Share

IN THE NAME OF LOVE — CHAPTER 17

Kakaisip ni Milli kung paano s'ya makakaalis sa pagkaka yakap ni Lucifer sakaniya. Mahigpit ang yakap nito at nakasiksik sakaniyang dibdib ang mukha nito kaya naman ramdam na ramdam niya ang pag hinga nito.

Paano na ako makakaalis?

May mangyayari ba?

Isusuko ko na ba ang aking petchay?

Ito ang nag pa-panic na tanong ni Milli sakaniyang isipan habang ingat na ingat na wag gumalaw. Nakatitig lamang siya sa kisame habang nag mumuni-muni. Ilang minuto na siyang ganito kaya naman pagod narin siyang umisip ng paraan. Wala rin naman kasing pumapasok sakaniyang isipan dahil may kilig siyang nararamdaman na hindi dapat niya dapat na maramdaman.

"Huwag mo sana akong multohin ma'am Selena." Bulong niya bago napalinga-linga sa paligid. "May aaminin po pala ako ma'am." Mahina lang ang boses niya habang kinakausap ang sarili. "Crush ko ho talaga si sir Lucifer." Napahagikhik siya. "Pero hindi ho ako maharot ma'am. Matino po 'kong babae. Mali man ho ang mga iniisip ko pero ayaw ko po talaga kay ma
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status