"Imagine your crush said this to you, pikit ka," malokong wika ni Celestia—pinsan ni Gwyneth Clair Elizabeth Louise Garcia-Abernathy, ang babaeng taglay ang mahabang pangalan—sa mother side.
Celestia went on, "And you did it because you were expecting his kiss, kasi nga pikit ka, di ba?"Makulit itong nagtaas-baba ng kilay na nakatingin sa kaniya saka balik-tingin sa salamin, at nag-ayos ng mukha.Kasalukuyan kasi itong naghahanda upang dumalo sa napakagarbong birthday party ng Soulvero twins, mga kaibigan nila."Tapos?" tanong naman niya na walang ganang makinig sa biro nito—sana, pero ayaw naman niyang ma-offend ito."Then you felt him gently touch your face, and he told you, ibuka mo ang bibig mo..." ani pa nito.Napangiwi siya habang pinapanood itong kumakagat ng labi at naghahaplos ng leeg na parang inaano ng lalaki at umungól pa.Pagkatapos nito umungól nagtaas pa ito ng daliri kahit may hawak na pang-guhit sa kilay at tinuro pa siya habang sinasabi, "Tapos ngumanga ka rin, umaasa na may papasok na talong."Malándí pa ang pagkasabi nito ng salitang 'talong' na naging dahilan ng pag-iling-iling niya."At dahil nakapikit ka, he tied your hair into a bun..." Muli itong tumingin sa kaniya na animo'y nang-aakit ng lalaki at kumagat ulit ng labi. "Tapos pinasok niya 'yong something long and something hot sa bibig mo! Shet!"Nagmaktol siya't nagtulak pataas ng salamin sa mata, "Dugyot mo Cele."Sinamaan siya nito ng tingin. "Hindi pa ako tapos ha, makinig ka kasi!"Ang masamang titig nito ay napalitan nang malándíng pagngiti at sinabi pang, "Tapos tinulak niya paloob, sis—iyong nangangalahati talaga."Sinipa niya ang paanan ng upuan nito at sinabihang, "Katol pa."Pero imbis na pakinggan siya nito, o matawa, nagbingi-bingihan ito at nagpatuloy pa, "Tapos sabi niya, tikman mo."Napairap na lamang siya at nagpatuloy pa ito, "Tinikman mo rin kasi pagkain at nalasahan mo ang sarap." Inúngol pa nito ang salitang sarap at dumugtong pa, "Tapos ang tanong niya sa'yo..." Kumagat ito ng labi sandali at biglang binago agad ang reaction—seryoso na itong tumingin sa kaniya at sinabing, "Anong lasa ng turon?"Hatak ang labi niya sa tukso nang pagtawa kaya umiwas siya ng tingin at pinilit itong pigilan pero hindi nakaligtas sa mga mata ni Celestia ang reaction niya kaya dinuro nito ang bibig niya gamit ang eyeliner at sinabi pang, "Wag mong pigilan iyan. Mahirap iyan."Ang pagtawa niya ang ibig nitong sabihin kaya wala siyang magawa kundi ang humagalpak na lang."Baliw ka Celestia, baliw ka!" asik niya rito at lumapit pa sa kama upang kumuha ng unan panghampas.Tumayo ito at humarap sa kaniya. Naka-cross pa ang isang braso habang ang isa ginamit panturo sa kaniya ang hawak na eyeliner at sinabing, "Dahil diyan, sasama ka. Magbihis ka, at lalagyan kita ng make-up." Dinuro pa nito ang mata niya. "Alisin mo iyang salamin mo, ang pángít mo tingnan."Talagang hindi siya nito tatantanan kahit na nagbigay pa siya ng hamon at nanalo ito. Hindi na siya makakahindi.Ang rason naman kasi kung bakit ayaw niya sumama dahil magsusuot siya ng gown. Magsusuot siya ng heels, lalagyan siya ng make-up sa mukha niya, ibig sabihin muling makikita ng mga tao ang tinatago-tago niyang ganda na matagal na niyang kinalimutan matapos ang mga hindi kaaya-ayang karanasan.Ngunit may magagawa ba siya sa pinsan niyang si Celestia? Lalo na't sinabi pa nito, "Hindi kasi pwede na wala ka doon dahil alam na ni Natalie na nandito ka." Napaawang ang mga labi niya at ang taas ito ng dalawang daliri. "Aws sorry, may sakit kasi akong madaldal at alam mo iyan."Si Natalie Vilkas Soulvero, ay isa sa kambal na mayroong birthday party. Kaibigan ito ni Celestia at dati na rin niyang nakapag-palagayan ng loob. Lalaki ang kambal nito at iyon ay si Noah Vilkas Soulvero."Chismosa ka talaga!" asik niya, sinisikap na hindi lamunin ng inis dahil first of all nakikitira lang siya sa bahay nito.Tumawa lang si Celestia at talagang wala na siyang choice—magsusuot talaga ng gown sa ayaw at sa gusto niya.Hindi naman masyadong revealing ang gown na binigay sa kaniya. Navy blue ang kulay nito since alam niyong ayaw niya sa pink, ayaw niya sa pula, ayaw niya sa light colors kung baga.Off shoulder ito pero ma-feather ang nasa dibdib kaya hindi gaano lantad ang cleavage niya. Casual lang din ito, kaya naging dark cute na babae siya tingnan.Katulad ng inaasahan, nilagyan siya nito ng makeup, ngunit simple lamang at hindi na siya nagtali ng buhok, since mahaba ito, upang may pandagdag takip siya sa dibdib niya.Sabay silang tumungo sa Soulvero Residence, ngunit magkaiba sila ng sasakyan sa mga magulang nito. May sarili kasing sasakyan si Celestia at regalo ito ng ama noong nag-18th birthday ito. Matagal na rin, since 24 na silang pareho. Pagdating sa lugar na iyon, talagang pabonggahan ng aura. Hindi naman siya nahuhuli lalo na't isa siyang Abernathy.Ang hindi lang maganda sa background niya dahil anak siya sa labas and hindi niya kasundo ang kaisa-isahang kapatid niyang babae.Sa loob ng party, sa venue mismo para siyang daga na nagtatago sa kaniyang kasalanan. Natatakot mahagip ng mga matang ayaw niyang muli siyang titigan. Hila nang hila si Celestia sa kaniya kung saan may mga pagkain hanggang sa hinila siya sa harapan ni Natalie at laking ngiti naman ang sumilay sa mga labi nito."Gwy! Salamat na nandito ka!" Agad itong naglahad ng braso para sa mainit na yakap bilang pagkakaibigan.Napakaganda ng suot nitong damit—revealing masyado ang likuran pero bagay na bagay naman."Happy birthday!" bati niya rito at tinanggap ang alok na yakap."I missed you! Akala ko hindi ka na babalik?" tanong nito saka kumalas ng yakap. May hawak pang wine ang kamay nito.Ngumiti siya. "Akala ko rin eh."Kinalabit naman ito ni Celestia. "Hay naku, pagalitan mo iyan. Magtampo ka! Pinilit ko kaya iyan, ayaw niya sana pumunta!" sumbong nito.Ngumuso si Natalie at nagtatampong nagtanong ng, "Why?"Umiwas siya ng tingin at bumulong-bulong, iyong talagang walang may makakarinig kasi maingay, "Pakagatan ko ng stapler bibig nito eh, daldal."Ayaw rin niyang mapansin ni Natalie kaya binalik niya ang paningin niya rito at nginitian ito. "Kakarating ko lang kasi, medyo pagod pero atleast nandito ako ngayon, di ba?"Ngumiti ito ulit at niyakap siya. "Kumain ka muna then rest ka mamaya sa room ko. I understand naman, pero namiss kita, sobra, ano ba nangyari sa'yo bakit bigla kang nawala? Ni-ghost mo si Mom ha." Napangiwi siya sa sinabi nito.Isa pa palang dapat niyang iwasan sa party na ito ay si Mrs. Soulvero. Scholar student pa naman siya nito noon pero dahil sa tarantado nitong pamangkin, lumayas siya at hindi na nagpaalam.Iniwan siya ni Natalie kay Celestia para asikasuhin ang iba nitong bisita. Hindi na niya inasahan na papansinin siya ni Noah dahil panigurado wala namang pinansin ito kahit isa.Kahit papaano naman ay nakakahinga siya nang maluwag basta malayo siya sa magkambal. Nakarami na rin siyang nakain—nahahawa lang sa katakawan ni Celestia. Enjoy na enjoy kasi ito habang kumukuha ng mga putahe.Sa ngayon kaharap na naman nila ang iba't-ibang klase ng cookies. Nagustuhan niya ang lasa since hindi ito gaanong matamis. Ngunit nagpaalam itong si Celestia, "Nasi-CR ako girl. Dito ka lang muna ah."Napanganga siya at tinuro ang sarili. "Iiwan mo ako dito?""Walang kakain sa'yo diyan, tsaka..." Tinuro nito ang mga pagkain. "Kain ka lang, walang may magrereklamo at maraming handa si Natalie."Napatampal na lamang siya sa noo. Isa sa pinakaayaw niyang sitwasyon, iyong gusto niyang may dedepensa sa kaniya pero iiwan pa siya mag-isa. Kung sabagay hindi pa naman niya nakikita ang taong iniiwasan niya. Baka nga kasama lang nito si Noah.Nagpasya na lang siyang kumain. Tusok nang tusok ng maliliit na cap cake na may nakapatong na strawberry sa ibabaw saka subo nang subo.Nasa ganoon siyang sitwasyon habang pinapanood ang mga dalaga't binata na nag-uusap—tila mga dating studyante sa SLV International Education Hub noon—nang biglang may kumagat sa hawak niyang pagkain at nanlaki na lang ang mga mata niya nang makita si Ace Caleb Sansmith na nakatayo sa harap niya—ngumunguya at napapapikit pa.Napalunok na lang siyang halos hindi na makahinga nang sabihin nito, "Good to see you again Gwyneth. You're 24 now, are you ready to carry my firstborn?"Ace Caleb Sansmith, pinsan ni Natalie and Noah at nag-iisang tagapagmana ng Sansmith. Isang malaking Innovation company ito, at bukod doon, mayroon itong Sansmith HealthLab at Sansmith RoboGenix large businesses.Nakilala niya ito noong nasa SLV International Education Hub pa lamang siya—eskwelahang pag-aari naman ng mga Soulvero. Ngayon na nasa harapan niyang muli ang lalaking ito, bumalik ang lahat sa ala-ala niya ang mga nangyari noon, mula sa simula. Nakapasa siya noon sa exam para maging Scholar Student ng SLV. Ang totoo niyan, inalok rin siya ng kaniyang tiyahin na si Nyx, ina ni Celestia upang paaralin sa mismong eskwelahan ngunit dahil matalino siya at para hindi na rin hassle sa pamilya ni Celestia, kumuha siya ng exam para sa scholarship.Sa unang araw niya sa SLV noon, talagang nahihirapan siyang mag-adjust lalo na't doon rin kasi pumapasok ang kapatid niyang si Avery Blaire Abernathy na isang daang porsyentong may ayaw sa kaniya. Halos hindi lang din nagkakalayo ang edad
Binaba niya ang hawak niyang stick na tila toothpick ng maliit na cupcake at hinarap ang Ace Caleb Sansmith na ito na talagang iba ang titig sa kaniya. Dalawang taon na ang lumipas pero ang paraan ng pagtingin talaga nito sa kaniya tila hindi nagbago. Dark eyes na punong-puno ng pagnanasa sa kaniyang ganda't alindog lalo na ngayon na makikita ang upper part ng dibdib niya at talagang naroon ang mga mata nito nakatutok. Binaliwala niya ang mukha nitong tila ginuhit, gwapo, makapal ang kilay na may maayos na hibla pero sa hugis nito, naging masungit ang dating ng mukha nito pero mas nakikita niya ang yabang. Tumaas pa ang sulok ng manly red lips nito at ang totoo niyan, iyon din ang isa sa hinahangaan niya rito; labi, mata at ilong. Ngunit anong magagawa ng gwapong mukha nito kung bástós ang ugali? "Kung balak mo akong bastusin na naman, huwag mo nang ituloy, baka biglang malaman ng lahat kung bakit ba talaga ako umalis at tinalikuran ko ang scholarship ko kay Auntie Belle," hamon
Kapansin-pansin ang pagsabog ng galit sa katawan ni Avery na nagdulot ng paghakbang nito habang sinasabi, "How dare you?!" Kasunod noon ang paghila nito sa buhok ni Celestia. Nag-panic siya at mabilis na hinawakan ang kamay ng kaniyang half sister, "Avery! Bitawan mo ang pinsan ko!" Gumanti si Celestia sa pagsabunot kay Avery hanggang sa nababangga na ng mga ito sa nakapatong-patong na cupcakes and Cookies. "Ang kapal ng mukha mong sabihin sa akin iyan! Sino ka ba, ha?!" halos sagad sa lalamunan na sigaw ni Avery. Marami nang nag-panic at umawat, kabilang na rin doon si Ace na hinihila ang girlfriend palayo kay Celestia. "Stop! You're hurting Celestia!" sigaw ng lalaki sa girlfriend. Nakakuha naman si Celestia ng buwelo at pagkakataon. Natanggal nito ang kamay ni Avery sa buhok at nagawaran ng sampal ang babae, dinuro pa ito ni Celestia, "Hindi mo kayang indahin ang sinabi ko kaya mananakit ka?" Pero binalingan ni Avery si Ace dahil sa nakikita ng lahat na mas kinakampihan ni
"Ano ba, Gwy? Bakit ayaw mo lumaban?" Kuhang-kuha na naman niya ang inis ni Celestia. Sa paraan ng pagtanong nito, kulang na lang sasabunutan na siya at ingudngod sa lamesa. Kasalukuyan silang nasa kusina at kasama nila si Natalie. Nakaupo lang ito sa upuan na nakaharap sa kaniya habang si Celestia naman nakatayo sa kabilang side ng lamesa. Halos hindi na nito magawang umupo dulot ng inis sa ginawa ni Avery at alam niyang mas matindi ang inis nito sa kaniya. Hindi kasi siya lumalaban at alam niyang gawain iyon ng talunan. Kailangan ba palakihin niya ang gulo? Tamad siya sa gulo kaya lagi niyang pinipili ang manahimik at hindi lumaban. "Alam mo, pwede mong sigawan iyon eh! Dapat pinamukha mo sa kaniya na iyong boyfriend niya ang humahabol sa'yo! Kasi mas maganda ka, at vírgín, siya kasi hindi na!" singhal pa nito with matching hand signs pa. Kulang na lang sabunutan nito ang sariling buhok. "Wala tayong may magagawa kay Ace, pero iyong ginagawa ni Ace sa'yo, pwede mong ipamukha sa
Dulot ng pagtitinginan ng bawat isa, namayani ang katahimikan. Ngunit ang ngitngit sa loob niya ay nangibabaw na naman. Palihim na napakuyom ang kamao niya sa kaniyang damit at mariing huminga nang malalim nang maramdaman na humahakbang palapit si Ace. "I'll break up with Avery for you, if you want to be my girlfriend, just say yes," anito na talagang nagpainit sa tenga niya.Napapikit siya. Mahinahon ang pagkasabi nito, pero ramdam na ramdam niya ang yabang. Tumayo na ito sa harapan niya at nakapamulsa na naman. Naiinis siya rito pero mas naiinis siya sa sarili niyang nagugustuhan niya ang porma at amoy nito. Naka-tuxedo na grey at dahil sa kaputian nito, talagang napakalinis nito tingnan, napaka-gwapo pero nakakainis. Tumikhim lang si Celestia, na tila sasaway sana pero agad siyang nagsalita matapos ang ilang beses na buntong-hinininga, "Stop playing with my sister's feelings if you don't love her, Ace."Tumaas ang sulok ng labi nito and say, "So that's your reason for me to break
Sa harap ng salamin galit siyang nagpupunas ng make up habang umiiyak at sinasabing, "Ang manyák niya, ang gágo niya, wala siyang respeto, hindi porket mas marami siyang pera? Ano ba tingin niya sa akin laruan niya?" Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Celestia, tila ba'y nais nito magsalita upang pagaanin ang loob niya pero hindi nito alam ang sasabihin. Pagkatapos ng ginawa ni Ace kanina, umalis agad sila sa Soulvero Residence. Mabuti na lang naintindihan ni Natalie ang nararamdaman niya kaya hindi ito nagpakita ng tampo, o pagtutol sa disisyon niya. Umuwi sila sa bahay nila Celestia at ngayon nasa kwarto siya nito nakaharap sa salamin at nagtatanggal ng make up. "Ano ba kasalanan ko sa kaniya? I mean..." Hinarap niya si Natalie. "May galit ba siya sa pamilya namin?" Tumitig siya sa mukha nitong may bahid na pagkalito. Nagpatuloy siya, "Kasi girlfriend niya si Avery, at alam niyang hindi kami magkasundo no'n, tapos ito ang ginagawa niya sa akin? Sa tingin mo ba may nagawa si
Mayroon pa siyang tatlong araw na pahinga bago sumapit ang pagsisimula niya bilang nurse sa SLV general hospital. Maaga ring umalis si Celestia at sumabay na lang ito sa mga magulang dahil iniwan nito ang sariling sasakyan para sa kaniya in case gusto niyang lumabas. Nahihiya man siya pero may punto naman ito. Para iwas problema na rin sa pag-commute para sa kaniya. Katulad ng nakagawian niya, nagsuot lamang siya ng pantalon, jacket, nakatali lang ang buhok niya at nakasuot ng salamin. Lumabas siyang ganoon ang porma niya pero pumasok siya sa mall upang bumili ng sapatos. Hindi talaga naayon sa lugar ang hitsura niya at expected na maraming may nakatingin sa kaniya. Medyo maluwag kasi ang pantalon sa mga binti niya unlike sa porma ng iba when it comes to pantalon, dapat masikip. Ngayon naghahanap siya ng magandang sapatos. Sunod naman nang sunod ang saleslady sa kaniya. Ang bag na dala niya ay hindi rin bagay sa suot niya. Kung baga ang bag niya ay pang sexy pero ang suot niya ay
"Sir, maniwala po kayo, hindi ko po ninakaw ang wallet, hindi ko po alam kung paano iyon napunta sa bag ko!" Kasalukuyan siyang nasa prisinto dahil sa resulta ng wallet na natagpuan sa loob ng bag niya. Naniniwala siya na may sumabotahe sa kaniya at hindi niya alam kung paano patunayan iyon. Paulit-ulit siyang nagmamakaawa pero binabalikan ito ng mga pulis dahil mas naniniwala ang mga ito sa ebidensya. "Miss hangga't walang kang patunay na hindi ikaw ang kumuha ng item, wala tayong choice diyan. Pagnanakaw ang maging record mo sa kasong ito."Napailing siya sabay patak ng mga luha. Walang kahit isang solusyon ang pumapasok sa isipan niya maliban sa umiyak na lang. Bingi ang kahit sino sa mga katwiran niya, talagang walang may maniniwala at bukod doon, talagang hindi siya kapanipaniwala, dahil sa suot niya. Mukha siyang dukhang gutom sa suot niyang damit. Sinong maniniwala na hindi siya ang ang nagnakaw? Dumi na lang sa damit at punit-punitin ito ang kulang masasabi nang taong grasa
Ang daming pabaon na natanggap si Avery mula kay Gwy at sa mga kaibigan nito na naging kaibigan niya narin. Dalawang paper bag mula kay Gwy, isang paper bag naman mula kay Ace, nagbigay rin si Celestia at Natalie, ganon din si Noah. Tig-iisang paper bag mula sa mga ito. "Kita na lang tayo sa Singgapore, sakaling may transaksyon ako doon," ani Noah at sumenyas pa ng finger chat. "Me too, puntahan kita sa hospital niyo," ani naman ni Natalie kung may project ako roon. Napangiti naman siya at sinabi niyang, "Guys, uuwi rin ako dito, don't worry." "Dapat lang, lalo na sa kasal ko, subukan mo lang kalimutan," ani naman ni Ace. Sinamaan niya ito ng tingin, "Nakalimutan mo yatang kapatid ko ang aasawahin mo? Shempre hindi ako mawawala doon." Humarap siya kay Gwy, ngumiti lang ito pero may lungkot sa mga mata. "Mamimiss kita," mahinang sabi nito. Nagpatunog siya ng dila. "Tatawag ako lagi, shempre..." Piniga-piga niya ang pisngi ni Austin, "Lagi kong mamimiss itong baby na to eh."
Three weeks later. "Happy birthday, Austin!" Sumigabong ang palakpakan, puno ng decoration ng pambata ang buong paligid. Maraming mga bisita ang ilan pa ay galing ibang bansa ang ilan naman staff ng innovation at Abertoy. Gabi isinagawa ang kaarawan ni Austin, pang-isang taong gulang nito. Marami ring mga maliliit na bata, at nakita naman niya ang anak niyang nag-eenjoy makipaglaro sa mga ito. Suot nito ang costume ni Dave sa Dave and Ava, at talagang napaka-cute nitong tingnan. Takbo pa ito nang takbo, at dahil last day na ng tatlo, Avery, Simon and Shaira dito sa Pilipinas, ang tatlong ito ang naging yaya ni Austin. Sunod nang sunod ang mga ito kahit saan man tumakbo ang bata. Siya naman, inasikaso ang mga bisita na dumating. Si Ace naman ang mga business partners and friends naman ang inatupag ng mga ito. Sobrang dami rin ng natanggap na regalo ng anak niya. Kahit saan siya tumingin, puro mukha ni Austin ang nakikita niya. Marami kasing photoshoot itong hinarap bago mang
Tila bumalik sa nakaraan si Ace, nakikita niya ang kaniyang sarili mula noong bata pa. Bawat birthday niya, noong mga panahong nag-aaral siya, elementary, highschool, college. Sumagi rin ang hindi kaaya-ayang pangyayari, that's Avery noong gínáhásá ito. Hanggang sa may nakilala siyang babae, ang pangalan nito ay Gwyneth, lahat ng nakaraang iyon, naalala niya, umalis ito, nasaktan siya. Naalala rin niya noong mga panahong inatake siya ng OCD. Kung paano niya ito tinago hangang sa nalaman ni Gwy. Naaksidente siya, nawalan ng ala-ala, after two years nagpakita si Gwyneth sa kaniya at may anak nila, ang pangalan nito ay Austin at kung kailan okay na sila kahit wala siyang naalala may masamang nangyari. Saktong pagbangga ng truck sa sasakyan nila nagmulat siya ng mga mata. Puting kisame ang nakita niya, at narinig niya ang umi-echo na boses, "Ace?" Malabo pa ang paningin niya kaya pigura lang ng babae ang nakita niya. Nagtanong siya, "Who are you?" Kinikilala niya ang pigura ng babae,
Pagkatapos matamaan ni Avery si Tatiana sa balikat, naging alerto siya dahil tumakbo ito kahit nasasaktan. Nangibabaw ang iyak ng anak nito, rinig niya ang daíng ni Diether, at lumapit naman ang mga katulong sa mga ito. Siya naman, may hawak siyang projector, paborito niyang projector iyon, palaka lover kasi siya. Binuksan niya ito, pinatama niya sa sahig ang ilaw na dadaanan ni Tatiana. "Saan ka pupunta ha?" aniya, lumakas ang tili ng babae nang makita ang reflection ng mga palakang gumagapang sa sahig. Napaupo ito at umatras pa. "Akala mo ba nakalimutan ko na ang kahinaan mo, Samantha?""Alisin mo iyan!" tili nito, at nagpasya na lang na magtakip ng mga mata. Kung saan-saan ito nagpapaputok ng baril at panay naman ang yuko nila. Puno ng sigawan ang loob ng mansion, at para tumigil ito, pinatamaan niya ito ng bala sa braso. Nabitawan nito ang baril at dahil nagtatakip ito ng mata lumapit rito ang tauhan niya at kinuha ang baril.Tumayo siya, nakabukas pa rin ang projector at nakatu
Sobrang higpit ang hawak ni Avery sa manibela ng sasakyan niya. Halos paliparin niya rito pabalik sa mansion nila. Sumasagi sa isipan niya ang lahat ng nangyari, ang araw na gínáhásá siya, kahit anong advice psychiatrist sa kaniya na kalimutan na ang pangyayaring iyon hindi iyon mangyayari.Naalala niya ang mga araw na kulang na kulang si Tatiana bilang ina sa kaniya. Naghihirap siya kahit sa harapan nito, pero pinili nitong maging bingi sa mga daing niya. Ngayon, na nakuha na niya ang pagmamahal sa kapatid niya, may minahal na rin siya at iyon ang pamangkin niya, mga ito pa talaga ang sinaktan ng nanay niya. Masama ang titig niya sa kalsada, pero may mga lumalabas na mga luha sa kaniyang mga mata. Hinayaan niyang tumulo lamang ang mga iyon. Magkahalo ang takot at galit na nararamdaman niya. Naiiyak siya sa tuwing naalala niya ang kalagayan ni Gwyneth, lalo na't naranasan ni Austin ang ganoong pangyayari sa sobrang bata ng edad. Anak pala siya ni Samantha Hulterar. Mahirap tanggapin
Bumaba sila mula sa Fourth floor, sa sobrang sabik na makita ang laman ng USB naglalakad siyang bumubulong, "I need laptop, I need laptop."Halos hindi na niya alintana ang mga taong nakakasalubong at nadaanan niya. Sumasabay lang sa lakad niya si Deither na nababalisa. Nagulat na lang siya may babaeng tumayo sa harap niya. "Dad..." Pagtingin niya rito, si Avery at nakatingin ito sa ama. Napatitig siya sa dalaga at habang tinititigan niya ito, saka lang niya nare-realize ang hawig nito kay Samantha. "W-Wha..." halos hindi niya masambit ang salitang what, hindi niya alam ang dapat i-react. "Anong ginagawa mo dito, Ave? Hindi ba't sumama ka sa kanila?" pagalit na tanong ni Diether na pinipilit lang din kumalma. Nag-pipisil ito nagkamao na nakaharap sa ama. Naiiyak na naman habang sinasabi, "I just thought, what if kausapin natin si Mom? Tanungin natin siya sino ba talaga ang kaaway niya—""Ave..." Deither groaned. "Dad, hindi natin pwedeng baliwalain ito! Hindi pwedeng walang may m
Takot man si Mark para kay Ace, ngunit mas pinili niyang mag-tiwala. Pinahatid niya sa mansion si Hemera, Avery at mga pinsan nito kasama ang bata. Nagpaiwan si Natalie at Celestia sa hospital, si Noah sumama sa mga ito, ang asawa niya naghintay ng resulta para kay Ace at si Deither, sinama niya. Kung ano man ang sasabihin ng babaeng iyon, deserve nitong malaman dahil nadamay rito ang anak. Binalik lang nila dito sa SLV ang babae, ngunit naka-private room ito at kasalukuyang binabantayan. Umakyat sila sa fourth floor, sunod lang si Diether sa kaniya habang nag-uusap tungkol sa nangyari. "Ilang beses kong tinanong si Tatiana kung sino ang kalaban niya, puro wala ang sagot na nakukuha ko." "Pero laging rason ng mga taong nananakit sa mga anak mo ay siya, dahil sa kaniya," katwiran niya pero naintindihan niya ang rason nito. "Kung may kaaway man siya, sigurado ako sa sugal iyon. Laging nauubos ang pera niya dahil sa sugal," anito. "Eagles-Bet?" tanong niya. "Hindi," sagot nito. "Hi
Halos hindi na ni Mark makikita ang daan sa bilis ng takbo ng kaniyang sasakyan. Nakikipagkarera rin pati ang mga executive assistants niya, dalawang sasakyan ang gamit ng mga ito. Matapos niyang marinig ang boses ni Ace na tila naghihingalo, at boses ng batang umiiyak, may pútúkan na nangyari. Patunay, naabutan iyon ng mga tauhan niya. Nang sabihin ng babae kanina na nanganganib ang buhay ng apo niya, agad siyang nagpadala ng mga tauhan upang salubungin sila Ace sa pag-uwi ng mga ito ngunit nahuli na yata sila.Nagmamaneho pa lang, halos masisiraan siya ng bait, tinawagan niya ang kambal niya at sinabi ang nangyari, nagmakaawa siya ng tulong. Hindi rin ito nag-atubiling magsabi ng, "Sige papunta na ako.""Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Diether!" Halos iuntog niya ang ulo niya sa manibela. Tunay na humahagulhol siya sa sobrang takot, pag-alala para sa anak niya at sa mag-ina nito. Inaalala niya ang bata, kahit konting sugat lang halimbawa meron ito, hindi niya kaya. Nadudurog siy
Biyahe papuntang Sansmith Residence puno ng saya ang loob ng sasakyan. Nagmamaneho si Ace, habang siya naman, nasa kandungan niya si Austin. Sumasabay sa kanta ng tugtugin ang ama, sumasayaw naman ang ulo ng anak. Habang sinusulyapan ni Ace ang anak, tumatawa ito dahil sa tuwa. Napatingin naman siya sa labas, malapit na mag-kulay kahel ang kalangitan, huminto naman sa pagkanta si Ace at nagtanong, "May gusto ka bang bilhin?" Nagpasingkit siya ng mga mata, nag-isip, maya-maya sinabi, "Anong magandang pasalubong kay Grandma?" tanong niya. Nag-isip naman ito. "Hmm...cake?"Tumango siya at sinabing, "Pwede na rin. Daan tayo."Agad itong lumiko ng daan, at sinulyapan pa ang anak. "May tanong ako," sabi pa nito. Tumingin naman siya at tumingin rin ito sa kaniya upang alamin kung payag ba siya na magtanong ito at nagtanong agad, "Anong full name ni Austin?"Napaawang ang mga labi niya lalo na't hindi Sansmith ang apelyido ng bata. Nagsalita siya, "Apelyido niya ang gamit ko since—""Nain