Binalot ng lamig dulot ng takot ang buong katawan ni Gwy nang makita niya si Ace na sinasakyan ang ama. Makikita niya sa mga mata ng ama nito ang sobrang pag-alala, tila takot na rin na hindi niya inasahang makita. "Balik sa taas!" Sigaw nito, ngunit siya napagala ang paningin sa paligid. Napanganga na lang siya, napatakip ng dalawang kamay sa bunganga nang makita niya ang hindi kaaya-ayang mga litrato—mali, drawing na nakadikit sa pader ang ilan sa mga ito ay nasa sahig. Siya iyon, walang saplot, at may mga malalaswang posisyon, sitwasyon, ginagawa sa sarili, at ang hindi niya kinaya ay ang drawing na nakatali siya. Sa sobrang gulat, tumili siya nang malakas, at doon nakuha niya ang attention ni Ace. Pawis na pawis ang lalaki at sa nakikita niya rito, wala ito sa katinuan. "Gwy, akyat sa taas!" sigaw pa ni Mark. Napaatras siya na nakatitig kay Ace. Sa lakas ng kabog ng dibdib niya halos hindi na siya makahinga lalo na't humakbang si Ace at mabilis itong niyapos ng ama mula sa lik
May dugong lumabas na mula sa ulo ni Ace. Hindi rin niya alam kung saan niya hahawakan ang anak niya. "Ace! Son! Stay with me, please! Naririnig mo ba ako? Son!" Nanginginig ang mga kamay niyang hindi rin alam kung dapat bang hawakan niya ang mukha nito dahil baka may mga sensitibong ugat o sugat siyang masasagi. Hindi siya sigurado pero gusto niya itong yakapin at talagang binabalot ng takot ang buo niyang pagkatao. Ang iba niyang guards ay hinabol ang sasakyan na nag-hit and run kay Ace. Siya naman halos nawawalan na ng kakayahang mag-desisyon. Hagulhol lang siya nang hagulhol sa tabi ng anak. Ang isang guard naman ay hinawakan ang pulsuhan sa leeg ni Ace at sinabing, "Buhay pa siya, Sir." Tumangu-tango siya habang umiiyak. "Of course, he can't die." "Kumuha kayo ng stretcher," utos ng isa sa pinagkakatiwalaan niyang guard. Isa rin itong body guard ni Ace noon. May mga kumilos rin para doon, siya naman paulit-ulit na sinisisi ang sarili. Tinusuntok ang noo, nagagalit sa...sa
Bente-kwatro oras na ang lumipas, hindi pa rin nagising si Ace at inasahan na niya ito. Pakiramdam niya, nasira ang pamilya niya sa isang iglap lang. Ngayon, nakatitig siya sa asawa niyang natutulog na nakayuko sa higaan niya. Talagang ayaw nitong iwan ang anak, at nasasaktan siya sa nakikita niya. May bendahe ang ulo ni Ace, maging ang kamay nito at mga paa. Hindi niya akalain na makikita niya itong may nakakabit na oxygen sa katawan. Napahilot siya sa ulo niya, at tumayo na lang. Walang mangyayari kung mananatili lang siyang nakatitig sa mga ito. Lumabas siya ng kwarto at saktong tumunog ang phone niya. Isa sa mga tauhan niyang nag-iimbistiga sa sasakyang nag-hit and run kay Ace ang tumawag. Pasimple niya itong sinagot at agad na bungad na tanong niya ay, "Anong balita.""Boss, ang sasakyan nasa junkyard na eh. Durog na," anito. Napapikit siya dulot ng pagkadismaya. "Hindi man lang kayo nagtanong kung sino ang naglagay doon?" Sumagot ito sa kabilang linya, "Walang alam ang supe
Nagkamali si Gwy ng hiningian ng tulong. Dalawang araw na siyang nakakulong sa isang kwarto. Nakagapos ang kamay at paa na nakaupo sa kama. Pati bibig niya may busal kaya kahit anong pilit niyang pagsigaw walang may makakarinig sa kaniya. Sa oras naman ng pagkain, hindi niya rin magawang sumigaw alisin ang busal sa bibig niya. Tinututukan siya ng kutsilyo na sakaling sumigaw siya patay siya. Mas gusto niyang mabuhay kaya sumusunod na lang siya. Halos hindi na siya nilulubayan ng takot. Bawat yapak na maririnig niya sa labas natatakot siya. Wala pa namang may ginawang masama ang mga lalaking iyon sa kaniya, maliban sa kinulong lang siya sa kwarto at ginapos. Ngunit ngayon, bumukas ulit ang pinto. Bumaluktot siya sa gilid ng kama na nanginginig at umiiyak sa takot. Pumasok ang dalawang lalaki, ang isa ay maghawak na tila kulay pink na bistida. Ang isa naman ay lumapit sa kaniya."Gusto mong lumabas dito?" tanong pa ng lalaki. Tinititigan lang niya ito habang tumutulo ang mga luha s
Sa una, hinayaan siyang magpahinga ng pamilya niya. As usual hindi siya pinansin ni Tatiana. Kahit si Avery parang hindi kilala ng ina, at nakikita niya sa mga mata ng kapatid niya na nasasaktan ito pero mas pinili nitong bigyan siya ng attention. Nakaupo siya sa kama, at nasa tabi niya ito. Hinawakan nito ang kamay niya, habang may tumutulong luha sa mga mata nito. "Sobrang..." mahinang sabi nito, "...natakot ako nang tatlong araw kang nawala, actually apat." Nagpigil ito sa pag-iyak pero hindi ito nagtagumpay kaya nangibabaw ang hikbi nito. "Akala ko mararanasan mo rin ang naranasan ko." Muli siyang napaiyak. Piniga niya nang bahagya ang kamay nito, at napatingin sa luhaan nitong mga mata. "Akala ko rin..." Ngunit sumagi sa isipan niya ang mga drawing ni Ace. "...pero parang naranasan ko lang." Nagpunas siya ng luha. Huminga ito nang malalim tila sinisikap na pigilan ang pag-iyak para makapagsalita nang maayos. "Sorry..." Napakunot ang noo niya sa sorry nito. Ngunit nagpatuloy it
"Singgapore, Dad?!" bulalas niya nang kausapin sila ng kanilang ama na ipapadala sila sa Singapore through private plane. Tumango ito at napatingin siya kay Ave. Kitang-kita niya sa reaction nito ang tila hindi sang-ayon pero nagsalita ang daddy nila. "Naintindihan ko na ayaw mong umalis—ninyo—pero tama ang lalaking nag-hatid sa'yo dito, Gwy...kailangan ko kayong itago.""But why Singgapore, Dad?" tanong ni Ave, halatang frustrated. Tumingin ang daddy nila dito. "Bakit nga ba singgapore, Avery? May kapatid pa ba akong alam mong nasa ibang bansa?"Napakunot ang noo niya. So ibig sabihin, hindi nag-iisa ang daddy niya, may tiyahin or tiyuhin pa sila at nasa singgapore ito. "We can stay here, Dad. You can protect us," ani Avery. Napapikit ang daddy nila at tumingin rito. Pinagsalikupkop nito ang mga kamay, at nakapatong sa mga tuhod ang mga siko nitong nakaupo sa couch sa harapan nila. Kasalukuyan kasi silang nasa sala. "Actually, I can't, wala akong tiwala sa mommy mo pagdating kay
Pagtaas ng Abertoy private plane manghang-mangha siyang napatingin sa ibaba. Nakikita niya ang clouds, sa ilalim, at hindi na niya naiwasang nagsalita, "When I was young, I had a great curiosity about clouds and how water could float in the air."Natawa ito at nagsalita, "Me too. I love science at masarap ma-curious. May time nga na natatanong ko sa sarili ko, why can't I see the air?" Tumingin siya ritong natatawa at nagpatuloy lang ito sa pagsasalita, "Then time over, habang nadadagdagan ang edad ko, maliban sa sagot na ito ay dahil sa magkahalong nitrogen, oxygen, many more kind of gases...at napatanong na naman, ng 'why do these things exist?' I ended up exemplifying this with the word worth versus mistakes." Ramdam niyang huhugot ito kaya napatango siya tanda na willing makinig. Nagpatuloy ito, "Imagine, sometimes when you do something good, all you get is a simple thank you. Sometimes it's invisible like air. Alam mo iyong..." Naningkit ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya
Ilang oras lang ang tagal ni Avery sa hospital. Dinala sila ng mga ito sa isang mansion na sa gate nito, mababasa ang Morgenthorn Residence. Napakunot ang noo niya, ang pangalan kasi ng nasa gate parang pang-fantasy. Tila napansin ni Simon ang reaction niya kaya nagsalita ito, "That's our surname, sounds magical, isn't it?" Tumango siyang natatawa since sang-ayon siya kaya dumugtong ito, "That's why ladies flock, seeking my hand, for my surname's unmatched uniqueness."Nakaamoy siya ng makulit na kayabangan rito at sumingit din ang kapatid na si Shaira na nasa tabi niya, "He's a ripe 22, still without a girlfriend." She scoffed at sinabihan ang kapatid, "Seeking your hand, for your surname, brother? Sorry, but I can't help feeling a pang of pity when I hear your braggadocious words." Napalakas ang tawa niya, pati daddy ng mga ito ay natawa rin. Nagsalita rin si Avery, "He hasn't changed, huh." Sumagot si Shaira, "Even after years apart, he remains a foolish hare, proudly donning th
Ang daming pabaon na natanggap si Avery mula kay Gwy at sa mga kaibigan nito na naging kaibigan niya narin. Dalawang paper bag mula kay Gwy, isang paper bag naman mula kay Ace, nagbigay rin si Celestia at Natalie, ganon din si Noah. Tig-iisang paper bag mula sa mga ito. "Kita na lang tayo sa Singgapore, sakaling may transaksyon ako doon," ani Noah at sumenyas pa ng finger chat. "Me too, puntahan kita sa hospital niyo," ani naman ni Natalie kung may project ako roon. Napangiti naman siya at sinabi niyang, "Guys, uuwi rin ako dito, don't worry." "Dapat lang, lalo na sa kasal ko, subukan mo lang kalimutan," ani naman ni Ace. Sinamaan niya ito ng tingin, "Nakalimutan mo yatang kapatid ko ang aasawahin mo? Shempre hindi ako mawawala doon." Humarap siya kay Gwy, ngumiti lang ito pero may lungkot sa mga mata. "Mamimiss kita," mahinang sabi nito. Nagpatunog siya ng dila. "Tatawag ako lagi, shempre..." Piniga-piga niya ang pisngi ni Austin, "Lagi kong mamimiss itong baby na to eh."
Three weeks later. "Happy birthday, Austin!" Sumigabong ang palakpakan, puno ng decoration ng pambata ang buong paligid. Maraming mga bisita ang ilan pa ay galing ibang bansa ang ilan naman staff ng innovation at Abertoy. Gabi isinagawa ang kaarawan ni Austin, pang-isang taong gulang nito. Marami ring mga maliliit na bata, at nakita naman niya ang anak niyang nag-eenjoy makipaglaro sa mga ito. Suot nito ang costume ni Dave sa Dave and Ava, at talagang napaka-cute nitong tingnan. Takbo pa ito nang takbo, at dahil last day na ng tatlo, Avery, Simon and Shaira dito sa Pilipinas, ang tatlong ito ang naging yaya ni Austin. Sunod nang sunod ang mga ito kahit saan man tumakbo ang bata. Siya naman, inasikaso ang mga bisita na dumating. Si Ace naman ang mga business partners and friends naman ang inatupag ng mga ito. Sobrang dami rin ng natanggap na regalo ng anak niya. Kahit saan siya tumingin, puro mukha ni Austin ang nakikita niya. Marami kasing photoshoot itong hinarap bago mang
Tila bumalik sa nakaraan si Ace, nakikita niya ang kaniyang sarili mula noong bata pa. Bawat birthday niya, noong mga panahong nag-aaral siya, elementary, highschool, college. Sumagi rin ang hindi kaaya-ayang pangyayari, that's Avery noong gínáhásá ito. Hanggang sa may nakilala siyang babae, ang pangalan nito ay Gwyneth, lahat ng nakaraang iyon, naalala niya, umalis ito, nasaktan siya. Naalala rin niya noong mga panahong inatake siya ng OCD. Kung paano niya ito tinago hangang sa nalaman ni Gwy. Naaksidente siya, nawalan ng ala-ala, after two years nagpakita si Gwyneth sa kaniya at may anak nila, ang pangalan nito ay Austin at kung kailan okay na sila kahit wala siyang naalala may masamang nangyari. Saktong pagbangga ng truck sa sasakyan nila nagmulat siya ng mga mata. Puting kisame ang nakita niya, at narinig niya ang umi-echo na boses, "Ace?" Malabo pa ang paningin niya kaya pigura lang ng babae ang nakita niya. Nagtanong siya, "Who are you?" Kinikilala niya ang pigura ng babae,
Pagkatapos matamaan ni Avery si Tatiana sa balikat, naging alerto siya dahil tumakbo ito kahit nasasaktan. Nangibabaw ang iyak ng anak nito, rinig niya ang daíng ni Diether, at lumapit naman ang mga katulong sa mga ito. Siya naman, may hawak siyang projector, paborito niyang projector iyon, palaka lover kasi siya. Binuksan niya ito, pinatama niya sa sahig ang ilaw na dadaanan ni Tatiana. "Saan ka pupunta ha?" aniya, lumakas ang tili ng babae nang makita ang reflection ng mga palakang gumagapang sa sahig. Napaupo ito at umatras pa. "Akala mo ba nakalimutan ko na ang kahinaan mo, Samantha?""Alisin mo iyan!" tili nito, at nagpasya na lang na magtakip ng mga mata. Kung saan-saan ito nagpapaputok ng baril at panay naman ang yuko nila. Puno ng sigawan ang loob ng mansion, at para tumigil ito, pinatamaan niya ito ng bala sa braso. Nabitawan nito ang baril at dahil nagtatakip ito ng mata lumapit rito ang tauhan niya at kinuha ang baril.Tumayo siya, nakabukas pa rin ang projector at nakatu
Sobrang higpit ang hawak ni Avery sa manibela ng sasakyan niya. Halos paliparin niya rito pabalik sa mansion nila. Sumasagi sa isipan niya ang lahat ng nangyari, ang araw na gínáhásá siya, kahit anong advice psychiatrist sa kaniya na kalimutan na ang pangyayaring iyon hindi iyon mangyayari.Naalala niya ang mga araw na kulang na kulang si Tatiana bilang ina sa kaniya. Naghihirap siya kahit sa harapan nito, pero pinili nitong maging bingi sa mga daing niya. Ngayon, na nakuha na niya ang pagmamahal sa kapatid niya, may minahal na rin siya at iyon ang pamangkin niya, mga ito pa talaga ang sinaktan ng nanay niya. Masama ang titig niya sa kalsada, pero may mga lumalabas na mga luha sa kaniyang mga mata. Hinayaan niyang tumulo lamang ang mga iyon. Magkahalo ang takot at galit na nararamdaman niya. Naiiyak siya sa tuwing naalala niya ang kalagayan ni Gwyneth, lalo na't naranasan ni Austin ang ganoong pangyayari sa sobrang bata ng edad. Anak pala siya ni Samantha Hulterar. Mahirap tanggapin
Bumaba sila mula sa Fourth floor, sa sobrang sabik na makita ang laman ng USB naglalakad siyang bumubulong, "I need laptop, I need laptop."Halos hindi na niya alintana ang mga taong nakakasalubong at nadaanan niya. Sumasabay lang sa lakad niya si Deither na nababalisa. Nagulat na lang siya may babaeng tumayo sa harap niya. "Dad..." Pagtingin niya rito, si Avery at nakatingin ito sa ama. Napatitig siya sa dalaga at habang tinititigan niya ito, saka lang niya nare-realize ang hawig nito kay Samantha. "W-Wha..." halos hindi niya masambit ang salitang what, hindi niya alam ang dapat i-react. "Anong ginagawa mo dito, Ave? Hindi ba't sumama ka sa kanila?" pagalit na tanong ni Diether na pinipilit lang din kumalma. Nag-pipisil ito nagkamao na nakaharap sa ama. Naiiyak na naman habang sinasabi, "I just thought, what if kausapin natin si Mom? Tanungin natin siya sino ba talaga ang kaaway niya—""Ave..." Deither groaned. "Dad, hindi natin pwedeng baliwalain ito! Hindi pwedeng walang may m
Takot man si Mark para kay Ace, ngunit mas pinili niyang mag-tiwala. Pinahatid niya sa mansion si Hemera, Avery at mga pinsan nito kasama ang bata. Nagpaiwan si Natalie at Celestia sa hospital, si Noah sumama sa mga ito, ang asawa niya naghintay ng resulta para kay Ace at si Deither, sinama niya. Kung ano man ang sasabihin ng babaeng iyon, deserve nitong malaman dahil nadamay rito ang anak. Binalik lang nila dito sa SLV ang babae, ngunit naka-private room ito at kasalukuyang binabantayan. Umakyat sila sa fourth floor, sunod lang si Diether sa kaniya habang nag-uusap tungkol sa nangyari. "Ilang beses kong tinanong si Tatiana kung sino ang kalaban niya, puro wala ang sagot na nakukuha ko." "Pero laging rason ng mga taong nananakit sa mga anak mo ay siya, dahil sa kaniya," katwiran niya pero naintindihan niya ang rason nito. "Kung may kaaway man siya, sigurado ako sa sugal iyon. Laging nauubos ang pera niya dahil sa sugal," anito. "Eagles-Bet?" tanong niya. "Hindi," sagot nito. "Hi
Halos hindi na ni Mark makikita ang daan sa bilis ng takbo ng kaniyang sasakyan. Nakikipagkarera rin pati ang mga executive assistants niya, dalawang sasakyan ang gamit ng mga ito. Matapos niyang marinig ang boses ni Ace na tila naghihingalo, at boses ng batang umiiyak, may pútúkan na nangyari. Patunay, naabutan iyon ng mga tauhan niya. Nang sabihin ng babae kanina na nanganganib ang buhay ng apo niya, agad siyang nagpadala ng mga tauhan upang salubungin sila Ace sa pag-uwi ng mga ito ngunit nahuli na yata sila.Nagmamaneho pa lang, halos masisiraan siya ng bait, tinawagan niya ang kambal niya at sinabi ang nangyari, nagmakaawa siya ng tulong. Hindi rin ito nag-atubiling magsabi ng, "Sige papunta na ako.""Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Diether!" Halos iuntog niya ang ulo niya sa manibela. Tunay na humahagulhol siya sa sobrang takot, pag-alala para sa anak niya at sa mag-ina nito. Inaalala niya ang bata, kahit konting sugat lang halimbawa meron ito, hindi niya kaya. Nadudurog siy
Biyahe papuntang Sansmith Residence puno ng saya ang loob ng sasakyan. Nagmamaneho si Ace, habang siya naman, nasa kandungan niya si Austin. Sumasabay sa kanta ng tugtugin ang ama, sumasayaw naman ang ulo ng anak. Habang sinusulyapan ni Ace ang anak, tumatawa ito dahil sa tuwa. Napatingin naman siya sa labas, malapit na mag-kulay kahel ang kalangitan, huminto naman sa pagkanta si Ace at nagtanong, "May gusto ka bang bilhin?" Nagpasingkit siya ng mga mata, nag-isip, maya-maya sinabi, "Anong magandang pasalubong kay Grandma?" tanong niya. Nag-isip naman ito. "Hmm...cake?"Tumango siya at sinabing, "Pwede na rin. Daan tayo."Agad itong lumiko ng daan, at sinulyapan pa ang anak. "May tanong ako," sabi pa nito. Tumingin naman siya at tumingin rin ito sa kaniya upang alamin kung payag ba siya na magtanong ito at nagtanong agad, "Anong full name ni Austin?"Napaawang ang mga labi niya lalo na't hindi Sansmith ang apelyido ng bata. Nagsalita siya, "Apelyido niya ang gamit ko since—""Nain