Share

Chapter 18 Kiss

Author: AKHIRAH MIAMOR
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

MARCUS:

NAKAHALUKIPKIP AKONG NAKADEKWATRO habang hinihintay ang date namin ni Bryan bakas ang excitement at saya dito habang ako? Heto inaantok.

Paano ba naman kasi, nakakainis talaga ang chubs na 'yon. Wala manlang kunsidirasyon. Itatanong ko lang naman kung okay lang bang makipag-date ako sa sinasabi ni Bryan pero wala naman akong planong makipagrelasyon pero,

pinangunahan agad ako.

"Sorry, are we late?" ani ng malambing na boses sa harapan namin.

Nanatili akong sa ibang gawi nakamata. Wala naman akong interes sa date na ito. Mas gusto ko pang nakabuntot ako kay chubs e. Buhay na buhay ang dugo at diwa ko kapag siya ang nasa tabi ko.

"Ahm, hindi. Kararating nga lang din namin. Hindi ba, dude?" sagot ni Bryan na bahagya akong siniko.

Tumango lang ako pero panay na ang siko nito.

"Bakit--"

Natigilan ako na mapansing tatlo ang babaeng nakatayo sa harapan namin. Napapalunok ako dahil sa nakikitang PE uniform ng isang nasa gitna ng dalawang dalagang napaka-sexy ng suot at pangangata
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]   Chapter 19 Gusto kita

    MARCUS:NANGINGITI AKONG pumasok ng building namin. Hindi mawala-wala sa isip ko ang panghahalik ko kay chubs na hindi nakapalag! Fvck! Mas matamis pa mga labi ni chubs kay Mommy eh. Hmm..ano ka ngayon, Kuya? Naka-score na ako. Ikaw ba? "Ang saya natin ah, hmm? Saan ka galing?" madiing sita sa akin ni Bryan na sinalubong ako. Naka-trunks na lang ito na may towel na nakasampay sa balikat. Napangisi lang akong inakbayan itong nagtungo ng locker namin."Nananghalian," simpleng sagot ko. "Alam ko. Dude, naman. Alam mo bang napurnada ang date ko dahil sa ginawa mo?" pagmamaktol nito habang naghuhubad na rin ako. Oras na naman ng maghapong paglangoy, haist."Bakit? Anong ginawa ko?" litong tanong ko dito. Nakabusangot itong kitang parang binagsakan ng langit ang itsura."Paano, umalis ka tangay si Jessica. Kaya 'yon. Iniwan ako ni Sammy at kaibigan nitong ka-date mo sana," pagmamaktol nitong ikinatigil kong napatitig dito. Nakaramdam naman ako ng konsensiya na nasira ko ang date nito

  • THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]   Chapter 20 Yatch

    MARCUS:LUMIPAS ANG MGA araw na mas naging magkalapit kami ni chubs. Nandon pa rin ang asaran sa pagitan namin pero ang mahalaga naman ay hindi ito nagagalit sa akin kundi sinasabayan na nga ako sa pagiging alaskador ko sa kanya. Gabi-gabi din kaming tumatambay ng garden para magkwentuhan habang magkayakap syempre at may konting harutan. Hindi naman kami lumalagpas sa boundary. Hanggang yakap at halik lang muna ang ginagawa namin at sa weekend? Magkasama kaming nagtatrabaho sa coffeeshop ni Kuya bilang mga part-timer.Kalat din dito sa dormitory na exclusive kaming nagdi-date ni chubs. Mabuti na lang at walang nang-aapi sa kanya dito. Syempre. Sa takot lang nilang maibalibag sila ni chubs. Kung ako nga eh kayang-kaya niyang buhatin. Paano pa kaya ang mga mas magaan pa sa akin. Nakakatuwa nga kasi sabay naming na-i-improved ang sarili naming skills. Tumaas na ang ranking ko sa team namin. Habang si chubs ay nasa 150kls capacity na ang binubuhat nito na kayang-kaya naman niyang dinadal

  • THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]   Chapter 21 Kilay

    JESSICA:NAPAPILIG AKO NG ulo na maramdamang namamanhid na ang katawan ko. Pilit kong minulat ang inaantok kong mga mata at unang bumungad sa paningin ko ang puting kisame.Saglit akong natulala at inalala ang mga nangyari at kung nasaan ako. Napatingin ako sa kamay kong mahigpit na hawak ng kung sino. Pero agad ding napangiti nang mabungaran ko si Marcus na nahihimbing sa tabi ko. Nakaupo ito sa silya na nakasubsob ang mukha sa gilid ng kama habang mahigpit na hawak ang isang kamay ko. Saka ko lang napansin na mag-uumaga na pala! Napatitig ako dito at marahang hinaplos ito sa ulo. Napapangiti na lamang ako sa kaalamang nandito itong siya ang nakabantay sa akin. "Thank you, Yatch." Mahinang sambit ko habang hinahaplos ito sa ulo.Kahit side view lang nito ang nakikita ko ay 'di maikakaila ang angkin nitong kagwapuhan. Siguro mas lalo pa itong gu-gwapo kung mas lumaki-laki pa ang pangangatawan. Katulad sa pangangatawan ng Kuya Angelo niya. Tiyak mas gwapo pa siya kay Angelo pag nagka

  • THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]   Chapter 22 Alien

    JESSICA:PARA AKONG masisiraan ng ulo na napatitig sa sarili ko sa salamin! Nagngingitngit ang loob ko dahil parang ibang tao ang nakikita ko sa repleksyon! Pambihirang Kendrang 'yon!Nagmukha akong alien sa itsura kong wala ni isang kilay na natira! Namumula din ang mukha ko at ramdam ko pa ang mapapanhid nito na parang nangangapal. Naluluha akong nagpapapadyak dito sa loob ng banyo. Paano ako lalabas nito? Anong mukhang ihaharap ko kay Marcus mamaya?! Nakakainis! Tiyak na pupuntahan ako non mamaya dito para i-check ang kalagayan ko. Impit akong napapadaing nang sinubukan kong maghilamos! Sobrang hapdi ng mukha ko na mapahiran ng sabon! Hindi ko na tuloy mapigilang maiyak sa sinapit ko. Ang Kendra na 'yon. Malalagot talaga siya sa akin. Pagkahilamos ko ay lumabas na ako ng banyo. Lalo lang akong malulungkot na nakikita ang sarili ko sa salamin. Naghalungkat ako sa cabinet ko ng bonet na maaaring matakpan ang kilay kong naglaho. Lumapad tuloy ang noo ko at kahit saang anggulo tig

  • THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]   Chapter 23 Mahal Kita

    MARCUS:NAPAPAILING NA LAMANG ako sa dahilan ni chubs kung bakit nabunot lahat ng buhok sa kilay nito. Kaya naman pala namumula ang mukha niya. Haist. Ang bubuyog na 'yon. Bakit ba siya nagpapaganda? Baka naman para kay Kuya? "Imposible," napailing ako na muling nag-dive. Kahit mag-focus ako sa pag-e-ensayo ay hindi mawala-wala sa isip ko ang bubuyog na 'yon sa pinaggagawa sa sarili. Ngayon tuloy nahihiya siya at halos ayaw nang lumabas ng silid nila. "Nice Marcus! Keep it up, lalo kang lumiliksi," papuri ni coach Rico pagkaahon ko na inabutan ako ng towel."Thank you, Coach." Ngumiti itong tinapik ako sa balikat."Malaki ang tiwala ng team na makakasungkit ka ng medalya, Marcus. May isang buwan pa naman tayo para mag-ensayo. Ang mahalaga ay nagi-improve ka araw-araw kaya hwag mong i-pressure ang sarili at katawan mo," paalala pa nitong ikinangiti at tango ko habang naglalakad kami ng hallway patungo sa locker's. "I will, Coach. Thank you." MATAPOS KONG makaligo at makabihis ay

  • THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]   Chapter 24 Only Mine SPG!

    WARNING MATURED CONTENT! SKIP IF YOU'RE NOT COMFORTABLE READING A BEDSCENEJESSICA:HINDI KO MAIPALIWANAG ang sayang nararamdaman ko habang magkayakap kami ni Marcus dito sa loob ng kotse. Nasa tapat na kami ng bahay pero ayaw pa ako nitong palabasin. Kanina habang nasa sinehan kami ay hindi ko na napigilan ang sariling mapasagot dito ng totoong nararamdaman ko sa kanya. Para akong biglang nakalaya sa pag-amin kong mahal ko rin ito. Mahal na mahal. "M-Marcus..." Mahinang saway ko nang maramdaman ang mga labi nitong nagsisimulang patakan ng halik ang leeg ko pataas sa panga ko.Nakahiga pa naman kami at magkayakap kaya hindi ko mapigilang mag-init at madala sa mga halik nito.Mariin kong nakagat ang ibabang labi na pigil-pigil ang sariling mapaungol. Aminin ko man kasi o hindi ay alam ko maman sa sarili kong nagugustuhan ko ang ginagawa nito. Binubuhay nito ang kakaibang init at pananabik sa katawan ko na ngayon ko lang naramdaman sa tanang buhay ko."Marcus, naman..." paungol kong

  • THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]   Chapter 25 Bisto

    MARCUS:NANGINGITI AKO HABANG pinagmamasdan si chubs na nahihimbing pa rin habang nakasiksik sa bisig ko. Napapailing na lamang ako na maalala kung paano ako nito pinagod kagabi sa ilang beses kong pang-aangkin dito. Kung hindi lang masikip dito sa loob ng kotse ay baka nagawa ko na sa kanya ang mga posisyon na napapanood ko sa website. Baka mas lalong hindi ako nito tantanan kapag nasubukan na namin ang iba't-ibang posisyong alam ko. "Good morning, baby," bulong ko na pinaghahalikan ito sa buong mukha. Maliwanag na pero hubot-hubad pa rin kaming magkayakap na natatabunan lang ang katawan namin ng isang kumot. Mabuti na lang may nakalagay na unan at kumot dito sa kotse ni Kuya na nagamit namin. "Uhmm.." Umungol lang ito na nanatiling nakapikit at kitang pagod na pagod pa rin hanggang ngayon. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses ko siyang naangkin kagabi dahil inabot pa kami hanggang madaling araw sa kahihirit nito ng isa pa. Amoy na amoy tuloy ang pinaghalo naming katas dit

  • THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]   Chapter 26 Parusa

    MARCUS:"Fvck!" Malutong akong napamura sa pagsinghal nitong ikinatameme ni Mommy!"M-Marcus...a-anong sinasabi niyang--""Are you deaf? I said, Marcus is my boyfriend--" natigilan din ito nang magkatitigan sila ni Mommy! "Tita Moi??!" gimbal na bulalas nito!Napatakip ito ng palad sa bibig na namimilog ang mga mata habang si Mommy ay natutulala nang napatayo at parang nahihipnotismong lumapit dito."J-Jessie?? You're a-alive, sweetie?" Ani Mommy na nanginginig ang boses. Tulalang napaangat ng kamay na hinaplos si chubs sa pisngi. "Jessie...""Tita," basag ang boses nitong napahagulhol na nagyakapan silang dalawa.Napapatingin tuloy sa amin ang iba. Napangiti akong nangingilid din ang luha habang nakamata sa kanilang dalawa na magkayakap at umiiyak.Kahit hindi pa inaamin ni chubs na siya si Jessie ay para na rin niyang pinatunayan ngayon sa nakikita kong reaksyon nito na makita niyang muli si Mommy. "What happened, sweetie? Hindi ba't patay ka na?" humihikbing tanong ni Mommy na

Pinakabagong kabanata

  • THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]   Chapter 12 Birthmark

    MOIRA:PALAKAD-LAKAD ako ng silid habang pinag-iisipan ang mga dapat ilagay ko sa kontrata namin ni boss tukmol. Hindi ko lang lubos akalaing may matinding lungkot pala siyang napagdaanan noon at sa kamay pa mismo ng matalik niyang kaibigan at long-time girlfriend. Kaya naman pala makahulugan ang mga sinaad ni Aliyah Anderson sa akin ng kausapin ako sa restroom at kwinekwestion ang lalim ng pagmamahalan namin ni boss. 'Yon pala ay ex niya ito at marahil nag-a-assume pang hindi pa nakaka-move-on sa kanya ang boss ko. Tsk. Ang kapal niya para komprontahin ako at tanungin kung mahal nga ba ako ni boss? O baka ginagawa lang rebound. Natigilan ako at napasapo sa ulo ng may mapagtanto."Anak ng tokwang matabang baboy! Para nga pala niya akong ginawang rebound sa pagiging instant fiancee ko sa kanya sa harap ng run away bride niya," parang hibang pagkausap sa sarili na napapasabunot ng ulo. Napapakagat ako ng ibabang labi."Pero bakit kailangan naming magpakasal? Hindi kaya. . . dahil bi

  • THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]   Chapter 11 Offer

    MOIRA:KABADO ako habang kaharap ang mag-asawang Anderson na siyang investor sa kumpanya ni boss tukmol. Kahit hindi ko alam ang nangyayari ay malakas ang kutob ko at nahihinulaan ko na ang mga nangyayari. Sa uri ng tinginan at pagkausap nila sa isa't-isa ay alam ko ng dati na silang magkakakilala. Pero ang ipinagtataka ko ay ang kinikilos ni boss tukmol. Una, binilhan niya ako ng magarang dress sa mamahaling boutique. Nanlumo pa ako na makitang nasa 200 thousand ang suot-suot ko ngayong dress na napili nito. Pinaayusan din ako para daw magmukha akong tao.Ngayon naman ay pinakilala niya akong fiancee! Balak pa yata akong pikutin ng tukmol na 'to! Hindi p'wede! Baka kapag nalaman niyang nabuntis lang ako ng kung sino ay sasabihan akong ipapaako ko sa kanya ang anak ko. H'wag na lang! Ang sama kaya ng ugali niya. Baka mamaya kawawa lang ang anak ko pag ito ang maging step-father ng Mikmik ko. 'Di bale na lang. Kaya kong magbanat ng buto para sa gatas at diapers ng anak ko."So, kail

  • THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]   Chapter 10 Instant Fiance

    AKHIRO:NAKONSENSYA naman akong nalapnos ko ito sa dibdib kahit na ba hindi ko iyon sinasadya. Pagkalabas nito ng banyo ay presentable pa rin naman ito na isinuot ang plain white shirt kong hiniram nito na ini-tuck-in nito sa black pencil skirt nito at napapatungan ng black blazer. Napaayos ako ng tayo at 'di pinahalata ditong nagu-guilty ako. May oras pa naman kami kaya kahit matagalan kami sa lunch meeting namin."Tara na, boss!" masiglang saad nito."Are you comfortable with that?" aniko na muling pinasadaan ang kabuoan nito."Yes, boss, magaling akong magdala ng damit kaya yakang-yaka ko 'to!" Napailing akong nagpatiuna na sa elevator ko. Kaagad namang sumunod ito. Nagpamulsa ako at napapanguso kung paano ko ba ipapamukha sa dalawang traitor at paghinayangan ang pangtatraydor sa akin. Tahimik lang naman si Moi na nasa gilid ko at ito na rin ang nag-press ng button pababa ng ground floor. Yakap pa nito ang iPad at note nito na laging dala-dala para ilista lahat ng mahalagang pagd

  • THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]   Chapter 9 Comeback

    AKHIRO:NAPAPAHILOT ako ng sentido na kay aga-agang pina-init ni Moi ang ulo ko! Napapailing na lamang ako sa kakulitan nito at tapang na magbiro sa akin. At ano daw? Binabasted niya ako dahil hindi niya ako type at masyado na raw akong matanda para sa kanya?! Fvck! Sampung taon lang ang age gap namin. "Damn, Moi. Hindi pa ako gano'n katanda, fvck!" hibang kong pagkausap sa repleksyon kong kaharap mula dito sa restroom! "Fvck! Bakit ko ba iniisip ang sinabi niyang magmumukha kaming mag-ama kapag nag-date kami?! Damn it! Ang lakas ng loob ng kutong-lupa na 'yon! Ang sarap niyang ibalibag sa kama, fvck!"Napapailing na lamang akong napahilamos ng palad sa mukha. Damn, Moi! May araw ka rin sa akin.MAGTATANGHALIAN na nang mapansin ko itong tumayo ng cubicle nito at nagtungong elevator. Napailing na lamang akong binalingang muli ang mga papeles na kaharap ko para sa mga proposal ng mga bagong investor ng kumpanya.Natigilan ako nang madako ang paningin ko sa isang folder.Anderson's Gro

  • THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]   Chapter 8 Basted

    MOIRA:MAAGA kong tinapos ang mga iniuwi kong trabaho para makalaro na muna ang baby kong kanina pa nagpapakarga sa akin. Pero dahil may mga report akong tinatapos itipa sa laptop ko para mai-email sa mga new investor ng poging tukmol kong boss? Kailangan kong tapusin ng wala itong masabi. Sayang naman kung ma-bad-shot ako dito. Mukhang malapit ko pa naman ng mahuli ang kiliti nito. Konting-konti na lang at mapapaamo ko rin siya. Sayang din naman kasi ang 50k na sahod ko sa kanya monthly. Malaking bagay na iyon para sa pangangailangan ni baby at paunti-unti ay makakaipon ako ng pang-future nito."Kumusta ang baby ko? Come to Mama na, anak," pagkausap ko sa anak kong agad nag-angat ng mga braso.Napangiti na lamang ako na matyagang naghintay ito sa akin sa crib nito dito sa may sala katabi ako."Mammaa. Mammaa." Napangiti ako sa muling pagbigkas nito ng katagang Mama ng paulit-ulit. Parang hinahaplos niya ang puso ko sa tuwing binabanggit ang salitang mama. "Ang galing naman ng baby

  • THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]   Chapter 7 Closer

    AKHIRO:MATAPOS ang ilang oras naming paglilibot sa garden nitong mansion ay nagtungo na kami sa loob na iginiya ito sa silid ko. Kumpleto kasi dito na pinasadya ko ang design. May kusina, sala at kahit nga ang theater room, bilyaran, darts at mini bar ay nandidito sa loob ng master's bedroom."Wow." namamanghang bulalas nito na iginagala ang paningin sa paligid nitong silid."Would you mine?" Napalingon ito sa aking nagtatanong ang mga mata. Kimi akong ngumiti na iniangat ang isang champagne. Pilit itong ngumiti na tumango. Binuksan ko ito na kumuha ng dalawang wine glass at pinagsalinan ito."Thank you, Sir.""Stop calling me, Sir. We're not in the office," aniko.Natigilan itong nagtatanong ang mga matang napatingala sa akin. Ang liit niyang babae na kay sarap yakapin. "You don't have to be formal to me today, Moi. Nasa labas naman tayo," kindat ko.Napalapat ito ng labi na pinamulaan ng pisngi. "O-okay po," mahinang sagot nitong napasimsim sa kanyang baso."Do you know how to p

  • THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]   Chapter 6 Golf

    AKHIRO:NANGINGITI kong pinagmamasdan sa monitor ng cctv ko si Moira na nagkakandahaba ang nguso habang nakatutok sa screen ng monitor nito. Sinadya kong pahirapan ito kaninang umaga sa ginawa nitong kape kahit ang totoo ay masarap naman talaga ang gawa niya at nagustuhan ko. Pero gusto kong subukan ang temper nito kung makakatagal ba ito sa akin. Kaya bawat basong gawa nito ay isang lunok lang ang pagtikim ko at umaasang hindi ko nagustuhan. Pabalang kong ibinabagsak ang baso kaya natatapon ang laman sa lamesa. Tahimik at paulit-ulit lang naman nitong nililinis ang mesa ko. Wala naman akong nakitang pagkairita dito kundi natataranta pa nga ito sa harapan ko na hindi ko nagugustuhan ang timpla nitong kape. Mas masarap pa nga ang gawa nito sa nakasanayan kong timpla ni Divina for fucking ten years!Siya namang biglang sulpot ng kambal ko mula Paris. Si Danica, dahil doon nakabase ang mga ito bilang mga fashion designer ng mga brand clothing namin doon na magkatulong nilang pinalago n

  • THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]   Chapter 5 Arrogant

    MOIRA:MAAGA pa lang ay pumasok na ako ng trabaho dahil ayo'ko ng ma-late muli. Tama na ang minsang nakaligtas akong na-late ako pero swerteng late din ang boss ko.Pag-upo ko pa lang sa swivel chair ko dito sa table kong katapat ng pinto ng opisina ni boss arrogant ay tumunog na ang intercom ko."Ms De Guzman, prepared my coffee." Namilog ang mga mata kong nandidito na ito ng ganto kaaga! Taranta akong tumayo at kumatok muna ng pinto nito bago pinihit ang doorknob at pumasok. Tumuloy na ako ng pantry nito at napasapo ng noo na maalalang hindi ko nga pala alam kung anong uri ng kape ang gusto nito."Bahala na." Nagtimpla ako ng caramel coffee at maingat dinala sa kinaroroonan nito. As usual, nakabusangot at salubong na naman ang mga kilay nitong naka-focus sa mga papeles na binabasa. Tss. Hindi ba nangangawit ang mga kilay niyang lagi na lang salubong?"Good morning, Sir. Kape niyo po." Maingat kong inilapag sa harap nito ang kapeng gawa ko at piping nagdarasal na magustuhan nito.

  • THE HEIR'S DESIRE [MARCUS MONTEREAL SERIES15]   Chapter 4 First Day

    MOIRA:NAMUTLA AKO NA makumpirmang siya ang lalakeng kanina lang ay kasa-kasama ko sa kama ng hubot-hubad! Kung ganon ako 'yong lintek na nilalang na binanggit niyang nagpaalaga sa kanya at ano daw . . .? Plano siyang pikutin kaya nagtulog-tulugan at naghubad na nakitabi sa kanya?! Napakuyom ako ng kamao na matamang nakikipagtitigan sa kanyang mga matang naniningkit lalo."M-Magkakilala kayo?" ani Ms Divina na palipat-lipat ng tingin sa amin ni boss."Ahem! No." Agad nitong sagot na nag-iwas ng tingin at umayos ng upo. Iniabot naman ni Ms Divina ang resume ko bago nagtungo sa pantry nitong opisina para igawa ng kape ang boss namin. Saksakan nga ng kakisigan at kagwapuhan pero saksakan din ng pagka-arogante at kasungitan. Salubong pa ang itim na itim at malagong kilay nitong bumagay sa chinito at kulay abong mga mata. Kahit mga pilikmata ay mahaba na makapal!Nag-angat ito ng mukha na napataas ang mga kilay na mahuli akong pinagmamasdan ito. Pinamulaan tuloy ako ng pisngi na ikinangi

DMCA.com Protection Status