Umihip ang malamig na hangin sa paligid habang umuulan ng dahon ang mga puno na nasa paligid. Matamis at malalim ang halik na binibigay ni Zek. He’s making me melt with the intense feeling he is giving me; at tinutugon ko ito kahit na wala pa akong karanasan sa halikan. Ang haplos ng kanyang mga kamay sa aking likod ay nagbibigay ng kakaibang sensasyon. Parang gusto kong tumigil ang oras at damdamin na lamang ang sandaling ‘to. Hindi ko alam ang nangyayari sa isip ko pero ang alam ko. Gustong-gusto ko ang halik niya.
“Ahemmp... ahemmp!” isang malakas boses ang nagpatigil sa halikan namin si Zek.
“Marami naman kwarto sa loob ng palasyo baka gusto niyong pumasok, at do’n na ipagpatuloy ang halikan niyo?” ani ni Ezra habang natatawa.
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Zek bago niya bitawan ang baywang ko, tumalikod sa akin at pumasok sa loob. Na para
Nakakabingiang katahimikan, tanging andar lang ng sasakyan ang maririnig.Pinaandar ni Lukeang Fm radio ng sasakyan. Tahimik pa rin si Elle, ni hindi ito kumikibo.Kasalukuyang bumabyahi papuntang Tyre para bisitahin si Liah. "Elle," tawag sa kanya ng binata.Pero parang hindi niya itonaririnig hindi niya ito matignan. Mayamaya pa ay napuno ng malungkot na musika ang loob ng kotse. Umalingawngaw ang kantang, ‘No more corners’. "If I don't believe in love, then why does this heart aching? Why does these tears never run dry? And there are no options but to cry and hide? And now, I am nothing. Everything seems to be unfair even time and I can't find ways to figure out what might happen next, and this emptiness filled me, I'm still nothing. And I know there's no way that someday, someho
"Mahal na Prinsipe, magandang gabipo," Bati ni Liah, habang cool na cool naman ang binata na pagmasdan siya.Nasa kwarto sila ng prinsipe. Nakangiti ang binata habang wala niyang sawang pinagmamasdan ang dalaga na nahihiya at namumula dahil sa ginagawa niya. “Bakit? Anong kailangan mo?” malamig na tugon niya sa dalaga. “Magpapaalam sana akong uuwi sa apartment,” mahinang sabi ng dalaga. Nag-iba naman ang templa ng mukha ng prinsipe nang marinig ang sinabi ng dalaga. “Bakit? Sinabi ko bang pwede ka nang umuwi?” galit na tugon ng prinsipe. Napaatras naman si Liah. Mababakas ang takot at pangamba sa mukha nito. “K-kasi, Mahal na Prinsipe, day o-off ko naman p-po, s-sabi ni Nana Senya,” utal-utal niyang sabi habang takot na masigawan. Pero hindi nga siya nagkamali. "No! No is my answer," matigas na sabi ng binata sabay tayo sa kama at pumunta sa bintana na parang may ini
Samantala habang masayang naglalakad si Luke at Elle sa gitna ng daan, hindi nila napansin na may sumusunod sa kanila. Bawat galaw ay nakikita ng nilalang na ito. Masaya, maingay at matao ang lugar dahil kasalukuyang nagdidiwang ang Corintho ng kanilang fiesta o pagdiriwang ng pasasalamat sa magandang ani. “Manatili pa tayo ng isang gabi dito, Mahal?” sabi ni Luke. Nakangiting lumingon ang kanyang nobya at tumango. “Walang problema, Mahal. Siguradong magugulat si Liah kapag nakita niya tayong magkasama.” “Siguradong matutuwa ‘yon kapag nalaman niyang ikakasal na tayo,” natatawang saad ni Luke. “Sigurado, ‘yon.” Sa sobrang saya nilang dalawa ay hindi nila napansin ang mga nilalang na sumusunod sa kanila hanggang sa bumalik sila sa kanilang apartment. Hawak kamay silang pumasok sa loob at pinagsaluhan ang matamis na halik. “I still can’t believe na nobyo na
EZEKIEL Hindi ko mapigilang magalit sa saril ko dahil sa hindi normal ang nararamdaman ko para kay Liah. Kailan ko lang siya nakilala at ganito na ang epekto niya sa akin. Hindi ko rin alam bakit ako nandito sa sulok nagtatago at minamanmanan siya. At dapat wala na rin akong pakialam kung sino man ang lalaking kasama niya. Iyon ang gusto kong mangyari pero hindi sumusunod ang utak ko. At naapektuhan ang buo kong sistema. Nandito pa rin ako sa sulok, habang pinagmamasdan ko silang masayang pumapasok sa loob. Nakita ko si Liah, na parang hindi ito mapakali at putla-pulta siya. Ilan sandali pa ay nagulat ako nang marinig ko na tumunog ang akin witch tracker. Nang tignan ko ito ay laking gulat ko na marami itong nasasagap na enerhiya ng mga magkukulam. Napatingin ako sa paligid at nagmasid kung meron bang mga magkukulam. “Bakit may mga magkukulam sa paligid ng apartment?” takang tanong ko. Ano an
AMALIAH Bago ako nawalan ng malay ay naramdaman kong maraming nakapaligid sa amin mangkukulam. Naamoy ko rin ang amoy ni Zek. Kaya mas lalo akong nag-aalala. Dahil baka malaman niyang isa akong magkukulam. Hindi ko rin alam bakit hindi na-detect ng tracker niya na mangkukulam ako. Hindi ko rin alam bakit nahimatay ako nang walang dahilan. Isang amoy na mabango ang nagpagising sa akin. Unti-unti kong inimulat ang aking mga mata. “Liah,” tawag ng pamilyar na boses ni kuya. Muli kong naamoy ang amoy ni Zek. Alam kong nasa malapit lang siya at ang amoy ng mga mangkukulam ay umalingawngaw sa paligid ng apartment. Hindi ko alam kung napapansin ba ng mga kapitbahay ang mga nilalang sa paligid. Nang tuluyan ko nang maimulat ang akin mga mata ay nakita ko si kuya at Elle. Bakas sa kanilang mga mukha ang pag-aalala.
“Kilala mo ang lalaking ‘yan?” tanong ni Zek. Sa hindi namalayang sandali biglang dumami ang tao sa gitna ng daan. Nasa likod sila ni Agustus at nag-aangil ang mga ito; naamoy ko rin ang mabahong amoy na naamoy ko nang naglilinis ako ng aking apartment. Nang mga panahon ‘yon ay palagi kong nakikita si Agustus at lagi niya akong pinasasakay sa kalesa niya. Kaya pala naamoy ko lagi ‘yon sa kanya pala ‘yon. Amoy aso. “Oo, siya si Agustus.” Bababa na sana si Zek nang pinigilan ko siya, “Bakit?” takang tanong nito. Tumingin ako sa kanya na parang nagbibigay ng babala. Hindi maganda ang kutob ko sa nangyayari. Nakita kong papalapit na sa amin ang mga lalaki at naiwan si Agustus. Lumabas ako dala ang akin pana. Nakita mismo nang dalawa kong mata na nagpalit anyo ang mga lalaki. Humaba ang nguso nila at tumubo ang mga balahibo. Naging lobo ang mga ito. Nagtataka a
There’s a season of letting go and a season to stay; in our case, my love staying is not the best choice. So, tho, it may hurt us, we need to grow even this means growing apart. -Gradion “Aish, minsan kailangan natin palayain ang taong nakalaan para sa iba,” sambit ko sabay lapag ng libro na nakita ko kanina sa sala habang naglilinis ng bahay. Wala akong karapatan masaktan sa nakikita kong ngiti sa labi ni Zek habang kasama niya si Anna, nasa labas sila at naglalaro sa ilog na malapit lang sa cabin. Napahinga ako nang malalim habang tinatahak ang kusina para magluto ng kanilang tanghalian. Inayos ko ang aking sarili at nagsimula nang magtrabaho. Hindi ko lubos maiintidihan bakit kailangan kong kumita at magtrabaho. Hindi ko nakikita ang rason bakit kailangan kong matapos ang misyong ito. Pero wala akong magagawa. “Malalim yata ang inisi
Tinahak namin ang isang masukal na daan, matataas na kahoy at maraming matataas na damo ang nasa palagid. Tumila naman ang malakas na ulan at naging kalmado na ang hangin. Nasa loob na kami ng kagubatan, at tanging huni ng kuliglig ang naririnig namin. Tila isang tahimik na lugar ang gubat pero nakakatakot. “Mag-ingat ka sa mga ahas na nagmumukhang sanga ng kahoy; delikado ito at makamandag,” babala ni Emory. Nang tumingin ako sa kanya ay nakita kong nakatingin din ito sa akin. Ako lang ang sinasabihan niya dahil ako lang naman ang hindi pamilyar sa lugar ng Don Salvador. Tumango ako bilang tugon sa sinabi niya. At sa unang pagkakataon ay nakita ko ang ngiti ni Emory. Biglang gumaan ang pakiramdam ko sa ngiting ‘yon. Parang nagbibigay pag-asa at ginhawa. “Agustus!” biglang sigaw ni Emory. “Alam ko Em, tigil muna tayo,” maawtoridad na sabi ni Agustus. &nbs