Agad kong hininto ang motor ko nang makarating ako sa tapat ng bahay namin. Tuloy-tuloy akong pumasok sa kabahayan at agad na pumunta sa loob ng aking kwarto. Mabilis akong nagpalit ng damit, hanggang sa tuloy-tuloy akong bumagsak sa kama para matulog. Kailangan ko munang magpahinga lalo at pagod na pagod ang aking katawan dahil sa ilang raw rin akong walang tulog. Paglapat pa lang ng aking likod sa kama ay agad na akong nilamon ng kadiliman. Matuling lumipas ang isang linggo. Kasalukuyan akong nanonood ng tv nang mag-ingay ang aking cellphone. Dali-dali ko itong kinuha at nakita kong si Boss Neil ang tumatawag sa amin. “Boss,” bungad ko agad. “Kailangan mong pumunta rito sa Black stone NBI upang pag-uusapan ang magiging misyon mo. Nandito na rin ang magiging naging boss ng Black Stone NBI,” pagbibigay alam sa akin ni boss Neil. “Okay po boss Niel, papunta na ako riyan,” magalang na sagot ko sa lalaki. Hindi naman matagal ang pag-uusap namin. Mabilis akong nagpalit ng
Tumingin ako sa mukha ng lalaki at kitang-kita ko ang inis mula roon. Ngunit wala akong pakialam. Kahit may baril sila ay hinihintay ako matatakot sa kanila. Hanggang sa muling nagsalita ang lalaki.“Huwag mo akong mayabanga, babae! Baka ibaon kitan ng buhay!” malakas na sigaw ng lalaking kaharap ko. Ngunit tinaasan ko lang ito ng kilay.Heto pa naman ang ayaw ko sa mga tao ang masyado akong niyayabangan. Hanggang sa mabilis akong tumayo at walang tanong-tanong. Agad na umangat ang aking kamay at ubod lakas kong pinatama sa ilong nito.Isang malakas na suntok muli ang pinagkaloob ko sa sikmura nito. Halos hindi naman ito makamayaw dahil sa sasakit. Mabilis naman akong umalis sa aking kinauupuan. Muli kong pinatikim ng suntok sa tagiliran ang lalaki. Hanggang sa mapatingin ako apat na lalaking papalapit sa akin.Agad ko namang hinawakan ang katawan ng lalaking binugbog ko ay ito ang ipinambato ko sa kanila. Kasunod noon ang bigla akong humawak sa bagal dito sa itaas ng bus at agad na l
Nagigigil na hiyaw ng lalaki sa akin! At kitang-kita ko rin sa mukha nito na kulang na lang ay ibugsok ako sa lupa. Hanggang sa muling nagsalita ito. “Ang lakas naman ng loob mo babae para sipain mo ako? Hindi mo ba ako kilala, galit na tanong ng lalaki sa akin. Hindi ako nagsalita, ngunit ngumisi lamang ako rito. Pagkatapos ay ikiniling ko rin ang aking leeg. “Bakit sino ka ba?” tanong kong makataas ang kilay. Hinila ko rin ang bata para ilapit sa aking tabi upang hindi nito “Masyado ka talagang mayabang, babae. Pwest! Magpapakilala ako sa ‘yo, babae! Para malaman mo kung sino ang binabangga mo! Mukhang hindi ka natatakot sa akin, ha?” Sabay halakhak nito na tila nababaliw na. Hindi ako nagsalita. Saka, nakatingin lamang ako riton. Kahit kanino ay hinding-hindi ako basta magpapasindak. Bagkus ay naghanda ako sa possible nitong gawin kung sakaling lalapit siya sa akin pero ‘di ko hahayaan na mangyari iyon. Dahil wala akong inuurungan na laban. Nakatayo lang ako sa harapan ng lala
Mabilis naman akong nakarating sa bahay na inuupahan ko. Pagpasok ko ng pinto ay umupo mo na ako sa bakanteng upuan, napasandal ako at napabuntonghininga ng malalim, naisipan ko naman na humarap sa salamin na naka sabit sa dingding. Pagharap ko rito ay nakita ko ang nakakaawa kong mukha, nababahiran ito ng dugo at may mga galos na natamo, dahil sa pakikipaglaban sa tatlong lalaki.Napailing-iling na lang ako at medyo nalungkot dahil ang maganda kong mukha sa ngayon ay puro gasgas na. Nagtungo naman ako sa loob ng banyo para linisan ang aking katawan na may bahid ng dugo. Hindi naman ako nagtagal dito sa loob at agad ding lumabas. Pagkatapos magbihis ay sinimulan ko nang gamutin ang aking sugat. Kinuha ko ang vetadine para lagyan rin ang aking sugat. Hanggang sa ilagay ko ang ang gasa sa sugat ko sa aking braso. Natapos na ako sa paglinis ng mga sugat ko. Kaya naisipan ko mo na magpahinga, dahil sa sobra akong napagod sa pakikipaglaban kanina. Kaya naman humiga na ak
Hapon na nang makarating ako sa bahay na inuupahan ko. Agad kong hininto ang motor na aking nakuha, hindi ko na kasi nakita ang may-ari ng motor. Kaya dinala ko na lang muna. Kapag nakita ko na lang ang lalaki roon ko isasauli. Sakto rin dahil may magagamit ako sa mission ko. Ito ang gagamitin ko pagbalik ko sa kuta ng mga target ko. Bumaba na ako sa motor at nagpalinga-linga ako sa paligid bago ako tuluyan pumasok sa pinto ng bahay na inuupahan ko. Pagpasok ko ay sumandal ako sa sofa. Naisipan ko naman na tawagan ang boss kong si boss Niel. Kinuha ko ang telepono ko na nasa bag at nagmadali na ako na tawagan ang boss ko. Para ipaalam ang nasaksihan ko kanina. Nag-ring naman ang cellphone nito. Hanggang sa agad naman itong sinagot. “Agent Nathalie,” bungad na salita mula sa kabilang linya.“Boss Niel, may maganda akong balita sa ‘yo tungkol sa mga nawawalang bata rito sa Sta. Maria, kaya napatawag ako sa ‘yo. Nalaman ko na rin kung pano nila hinihikayat na sumama sa kanila ang mg
Ka agad naman akong bumaba sa motor. Medyo malayo naman ako sa gate kaya hindi ako makikita rito mas maganda na ang nag-iingat lalo at marami kong kalaban. Binaba ko na ang basket na dala-dala ko na kung saan nakalagay ang tinda kong balot. Sumilip pa nga ano sa side mirror ng motor upang tingnan ang mukha ko. At mukha na talaga akong vendor. Nagmadali rin akong nagpalit ng kasuotan. Tinalian ko rin ang buhok ko at saka ako nangsuot ng sombrero. Natapos na akong ipatong-patong ang mga damit ko sa aking katawan. Marahan naman akong naglakad papalapit sa gate. Lakas loob lang akong naglalakad habang nagsisigaw ng--- “BALOT kayo riyan. bili na kayo ng balot masarap ang tinda kong balot!”Bigla naman akong napatigil nang lapitan ako ng isang matandang lalaki.“Ineng, pabili nga ako ng tinitinda mong balot.” Binigyan ko naman ito at kinuha ko ang bayad sa matanda, papa-alis na sana ako ng bigla magsalita ang matanda.“Ineng, saglit lang bago ka umalis. May importante lang akong sasabih
Ligtas naman akong nakabalik sa inuupahan kong bahay, inayos ko ng park ang motor ko na ginamit. Bago ako pumasok sa bahay ay nagpalinga-linga muna ako sa paligid lalo at napakatahihimik naman ng lugar na ito. At wala naman akong nakitang kakaibang kahina-hinala, ngunit mas okay pa rin ang naninigurado ako na baka nasundan ako ng mga nakalaban ko kanina. Hanggang magdesisyon na nga akong pumasok sa loob ng bahay na inuupahan ko. Sumandal ako sa sofa at huminga ng malalim, napagod ako sa pakikipaglaban kanina buti na lang at nakatakas ako. At ‘di na ako nagtagal sa lugar na iyon. Kaya sa susunod na balik ko roon ay dapat ko nang mailigtas ang mga bata. Baka kung ano pa ang mangyari sa kanila. Naisipan ko naman na tawagan si palpak at pasunorin sa lugar na ito, dahil ang boring pala mag-isa at wala man lang ako makakusap rito sa bahay. Baka masiraan ako ng ulo rito. Okey na rin kung nandito si Palpak para naman may tagaluto ako rito sa bahay at mauutusan ko sa palengke. Ka
Pumunta naman ako sa kinauukulan sa barangay ng lugar na ito para rito ko ipagkatiwala ang batang kasama ko. Umakyat kami sa loob ng building ng barangay. Pagpasok ko sa loob ay hinanap ko agad ang Kapitan nila.“Excuse me, Ma’am and Sir narito po ba ang pinaka pinuno ng barangay na ito?” tanong ko sa mga taong naabutan ko sa loob ng opisana.“Sino po sila?” bungad na tanong ng lalaki at napatingin naman ito sa bata na kasama ko. Nakita kong kumunot ang noo isang babae. Hanggang sa nagsalita uit ito. “Parang pamilyar sa akin ang batang ito?” Hanggang sa tawagin nito ang ibang mga kasama nito. Agad namang lumapit ang mga kasama nito. At tiningnan din ang batang kasama ko. “Di ba siya ang batang matagal nang nawawala at araw araw siyang hinahanap ng magulang niya,” anas ng mga kasama nito. Napangiti naman ako sa sinabi ng mga ito dahil hindi pa rin tumutigil sa paghahanap ang magulang ng bata simula nang mawala ang anak nila. “Saan mo siya nakita, Miss?” tanong ng isan
Natapos na nga ang isang lingo, kasalukuyan naman kaming nasa byahe sakay ng motor pabalik sa rest ni Frank. Masaya ako sa naging honeymoon namin ng asawa ko. Sa ngayon ay bagong buhay na ang haharapin naming dalawa bilang isang mag-asawa. "Frank, gusto ko muna na dumiretso tayo ngayon sa opisina mo para naman makapag paalam na ako sa lahat ng kapwa ko NBI gusto kong kasama kita para alam nila na pumayag ka na rin sa disisyon kong gagawin," pakiusap ko sa asawa ko."Sige honey ngayon din ay magtutungo tayo sa opisina ng black stone at kakausapin ko Si Niel na ipatawag ang lahat ng tauhan niya para sa iyong pagpapaalam at pag-alis sa department ko," sambit ng asawa ko."Maraming salamat honey sabay ngiti ko rito ng marinig kong pumapayag ito sa disisyon kong gagawin.Hindi naglaon ay nakarating na kami sa harap ng opisina ng black stone, sa gusali na ngayon ay pag-aari ko na rin. Bumaba na ako sa motor ganoon din si Frank, tumingin mo na ako sa buong paligid bago ko yayain ang asa
Kasalukuyan naman akong nasa labas ng barko pinagmamasdan ko ang malawak na karagatan habang nilalanghap ko ang masarap na simoy ng hangin nagulat naman ako ng yakapin ako ni Frank kaya naman napasandal ang ulo ko sa katawan niya hinayaan lang ako nito, parang may na-alala tuloy ako na katulad din ng pangyayari na ito, dalawang tao rin na magkayakap habang sila ay nasa barko, hndi ko lang kung saan ko ito nakita pero parang napanood ko lang, nararamdaman ko ang init na pagkakayakap ni Frank hanggang marinig ko ang boses nitong nagsalita na aking kinatuwa naman."Honey ilang araw na lang tayo sa barko na ito dahil babalik na tayo sa rest house ko, tiyak kong miss na miss kana ng mahal mo sa buhay, lalo't walang alam sila kung saan tayo naroon ngayon," sambit nito."Oo nga honey, miss ko na talaga sila lalo na ang dalawang bata at sana pagbalik ko roon makapagpahinga na ako ng maayos, saka magpapaalam na rin ako sa buong black stone para sa disisyon kong pag-alis sa department mo," anas
Naalinpungatan ako ng makita ko na pumasok na sa kwarto si Frank, bago ligo ito habang nakabalot ang towalya sa kanyang katawan, nawala ang kalasingan ko ng makita ko ang mapang-akit nitong katawan na lalong nagpatakam sa akin, kumagat na lang ako sa ibaba ng aking labi, hinayaan ko na lumapit sa aking tabi si Frank, pagkalapit sa aking tabi ay ka-agad naman akong bumangon sa kinahihigaan ko.Hinalikan ko ang malambot nitong labi, hanggang tumugon ito naglakbay ang kamay niya sa leeg ko hanggang umabot ito sa aking harapan, mas nakaramdam ako ng kakaibang init sa aking katawan na umabot ito maging sa pagitan ng aking hita, nagsikap si Frank na magpakasasa sa aking katawan.Hanggang marating nito ang pagitan ng aking hita, pinagmasdan niya ang kabuan ng katawan ko ng tuluyan nang mahubad ang towalya na nakabalot sa aking katawan, hinila ko ang kamay ni Frank at hiniga ko ito sa aking katawan hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko sa kakaibang sarap na tinamasa ko ngayon sa ginagawa ni
Dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat ang araw na ikakasal ako sa lalaking mapapangasawa ko, dumating na nga ako sa harap ng simbahan sakay ng isang kotse, medyo kinakabahan ako dahil napansin ko sa labas na maraming tao na hindi pamilyar ang mukha sa akin, mukhang excited ang lahat ng naririto sa lugar.Bumaba na nga ang driver ng sasakyan na sinasakyan ko, nagmamadali itong umikot sa likod ng kotse saka ka-agad binuksan ang pinto ng kotse, marahan akong lumabas ng sasakyan habang hawak ko ang laylayan ng suot kong gown.Napatingin ako sa paligid sa harap ng simbahan nakita ko ang mga tao na masayang nakatingin sa sa akin, bakas sa mga mukha nito ang pagka excited nila, habang naglalakad ako papalapit sa pinto ng simbahan ay isa-isa kong ningingitian ang mga taong bumabati sa akin at kino-kongratulate ako.Nakaramdam ako ng kakaibang kaba sa aking dibdib na para bang may tambol sa aking dibdib ng tuluyan na akong makalapit sa pintuan ng simbahan na agad naman akong pinagbuk
Nabulabog ang masarap kong pagkakatulog dahil sa ingay na nagmumula sa loob ng bahay, para bang may mga ibang boses ng tao akong narinig sa bahay na ito, kaya naman bumangon na ako sa pagkakahiga at napansin ko rin na hanggang ngayon wala pa si Frank sa tabi ko, nagtaka tuloy ako na baka hindi ito umuwi kagabi dahil wala siya dito ngayon.Dahil gusto kong malaman kung ano ang ingay na nagmumula sa labas ng kwarto ko ay marahan kong binukasan ang pinto pagsilip ko ay nakita ko ang mga ibang tao na hindi pamilyar sa aking paningin, napa-isip tuloy ako sa aking nakita, muli ay sinarado ko ang pinto at naupo sa aking kama at ilang saglit lang ay narinig ko ang boses ni Manang at kumakatok ito sa pinto."Seniorita Nathalie kailangan ninyo na po bumangon diyan dahil pinatatawag ka po ni Sir Frank," sambit nito sa labas ng pinto.Kaya naman tumayo ako sa kinauupuan ko at pinagbuksan ko si Manang, pinapasok ko ito sa loob ng kwarto ko saka ako nagtanong sa aking nasaksihan."Mawalang galang
Nakapagdisisyon na nga kaming dalawa ni Roxane na lumabas ng mall, pagkalabas namin ay nag-abang ka agad kami ng masasakyan patungo sa rest house ni Frank.Mayamaya pa nga ay tumigil sa amin harapan ang isang taxi, napansin ko ka agad na nakangiti ang driver ng taxi at bago pa ito nagtanong kung saan kami pupunta ay pinagmasdan niya kaming dalawa ni Roxane na may pagnanasa sa kanyang mga mata."Magandang hapon po Ma'am, saan po ang punta ninyo?" tanong na driver."Kung alam mo po ang Smith compound, pakihatid na lang po kami roon Manong," sambit ko."Sakay na po kayo ihahatid ko po kayo sa inyong pupuntahan saka malapit lang po iyon," sagot ng lalaki.Sumakay na nga kami ni Roxane sa loob ng taxi pero hindi mawala sa sarili ko ang 'di kabahan lalo't may kakaiba akong napansin sa driver na ito.Madilim ang bawat dinaraanan namin at sa palagay ko ay hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito at napapansin ko rin na kanina pa kami nagbabyahe, nakatulog na nga ang kasama kong si Roxane kay
Habang nag-uusap kaming dalawa ni Roxane sa labas ng pinto ng aking kwarto ay bigla naman lumapit si Manang, na aking ikinagulat."Seniorita Nathalie, kanina pa po kayo hinihintay ng security natin sa labas, dahil siya raw po ang inatasan ni sir Frank na maghatid sa inyo sa mall para sa inyong kaligtasan," sambit ni Manang.Nagkatinginan kami ni Roxane hanggang yayain ko na itong lumabas ng bahay at magtungo sa sasakyan na naghihintay kanina pa sa labas.Bago kami tuluyan lumabas ng bahay ni Roxane ay nakiusap ako kay Manang."Manang maraming salamat po, saka nga po pala kayo po muna ang bahala dito sa bahay nariyan naman Si Frank sa loob ng kwarto, ihanda mo na lang po ng makakain ang mga bata ganon din si Frank, sasamahan ko lang po mo na si Roxane sa mall para tuparin ang pinangako ko sa kanya kahapon, hindi po kami magtatagal roon mamaya rin po agad kaming uuwi," paliwanag ko."Oh siya sige po seniorita ako na po ang bahala dito sa bahay mag-ingat po kayo sa inyong pupuntahan," pa
Kasalukuyan naman akong nasa labas ng bahay habang nagkakape ng bigla naman lumapit sa akin Roxane ng makita niya akong mag-isa lang sa harap ng bahay ni Frank, habang pinagmamasdan ang buong paligid ng rest house."Best Nathalie mukhang nag-iisa ka ata rito? nasaan ang pogi mong fiance?"tanong ni Roxane."Sino si Frank ba," nagtatakang tanong ko rin sa babae."Oo sino ba paba," maikling sagot nito na may pagtaas pa ng kilay."Naroon pa siya sa kwarto at masarap ang pagkakatulog, hindi ko na nga ginising, eh, dahil ayaw kong storbohin mahirap na baka magalit sa akin at palayasin pa ako sa bahay na ito," anas ko."Beast Nathalie sabi mo pupunta tayo ngayon sa mall may ipinangako ka sa akin kahapon na bibilhin mo lahat ng gusto ko," pa-alala ni Roxane sa akin."Oo Roxane, kaya ihanda muna ang sarili mo dahil mamaya rin ay aalis na tayo para bilhin lahat ng gusto mo para naman kapag umuwi kana sa bahay ninyo hindi mo ako makalimutan," anas ko."Ang bait-bait mo talaga best Nathalie a
Tumingin ko sa buong paligid ng silid at nakita ko ang mga kasamahan ko na gulat na gulat din sa nasaksihan nila tahimik lang sila sa kanilang kinatatayuan ngunit bakas sa mga mukha nila ang subrang saya at excited na silang lahat na marinig ang isasagot ko sa lalaking nakaluhod sa aking harapan.Medyo kinabahan ako dahil 'di ko akalain na mangyayari ito ang akala ko ay birthday surprise lang ang masasaksihan ko sa set- up na ito subalit may mas kaka-excited pa pa lang magaganap."Ano ba ito...?" Hindi ko tuloy alam ang isasagot ko dahil sa pagkagulat ko sa pangyayaring ito pero sino ba naman ako para tumanggi pa sa lalaking ito bukod sa gwapo na mayaman din katulad ko, alam ko rin naman na gusto ko rin siya at may pinangako ako sa kanya na papayag ako maging asawa niya kapag natapos ko na ang mission ko na mahanap ang pumatay sa magulang ko, kaya ngayon nabigyan ko na ng hustisya ang pagkamatay ng magulang ko siguro ito na 'yong pagkakataon na para tangapin ang kagustohan ng lalaki