Kasalukuyang nasa tapat ng kwarto ni Avery si Gwyneth, suot niya pag-aalinlangan na kumatok pero ginawa niya rin. Naiilang siyang makipag-usap sa kapatid niya pero alam niyang hindi na siya nito sasaktan. Mula sa loob narinig niya ang boses nito, "It's open." Napabuga siya ng hininga at pinihit na lang ang door knob. May dala-dala siyang kit upang gamutin ang gasgas nito. Pagpasok niya, nakita niya itong nakahiga sa kama at nakabaluktot, halatang umiiyak. Lumapit siya at mahinang sinabi, "Gusto kong magpasalamat sa pagligtas mo sa amin."Hindi ito sumagot, nagpatuloy lang siya, "Utang na loob ko iyon sa'yo."Lumapit siya, umupo sa gilid ng kama. Nagsalita ito, "That's what sisters do." Napangiti siya. Simpleng salita pero nakaka-melt ng puso. Bumangon ito, magang-maga ang mga mata na hinarap siya. Nagtanong pa ito, "How are you?"Hindi niya alam kung ngingiti siya o iiyak kaya kumurba ang ngiti sa labi niya pero tumulo ang mga luha niya. "Okay lang ako." Nagpunas siya ng luha at tin
"So everything is your mother's plan, why are you following?" tanong ni Ace. Kasalukuyan na silang kumakain, at hindi rin nagdamot ng katotohanan si Avery. Sinabi nito na ang lahat ng ginawa nito ay kagustuhan ng ina. Bumaba ang paningin nito sa pagkain at nanahimik sandali. Naghintay si Ace sa sagot nito, habang nakatitig rito. Pati siya ay nakatitig rin sa kapatid niya. Nagsalita si Avery, "I don't know if you can understand me. Your mom loves you already, you don't have to do what she want to gain it."Napatangu-tango si Ace. Naintindihan rin niya ang ibig sabihin ni Avery. Nagtanong pa si Ace, "Your Dad as well?" Tumango si Avery. Napatingin naman siya rito, nangunot ang noo. "Si Dad?" tanong pa niya. Tumango ulit si Avery. "If he is good to you now, like fatherly treatment, it's because of Ace. You two are together so what's do you expect?" Napaiwas siya ng tingin. Naalala niya ang time na kumain sila ng Dad niya, anak na anak ang trato nito sa kaniya. Nagsalita pa si Avery,
"Sira na nga ang kalahating part ng sasakyan, Sir. Nakatuwad kasi itong bumaksak pero hindi pa naman durog ang makina. Siguro dahil hindi masyadong malakas ang pagbagsak dahil sa mga sanga ng puno ng mga kahoy..." Tumango lang si Ace sa wika ng pulis. "Makukuha ang sasakyan sa ilalim sir pero matatanggal siguro muna ang ibang parte nito." Sinulyapan lang ni Ace ang dalawang maleta na inusog ng pulis sa tabi pati ang ibang mga gamit na nakapatong rito habang nagdudukot ng pera sa wallet at inabot ito sa mga pulis. "Do whatever you want with that car, ang mahalaga we got out things and that's all. Kunin niyo ito." Hindi niya alam kung magkano ang ibibigay nito, puro kasi libo ang nasa kamay nito.Nagtaka naman ang pulis, nagkatinginan sa pera at ang dalawang kasama. "P-Pero sir, iyong presyo noon?" sasakyan ni Ace na nahulog ang tinutukoy nito."I know, pero kung mapakinabangan niyo at gusto niyo, then go ahead. Kayo ang bahala. Out na ako diyan!" sagot ni Ace, inilahad pa lalo ang per
Aside sa kanilang pagdating, natulog ng isang gabi, ang first day nila sa paggagala ay ang pagpunta sa Strawberry farm. Main target karamihan sa mga dayo ang lugar na iyon lalo na't strawberry season. Ngunit bago sila pumunta roon, dumaan muna sila sa isang restaurant para kumain. Pinili nila ang tahimik na lugar para mas mapadali ang order. "What do you want to have?" tanong ni Ace na nakatutok sa menu. Tumingin ito sa kaniya, si Avery naman busy rin sa pagpili kung ano ang o-orderin nito. Umangat ito ng tingin at sinabing, "Walang steak." Nagpaputi ito nang mata animo'y dismayado. Napagala naman ng tingin si Ace. "That's imposible," ani nito. Siya naman ay hinanap ang steak sa menu ngunit napansin niya, puro pasta ang naroon, iba't-ibang klase lang. Nagsalita pa si Ace, "Sa food banner bakit meron?" Sumenyas na lang ito at lumapit ang isang waiter. "Yes sir?" tanong nito, suot ang ngiti sa mga labi."Bakit may steak banner niyo sa labas pero dito sa loob, puro pasta—" Hindi na
"S-Sorry, miss. Nahulog kasi ang bracelet—" Tila natigilan rin ang lalaki na makita si Avery. Nagtataka naman siya sa reaction nito habang si Avery naman halatang nagre-recover na. "A-Ahm..." Parang hindi narin alam ng lalaki ang sasabihin. Dahil doon pinagmasdan niya ito, tila kaedad lang din nila, nakasuot ito ng leather jacket na itim, itim rin ang buhok, straight na magkahiwalay lang sa noo. Inaabot nito ang bracelet kay Avery, siya na lang ang kumuha dahil halos ayaw mag-abot ng kamay ang kapatid niya. "What's going on?" papalapit na tanong ni Ace. Pagtingin ng lalaki sa boyfriend niya, nasilayan niya ang tattoo nito sa ilalim ng tenga. Crescent moon iyon, ngunit ang ipinagtataka lang niya dahil parang biglang nataranta ang lalaki. Tumalikod ito sa kanila, at nagpamulsa sa jacket papunta sa isang lalaking naka-motorbike.May binulong ito roon at napatingin ang lalaking iyon sa direction nila. Doon palang nagtataka na siya, lalo na't sumakay agad ang lalaking kasama nila saka
"We're...I mean, she's more comfortable being with me since then. We've known each other and been friends for a while, so she...trusts me." Halatang awkward ang sagot ni Ace. Napatangu-tango naman si Lucas habang nagmamaneho. "Your families seem to have a good relationship, that's good to hear." Tumawa si Ace. Pero ang totoo niyan, may mga rason pa talaga sa likod ng pagiging komportable ni Avery kay Ace at alam niya iyon, hindi lang maganda para i-mention kay Lucas. Pagbalik nila sa colorful houses, muli siyang napangiti habang pinagmamasdan ang mga ito. Napansin rin niya si Avery na halatang nag-eenjoy at mukhang iyon rin ang inaabangan ni Lucas. Minsan nahuhuli niya itong nakatingin sa kapatid niyang pangiti-ngiti. Naghanap lang si Lucas nang maayos na paradahan ng sasakyan at may kinausap pa itong bata, "Hey, kids! Bantayan niyo ito ah, akong bahala sa inyo mamaya," anito. Siya, si Avery at Ace ay sabay-sabay na tumingin kay Lucas. Nag-thumbs-up naman ang batang lalaki rito a
Lahat ay tumingin kay Lucas, may hawak itong strawberry, bali ang posisyon kasi nila, sa isang malaking couch na pabilog, tatlo sila ang nakaupo roon at si Lucas ay naka-separate pero si Avery ang mas malapit rito. Pasingit-singit ang mga mata nitong tinuro ang hawak ni Ace na logo. "Actually, that item doesn't belong to me. Before I moved here, it was already there. I didn't take it because I didn't have any books to put on it, so..." Kumibit-balikat ito. "You mean someone lived here before you?" tanong ni Ace.Tumango ito at kumagat ng strawberry. "But we never met. I grabbed the apartment that's been vacant for two months, according to the care taker." Napatango si Ace tumingin sa hawak na logo. Kumunot naman ang noo ni Lucas at nagtanong, "Why?" Umiling si Ace at binalik sa kaniya ang logo. Binalik naman niya ito sa libro. Sumagot lang si Ace, "I know someone with a tattoo like that, so I was just curious because there is something like this in your apartment."Kahit tinapos n
Naging awkward ang sitwasyon, tumayo na siya. Hindi na niya papayagan pang papalagpasin ang pagkakataong ito. Alam niya may nangyari kay Avery, may hinala siya pero mas gusto niyang malinawan, mas maintindihan kung paano nangyari, kung bakit ni-blackmail nito si Ace noon?"A-Ah..." Bumaba ng tingin si Avery, pagtingin niya kay Ace, umiwas din ito ng tingin. "Sa tingin ko deserve ko naman malaman, di ba?" aniya, "Alam ko may tinatago kayo—Ace nasabi mo na sa akin na bina-blackmail ka ni Avery noon pero ang ibedensya na iyon, na-frame up ka lang pero hindi mo sinabi sa akin kung ano iyon." Humakbang siya palapit rito. Halos hindi na niya alintanang may hawak siyang baso. Huminga ito nang malalim tumingin kay Avery. Nababagot siya sa kakahintay na may magsalita sa isa sa mga ito kaya nagpatuloy siya, "At ang nakikita ko kay Avery, iyong trauma niya, saan nanggaling iyon? At may alam ka, kabisado mo hindi ba?" Naramdaman niyang tumayo si Ave. Hinawakan siya sa braso. "Ahm...Gwy." Hina
Ang daming pabaon na natanggap si Avery mula kay Gwy at sa mga kaibigan nito na naging kaibigan niya narin. Dalawang paper bag mula kay Gwy, isang paper bag naman mula kay Ace, nagbigay rin si Celestia at Natalie, ganon din si Noah. Tig-iisang paper bag mula sa mga ito. "Kita na lang tayo sa Singgapore, sakaling may transaksyon ako doon," ani Noah at sumenyas pa ng finger chat. "Me too, puntahan kita sa hospital niyo," ani naman ni Natalie kung may project ako roon. Napangiti naman siya at sinabi niyang, "Guys, uuwi rin ako dito, don't worry." "Dapat lang, lalo na sa kasal ko, subukan mo lang kalimutan," ani naman ni Ace. Sinamaan niya ito ng tingin, "Nakalimutan mo yatang kapatid ko ang aasawahin mo? Shempre hindi ako mawawala doon." Humarap siya kay Gwy, ngumiti lang ito pero may lungkot sa mga mata. "Mamimiss kita," mahinang sabi nito. Nagpatunog siya ng dila. "Tatawag ako lagi, shempre..." Piniga-piga niya ang pisngi ni Austin, "Lagi kong mamimiss itong baby na to eh."
Three weeks later. "Happy birthday, Austin!" Sumigabong ang palakpakan, puno ng decoration ng pambata ang buong paligid. Maraming mga bisita ang ilan pa ay galing ibang bansa ang ilan naman staff ng innovation at Abertoy. Gabi isinagawa ang kaarawan ni Austin, pang-isang taong gulang nito. Marami ring mga maliliit na bata, at nakita naman niya ang anak niyang nag-eenjoy makipaglaro sa mga ito. Suot nito ang costume ni Dave sa Dave and Ava, at talagang napaka-cute nitong tingnan. Takbo pa ito nang takbo, at dahil last day na ng tatlo, Avery, Simon and Shaira dito sa Pilipinas, ang tatlong ito ang naging yaya ni Austin. Sunod nang sunod ang mga ito kahit saan man tumakbo ang bata. Siya naman, inasikaso ang mga bisita na dumating. Si Ace naman ang mga business partners and friends naman ang inatupag ng mga ito. Sobrang dami rin ng natanggap na regalo ng anak niya. Kahit saan siya tumingin, puro mukha ni Austin ang nakikita niya. Marami kasing photoshoot itong hinarap bago mang
Tila bumalik sa nakaraan si Ace, nakikita niya ang kaniyang sarili mula noong bata pa. Bawat birthday niya, noong mga panahong nag-aaral siya, elementary, highschool, college. Sumagi rin ang hindi kaaya-ayang pangyayari, that's Avery noong gínáhásá ito. Hanggang sa may nakilala siyang babae, ang pangalan nito ay Gwyneth, lahat ng nakaraang iyon, naalala niya, umalis ito, nasaktan siya. Naalala rin niya noong mga panahong inatake siya ng OCD. Kung paano niya ito tinago hangang sa nalaman ni Gwy. Naaksidente siya, nawalan ng ala-ala, after two years nagpakita si Gwyneth sa kaniya at may anak nila, ang pangalan nito ay Austin at kung kailan okay na sila kahit wala siyang naalala may masamang nangyari. Saktong pagbangga ng truck sa sasakyan nila nagmulat siya ng mga mata. Puting kisame ang nakita niya, at narinig niya ang umi-echo na boses, "Ace?" Malabo pa ang paningin niya kaya pigura lang ng babae ang nakita niya. Nagtanong siya, "Who are you?" Kinikilala niya ang pigura ng babae,
Pagkatapos matamaan ni Avery si Tatiana sa balikat, naging alerto siya dahil tumakbo ito kahit nasasaktan. Nangibabaw ang iyak ng anak nito, rinig niya ang daíng ni Diether, at lumapit naman ang mga katulong sa mga ito. Siya naman, may hawak siyang projector, paborito niyang projector iyon, palaka lover kasi siya. Binuksan niya ito, pinatama niya sa sahig ang ilaw na dadaanan ni Tatiana. "Saan ka pupunta ha?" aniya, lumakas ang tili ng babae nang makita ang reflection ng mga palakang gumagapang sa sahig. Napaupo ito at umatras pa. "Akala mo ba nakalimutan ko na ang kahinaan mo, Samantha?""Alisin mo iyan!" tili nito, at nagpasya na lang na magtakip ng mga mata. Kung saan-saan ito nagpapaputok ng baril at panay naman ang yuko nila. Puno ng sigawan ang loob ng mansion, at para tumigil ito, pinatamaan niya ito ng bala sa braso. Nabitawan nito ang baril at dahil nagtatakip ito ng mata lumapit rito ang tauhan niya at kinuha ang baril.Tumayo siya, nakabukas pa rin ang projector at nakatu
Sobrang higpit ang hawak ni Avery sa manibela ng sasakyan niya. Halos paliparin niya rito pabalik sa mansion nila. Sumasagi sa isipan niya ang lahat ng nangyari, ang araw na gínáhásá siya, kahit anong advice psychiatrist sa kaniya na kalimutan na ang pangyayaring iyon hindi iyon mangyayari.Naalala niya ang mga araw na kulang na kulang si Tatiana bilang ina sa kaniya. Naghihirap siya kahit sa harapan nito, pero pinili nitong maging bingi sa mga daing niya. Ngayon, na nakuha na niya ang pagmamahal sa kapatid niya, may minahal na rin siya at iyon ang pamangkin niya, mga ito pa talaga ang sinaktan ng nanay niya. Masama ang titig niya sa kalsada, pero may mga lumalabas na mga luha sa kaniyang mga mata. Hinayaan niyang tumulo lamang ang mga iyon. Magkahalo ang takot at galit na nararamdaman niya. Naiiyak siya sa tuwing naalala niya ang kalagayan ni Gwyneth, lalo na't naranasan ni Austin ang ganoong pangyayari sa sobrang bata ng edad. Anak pala siya ni Samantha Hulterar. Mahirap tanggapin
Bumaba sila mula sa Fourth floor, sa sobrang sabik na makita ang laman ng USB naglalakad siyang bumubulong, "I need laptop, I need laptop."Halos hindi na niya alintana ang mga taong nakakasalubong at nadaanan niya. Sumasabay lang sa lakad niya si Deither na nababalisa. Nagulat na lang siya may babaeng tumayo sa harap niya. "Dad..." Pagtingin niya rito, si Avery at nakatingin ito sa ama. Napatitig siya sa dalaga at habang tinititigan niya ito, saka lang niya nare-realize ang hawig nito kay Samantha. "W-Wha..." halos hindi niya masambit ang salitang what, hindi niya alam ang dapat i-react. "Anong ginagawa mo dito, Ave? Hindi ba't sumama ka sa kanila?" pagalit na tanong ni Diether na pinipilit lang din kumalma. Nag-pipisil ito nagkamao na nakaharap sa ama. Naiiyak na naman habang sinasabi, "I just thought, what if kausapin natin si Mom? Tanungin natin siya sino ba talaga ang kaaway niya—""Ave..." Deither groaned. "Dad, hindi natin pwedeng baliwalain ito! Hindi pwedeng walang may m
Takot man si Mark para kay Ace, ngunit mas pinili niyang mag-tiwala. Pinahatid niya sa mansion si Hemera, Avery at mga pinsan nito kasama ang bata. Nagpaiwan si Natalie at Celestia sa hospital, si Noah sumama sa mga ito, ang asawa niya naghintay ng resulta para kay Ace at si Deither, sinama niya. Kung ano man ang sasabihin ng babaeng iyon, deserve nitong malaman dahil nadamay rito ang anak. Binalik lang nila dito sa SLV ang babae, ngunit naka-private room ito at kasalukuyang binabantayan. Umakyat sila sa fourth floor, sunod lang si Diether sa kaniya habang nag-uusap tungkol sa nangyari. "Ilang beses kong tinanong si Tatiana kung sino ang kalaban niya, puro wala ang sagot na nakukuha ko." "Pero laging rason ng mga taong nananakit sa mga anak mo ay siya, dahil sa kaniya," katwiran niya pero naintindihan niya ang rason nito. "Kung may kaaway man siya, sigurado ako sa sugal iyon. Laging nauubos ang pera niya dahil sa sugal," anito. "Eagles-Bet?" tanong niya. "Hindi," sagot nito. "Hi
Halos hindi na ni Mark makikita ang daan sa bilis ng takbo ng kaniyang sasakyan. Nakikipagkarera rin pati ang mga executive assistants niya, dalawang sasakyan ang gamit ng mga ito. Matapos niyang marinig ang boses ni Ace na tila naghihingalo, at boses ng batang umiiyak, may pútúkan na nangyari. Patunay, naabutan iyon ng mga tauhan niya. Nang sabihin ng babae kanina na nanganganib ang buhay ng apo niya, agad siyang nagpadala ng mga tauhan upang salubungin sila Ace sa pag-uwi ng mga ito ngunit nahuli na yata sila.Nagmamaneho pa lang, halos masisiraan siya ng bait, tinawagan niya ang kambal niya at sinabi ang nangyari, nagmakaawa siya ng tulong. Hindi rin ito nag-atubiling magsabi ng, "Sige papunta na ako.""Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Diether!" Halos iuntog niya ang ulo niya sa manibela. Tunay na humahagulhol siya sa sobrang takot, pag-alala para sa anak niya at sa mag-ina nito. Inaalala niya ang bata, kahit konting sugat lang halimbawa meron ito, hindi niya kaya. Nadudurog siy
Biyahe papuntang Sansmith Residence puno ng saya ang loob ng sasakyan. Nagmamaneho si Ace, habang siya naman, nasa kandungan niya si Austin. Sumasabay sa kanta ng tugtugin ang ama, sumasayaw naman ang ulo ng anak. Habang sinusulyapan ni Ace ang anak, tumatawa ito dahil sa tuwa. Napatingin naman siya sa labas, malapit na mag-kulay kahel ang kalangitan, huminto naman sa pagkanta si Ace at nagtanong, "May gusto ka bang bilhin?" Nagpasingkit siya ng mga mata, nag-isip, maya-maya sinabi, "Anong magandang pasalubong kay Grandma?" tanong niya. Nag-isip naman ito. "Hmm...cake?"Tumango siya at sinabing, "Pwede na rin. Daan tayo."Agad itong lumiko ng daan, at sinulyapan pa ang anak. "May tanong ako," sabi pa nito. Tumingin naman siya at tumingin rin ito sa kaniya upang alamin kung payag ba siya na magtanong ito at nagtanong agad, "Anong full name ni Austin?"Napaawang ang mga labi niya lalo na't hindi Sansmith ang apelyido ng bata. Nagsalita siya, "Apelyido niya ang gamit ko since—""Nain