"Sir, maniwala po kayo, hindi ko po ninakaw ang wallet, hindi ko po alam kung paano iyon napunta sa bag ko!" Kasalukuyan siyang nasa prisinto dahil sa resulta ng wallet na natagpuan sa loob ng bag niya. Naniniwala siya na may sumabotahe sa kaniya at hindi niya alam kung paano patunayan iyon. Paulit-ulit siyang nagmamakaawa pero binabalikan ito ng mga pulis dahil mas naniniwala ang mga ito sa ebidensya. "Miss hangga't walang kang patunay na hindi ikaw ang kumuha ng item, wala tayong choice diyan. Pagnanakaw ang maging record mo sa kasong ito."Napailing siya sabay patak ng mga luha. Walang kahit isang solusyon ang pumapasok sa isipan niya maliban sa umiyak na lang. Bingi ang kahit sino sa mga katwiran niya, talagang walang may maniniwala at bukod doon, talagang hindi siya kapanipaniwala, dahil sa suot niya. Mukha siyang dukhang gutom sa suot niyang damit. Sinong maniniwala na hindi siya ang ang nagnakaw? Dumi na lang sa damit at punit-punitin ito ang kulang masasabi nang taong grasa
"You can't do this to me, Love!" angal ni Avery. Matic na iyon lalo na't siya ang gustong kasama ng lalaki. Tiningnan lang nito ang girlfriend sandali at saka tumingin sa ama nila. "What do you think, uncle? It's my mom's order, susuwayin ko ba?" Ngayon ang ama na nila ang na-iipit sa sitwasyon. Nakasalalay na rito ang mamili at play safe na naman itong si Ace. Napatingin si Avery sa Dad nila na animo'y nakikiusap. Hindi agad nakapagsalita ang ama at huminga na lang nang malalim then kalaunan, umiling ito at nagtanong, "Hindi ba maari na kasama niyo ang girlfriend mo? I mean, the...the issue." "This time, maybe, we have to act professionally since this is about my mother's order," rason agad ni Ace while cocking his head to the side. "Well, it's my mistake because I informed her about what happened to Gwyneth, so she thought of meeting her. Maybe she wanted to check on her personally to find out if she was okay or not. You know the issue is not a joke."Na-stun na ang kaniyang ama
Nag-iisip kung paano makatakas sa lalaking ito. Nakamasid lamang siya sa lugar na dinadaanan nila habang kagat-kagat ang kaniyang kuko. Hindi na siya mapakali, dala-dala na niya ang matinding pag-alala na baka hindi talaga ito nagbibiro.What if pagdating sa unit nito wala na talaga siyang kawala? Hindi ba talaga siya kikilos? Kailangan magtiwala pa rin siya sa sinabi ni Celestia? Ang pumasok sa isipan niya ay tumakbo pagkalabas ng sasakyan. Pero kung makakalabas lamang siya sa sasakyan sa location ng place nito baka mahihirapan siyang tumakas. Kaya kailangan dito pa lang makalabas na siya pero paano? Tumatapik-tapik ang kamay niya sa kaniyang tiyan. Saktong nagtanong pa ito, "Bakit?" Sandali siyang bumaling dito at naabutan niya ang sulyap nito sa tiyan niya. "Nahihilo ako sa amoy ng sasakyan mo."Pagkatapos niyang sabihin iyon, narealize niya sa sarili niyang ang galing niyang mag-isip ng rason. Dahil kasi roon nakaisip na siya ng prank na maari niyang gawin para makatakas. "Nah
Buong pwersa na rin niya ay binigay niya para makawala sa pananali ni Ace sa kaniya. Alam niyang ugang-uga na ang sasakyan ni Celestia kung titingnan sa labas at siguradong may nakapansin na rin. Pero anong magagawa niya kung wala pakialaman ang binata? "Ano ba, Ace?! Bitawan mo ako!" Kahit siya nabibingi na rin sa kakasigaw niya. Lalo na kapag tumili siya na sinasadya niyang sa tenga talaga nito. Ngunit tinitiis iyon ng lalaki. "Pinakitaan mo kasi ako ng abilidad mong tumakas kaya sorry na lang if I'll make sure na hindi ka na makakawala pang manok ka," anino na halos dikit ang labi nito sa puno ng tenga niya. Napapatabingi lang ang ulo niya sa kiliti at ngayon mas nahihirapan na siyang gumalaw. "Sinong hindi tatakas sa ginagawa mo?! Nananakot ka kaya!" singhal niya sa mukha nito matapos tumili dulot nang mainit na hininga nitong tumatama sa balat niya. "Wow! Sa lahat ng babae ikaw lang ang takot—"Inagaw niya agad ang pagsasalita nito, "Malamang virgin ako!" Napapasipa na lang s
Bumaba ang lalaki sa sasakyan matapos nitong huminto sa malaking mansion. Wala siyang alam kung anong pangalan ng lugar pero sa bungad pa lang, imbis na quadrangle o bakuran ng mansion ang makikita niya sa loob ng malaking gate malawak na swimming pool ang naroon. Blue ang color motif na makikita niya sa paligid. Parang resort ito kung titingnan pero mansion ang nasa harapan. Sa gilid ng malawak na pool may mga poolside lounge, ngunit tahimik, patunay na wala pang mga tao dito. Sa katahimikan ng paligid na iyon, mas lalong nagbibigay sa kaniya ng takot at nataranta nang buksan ni Ace ang pintuan ng sasakyan sa tabi niya. Inalis nito ang balabal na nakatali sa kaniya bagay na kahit papaano'y nagpapasalamat siya atleast may pag-asa siyang makawala. "Behave ah," anito at sinamaan niya ito ng tingin. Bumaba siya sa sasakyan at inikot agad ang mata sa paligid. Matataas ang pader, at kung iyon ang gagamitin niya para tumakas, mahihirapan siya. Kung sa gate naman, sarado na ito ngayon ka
"Bakit ang baho mo?" literal na tanong ni Natalie nang lapitan siya nito. Natawa si Ace at siya naman ay napa-amoy sa sarili. Hindi niya maamoy ang lansa sa kaniya since sarili niya ito at pabango niya ang naamoy niyang nanuot sa tela ngunit naniniwala siya kay Natalie kaya sumagot siya, "Amoy isda ba?" "Exactly, pumunta ka ng palengke? Nasaan ang pinamili mo?" tanong nito. Bagsak balikat siyang bumuntong-hininga at sinamaan ng tingin si Ace. "Sa kahabol-habol niya sa akin, pumasok ako sa palengke ng mga isda." "Geez..." ani na lang ni Noah at pagtingin niya rito, he cocked his head to the side na sa kanya ang mga mata, "It's better if you take a bath." Tumingin ito kay Natalie. "Guide her, Nat."Kailangan ba talaga maligo? Pero nakakahiya naman sa mga ito kung hindi siya maliligo. Ang problema lang, wala siyang dalang damit. Sumagot siya, "Gano'n pa rin naman eh." Napatingin siya sa damit niya, "Wala akong ibang isusuot. Wala akong dala."Nilahad niya ang dalawang kamay niya patu
Sa totoo lang, walang kahit isa sa mga damit siyang nagustuhan. Kung baga for her maganda lahat, sa taste niya pasok ito pero ang ibig niyang sabihin ay pang-anti-asar-Ace. Wala siyang makita kahit isa maliban sa fitted shirt and sweatpants. Sa loob ng banyo, totoo nga ang sinabi ni Natalie, na may gamit roon na pambabae. Kompleto lahat ngunit my napansin lamang siya. Ang brand kasi ng mga cosmetics roon, ay ang brand na usually ginagamit niya. Napanganga na lamang siya at napakurap-kurap. Napabulong na lang, "Ano ba talaga, Ace? Ang linaw mo na parang malabo rin." Hangga't maari, ayaw niyang mag-assume. Hindi naman mahirap gustuhin si Ace dahil gwapo ito, hot, mayaman, marami ngang babaeng naghahangad dito at kung tutuusin malaki ang dahilan niya para mag-assume. Komplikado lang talaga ang sitwasyon at iyon ang hindi niya maintindihan sa lalaki. Kung gusto siya nito, bakit girlfriend nito ang kapatid niya? Sa tanong na ito talaga paulit-ulit siyang na-stuck. Malakas na harang para
"Avery can't do that again, okay?" Natalie warned habang sila'y kumakain. "Mangatwiran ka, sometimes. Huwag mo nang hayaang madehado ka ulit." Alam niya ang ibig nitong sabihin pero paano naman siya makaiwas kung malala na ang mga paraan ni Avery? Katulad ng nangyari kanina, talagang pinasok siya sa selda. Malay ba niyang mangyayari iyon?Ngunit nagsalita si Noah, "You know what, Gwy? Two wrongs don't make a right. Bullying is a sin, but so is being bullied." Siguradong magbibigay na naman ito ng pang-uunawa. Tumingin siya rito at katulad ng inaasahan niya, sa kanya ito nakatingin. "Lalo na kung may laban ka pero hindi mo ginagawa. Hindi mo gustong ma-bully pero hinayaan mo, which means choice mo so mali pa rin."Nagbaba siya ng tingin. Tama nga naman ito. Napansin niyang tiningnan siya ni Ace. Nasa tabi lang niya ito, si Noah at Natalie kasi ang magkatabi at katulad ng inaasahan si Ace ang nag-insist ng posisyon nila. "Right," ani Ace. Sinamaan niya ito ng tingin. "Kaya kapag binu-
Ang daming pabaon na natanggap si Avery mula kay Gwy at sa mga kaibigan nito na naging kaibigan niya narin. Dalawang paper bag mula kay Gwy, isang paper bag naman mula kay Ace, nagbigay rin si Celestia at Natalie, ganon din si Noah. Tig-iisang paper bag mula sa mga ito. "Kita na lang tayo sa Singgapore, sakaling may transaksyon ako doon," ani Noah at sumenyas pa ng finger chat. "Me too, puntahan kita sa hospital niyo," ani naman ni Natalie kung may project ako roon. Napangiti naman siya at sinabi niyang, "Guys, uuwi rin ako dito, don't worry." "Dapat lang, lalo na sa kasal ko, subukan mo lang kalimutan," ani naman ni Ace. Sinamaan niya ito ng tingin, "Nakalimutan mo yatang kapatid ko ang aasawahin mo? Shempre hindi ako mawawala doon." Humarap siya kay Gwy, ngumiti lang ito pero may lungkot sa mga mata. "Mamimiss kita," mahinang sabi nito. Nagpatunog siya ng dila. "Tatawag ako lagi, shempre..." Piniga-piga niya ang pisngi ni Austin, "Lagi kong mamimiss itong baby na to eh."
Three weeks later. "Happy birthday, Austin!" Sumigabong ang palakpakan, puno ng decoration ng pambata ang buong paligid. Maraming mga bisita ang ilan pa ay galing ibang bansa ang ilan naman staff ng innovation at Abertoy. Gabi isinagawa ang kaarawan ni Austin, pang-isang taong gulang nito. Marami ring mga maliliit na bata, at nakita naman niya ang anak niyang nag-eenjoy makipaglaro sa mga ito. Suot nito ang costume ni Dave sa Dave and Ava, at talagang napaka-cute nitong tingnan. Takbo pa ito nang takbo, at dahil last day na ng tatlo, Avery, Simon and Shaira dito sa Pilipinas, ang tatlong ito ang naging yaya ni Austin. Sunod nang sunod ang mga ito kahit saan man tumakbo ang bata. Siya naman, inasikaso ang mga bisita na dumating. Si Ace naman ang mga business partners and friends naman ang inatupag ng mga ito. Sobrang dami rin ng natanggap na regalo ng anak niya. Kahit saan siya tumingin, puro mukha ni Austin ang nakikita niya. Marami kasing photoshoot itong hinarap bago mang
Tila bumalik sa nakaraan si Ace, nakikita niya ang kaniyang sarili mula noong bata pa. Bawat birthday niya, noong mga panahong nag-aaral siya, elementary, highschool, college. Sumagi rin ang hindi kaaya-ayang pangyayari, that's Avery noong gínáhásá ito. Hanggang sa may nakilala siyang babae, ang pangalan nito ay Gwyneth, lahat ng nakaraang iyon, naalala niya, umalis ito, nasaktan siya. Naalala rin niya noong mga panahong inatake siya ng OCD. Kung paano niya ito tinago hangang sa nalaman ni Gwy. Naaksidente siya, nawalan ng ala-ala, after two years nagpakita si Gwyneth sa kaniya at may anak nila, ang pangalan nito ay Austin at kung kailan okay na sila kahit wala siyang naalala may masamang nangyari. Saktong pagbangga ng truck sa sasakyan nila nagmulat siya ng mga mata. Puting kisame ang nakita niya, at narinig niya ang umi-echo na boses, "Ace?" Malabo pa ang paningin niya kaya pigura lang ng babae ang nakita niya. Nagtanong siya, "Who are you?" Kinikilala niya ang pigura ng babae,
Pagkatapos matamaan ni Avery si Tatiana sa balikat, naging alerto siya dahil tumakbo ito kahit nasasaktan. Nangibabaw ang iyak ng anak nito, rinig niya ang daíng ni Diether, at lumapit naman ang mga katulong sa mga ito. Siya naman, may hawak siyang projector, paborito niyang projector iyon, palaka lover kasi siya. Binuksan niya ito, pinatama niya sa sahig ang ilaw na dadaanan ni Tatiana. "Saan ka pupunta ha?" aniya, lumakas ang tili ng babae nang makita ang reflection ng mga palakang gumagapang sa sahig. Napaupo ito at umatras pa. "Akala mo ba nakalimutan ko na ang kahinaan mo, Samantha?""Alisin mo iyan!" tili nito, at nagpasya na lang na magtakip ng mga mata. Kung saan-saan ito nagpapaputok ng baril at panay naman ang yuko nila. Puno ng sigawan ang loob ng mansion, at para tumigil ito, pinatamaan niya ito ng bala sa braso. Nabitawan nito ang baril at dahil nagtatakip ito ng mata lumapit rito ang tauhan niya at kinuha ang baril.Tumayo siya, nakabukas pa rin ang projector at nakatu
Sobrang higpit ang hawak ni Avery sa manibela ng sasakyan niya. Halos paliparin niya rito pabalik sa mansion nila. Sumasagi sa isipan niya ang lahat ng nangyari, ang araw na gínáhásá siya, kahit anong advice psychiatrist sa kaniya na kalimutan na ang pangyayaring iyon hindi iyon mangyayari.Naalala niya ang mga araw na kulang na kulang si Tatiana bilang ina sa kaniya. Naghihirap siya kahit sa harapan nito, pero pinili nitong maging bingi sa mga daing niya. Ngayon, na nakuha na niya ang pagmamahal sa kapatid niya, may minahal na rin siya at iyon ang pamangkin niya, mga ito pa talaga ang sinaktan ng nanay niya. Masama ang titig niya sa kalsada, pero may mga lumalabas na mga luha sa kaniyang mga mata. Hinayaan niyang tumulo lamang ang mga iyon. Magkahalo ang takot at galit na nararamdaman niya. Naiiyak siya sa tuwing naalala niya ang kalagayan ni Gwyneth, lalo na't naranasan ni Austin ang ganoong pangyayari sa sobrang bata ng edad. Anak pala siya ni Samantha Hulterar. Mahirap tanggapin
Bumaba sila mula sa Fourth floor, sa sobrang sabik na makita ang laman ng USB naglalakad siyang bumubulong, "I need laptop, I need laptop."Halos hindi na niya alintana ang mga taong nakakasalubong at nadaanan niya. Sumasabay lang sa lakad niya si Deither na nababalisa. Nagulat na lang siya may babaeng tumayo sa harap niya. "Dad..." Pagtingin niya rito, si Avery at nakatingin ito sa ama. Napatitig siya sa dalaga at habang tinititigan niya ito, saka lang niya nare-realize ang hawig nito kay Samantha. "W-Wha..." halos hindi niya masambit ang salitang what, hindi niya alam ang dapat i-react. "Anong ginagawa mo dito, Ave? Hindi ba't sumama ka sa kanila?" pagalit na tanong ni Diether na pinipilit lang din kumalma. Nag-pipisil ito nagkamao na nakaharap sa ama. Naiiyak na naman habang sinasabi, "I just thought, what if kausapin natin si Mom? Tanungin natin siya sino ba talaga ang kaaway niya—""Ave..." Deither groaned. "Dad, hindi natin pwedeng baliwalain ito! Hindi pwedeng walang may m
Takot man si Mark para kay Ace, ngunit mas pinili niyang mag-tiwala. Pinahatid niya sa mansion si Hemera, Avery at mga pinsan nito kasama ang bata. Nagpaiwan si Natalie at Celestia sa hospital, si Noah sumama sa mga ito, ang asawa niya naghintay ng resulta para kay Ace at si Deither, sinama niya. Kung ano man ang sasabihin ng babaeng iyon, deserve nitong malaman dahil nadamay rito ang anak. Binalik lang nila dito sa SLV ang babae, ngunit naka-private room ito at kasalukuyang binabantayan. Umakyat sila sa fourth floor, sunod lang si Diether sa kaniya habang nag-uusap tungkol sa nangyari. "Ilang beses kong tinanong si Tatiana kung sino ang kalaban niya, puro wala ang sagot na nakukuha ko." "Pero laging rason ng mga taong nananakit sa mga anak mo ay siya, dahil sa kaniya," katwiran niya pero naintindihan niya ang rason nito. "Kung may kaaway man siya, sigurado ako sa sugal iyon. Laging nauubos ang pera niya dahil sa sugal," anito. "Eagles-Bet?" tanong niya. "Hindi," sagot nito. "Hi
Halos hindi na ni Mark makikita ang daan sa bilis ng takbo ng kaniyang sasakyan. Nakikipagkarera rin pati ang mga executive assistants niya, dalawang sasakyan ang gamit ng mga ito. Matapos niyang marinig ang boses ni Ace na tila naghihingalo, at boses ng batang umiiyak, may pútúkan na nangyari. Patunay, naabutan iyon ng mga tauhan niya. Nang sabihin ng babae kanina na nanganganib ang buhay ng apo niya, agad siyang nagpadala ng mga tauhan upang salubungin sila Ace sa pag-uwi ng mga ito ngunit nahuli na yata sila.Nagmamaneho pa lang, halos masisiraan siya ng bait, tinawagan niya ang kambal niya at sinabi ang nangyari, nagmakaawa siya ng tulong. Hindi rin ito nag-atubiling magsabi ng, "Sige papunta na ako.""Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Diether!" Halos iuntog niya ang ulo niya sa manibela. Tunay na humahagulhol siya sa sobrang takot, pag-alala para sa anak niya at sa mag-ina nito. Inaalala niya ang bata, kahit konting sugat lang halimbawa meron ito, hindi niya kaya. Nadudurog siy
Biyahe papuntang Sansmith Residence puno ng saya ang loob ng sasakyan. Nagmamaneho si Ace, habang siya naman, nasa kandungan niya si Austin. Sumasabay sa kanta ng tugtugin ang ama, sumasayaw naman ang ulo ng anak. Habang sinusulyapan ni Ace ang anak, tumatawa ito dahil sa tuwa. Napatingin naman siya sa labas, malapit na mag-kulay kahel ang kalangitan, huminto naman sa pagkanta si Ace at nagtanong, "May gusto ka bang bilhin?" Nagpasingkit siya ng mga mata, nag-isip, maya-maya sinabi, "Anong magandang pasalubong kay Grandma?" tanong niya. Nag-isip naman ito. "Hmm...cake?"Tumango siya at sinabing, "Pwede na rin. Daan tayo."Agad itong lumiko ng daan, at sinulyapan pa ang anak. "May tanong ako," sabi pa nito. Tumingin naman siya at tumingin rin ito sa kaniya upang alamin kung payag ba siya na magtanong ito at nagtanong agad, "Anong full name ni Austin?"Napaawang ang mga labi niya lalo na't hindi Sansmith ang apelyido ng bata. Nagsalita siya, "Apelyido niya ang gamit ko since—""Nain