MARCUS:BAGSAK ANG KATAWAN kong nakarating ng hotel kung saan naka-stay si Kuya at Denzel. Paano, dalawang araw kong hindi makakasama si chubs. Ni hindi ko nga siya nakita kanina bago ako sinundo ni kuya ng dormitory namin. Nakakainis din ang babaeng 'yon. Ayaw sabihin kung saan nakatira kaya hindi ko alam kung saan siya pupuntahan ngayong weekend. "Pagod na pagod ah," bungad ni Denzel na mapagbuksan ako.Sabog-sabog pa ang buhok na halatang kagigising pa lang. "Ikaw ba naman maghapong pinapalangoy eh," natatawang sagot ko na humilata sa mahabang sofa nitong hotel room na akupado nila ni Kuya. Naupo naman ito sa kaharap ko na napapangusong pinakatititigan ako."Kumusta 'yong kinukwento mong chick mo don? Kailan mo ba kasi siya ipapakilala sa akin? Tamang-tama bukas, pareho kayong walang ensayo, dude! Labas naman tayo oh!" magkakasunod na tanong nito.Napangiti akong napailing na umunan sa braso ko habang nakamata sa ceiling at inaalala si chubs. Kahit madalas niya akong tarayan ay
MARCUS:NAPAPANGUSO AKO habang pinapanood sila Kuya at chubs sa counter. Hindi niya talaga ako sinamahan mag-kape. Ang sama niya. Napakatamis niya pang ngumiti kay Kuya na halatang nagpapa-cute, tsk. May gusto siya kay Kuya? Seryoso ba siya? Ang tanda na ni Kuya para sa kanya. Haist. Kung alam niya lang kung gaano ka-playboy ang crush niya, tss. "Hey, dude!" Napapitlag ako sa biglaang pagsulpot ni Denzel sa tabi ko. Ang aliwalas ng mukha at bakas ditong nag-enjoy na naman sa pagbubulakbol."Okay ka lang? Bakit pang-byarnes santo ang mukha mo, hmm?" usyoso pa nito. Ngumuso ako sa counter kaya napalingon ito doon at nagtatanong ang mga matang tumingin sa akin. Napabuntong-hininga akong nilalarong tinutusok-tusok ng tinidor ang cake sa harapan ko."Siya 'yon, 'Yong sinasabi kong kinukulit ko sa dorm na weightlifter," saad ko sa mababang tono.Namilog ang mga mata nitong muling nilingon sila Kuya na napapilig ng ulo."Parang nakita ko na siya," anito.Napatitig pa rin sa dalawang masa
MARCUS:HANGGANG HOTEL ay ngiting tagumpay akong tila hindi nangangawit ang mga labing nakangiti.Napapailing na lamang si Denzel at Kuya sa akin na hindi ko maitago ang saya ko sa araw na 'to! Araw-araw na kaming magkikita at magkakasama ni chubs! Sinong hindi magdidiwang!?"Mukhang iba na 'yan ah," ani Kuya habang naghahapunan na kaming tatlo. "Tinamaan ng arrow ni kupido, Kuya." Nakangising sambit ni Denzel na ikinahagikhik nila."Hindi kaya. Natutuwa lang ako sa kanya. Ang sarap niyang asarin lalo na kapag pinandidilatan na ako ng kanyang mga mata at nagngingitngit ang mga ngipin sa inis sa akin," kaila ko.Napataas naman ng kilay si Kuya na nagdududa ang tinging ginagawad sa akin."Marcus, huh? Hwag kang sumobra. Baka naman mamaya niyan akala mo biro lang pero, nakakasakit ka na pala," paalala ni Kuya na nagseryoso na ang mukha. "Alam ko naman 'yan, Kuya. Hindi naman ako sumusobra sa pang-aasar sa kanya," sagot kong matamis na ngumiti at kumindat dito.Napahinga ito ng malalim
JESSICA:ABOT LANGIT ANG ngiti ko habang inaayusan ako ni Nanay Dina. Hindi naman kasi ako marunong mag-ayos ng sarili, kahit nga maglagay ng lipstick sa labi ay 'di ako marunong. "Ya, baka naman masira ang buhok ko niyan," nag-aalangang pigil ko sa akmang pagplantya nito sa buhok ko matapos patuyuin ng hair blower. "Hindi 'yan, anak. Ayusin ko lang para bumagay ang bestida mo," anito.Napanguso na lamang ako na hinayaan na itong unatin ang buhok kong laging nakapusod. Ilang minuto din nitong paulit-ulit inunat ang buhok kong nakalugay bago ako pinahiran ng konting make-up kahit na ayoko. Baka mamaya makahalata pa si Angelo na pinaghandaan ko masyado ang biglaang paglabas namin. "Ang tagal naman, Ya. Baka nandyan na si Angelo e," reklamo ko sa pagkatagal-tagal nitong paglalagay ng kolorete sa mukha ko.Susmi pati nga pilikmata ko inayos din para daw mas gumanda ang mga mata ko."Tapos na, anak!" masiglang saad nito na napapairit pa.Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at 'di ma
MARCUS:NAPAPANGISI NA LAMANG ako na kitang banas na naman si chubs dahil hindi ako humihiwalay sa kanila ni Kuya. Aminado naman akong nabigla akong makita itong nakaayos at nakadamit bilang isang babae. Mas kapansin-pansin nga naman ang ganda niya kung lagi lang sana siyang nakaayos.Naka-dress, lugay ang ungat na buhok, light make-up, mahinhin gumalaw at magsalita. Kaya lang kapag naiisip kong ginawa niya ng mga 'yon para sa date nila ni kuya ay hindi ko maiwasang mainis kaya nang-iinis na rin ako. Fvck! Bakit kung ako ang kaharap ng babaeng 'to wala lang. Ni hindi nga siya maging mahinhin kumilos kapag ako ang kasama. Mas siga pa siya kaysa sa akin at walang kalambing-lambing kung makipag-usap! Haist!"It's getting late," ani kuya habang naglalakad-lakad kaming tatlo dito sa kalapit na park ng pinagkainan namin. "Tama, may ensayo na rin kami bukas. Ihatid mo na kami, Kuya." Aniko.Pinaningkitan naman ako ni chubs na nginitian at inakbayan kong panay na ang kurot sa tagiliran ko
JESSICA:BAGSAK ANG KATAWAN kong nahiga pagdating ko ng silid namin ni Kendra. Nakakainis naman kasi ang Marcus na 'yon eh. Okay na sana, perfect na sana ang linggo ko na nakapag-dinner date kami ni Angelo pero sinira lang ng yatch na 'yon! Asar. Nakakasama talaga siya ng loob. Ang sarap niyang balian ng makaganti manlang ako. Naramdaman ko naman ang pagbukas ng pinto at pagpasok ni Kendra na may dalang nakasilid sa paperbags na yakap nito."Kanina ka pa?" tanong nito.Umiling akong nakanguso pa rin na sa kisame nakamata. Pero napabangon ng maamoy ang mabangong french fries at hamburger na dala nito. "Gusto mo?" alok nito.Napangiti akong tumayong inabot ang isang box na inabot nito. Sanay naman na kaming naghahatian ng foods dito. Napapikit akong malanghap ang nakakagutom at takam na usok ng fries pagbukas ko pa lang ng box nito. "Kumusta weekend mo?" anito na puno ang bibig sa kangangasab sa burger na hawak.Sa kabilang kamay naman ay milktea haist. Kaya ang lulusog namin dahil
MARCUS:NAKAHALUKIPKIP AKONG NAKADEKWATRO habang hinihintay ang date namin ni Bryan bakas ang excitement at saya dito habang ako? Heto inaantok.Paano ba naman kasi, nakakainis talaga ang chubs na 'yon. Wala manlang kunsidirasyon. Itatanong ko lang naman kung okay lang bang makipag-date ako sa sinasabi ni Bryan pero wala naman akong planong makipagrelasyon pero,pinangunahan agad ako. "Sorry, are we late?" ani ng malambing na boses sa harapan namin. Nanatili akong sa ibang gawi nakamata. Wala naman akong interes sa date na ito. Mas gusto ko pang nakabuntot ako kay chubs e. Buhay na buhay ang dugo at diwa ko kapag siya ang nasa tabi ko. "Ahm, hindi. Kararating nga lang din namin. Hindi ba, dude?" sagot ni Bryan na bahagya akong siniko. Tumango lang ako pero panay na ang siko nito."Bakit--" Natigilan ako na mapansing tatlo ang babaeng nakatayo sa harapan namin. Napapalunok ako dahil sa nakikitang PE uniform ng isang nasa gitna ng dalawang dalagang napaka-sexy ng suot at pangangata
MARCUS:NANGINGITI AKONG pumasok ng building namin. Hindi mawala-wala sa isip ko ang panghahalik ko kay chubs na hindi nakapalag! Fvck! Mas matamis pa mga labi ni chubs kay Mommy eh. Hmm..ano ka ngayon, Kuya? Naka-score na ako. Ikaw ba? "Ang saya natin ah, hmm? Saan ka galing?" madiing sita sa akin ni Bryan na sinalubong ako. Naka-trunks na lang ito na may towel na nakasampay sa balikat. Napangisi lang akong inakbayan itong nagtungo ng locker namin."Nananghalian," simpleng sagot ko. "Alam ko. Dude, naman. Alam mo bang napurnada ang date ko dahil sa ginawa mo?" pagmamaktol nito habang naghuhubad na rin ako. Oras na naman ng maghapong paglangoy, haist."Bakit? Anong ginawa ko?" litong tanong ko dito. Nakabusangot itong kitang parang binagsakan ng langit ang itsura."Paano, umalis ka tangay si Jessica. Kaya 'yon. Iniwan ako ni Sammy at kaibigan nitong ka-date mo sana," pagmamaktol nitong ikinatigil kong napatitig dito. Nakaramdam naman ako ng konsensiya na nasira ko ang date nito
MOIRA:PALAKAD-LAKAD ako ng silid habang pinag-iisipan ang mga dapat ilagay ko sa kontrata namin ni boss tukmol. Hindi ko lang lubos akalaing may matinding lungkot pala siyang napagdaanan noon at sa kamay pa mismo ng matalik niyang kaibigan at long-time girlfriend. Kaya naman pala makahulugan ang mga sinaad ni Aliyah Anderson sa akin ng kausapin ako sa restroom at kwinekwestion ang lalim ng pagmamahalan namin ni boss. 'Yon pala ay ex niya ito at marahil nag-a-assume pang hindi pa nakaka-move-on sa kanya ang boss ko. Tsk. Ang kapal niya para komprontahin ako at tanungin kung mahal nga ba ako ni boss? O baka ginagawa lang rebound. Natigilan ako at napasapo sa ulo ng may mapagtanto."Anak ng tokwang matabang baboy! Para nga pala niya akong ginawang rebound sa pagiging instant fiancee ko sa kanya sa harap ng run away bride niya," parang hibang pagkausap sa sarili na napapasabunot ng ulo. Napapakagat ako ng ibabang labi."Pero bakit kailangan naming magpakasal? Hindi kaya. . . dahil bi
MOIRA:KABADO ako habang kaharap ang mag-asawang Anderson na siyang investor sa kumpanya ni boss tukmol. Kahit hindi ko alam ang nangyayari ay malakas ang kutob ko at nahihinulaan ko na ang mga nangyayari. Sa uri ng tinginan at pagkausap nila sa isa't-isa ay alam ko ng dati na silang magkakakilala. Pero ang ipinagtataka ko ay ang kinikilos ni boss tukmol. Una, binilhan niya ako ng magarang dress sa mamahaling boutique. Nanlumo pa ako na makitang nasa 200 thousand ang suot-suot ko ngayong dress na napili nito. Pinaayusan din ako para daw magmukha akong tao.Ngayon naman ay pinakilala niya akong fiancee! Balak pa yata akong pikutin ng tukmol na 'to! Hindi p'wede! Baka kapag nalaman niyang nabuntis lang ako ng kung sino ay sasabihan akong ipapaako ko sa kanya ang anak ko. H'wag na lang! Ang sama kaya ng ugali niya. Baka mamaya kawawa lang ang anak ko pag ito ang maging step-father ng Mikmik ko. 'Di bale na lang. Kaya kong magbanat ng buto para sa gatas at diapers ng anak ko."So, kail
AKHIRO:NAKONSENSYA naman akong nalapnos ko ito sa dibdib kahit na ba hindi ko iyon sinasadya. Pagkalabas nito ng banyo ay presentable pa rin naman ito na isinuot ang plain white shirt kong hiniram nito na ini-tuck-in nito sa black pencil skirt nito at napapatungan ng black blazer. Napaayos ako ng tayo at 'di pinahalata ditong nagu-guilty ako. May oras pa naman kami kaya kahit matagalan kami sa lunch meeting namin."Tara na, boss!" masiglang saad nito."Are you comfortable with that?" aniko na muling pinasadaan ang kabuoan nito."Yes, boss, magaling akong magdala ng damit kaya yakang-yaka ko 'to!" Napailing akong nagpatiuna na sa elevator ko. Kaagad namang sumunod ito. Nagpamulsa ako at napapanguso kung paano ko ba ipapamukha sa dalawang traitor at paghinayangan ang pangtatraydor sa akin. Tahimik lang naman si Moi na nasa gilid ko at ito na rin ang nag-press ng button pababa ng ground floor. Yakap pa nito ang iPad at note nito na laging dala-dala para ilista lahat ng mahalagang pagd
AKHIRO:NAPAPAHILOT ako ng sentido na kay aga-agang pina-init ni Moi ang ulo ko! Napapailing na lamang ako sa kakulitan nito at tapang na magbiro sa akin. At ano daw? Binabasted niya ako dahil hindi niya ako type at masyado na raw akong matanda para sa kanya?! Fvck! Sampung taon lang ang age gap namin. "Damn, Moi. Hindi pa ako gano'n katanda, fvck!" hibang kong pagkausap sa repleksyon kong kaharap mula dito sa restroom! "Fvck! Bakit ko ba iniisip ang sinabi niyang magmumukha kaming mag-ama kapag nag-date kami?! Damn it! Ang lakas ng loob ng kutong-lupa na 'yon! Ang sarap niyang ibalibag sa kama, fvck!"Napapailing na lamang akong napahilamos ng palad sa mukha. Damn, Moi! May araw ka rin sa akin.MAGTATANGHALIAN na nang mapansin ko itong tumayo ng cubicle nito at nagtungong elevator. Napailing na lamang akong binalingang muli ang mga papeles na kaharap ko para sa mga proposal ng mga bagong investor ng kumpanya.Natigilan ako nang madako ang paningin ko sa isang folder.Anderson's Gro
MOIRA:MAAGA kong tinapos ang mga iniuwi kong trabaho para makalaro na muna ang baby kong kanina pa nagpapakarga sa akin. Pero dahil may mga report akong tinatapos itipa sa laptop ko para mai-email sa mga new investor ng poging tukmol kong boss? Kailangan kong tapusin ng wala itong masabi. Sayang naman kung ma-bad-shot ako dito. Mukhang malapit ko pa naman ng mahuli ang kiliti nito. Konting-konti na lang at mapapaamo ko rin siya. Sayang din naman kasi ang 50k na sahod ko sa kanya monthly. Malaking bagay na iyon para sa pangangailangan ni baby at paunti-unti ay makakaipon ako ng pang-future nito."Kumusta ang baby ko? Come to Mama na, anak," pagkausap ko sa anak kong agad nag-angat ng mga braso.Napangiti na lamang ako na matyagang naghintay ito sa akin sa crib nito dito sa may sala katabi ako."Mammaa. Mammaa." Napangiti ako sa muling pagbigkas nito ng katagang Mama ng paulit-ulit. Parang hinahaplos niya ang puso ko sa tuwing binabanggit ang salitang mama. "Ang galing naman ng baby
AKHIRO:MATAPOS ang ilang oras naming paglilibot sa garden nitong mansion ay nagtungo na kami sa loob na iginiya ito sa silid ko. Kumpleto kasi dito na pinasadya ko ang design. May kusina, sala at kahit nga ang theater room, bilyaran, darts at mini bar ay nandidito sa loob ng master's bedroom."Wow." namamanghang bulalas nito na iginagala ang paningin sa paligid nitong silid."Would you mine?" Napalingon ito sa aking nagtatanong ang mga mata. Kimi akong ngumiti na iniangat ang isang champagne. Pilit itong ngumiti na tumango. Binuksan ko ito na kumuha ng dalawang wine glass at pinagsalinan ito."Thank you, Sir.""Stop calling me, Sir. We're not in the office," aniko.Natigilan itong nagtatanong ang mga matang napatingala sa akin. Ang liit niyang babae na kay sarap yakapin. "You don't have to be formal to me today, Moi. Nasa labas naman tayo," kindat ko.Napalapat ito ng labi na pinamulaan ng pisngi. "O-okay po," mahinang sagot nitong napasimsim sa kanyang baso."Do you know how to p
AKHIRO:NANGINGITI kong pinagmamasdan sa monitor ng cctv ko si Moira na nagkakandahaba ang nguso habang nakatutok sa screen ng monitor nito. Sinadya kong pahirapan ito kaninang umaga sa ginawa nitong kape kahit ang totoo ay masarap naman talaga ang gawa niya at nagustuhan ko. Pero gusto kong subukan ang temper nito kung makakatagal ba ito sa akin. Kaya bawat basong gawa nito ay isang lunok lang ang pagtikim ko at umaasang hindi ko nagustuhan. Pabalang kong ibinabagsak ang baso kaya natatapon ang laman sa lamesa. Tahimik at paulit-ulit lang naman nitong nililinis ang mesa ko. Wala naman akong nakitang pagkairita dito kundi natataranta pa nga ito sa harapan ko na hindi ko nagugustuhan ang timpla nitong kape. Mas masarap pa nga ang gawa nito sa nakasanayan kong timpla ni Divina for fucking ten years!Siya namang biglang sulpot ng kambal ko mula Paris. Si Danica, dahil doon nakabase ang mga ito bilang mga fashion designer ng mga brand clothing namin doon na magkatulong nilang pinalago n
MOIRA:MAAGA pa lang ay pumasok na ako ng trabaho dahil ayo'ko ng ma-late muli. Tama na ang minsang nakaligtas akong na-late ako pero swerteng late din ang boss ko.Pag-upo ko pa lang sa swivel chair ko dito sa table kong katapat ng pinto ng opisina ni boss arrogant ay tumunog na ang intercom ko."Ms De Guzman, prepared my coffee." Namilog ang mga mata kong nandidito na ito ng ganto kaaga! Taranta akong tumayo at kumatok muna ng pinto nito bago pinihit ang doorknob at pumasok. Tumuloy na ako ng pantry nito at napasapo ng noo na maalalang hindi ko nga pala alam kung anong uri ng kape ang gusto nito."Bahala na." Nagtimpla ako ng caramel coffee at maingat dinala sa kinaroroonan nito. As usual, nakabusangot at salubong na naman ang mga kilay nitong naka-focus sa mga papeles na binabasa. Tss. Hindi ba nangangawit ang mga kilay niyang lagi na lang salubong?"Good morning, Sir. Kape niyo po." Maingat kong inilapag sa harap nito ang kapeng gawa ko at piping nagdarasal na magustuhan nito.
MOIRA:NAMUTLA AKO NA makumpirmang siya ang lalakeng kanina lang ay kasa-kasama ko sa kama ng hubot-hubad! Kung ganon ako 'yong lintek na nilalang na binanggit niyang nagpaalaga sa kanya at ano daw . . .? Plano siyang pikutin kaya nagtulog-tulugan at naghubad na nakitabi sa kanya?! Napakuyom ako ng kamao na matamang nakikipagtitigan sa kanyang mga matang naniningkit lalo."M-Magkakilala kayo?" ani Ms Divina na palipat-lipat ng tingin sa amin ni boss."Ahem! No." Agad nitong sagot na nag-iwas ng tingin at umayos ng upo. Iniabot naman ni Ms Divina ang resume ko bago nagtungo sa pantry nitong opisina para igawa ng kape ang boss namin. Saksakan nga ng kakisigan at kagwapuhan pero saksakan din ng pagka-arogante at kasungitan. Salubong pa ang itim na itim at malagong kilay nitong bumagay sa chinito at kulay abong mga mata. Kahit mga pilikmata ay mahaba na makapal!Nag-angat ito ng mukha na napataas ang mga kilay na mahuli akong pinagmamasdan ito. Pinamulaan tuloy ako ng pisngi na ikinangi