CHAPTER 55MACOY’S POVI N A Y O S . . . niya ang pagkakasukbit ng bag habang mabagal na naglalakad papasok sa kalsada nila. Tulad noong nagdaang dalawang araw, para pa rin siyang lutang. Hindi kasi mawala sa isip niya ang mga sinabi ni Banong n’ong sinundan siya nito paglabas niya ng ospital dahil na-badtrip siya. Ewan ba niya pero talagang nawala siya sa hulog n’ong malaman niyang may mga dinaramdam pala si Jade, pero tiniis nito iyon dahil ayaw daw nitong maging pabigat. Pakiramdam niya ba ay napakawalang silbi niya. FLASHBACK:“Tang’na pare kung hindi mo kayang panindigan ‘yang nararamdaman mo para kay Jade, ‘wag ka ring umastang parang shota. Nililito mo ‘yong babae, e. Pati bata idadamay mo pa. Umayos ka nga. Puspos ka sa pag-aaral para maging en-ji-neer pero ‘yong pagpapakalalaki kinalimutan mo. Tang’na ayusin mo p’re!”END OF FLASHBACKMedyo para siyang pinukpok ng dos por dos sa ulo ng mga salitang binitawan ng kaibigan. Pakiramdam niya tuloy ay nagising siya mula sa sari
JADE’S POVM A L I L I G O . . . na sana siya nang biglang may kumatok sa pintuan nila. Sunod-sunod iyon at parang may pagmamadali. Natigilan siya sa akmang pagpasok sa banyo at sandaling nakiramdam.Hindi nagtagal ay muling may kumatok kaya sigurado siyang sa kanila na iyon. Isinukbit niya ang tuwalya sa kanang balikat at kaswal na tinungo ang pinto para tingnan kung sino ang tao sa labas nila. “Kung kelan ka nagmamadali talaga oo, baka mamaya magbebenta lang ng unan e,” pabulong niyang reklamo bago tuluyang binuksan ang pinto. Pero para siyang tinakasan ng kaluluwa niya nang mapagsino ang taong nakatayo sa labas ng pintuan nila. The very person na pinag-uusapan pa lang nila Scarlet kahapon. Ang sinasabi nitong nagbalik na.“A-Ate?”Halos hindi lumabas sa kanya ang katagang iyon. It has been so long since she last uttered that word. So long that she almost forgot na may kapatid nga pala siya. Well, to be fair, hindi naman talaga sila close ng kapatid niya kahit noong mga bata p
JADE’S POV“J A D E ?”Medyo nagulat pa siya nang makita si Macoy na papalapit sa kanya habang nasa gilid siya ng daan at inaayos ang mga pinamiling tela para sa mga tatahiin nilang Filipiniana. “O, Macoy. Maaga ka yata ngayon,” wika niya naman nang lumapit sa kanya ang binata.Tinulungan siya nito sa pag-aayos nang ganap na makalapit sa kanya, at agad ding binitbit iyon. “Uy, ako na,” sabi niya habang tinatangkang agawin mula rito ang malaking bag pero pumalatak pa ito habang mabilis na iniiwas iyon sa kanya. “Aangal pa?” kunwa’y may pagbabanta pa nitong tugon. Natawa naman siya at hinayaan na lang ito. Magkaagapay silang naglakad papasok sa kalsada nila.“So ano, sigurado ka na? Pupunta ka talaga d’on sa party n’ong ate mo?” maya-maya ay biglang naitanong ni Macoy. Naikwento niya kasi rito ang tungkol sa biglaang pagsulpot ng kapatid niya, pati na rin ang mga napag-usapan nila. “Syempre. Kahit naman hindi kami goods n’on dati, ti’na mo naman hinanap niya talaga ako. Samantala
JADE’S POV“N A K S . . . Kagandang babae naman! Witwiw!” komento ni Aira nang lumabas siya mula sa kwarto nila na suot ang gown na siya mismo ang nagtahi.Mabuti na lang talaga at may mga ready-made na gown na sa patahian kaya hindi siya gaanong namroblema sa susuotin. Pinarerentahan kasi nila iyon tuwing may pyesta o sagala o di kaya ay mga prom sa school. Ginawan niya lang iyon ng kaunting alterations para sumakto sa sukat niya at voila! May elegant mermaid-cut vintage gown na siya.“Okay lang ba ‘yong make up? Medyo kinakalawang na ang skills ko e,” nahihiya niya namang tanong dahil alam niyang sa kanya nakatutok ang mga mata ng lahat ng naroon sa bahay nila.“Mas magaling ka pa nga kesa sa mga bakla d’on sa parlor e! Di ba, Ma?” tugon naman ng dalaga sabay baling kay Aling Betty.“Oo, Jade! Ang ganda-ganda mo, para kang artista!” sang-ayon naman ng huli.“Artistang pagod po, Aling Betty?” biro niya para ikubli ang hiya. Kung tutuusin, wala pa ito kumpara sa mga gown na pinapasad
JADE’S POVH I N D I . . . niya sigurado kung imahinasyon niya lang o talagang mabagal na naglakad papasok ang lalaking mukhang pamilyar sa kanya. Pilit niyang iniisip kung saan niya ba ito nakita pero hindi niya talaga maalala.“In fairness kay Ate Rhian, kaya pala very secretive. Kahit naman ako, kung ganyan ka-gwapo ang fiancè ko, malamang ikakaban ko rin. Baka mamaya maagaw pa ng iba,” pasimpleng bulong ni Scarlet sa kanya. Indeed, her cousin is right. Hindi lang basta gwapo ang lalaki, para itong modelo na nabuhay at lumabas mula sa isang american magazine. Kahit na nakasuot ito ng pormal na three-piece black suit ay halata ang maganda nitong pangangatawan. Bigla niya tuloy naisip kung ilan kaya ang height nito dahil mukhang papasa ito bilang basketball player ng NBA sa tangkad nito.“Ang gwapo!” narinig tila kinikilig na bulong ng isa sa mga bisita nila na malapit sa kanila ni Scarlet. Maging siya tuloy ay hindi maalis ang tingin sa lalaking sentro ng atensyon ng lahat. Hangg
JADE’S POV“W H A T . . . the hell is going on? T-Totoo ba ‘to? Is this some kind of joke?!” sunod-sunod na tanong niya, habang tila wala sa sarili na nagpabalik-balik siya ng lakad. Napatuptop siya ng noo habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kabilang kamay. Pakiramdam niya kasi ay biglang uminit pero pinagpapawisan siya ng malamig.“Tree, what’s going on? D-Did you know Miggy?” Tanong ng ate niya na naguguluhan na rin sa mga nangyayari.“Miggy?” Baling nito sa lalaki nang hindi siya sumagot.She was too stunned by the revelation that she can’t think of anything else right now. Pakiramdam niya ay umiikot ang paligid niya kaya humawak siya sa railing ng veranda.“Trinity---”“STOP! Saying my name!” nanginginig niyang sigaw sa galit. Mas lalong napahigpit ang pagkakahawak niya sa bakal. Naipikit niya ng mariin ang mga mata nang mabibilis na nagflashback sa kanya ang imahe ng madalim na nakaraan niya.This can’t be happening... No, please, no!Paulit-ulit niyang sigaw sa isip. Ak
RED’S POVR E D . . . had to open his eyes. Dahil sa tuwing pipikit siya ay naaalala niya ang nahihintakutang mukha ni Trinity nang malaman nito kung sino siya.He didn’t know. As stupid as it may sound, but he didn’t know that Arianna was Governor Santiago’s eldest daughter. She never mentions anything about her family while they were in the States. And he never asked. They do not have that kind of relationship for him to dig deeper into her personal life.All he knew was that she was Arianna Ontiongco, a resident cardiac surgeon whom he met and knew by accident habang naroon siya sa Amerika. He arrived back in Manila last night, para sa hiling nitong magdaos sila ng engagement party, ayon sa kahilingan ng mga magulang nito. Wala siyang alam. Not until he found himself standing inside the Santiago’s Mansion and face to face with Governor William Santiago himself. At first, akala niya ay makikilala siya nito at magagalit at palalayasin siya. But he was even more surprised nang yakap
RED’S POV “R E D ,” . . . untag ni Arianna sa pananahimik niya. He felt her frustration . Pero nanatili siyang nakatalikod dito. Kinabig siya nito sa braso para pilitin siyang harapin ito. “Sagutin mo ako!” sigaw nito. Pinili niya pa ring manahimik at marahang nagsalin ulit ng alak sa baso niyang wala nang laman. Pero agad nitong tinabig iyon mula sa kamay niya, sanhi para tumilapon iyon at mabasag. Sinamaan niya ito ng tingin. Kung mayroon sa kanilang dalawa ang may mas karapatang ma-frustrate at magalit, siya iyon. But even then, he still tried his best not to lose control. After all, malaki pa rin ang utang na loob nila kay Arianna. Kaya muli niya na lang itong tinalikuran para sana lumabas sa balkonahe. Pero agad din siya nitong hinarang. “Do you have any idea kung anong kahihiyan ang inabot ko roon kanina? First, you acted like you met your long lost love when you saw my sister, then what? Iniwan mo ‘ko sa harapan ng maraming bisita!” pasigaw pa rin nitong sabi. “Not