Hindi alam ni Gwy kung bakit gusto siyang makausap ng daddy ni Ace na sila lang. Nag-provide pa ito ng pagkain at maiinom sa veranda. Si Ace naman iniwan niya sa kwarto nito na tulog na tulog. Namayani ang katahimikan sa pagitan nila, naiilang naman siya at kinakabahan kung ano ba talaga ang gustong sabihin nito ngunit maya-maya nagsalita ito, "Mayroon lang kasi akong itatanong." Napatingin siya rito. Makikita niya ang hesitation at mukhang masyadong seryoso ang tanong. Tumango siya upang bigyan ito ng lakas ng loob sa nais nitong itanong pero nahahalata niyang nag-aalangan. "Naalala mo ba iyong tinanong ko over the phone? Noong nasa Baguio pa lang kayo?" tanong nito. "Ah...iyong about sa sinabi mong kakaiba sa kaniya po?" tanong rin niya. Tumango ito. Nangunot naman ang noo niya. "Tinutukoy niyo po ba ang abilidad niya?" "Abilidad?" animo'y nagtataka ito sa sinabi niya kaya mas lalo siyang nalito. "Hmm...na marunong po siyang lumaban, martial arts po," aniya. Natawa ito at um
Kakahatid lang ni Gwy ng gamot na iinumin sa matandang Sansmith na kasalukuyan na namang nasa harden kasama ang kasambahay na nag-aalaga rito nang salubungin siya ng ina ni Ace at agad na sinabi, "You know what, Gwy? Do whatever you want..." Nagulat siya sa biglang sinabi nito at hinintay niya itong matapos. May kasama pang gesture ng mga kamay, "Hindi mo kailangan gampanan o seryosohin ang trabaho mo dito sa bahay. Girlfriend ka ng anak ko, at alam kong kakausapin niya rin ako about dito." Nakahinga siya nang maluwag nang mapagtanto na hindi pala ito magsasarkastiko sa kaniya. Sa intrada kasi nito, akala niya galit na may nagawa siyang mali na hindi niya alam, pero sa huli nitong sinabi nalito naman siya. "Kung may gusto kang puntahan, gawin...okay lang. Feel at home, basta hindi required na magseryoso ka ng trabaho mo dito ah, your time your rule, okay?" ani pa nito. Gulong-gulo siyang hindi niya alam kung iiling ba o tatango. "W-What do you mean, Auntie?" Ngumiti ito at lumapit
Nagpasya siyang siya ang magbabantay sa hospital. Hinayaan niyang magpahinga si Ave, mabuti na lang nakatulog ito. Ngunit siya naman, matapos niyang marinig sa kapatid niya kanina ang tunay na nangyari hindi niya maiwasang makaramdam ng galit kay Lucas at awa sa kapatid.Mahirap talagang paniwalaan na nagawa ni Lucas iyon pero iyon kasi ang talagang nangyari. Pagsapit ng tanghali ay dumating ang kaniyang ama. May dala itong pagkain para sa kanila ngunit tulog si Ave. Nakilala narin ng naman ng kaniyang ama si Lucas sa Baguio pa lang. Ang hindi lang nito alam na may relasyon na pala ito at si Ave. Kaya ang reaction ng ama niya ay napailing na lang pero panigurado galit na ito kay Lucas, hindi lang nagsasalita. "Nag-paalam ka ba kay Eloise?" tanong ng daddy niya sa kaniya. Tumango siya. "Okay lang naman daw po." "Mas maasahan kita kay Ave. Huwag mong iwan ang kapatid mo dito, Gwy," anito. "Hindi ako aalis, Dad," halos pabulong niyang sagot.Malungkot ang reaction nito, at yumakap n
Isang araw at isang gabi lang naman ang pananatili ni Ave sa hospital. Ngayon nag-discharge na ito at sumama pa si Ace sa kaniya. Hindi rin nagpakita ang ina nito sa hospital at ama lang nila ang kasama nila. "Until now, hindi pa rin naka-activate ang phone ni Lucas," ani ni Ace. Hinarap niya ito at nagtanong, "Ni-track mo?" Umiling ito. "Ang sabi mo huwag ko nang pag-aksayahan ng oras kaya hindi na." Tumango siya. "Salamat na lang sa tulong niya, hindi ko iyon makakalimutan pero sana hindi na siya magpakita ulit para lang paasahin na naman itong isa." Animo'y hindi ito sang-ayon sa sinabi niya pero pinili na lang na tumango. "Okay..." Naramdaman niyang papalapit ang kapatid at daddy niya. Sabay silang napatingin roon. Kamay lang naman ni Avery ang may damage kaya hinayaan itong maglakad ng ama na hindi inalalayan. Sinalubong nila ito at sinabi agad ni Ave, "I don't want to go home."Napatingin ang ama nila dito pero sumagot si Ave sa mapagtanong nilang tingin, "I don't want to
On the way sa place ni Avery, si Ace ang nagmamaneho. Kung gaano ka-excited ang reaction ni Gwy, ganoon naman siya ka kabado. Hindi dahil magkikita si Natalie and Avery kundi dahil buo na ang desisyon niya. Tama ang daddy niya, para manatili si Gwy sa tabi niya alisin na niya ang mga bagay na alam niyang magtutulak rito palayo sa kaniya. May plano na siya tungkol sa bagay na iyon pero ngayon ilalaan muna niya ang attention sa sitwasyon. Masaya na rin siya na okay na ang pamilya ni Gwy, okay na ito at ng kapatid, tsaka nakikita na rin niyang nagpapakaama na rin kay Gwy ang daddy nito. Sampid na lang si Tatiana sa opinion niya para sa pamilya ni Gwy, so kahit wala na ito, okay lang at para sa kaniya ang kulang na lang ay ang magkaintindihan ang magulang ni Gwy sa isa't isa. Sigurado naman siya na isa iyon sa pinangarap ng girlfriend niya at naniniwala siyang hindi imposibleng mangyari iyon. Bago sila tumuloy sa unit ni Avery bumili muna si Natalie ng pang-peace offering. Sobrang pro
Kabado siya sa maging sagot ni Natalie sa tanong na iyon ni Gwy. Hindi niya inalis paningin niya sa mga ito lalo na't sandaling naging balisa ang pinsan niya. Nakatingin naman sa kaniya si Gwy na nakatayo sa uluhan ng lamesa at si Avery na nakaupo patalikod sa kaniya at lumingon rin at nagtanong, "Si Ace? May disorder din?" Awkward na tumikhim si Natalie at nangingiusap ang matang tumingin sa kaniya saka sinabi nito, "Yes." Kahit ganoon ang sagot ng pinsan niya, kahit kabado siya alam niyang mapagkatiwalaan pa rin niya ito at talagang nagtitiwala pa rin siya. "Anong klaseng disorder?" tanong pa ni Ave. Si Gwy ay titig na titig na sa kaniya. Sumagot si Natalie ng, "Saltik disorder." Dahil sa sagot nito, animo'y na-scam ang dalawang tumingin kay Natalie. Sandaling nagkatitigan saka tumawa. Nakahinga siya nang maluwag dahil doon at awkward na ngumiti saka sinabi na lang, "Maya ka sa akin Nat." Saka nagbigay pa si Natalie ng rason kung bakit Saltik disorder ang sakit niya dahilan ng
Nangibabaw ang sensasyon sa buong katawan ni Gwy. Kasalukuyan siyang nagtatas-baba sa ibabaw ni Ace na ngayon ay nagpapawis na at namumula ang tenga, dahil sa init na nararamdaman. Hinayaan siya nitong kumilos, hinayaan siya sa kahit anong motion ang gagawin. Hinawakan niya braso nito at diniin sa kama. Tila ba'y sa kanilang dalawa siya na ang mas dominant sa pagkakataong ito. Gusto niya ang ganitong posisyon, at wala itong ginawa kundi ang sambitin ng paulit-ulit ang pangalan niya. "I love you, Gwy..." bulong nito na may kaakibat ng pag-groan. "Mahal mo ako dahil masarap ako?" asar niyang tanong, hinihingal at pinagpapawisan pero nagawa niyang humagikhik. "Both..." Lumunok ito sandali. "Masarap at mahal kita period." Natawa siya sa sinabi nito. Dahil doon binilisan niya ang pagkilos. Nakaramdam siya ng pagod pero ayaw niyang huminto, ito naman panay ang mura ng shít o kung anu-ano pang cuss words. Pigang-piga nito ang bawat umbok sa katawan niya. Hinayaan niyang kuyumusin nito
Bago bumaba si Ace sa secret place niya, napapikit muna siya. Buo na ang loob niya, alisin na niya ang mga bagay na makakasira sa mental health niya. May part sa kaniya na tutol siya pero kailangan mas mangingibabaw sa kaniya ang tama. Makapangyarihan ang hallucination, at kailangan hindi siya papadaig. Sana nga kaya niyang labanan once makita niya ang mga drawing niya sa ibaba. Ito ang ikalawang pagkakataon na bababa siya dahil kailangan hindi dahil hinahatak siya ng sensasyon. Hindi niya binuksan ang ilaw, lumuhod lang siya sa sahig ng isang tuhod lang at hinawakan ang sahig kung saan naroon ang lock screen at umilaw ito ng dim light blue at sinabing, "Activate subterranean entrance, descend to lower domain." Lumiwanag ang LED light, at bumukas ang sahig. Ang malabong liwanag na asul ay tumatagos paibaba pero hindi ganoon ka-halata. Medyo pa slant ang hagdan at kaya hindi niya makikita mula sa itaas na nakabukas ang ilaw sa ibaba. Ngunit habang humahakbang siya nasisilayan na ni
Ang daming pabaon na natanggap si Avery mula kay Gwy at sa mga kaibigan nito na naging kaibigan niya narin. Dalawang paper bag mula kay Gwy, isang paper bag naman mula kay Ace, nagbigay rin si Celestia at Natalie, ganon din si Noah. Tig-iisang paper bag mula sa mga ito. "Kita na lang tayo sa Singgapore, sakaling may transaksyon ako doon," ani Noah at sumenyas pa ng finger chat. "Me too, puntahan kita sa hospital niyo," ani naman ni Natalie kung may project ako roon. Napangiti naman siya at sinabi niyang, "Guys, uuwi rin ako dito, don't worry." "Dapat lang, lalo na sa kasal ko, subukan mo lang kalimutan," ani naman ni Ace. Sinamaan niya ito ng tingin, "Nakalimutan mo yatang kapatid ko ang aasawahin mo? Shempre hindi ako mawawala doon." Humarap siya kay Gwy, ngumiti lang ito pero may lungkot sa mga mata. "Mamimiss kita," mahinang sabi nito. Nagpatunog siya ng dila. "Tatawag ako lagi, shempre..." Piniga-piga niya ang pisngi ni Austin, "Lagi kong mamimiss itong baby na to eh."
Three weeks later. "Happy birthday, Austin!" Sumigabong ang palakpakan, puno ng decoration ng pambata ang buong paligid. Maraming mga bisita ang ilan pa ay galing ibang bansa ang ilan naman staff ng innovation at Abertoy. Gabi isinagawa ang kaarawan ni Austin, pang-isang taong gulang nito. Marami ring mga maliliit na bata, at nakita naman niya ang anak niyang nag-eenjoy makipaglaro sa mga ito. Suot nito ang costume ni Dave sa Dave and Ava, at talagang napaka-cute nitong tingnan. Takbo pa ito nang takbo, at dahil last day na ng tatlo, Avery, Simon and Shaira dito sa Pilipinas, ang tatlong ito ang naging yaya ni Austin. Sunod nang sunod ang mga ito kahit saan man tumakbo ang bata. Siya naman, inasikaso ang mga bisita na dumating. Si Ace naman ang mga business partners and friends naman ang inatupag ng mga ito. Sobrang dami rin ng natanggap na regalo ng anak niya. Kahit saan siya tumingin, puro mukha ni Austin ang nakikita niya. Marami kasing photoshoot itong hinarap bago mang
Tila bumalik sa nakaraan si Ace, nakikita niya ang kaniyang sarili mula noong bata pa. Bawat birthday niya, noong mga panahong nag-aaral siya, elementary, highschool, college. Sumagi rin ang hindi kaaya-ayang pangyayari, that's Avery noong gínáhásá ito. Hanggang sa may nakilala siyang babae, ang pangalan nito ay Gwyneth, lahat ng nakaraang iyon, naalala niya, umalis ito, nasaktan siya. Naalala rin niya noong mga panahong inatake siya ng OCD. Kung paano niya ito tinago hangang sa nalaman ni Gwy. Naaksidente siya, nawalan ng ala-ala, after two years nagpakita si Gwyneth sa kaniya at may anak nila, ang pangalan nito ay Austin at kung kailan okay na sila kahit wala siyang naalala may masamang nangyari. Saktong pagbangga ng truck sa sasakyan nila nagmulat siya ng mga mata. Puting kisame ang nakita niya, at narinig niya ang umi-echo na boses, "Ace?" Malabo pa ang paningin niya kaya pigura lang ng babae ang nakita niya. Nagtanong siya, "Who are you?" Kinikilala niya ang pigura ng babae,
Pagkatapos matamaan ni Avery si Tatiana sa balikat, naging alerto siya dahil tumakbo ito kahit nasasaktan. Nangibabaw ang iyak ng anak nito, rinig niya ang daíng ni Diether, at lumapit naman ang mga katulong sa mga ito. Siya naman, may hawak siyang projector, paborito niyang projector iyon, palaka lover kasi siya. Binuksan niya ito, pinatama niya sa sahig ang ilaw na dadaanan ni Tatiana. "Saan ka pupunta ha?" aniya, lumakas ang tili ng babae nang makita ang reflection ng mga palakang gumagapang sa sahig. Napaupo ito at umatras pa. "Akala mo ba nakalimutan ko na ang kahinaan mo, Samantha?""Alisin mo iyan!" tili nito, at nagpasya na lang na magtakip ng mga mata. Kung saan-saan ito nagpapaputok ng baril at panay naman ang yuko nila. Puno ng sigawan ang loob ng mansion, at para tumigil ito, pinatamaan niya ito ng bala sa braso. Nabitawan nito ang baril at dahil nagtatakip ito ng mata lumapit rito ang tauhan niya at kinuha ang baril.Tumayo siya, nakabukas pa rin ang projector at nakatu
Sobrang higpit ang hawak ni Avery sa manibela ng sasakyan niya. Halos paliparin niya rito pabalik sa mansion nila. Sumasagi sa isipan niya ang lahat ng nangyari, ang araw na gínáhásá siya, kahit anong advice psychiatrist sa kaniya na kalimutan na ang pangyayaring iyon hindi iyon mangyayari.Naalala niya ang mga araw na kulang na kulang si Tatiana bilang ina sa kaniya. Naghihirap siya kahit sa harapan nito, pero pinili nitong maging bingi sa mga daing niya. Ngayon, na nakuha na niya ang pagmamahal sa kapatid niya, may minahal na rin siya at iyon ang pamangkin niya, mga ito pa talaga ang sinaktan ng nanay niya. Masama ang titig niya sa kalsada, pero may mga lumalabas na mga luha sa kaniyang mga mata. Hinayaan niyang tumulo lamang ang mga iyon. Magkahalo ang takot at galit na nararamdaman niya. Naiiyak siya sa tuwing naalala niya ang kalagayan ni Gwyneth, lalo na't naranasan ni Austin ang ganoong pangyayari sa sobrang bata ng edad. Anak pala siya ni Samantha Hulterar. Mahirap tanggapin
Bumaba sila mula sa Fourth floor, sa sobrang sabik na makita ang laman ng USB naglalakad siyang bumubulong, "I need laptop, I need laptop."Halos hindi na niya alintana ang mga taong nakakasalubong at nadaanan niya. Sumasabay lang sa lakad niya si Deither na nababalisa. Nagulat na lang siya may babaeng tumayo sa harap niya. "Dad..." Pagtingin niya rito, si Avery at nakatingin ito sa ama. Napatitig siya sa dalaga at habang tinititigan niya ito, saka lang niya nare-realize ang hawig nito kay Samantha. "W-Wha..." halos hindi niya masambit ang salitang what, hindi niya alam ang dapat i-react. "Anong ginagawa mo dito, Ave? Hindi ba't sumama ka sa kanila?" pagalit na tanong ni Diether na pinipilit lang din kumalma. Nag-pipisil ito nagkamao na nakaharap sa ama. Naiiyak na naman habang sinasabi, "I just thought, what if kausapin natin si Mom? Tanungin natin siya sino ba talaga ang kaaway niya—""Ave..." Deither groaned. "Dad, hindi natin pwedeng baliwalain ito! Hindi pwedeng walang may m
Takot man si Mark para kay Ace, ngunit mas pinili niyang mag-tiwala. Pinahatid niya sa mansion si Hemera, Avery at mga pinsan nito kasama ang bata. Nagpaiwan si Natalie at Celestia sa hospital, si Noah sumama sa mga ito, ang asawa niya naghintay ng resulta para kay Ace at si Deither, sinama niya. Kung ano man ang sasabihin ng babaeng iyon, deserve nitong malaman dahil nadamay rito ang anak. Binalik lang nila dito sa SLV ang babae, ngunit naka-private room ito at kasalukuyang binabantayan. Umakyat sila sa fourth floor, sunod lang si Diether sa kaniya habang nag-uusap tungkol sa nangyari. "Ilang beses kong tinanong si Tatiana kung sino ang kalaban niya, puro wala ang sagot na nakukuha ko." "Pero laging rason ng mga taong nananakit sa mga anak mo ay siya, dahil sa kaniya," katwiran niya pero naintindihan niya ang rason nito. "Kung may kaaway man siya, sigurado ako sa sugal iyon. Laging nauubos ang pera niya dahil sa sugal," anito. "Eagles-Bet?" tanong niya. "Hindi," sagot nito. "Hi
Halos hindi na ni Mark makikita ang daan sa bilis ng takbo ng kaniyang sasakyan. Nakikipagkarera rin pati ang mga executive assistants niya, dalawang sasakyan ang gamit ng mga ito. Matapos niyang marinig ang boses ni Ace na tila naghihingalo, at boses ng batang umiiyak, may pútúkan na nangyari. Patunay, naabutan iyon ng mga tauhan niya. Nang sabihin ng babae kanina na nanganganib ang buhay ng apo niya, agad siyang nagpadala ng mga tauhan upang salubungin sila Ace sa pag-uwi ng mga ito ngunit nahuli na yata sila.Nagmamaneho pa lang, halos masisiraan siya ng bait, tinawagan niya ang kambal niya at sinabi ang nangyari, nagmakaawa siya ng tulong. Hindi rin ito nag-atubiling magsabi ng, "Sige papunta na ako.""Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Diether!" Halos iuntog niya ang ulo niya sa manibela. Tunay na humahagulhol siya sa sobrang takot, pag-alala para sa anak niya at sa mag-ina nito. Inaalala niya ang bata, kahit konting sugat lang halimbawa meron ito, hindi niya kaya. Nadudurog siy
Biyahe papuntang Sansmith Residence puno ng saya ang loob ng sasakyan. Nagmamaneho si Ace, habang siya naman, nasa kandungan niya si Austin. Sumasabay sa kanta ng tugtugin ang ama, sumasayaw naman ang ulo ng anak. Habang sinusulyapan ni Ace ang anak, tumatawa ito dahil sa tuwa. Napatingin naman siya sa labas, malapit na mag-kulay kahel ang kalangitan, huminto naman sa pagkanta si Ace at nagtanong, "May gusto ka bang bilhin?" Nagpasingkit siya ng mga mata, nag-isip, maya-maya sinabi, "Anong magandang pasalubong kay Grandma?" tanong niya. Nag-isip naman ito. "Hmm...cake?"Tumango siya at sinabing, "Pwede na rin. Daan tayo."Agad itong lumiko ng daan, at sinulyapan pa ang anak. "May tanong ako," sabi pa nito. Tumingin naman siya at tumingin rin ito sa kaniya upang alamin kung payag ba siya na magtanong ito at nagtanong agad, "Anong full name ni Austin?"Napaawang ang mga labi niya lalo na't hindi Sansmith ang apelyido ng bata. Nagsalita siya, "Apelyido niya ang gamit ko since—""Nain