WARNING MATURED CONTENT! SKIP IF YOU'RE NOT COMFORTABLE READING A BEDSCENEMARCUS:NANGINGITI AKONG napasunod ng tingin kay chubs na pumasok ng kanilang building. Ang arte naman kasi eh. Ayaw pang magsabay kaming pumasok. Kabisado naman na namin ang oras ng pagro-ronda ng mga guards kaya hindi mahirap pumuslit sa building ng may building. Bawal talagang pagala-gala ka sa hindi mo building lalo na sa gabi pero dahil walang makakapigil kay Asher Marcus Montereal? Nakakaligtas kami ng baby bubuyog ko.Isa pa eh hindi naman sila pumapasok sa silid para tignan kung may outsiders kaya madali lang makaligtas. Sa dami ba naman namin ditong binabantayan nila ay hindi na nila ako napapansin na pinakapasaway na yata sa lahat. Mabuti na lang at hindi pa ako nahuhuli dahil lagi akong lumalabag sa rules magmula pagdating ko dito. At 'yon ay dahil kay chubs. Mula umaga hanggang gabi ay sinusuway ko ang rules ng dorm para lang makasama ang mahal kong tabachoy na 'yon, haist. Pagkaikot ng mga guard
MARCUS:MABILIS LUMIPAS ANG MGA araw. Kaya sinusulit na lamang namin ni chubs ang weekend at gabi na siyang free time namin dahil mas humigpit na ang pagbabantay sa amin ng mga coaches namin sa nalalapit na competition. Bumalik din kaagad si Mommy ng bansa na malamang maayos na ako dito at babalik na lang raw sila kasama sina Daddy at mga Ate ko sa araw mismo ng competition. Inaasahan ko naman na 'yon. Ang pumunta ang buong pamilya ko sa araw mismo na pinakahinihintay ko. Nakakalungkot lang dahil kapag natapos na ang competition ay babalik na ako ng bansa. Magkakalayo na kami ni chubs. Kahit naman ilang buwan lang ay magtatapos na rin kami ay 'di ko pa rin mapigilang malungkot sa tatlong buwan naming muling pagkakalayo. Nangako naman itong magtatawagan kami lagi kapag nasa Pilipinas na ako. Gabi-gabi din akong pumupuslit sa silid nila ni Kendra at laking pasalamat naming pinapaubaya sa amin ni Kendra ang silid pero syempre may kapalit. Ang babaeng 'yon. Kinuha lang naman ang atm k
MARCUS:NAKANGUSO AKONG nakapamulsa dito sa sala ng mansion habang hinihintay sina mommy na makapagbihis. Parang kahapon lang nang magkaiyakan kami ni chubs na mahigpit na yakap-yakap ang isa't-isa nang maghiwalay na kami sa airport.Tatlong buwan na rin ang nakalipas magmula nang umuwi kami ng bansa kasabay sina Mommy pagkatapos ng competition ko sa England. Kahit ayoko pa sanang umuwi noon ay hindi naman pwede dahil ayaw ni mommy na tumigil ako ng pag-aaral maski isang taon. Tatlong buwan lang naman ang kailangan naming tiisin ni chubs, pagkatapos non ay nangako naman si Mommy na hindi niya na kami hahadlangan ni chubs na magkita at bibigyan na rin niya ako ng kalayaang makasama ang girlfriend ko kahit pa puntahan o manirahan ako ng England."Congrats, bunso! Kahit kolelat ka." Napangiwi ako sa malambing pagbati ng isa sa maria quadro na humalik sa pisngi ko. Mana silang apat kay Mommy sa height at pag-uugali. Ang liliit nilang babae pero parang mga dragona dito sa mansion, haist
MARCUS:NAPABALIKWAS AKONG napasapo sa ulo kong sobrang kirot! Namimigat maging buong katawan ko na dinaig ko pa ang maghapong sumalang sa marathon. "Good morning, babe!" "Huh!?" Napapitlag ako sa bigla na lamang lumabas sa may pinto ng banyo na babaeng nakasuot lang ng roba at bagong ligo! Matamis itong ngumiti na lumapit sa akin dito sa kama na nakaupo pa rin at natutulala dito."What is the meaning of this!!?" Muli akong napapitlag nang may sumigaw sa bandang likuran ko at bumungad ang isang pares na matandang babae at lalake na matalim ang pagkakatitig sa dalagang kaharap ko. Teka.....sino nga ba ito? At bakit ako nandito? Nasaan ba ako? "Bianca! Let's talk outside!" madiing bulyaw pa ng matandang lalake na may malaking tyan at naka-formal attire. Maging ang ginang ay napasunod din dito na pabalibag isinara ang pinto. Napakurap-kurap pa ako sa mga nangyayari! "Excuse me? Where am I? And who the hell are you?" kunotnoong tanong ko na napatitig sa mga mata nito.Kimi lang it
MARCUS:NAPAYAKAP AKO KAY Mommy na hinila ito palayo kay Ma'am Celeste. Ang ina ni Bianca na kaibigan pala ni Acelle. Hindi pa malinaw sa akin ang lahat kung paano ako nakarating ng resthouse nila dahil tanda ko namang resthouse nila Acelle ang pinuntahan namin ni Denzel. Kahit pinapalabas ni Bianca na may namagitan sa amin ay hindi pa rin ako naniniwalang nagalaw ko siya. Bakit wala manlang akong matandaan? Hindi naman ako naglasing kagabi sa pool party. "Mommy. . . tama na po," Pag-awat ko dito nang akmang susugurin si Ma'am Celeste na humalukipkip lang at nakataas ng kilay kay Mommy na yakap ko."Get off me!" bulyaw nitong nagpupumiglas."Why don't you just accept the fact, Moira? Magiging pamilya na tayo. . . soon," nakangiti at madiing saad nito na halata namang inaasar lang lalo si Mommy. Nagtagis ang panga ko at binitawan si Mommy na agad itong sinugod. Akmang dadaluhan ito ni Bianca na agad kong hinila!"And where do you think you're going, huh?" asik kong mariing napapisil
Marcus:NAPAPAHILOT AKO NG noo habang nakahiga na sa kama. Kinakabahan pa rin ako sa pagbabanta ni Sir Blake. Paano nga kaya kung may nangyari sa amin ni Bianca kagabi habang wala na akong malay? Eh si chubs nga nagagawa akong trabahuin kahit nakakaidlip na ako. Iisipin ko pa lang na may ibang babaeng nakahalik sa akin ay kinukurot na ako ng konsensiya ko. Ayokong masaktan si chubs pero alam ko namang mas masasaktan ito kapag nalaman niya sa iba ang tungkol sa amin ni Bianca. Napapailing na lamang akong napabalik tanaw sa nakaraan. Tanda ko pa noong mga bata kami ay laging sira ang mood ni chubs sa tuwing nababanggit ko si Bianca na crush ko noon. O kahit masulyapan namin ito noon at 'di ko mapigilang purihin ang angking ganda nito. Hindi ko pa naman alam noon na nagseselos at nasasaktan ko na pala si chubs kapag may ibang babae akong pinupuri o nagugustuhan. Lalo na kay Bianca.Napanguso ako habang pinagmamasdan ang wallpaper picture namin ni chubs sa phone ko. Kuha ito noong araw
JESSICA:PAGULONG-GULONG ako sa kama ko kahit mataas na ang sikat ng araw sa labas. Bakasyon na namin ngayon kaya nakatambay lang ako dito sa bahay. Wala din akong ganang lumabas para gumala. Ang bigat-bigat ng katawan ko at walang ibang gustong gawin kundi ang humilata sa buong araw. Nanatili akong nakadapa nang marinig ang pagbukas sara ng pinto at ang papalapit na yabag dito sa kinaroroonan ko. Kahit naman kasi hindi ako mag-angat ng mukha ay amoy na amoy ko ang pabango nito."How are you, hija?" Umungol lang ako sa tanong ni Mommy habang hinahaplos ako sa ulo. "Ayaw mo bang lumabas?" muling tanong nito. Umiling akong umungol lang muli. Kahit pagsasalita ay tinatamad ako. Ano bang meron sa araw na 'to? Haist. Tamad na tamad akong kumilos kahit ang lumamon.Napahinga ito ng malalim na inayos ang kumot ko bago humalik sa ulo ko at lumabas muli ng silid. Napaangat ako ng mukha pagkasara nito sa pinto. Saka ko lang napansin ang box na dala nitong pinatong sa bedside table ko. Na
MARCUS:PARA AKONG AATAKEHIN sa puso habang nakasakay sa private plane namin papuntang England. Fuck! Gustong-gusto ko nang mayakap ang tabachoy na 'yon. Sinadya kong hindi muna mag-online dahil gusto ko itong isurpresa sa bigla ko na lamang pagsulpot sa harapan nito. Iisipin ko pa lang ang magiging reaksiyon nito ay lalo lang akong nasasabik makita na ito! Tatlong buwan ding hindi ko natikman ang halik nito at mga yakap! Shit!Blessings in disguise na rin ang nangyari sa pagitan namin ni Bianca kaya halos ipadala na ako ni Mommy sa kabilang planeta mailayo lang dito. Mas gugustuhin pa daw niyang alien ang mapangasawa ko kaysa sa anak ng tinawag niyang panot na penguin, haist. Mabuti na lang pumayag itong sa England na muna ako mamamalagi kasama ang mahal ko. 'Yon nga lang ay kinuha naman nito lahat ng credit card at atm ko. Para daw magtatrabaho ako doon at matuto akong kumita ng sarili kong pera. Paano ko daw mabubuhay ang mga magiging anak namin ni chubs kung wala naman akong a