Tulala si Luke habang binabagtas niya ang daan pauwi sa kanilang palasyo. Basang-basa siya sa siya at parang gusto niyang itapon ang sarili sa kanal sa ginwa niyang pag-iwan na lang basta sa dalaga sa hardin. Naging duwag at natakot siya; ngayon paano niya haharapin ang dalaga. Paano niya pa ipaglalaban ang dalaga kung siya ang rason bakit ito umiiyak at nasasaktan ng husto.
“Hijo? Anong nangyari?” salubong na tanong ng kanyang ina.
“Wala, Ma, nabasa lang ako ng ulan.”
“Sige na, maligo ka na at magpahinga.”
“Sige, Ma,” tugon niya.
“Nga pala, anak,” habol ng kanyang ina.
“Bukas na ang pagdiriwang na gagawin ng mga tao para sa ‘yo.”
“Ah, sige, Ma, darating ako.
Umaasa ang binata na makikita niya ang dalaga sa handaan at hihingi siya kapatawaran sa kanyang ginawa. Buong buhay niya ay Elle lamang ang tangi
AMALIAH Sumalubong ang ganda ng umaga nang magising ako. Masarap sa pakiramdam ang init na nagmumula sa bintanang krystal. “Window open,”wika ko. Kahit na parang napahiya ako nang araw na maraming babaeng dumating sa palasyo at pinag-aagawan si Zek at ako ang naging taya sa dramang ‘yon, nakakahiya sabihing bobo ako sa wikang Ingles. Ngayon araw ay may gaganaping pagdiriwang sa palasyo. Hindi ko alam pero may pakiramdam akong hindi ito magiging maganda. Naligo na ‘ko at nag-ayos para makapagsimula nang tumulong sa kusina. Marami raw kaming gagawin para sa paghahanda. Pagkatapos kong mag-ayos ay lalabas na sana ako nang may pumasok na malamig na hangin sa bintana ko. Nang tignan ko naman ay wala naman akong nakita o naramdamang kakaiba. Pero malakas ang pakiramdam kong merong mali sa paligid. “Window close,” mahina kong utos sa bintana. Ang sabi ni
Pagdating namin sa palasyo ay abala ang mga tao; halos hindi na sila makausap. May mga taong nagde-design ng bulwagan at may nag-aayos ng mga ilaw. Lakad tabko ang ginagawa ng iba. Mamayang gabi na kasi ang kasiyahan at kailangan nilang matapos nang maaga ang pag-aayos. “Ah, Betty, tutulungan ko muna sina Nana Senya sa kusina,” paalam ko kay Betty. “You’re not doing anything, unless I told you so,” isang malamig na boses ang narinig ko. Si Zek nasa likod ko at mukhang kakarating niya lang. Saan ‘to galing? At may mga kasama siyang mga bisita. Yumuko ako kanya bilang pagbati. “Provido, this is Liah, my Fiancée, attend her needs for the party,” saad niya sa isang babaeng blond ang buhok at maganda. Hindi naman ako maka-react sa sinabi niyang ‘fiancée’ dahil nagpapanggap nga akong bobo sa wikang Inglish. “You really have a good choice, darling,” saad nito. Habang nakangiti
Habang naglalakad ako papunta sa kwarto ni Zek,hindi ko mapigilan kabahan. Ano ba talaga ang plano ng lalaking ‘to. Nang makarating ako sa pinto ng kwarto niya ay agad na akong kumatok. Ilan katok pa ang ginawa ko bago ako buksan ng lalaki. Ang akala ko siya ang bubungadpero iba ang bumukas. “Yes? Hello?” ani ni Ezra. “Hi!” ani ko sabay yuko. “Hello? Which kingdom are you from?” tanong niya. Nagtaka ako bakit ‘yon ang tanong niya. “Mahal na Prinsesa, ako ‘to si Liah,” sabi ko. “Huh? What? Wait?” sunod-sunod niyang tanong. “Oo, ako ito, Mahal na Prinsesa.” “You look like a real princess! Oh! Gosh! You look like a fairy!” bulalas niya. “Nasa loob ba ang pronsi
Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa makarating ako muli sa bulwagan ng palasyo. Kinalma ko muna ang sarili bago tuluyan pumasok sa loob. Kailangan kong makalayo sa gano’n sitwasyon. Ano sa tingin niya ang inisip niya? Na gano’n ako kadaling makuha? Na kaya niya akong bilhin? Oo kailangan ko nang trabaho at kumita sa sarili kong sikap. Pero hindi ko kayang ipagbili ang sarili kong dignidad. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit gusto kong manatili sa tabi niya? Bakit ganito kabilis ang tibok ng puso ko? Naguguluhan na ‘ko. Tch. “Liah?” napatalon ang puso ko nang marinig ko boses niya. Hindi ako lumingon ayokong makita ang mukha niya. Hinawakan ko ang manggas ng aking gown pataas nang kunti at naglakad sa gitna ng bulwagan. “Listen everyone!” napahinto ako nang bigla siyang nagsalita nang malakas. Lahat ng tao sa bulwagan ay napatingin sa kanya. Lahat huminto at binigay sa k
I see you beneath the tree fading slowly, Taking my hands to catch your memories, but you are far as your feelings. This one-sided loveshaped my broken core. Dreaming of you beside me, but you're gone. Trying to flee from your days with me, It paints my lonely sun, around the sea. Seabirds sing a joyful woe; I can't stand but frown in the blue. *** Gumuhit ang kirot sa puso ko nang matapos ko ang tulang binabasa ko. Ang lupit namang makalumbay nito. Nasa kusina ako at nagluluto habang nagbabasa.Tinuruan ako ni Nana Senya;fast learner naman ako kaya nakuha ko agad. Pagkatapos kong maboko ni Ezra ay kahit papa’no ay gumaan ang dibdib ko. Naisip ko pa rin ang alok niyang paibigin ang kuya niya. Hindi ko alam kung paano gagawin ‘yon. Napahawak ako sa akin labi
Umihip ang malamig na hangin sa paligid habang umuulan ng dahon ang mga puno na nasa paligid. Matamis at malalim ang halik na binibigay ni Zek. He’s making me melt with the intense feeling he is giving me; at tinutugon ko ito kahit na wala pa akong karanasan sa halikan. Ang haplos ng kanyang mga kamay sa aking likod ay nagbibigay ng kakaibang sensasyon. Parang gusto kong tumigil ang oras at damdamin na lamang ang sandaling ‘to. Hindi ko alam ang nangyayari sa isip ko pero ang alam ko. Gustong-gusto ko ang halik niya. “Ahemmp... ahemmp!” isang malakas boses ang nagpatigil sa halikan namin si Zek. “Marami naman kwarto sa loob ng palasyo baka gusto niyong pumasok, at do’n na ipagpatuloy ang halikan niyo?” ani ni Ezra habang natatawa. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Zek bago niya bitawan ang baywang ko, tumalikod sa akin at pumasok sa loob. Na para
Nakakabingiang katahimikan, tanging andar lang ng sasakyan ang maririnig.Pinaandar ni Lukeang Fm radio ng sasakyan. Tahimik pa rin si Elle, ni hindi ito kumikibo.Kasalukuyang bumabyahi papuntang Tyre para bisitahin si Liah. "Elle," tawag sa kanya ng binata.Pero parang hindi niya itonaririnig hindi niya ito matignan. Mayamaya pa ay napuno ng malungkot na musika ang loob ng kotse. Umalingawngaw ang kantang, ‘No more corners’. "If I don't believe in love, then why does this heart aching? Why does these tears never run dry? And there are no options but to cry and hide? And now, I am nothing. Everything seems to be unfair even time and I can't find ways to figure out what might happen next, and this emptiness filled me, I'm still nothing. And I know there's no way that someday, someho
"Mahal na Prinsipe, magandang gabipo," Bati ni Liah, habang cool na cool naman ang binata na pagmasdan siya.Nasa kwarto sila ng prinsipe. Nakangiti ang binata habang wala niyang sawang pinagmamasdan ang dalaga na nahihiya at namumula dahil sa ginagawa niya. “Bakit? Anong kailangan mo?” malamig na tugon niya sa dalaga. “Magpapaalam sana akong uuwi sa apartment,” mahinang sabi ng dalaga. Nag-iba naman ang templa ng mukha ng prinsipe nang marinig ang sinabi ng dalaga. “Bakit? Sinabi ko bang pwede ka nang umuwi?” galit na tugon ng prinsipe. Napaatras naman si Liah. Mababakas ang takot at pangamba sa mukha nito. “K-kasi, Mahal na Prinsipe, day o-off ko naman p-po, s-sabi ni Nana Senya,” utal-utal niyang sabi habang takot na masigawan. Pero hindi nga siya nagkamali. "No! No is my answer," matigas na sabi ng binata sabay tayo sa kama at pumunta sa bintana na parang may ini
data-p-id=9947c3f0af76c470ed98febbfcf078b8,style=text-align:left;,Kasalukuyan naglalakad sina Zek at Liah sa malaki at malawak na gubat ng Verona. Napagpasyahan nilang manatili muna sa Venora hanggang sa ipanganak ang anak nila. data-p-id=cce39fd6cdeaf50ecd31cb9bb3260011,” “Mahal, may pangalan ka na bang naiisip?” tanong ni Liah sa kaniyang kabiyak, habang namamasyal sila sa gubat, sariwa ang hangin kaya hindi nila napansin na napapalayo na sila sa kanilang teritoryo. ~~ data-p-id=1dec03f429b502669881f6472c170218,~~*~***~ -Flash back- data-p-id=3cc935aa2090d65dc573dcc81fc4454b, “Mahal na Reyna, wala na ba tayong magagawa para mabuhay si Zek?” tanong ni Tara, sa mahal na reyna na malalim ang iniisip. data-p-id=1e9bfeeeeeb0554818f75cd4fd490b6c,” “Tama, Tara!” bulalas ng reyna. “Mabubuhay ang namatay ―kapag namatay ito dahil sa salamangka o pinatay siya gamit ang salamangka. Pero dapat namatay siya sa pagsasakrapisyo para sa minamahal. Pero kapag ang tao pinatay ng D
Chapter 66 Nanghina nang husto si Zek nang makita ang pagdanak ng dugo, na halos hindi na makita ang lupa sa sobrang pag-apaw ng pulang likido. Kaunti na rin ang nakikita niyang nakatayong sundalo niya. Nawawalan na siya ng pag-asa na mailigtas ang kaniyang kaharian. Habang si Liah ay nakikita niyang lumalapit sa kaniya. Bigla naman kumulo ang kaniyang dugo sa galit, nakita niyang tila nag-iba ang anyo ng mukha nito. Naging maamo at nakikita na niya ang dating ganda ng mga mata nito, at ang inosenteng katauhan nito. Pero hindi niya maipagkakaila ang galit at poot na nararamdaman niya para dito. Nais niya itong patayin at pugutan ng ulo. Pero tila isang hangin na nawala lahat ng galit niya nang marinig nito ang boses ng babaeng mahal niya. Ito ang tunog ng boses niya nang una niyang marinig. “E-ezekiel, M-mahal ko,” saad ng dalaga. Naantig naman ang puso ng binata. “U-umalis ka na, Mahal ko. Pakiusap, umalis ka na,” nagsusumamong wika ng dalaga. Hindi malaman ni Zek kung maniniwala s
Chapter 65Habang patuloy silang naglalakbay, natanaw ng isang sundalo ni Zek na malapit na sila sa kabundukan ng Zeon, nang biglang may nakita silang mga anino sa ‘di kalayuan. Nagsenyas naman siya na tumigil sa paglalakad at sumigaw ito na humanda dahil may paparating. Agad naman na tinignan ng kasama niyang pantas kung ano o sino ang sumasalubong sa kanila. Gano’n na lang ang kaniyang gulat nang napagtanto niya na aswang ang mga ito. Agad na sumigaw ang pantas na ihanda ang mga pana.Kumuha naman ng teleskopyo si Zek para tignan ang nasa unahan. Gano’n na lamang ang kaniyang gulat nang makita ang mga nilalang kasama ang iba’t-ibang mangkukulam at mas lalong siyang nagulat nang makita ang isang pamilyar na babae, ito ang nangunguna sa lahat. Ito ang nag-uutos sa mga kasama na sumugod sa kanilang gawi. Nanlulumo naman niyang binitawan ang gamit niya, hindi niya alam ang gagawin kung kakalabanin niya ba ang babaeng mahal na mahal niya o haharapin ng buong tapang. Pero mas umaapaw ang
Chapter 64Hinanap ni Zek ang dalaga sa buong paligid pero ni anino ni Liah ay hindi niya nakita. Napa-isip siya tuloy kung panaginip lang ba ang nangyari kahapon? Sa sobrang lungkot, dismaya, pagod, pag-aalala at sobrang pangungulila niya sa dalaga ay naisip niyang ilusyon lang ba ang lahat? Napahilamos siya ng kaniyang mukha sa sobrang pagkabalisa. Gano’n pa man ay patuloy pa rin ang paghahanap niya sa buong palasyo. Kung sino-sino na ang kaniyang tinanong pero ni isa ay walang nakakita sa dalaga. Halos mabaliw na siya sa paghahanap.“Siguro ay ilusyon lang lahat ang nangyari,” aniya sa kaniyang sarili. Hindi na niya pinilit pa na makita ang dalaga, kailangan na nilang lumikas bago sumalakay muli ang mga masasamang nilalang. Bilang susunod na hari ay kailangan niyang patatagin ang sarili at malampasan ang lahat ng pagsubok. Tungkulin niyang pangalagaan ang mga tao.~**~
Chapter 63 “Huminahon ka, Atlas. May mga bisita tayo,” awat ng babae sa kaniyang asawa. Natauhan naman ang Alpha at agad na kumalma. Huminga ito nang malamin at kinuyom na lamang mga kamao. Napalunok naman ng laway si Tara, dahil pakiramdam niya ay siya ang may dahilan bakit nalaman ng pinuno ang nangyari sa anak nito. “Pumasok na muna sa iyong silid, Cyenthia,” ani ng ina nito. “Opo, Ina.” Agad siyang humakbang nang nakayuko at tumalikod, bakas ang sakit at hiya sa kaniyang buong mukha. “Humihingi po ako ng kapatawaran sa aking kalapastangan, Mahal na Pinuno,” ani naman ni Tara na hindi mapigilan ang kaba, nakayuko itong humihingi ng tawad sa mag-asawa. “Hindi mo kasalanan ang nangyari, Pantas. Sapagkat ay ikaw ang naging daan para malaman namin ang kaniyang kondisyon, hindi man lang namin na amoy na nagdadalang-tao pala siya
Verona Nasa bukana na sila ng teritoryo ng mga De Arcon, ngunit hindipa rinmapigilan ni Airah ang kabahan. Hinihintay nilang bumalik si Tara, ilan sandali pa ay humihingal na bumalik ang pantas,na pinagtaka ng dalawa, pawis na pawis ito at balisang-balisa. “Tara? Anong nangyayari sa iyo? Bakit ka pawis at nababalisa?” “Hindi ko nakita si Liah, Kamahalan. Pero sa tingin ko may hindi tama sa mga nangyayari.” “Anong ibig mong sabihin, Tamara?” alalang tanong ni Airah. “Sa ngayon hindi ko pa masasagot pero may hinala akong may gumagamit sa katawan ng prinsesa.” “Ano?!” bulalas ng dalawa. “Kailangan na natin humungi ng tulong sa mga De Arcon, dahil hindi ako maaring magkamali, may digmaan na darating.”
Napaluha si Zek nang makita niyang nawalan ng malay ang kaniyang kapatid at duguan ang kanan palad nito. Parang dinurong ang kaniyang puso sa kaniyang nakikita. Hindi rin mapigilan ang pagtawa ng bruha dahil sa nakikitang niyang sakit mula sa kapatid ng dalaga. Tila nagbibigay ito ng lakas sa kaniya. “Pakawalan mo ang kapatid ko! Magbabayad ka!” galit na sigaw ni Zek. Pero hindi man lang siya pinansin ng bruha. Samantala naghahanap ng tyempo si Uno para makulong ang bruha sa ginawa niyang bitag. Kailangan mapigilan ang pagsasagawa ng ritwal dahil kung hindi ay maapektuhan ang daloy ng panahon. Maaaring masira ang kaharian nila. Hinalo ng bruha ang dugo ni Ezra sa kaniyang dugo. Ilan sandali pa ay tumingin ang bruha sa kinaruruunan ni Zek, ngumiti ito nang nakakaloko na parang may binabalak itong gawin sa binata. Pero dahil nasa loob siya ng apoy ay hindi ito makalapit nang tuluyan. Muli itong nagsalita sa ibang lenggwahe a
Chapter 60 Nanginginig na ang mga kalamnan ni Erza sa sobrang kaba. Hindi na niya rin alam ang gagawin, nakikita na rin niya ang takot sa mukha ng kaniyang mga kasama. Pilit niyang pinatatag ang kaniyang sarili at hinahanap ang pag-asang matagpuan sila ng kaniyang kuya. Dahil nauubusan na siya ng panalangin. “Kuya, nasaan ka na?” mahinang bulong niya. Umaasang biglang dumating ang kuya niya. Muntik na siyang mapatalon nang maramdaman ang init na gumapang sa kaniyang kamay. Nang napalingon siya ay nakita niya si Marcus na nasa tabi na niya, at hawak ang kaniyang kamay. Napalunok siya ng laway at naramdaman niya ang pag-init ng kaniyang mga pisngi. Bigla siyang nakaramdam ng kakaiba, isang kuryenteng dumaloy mula sa kaniyang tiyan papunta sa kaniyang dibdib. Biglang nag-iba ang paningin niya sa lalaki. “A-ayos ka lang ba?” utal na tanong ni Marcus. “O-oo. Salamat,” Tila tumigil ang oras at hindi na nila namalayan na tuluyan nang nakalapit ang bruha sa kanila. At isang sigaw ang nari
Naging mahirap para kay Lusiana na matalo ang pantas. Nahihirapan siyang makatakas sa mahika nito. Pero kailangan niyang makatakas sa pantas ng mga Serano, at mahabol ang mga maharlika. Kaya binuhos na niya ang buo niyang lakas. Isang malaking apoy na bola ang kaniyang ginawa, kaniya itong ihinagis sa pantas. Nakaiwas ito pero natamaan ang kaniyang kaliwang braso. Natumba ito at sa lakas ng kaniyang pagkatumba at nawalan ito ng malay. At iyon ang nakitang pagkakataon ni Lusiana para makatakas. Naamoy niya ang amoy ng mga maharlika. Nang biglang may tumawag kaniya. Tinatawag siya ng kaniyang asawa sa pamamagitan ng isip. Nanghihingi ito ng tulong. Pero dahil kailangan niyang makuha ang mga bihag ay inuna niyang hanapin ang mga ito, hindi na niya pinansin ang sigaw ng kaniyang asawa. Sa kabilang banda naman ay narinig niya ang mga yapak ng mga bata. Malapit sa gu