Nakagayak na ang lahat ng gamit ni Lucifer habang si Stella ay malungkot ang expression ng mukha. Dalawang araw kasi siyang mawawala dahil sa isang business meeting na sa ibang bansa pa gaganapin. "Sumama nalang kaya kami ni Mommy Milli?""Anak hindi pwede, may school ka pa. Gusto mo bang bumagsak ang grades mo? At isa pa ibinilin ko naman na kay tita Mariel mo na samahan muna kayo dito.""Bakit pa e, nandito naman po si Mommy Millicent?" Ang totoo ay si Mariel ang nag presinta na mag bantay muna kay Stella habang wala s'ya. Ang sabi nito ay para na rin makaclose pa n'ya ang bata kaya naman pumayag na siya. "Anak bigyan mo lang si tita Mariel ng chance, subukan mo lang. I'm sure your mom will be proud of you." Hinagkan n'ya si Stella sa forehead bago binitbit ang kaniyang dadalhing bag na pinag lalagyan ng magiging pamalit niya. "Mauna na ako Stella," paalam na niya bago tuluyang lumabas. Pasakay palang siya sa kotse ng humabol si Milli. "Sir ingat ka doon puro english mga tao sa
"Sinampal ka ng Mariel na 'yon! Susugod ako! Hindi ako papaya--" Hindi na natuloy si Chichi sa pag wa-wala ng pingutin ito ni Manang. "Kaninag nasa harap mo tameme ka din." Napailing ito. "Itapal mo diyan sa nasampal at baka mag pasa. Napalakas pa naman, demonyita na nga bruhilda pa." Galit na wika ni Manang habang na aawang nakatingin sakaniya. "Hayaan mo at makakarating ito kay Lucifer.""Hindi na ho, salamat sa pag-aalala. Huwag nalang sana ninyong sabihin maliit na bagay lang naman ito. Hindi lang na uunawaan ni ma'am Mariel ang trabaho ko, baka kasi inaakala niyang malapit ako kay Lucifer." Paliwanag niya. "Kahit na ang totoo ay si Stella lang naman talaga ang close ko." Dagdag pa niya bago napabuntong hininga. "Ayos kalang ba talaga?" Lumungkot at mukha ni Chichi at naluluha. "Iba talaga pag mayaman, may mga taong tatapakan nalang tayo basta porket hindi nila tayo ka level." "Ang nakakasama lang kasi ng loob 'yung tatawagin pa tayong hampaslupa at iinsultohin tayo na para ban
Itiniwag ni Manong Bernard kay Lucifer ang nangyari. Mabuti nalang at maayos na ang deal niya kaya naman agad na siyang makakauwi sa pinas upang alamin ang gulong ginawa ni Mariel. Hindi mawala sa isip niya ang sinabi ni Bernard na nahimatay si Milli. Maraming nag lalaro sakaniyang isipan kaya naman maging si Stella ay inaalala niya. Malamang ang iyak ito ng iyak dahil malapit ito sa dalaga. Tinawagan narin niya si Mariel upang makasigurado. Nais niyang ito mismo ang mag kwento ng pangyayari kaya naman sa airport palang habang hinihintay niya si Bernard na susundo sakaniya ay nais niyang mag paliwanag si Mariel. Ngunit wala itong sagot sa tawag kaya naman hindi na siya nag abala pa. "Good evening sir." Bati ni Bernard sakaniya. Gabi na lumapag ang eroplanong sinasakyan niya kaya naman ginabi na ang uwi nila sa mansion. "Manong ano bang nangyari?" S'ya na ang bumasag sa katahimikan. "Hindi pa nag sasabi si Milli sa amin dahil nga sa panghihina nito kaya naman bumigay ang katawan,
"Wala sa lugar ang pag se-selos mo." Madiing wika niya. "Sorry na nga Lucifer! Mag so-sorry naman ako eh. She's just a maid kaya bakit kamping-kampi ka sa takng 'yon? I'm your girl friend." Hindi agad siya nakasagot. "Answer me Lucifer.""Mariel patahimikin mo 'ko.""Aminin mo kasi na may special bond talaga sila ni Stella, and that's the reason why I hate her. I can't take it anymore—" Hindi niya ito pinatapos. "Kaya mo pinahirapan 'yung tao? Mariel kahit naman anong galit mo sa isang tao hindi mo parin dapat ginawa 'yon. Mas lalo lang lumayo loob ni Stella sa ginawa mo kaya wag kang magtataka. At para sabihin ko sayo," tumalim ang titig niya sa dalaga. "Walang sino man ang makakapantay sa pagmamahal ng kaniyang ina." "Fine," napabuntong hininga ito. "I'm so sorry. I didn't mean to do that, sobrang na inis lang ako. Willing ako mag sorry sa lahat kapag ok na si Milli." Umalis na ito. Habang s'ya mariin na lamang napapikit. Nag tungo na siya kung saan nakaratay ngayon si Milli.
Walang kumibo kahit isa dahil sa sinabi niya. Liban kay Stella na takang-taka. "What is petchay?" Laking mayaman kasi ito kaya ignorante sa mga ibang gulay. "Ang petchay ay gulay. Naku bata ka! Kumain ka non mamaya ire-request ko na iluto." Sagot niya bago hinaplos ang buhok ni Stella. "If that's vegetable, the why are you pointing your—" Hindi na natuloy ni Stella ang tinatanong ng sumabat na si Lucifer. "Wala siyang ibang meaning anak." "Ah, ok po." Napasama pa yata ang pag sa-sabi niya ng totoo. Dapat yata ay hindi na niya ito binabanggit lalo na at nasa harap ng isang paslit. Kahit pa iniba niya ang pangalan ay hindi parin ito tamang i-akto. "Sir pwede ba tayong mag usap?" Pigil niya kay Lucifer ng akmang papasok na ito. "Stella una na kayo ni Manong B." Pakiusap niya bago muling humarap kay Lucifer. "What is it Milli?" Takang tanong ni Lucifer ng makapasok na sa loob ang dalawa. "Alam mo na sir na ako'y wala pang karanasan, baka lang kasi bigla mo akong pagnasahan." Der
Hindi na sumagot si Milli upang mag paliwanag. Alam naman niyang galit pa ang kaniyang amo kaya naman hindi nalang niya sasabayan. Nasaktan siya sa sinabi nito. Sino ba namang hindi? Kaya lang ay may kasalanan din naman talaga siya kaya naman hindi niya magawang umangal. Ngunit ang sinabi ni Lucifer na lalaki niya si Zacharias ay hindi totoo. Ang Doctor ay naging kaybigan lang niya, at dahil nga ganito naman talaga s'ya friendly, bibo at may kadaldalan ay mabilis niyang makasundo ang mga tao sa paligid. Wala siyang malisya o ibang balak. Puro at malinis ang intensyon ni Milli, at isa pa'y trabaho naman talaga ang inaatupag niya at hindi ang makipag landian. May pangako pa siya sakaniyang mga magulang na tutubusin ang lupa nilang na isanla ng magka sakit ang ama niya at maratay sa hospital. Ngayon pa nga lang sila nakakaluwag-luwag dahil may maayos na siyang trabaho. At ito rin ang isa pang dahilan ni Milli kung bakit hindi siya lumalaban o pumapatol kay Bruhildang Mariel. Mahal ni
Hindi naman talaga kay Mariel ang punta ni Lucifer, sa bar. Gusto niyang mag lasing dahil sa mga bagay na gumugulo sakaniyang isipan. Personal na isipin at hindi tungkol sa trabaho. Galing siya sa puntod ni Selena kanina ngunit mag isa lang siya, maging si Manong B ay hindi niya kasama. Dito kasi s'ya dinala ng kaniyang mga paa. Sa tuwing may bumabagabag sakaniyang isipan ay si Selena ang tinatakbuhan niya. Tulad nalang nung mga panahong hindi niya alam ang gagawin kay Stella. Hindi niya ito mapatahan at kinaylangan pa ng kaniyang ina na mag stay para lang tulungan siya mag palaki kay Stella. Ngunit ibang rason naman ngayon. Hindi na ito basta lang tungkol sakaniyang anak. Tungkol ito sa naguguluhan niyang puso't damdamin. May mga inamin siya kay Selena na hindi niya inaakalang mararamdaman niya. At ngayon mas lumalala iyon. Araw-araw nagiging malalim, tipong gumawa siya ng patibong na hukay para sakaniyang sarili. "Bro, are you ok?" "Lillard just drink, and don't mind me." Tan
Kakaisip ni Milli kung paano s'ya makakaalis sa pagkaka yakap ni Lucifer sakaniya. Mahigpit ang yakap nito at nakasiksik sakaniyang dibdib ang mukha nito kaya naman ramdam na ramdam niya ang pag hinga nito.Paano na ako makakaalis?May mangyayari ba?Isusuko ko na ba ang aking petchay?Ito ang nag pa-panic na tanong ni Milli sakaniyang isipan habang ingat na ingat na wag gumalaw. Nakatitig lamang siya sa kisame habang nag mumuni-muni. Ilang minuto na siyang ganito kaya naman pagod narin siyang umisip ng paraan. Wala rin naman kasing pumapasok sakaniyang isipan dahil may kilig siyang nararamdaman na hindi dapat niya dapat na maramdaman."Huwag mo sana akong multohin ma'am Selena." Bulong niya bago napalinga-linga sa paligid. "May aaminin po pala ako ma'am." Mahina lang ang boses niya habang kinakausap ang sarili. "Crush ko ho talaga si sir Lucifer." Napahagikhik siya. "Pero hindi ho ako maharot ma'am. Matino po 'kong babae. Mali man ho ang mga iniisip ko pero ayaw ko po talaga kay ma
ILANG ARAW NA PERO WALA PA DIN SI Lucifer. Nawawalan na ng gana si Milli kung pupunta pa ba si Lucifer upang tuparin ang ipinangako nito. "Iba talaga nagagawa ng pagmamahal." Napabuntong hininga siya. "Oo nga e, Chichi." Sagot niya bago bigla niyang napag tanto na si Chichi nga iyon. "Kaylan ka pa umuwi?" Natutuwang tanong niya. Ang akala niya ay kapatid lang niya ito. "Ngayon lang hehehe, may kasama pala ako." Itinuro ni Chichi si Stella at Lucifer gamit ang bibig nito. "Excited na ako bess, advance congrats na din pala." Kinikilig na sabi pa nito na ikinailing na lamang niya. "Mommy!" Nakasibi si Stella. Sinalubong n'ya ito ng yakap. "Stella miss na miss na kita." Hinagkan n'ya ito sa forehead. "Milli." Napasulyap siya kay Lucifer. "I-Ikaw pala." Nautal pa siya. "Maupo kayo padating na si tatay at nanay galing bukid." Paliwanag niya. Ngunit patalikod pa lamang sana siya upang ipag handa ang mag ama ng hawakan ni Lucifer ang braso niya at hilahin siya pabalik bago siya nito
Hindi nag papigil si Milli at tinuloy ang kaniyang pag uwi. Hindi dahil said mapride s'ya, kundi dahil sa nais niyang malaman kung hanggang saan ba s'ya kayang ipag laban ni Lucifer. Susundan nga ba s'ya nito? Baka naman kasi parang kabute lang ang pag-ibig ni Lucifer kaya naman nais n'ya itong subukin. Malayo ang byahe pauwi sakanilang probinsya. Hindi siya nag pahatid kay Manong B kahit pa nag pupumilit. Habang si Manang naman ay sinubukan siyang pigilan, maging si Chichi. Nais nga sana nitong sumama pauwi ngunit hindi siya pumayag. Maayos siyang nag paalam ay kay Stella. Iyak ito ng iyak ngunit kahit masakit sakaniyang kalooban ay tiniis niya ang lungkot at sakit. Hindi niya nais na mag talo pa lalo si Lucifer at ang ina nito. Maayos siyang nag paalam sa mga magulang ni Lucifer kahit pa hindi naging maganda ang trato sakaniya. ------FLASH BACK----Madaling araw siyang gumising upang hindi na siya abutan ni Lucifer. Lasing na lasing kasi ito dahil sa naging desisyon n'ya. Habang
Masarap ang tulog ni Milli at ang panaginip niya ay maganda. Kagabi, sobrang saya n'ya dahil sa pag amin ni Lucifer. Ngunit kalakip ng saya ay may kabang nakaamba siyang inaalala. Paano nalang pala kung hindi siya nais ng mga magulang ni Lucifer?Ano bang maipagmamalaki niya?Wala naman siyang perang malaki, bahay na maganda o kotse na magara. Hindi rin siya nakatapos ng pag a-aral, tanging elementary lamang ang kaniyang tinapos. Hindi siya magtataka kung mamaliitin siya ng pamilya ni Lucifer. Bumangon na siya at tinupi ang kaniyang higaan. Isang malawak na ngiti ang inilagay niya sakaniyang labi bago lumabas. "Magandang umaga!" Masiglang bati niya ngunit nawala ang ngiti niya ng makitang hindi mag kandugaga ang lahat, maging si Manong B ay nagmamadali. Hindi na nga s'ya nito nagawang mabati, si Manang Dorry at Chichi naman ay nakakapanibagong hindi nag chi-chismisan. "Ano hong mayroon?" Hindi niya mapigilang istorbohin si Manang. "Bakit umagang-umaga ay nagmamadali kayo Manang?"
SAMANTALANG SI LUCIFER NAMAN AY HINILA SI MAIREL palayo sa classroom, bago pa ito tuluyang mag eskandalo ay inilabas na niya ang desperadang dalaga. "Masakit daliri ko!" "For sure may mga sinabi kang masasakit kaya ka nasaktan ni Milli." "Oh my God! I can't believe na kinakampihan mo pa talaga ang hampas lupa na 'yon." Pagak na tumawa si Mariel. "Kapag nalaman ito nila tita—" Natigilan si Mariel. "Well, umm.. Alam na pala nila na isang hamak na katulong lamang ang lumalandi sayo.""Hindi mo hawak ang puso't isip ko Mariel. You can't control me, sa ginagawa mo mas lalo mo lang pinapahiya ang iyong sarili. May clinic ang school na 'to ipagamot mo nalang mag isa 'yang bali mong dalire." Tinalikuran na n'ya ito at agad na sumunod kila Milli. "Let's go Manong B." Malamig niyang utos bago napasulyap kay Milli na walang imik. "Sinaktan kava n'ya?" Hindi n'ya maiwasang kausapin si Milli. "Ako nanakit sakaniya Lucifer, pasensya na. Ayos na ba s'ya?" May pag-aalala sa tanong nito. "Malayo
KUMIKIROT ANG PUSO NI MILLI habang pinapanuod si Mariel na game na game. Habang si Stella ay walang kasiyahan na nakikita at si Lucifer ay yamot din ang mukha. Ayaw nalang din kasi niyang mag eskandalo, at isa pa nobya ito ni Lucifer hindi siya maaring mag inarte. Nakasupport na lamang siya kay Stella at kahit paano ay chine-cheer up ito at pinapangiti. "Smile ka Stella!" Sigaw niya. Ngunit ayaw talaga nito. Nakailang games na, at sa last game ay bigla na lamang siyang itinuro ni Stella. Kaya naman lumapit ang guro nito sakaniya at may sinabi. "Ma'am request po kasi ni Stella na ikaw naman ang partner ng Dad niya." Nakangiti ito. Kita niya ang sibangot at galit na mukha ni Mariel. Padabog itong naupo at inirapan siya. Upang pag bigyan naman si Stella ay hindi na lamang niya ito pinansin. "Ang last game po para sa mga parents ay paper dance." Napapalakpak si Stella. "Kaya naman matira, matibay po ang labanan, at dito natin malalaman kung kaya nga ba kayong buhatin ng inyong mga pa
"Tanghali na!" Napasigaw si Milli ng maalimpungatan. "Stella gising." Inalog n'ya ito upang gisingin na din. "Inaantok pa po—" Hindi n'ya ito pinatapos. "Family day ngayon." Tila ba hyper na hyper siya ngayong araw, o masyado lang talagang excited para kay Stella. "Hindi kaba excited?" "Oo nga po pala!" Agad itong bumangon. "Yehey! Family day na makakasama ko na po kayo ni Daddy." Natutuwang sabi nito kaya naman napangiti din s'ya. "Ihahanda ko lang ang damit mo tapos maligo kana." Bilin niya bago kinuha ang ginayak niyang damit nung nakaraang araw pa para kay Stella. Nag paalam na s'ya dito na gigisingin na din si Lucifer. Kaya naman agad siyang lumabas ng kwarto at kinatok si Lucifer. Tatawagin sana n'ya itong sir ngunit na aalala niya ang bilin nito na sa pangalan na lamang tawagin. "Lucifer gising kana ba?" Kumatok siya. Ngunit walang sumagot kaya pinihit n'ya ng dahan-dahan ang doorknob at sinilip si Lucifer. Nakita n'ya itong wala na sa kama kaya naman napakunot ang kaniy
"Good eve—" Hindi na nakapag patuloy si Milli ng makita niyang nakapamewang si Lucifer at mukhang kanina pa s'ya hinihintay. "Pasensya na ginawa na ako." Napayuko siya dahil nakakapaso ang tingin nito. "Kamusta naman kayo? Maayos ba trato ng family ni Zacharias sayo?" Tanong ni Lucifer na agad niyang ikinatango. "Ayos naman, mabait din sila. Akala ko nga ay kapag nalaman nilang katulong lang ako ay magagalit sila."Napatango si Lucifer bago tumalikod. "Pahinga kana, maaga pa tayo bukas sa school.""Salamat po sir." "Just call me Lucifer." "Ok Lucifer."Patungo na sana siya sa maids room ng muling mag salita si Lucifer. "Sandali lang Milli.""Po?""Kayo na ba ni Zacharias?" Napakunot ang kaniyang nuo. Wala naman kasing ganun na nangyari sa pagitan nila ni Zacharias. Walang panliligaw, basta umamin lang ito sakaniya na agad naman niyang sinagot ng tapat dahil hindi s'ya 'yung tipo ng tao na nag papaasa. "Pero bakit mo naitanong?" Imbis na sumagot ay nag tanong din siya. "Neverm
Bakit ba ang tigas ng ulo niya? Nakuyom ni Lucifer ang kaniyang kamao.Eh bakit din ba kasi hindi pa s'ya umamin? Kaya naliligawan pa si Milli dahil wala naman silang relasyon, at wala itong alam sa nararamdaman niya.Napabuntong hininga siya bago tinanaw si Milli na palabas na ng bahay. Habang si Zacharias ay nag hihintay sa labas at pinag bukas pa ito ng pinto ng kotse.Mariin siyang napapikit. Bumaba siya at nadatnan si Chichi na kilig na kilig habang kumakaway sa kaybigan na nakasakay na sa kotse ni Zacharias. Nag tama muna ang paningin nila ni Milli bago ito tuluyang nawala sa paningin niya. "Ang swerte ng kaybigan ko sir." Kinikilig parin si Chichi. "Gusto mo sir ay tayo nalang kung wala talaga kayong karate ngayon? Maari naman ho ninyo akong pag tiyagaan muna.""No thanks Chichi." Malamig na sagot niya bago ito siningkitan ng tingin. "Ano bang gusto ni Milli sa isang lalaki?" Bigla niyang tanong. "Totoo nga ang balita na yayaman na si—" Natigilan ito bago sumeryoso. "Dahil
SINABI NI MILLI SAKANIYANG SARILI na kapag hindi ito na alala ni Lucifer ay wala na siyang babanggitin pa tungkol sa halik na nangyari. Ngunit si Lucifer pa pala mismo ang mag papaalala sakaniya ng nangyari. Pangyayaring pakiramdam n'ya hindi naman dapat talaga nila gawin. May nobya na si Lucifer habang s'ya ay isang hamak na katulong lamang, at ang tanging dapat na gawin at inaatupag niya ay ang pag-aalaga kay Stella at hindi an pang ha-harot kay Lucifer. "Huy!" Kinalampag ni Chichi ang lamesa kung saan ay kanina pang tulala si Milli kakaisip."Nakakagulat ka naman Chichi." Napahawak sa dibdib si Milli. "Akala ko'y kung sino na." Dagdag pa niya."At bakit parang kabadong-kabado ka?" "Wala, at sino naman nag saving kabado ako? Parang kang ano Chichi. Issue ka na naman, itigil mo 'yan." Saway n'ya sa kaybigan bago napabuntong hininga. "Kung sana ay mayaman lang tayo Chichi noh? Tiyak kahit sino ang mahalin natin ay maari kasi hindi tayo mamaliitin." "Problema mo? Parang ang drama m