Walang kumibo kahit isa dahil sa sinabi niya. Liban kay Stella na takang-taka. "What is petchay?" Laking mayaman kasi ito kaya ignorante sa mga ibang gulay. "Ang petchay ay gulay. Naku bata ka! Kumain ka non mamaya ire-request ko na iluto." Sagot niya bago hinaplos ang buhok ni Stella. "If that's vegetable, the why are you pointing your—" Hindi na natuloy ni Stella ang tinatanong ng sumabat na si Lucifer. "Wala siyang ibang meaning anak." "Ah, ok po." Napasama pa yata ang pag sa-sabi niya ng totoo. Dapat yata ay hindi na niya ito binabanggit lalo na at nasa harap ng isang paslit. Kahit pa iniba niya ang pangalan ay hindi parin ito tamang i-akto. "Sir pwede ba tayong mag usap?" Pigil niya kay Lucifer ng akmang papasok na ito. "Stella una na kayo ni Manong B." Pakiusap niya bago muling humarap kay Lucifer. "What is it Milli?" Takang tanong ni Lucifer ng makapasok na sa loob ang dalawa. "Alam mo na sir na ako'y wala pang karanasan, baka lang kasi bigla mo akong pagnasahan." Der
Hindi na sumagot si Milli upang mag paliwanag. Alam naman niyang galit pa ang kaniyang amo kaya naman hindi nalang niya sasabayan. Nasaktan siya sa sinabi nito. Sino ba namang hindi? Kaya lang ay may kasalanan din naman talaga siya kaya naman hindi niya magawang umangal. Ngunit ang sinabi ni Lucifer na lalaki niya si Zacharias ay hindi totoo. Ang Doctor ay naging kaybigan lang niya, at dahil nga ganito naman talaga s'ya friendly, bibo at may kadaldalan ay mabilis niyang makasundo ang mga tao sa paligid. Wala siyang malisya o ibang balak. Puro at malinis ang intensyon ni Milli, at isa pa'y trabaho naman talaga ang inaatupag niya at hindi ang makipag landian. May pangako pa siya sakaniyang mga magulang na tutubusin ang lupa nilang na isanla ng magka sakit ang ama niya at maratay sa hospital. Ngayon pa nga lang sila nakakaluwag-luwag dahil may maayos na siyang trabaho. At ito rin ang isa pang dahilan ni Milli kung bakit hindi siya lumalaban o pumapatol kay Bruhildang Mariel. Mahal ni
Hindi naman talaga kay Mariel ang punta ni Lucifer, sa bar. Gusto niyang mag lasing dahil sa mga bagay na gumugulo sakaniyang isipan. Personal na isipin at hindi tungkol sa trabaho. Galing siya sa puntod ni Selena kanina ngunit mag isa lang siya, maging si Manong B ay hindi niya kasama. Dito kasi s'ya dinala ng kaniyang mga paa. Sa tuwing may bumabagabag sakaniyang isipan ay si Selena ang tinatakbuhan niya. Tulad nalang nung mga panahong hindi niya alam ang gagawin kay Stella. Hindi niya ito mapatahan at kinaylangan pa ng kaniyang ina na mag stay para lang tulungan siya mag palaki kay Stella. Ngunit ibang rason naman ngayon. Hindi na ito basta lang tungkol sakaniyang anak. Tungkol ito sa naguguluhan niyang puso't damdamin. May mga inamin siya kay Selena na hindi niya inaakalang mararamdaman niya. At ngayon mas lumalala iyon. Araw-araw nagiging malalim, tipong gumawa siya ng patibong na hukay para sakaniyang sarili. "Bro, are you ok?" "Lillard just drink, and don't mind me." Tan
Kakaisip ni Milli kung paano s'ya makakaalis sa pagkaka yakap ni Lucifer sakaniya. Mahigpit ang yakap nito at nakasiksik sakaniyang dibdib ang mukha nito kaya naman ramdam na ramdam niya ang pag hinga nito.Paano na ako makakaalis?May mangyayari ba?Isusuko ko na ba ang aking petchay?Ito ang nag pa-panic na tanong ni Milli sakaniyang isipan habang ingat na ingat na wag gumalaw. Nakatitig lamang siya sa kisame habang nag mumuni-muni. Ilang minuto na siyang ganito kaya naman pagod narin siyang umisip ng paraan. Wala rin naman kasing pumapasok sakaniyang isipan dahil may kilig siyang nararamdaman na hindi dapat niya dapat na maramdaman."Huwag mo sana akong multohin ma'am Selena." Bulong niya bago napalinga-linga sa paligid. "May aaminin po pala ako ma'am." Mahina lang ang boses niya habang kinakausap ang sarili. "Crush ko ho talaga si sir Lucifer." Napahagikhik siya. "Pero hindi ho ako maharot ma'am. Matino po 'kong babae. Mali man ho ang mga iniisip ko pero ayaw ko po talaga kay ma
Umagang-umaga umiiwas si Milli kay Lucifer dahil sa hiya. Hindi na nga yata pa niya kayang harapin ito dahil sa halik na nangyari kagabi. Dapat hindi niya ito hinayaan dahil nasa katinuan naman siya. Paano nalang pala kung may nangyari? Tiyak na daming nagalit sakaniya, baka isumpa siya ng lahat. Mukhang maging si Stella ay hindi matutuwa sakaniya pag nangyari ang bagay na 'yon."Mommy bakit po nag mamadali ka?" Kunot ang nuong tanong ni Stella. "Ha? Hindi naman," palusot niya kahit na ang totoo ay kanina pa s'ya linga ng linga. "Sige na suot mo na shoes mo at baka mahuli kana sa school bus." Agad niyang sinuot kay Stella ang sapatos nito bago inaya nang lumabas upang abangan ang bus. "Milli—" Agad niyang pinasakay sa bus si Stella dahil saktong huminto na ito sa tapat nila, na nasaktuhan naman ni Lucifer ang tawag sakaniya. Ngunit patay malisya siya at pakunwaring walang narinig."Bye Stella, ingat sana mag enjoy ka sa school." Paalam niya bago kumaway. "Mommy family day na po
SINABI NI MILLI SAKANIYANG SARILI na kapag hindi ito na alala ni Lucifer ay wala na siyang babanggitin pa tungkol sa halik na nangyari. Ngunit si Lucifer pa pala mismo ang mag papaalala sakaniya ng nangyari. Pangyayaring pakiramdam n'ya hindi naman dapat talaga nila gawin. May nobya na si Lucifer habang s'ya ay isang hamak na katulong lamang, at ang tanging dapat na gawin at inaatupag niya ay ang pag-aalaga kay Stella at hindi an pang ha-harot kay Lucifer. "Huy!" Kinalampag ni Chichi ang lamesa kung saan ay kanina pang tulala si Milli kakaisip."Nakakagulat ka naman Chichi." Napahawak sa dibdib si Milli. "Akala ko'y kung sino na." Dagdag pa niya."At bakit parang kabadong-kabado ka?" "Wala, at sino naman nag saving kabado ako? Parang kang ano Chichi. Issue ka na naman, itigil mo 'yan." Saway n'ya sa kaybigan bago napabuntong hininga. "Kung sana ay mayaman lang tayo Chichi noh? Tiyak kahit sino ang mahalin natin ay maari kasi hindi tayo mamaliitin." "Problema mo? Parang ang drama m
Bakit ba ang tigas ng ulo niya? Nakuyom ni Lucifer ang kaniyang kamao.Eh bakit din ba kasi hindi pa s'ya umamin? Kaya naliligawan pa si Milli dahil wala naman silang relasyon, at wala itong alam sa nararamdaman niya.Napabuntong hininga siya bago tinanaw si Milli na palabas na ng bahay. Habang si Zacharias ay nag hihintay sa labas at pinag bukas pa ito ng pinto ng kotse.Mariin siyang napapikit. Bumaba siya at nadatnan si Chichi na kilig na kilig habang kumakaway sa kaybigan na nakasakay na sa kotse ni Zacharias. Nag tama muna ang paningin nila ni Milli bago ito tuluyang nawala sa paningin niya. "Ang swerte ng kaybigan ko sir." Kinikilig parin si Chichi. "Gusto mo sir ay tayo nalang kung wala talaga kayong karate ngayon? Maari naman ho ninyo akong pag tiyagaan muna.""No thanks Chichi." Malamig na sagot niya bago ito siningkitan ng tingin. "Ano bang gusto ni Milli sa isang lalaki?" Bigla niyang tanong. "Totoo nga ang balita na yayaman na si—" Natigilan ito bago sumeryoso. "Dahil
"Good eve—" Hindi na nakapag patuloy si Milli ng makita niyang nakapamewang si Lucifer at mukhang kanina pa s'ya hinihintay. "Pasensya na ginawa na ako." Napayuko siya dahil nakakapaso ang tingin nito. "Kamusta naman kayo? Maayos ba trato ng family ni Zacharias sayo?" Tanong ni Lucifer na agad niyang ikinatango. "Ayos naman, mabait din sila. Akala ko nga ay kapag nalaman nilang katulong lang ako ay magagalit sila."Napatango si Lucifer bago tumalikod. "Pahinga kana, maaga pa tayo bukas sa school.""Salamat po sir." "Just call me Lucifer." "Ok Lucifer."Patungo na sana siya sa maids room ng muling mag salita si Lucifer. "Sandali lang Milli.""Po?""Kayo na ba ni Zacharias?" Napakunot ang kaniyang nuo. Wala naman kasing ganun na nangyari sa pagitan nila ni Zacharias. Walang panliligaw, basta umamin lang ito sakaniya na agad naman niyang sinagot ng tapat dahil hindi s'ya 'yung tipo ng tao na nag papaasa. "Pero bakit mo naitanong?" Imbis na sumagot ay nag tanong din siya. "Neverm