Share

Chapter 33 Bisita

Marcus:

NAPAPAHILOT AKO NG noo habang nakahiga na sa kama. Kinakabahan pa rin ako sa pagbabanta ni Sir Blake.

Paano nga kaya kung may nangyari sa amin ni Bianca kagabi habang wala na akong malay? Eh si chubs nga nagagawa akong trabahuin kahit nakakaidlip na ako.

Iisipin ko pa lang na may ibang babaeng nakahalik sa akin ay kinukurot na ako ng konsensiya ko. Ayokong masaktan si chubs pero alam ko namang mas masasaktan ito kapag nalaman niya sa iba ang tungkol sa amin ni Bianca.

Napapailing na lamang akong napabalik tanaw sa nakaraan. Tanda ko pa noong mga bata kami ay laging sira ang mood ni chubs sa tuwing nababanggit ko si Bianca na crush ko noon. O kahit masulyapan namin ito noon at 'di ko mapigilang purihin ang angking ganda nito. Hindi ko pa naman alam noon na nagseselos at nasasaktan ko na pala si chubs kapag may ibang babae akong pinupuri o nagugustuhan. Lalo na kay Bianca.

Napanguso ako habang pinagmamasdan ang wallpaper picture namin ni chubs sa phone ko. Kuha ito noong araw
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status