Kinabukasan, since target nila ang may-ari ng crescent moon logo kailangan nilang ipakita kay Lucas na bakasyon ang pakay nila sa Baguio. Wala naman silang balak maging masikreto sa half British na iyon, ayaw lang nilang maging obvious na hustisya ang hanap nila para iwas usisa na rin. Kasalukuyan silang nag-gala sa pinakasikat na spot ng Baguio, ang Burnham Park. Talagang masipag si Lucas mag-tour, nirekomenda rin nito sa kanila ang strawberry taho kaya iyon ang kasalukuyan nilang kinakain. Nag-hanap sila ng lugar na pagpahingaan sandali dahil panay ikot lang sila at kuha nang kuha ng litrato. Ilang mensahe rin ang natanggap niya kay Celestia at Natalie at kahit isa sa mga ito hindi pa niya nireplyan lalo na't panay ang post nila ni Avery ng mga memorable pictures nila sa kanilang mga socials."There are many more beautiful places you can visit here in Baguio. There are adventurous activities if you like heights, there is a tree top near the manor," pagdadaldal na naman ni Lucas.
"Naku, si Sir Piltores ang pinalitan ni Lucas. Isa pong teacher, sa malapit na eskwelahan lang dito, alam po ni Lucas iyon," ani ng care taker na kinausap nila. "Basta hanapin niyo lang Marco Piltores." Nagkatinginan sila. Si Ace naman ay muling kinausap ang care taker at sinabing, "Thank you so much, Madame!" Tumango ang babae at talagang abot tenga ang ngiti. Bumulong-bulong pa ito, pero nasa harapan nila, "Ang bi-bigtime niyo tingnan." Tumango ito at sinabing, "Walang anuman, Sir. Subukan niyo lang mag-excuse sa school, medyo strict sila, private kasi iyon." Umalis sila sa colorful houses upang puntahan ang eskwelahan na sinasabi ng care taker. Hindi pa naman masyadong matanda iyon at mukhang may anak na babae at studyante pa lang base sa mga frames na nakikita nila sa tirahan nito. Sa loob ng sasakyan nagsalita siya, "Kung isa siyang teacher, parang ang labo na siya talaga ang hinahanap natin." Huminga nang malalim si Avery na nasa tabi niya at tumango. Nagsalita rin si Ace,
"Pasensya na sir, pero bawal po talaga ibigay ang mga impormasyon ng mga naging tenant ng apartment. Ayos lang sana kung police station ito, allowed po ang ganoon," ani pa ng care taker, talagang nagmamatigas ito kahit anong pilit nila. Siya na ang nakiusap, "Manang mahalaga po kasi ito sa amin. Importante po talaga na makilala namin ang may-ari ng libro na ito." Dinutdot niya ang light blue na libro kung saan nasa loob nakaipit ang logo ng crescent moon. "Ma'am, care taker lang po ako dito..." paglinaw nito. Ramdam niya ang frustration ni Avery sa kaniyang likuran. "Manang, ano ba ang pwede namin gawin para mapapayag ka namin?" tanong naman ni Ace. Napatingin sa kaniya ang ali, palipat-lipat pa sa kanilang dalawa at frustrated din itong nagsalita, "Wala kayong pwedeng gawin, sir. Trabaho ko po na protektahan ang identity ng mga former tenant namin.""Manang binigay mo na sa amin ang kay sir Piltores eh," angal niya, nagmamakaawa na. "Eh akala ko naman kasi kilala niyo siya nagta
Naisip ni Avery, Gwy is right. Mapang-asar si Lucas oo, naiinis siya oo, mayabang kasi ito lalo na kung silang dalawa lang ngunit kanina, matapos niya itong barahin hindi na ito nagtanong pa. Sunod na lang ito nang sunod sa mga plano nila at mahirap iyon para dito. Silang tatlo nakakaintindi sa ginagawa nila habang itong si Lucas, clueless. Clueless nga ba? Alam niya na ang sinasabi ni Gwy ay pakisamahan lang niya nang maayos ang lalaki, pero out of place pa rin ito sa kanilang tatlo hangga't wala itong alam. Kaya tinawag niya ito at nagtanong, "Can we talk?" Nasa labas na ito ng bahay, si Ace kasi kasalukuyang kausap ang tiyohin sa loob. Iyon ang rason ni Lucas kung bakit ito lumabas sa sariling teritoryo. Parang sila pa naging rule sa bahay nito. Lumabas din siya, ilang hakbang lang naman dahil hindi naman mansion ang apartment nito. Paglabas kasi nila, terasa na, may barandilya proteksyon lang nito para walang may madisgrasya. Sa kaliwa nila hagdan na iyon pababa at kapag tumingi
Unang numero na tinawagan nila ni Ace ay hindi nag-claim ng libro, ganon din ang pangalawa at tinatawagan na ni Ace ang pangatlo nang biglang may barakong boses pero malamyang nangibabaw mula sa labas, "Hello! Hello!" Sabay silang napatingin ng kaniyang boyfriend doon. At nakita nila ang baklang kumakaway sa kanila sa loob pero parang tinutulak ni Lucas paalis at ang sabi pa nito. "Ako pala ang jowa ni Lucas." Napatingin siya kay Ace at si Ace ay napatingin sa kaniya. "What did he say?""Jowa daw siya ni Lucas," sagot naman niya bilang pagklaro. Napahaba naman ang leeg ni Ace na tumingin sa labas. Ang sabi naman ni Lucas. "Anong jowa?" Nakita niyang binabaan nito ng tingin ang harapan ng bakla. "May...may ano ka! Doon ka nga! Baba!" Tinulak-tulak nito ang bakla. Natawa naman siya, pero tinakpan ni Ace ang bibig niya at binulongan siya. "Wag kang tumawa baka totoo." Inalis niya ang kamay ni Ace sa bibig niya at bumulong din, "Mukhang hindi naman.""Bakit ka natatawa?" tanong ng bak
Mahaba rin pala ang listahan ni Lucas sa errand nito. Ngayon iyon ang kasalukuyan nilang tinitingnan. Nakapalibot na sila sa bilog na lamesa sa sala nito. Hanggang tuhod lang naman iyon. Sila ni Ace nasa couch, si Avery nagpasyang umupo sa sahig ngunit ginamit nito ang unan, sa harapan naman nila ni Ace nakaupo rin si Lucas katulad sa ginawa ni Avery. "I ran an errand to collect that not-so-big box from the caretaker and deliver it to that man then. I'm familiar with his face, but I can't quite recall his name. But once I see it written down, I'm confident that I'll remember," ani Lucas habang binubuklat nito ang listahan, hinahanap ang pangalan ng lalaking tinutukoy nito. Tumango sila, pareho tinititigan bawat buka ng bibig nito. Pero nagtanong si Ace, "From the caretaker here?"Tumingin si Lucas rito at tumango. Tila napaisip naman si Ace at saka nagsalita. "If the box came from the caretaker to that person, there is a good chance that..." Tinuro nito ang mukha ni Lucas at dumugto
Binigyan nila ng break ang kanilang mga sarili, since ang usapan ay dapat maging mautak. Tama ang tiyuhin ni Ace huwag i-underestimate ang taong target nila. Kaya naisipan nilang bigyan rin ng time ang mga sarili habang hinihintay ang errand ng mga kailangan nila mula sa daddy nito.Sa Baguio, may sikat na market sa Horizon road tuwing gabi, katabi lang ito ng Burnham, ito ang tinatawag na Night Market. Malamig ang panahon kaya balot na balot silang pumunta doon. Hindi sanay si Avery sa maraming tao kaya naghanap sila ng spot sa Burnham Park sa mismong malapit sa lake.Umupo sila sa isang bench, makikita sa kinaroroonan nila ang market na talagang nagsisikipan ang mga tao. Panay ang tanaw ni Avery doon, talagang curious. Hindi nila kasama ang dalawang lalaki, dahil bumili ang mga ito ng makain nila, sa mismong market din na iyon. May part kasing puro pagkain lang ang naroon na iba't-ibang klase.Ngunit dahil napansin niyang tila curious si Avery, kinausap niya ito. "Gusto mo lumapit t
"Your girlfriend?" tanong ng lalaking may crescent moon tattoo kay Lucas. Halos malapit lang ang mga ito sa kanila at rinig na rinig dahil ang harang ay chainlink wire lamang of aluminum wire bilang pan-secure sa pasyalan. Sa ngayon, hawak-hawak ni Lucas ang kamay ni Avery, casual lang ang galaw nito at si Avery naman titig na titig sa lalaki. Mapapansin niya ang takot pero pilit na kinakalma ang sarili. Sumagot si Lucas, "Yeah, she's Avery." Tumango ang lalaki at naglahad ng kamay kay Avery, tila umaakto rin na walang kasalanan. "Hi, I'm Jayson." Tiningnan ni Avery ang kamay nito at tumango lang, "Nice to meet you." Napatangu-tango ang lalaki sa pag-ignore ni Avery sa kamay nito. Ang dalawang lalaking nasa likuran ng nagpakilalang Jayson ay magpakilala rin bilang, Rey and Arnel. Binulungan siya ni Ace. "Don't watch, makinig ka lang."Tinapik nito ang balikat niya at umayos siya ng upo. Napabuga siya ng hininga dahil sa tension, pinisil-pisil lang ng boyfriend niya ang kamay niy
Ang daming pabaon na natanggap si Avery mula kay Gwy at sa mga kaibigan nito na naging kaibigan niya narin. Dalawang paper bag mula kay Gwy, isang paper bag naman mula kay Ace, nagbigay rin si Celestia at Natalie, ganon din si Noah. Tig-iisang paper bag mula sa mga ito. "Kita na lang tayo sa Singgapore, sakaling may transaksyon ako doon," ani Noah at sumenyas pa ng finger chat. "Me too, puntahan kita sa hospital niyo," ani naman ni Natalie kung may project ako roon. Napangiti naman siya at sinabi niyang, "Guys, uuwi rin ako dito, don't worry." "Dapat lang, lalo na sa kasal ko, subukan mo lang kalimutan," ani naman ni Ace. Sinamaan niya ito ng tingin, "Nakalimutan mo yatang kapatid ko ang aasawahin mo? Shempre hindi ako mawawala doon." Humarap siya kay Gwy, ngumiti lang ito pero may lungkot sa mga mata. "Mamimiss kita," mahinang sabi nito. Nagpatunog siya ng dila. "Tatawag ako lagi, shempre..." Piniga-piga niya ang pisngi ni Austin, "Lagi kong mamimiss itong baby na to eh."
Three weeks later. "Happy birthday, Austin!" Sumigabong ang palakpakan, puno ng decoration ng pambata ang buong paligid. Maraming mga bisita ang ilan pa ay galing ibang bansa ang ilan naman staff ng innovation at Abertoy. Gabi isinagawa ang kaarawan ni Austin, pang-isang taong gulang nito. Marami ring mga maliliit na bata, at nakita naman niya ang anak niyang nag-eenjoy makipaglaro sa mga ito. Suot nito ang costume ni Dave sa Dave and Ava, at talagang napaka-cute nitong tingnan. Takbo pa ito nang takbo, at dahil last day na ng tatlo, Avery, Simon and Shaira dito sa Pilipinas, ang tatlong ito ang naging yaya ni Austin. Sunod nang sunod ang mga ito kahit saan man tumakbo ang bata. Siya naman, inasikaso ang mga bisita na dumating. Si Ace naman ang mga business partners and friends naman ang inatupag ng mga ito. Sobrang dami rin ng natanggap na regalo ng anak niya. Kahit saan siya tumingin, puro mukha ni Austin ang nakikita niya. Marami kasing photoshoot itong hinarap bago mang
Tila bumalik sa nakaraan si Ace, nakikita niya ang kaniyang sarili mula noong bata pa. Bawat birthday niya, noong mga panahong nag-aaral siya, elementary, highschool, college. Sumagi rin ang hindi kaaya-ayang pangyayari, that's Avery noong gínáhásá ito. Hanggang sa may nakilala siyang babae, ang pangalan nito ay Gwyneth, lahat ng nakaraang iyon, naalala niya, umalis ito, nasaktan siya. Naalala rin niya noong mga panahong inatake siya ng OCD. Kung paano niya ito tinago hangang sa nalaman ni Gwy. Naaksidente siya, nawalan ng ala-ala, after two years nagpakita si Gwyneth sa kaniya at may anak nila, ang pangalan nito ay Austin at kung kailan okay na sila kahit wala siyang naalala may masamang nangyari. Saktong pagbangga ng truck sa sasakyan nila nagmulat siya ng mga mata. Puting kisame ang nakita niya, at narinig niya ang umi-echo na boses, "Ace?" Malabo pa ang paningin niya kaya pigura lang ng babae ang nakita niya. Nagtanong siya, "Who are you?" Kinikilala niya ang pigura ng babae,
Pagkatapos matamaan ni Avery si Tatiana sa balikat, naging alerto siya dahil tumakbo ito kahit nasasaktan. Nangibabaw ang iyak ng anak nito, rinig niya ang daíng ni Diether, at lumapit naman ang mga katulong sa mga ito. Siya naman, may hawak siyang projector, paborito niyang projector iyon, palaka lover kasi siya. Binuksan niya ito, pinatama niya sa sahig ang ilaw na dadaanan ni Tatiana. "Saan ka pupunta ha?" aniya, lumakas ang tili ng babae nang makita ang reflection ng mga palakang gumagapang sa sahig. Napaupo ito at umatras pa. "Akala mo ba nakalimutan ko na ang kahinaan mo, Samantha?""Alisin mo iyan!" tili nito, at nagpasya na lang na magtakip ng mga mata. Kung saan-saan ito nagpapaputok ng baril at panay naman ang yuko nila. Puno ng sigawan ang loob ng mansion, at para tumigil ito, pinatamaan niya ito ng bala sa braso. Nabitawan nito ang baril at dahil nagtatakip ito ng mata lumapit rito ang tauhan niya at kinuha ang baril.Tumayo siya, nakabukas pa rin ang projector at nakatu
Sobrang higpit ang hawak ni Avery sa manibela ng sasakyan niya. Halos paliparin niya rito pabalik sa mansion nila. Sumasagi sa isipan niya ang lahat ng nangyari, ang araw na gínáhásá siya, kahit anong advice psychiatrist sa kaniya na kalimutan na ang pangyayaring iyon hindi iyon mangyayari.Naalala niya ang mga araw na kulang na kulang si Tatiana bilang ina sa kaniya. Naghihirap siya kahit sa harapan nito, pero pinili nitong maging bingi sa mga daing niya. Ngayon, na nakuha na niya ang pagmamahal sa kapatid niya, may minahal na rin siya at iyon ang pamangkin niya, mga ito pa talaga ang sinaktan ng nanay niya. Masama ang titig niya sa kalsada, pero may mga lumalabas na mga luha sa kaniyang mga mata. Hinayaan niyang tumulo lamang ang mga iyon. Magkahalo ang takot at galit na nararamdaman niya. Naiiyak siya sa tuwing naalala niya ang kalagayan ni Gwyneth, lalo na't naranasan ni Austin ang ganoong pangyayari sa sobrang bata ng edad. Anak pala siya ni Samantha Hulterar. Mahirap tanggapin
Bumaba sila mula sa Fourth floor, sa sobrang sabik na makita ang laman ng USB naglalakad siyang bumubulong, "I need laptop, I need laptop."Halos hindi na niya alintana ang mga taong nakakasalubong at nadaanan niya. Sumasabay lang sa lakad niya si Deither na nababalisa. Nagulat na lang siya may babaeng tumayo sa harap niya. "Dad..." Pagtingin niya rito, si Avery at nakatingin ito sa ama. Napatitig siya sa dalaga at habang tinititigan niya ito, saka lang niya nare-realize ang hawig nito kay Samantha. "W-Wha..." halos hindi niya masambit ang salitang what, hindi niya alam ang dapat i-react. "Anong ginagawa mo dito, Ave? Hindi ba't sumama ka sa kanila?" pagalit na tanong ni Diether na pinipilit lang din kumalma. Nag-pipisil ito nagkamao na nakaharap sa ama. Naiiyak na naman habang sinasabi, "I just thought, what if kausapin natin si Mom? Tanungin natin siya sino ba talaga ang kaaway niya—""Ave..." Deither groaned. "Dad, hindi natin pwedeng baliwalain ito! Hindi pwedeng walang may m
Takot man si Mark para kay Ace, ngunit mas pinili niyang mag-tiwala. Pinahatid niya sa mansion si Hemera, Avery at mga pinsan nito kasama ang bata. Nagpaiwan si Natalie at Celestia sa hospital, si Noah sumama sa mga ito, ang asawa niya naghintay ng resulta para kay Ace at si Deither, sinama niya. Kung ano man ang sasabihin ng babaeng iyon, deserve nitong malaman dahil nadamay rito ang anak. Binalik lang nila dito sa SLV ang babae, ngunit naka-private room ito at kasalukuyang binabantayan. Umakyat sila sa fourth floor, sunod lang si Diether sa kaniya habang nag-uusap tungkol sa nangyari. "Ilang beses kong tinanong si Tatiana kung sino ang kalaban niya, puro wala ang sagot na nakukuha ko." "Pero laging rason ng mga taong nananakit sa mga anak mo ay siya, dahil sa kaniya," katwiran niya pero naintindihan niya ang rason nito. "Kung may kaaway man siya, sigurado ako sa sugal iyon. Laging nauubos ang pera niya dahil sa sugal," anito. "Eagles-Bet?" tanong niya. "Hindi," sagot nito. "Hi
Halos hindi na ni Mark makikita ang daan sa bilis ng takbo ng kaniyang sasakyan. Nakikipagkarera rin pati ang mga executive assistants niya, dalawang sasakyan ang gamit ng mga ito. Matapos niyang marinig ang boses ni Ace na tila naghihingalo, at boses ng batang umiiyak, may pútúkan na nangyari. Patunay, naabutan iyon ng mga tauhan niya. Nang sabihin ng babae kanina na nanganganib ang buhay ng apo niya, agad siyang nagpadala ng mga tauhan upang salubungin sila Ace sa pag-uwi ng mga ito ngunit nahuli na yata sila.Nagmamaneho pa lang, halos masisiraan siya ng bait, tinawagan niya ang kambal niya at sinabi ang nangyari, nagmakaawa siya ng tulong. Hindi rin ito nag-atubiling magsabi ng, "Sige papunta na ako.""Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Diether!" Halos iuntog niya ang ulo niya sa manibela. Tunay na humahagulhol siya sa sobrang takot, pag-alala para sa anak niya at sa mag-ina nito. Inaalala niya ang bata, kahit konting sugat lang halimbawa meron ito, hindi niya kaya. Nadudurog siy
Biyahe papuntang Sansmith Residence puno ng saya ang loob ng sasakyan. Nagmamaneho si Ace, habang siya naman, nasa kandungan niya si Austin. Sumasabay sa kanta ng tugtugin ang ama, sumasayaw naman ang ulo ng anak. Habang sinusulyapan ni Ace ang anak, tumatawa ito dahil sa tuwa. Napatingin naman siya sa labas, malapit na mag-kulay kahel ang kalangitan, huminto naman sa pagkanta si Ace at nagtanong, "May gusto ka bang bilhin?" Nagpasingkit siya ng mga mata, nag-isip, maya-maya sinabi, "Anong magandang pasalubong kay Grandma?" tanong niya. Nag-isip naman ito. "Hmm...cake?"Tumango siya at sinabing, "Pwede na rin. Daan tayo."Agad itong lumiko ng daan, at sinulyapan pa ang anak. "May tanong ako," sabi pa nito. Tumingin naman siya at tumingin rin ito sa kaniya upang alamin kung payag ba siya na magtanong ito at nagtanong agad, "Anong full name ni Austin?"Napaawang ang mga labi niya lalo na't hindi Sansmith ang apelyido ng bata. Nagsalita siya, "Apelyido niya ang gamit ko since—""Nain