Napansin ni Gwy na hindi balik Manila ang tungo nila. Kaya naisipan na niyang magtanong, "Saan balak mong pumunta?" "Sabi mo kasi kaya nga 'leave' para makapag-date. Then fine! Mag-date tayo sa Baguio," anito. Napangiti siya, malamig kasi ang klima sa Baguio kaya gustong-gusto niya. "Sinabi mo sana kanina pa, magdala man lang ako ng damit." Ngumiti ito, "Well, Matic na iyon." He cocked his head at the back. "Mayroon diyan sa likod." Pinataas niya ang mga kilay niyang nagtatanong, "Nagbalot ka kanina pero panay ka reklamo?""Kung hindi kita makumbinsi na mag-stay doon dadalhin kita sa Baguio, so naisip kong magbalot, habang naliligo ka," anito."Ilang damit ko dala mo?" tanong niya. "Well, it's five set...I think?" Kumibit-balikat balikat ito. Sandali siyang sumulyap sa harap. Masyadong mainit banda sa tinatahak nila, lalo na't bridge na iyon at mahaba. "May dala kang undergarments ko?" animo'y nahihiya niyang tanong. "Kaya nga five set." Tumingin ito sa kaniya at tinaasan siya
Baon talaga ni Avery ang luha sa kaniyang pagmamaneho. Halos hindi niya alintana ang pagod na nararamdaman sa kaniyang balikat at braso, ngunit hindi sa lahat ng oras kaya niya itong indahin. Huminto siya sa rest stop, kung saan may gasoline station, may canteen, tindahan ng mga snacks or damit, pwedeng tawaging mall pero hindi niya masabi na it is. May dalawang bakante sa parking lot sa parteng nilapitan niya, ginamit niya ang isa at pumasok sa loob ng canteen. Doon iba-iba ang mabibili, may street foods, bread, hotdogs, bumili lamang siya ng shawarma para malagyan ng pagkain ang tiyan niya at orange shake. Guhit sa mukha niya ang lungkot. Kung noon sa ganitong situwasyon, uso sa kaniya ang retouch pero ngayon, wala siyang gana. Wala siyang ibang iniisip kundi ang pag-decline ni Gwy sa FR niya. Tanong ng isipan niya, 'I thought you had a good heart that you give a second chance?'Huminga siya nang malalim, inisip ang mga ginawa niya iyon. Saka lang din niya narealize na oo nga ma
Ultimo paghinga halos hindi na magagawa ni Gwy. Binalot ng takot ang buo niyang katawan. Kapit na kapit siya sa sandalan ng upuan at ang isang kamay niya ay nasa kamay ni Ace. Matindi ang panginginig ng kanyang mga tuhod, kumukunekta ito sa balanse ng sasakyan. "Ace..." iyak niya, habang ito naman tila may kinakapa. "J-Just don't move..." Unti-unting bumubukas ang bubong ng sasakyan. Mas lumakas ang iyak niya dahil doon. "Relax, dito tayo dadaan, okay?" Humagulhol siya. "Natatakot ako Ace." "Calm down..." Tagaktak ang pawis niya, nahahaluan pa ito ng mga luha niya. Ang panginginig ng kamay niya ay halos hindi niya makontrol, kahit si Ace, kitang-kita niya ang panginginig ng mga tuhod nito. Napalunok siya ng laway. Ang sasakyan kasi medyo patuwad na, kunting uga na lang bibigay na. Makikita niya ang mga puno ng kahoy sa ibaba. May sapa pa roon pero walang tubig at talagang mabato. Matarik na cliff ito, at kapag bumagsak sila walang chance para mabuhay pa. Pagbukas nang bubong, u
Lahat nakahinga nang maluwag. Si Avery tumahimik lang sa tabi niya, pati ang lalaki panay ang suklay ng buhok nito pataas dahil sa tensiyon kanina. Si Ace naman tumingin kay Avery, tila hindi alam ang sasabihin, manenermon ba o magpapasalamat. "Is everything okay? Nothing's hurt?" tanong ng lalaking tumulong sa kanila. "You're a hero!" Nagtaas ng kamay si Ace para pakipag-apir. "Thank you so much, by the way, I'm Ace." "Whoever sees you like that, will do that, the important thing is, you're all safe," anito at tinanggap ang apir gesture ni Ace. "Well, this is Lucas," pagbanggit nito sa pangalan.. Napansin niyang nagpunas ng luha si Avery. Hindi naman kumikilos sa kinakatayuan. Siya naman, walang luhang lumalabas sa mga mata niya pero namamaga ito sa kakaiyak kanina. Huminga siya nang malalim. Si Ace naman tumingin sa kaniya. "My girlfriend, Gwyneth." Tumingin si Lucas sa kaniya at ngumiti. "Well, hi!" "Thank you for saving us," aniya. Tumawa ito at nagsalita naman si
Kasalukuyang nasa tapat ng kwarto ni Avery si Gwyneth, suot niya pag-aalinlangan na kumatok pero ginawa niya rin. Naiilang siyang makipag-usap sa kapatid niya pero alam niyang hindi na siya nito sasaktan. Mula sa loob narinig niya ang boses nito, "It's open." Napabuga siya ng hininga at pinihit na lang ang door knob. May dala-dala siyang kit upang gamutin ang gasgas nito. Pagpasok niya, nakita niya itong nakahiga sa kama at nakabaluktot, halatang umiiyak. Lumapit siya at mahinang sinabi, "Gusto kong magpasalamat sa pagligtas mo sa amin."Hindi ito sumagot, nagpatuloy lang siya, "Utang na loob ko iyon sa'yo."Lumapit siya, umupo sa gilid ng kama. Nagsalita ito, "That's what sisters do." Napangiti siya. Simpleng salita pero nakaka-melt ng puso. Bumangon ito, magang-maga ang mga mata na hinarap siya. Nagtanong pa ito, "How are you?"Hindi niya alam kung ngingiti siya o iiyak kaya kumurba ang ngiti sa labi niya pero tumulo ang mga luha niya. "Okay lang ako." Nagpunas siya ng luha at tin
"So everything is your mother's plan, why are you following?" tanong ni Ace. Kasalukuyan na silang kumakain, at hindi rin nagdamot ng katotohanan si Avery. Sinabi nito na ang lahat ng ginawa nito ay kagustuhan ng ina. Bumaba ang paningin nito sa pagkain at nanahimik sandali. Naghintay si Ace sa sagot nito, habang nakatitig rito. Pati siya ay nakatitig rin sa kapatid niya. Nagsalita si Avery, "I don't know if you can understand me. Your mom loves you already, you don't have to do what she want to gain it."Napatangu-tango si Ace. Naintindihan rin niya ang ibig sabihin ni Avery. Nagtanong pa si Ace, "Your Dad as well?" Tumango si Avery. Napatingin naman siya rito, nangunot ang noo. "Si Dad?" tanong pa niya. Tumango ulit si Avery. "If he is good to you now, like fatherly treatment, it's because of Ace. You two are together so what's do you expect?" Napaiwas siya ng tingin. Naalala niya ang time na kumain sila ng Dad niya, anak na anak ang trato nito sa kaniya. Nagsalita pa si Avery,
"Sira na nga ang kalahating part ng sasakyan, Sir. Nakatuwad kasi itong bumaksak pero hindi pa naman durog ang makina. Siguro dahil hindi masyadong malakas ang pagbagsak dahil sa mga sanga ng puno ng mga kahoy..." Tumango lang si Ace sa wika ng pulis. "Makukuha ang sasakyan sa ilalim sir pero matatanggal siguro muna ang ibang parte nito." Sinulyapan lang ni Ace ang dalawang maleta na inusog ng pulis sa tabi pati ang ibang mga gamit na nakapatong rito habang nagdudukot ng pera sa wallet at inabot ito sa mga pulis. "Do whatever you want with that car, ang mahalaga we got out things and that's all. Kunin niyo ito." Hindi niya alam kung magkano ang ibibigay nito, puro kasi libo ang nasa kamay nito.Nagtaka naman ang pulis, nagkatinginan sa pera at ang dalawang kasama. "P-Pero sir, iyong presyo noon?" sasakyan ni Ace na nahulog ang tinutukoy nito."I know, pero kung mapakinabangan niyo at gusto niyo, then go ahead. Kayo ang bahala. Out na ako diyan!" sagot ni Ace, inilahad pa lalo ang per
Aside sa kanilang pagdating, natulog ng isang gabi, ang first day nila sa paggagala ay ang pagpunta sa Strawberry farm. Main target karamihan sa mga dayo ang lugar na iyon lalo na't strawberry season. Ngunit bago sila pumunta roon, dumaan muna sila sa isang restaurant para kumain. Pinili nila ang tahimik na lugar para mas mapadali ang order. "What do you want to have?" tanong ni Ace na nakatutok sa menu. Tumingin ito sa kaniya, si Avery naman busy rin sa pagpili kung ano ang o-orderin nito. Umangat ito ng tingin at sinabing, "Walang steak." Nagpaputi ito nang mata animo'y dismayado. Napagala naman ng tingin si Ace. "That's imposible," ani nito. Siya naman ay hinanap ang steak sa menu ngunit napansin niya, puro pasta ang naroon, iba't-ibang klase lang. Nagsalita pa si Ace, "Sa food banner bakit meron?" Sumenyas na lang ito at lumapit ang isang waiter. "Yes sir?" tanong nito, suot ang ngiti sa mga labi."Bakit may steak banner niyo sa labas pero dito sa loob, puro pasta—" Hindi na
Ang daming pabaon na natanggap si Avery mula kay Gwy at sa mga kaibigan nito na naging kaibigan niya narin. Dalawang paper bag mula kay Gwy, isang paper bag naman mula kay Ace, nagbigay rin si Celestia at Natalie, ganon din si Noah. Tig-iisang paper bag mula sa mga ito. "Kita na lang tayo sa Singgapore, sakaling may transaksyon ako doon," ani Noah at sumenyas pa ng finger chat. "Me too, puntahan kita sa hospital niyo," ani naman ni Natalie kung may project ako roon. Napangiti naman siya at sinabi niyang, "Guys, uuwi rin ako dito, don't worry." "Dapat lang, lalo na sa kasal ko, subukan mo lang kalimutan," ani naman ni Ace. Sinamaan niya ito ng tingin, "Nakalimutan mo yatang kapatid ko ang aasawahin mo? Shempre hindi ako mawawala doon." Humarap siya kay Gwy, ngumiti lang ito pero may lungkot sa mga mata. "Mamimiss kita," mahinang sabi nito. Nagpatunog siya ng dila. "Tatawag ako lagi, shempre..." Piniga-piga niya ang pisngi ni Austin, "Lagi kong mamimiss itong baby na to eh."
Three weeks later. "Happy birthday, Austin!" Sumigabong ang palakpakan, puno ng decoration ng pambata ang buong paligid. Maraming mga bisita ang ilan pa ay galing ibang bansa ang ilan naman staff ng innovation at Abertoy. Gabi isinagawa ang kaarawan ni Austin, pang-isang taong gulang nito. Marami ring mga maliliit na bata, at nakita naman niya ang anak niyang nag-eenjoy makipaglaro sa mga ito. Suot nito ang costume ni Dave sa Dave and Ava, at talagang napaka-cute nitong tingnan. Takbo pa ito nang takbo, at dahil last day na ng tatlo, Avery, Simon and Shaira dito sa Pilipinas, ang tatlong ito ang naging yaya ni Austin. Sunod nang sunod ang mga ito kahit saan man tumakbo ang bata. Siya naman, inasikaso ang mga bisita na dumating. Si Ace naman ang mga business partners and friends naman ang inatupag ng mga ito. Sobrang dami rin ng natanggap na regalo ng anak niya. Kahit saan siya tumingin, puro mukha ni Austin ang nakikita niya. Marami kasing photoshoot itong hinarap bago mang
Tila bumalik sa nakaraan si Ace, nakikita niya ang kaniyang sarili mula noong bata pa. Bawat birthday niya, noong mga panahong nag-aaral siya, elementary, highschool, college. Sumagi rin ang hindi kaaya-ayang pangyayari, that's Avery noong gínáhásá ito. Hanggang sa may nakilala siyang babae, ang pangalan nito ay Gwyneth, lahat ng nakaraang iyon, naalala niya, umalis ito, nasaktan siya. Naalala rin niya noong mga panahong inatake siya ng OCD. Kung paano niya ito tinago hangang sa nalaman ni Gwy. Naaksidente siya, nawalan ng ala-ala, after two years nagpakita si Gwyneth sa kaniya at may anak nila, ang pangalan nito ay Austin at kung kailan okay na sila kahit wala siyang naalala may masamang nangyari. Saktong pagbangga ng truck sa sasakyan nila nagmulat siya ng mga mata. Puting kisame ang nakita niya, at narinig niya ang umi-echo na boses, "Ace?" Malabo pa ang paningin niya kaya pigura lang ng babae ang nakita niya. Nagtanong siya, "Who are you?" Kinikilala niya ang pigura ng babae,
Pagkatapos matamaan ni Avery si Tatiana sa balikat, naging alerto siya dahil tumakbo ito kahit nasasaktan. Nangibabaw ang iyak ng anak nito, rinig niya ang daíng ni Diether, at lumapit naman ang mga katulong sa mga ito. Siya naman, may hawak siyang projector, paborito niyang projector iyon, palaka lover kasi siya. Binuksan niya ito, pinatama niya sa sahig ang ilaw na dadaanan ni Tatiana. "Saan ka pupunta ha?" aniya, lumakas ang tili ng babae nang makita ang reflection ng mga palakang gumagapang sa sahig. Napaupo ito at umatras pa. "Akala mo ba nakalimutan ko na ang kahinaan mo, Samantha?""Alisin mo iyan!" tili nito, at nagpasya na lang na magtakip ng mga mata. Kung saan-saan ito nagpapaputok ng baril at panay naman ang yuko nila. Puno ng sigawan ang loob ng mansion, at para tumigil ito, pinatamaan niya ito ng bala sa braso. Nabitawan nito ang baril at dahil nagtatakip ito ng mata lumapit rito ang tauhan niya at kinuha ang baril.Tumayo siya, nakabukas pa rin ang projector at nakatu
Sobrang higpit ang hawak ni Avery sa manibela ng sasakyan niya. Halos paliparin niya rito pabalik sa mansion nila. Sumasagi sa isipan niya ang lahat ng nangyari, ang araw na gínáhásá siya, kahit anong advice psychiatrist sa kaniya na kalimutan na ang pangyayaring iyon hindi iyon mangyayari.Naalala niya ang mga araw na kulang na kulang si Tatiana bilang ina sa kaniya. Naghihirap siya kahit sa harapan nito, pero pinili nitong maging bingi sa mga daing niya. Ngayon, na nakuha na niya ang pagmamahal sa kapatid niya, may minahal na rin siya at iyon ang pamangkin niya, mga ito pa talaga ang sinaktan ng nanay niya. Masama ang titig niya sa kalsada, pero may mga lumalabas na mga luha sa kaniyang mga mata. Hinayaan niyang tumulo lamang ang mga iyon. Magkahalo ang takot at galit na nararamdaman niya. Naiiyak siya sa tuwing naalala niya ang kalagayan ni Gwyneth, lalo na't naranasan ni Austin ang ganoong pangyayari sa sobrang bata ng edad. Anak pala siya ni Samantha Hulterar. Mahirap tanggapin
Bumaba sila mula sa Fourth floor, sa sobrang sabik na makita ang laman ng USB naglalakad siyang bumubulong, "I need laptop, I need laptop."Halos hindi na niya alintana ang mga taong nakakasalubong at nadaanan niya. Sumasabay lang sa lakad niya si Deither na nababalisa. Nagulat na lang siya may babaeng tumayo sa harap niya. "Dad..." Pagtingin niya rito, si Avery at nakatingin ito sa ama. Napatitig siya sa dalaga at habang tinititigan niya ito, saka lang niya nare-realize ang hawig nito kay Samantha. "W-Wha..." halos hindi niya masambit ang salitang what, hindi niya alam ang dapat i-react. "Anong ginagawa mo dito, Ave? Hindi ba't sumama ka sa kanila?" pagalit na tanong ni Diether na pinipilit lang din kumalma. Nag-pipisil ito nagkamao na nakaharap sa ama. Naiiyak na naman habang sinasabi, "I just thought, what if kausapin natin si Mom? Tanungin natin siya sino ba talaga ang kaaway niya—""Ave..." Deither groaned. "Dad, hindi natin pwedeng baliwalain ito! Hindi pwedeng walang may m
Takot man si Mark para kay Ace, ngunit mas pinili niyang mag-tiwala. Pinahatid niya sa mansion si Hemera, Avery at mga pinsan nito kasama ang bata. Nagpaiwan si Natalie at Celestia sa hospital, si Noah sumama sa mga ito, ang asawa niya naghintay ng resulta para kay Ace at si Deither, sinama niya. Kung ano man ang sasabihin ng babaeng iyon, deserve nitong malaman dahil nadamay rito ang anak. Binalik lang nila dito sa SLV ang babae, ngunit naka-private room ito at kasalukuyang binabantayan. Umakyat sila sa fourth floor, sunod lang si Diether sa kaniya habang nag-uusap tungkol sa nangyari. "Ilang beses kong tinanong si Tatiana kung sino ang kalaban niya, puro wala ang sagot na nakukuha ko." "Pero laging rason ng mga taong nananakit sa mga anak mo ay siya, dahil sa kaniya," katwiran niya pero naintindihan niya ang rason nito. "Kung may kaaway man siya, sigurado ako sa sugal iyon. Laging nauubos ang pera niya dahil sa sugal," anito. "Eagles-Bet?" tanong niya. "Hindi," sagot nito. "Hi
Halos hindi na ni Mark makikita ang daan sa bilis ng takbo ng kaniyang sasakyan. Nakikipagkarera rin pati ang mga executive assistants niya, dalawang sasakyan ang gamit ng mga ito. Matapos niyang marinig ang boses ni Ace na tila naghihingalo, at boses ng batang umiiyak, may pútúkan na nangyari. Patunay, naabutan iyon ng mga tauhan niya. Nang sabihin ng babae kanina na nanganganib ang buhay ng apo niya, agad siyang nagpadala ng mga tauhan upang salubungin sila Ace sa pag-uwi ng mga ito ngunit nahuli na yata sila.Nagmamaneho pa lang, halos masisiraan siya ng bait, tinawagan niya ang kambal niya at sinabi ang nangyari, nagmakaawa siya ng tulong. Hindi rin ito nag-atubiling magsabi ng, "Sige papunta na ako.""Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Diether!" Halos iuntog niya ang ulo niya sa manibela. Tunay na humahagulhol siya sa sobrang takot, pag-alala para sa anak niya at sa mag-ina nito. Inaalala niya ang bata, kahit konting sugat lang halimbawa meron ito, hindi niya kaya. Nadudurog siy
Biyahe papuntang Sansmith Residence puno ng saya ang loob ng sasakyan. Nagmamaneho si Ace, habang siya naman, nasa kandungan niya si Austin. Sumasabay sa kanta ng tugtugin ang ama, sumasayaw naman ang ulo ng anak. Habang sinusulyapan ni Ace ang anak, tumatawa ito dahil sa tuwa. Napatingin naman siya sa labas, malapit na mag-kulay kahel ang kalangitan, huminto naman sa pagkanta si Ace at nagtanong, "May gusto ka bang bilhin?" Nagpasingkit siya ng mga mata, nag-isip, maya-maya sinabi, "Anong magandang pasalubong kay Grandma?" tanong niya. Nag-isip naman ito. "Hmm...cake?"Tumango siya at sinabing, "Pwede na rin. Daan tayo."Agad itong lumiko ng daan, at sinulyapan pa ang anak. "May tanong ako," sabi pa nito. Tumingin naman siya at tumingin rin ito sa kaniya upang alamin kung payag ba siya na magtanong ito at nagtanong agad, "Anong full name ni Austin?"Napaawang ang mga labi niya lalo na't hindi Sansmith ang apelyido ng bata. Nagsalita siya, "Apelyido niya ang gamit ko since—""Nain