"Saan ka na namaan pupunta, Paolo? Bakit mo na naman dala-dala ang mga gamit mo?" Umalingawngaw ang ma- awtoridad na boses ni Amanda sa buong pasilyo ng Mansyon ng makita niya ang asawa na papalabas ng main door nila.Hindi kasi niya pwedeng ikulong ito lalo na umuuwi ang anak niya tuwing gabi. Gustuhin man niya itong pahirapan ngunit ayaw niyang magalit sa kanya ang anak. Huminto ito sa paglalakad ngunit hindi lumingon sa kanya. "Aalis na ako dito at ito na ang huling araw na pakikialaman mo pa ang buhay ko. Hindi mo na ako matatakot pa, Amanda. Kung gusto mo ng patayan, makikipagsabayan na ako sayo. Tandaan mo yan!" Naglakad ulit ito na walang kahit anong takot at pag-aalinlangan.Kumulo bigla ang dugo niya, "Huh! Ang lakas na ng loob mong punyeta ka! How dare you! Hindi ka makakaalis ng buhay dito, Paolo. Over my dead body!" Gigil na sigaw nito habang nakasunod sa papalayong lalaki. Ang mga goons na paparoo't parito ay naka alerto na at naghihintay na lang sa utos niya."Then kil
WARNING: RATED SPGAng bagong kasal ay dumeritso na sa exclusive subdivision na regalo ng mga magulang ni Kylle.Ang kaba, pangamba at takot ni Yanah ay walang pagsidlan ngunit umakto siya ng normal at parang wala lang sa kanya ang lahat. Hindi siya nagpahalata na apektado siya na makakasama na niya sa araw-araw ang lalaking gusto na sana niyang iwasan mula ng may mangyari sa kanilang dalawa. Pareho sila na hindi sumang- ayon sa honeymoon na ipinagpipilitan ng mga magulang nila sa kanila. Kaya wala din nagawa ang mga ito.Ayaw nilang iwan ang obligasyon na ipinamana sa kanilang dalawa ng mga magulang nila, lalo na ngayon na maraming mga bata na naman ang mga nawawala dahil gumagalaw na naman ang mga kidnapers. Pumasok siya sa silid na sinabi ni Kylle sa kanya, ngayon lang talaga nag-sink in sa kanya ang lahat. May asawa na siya, hindi na siya mag-iisa sa kwarto niya."Asawa." Bulong niya sa hangin. Instant!Magtatabi nga ba talaga sila sa higaan? Napunta ang tingin niya sa ma
"No, Delfin, hindi ako papayag na sila ang magkatuluyan. That's final! Kung pwedeng ipagtapat ko sa kanya ang totoo gagawin ko." Bulyaw nito sa lalaking nakapamulsa. Nakatalikod ito sa kanya habang matamang nakatingin sa mga bahay na nagkikislapan sa ibaba. Nasa 30th floor sila kaya kitang-kita nito ang buong syudad."Ano ba? Magsalita ka! Napapagod na ako sa pagpapanggap natin. Ayoko ng magpanggap pa, Delfin!" Gigil na sigaw nito.Humarap ito sa kanya at tinitigan siyang maigi, "Anong sasabihin mo sa kanya? Na ninakaw mo siya sa totoo niyang mga magulang? Na isa ka sa pumatay sa mga magulang niya dahil nanlaban ang mga ito ng dukutin mo siya." Madiin ang mga salita nito, "Kahit minsan ba hindi mo naramdaman ang maging magulang sa kanya? He loves you. Bakit hindi mo na lang panindigan na anak mo na siya at makipagkalas ka na sa amo mo. Matatanda na tayo, Angela.""Are you saying na napamahal na sayo ang lalaking iyon?Ang hina mo talaga kahit kailan. Baka nakakalimutan mo, ako ang boss
"Madame, ang babaeng pinapasundan mo sa amin nandito ngayon sa hospital. Nabangga siya ng malaking truck. Truck ng basura." Ani ng lalaking nakakubli sa isang tabi habang may katawag.May gulat man ngunit napangiti si Amanda sa narinig, "Saang hospital? Patay ba?" "Delgado Hospital Madame. I don't know if she's alive. " Sagot nito."Idiot!" Galit nitong singhal, "Siguraduhin mo kung patay na bago ka mag report!" "But Boss," mangangatwiran pa sana ang nasa kabilang linya ngunit inunahan na niya ito, "Okay, stand by muna kayo dyan. Bantayan nyo siya at hintayin nyo ang pagdating ko. May nakabantay ba sa kanya?" "Police, Madame. Pero paalis na yata sila." "Okay, good." Napaisip siya, pupuntahan niya ang babae at dadalhin niya ang walang kwentang asawa niya. Gusto niyang tingnan ang reaksyon nito. Gusto niyang panoorin ang sakit na babalatay sa mukha nito oras na makita niya ang anak habang nag-aagaw buhay ito or patay na."Sa wakas, matatahimik na din ang kalooban ko. Wala na ang mg
Nanlaki ang mga mata niya ng makitang duguan ang kaibigan habang nakasubsob sa sahig. Tumakbo siya papalapit dito."Marian!" Umiiyak na tawag niya sa pangalan nito. "Marian, gumising ka! Marian!" Humahagulgol na siya ng iyak dahil hindi na ito gumagalaw pa."My god! Marian! Huwag mo akong iiwan." Patuloy na sumisigaw siya habang umiiyak. Hapong-hapo siya at nanghihina. Sigaw lang siya ng sigaw sa pangalan ng kaibigan at halos kapusin na siya ng hininga dahil naliligo na ito sa sariling dugo.Ang paligid ay tila haunted house sa dami ng patay at duguan na nakabulagta. "Help! Help! Marian!" Hinawakan niya ang palapulsuhan nito ngunit hindi na ito humihinga pa. Kaya napalahaw siya sa pag-iyak.Nakarinig siya ng mga yabag papalapit sa kanilang kinaroroonan, kaya hinila niya ang kaibigan at nagkubli sila sa likod ng pintuan."Halughugin nyo ang buong paligid, patayin lahat at walang itira." Isang pamilyar na boses ang narinig niya, kaya sumilip siya sa gawi ng mga ito. Napatutop siya
Dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata, nasilaw siya dahil sa liwanag kaya napapikit siyang muli. Ngunit ilang saglit lang minulat niya ulit ang mga mata, puro puti ang nakikita niya sa paligid. Ginala niya ang paningin sa lahat ng sulok ng silid. Napangiwi siya dahil mahapdi ang mga sugat niya. Masakit ang lahat ng parte ng katawan niya, even down there. Napadaing siya sa kirot at hapdi, at hindi niya matukoy kung saang parte ba ng katawan niya ang masakit at makirot. Napapangiwi na lang siya, gustuhin man niyang gumalaw pero parang may nakadagan sa kanyang katawan na mabigat na bagay lalo na sa paa niya. Parang may bato sa ibabaw ng paa niya."A-Anong nangyari sa akin? B-Bakit ganito ang pakiramdam ko?" Nanginginig ang mga labi niya habang pigil ang mga luha dahil sa takot.Maraming aparato ang nasa ulunan niya at sa magkabilang side niya, may dextrose pa sa kamay niya. May oxygen din sa may ilong niya kaya nanlamig ang pakiramdam niya kaya bigla siyang napasigaw."Nasaa
When Yanah returned, Marian's room was covered in smoke bombs. Nasa pasilyo pa lang siya patungong silid nito ngunit tanaw niya na ang usok sa labas.Kinabahan siya dahil sa takot, "Emerald! Marian!" Sigaw niya. Hindi niya makita ang loob nito dahil sa usok. Nagkakagulo na sa loob ng hospital, maraming nagsisigawan na mga pasyente. May mga yabag na paparoo't-parito, may mga tumatakbo. Mga putok ng baril sa di kalayuan ng silid.May humihiyaw sa sakit, umiiyak na pamilya ng mga pasyente na nasa lapag na iyon.Kinapa niya ang kanyang phone sa pocket ng pants niya ngunit wala ito. Na isip niyang baka nahulog ito ng nakikipaglaban siya kanina sa comfort room.Nasaan ang mga kasama niya?"Shit!" Malutong na mura niya, "Emerald," Sigaw niya ng malakas. Sinubukan niyang maglakad, alam niya kung saan ang pintuan ng silid ni Marian. "God, guide me, please! Ngayon pa talaga nangyari ito na wala si Kylle." Ramdam niya na may paparating na yabag kaya hinanda niya ang sarili. "Bilisan ninyo!
Nasa sahig siya nakaupo at nakasandig sa pader, nakayuko habang taimtim na nananalangin para sa kaligtasan ng mag-ina. Pabalik-balik sa isipan niya ang sinabi ng doctor kanina na hindi maganda ang kalagayan ng kaibigan niya at ng bata.Pinatawag pa siya sa loob dahil gusto siyang kausapin ni Emerald. Halos hindi tumitigil ang mga luha niya sa pagpatak dahil sa sinabi ng kaibigan sa kanya.Hawak nito ang dalawang kamay niya, “P-Please, Y-Yanah, take c-care of my ba-by.” Paputol-putol na wika nito habang tumutulo ang mga luha. Nangilabot siya, tila nagpapaalam na ito sa kanya.Mahigpit ang pagpisil nito sa kamay niya at ramdam niya na sa kanya ito kumukuha ng lakas. “No. Stop talking, Emerald. Kakayanin mo yan! Ipangako mo. Kakayanin mo! Okay!” Halos mapasigaw na siya sa pagsusumamo. “M-Mars, hin-di a-ko ma-ta-ta-hi-” Lalo siyang kinilabutan.“I said, stop talking.” Galit na singhal niya dito.Putlang-putla na ito at tila bibigay na ang katawan. “Doc, do your best! I will pay a billi
Sa hospital ang bagsak ni Emerald dahil sa tama ng baril sa balikat niya. Dinala siya ni Sean doon kahit hindi niya ito kinakausap. “Makakaalis ka na, Sean. Baka hinahanap ka na ng mommy mo.” Malamig na sabi niya na hindi ito nililingon. “No. Marami tayong dapat pag-usapan.” Matigas na sagot nito habang nasa tabi nito. Nakahiga siya ngayon sa kama dahil katatapos niya lang maoperahan. Tinanggal ang bala sa balikat niya. Imbes uuwi siya kanina matapos ang operasyon ngunit ang lalaki matigas ang bungo at ayaw siyang pauwiin. “Wala na tayong dapat na pag-usapan pa. Kaya kung pwede lang leave me alone. Ayoko ng ma involve pa sa buhay mo.” Iritang tumalikod siya dito. “Asan ang anak natin?” Deritsang tanong nito sa kanya at binaliwala ang sinabi niya. Nanigas siya sa tanong nito at natakot para sa kaligtasan ng anak. Alam niyang hindi matatanggap ito ng mommy ni Sean. “W-Wala na. Kaya wala na tayong dapat na pag-usapan pa.” Akmang babangon siya para umalis na ngunit pinigilan siya ni
Dahan-dahang minulat niya ang kanyang mga mata, bumibigat ang kanyang mga talukap habang pilit niyang inaaninag ang puting kisame. May naririnig siyang mga beep mula sa makina sa tabi niya, at ramdam niya ang sakit sa bawat bahagi ng kanyang katawan. Lalo na sa ulo niya. “Ouch!” Napadaing siya sabay hawak sa ulo niya. Napapikit siyang muli at napapakagat na lang sa labi dahil sa kirot na nararamdaman niya. May benda pa sa may noo niya. Ilang saglit pa, minulat niyang muli ang mga mata ng maramdaman niya na may yumakap sa bewang niya. Nakita niya ang isang pamilyar na pigura na nakaupo sa gilid ng kanyang kama—si Drix. Nakayuko ito, at tila nakatulogan na ang pagbabantay sa kanya. Biglang bumalik ang lahat ng ala-ala sa isipan niya, ang paghahalikan nito sa ibang babae, ang selos at galit na bumalot sa kanya, ang pagkamatay ng kanyang mommy at ang aksidenteng dulot ng kanyang emosyon. “Mommy… Mommy ko…” Hindi niya napigilang mapahagulgol kaya nagising ang lalaki sa tabi niya. “O
Habang tinatahak niya ang makipot na daanan patungo sa lagusan, malakas ang dagundong ng mga putok ng baril na bumabalot sa buong paligid. Ramdam niya ang mga bala na humahagip sa mga dingding, sumasabog ang alikabok at debris sa bawat sulok. Hindi siya tumitigil sa pagtakbo, kahit na ramdam na niya ang pagod sa bawat hakbang. Malapit na siya sa lagusan—konti na lang.“Nasaan ka na Kylle Christian, I need your help…” Bulong niya sa isipan habang patuloy sa pakikipagpalitan ng bala sa mga humaharang sa kanya para hindi makarating sa lagusan. “Son of a bitch! Hindi talaga kayo maubos-ubos…” Gigil na gigil na siya sa mga taong humaharang sa kanya na lalong dumadami. Paubos na ang bala ng baril niya at wala na siyang extra. Padilim na din ang kinaroroonan niya kaya lalo siyang naggagalaiti. Nakita niya sa sliding window ang tatlong armadong lalaki na dahan-dahan na papalapit sa kanya kaya bago pa siya maunahan, isa-isa niya itong binaril sa ulo. “Go to hell, Morons!” Malamig na bulon
Sa gitna ng isang nag-aalab na sagupaan sa loob ng magarang resort, ang tunog ng mga putok ng baril at sigawan ay bumabalot sa paligid. Lumiliyab ang hangin ng tensyon habang tumatakbo si Emerald sa gitna ng mga nagkakagulong tao, ang kanyang mga mata’y tumutok sa batang nakuha muli ng armadong kalalakihan pabalik sa loob ng resort. Mabilis ang kanyang mga galaw at lahat ng mga humaharang sa kanyang mga armado ay mabilis niyang napapatumba. Isa lang ang nasa isipan niya ang makuha ang batang babae. “Shit!” Muntik na siyang mabaril ng isang babae na humarang sa kanya mabuti na lang nakatalon siya sa may pader. Ngunit nasundan siya nito. Nagtagpo ang kanilang mga tingin at parehong gulat ng mapag sino ang isa't isa. Ngunit mas unang nakabawi ang babae, “What a small world, nagkita din tayo, Emerald. At buhay ka pa pala.” Napangisi ang babae habang nakatutok ang baril sa kanya. “At talagang nagladlad ka na pala sa totoong kulay mo, Tanda. Ikaw ba ang may pakana ng pagpa
Umalingawngaw ang malakas na putok sa resort, napasigaw si Amanda sa galit ng makita ang anak na bumulagta sa harapan niya. “Sino ang bumaril sa anak ko?” Sigaw niya at dinaluhan ang anak na naghihingalo na. Mabilis naman na tumakbo si Rafael sa direksyon ni Marian at hinila ito palayo. Nagkakagulo ang mga tauhan ni Amanda habang hinahanap kung sino ang bumaril sa anak ng amo. “Hanapin n'yo ang taong mapangahas na bumaril sa anak ko, ngayon din! Dalhin n'yo sa akin dead or alive! ” Maawtoridad na sigaw niya. Samantala sunod-sunod ang pagsabog sa paligid ng resort dahilan para magiba ang pader sa pagitan ng kabilang resort.“Bitawan mo ako. Sino ka ba at bigla-bigla ka na lang nanghihila.” Inis na singhal ni Marian sa nakabuntot na lalaki. “Umalis muna tayo dito before I explained everything to you, okay. .” Sagot nito habang pwersahan na siyang hinihila. “Stop! Saan kayo pupunta?” Isang babae ang humarang sa dinaraanan nila. “Get lost!” Sigaw ni Rafael sa babae. Dumating ang mg
Sa malayo, tanaw na ni Yanah ang malawak na resort, nagtataasang pader sa pagitan ng mga kapitbahay na resort—isang tahimik na paraiso para sa karamihan, ngunit sa loob nito’y may mga hindi kanais-nais na mga gawain. Ang mga karatig na resort nito ay isang public at may mangilan-ngilan pa na naliligo. May mga nagsu-surfing, kitang-kita niya kung paano laruin ng mga ito ang alon. Walang takot na nakasakay ang mga ito sa alon. Walang kamalay-malay ang mga ito sa naghihintay na panganib kapag magtagal pa ang mga ito sa resort. Napabuga siya ng hangin. “This is it!” Bulong niya sa sarili, “Hindi ako papayag na hindi ko mabawi si Marian sa kanila.” Matalim ang kanyang mga mata habang nakatuon sa direksyon ng resort sa malayo. Kinuha niya ang telescope na nakasabit sa leeg niya at tumayo. Seryosong ekspresyon ang bumalot sa kanyang mukha habang itinutok niya ito sa direksyon ng resort sa malayo. Kumabog ng malakas ang dibdib niya ng nakita niya ang ilang mga barge na nakapark sa tabin
Nasa kwarto na niya si Marian habang hindi alam ang gagawin. Sumasakit na naman ang ulo niya dahil sa sobrang pag-iisip. Parang kilalang-kilala siya ng lalaki kanina. Kung hindi lang ito tinawag ng babaeng kasama nito kagabi baka hindi siya nito bibitawan. “Anong gagawin ko? Kailangan na makaalis ako dito bago ako mapunta sa babaeng yon!” Bulong niya sa isip habang nagpalakad-lakad paparoo’t-parito. Kapag kuway may mga yabag siyang narinig papunta sa silid niya. “No. Hindi ito maaari.” Nagpa-panic na ang kalooban niya. Wala na siyang ibang choice kundi dumaan sa bintana. Mabilis niya itong binuksan at tumalon papunta sa malaking puno. Marami itong mga dahon kaya pwede siyang makakubli doon. “Mars, talon!” Biglang nag-pop up ang isang eksena sa kanyang isipan. Napakapit siyang mabuti sa malaking sanga. “Sino ba talaga ako!” Naguguluhang sambit niya. “Ang mga bata, dalhin niyo na sa hideout. Bilis!” Utos ng isang babae sa mga kasamahan nitong mga armadong lalaki, “Isakay n'yo sil
Ang araw ay kumikislap sa ibabaw ng tubig, at ang mga alon ay dahan-dahang pumupulupot bago bumagsak sa baybayin. Si Emerald, ay nakatayo sa buhanginan, hawak ang malapad na surfboard, ramdam ang halo-halong emosyon, takot, kaba at pananabik sa kanyang dibdib. Isinuot niya ang kanyang rash guard at itinali ang leash sa kanyang bukung-bukong. Tumitig siya sa dagat, handang salubungin ang kanyang unang alon. Ang kanyang mga kalamnan ay bahagyang banat mula sa pag-warm up.Ang unang tama ng malamig na tubig sa kanyang binti ay nagpapalakas ng kanyang determinasyon. Humiga siya sa board at nagsimulang mag-paddle papalapit sa mga alon, ang bawat stroke ng kanyang braso ay laban sa malambot na hampas ng tubig.Habang papalapit ang alon, ramdam niya ang kilig sa kanyang tiyan. Pinalalim niya ang kanyang paddle, sumasabay sa alon hanggang sa maramdaman niya ang tulak nito sa ilalim ng board. Isang mabilis na galaw, at tumayo siya—ang kanyang mga tuhod bahagyang nakabaluktot, ang mga mata nak
Maagang nagising si Yanah dahil balak niyang balikan si Marian sa resort kung saan niya nakita. Kailangan na makuha niya ito sa lalong madaling panahon. Nasa isang Isla sila ng asawa niya dahil sa isang business trip. Ayaw naman siyang iwan sa bahay na mag-isa kaya kahit saan ito magpunta sinasama siya nito. Nasa isang five star hotel sila ngayon at tatlong araw lang ang ilalagi nila sa Isla. Tinitigan niya ang himbing na himbing na natutulog na asawa. Hindi na niya namalayan ang pagdating nito kagabi. Gumalaw ito kaya mabilis niya itong tinalikuran. Ngunit niyakap siya nito sa bewang. Napapatili na lang siya sa isipan. Ilang minuto muna siyang hindi gumalaw. Nang masiguro niyang himbing na ang tulog nito ulit, dahan-dahan na kinalas niya ang pagkakayakap nito sa bewang niya ngunit hinigpitan lang nito ang pagkakayakap sa maliit na bewang niya at kinabig siya pa harap at dinala nito ang braso niya sa bewang nito. Kaya nakayakap na siya ngayon dito. Kahit matagal na silang magkasama