Share

Chapter 1

Author: SECRET_PYUNG
last update Huling Na-update: 2022-09-19 17:45:14

Walang gana akong bumangon sa kama at pumasok sa banyo. Papasok na ako sa school pero parang ayoko, ano naman ang gagawin ko dun? Mag papaka loner? Bumuntong hininga na lamang ako.

Bagong araw nanaman para pagtawanan ako ng mga klaklase ko at gawin ang mga gusto nilang gawin saakin, pati mga ibang studyante sa school ganun din. Mula pa ng grade school ako palagi na akong binubully. Hindi ko alam kung bakit, nanahimik lang naman ako. Siguro dahil wala akong lakas ng loob para harapin sila.

Nag suot nako ng uniform at inayos ang buhok ko. Bumaba na ako at nakita ko si mama na nagluluto, tulala ito. Ganun siya lagi, palagi nalang siyang tulala. Ang papa ko namatay na noong 10 years old pa lamang ako, namatay siya dahil sa heart attack. Mula noon naging mailap na si mama sa mga tao, naghirap din kami nang mawala si papa. Lahat ng ari-arian namin benenta na namin. Luma na din ang bahay na tinitirahan namin ni mama, binili namin ito noong namatay si papa dahil ang dati naming bahay ay kinuha na ng banko. Pero okay lang sakin, kapag naka tapos nako sa pag-aaral ko magagawan ko na si mama ng bahay.

"Ma?" Pagpukaw ko sa kanya.

Lumingon ito saakin at bahagyang ngumiti.

"Andito kana pala anak, upo kana kakain na tayo. Malapit ng maluto ito," inilagay na nito sa plato ang dalawang piniritong itlog at ilang pirasong hotdog.

Nagsimula na kaming kumain.

"Ang payo ko sayo Aurora," seryoso ang pag kakasabi nito. Alam ko na ang ibig niyang sabihin.

Tumango-tango ako.

"Opo ma, hindi po ako titingin sa salamin." Malumanay na saad ko.

Hindi ko lubos maiisip kung bakit ayaw akong patinginin ni mama sa salamin, mula pa ng bata ako palagi na niyang sinasabi na wag na wag akong titingin sa salamin, sa bawat sulok ng bahay walang salamin na makikita o mahahanap.

"That's my girl." Hinaplos nito ang buhok ko at ngumiti, ngiting malungkot. Akala niya hindi ko nakikita sa mga mata niya ang lungkot na nararamdaman, pero kahit ako ramdam na ramdam ko yung lungkot lalo na kapag kakain kami katulad nito, dalawa nalang kami sa hapag kainan hindi na gaya dati na masigla kaming kumakain kasama ni papa.

Pag tapos kumain ay agad akong nag paalam at sumakay nako sa medyo lumang naming kotse, kay papa pa ito at nagagamit pa namin hanggang ngayon, medyo malayo ang school na pinapasukan ko kaya kailangan ko pang mag maneho ng ilang minuto para maka rating doon ng maaga.

Pag tapak ko palang sa bukana ng gate ay parang gusto ko na ring umuwi, naka tingin ang mga studyante saakin na akala mo'y hindi ako nababagay sa lugar na to.

"Ayan nanaman siya."

"Buti nakakaya niya pang pumasok,"

"Nakakaawa siya. Hahahahah"

"Here comes the freak."

"Andito nanaman ang pulubi."

Mga naririnig ko sa mga studyante na nadadaanan ko. Yumuko nalamang ako at dumiretso sa classroom. Halos ganito araw-araw, wala naman akong ginagawang masama sa kanila. Pag pasok ko sa classroom, mga titig nanaman ang bumungad saakin at mga salita na araw-araw kong naririnig.

Umupo nalang ako sa upuan ko at pinilig ang ulo sa desk. Bakit sila ganito saakin? Hindi ba sila nagsasawang ganitohin ako palagi? Kasi ako sawang-sawa nakong umiyak at mag makaawa na wag nilang gawin saakin to.

Di kalaunan ay dumating na rin ang professor namin at nagsimula na ang klase, hindi ko nalang pinansin ang mga classmate ko at nag focus sa tinuturo ng prof.

Natapos na ang pang umagang klase, tatlo lang naman ang subject tuwing umaga kaya pumunta nako sa cafeteria para kumain, wala akong ka close dahil kapag meron man, madadamay din sila sa mga pinanggagagawa ng mga studyante saakin. Hindi ko magawang magreklamo o mag sumbong dahil scholar lang ako.

Bumili nalang ako ng kanin, isang mangkok ng ulam at tubig. Inilagay ko na ito sa tray, naghanap nako ng mauupuan ko at may nakita akong upuan doon banda sa pinaka gilid, yumuko ako at mahinang nag lakad papunta roon, bigla nalamang may pumatid saakin dahilan para masobsob ako sa sahig.

Napa pikit ako dahil sa sakit ng tuhod ko at katawan dahil sa impact.

"HAHAHAAHAHAHHAHAAH"

Tawa ng mga studyante na nandito sa cafeteria. Bumangon ako at pinag pagan ang damit ko. Napadako ang mata ko sa tray na nasa sahig, lahat ng laman nun nag kalat na sa sahig. Napa kagat ako sa ibabang labi para pigilan ang luha ko na gustong kumawala.

"Awww, kawawa ka naman Aurora."

Napatingin ako sa babaeng nagsalita, nakita ko ang paa niyang ibinalik sa ibaba ng mesa, siya ang pumatid saakin? Bakit niya ginawa yun? Ano bang kasalanan ko sa kanya? Sa pag kakaalam ko, siya ang leader ng cheerleaders squad dito sa school.

"HAHAHAHAHA, ohhh... sorry sakin, paharang harang ka kasi sa daan." Asar na sabi nito sabay tawa, tumawa din ang mga kasama niya sa table.

Lumuhod ako sa sahig at pinulot ang mangkok na naka taob at pinggan, pinulot ko din ang mga kanin at ulam na nagkalat. Ilang beses nabang nangyari to? Diko na halos maalala dahil mula pa ng grade school at high school ako may gumaganito na saakin.

Tumayo na ako at nag lakad papunta sa counter ibinalik ko ang tray at mga pinggan, nakita ko ang awa sa mata ng tindira nang sumulyap ako sa kanya, ngumiti ako at  mabilis na umalis sa lugar na iyon, naririnig ko parin ang mga tawa nila ng maka labas ako sa cafeteria.

Nag madali akong naglakad, doon nalang siguro ako sa rooftop magpapahangin, narinig ko pa ang tiyan ko na kumukulo dahil sa gutom. Diko nalang pinansin at patuloy parin sa pag lalakad.

Naka salubong ko ang iba kong mga classmates at isa na doon si Vibian, classmate ko siya since high school at minsan binubully din niya ako noon, ngumisi lang ito at tinitingnan lang ako ng masama. Pati ang mga kasama niya nandidiri ang mga mata nilang naka tingin din saakin.

Nagpatuloy lang ako sa pag lalakad at naka rating na rin sa rooftop. Agad akong umupo sa pinaka sulok at huminga ng malalim. Dito ako nagtatago kapag binubully ako, walang pumupunta dito dahil takot ang ibang studyante, nababalitang may multo raw pero di ako naniniwala sa mga ganun.

Mas natatakot ako sa buhay na tao kaysa sa patay na. Katulad nila! Walang ginawa kundi saktan at paglaruan ako, hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko sa kanila, hindi ko kayang manakit ng tao.

"Hiding yourself from them?" napapitlag ako ng may baritonong boses na nagsalita sa likuran ko,

umangat ang tingin ko patungo sa muhka niya. Nagulat pako dahil bakit siya nandito?

"Anong g-ginagawa mo dito A-alvin?" Agad na tanong ko, classmate ko din siya pero palagi siyang tahimik sa room at nakikipag usap lang kapag importante ang pag uusapan, crush ko siya since High School pero ano naman ang pag asa ko sa kanya? Isa siyang heartrob dito sa school, samantalang ako loner at freak ang tingin nila saakin.

"Nagpapahangin lang, diko naman alam na dito ka rin pala pumupunta."

Tumango-tango ako sa sinabi niya. Madalas siguro siya dito. Akala ko ako lang ang may lakas ng loob pumunta dito.

"Nakita ko yung nangyari sa cafeteria," dugtong pa nito.

Yumuko na lamang ako, nakita niya pala yung nangyari. Hindi nako nagulat, mabilis din naman kumalat ang balita dito sa school kahit fake news.

"Hayaan mo nalang sila, wala lang silang magawa sa mga buhay nila kaya nila ginagawa yun sayo."

Hindi nalang ako umimik, so ano pala ang tingin nila saakin? Kaya ba buhay ko araw-araw ang sinisira nila?

May inabot siyang isang supot ng biscuit saakin, napatingin naman ako doon at tumingin sa kanya na nagtataka.

Teka anong ginagawa niya? Binibigay niya ba sa akin to? Pero bakit?

"Take it." Seryosong saad niya.

Nanginginig ang kamay ko ng kunin ko ito mula sa kamay niya, dumampi pa ang kamay ko sa daliri niya, para akong nakuryente.

"S-salamat." Nauutal na sabi ko, ito ang unang beses na may nag bigay saakin ng ganto. Concern ba siya saakin? Pero bakit naman?

Tanging tango nalang ang sagot nito at tumalikod na, naka tingin lang ako sa likod nitong naglalakad palayo, narinig ko ang mga yapak nito pababa sa hagdan at di kalaunan ay wala na rin.

Bumalik ang tingin ko sa biscuit na binigay niya saakin. Biglang kumulo nanaman ang tiyan ko, bumuntong hininga nalang ako at binuksan ang supot at kinain at bisquit. Siguro naaawa lang siya saakin kaya niya ginagawa to.

Kaugnay na kabanata

  • THE INNOCENT AND DEADLY AURORA    Chapter 2

    Pumasok na ako sa bahay at naabutan si mama na nagdadasal sa sala, naka pikit ang mga mata nito at parang may binubulong. Umakyat nako sa kwarto ko at hinayaan na lamang si mama mag dasal. Nag bihis nako at bumaba para tulungan si mama sa kusina mag luto ng hapunan.Pag dating ko sa sala ay wala na si mama, nagtaka naman ako. Teka nasaan si mama? Kani-kanina lang andito siya saan kaya siya nagpunta? Naglakad ako papunta sa kusina at wala din siya doon, nilibot ko na ang buong bahay pero wala talaga si mama.Napa upo ako sa sira-sirang couch, siguro lumabas siya baka may bibilhin. Biglang may narinig akong kalabog sa sahig. Nagulat pako dahil malakas ang pagkakakalabog nun. Ano ba yun daga? Mukang galing sa basement, napalunok ako at lumapit sa pinto ng basement, gawa sa metal ang pintong iyon, bakas dito ang pag ka luma dahil sa kalawang at mga dumi na naka balot dito. Mahina kong pinihit ang door knob, hindi ko pa nabubuksan ng maayos ng may naramdaman akong tao sa likod ko."Anak?"

    Huling Na-update : 2022-09-19
  • THE INNOCENT AND DEADLY AURORA    Chapter 3

    Nagtatakang lumapit ako dito, ngayon lang ako nakakita ng salamin, alam kong salamin ito dahil nababasa ko ito sa mga libro at sinasabi sa libro na malalaman mong salamin ito dahil sa reflection, hindi pako naka kita ng salamin mula noong bata pa ako, tiningnan ko ang aking muka sa salamin. Ganito pala ang itsura ko, hinawakan ko ang muka ko, napakaganda nang nakikita ko. Halos maiyak ako, napadako ang mata ko sa noo ko na may band aid at sa damit kong madumi, namumugto rin ang aking mga mata dahil sa kakaiyakTinitigan kong mabuti ang reflection ko sa salamin. "Lumapit ka Aurora..." ayan nanaman ang tinig.Parang ang reflection ko sa salamin ang tumatawag saakin. Naka tingin lang ito saakin, lumapit ako ng husto dito."Lapit pa Aurora...." Napalunok ako at ilang dangkal nalang ang layo ko sa salamin. Parang may iba akong nakikita sa salamin. Bakit iba ang pagtitig saakin ng reflection ko? Naguguluhan ako. "Wag kang matakot Aurora... tutulungan kita." Nagulat ako ng magsalita ang

    Huling Na-update : 2022-09-19
  • THE INNOCENT AND DEADLY AURORA    Chapter 4

    Gusto ko sanang sabihin kay mama ang nangyari pero parang panaghinip lang lahat nang iyon. Ayoko ring mag alala si mama saakin lalo na't kapag nalaman niyang tumingin ako sa salamin. Totoo ba ang nakita ko sa salamin kahapon? Pagdating ko sa school at nagtaka ako dahil maraming police sa labas ng gate. "Anong nangyayari?" tanong ko sa hangin. Pinark ko na ang kotse at bumaba, nag lakad nako papasok. Halos walang studyante dito sa hallway, nasaan sila?Nakaramdam ako ng kaba dahil sa nangyari kahapon, baka may tatakip nanaman sa bibig ko tapos hahawakan nanaman ako sa mag kabilang braso at dadalhin sa abandonadong building at ikukulong sa Cr. Ayoko ng mangyari ulit yun, natatakot nako."Aurora?"Napalingon ako ng may nag salita sa likod ko."Ali?" Ang nerd na naka sama ko kahapon."Ahh sorry, nagulat ba kita?"Umiling ako bilang sagot. "Maiba tayo, nabalitaan mo naba?"Napakunot naman ang noo ko. "Nabalitaan ang alin?" takang tanong ko. Wala akong idea sa sinasabi niya."Ang nangy

    Huling Na-update : 2022-09-19
  • THE INNOCENT AND DEADLY AURORA    Chapter 5

    Binuksan ko ng maigi ang pinto at tumambad saakin ang kadiliman. Hinawakan ko ng mabuti ang flashlight at tinutok sa loob ng basement. May hagdan pababa, tumingin muna ako sa paligid baka mamaya dumating si mama at pagalitan ako.Humakbang nako pababa sa hagdan, itinuon ko ang tingin sa dinadaanan ko, baka malaglag ako at mabagok ang ulo sa sahig, narinig ko nanaman ang mga kalabog sa baba. Malapit nako sa pinaka dulo ng hagdan. Nagpatuloy lang ako hanggang sa naka tapak na ang paa ko sa sahig, andaming alikabok at dumi sa sahig. Mukang hindi ito nililinisan ng ilang taon. Inilibot ko ang flashlight na hawak ko, wala naman akong nakikitang kakaiba maliban sa mga antique na nandito. Mukang may mga halaga pa ang mga ito,Napapitlag ako ng may kumalabog sa likod ko. Nanginginig ang kamay ko, hinawakan ko ng mabuti ang flashlight at mabilis na nilingon ang likod ko. Nanggagaling ang kalabog sa isang maliit na box? Nagtaka ako, baka nga sa daga talaga nanggagaling ang mga kalabog. Bumunto

    Huling Na-update : 2022-09-19
  • THE INNOCENT AND DEADLY AURORA    Chapter 6

    "Nakita ko kaya yung nangyari kanina." salita nito habang sumusubo ng kanin. "Alam na this. May gusto nga sayo si Alvin," kinikilig na sabi niya.Hinampas ko siya ng mahina sa balikat. "Shhh... baka may baka may makarinig sayo," Agad na saway ko. Baka sabihin ng ibang studyante assumera ako."Eh totoo naman e, hindi naman siguro gagawin ni Alvin yun kung hindi diba?" Napa isip naman ako, totoo nga bang may gusto siya saakin? Pero baka nag aasume lang ako at umaasa. "Wag na muna nating pag usapan Ali. Ayokong masaktan at umasa, baka katulad din siya ng ibang studyante dito sa school," Natapos na akong kumain at hinihintay nalang si Ali matapos. Tumango ito bilang pag sang-ayon sa sinabi ko."Okay, I will zip my mouth na." Nag pa tuloy itong kumain. Napa tingin ako sa paligid at kalaunan ay yumuko nalang. Parang sinasaksak ako ng mga tingin ng mga babae dito sa cafeteria. Dahil ba sa nangyari kanina? Kung iniisip nila na nilalandi ko si Alvin, pwes nag kakamali sila. Mukang madadag

    Huling Na-update : 2022-09-19
  • THE INNOCENT AND DEADLY AURORA    Chapter 7

    Nagising ako sa katok na nag mumula sa pinto. Iminulat ko kaagad ang mga mata ko, napa balikwas ako ng bangon at agad tumingin sa paligid.Teka! Kwarto ko to ah? Pero paano? "Aurora anak?" rinig kong tawag ni mama mula sa labas ng pinto.Tumayo naako at binuksan ang pinto. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko dahil parang nanlalabo parin ang paningin ko."Naka tulog ka pala anak, hindi kaba sasabay mag hapunan?" bungad na tanong niya saakin.Teka hapunan? Gabi na? Pero...Napatingin ako sa bintana ng kwarto ko, madilim na nga sa labas. Paanong gabi na?"Ah..... s-sige po ma, susunod po ako sa baba," naguguluhang sagot ko. Mukang nagtataka rin si mama sa inasta ko."Ohh sige, hihintayin kita sa kusina." umalis na ito, agad kong isinara ang pinto.Naguguluhan talaga ako. Paano ako naka uwi? Teka nasa clinic ako kanina tapos nun......... sh*t! Diko na matandaan ang sumunod na nangyari.Sumakit lang ang ulo ko sa kakaisip, huminga ako ng malalim at lumabas ng kwarto, tinungo ko nalamang a

    Huling Na-update : 2022-10-24
  • THE INNOCENT AND DEADLY AURORA    Chapter 8

    Nilagyan ko nalang ng petroleum jelly ang mga lapnos ko sa kamay at paa.Hindi naman na masyadong masakit, naglinis nalang muna ako ng bahay at siyaka ako naligo at nag bihis. Binaliwala ko nalamang ang pananakit ng buong katawan ko. Umupo ako sa kama at binuksan ang libro na hindi ko pa natatapos, galing pa to sa Library at kailangan matapos ko na to para maibalik ko na kaagad.Ilang oras din akong nagbabasa at nakaramdam na ng gutom. Agad akong tumayo at tinungo kusina, pagtapos kong kumain agad akong pumasok sa kwarto, dinalaw ako ng antok kaya natulog nalang muna ako. Nagising ako sa lakas ng kalabog, kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko at umupo sa kama parang gusto ko pa ulit matulog. San galing ang ingay na yun? Dumating naba si mama? Tumingin ako sa wall clock at ala singko na ng hapon, ganun ba kahaba ang tulog ko? Sa pag kakaalam ko ala una ako natulog kanina. Mukang ilang oras din akong nakatulog. Narinig ko nanaman ang kalabog sa baba. Bumuntong hininga ako at nag lakad pa

    Huling Na-update : 2022-10-24
  • THE INNOCENT AND DEADLY AURORA    Chapter 9

    Lunes na ngayon at hindi parin maalis sa isip ko ang nangyari sa bahay. Buti nalang at dumating kaagad si mama, kung hindi baka namatay nako dahil sa takot. Sabi niya narinig niya daw akong nagsisisigaw kaya agad siyang pumasok sa bahay. Narinig niya daw ang malakas na pag sara ng pinto ng kwarto ko kaya agad niya akong pinuntahan.Tinawag daw niya ako ng ilang beses pero diko siya sinasagot kaya binuksan niya na ang pinto ng kwarto ko. Nakita niya akong naka talukbong ng kumot at agad niya akong hinawakan,Sigaw lang daw ako ng sigaw. Akala ko talaga yung bata na ang pumasok sa kwarto ko at humawak saakin. Binaliwala ko nalang ang mga studyante dito sa hallway dahil sa lalim ng iniisip ko. Sawang-sawa nako sa kanila. Agad akong pumasok sa classroom at umupo sa upuan ko. Hindi ko man lang ma tingnan ang mga classmate ko, bahala sila diyan. Napatingin ako sa taong nasa harap ko. It's Vibian. Ano nanaman ang kailangan nito saakin? Bubullyhin niya nanaman ba ako?"Hi, ahm... can I tal

    Huling Na-update : 2022-10-31

Pinakabagong kabanata

  • THE INNOCENT AND DEADLY AURORA    EPILOGUE

    Ali POVIt's been 10 years mula nang mangyari ang araw na yun. Halos hindi ko na nga matandaan. Pinipilit kong kalimutan pero mahirap.Nag kikita parin kami ni Vibian kapag hindi kami busy sa kanya-kanya naming buhay at pamilya. Nag ka tuluyan sila ni Edward ang classmate din niya noong college at ako naman ang katrabaho kong si Luis. May dalawa akong anak at kapag sineswerte ka kanga naman naging kambal pa. Dalawang babae ang anak ko, si Ara at Mia. 6 years old na sila at masaya silang nag lalaro kasama ng asawa ko. Ngayon lang ulit sila nag bonding.Pumunta muna ako ng kusina at nag timpla ng gatas para sa kambal.Hindi nanamin nakita si Alvin matapos ang araw na iyon. Nabalitaan nalang namin na pumunta na ito ng ibang bansa. Hindi ko maipag kakaila na na trauma ako sa nangyari saamin. Halos ilang buwan din akong tulala at palaging takot pag katapos ng nangyari.Ngayon lang namin ulit dadalawin si Aurora. Ang huling balita ko sa kanya nag kasakit ito at patuloy paring pinapagaling n

  • THE INNOCENT AND DEADLY AURORA    Chapter 19

    Mahina kong binuksan ang mga mata ko. Nahihirapan akong gumalaw. Naka higa pala ako dito sa baba ng hagdan. Teka anong ginagawa ko rito?Ang natatandaan ko nasa sala kami kanina nung inumpisahan namin, pero bakit ngayon andito nako? Sumanib nga talaga saakin ang masamang kaluluwa nayun nung pumasok ako sa salamin. Napakurap-kurap ako ng mata, may nakita akong dugo. Sinundan ko iyon ng tingin at nakita si Mama na wala ng buhay. Nanlaki ang mata ko at napa takip ng bibig. Si mama..."M-ma?" agad akong lumapit at nanginginig na nikayap siya. Hindi ako makahinga ng maayos sa nakikita ko."Ma!? No! Wag mukong iiwan... naka balik nako..... please.." Umiyak nako ng umiyak. Bakit si mama pa? Sana ako nalang ang namatay! Hindi ko kaya. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Ma.... wag mukong iiwan... paano nako pag wala ka? Ma! Ma! Please ma gumising ka! Wag mukong iwan! Ma! Ma.... please... gising... wag... m-mukong iiwan.... please." Niyuyugyog ko ito. Baka panaghinip lang ito. Napaka samang panag

  • THE INNOCENT AND DEADLY AURORA    Chapter 18

    Napalingon ako sa tumawag saakin. Wala naman akong nakita, saan galing ang boses na yun? Napalingon-lingon pako ng ilang ulit pero wala talaga. Baka guni-guni ko lang?Napadako ang tingin ko sa isang salamin na pinapalibutan ng kandila. Ang salamin na hinahanap ko. Agad ko itong nilapitan at kinuha. Kagaya ng salamin nato ang nakita namin sa basement kanina. May kung ano akong nakikita sa loob ng salamin. Mga kaluluwa? Napakaraming kaluluwa. Napa laki ang mata ko ng makita sa loob ng salamin si Aling Mari. Bakit siya nandito sa loob? H-hindi kaya patay narin siya? Oh my god! Hindi ito maaari.Hindi ko na napigilan ang umiyak, patay na siya. Isa nalang siyang kaluluwa. Ohh diyos ko bakit ito nangyayari? Pinatay niya ba siya?Napa kuyom ako ng kamao. Demonyo siya! Pinatay niya sila!Hindi nako nag dalawang isip na ihampas sa sahig ang salamin. Ilang ulit ko iyong ginawa. Pag tingin ko sa salamin hindi parin ito nawawasak. Paanong? Bakit hindi ito nawasak? Inulit ko ulit pero hindi ta

  • THE INNOCENT AND DEADLY AURORA    Chapter 17

    Pagmulat ko ng mga mata, kadiliman ang tumambad saakin. Napa tayo ako sa kinauupoan ko at nilibot ang paningin ko sa buong lugar. Nandito na nga siguro ako sa mundo ng mga kaluluwa. Huminga ako ng malalim. Mukang nasa sala ako ng bahay namin pero wala dito sila mama at mga kaibigan ko katulad kanina. Agad akong naglakad-lakad. Kailangan kong hanapin ang salamin na sinasabi ni Aling Mari, nagpunta ako sa kusina. M-may isang batang babae na naka talikod.Napa atras akong muli, hindi naman sinabi ni Aling Mari na marami pakong makikitang kaluluwa bukod sa kapatid ko. Siguro namatay sila dito sa bahay? Tapos hindi sila matahimik kaya naiiwan ang mga kaluluwa nila dito. Huminga muna ako ng malalim bago sinilip ulit ang batang naka talikod. Sa tingin ko nasa sampung taong gulang palang ito. Mahaba din ang buhok niya at naka suot ng puting dress na hanggang paanan. Napalaki ang mata ko ng naka lutang pala ito. Mas lalo akong nakaramdam nang takot. Umiling-iling ako at winala ang nararamda

  • THE INNOCENT AND DEADLY AURORA    Chapter 16

    Aliya POVNaka hawak lang ako sa balikat ni Vibian habang naka tingin lang kila Aling Mari at Aurora. Naka upo si Aurora sa isang upuan at naka gapos habang si Aling Mari naman ay naka upo paharap kay Aurora.Hindi ko masyadong marinig ang mga pinag uusapan nila. Nang pumikit na si Aurora nagsimulang bumulong ng mabilis si Aling Mari. Hindi ko alam kung anong klaseng pananalita ang sinasabi niya.Kinuha niya ang medyo malaking salamin at kinuha ang damit na naka balot dito. Kinakabahan ako para sa kaibigan ko. Baka hindi na siya maka balik,Iniharap ni Aling Mari sa kanya ang salamin. Nakapikit parin si Aurora."Buksan mo na ang mga mata mo Aurora..."Rinig kong sabi ni Aling Mari. Biglang naka ramdam ako ng panlalamig kaya mas sumiksik ako kay Vibian. Pag tingin ko kay Aurora naka tingin lang ito nang diretso sa salamin. Halos hindi siya kumukurap.Pati si Vibian at Tita Amelia nagulat din. Sigurado akong nandun na siya sa kabilang mundo. Parang na istatwa talaga si Aurora, hindi si

  • THE INNOCENT AND DEADLY AURORA    Chapter 15

    Byernes ng hapon at nandito kami sa labas ng bahay ni Aling Mari, ang albularyong pinuntahan namin noong isang araw. Sa kanya ako humingi ng tulong. Sinabi ko lahat sa kanya.Nasabi din saamin ni Ali na espiresista din si Aling Mari, kaya nakakaramdam siya ng mga kululuwa sa paligid.Hinihintay nalamang namin ito sa labas ng bahay niya, maya maya ay lumabas nadin siya at may dala na itong bag. Madami ba dapat ang dalhin niya? Hindi ko nalang pinansin at pumasok na sa kotse ni Vibian. Pinapauwi ko na nga silang dalawa ni Ali pero ayaw nila, ang tigas ng ulo nang dalawang to. Naghihintay naman si mama sa bahay. Hindi kalaunan ay nakarating na kami sa bahay. Pag baba namin sa kotse agad napa tulala si Aling Maria. Parang may sinasabi ito,"Itim na aura... malakas at nakamamatay. Maraming ligaw na kaluluwa." dinig kong sabi niya.Agad kaming pumasok sa bahay. Nagulat si mama ng makita niya si Aling Mari."Ikaw......" turo ni mama kay Aling Mari. "Ikaw ang nagsabi saakin noon, hindi ako

  • THE INNOCENT AND DEADLY AURORA    Chapter 14

    Nandito na kami sa bahay ng albularyo na sinasabi ni Ali. Kasama ko silang tatlo, nag skip kami para lang dito, sana hindi malaman ni mama itong pinanggagagawa ko.Kumatok na si Ali sa pintuan nito. Agad naman itong bumukas, lumabas ang medyo may katandaang babae. May bandana itong pula sa noo at mga kwentas na mula sa mga ngipin ng mga hayop. Nakakatakot' siya."Ah, magandang umaga Aling Mari nandito po---" Naputol ang sasabihin ni Ali ng magsalita ang babaeng albularyo na ngayon ay naka tingin saakin."Alam ko ang pinunta ninyo dito. Halika kayo pumasok kayo." Nagdadalawang isip pako kung papasok bako. Parang may pumupigil saakin.Hinila nako ni Vibian papasok. Medyo madilim at puro kandila ang tumambad saamin. Napalunok pako dahil sa mga nakakatakot' na naka sabit sa dingding.Umupo ito at ganun din kami. Kaharap namin siya ngayon sa isang bilog namesa."Hindi basta-basta ang kaaway mo iha," Agad na sabi nito habang nasaakin parin ang mga tingin."P-po?" Takang tanong ko. "Malapit

  • THE INNOCENT AND DEADLY AURORA    Chapter 13

    Agad akong niyakap ni Ali ng makita niya ako. Alam kong pupunta siya dito sa cafeteria kaya dito nalang namin siya hinintay ni Vibian."Oh my gosh, akala ko talaga Dina kita makikita. Nag ooverthink talaga ko gabi-gabi. Baka kasi mag transfer ka ng school tas iiwan muko." Kumalas na ito, may mga luha sa mga mata niya. Ganun ba ako ka importante sa kanila?"Nako Ali, halata naman sa muka mo na overthinker ka." sabat ni Vibian. Sinamaan siya ng tingin ni Ali."Che! Totoo naman e, mawawalan ako ng kaibigan pag nag transfer si Aurora sa ibang school. Anyway kamusta kana?"Umupo na kami at naka harap silang dalawa saakin. Si Vibian na rin ang bumili ng pagkain ko, treat niya daw ako ngayon. Bumait na nga talaga siya."Okay na, medyo gumagaling na ang mga sugat ko." mahinang sabi ko."Nagtataka nga ako eh, puro pasa lang naman ang nakuha namin ni Vibi tapos sayo may mga sugat," Kahit ako nagtataka din. Wala naman talaga akong naaalala na sinugatan nila ako. "Napansin ko nga rin."Napaisi

  • THE INNOCENT AND DEADLY AURORA    Chapter 12

    Nagsinungaling ako. Masama akong anak, nagawa kong magsinungaling sa sarili kong ina. Ayoko siyang mag alala sakin, alam ko naman na imahinasyon ko lang ang nakikita ko sa salamin at walang katotohanan roon, dahil lang siguro sa pagod o sakit na nararamdaman kaya kung ano-ano nakikita ko. Kagaya nalamang ng reflection ko nung binugbug kami. Diko alam kung namamalik mata lang ba ako o baka dahil sa ulan kaya nag ka ganun ang reflection ko.Nung tinanong ako ni mama, natakot ako. Hindi ko alam pero parang may alam si mama tungkol sa pagtingin ko sa salamin. Kailangan kong malaman iyon, pero hindi muna ngayon kailangan ko munang mag pagaling.Nandito ako labas ng ospital at hinihintay ko si mama dahil uuwi na kami ngayong araw. Halos limang araw rin akong na admit sa ospital. Hindi ko man lang nabisita sina Ali at Vibian dahil nauna na silang na discharge. Nakatingin lang ako sa mga kamay ko na puno ng sugat. Magaling na ang mga lapnos ko sa kamay pero ang mga sugat patuloy parin sa pag

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status