walang nagawa si Kapitana Lena kung hindi ang bumalik na lamang ang ginagawa at ipaghanda ng makakain ang kaniyang alaga at ang kaniyang asawa na paniguradong kapag umuwi ay gutom na gutom.

Masayang naglalakad si Hasna papunta sa kaniyang binabalak na puntahan. Ang bawat tao na kaniyang makakasalubong ay binabati niya. Patalon-talon pa ito at kung minsan ay nangpipisil ng pisngi lalo na kapag bata ang nasa kaniyang harapan. 

“Magandang umaga, Patring, Cyril at Jessica,” bati niya sa tatlong bata na maagang naglalaro sa nakatambak na lupa.

“Magandang umaga, Ate Hasna,” bati naman ni Jessica na hamak na mas matanda kaysa sa dalawang bata sa kasama nito.

Ngumiti si Hasna at isa-isang ginulo ang buhok ng mga bata na siya namang ikinatawa ng mga ito. Nang matapos niyang kulitin ang tatlo, kaagad na naglakad siya papunta sa kaniyang destinasyon.

Sinalubong siya ng makapal na usok mula sa gatong sa kaniyang kanan kung saan doon nagluluto ang si Mang Pedro gamit lamang ang kahoy. Kapansin-pansin ang pagiging abala ng bawat isa kahit na wala namang okasyon o maliit na handaan.

Tulong-tulong ang mga tao sa pagbubuhat ng kani-kanilang sako na naglalaman ng pananim papunta sa kaingin na pinagtataniman ng kanilang pangunahing pinagkukunan ng gulay. Ang iba ay may dala-dalang pala at tabak. Ang iba naman ay nakasuot ng mahahabang manggas na damit ay may dala-dalang timba at kawil na tiyak ay sa dagat ang tungo upang mangawil at maghanap ng lamang dagat.

Dire-diretsong naglakad si Hasna papunta sa kakahuyan na madalas niyang puntahan kung saan doon siya nagsasanay gamit ang mga itinakas niyang sandata kay Kapitan Klaus. 

Nang makarating sa masukal na kakahuyan, inilapag niya ang dala-dala niyang bag at kinuha roon ang latigo pati na rin ang apat na kutsilyo na may pare-parehong laki.

Itinabi niya ang bag sa gilid ng isang malaking ugat. Napatingin siya sa isang malaking katawan ng puno kung saan may nakaguhit roon na bilog at ekis sa gitna gamit ang makintab na kristal na bato bilang panulat.

Naglakad palayo si Hasna mula sa target. Nilaro niya ang isang kutsilyo na kaniyang hawak-hawak at saka ito ihinagis. Napailing-iling siya nang tumama ito sa mismong guhit ng bilog at malayo sa ekis o sentro ng bilog.

“Wews, una pa lang naman,” mahinang sabi niya.

Kinuha niya ang isa pang kusilyo sa kaniyang kaliwang kamay at nang  mahawakan. Taimtim niyang tinitigan ang ekis sa katawan ng puno. Ang kaniyang kaliwang paa niya ay ihinakbang niya paurong upang ayusin ang kaniyang posisyon.

Dahan-dahan niyang itinaas ang kaniyang kanang kamay habang hawak-hawak ang isang kutsilyo.

“Sentro, Hasna!” bulong niya sa kaniyang sarili habang matatalim ang tingin sa kaniyang puntirya. Mahigpit ang kaniyang pagkakahawak sa kutsilyo habang pinapakiramdaman ang pintig ng kaniyang pulso. Sa isang iglap, pinakawalan niya ang kutsilyo at tumama ito sa dulong bahagi ng ekis. Napakamot na lamang si Hasna sa kaniyang ulo at muling napailing-iling.

Muli niyang kinuha ang isa pang kutsilyo at inulit-ulit ang kaniyang ginawa hanggang sa mapatama na niya ang kutsilyo sa kaniyang puntirya. Kinuha niya ang mga kutsilyo na nakatarak sa puno at inulit-ulit ang kaniyang ginagawa.

Nang maperpekto ang tamang atake at palaging nasesentro ang kaniyang mga patama sa kaniyang puntirya, sinubukan naman niya ang ibang istilo ng paghagis ng mga patalim.

Kumilos si Hasna na animo’y mayroong kaharap na kalaban, malikot ang kaniyang kilos ngunit kapansin-pansin ang kakaibang galaw bago niya binibitawan ang patalim papunta sa kaniyang puntirya. Umakto si Hasna na para bang mayroong humahabol sa kaniya kung kaya’t tumakbo siya nang tumakbo hanggang sa salubungin niya ang isang malaking katawan ng puno at sinipa ito dahilan para umikot siya sa ere habang pinakawalan nang sunod-sunod ang mga kutsilyo.

Nakatayong bumagsak sa lupa ang mga paa ni Hasna habang hinahabol ang kaniyang hininga at basang-basa ng pawis ang kaniyang sarili. Napangisi siya nang nakita ang lahat ng kutsilyo na nakatusok sa kaniyang puntirya.

Biglang napalingon sa kaniyang kaliwa si Hasna nang makarinig ng kaluskos. Kaagad niyang kinuha ang mga kutsilyong nakatusok sa katawan ng puno at isinilid sa bag na pinaglalagyan nito kanina. Kinuha niya ang latigong inilapag niya kanina sa lupa at saka umakyat sa puno.

Kasabay ng kaniyang pag-akyat sa puno ay ang unti-unting nagiging malinaw ang ingay ng mga taong malapit sa kaniyang lugar.

Gamit ang latigo, inilatag niya ito at hinayaang mawala sa pagkakarolyo. Ihinagis niya ito sa matibay na sanga. Hinila-hila niya pa ito at sinigurado na matibay ang pagkakapulupot nito. Nagpalipat-lipat siya sa mga sanga sa pamamagitan ng ng latigo at pagtapak sa matitibag na sanga hanggang sa malapitan niya ang lokasyon ng mga lalaking nangangahoy.

Ang latigo ang naunang matutunan ni Hasna. Sa murang edad ay kaagad na hinasa siya ni Kapitan Klaus. Ang kaniyang pagiging maliit at kabataan ang nagtulak kay Kapitan Klaus na hasain sa ganoong bagay si Hasna.

Sa edad na trese anyos, Malaya nang nagagamit ni Hasna ang kaniyang kakayahan sa paggamit ng latigo ngunit kadalasan sa tuwing siya ay magsasanay ay itinatakas niya ang mga sandata para mayroon siyang magamit at hindi maluma ang kaniyang mga natutunan mula sa kaniyang ninong na nagsilbing kaniyang tagapagsanay at tumayong ama.

“Narinig mo na ba ang balita?” tanong ng isang lalaki na mayroong pasan-pasan na tuyong sanga na napulot sa daan.

“Balita?” nagtatakang tanong ng isang lalaki.

“Narinig ko lang kay Kapitan Klaus kanina na isasama na raw sina Eris at Almidos mamaya sa bayan para hanapin itong mga hayop na naghahasik ng kadiliman sa bayan,” sagot niya sa lalaking hindi pa alam ang balita.

“Si Eris at Almidos lang? Paano naman si Hasna?” tanong pa ng isang lalaki.

Rinig na rinig ni Hasna kung paano humagalpak ang isang lalaki at kitang-kita ng kaniyang dalawang mata kung paano ito umiling-iling habang mapanutyang tumatawa.

“Si Hasna? Baby naman ‘yon ni Kapitan Klaus. Mukhang ayaw n’yang pabahiran ng dugo ang kamay ng kanyang anak-anakan.”

Naikuyom ni Hasna ang kaniyang mga kamay at saka napayuko.

“Kaya nga. Hindi ko rin alam kung bakit hindi pa rin pumapayag si Kapitan na isabak si Hasna gayong kinakikitaan naman ng potensyal,” wika pa ng isa.

Nagkibit-balikat na lamang ang lalaki at saka nagpatuloy na lamang sa paghahanap ng tuyong kahoy. “Aanhin mo ang ‘yong potensyal kung hindi mo naman nagagamit sa tunay na laban?” wika ng lalaki.

Pabagsak na umupo si Hasna sa malaking sanga at isinandal ang likod sa katawan ng puno. Kinuha niya sa dala niyang bag ang isang sisidlan na naglalaman ng tubig. Mabilis niyang binuksan ito at nilagok ang tubig. Hindi niya alintana kung bumubuhos na ito sa kaniyang bibig at nababasa na ang kaniyang damit. Nang hindi pa nakuntento ibinuhos niya sa kaniyang ulo ang tubig at saka napabuga ng hangin.

Muli niyang isinilid ang ang bote sa bag at saka tumayo. Maangas niyang isinukbit ang bag sa kaniyang balikat at saka lumambitin paibaba sa latigong nakapulupot sa sanga.

“Aanhin mo ang ‘yong potensyal kung hindi mo naman nagagamit sa tunay na laban,” pag-uulit ni Hasna sa huling sinabi ng lalaki. “Tss. Sino bang nagsabi na hindi ko gagamitin at ginagamit?” inis na bulong pa ni Hasna.

Idinaan na lamang ni Hasna ang kaniyang inis sa pagsasanay. Buong hapon siyang nagsanay sa lugar kung saan madalang na puntahan ng mga tao. Hindi siya umuwi at itinuon nalamang ang sarili sa pagsasanay.

관련 챕터

  • THE INTRUDER'S DUTY   CHAPTER 2

    panganib sa paligid. Hindi mo sila makita at hindi mo alam kung kailan sila aatake.Mula sa malayo sila ay nakamasid, ninanamnamn ang iyong halimuyak at kapag hindi nakapagpigil sa tawag ng kanilang kumakalam na sikmura ikaw ay kanilang lalapain hanggang ikaw ay mawalan ng buhay.Humans are just like a livestock for them were they can eat whenever they want and they feel hungry.Sinong mag-aakala na sa modernong panahon ngayon ay mayroon pa palang katulad nila, namumuhay at tahimik na naghahasik ng lagim, nagbibigay ng takot at pangamba sa kanilang mga naging biktima.Mababalahibong katawan, matatalas na kuko at matutulis na ngipin na kapag bumaon sa iyong balat ay tiyak na ikaw ay papalahaw hanggang sa unti-unti lang mawalan ng boses at hininga. “Hindi ko akalaing sa edad kong ito ay mayroon pang katulad nila, umaaligid at naghihintay ng tiyempo. Hindi ko rin lubos maisip na sila ay namumuhay sa modernong panahon,” bulong mahinang sambit ni Hasna habang pinagmamasdan ang ilang siyud

    최신 업데이트 : 2022-08-09
  • THE INTRUDER'S DUTY   CHAPTER 3

    NANLILISIK ang kulay asul nilang mga mata, bakalabas ang mahahaba at matutulis na kuko, nakalabas ang mga ngipin habang tumutuloy ang laway at handa nang sugurin sina Eris at Hasna.“Eris, ilayo mo ang babae. Ako na ang bahala rito,” sigaw ni Hasna. Kaagad na hinila ni Eris ang babae palayo sa lugar habang si Hasna ay hinintay na makalapit ang dalawang lalaking nauna sa pagsugod.Sinugod ni Hasna ang dalawa. Akmang kakalmutin siya ng naunang lalaking sumugod, mabuti na lang ay kaagad na napayuko si Hasna at saka ito binigyan ng suntok sa sikmura at nilampasan ito para sugurin naman ang kasunod nitong kasama.Gamit ang kaniyang hawak-hawak na kutsilyo, sinugatan niya ang tagiliran ng taong loob. Nang muling malampasan ni Hasna ang dalawang taong loob kaagad siyang lumingon at mabilis na hinagis ang isang kutsilyo na tumama mismo sa likurang bahagi ng ulo na siyang nagpahinto sa pagkilos nito.Matalim na mga tingin ang itinapon ni Hasna sa taong lubo na kaniyang sinikmuraan. Tila ba lal

    최신 업데이트 : 2022-08-09
  • THE INTRUDER'S DUTY   CHAPTER 4

    PAGKABASAG ng mga gamit ang umalingawngaw sa loob ng silid. Rinig na rinig ng isang bata ang mga nangyayari sa loob ng bahay habang nakatago sa ilalim ng sahig na ginawa ng kaniyang ama. Animo’y alam na alam na ng kaniyang ama ang mangyayari sa kanila kung kaya’t pasimple itong kumikilos na para bang pinaghahandang ang isang trahedya.Tinakpan ng bata ang kaniyang tainga upang hindi marinig ang mga kalabog. Ngunit kahit anong pilit niyang pagtakip ay naririnig pa rin niya ang mga kalabog sa ibabaw. Hindi maiwasang hindi maiyak ng batang babae nang marinig ang pagmamakaawa ng kaniyang ina pati na rin ang pag-iyak ng isang batang babae.Rinig na rinig rin ng batang babae ang pagdaing ng kanyang ama na tila ba nakikipaglaban pa at nagpupumilit pang iligtas ang kaniyang mag-iina. “Sagabal ka sa mga plano ko, Rudeus. Hinding-hindi ko mapapatawad ang ginawa mo sa akin at sa mga kasamahan ko. Pinagkatiwalaan kita!” sigaw ng isang lalaki na mayroong malaki at malalim na boses.Mula sa isang

    최신 업데이트 : 2022-09-03
  • THE INTRUDER'S DUTY   CHAPTER 5

    NAGISING na lamang si Hasna dahil sa sikat ng araw na tumama sa kaniyang mukha. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya habang nakaupo at nakaunan ang kaniyang ulo sa kuwadernong nasa kaniyang harapan.Naniningkit ang kaniyang mga mata nang bumangon at saka ko ito kinusot-kusot. Nag-unat siya ng kaniyang katawan upang maibsan ang pangangawit ng kaniyang likuran mula sa pagkakatulog.Bigla na lamang siyang napatingin sa pinto nang bigla itong bumukas at iluwa nito si Kapitan Lena na may dala-dalang walis."Kapitana," tawag ni Hasna sa matanda. Lumingon naman ito sa kaniya at saka siya binigyan ng isang matamis na ngiti. Itinabi niya ang dust pan at ang kanyiang hawak na walis sa gilid ng pintuan."Akala ko tulog ka pa," wika ni Kapitana Lena. Nangunot ang noo nito nang mapansing magulo ang ibabaw ng mesa ni Hasna at gusot ang mga pahina ng papel sa kuwaderno nito."Sandali nga, nakatulog ka sa mesa mo?" tanong nito kay Hasna.Marahan na tumango si Hasna at dali-daling inayos ang m

    최신 업데이트 : 2022-09-03
  • THE INTRUDER'S DUTY   CHAPTER 6

    TAHIMIK na sinulyapan ni Eris ang kaibigan na nakaupo sa kaniyang tabi at hindi inaalis ang atensyon nito sa labas ng umaandar na sasakyan. Napahinga nang malalim si Eris na siyang naging dahilan ng paglingon ni Hasna sa kaniya. Napakamot na lamang si Eris sa kaniyang ulo at saka ngumiti. “Ang aga-aga pa para lunurin ka ng mga iniisip mo. Ayos ka lang ba?” tanong ni Eris kay Hasna. Hindi sumagot si Hasna at muling ibinaling ang atensyon nito sa kalsada. Palihim na napangiwi si Eris at ginaya na lamang ang kaibigan sa pagmamasid sa kanilang dinadaanan. “Manong, sa Arson National High School po,” abiso ni Eris sa driver ng tricycle na kanilang sinasakyan. Nakuha ni Eris ang atensyon ni Hasna. Pagbaling niya sa kaniyang kaibigan ay nakatingin na ito sa kaniyang habang nakakunot ang noo nito. “Akala ko ba magliliwaliw? Bakit pupunta tayo sa school?” tanong ni Hasna kay Eris. “Dadaan lang naman tayo, kukuha

    최신 업데이트 : 2022-09-04
  • THE INTRUDER'S DUTY   CHAPTER 7

    TANGHALI na nang makabalik si Eris sa puwesto ni Hasna kung saan matiyagang hinintay siya ng kaibigan. Nangunot ang kaniyang mga mata nang makita si Almidos na nakaupo sa dulo ng upuan habang si Hasna naman ang nasa kabilang dulo nito. “Hey, pasensya na natagalan. Sobrang haba pa naman ng pila. Nakikipag-away na nga ako doon sa mga kasunod ko dahil pasingit nang pasingit,” panimula ni Eris upang kuhanin nag atensyon ng dalawa niyang kaibigan na hindi namalayan ang kaniyang pagdating. Kaagad na tumayo si Hasna at saka lumapit kay Eris. “Ang tagal mo,” reklamo niya kay Eris. “Babalik na kayong sittio?” biglang singit ni Almidos. Tumayo ito mula sa kaniyang kinauupuan at saka lumapit sa dalawang dalaga. “Hindi pa. Kakain lang muna siguro tapos uuwi na rin,” sagot ni Eris. Napatango-tango naman si Almidos bago ngumisi. “Sabay-sabay na tayo,” wika ni Almidos. Pasimpleng umirap si Hasna at saka tinalikuran sina Eris at

    최신 업데이트 : 2022-09-06
  • THE INTRUDER'S DUTY   CHAPTER 8

    TAHIMIK na nakasunod si Hasna sa kaibigang si Eris habang si Almidos ay nasa kaniyang likuran at nakasunod rin sa kaniya. Walang humpay sa kadadaldal sa Eris habang isinasalaysay ang mga nilaro nila sa mall. Si Almidos naman ay paminsan-minsan tumatawa upang tugunan ang mga kuwento ni Eris at mag reklamo mula sa pilahan sa pagkuha ng requirements at sa ticket sa mall. Mahigit bente minutos na silang naglalakad pabalik ng Sitio Perdis. Ang Sitio Perdis ang nagsilbi nilang tahanan sa loob ng ilang taon. Kung susumain ay mahigit kalahating oras ito kung lalakarin. Bihira lang din naman ang mapsok ito ng saksakyan dahil sa kitid at liblib na daanan kung kaya’t sa tuwing may duty ang ilan sa mga head hunters sa kabayanan ay maglalakad muna ito paibaba ng sakayan kung saan doon naghihintay ang isang jeep bilang service nila sa gabi. Mababa na ang sikat ng araw kung kaya’t tamang-tama lang ito para maglakad para kina Eris, Hasna at Almidos. Nagpalipas sil

    최신 업데이트 : 2022-09-07
  • THE INTRUDER'S DUTY   CHAPTER 9

    HINIHINGAL na napahinto sina Almidos at Hasna nang makapasok sa Sitio Perdis. Kitang-kita ng kanilang mga mata kung paano mabilis na kumikilos ang mga residente na para bang sunog na kailangang apulahin. “Ano’ng nangyayari?” tanong ni Almidos sa isang babae na may dala-dalang kaldero. Hindi ito sumagot. Dire-diretso lamang ito naglakad at nilampasan si Hasna. Nanatiling nakatayo sina Almidos at Hasna habang pinagmamasdan ang mga residente na abala sa kabilang mga ginagawa. Kaliwa’t kanan ang kanilang pagmamasid hanggang sa mahagip ng atensyon ni Almidos si Eris. “Eris,” tawag ni Almidos sa dalaga na kaagad namang lumingon sa paligid nang marinig ang kaniyang pangalan. Itinaas ni Almidos ang kaniyang kamay at saka ito iwinagayway upang makita siya nang tuluyan ni Eris. Nang malaman kung nasaang direksyon ang tumawag sa kaniya, kaagad siyang naglakad palapit rito. Lumapit nang bahagya si Hasna kay Almidos habang hindi inaalis a

    최신 업데이트 : 2022-09-09

최신 챕터

  • THE INTRUDER'S DUTY   CHAPTER 17

    HINDI mapakaling naglalakad si Hasna habang nakatingin sa paligid na unti-unti nang nilalamon ng dilim. Hindi niya mawari an gang kaniyan pakiramdam dahil sa magkahalong panggigigil at takot para sa kaniyang mga kasama. “Hasna,” tawag ni Mang Rigor sa kaniya kaya naman nakuha nito ang kaniyang atensyon. Bumaling ang leeg ni Hasna sa direksyon kung saan niya narinig ang tinig ng lalaki. “Mang Rigor,” mahinang sambit niya at saka ito sinalubong. “Wala pa rin ba si Kapitan Klaus?” “Wala pa, kanina ko pa nga siya hinihintay dahil ang ilan sa mga armas ay nasa loob pa ng bahay,” sagot ni Hasna. T umango-tango naman si Mang Rigor at saka napakamot sa kaniyang ulo. “Nakapuwesto na rin naman ang ilang hunters sa mga lugar kung saan sila nakatalaga. Mas maaga namin silang pinapunta sa puwesto dahil mas malaki ang tyansa na hindi alam ng mga taong lobo kung saan sila nakatago,” ani Mang Rigor. “Tama lang ‘yon, Mang Rigor pero hindi ba’t malalakas ang pang-amoy ng mga taong lobo kaya may po

  • THE INTRUDER'S DUTY   CHAPTER 16

    ISANG MALAKAS na paghila ang ginawa ni Hasna upang umabante nang husto ang isang sako ng ipa na kaniyang dala-dala papunta sa lugar kung saan ay madalas siya tumatambay at nagsasanay.Tagaktak ang kaniyang pawis nang makarating sa tapat ng isang malaking puno. Ibinagsak niya ang lubid na kaniyang kinuha sa bodega ng bahay nila at saka inupuan ang sako ng ipa na kaniyang hila-hila. Humahangos itong pinunasan ang kaniyang noo na halos mabasa ng kaniyang mga pawis. "Wews!" Dahan-dahan niyang inabot ang lubid na kaniyang dala at saka itinali ito sa katawan ng sako. Nang maitali ni Hasna ang lubid sa katawan ng sako at masiguradong hindi na ito mahuhulog pa sa oras na isinabit, ibinato niya ang natitirang lubid sa isang malaking sanga ngunit bigo itong maisabit sa braso ng sanga.Walang ibang naisip si Hasna kung hindi akyatin ang puno ngunit bago siya umakyat ay hinila niya muli ang sako at itinapat sa sanga."Ang bigat naman, ay! Dapat pala ay hindi ko ito iniwan sa labas. Sa kaiisip k

  • THE INTRUDER'S DUTY   CHAPTER 15

    HINDI man lang dinalaw ng antok si Hasna dahil sa kaniyang mga iniisip. Isa pa, hindi rin siya mapakali dahil sa nangyayari sa kanilang lugar. Hindi man maipaliwanag nang lubusan, isa lang naman ang alam nila may kagagawan ng mga ito, walang ibang kung hindi ang mga taong lobo na naghahasik ng lagim sa kabayanan. “Hasna,” malumanay na tawag ni Kapitana Lena sa kaniya. Napabaling kaagad siya ng tingin dito at saka bumangon mula sa kaniyang pagkakahiga. Kitang-kita niya ang dala-dalang tasa ni Kapitana Lena habang papalapit ito sa kaniya.“Pinagdala kita ng gatas baka sakaling makatulong ito at dalawin ka ng antok,” wika ng kaniyang nanay-nanayan. Tinanggap naman ni Hasna ang alok ng babae at saka sumimsim dito. “Maraming salamat, Kapitana,” ani Hasna. Seryusong nakatingin lang si Kapitana Lena kay Hasna habang pinapanood ito sap ag-inom ng kaniyang tinimplang gatas. Napabuntonghininga ito na siyang dahilan kung bakit nalingon sa kaniya si Hasna. “Kapitana,”“Pasensya ka na, alam k

  • THE INTRUDER'S DUTY   CHAPTER 14

    KATULAD ng ipinag-utos ni Kapitan Klaus, kaagad na umuwi ang mga miyembro ng head hunter lalong-lalo na sina Hasna at Almidos na halos balutin ng putik ang buong katawan dahil sa paglalaro nito sa ulanan.Kaagad na umuwi si Hasna para maglinis ng sarili. Halos matuyo na ang putik sa kaniyang balat dahil sa lakas ng hangin. Habang naliligo hindi niya maalis sa kaniyang isipan ang sinapit ni Mang Oscar.Napailing-iling siya nang may maisip na hindi maganda. Itinuon na lamang niya ang kaniyang atensyon sa pagkukuskos ng kaniyang balat upang tuluyan na maalis ang putik.Pinagsisihan niya tuloy na nakipaglaro siya kay Almidos dahil ang suot niyang damit ang halos hindi na bumubula dahil sa dumi na nakadikit rito. Natagalan siya sa pagkukusot ng kaniyang damit dahil tiyak na kapag hindi niya ito nilabhan ngayon ay pagagalitan si ni Kapitana Lena dahil magiging kalawang ang putik na nasa kaniyang damit at imposible nang maalis.Napasipol siya nang makuntento siya sa kaniyang ginagawa at maki

  • THE INTRUDER'S DUTY   CHAPTER 13

    ISANG malakas na hampas ng hangin ang dumampi sa balat ni Hasna. Walang imik niyang pinagmamasdan ang buong sitio ng Perdis. Hinayaan niya lang na guluhin ng hangin ang kaniyang buhok. Huminga siya nang malalim bago mabilis na hinugot ang kutsilyo mula sa lalagyan nito na nakatali sa kaniyang tagiliran at itinutok ito sa kaniyang gilid. Dahan-dahan niyang binaling ang kaniyang paningin sa gilid kung saan nakatutok ang kutsilyo. “M-muntik na ‘yon, ah,” kinakabahang sabi ni Almidos. Ibinaba ni Hasna ang kaniyang kutsilyo at muling ibinalik sa lalagyan nito. “Bakit ba hindi mo na lang ako tinawag o hindi kaya’y malayo pa lang ay nagsalita ka na?” tanong niya sa kaniyang kaibigan. Nagkibit-balikat lang ito at saka napakamot sa kaniyang batok. “Ang lalim ng iniisip mo. Nakakahiya namang abalahin,” sagot ni Almidos. “Sus, nahihiya kang abalahin ako o nasisiyahan kang tingnan ako habang nakatulala,” walang ganang sabi ni Hasna bag

  • THE INTRUDER'S DUTY   CHAPTER 12

    MATAPOS ang pagpupulong dumiretso na si Hasna sa kanilang bahay. Kumain at nag-ayos na rin ng kaniyang sarili bago harapin ang mga kaniyang mga takdang aralin. Nang matapos sa paliligo, naupo siya sa upuan na nasa tapat ng kaniyang mesa at kinuha ang kaniyang bag upang kuhain ang mga kuwaderno.Isa-isa niyang binuklat ang kaniyang mga kuwaderno kung alin ang mayroong takdang aralin. Hiniwalay niya ang mga kuwaderno na mayroong takdang aralin at kumuha ng panulat upang simulan itong gawin.Habang sinasagutan niya ang mga tanong na nakasulat sa kaniyang kuwaderno, hindi niya maiwaksi ang kaniyang isipan kung ano nga ba ang maaring kahantungan ng lahat ng nangyayari ngayon. Magulo at nababalot nang takot ang ilang lugar ngayon dahil sa kaliwa’t kanan na mga krimen, idagdag pa itong mga halimaw na walang alam kung hindi ang mambiktima nang mambiktima.Napasulyap siya kaniyang bintana at napatulala. Makulimlim ang kaulapan at mababa ang hamog sa paligid. Bukod sa kinabukasan at mga posibil

  • THE INTRUDER'S DUTY   CHAPTER 11

    Makikita sa itsura niya ang pagkabahala. Tumayo ito at nagpalakad-lakad habang nakakunot ang kaniyang noo. Walang imik na pinagmamasdan ni Hasna ang kaniyang ninong. Nang hindi makatiis ay peke itog umubo upang kuhanin ang atensyon nito. “Kapitan, napapansin kong kanina pa kayo hindi mapalagay. Ano po baa ng bumabagabag sa ‘yo?” tanong niya kay Kapitan Klaus. Huminto ito sa paglalakad at saka siya tiningnan. Napabuntonghininga ito at saka napaiwas ng tingin. Muli itong naglakad-lakad at hindi na sinagot pa ang tanong ni Hasna. Kasalukuyang nasa loob sila ng kiyusko na ginawa para sa head hunter kung saan dito rin ginanap ang pagpupulong-pulong sa tuwing may nababalitaan silang pag-atake ng mga halimaw sa bayan. “Kapitan, ipinatatawag mo raw po kami?” bungad ni Almidos nang makapasok ng kiyusko. Napatingin si Hasna sa dalawang bagong dating at saka marahang tumango. Apat na buwan na rin ang nakalipas magmula noong pasukan at noong mapags

  • THE INTRUDER'S DUTY   CHAPTER 10

    MATAPOS ang paghahalal kina Hasna, Eris at Almidos, naging mailap si Hasna kay Kapitan Klaus. Habang tumatagal ay tila ba pakapal nang pakapal ang pader na nasa pagitan nilang dalawa.Hindi na nag-abala pang kausapin ni Kapitan Klaus si Hasna dahil batid niyang susundin siya nito dahil sa kagustuhan nitong maipaghiganti at mabigyan ang pagkamatay ng kaniyang magulang. Iyon nga lang, dalawang taon pa bago niya pakawalan ang kaniyang anak-anakan at hayaang gawin ang gusto at higit sa lahat ang pagpatay sa pinuno at pumaslang sa pamilya ng dalaga. Wala din namang nagawa si Hasna kung hindi ang sumunod sa kondisyon ni Kapitan Klaus at ipagpatuloy ang pag-aaral.Ilang araw makalipas ang paghalal sa kanila, ibinigay ni Eris ang listahan ng kinakailangang ipasa upang makapag-enroll sa Arson. Nang matapos nilang makumpleto ang mga kailangan, sabay-sabay silang bumalik sa Arson para mag-enroll.Pinagsabay niya ang kaniyang pag-aaral at pagsasanay upang hindi mangalawang ang kaniyang kakayaha

  • THE INTRUDER'S DUTY   CHAPTER 9

    HINIHINGAL na napahinto sina Almidos at Hasna nang makapasok sa Sitio Perdis. Kitang-kita ng kanilang mga mata kung paano mabilis na kumikilos ang mga residente na para bang sunog na kailangang apulahin. “Ano’ng nangyayari?” tanong ni Almidos sa isang babae na may dala-dalang kaldero. Hindi ito sumagot. Dire-diretso lamang ito naglakad at nilampasan si Hasna. Nanatiling nakatayo sina Almidos at Hasna habang pinagmamasdan ang mga residente na abala sa kabilang mga ginagawa. Kaliwa’t kanan ang kanilang pagmamasid hanggang sa mahagip ng atensyon ni Almidos si Eris. “Eris,” tawag ni Almidos sa dalaga na kaagad namang lumingon sa paligid nang marinig ang kaniyang pangalan. Itinaas ni Almidos ang kaniyang kamay at saka ito iwinagayway upang makita siya nang tuluyan ni Eris. Nang malaman kung nasaang direksyon ang tumawag sa kaniya, kaagad siyang naglakad palapit rito. Lumapit nang bahagya si Hasna kay Almidos habang hindi inaalis a

앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status