Agad ding nakabawi si Carmina sa sinabi ni Ryder sa kanya. Marahan siyang naglakad palapit sa binata. At nang makalapit ay hinaplos niya sa pisngi ang binata. "Ayaw mo ba talaga sa akin?"Nang-aakit na tumitig siya sa mga mata ni Ryder. Walang lalaki ang umaatras sa kanyang charm at seksing katawan. Ilang beses na ding pinagsaluhan nila ni Ryder ang mainit na pag-iisa nang kanilang katawan. Hinawakan ni Ryder ng mahigpit ang kamay ni Carmina na nakahawak sa pisngi niya. Madilim ang anyo na tumiim bagang."Never kitang nagustuhan Carmina!" Bulyaw niyang sagot. Walang ibang babae para sa kanya. Ang nag-iisa sa puso niya. Si Devyn lamang. Nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Carmina. Tuluyan ng bumigay ang mga luha niya. Nakatiim ang labi niyang malakas na sinampal sa pisngi si Ryder. Atsaka itinulak.Natitigilan na sapo ni Ryder ang pisnging nasaktan. "How dare you! You don't know who you're dumping! Ibinigay ko sayo lahat! Pagkatapos, sasabihin mo na hindi mo ako kailanman nagustuh
"Lola," tawag niya na namamaos ang boses.Hinawakan niya ang ulo niya. Medyo kumirot ang ulo at may benda ito. Napasinghap si Pacita. Nang makita ang nakamulat na mga mata ng apo. Pag-alala ang rumehistro sa mukha niya. "Devyn." Mangiyak-ngiyak na dinaluhan ni Pacita ang apo. Hinawakan niya ang kamay nito. "Salamat sa Diyos at gising ka na, Devyn." Bulalas pang sambit ni Pacita."Lola, nasaan po tayo?"Inilinga niya ang mata sa paligid."Nasa ospital ka ngayon. Sandali at tatawagin ko si Doc. Nick," aniya.Tumango si Devyn ng ulo at pinilit na ngumiti.Nagmamadaling lumabas si Pacita ng kuwarto ni Devyn. Papunta sa nursing station.Mayamaya ay bumukas ang pinto at pumasok ang lola, kasunod ang doktor. Nilapitan ng doktor si Devyn. Sinuri ang mata. Pati na ang ulo nito na may benda."Maliban sa ulo mo, may iba ka pa bang nararamdaman?" tanong ng doktor."Wala na po."Sunod-sunod na tumango ng ulo si Doc. Nick."Kailangan mong maconfine ng dalawang araw. Tatanggalin ang benda sa ulo m
Hawak ni Pacita ang kamay ng natutulog na apo. Hindi pa tiyak kung gigising o hindi na si Divina. Pero, lahat sila ay nagdadasal na sana ay bumalik si Divina sa kanila. Magiging kumpleto na ang pamilya nila."Mababait ang mga bata na sina Divina at Devyn..." Natigilan si Anding ng maalalang hindi na pala Devyn ang pangalan nito. "Diane pala." pagtatama niya. Saka ngumiti.Sumang-ayon si Pacita. At gumanti ng ngiti."Maraming salamat, Anding. Sa pag-aalaga mo sa mga apo ko. Napakalaki ng pagkukulang ko sa kanila. Naging napakasama kong tao. Pinagbabayaran ko na ang mga kasalanan ko. At sana maging maayos na din ang lahat.""Lahat tayo ay binibigyan ng pagkakataon ng Diyos na magbago. Hindi pa huli ang lahat sa'yo, Pacita. Andiyan pa ang mga apo mo. Bumawi ka sa maraming taon na nagkawatak-watak kayo." saad ni Anding. "Saka mababait ang mga batang 'yan. Alam kong hindi ka mahihirapan na makabawi sa kanila." dugtong pa niya.Tumango si Pacita at sumulyap kay Divina."Maiiwan na muna kita
NAPASINGHAP si Diane ng makita si Chairman Ryder sa harap ng store. Nakapamulsa itong nakasandal sa kanyang sasakyan.Ilang araw na din silang hindi nagkikita. Miss na niya ito. Pero, dapat niyang pigilan ang nararamdaman para sa binata. Ayaw niyang mayroon siyang masasaktan.Nagtama ang mga mata nila. Si Diane ang unang nagbawi ng tingin. At umiba ng direksiyon. Lakad-takbo ang ginawa niya para makalayo kaagad sa binata.Naalarma si Ryder at hinabol si Diane."Diane!"Napahinto si Diane ng marinig na tinawag siya ni Chairman Ryder na Diane. May alam na ba ito? Malalaki ang mga hakbang na muling nagpatuloy sa paglalakad. At hindi niya pinansin ang tawag nito sa kanya."Diane..." haklit ni Ryder sa braso niya.Napahinto si Diane sa paglalakad. Pilit siyang pumipiglas sa hawak ni Chairman sa kanya. Pero, lalong humigpit ang hawak nito sa braso niya. At nagawa pang iharap siya dito."I just want to talk to you. Please, Diane. Pakinggan mo lang ako, sandali..." mga pakiusap ni Ryder."Bak
KINABUKASAN.... "NO! Hindi ako makakapayag! I will ruined you, Ryder! Hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakapaghiganti sa'yo!" Pinaghahagis ni Carmina ang kahit na anong madampot ng kamay niya sa ibabaw ng lamesa niya. At panay ang sigaw. Nasa opisina siya at napanood niya sa t.v. ang tungkol sa balita kay Ryder. Mayroon ng babaeng nagpapasaya sa puso ng cold hearted Chairman Ryder Sable. Ipinakita ang mukha ng babaeng hawak nito ang kamay at hinihila habang naglalakad.Napalingon siya sa pintuan. Nang marinig ang mga malalakas na katok."Ma'am! Pakibukas po ang pinto! Ma'am!" malalakas na tawag ni Karina, ang sekretarya niya."Leave me alone! I don't to see anyone!"Natakot si Karina dahil sa malakas na sigaw ng amo niya. At agad na umalis palayo sa opisina nito.Nagluluksa ang kalooban ni Carmina. Puno ng galit sa matinding selos. At nawalan siya ng pag-asa na makuha niya si Ryder. Pero, hindi pa naman siguro huli ang lahat. Sa kanya lamang si Ryder. Sa ayaw at sa gusto nila
BINUKSAN ni Devyn ang pinto ng kuwarto kapatid niya at pumasok sa loob. Saka nilapitan si Lola Anding. "Hi po, Lola Anding. Puwede po bang dito muna ako kay Divina? Gusto ko po sanang bantayan siya," pakiusap ni Devyn sa matanda."Oo naman, Devyn. Ikaw na muna dito. Uuwi lang muna ako sandali sa bahay para magluto ng pagkain, pang-hapunan natin dito."Ngumiti si Anding sa dalaga. Tumayo na siya at hinalikan lang sa noo si Divina. Saka lumabas ng kuwarto ng apo.Tinititigan ni Devyn ang kapatid. Napaluha siyang naisip na magkakaroon ng pader sa kanilang magkakapatid. Kung kailan na magkakasama sila. Muli ay magkakahiwalay ulit sila."Patawarin mo ako, Divina," umiiyak na usal ni Devyn. Habang hawak ang kamay ng kapatid.Nakabuo ng desisyon si Devyn. Kailangan niyang makausap si Ryder. Kaya kinabukasan ay hindi na magpapaalam si Devyn sa kakambal niya na lalabas ng ospital.Ayaw niyang ipahalata kay Diane na may alam siya tungkol sa kanilang dalawa ni Ryder. Hindi niya inaasahang masas
NAGULAT si Ryder ng makita si Diane sa labas ng RSC building. Matamis siyang ngumiti dito habang nilalapitan niya ito. At nang makalapit ay niyakap niya ito ng mahigpit.Nasorpresa siya sa pagpasyal ni Diane sa RSC.Nagtaka siya ng maramdaman na hindi gumanti ng yakap si Diane sa kanya. Naiwaglit niya sa isipan ang kung anong naramdaman. Ayaw niyang pagsimulan nila iyo ng tampuhan na dalawa."Love, sorry. Nainip ka ba maghintay sa akin? Saka, bakit andito ka? Di ba, sabi ko susundin kita sa store?"Pilit niyang pinasigla ang boses niya. Kahit may iba siya pakiramdam.Kinakabahan siya na baka nalaman ni Diane na nag-usap sila ni Carmina. Ayaw niyang bigyan ng dahilan ito na mag-isip ng masama sa kanya. At mawalan ito ng tiwala sa kanya.Matiim na tumitig si Devyn kay Ryder. Wala na ang dating pagmamahal sa kanya na nakikita niya sa mga mata nito. Pinalitan na iyon ng pagmamahal para kay Diane."Ider, hindi ako si Diane," amin na sagot ni Devyn sa binata. Biglang namutla ang mukha ni R
ALAS-DIYES nang gabi ng makauwi sa ospital si Diane. Pagkapasok niya sa loob ay nadatnan niya si Oscar na nakaupo sa tabi ng kapatid. "Oh, Oscar. Bakit, ikaw ang nagbabantay kay Divina?"Agad na napalingon si Oscar sa kanyang likuran."Devyn, nakauwi ka na pala," Parang nagulat pa itong makita siya. "Pinauwi ko na si Lola Anding sa inyo. Hindi ka na niya nahintay dahil gagabihin siya masyado sa daan. Ako na din ang nagprisinta na magbantay kay Divina. Habang wala ka pa." sagot pa ni Oscar.Lumapit si Diane sa cabinet at inilagay sa loob ang bag niya."Oscar, Diane na ang pangalan ko. Hindi na ako si Devyn," pagtatama niya habang lumalapit sa gawi ng binata."Sorry. Nasanay lang ako na Devyn ang itinatawag ko sayo. Hayaan mo, hindi ko na kakalimutan. Si Diane ka at hindi na si Devyn."Nakangiting tumango si Diane."Sige na. Ako na ang magbabantay kay Divina. Naabala ka tuloy namin," nahihiyang sabi niya."Okay lang. Tapos naman na ang shift ko. Saka gusto ko ding bantayan si Divina."
"LOLA!" nalalakas na tawag ng mga anak ni Ryder sa mommy niya. Tumatakbo ang apat na bata palapit sa kanilang lola.Napaawang ang labi ni Antonette nang makita ang kanyang mga apo. "Mga apo ko!" Agad na sinalubong ng yakap at halik ang apat niyang mga apo.Nang bumitaw si Antonette sa mga apo ay pinalis ni Antonette ang mga takas na luha sa kanyang mata. Nag-uumapaw ang saya sa puso niyang makita solang lahat. Ganito siguro ang tumatanda na, nagiging maramdamin."Namimiss niyo na ang mga bata. Kaya andirito kami ng mga apo niyo." Nilapitan ni Ryder ang ina at hinalikan ito sa ulo. Lumapit na rin sa kanila ang asawa niya at humalik sa noo ng biyenan."Huwag na kayong umiyak, mom. Dito kami sa bahay niyo isang buong araw. Sorry po dahil sa busy ako sa mga bata 'di na kita nadadalaw dito," taos sa pusong hingi ng paumanhin ni Diane sa ginang."Naiintindihan ko. Pasensiya na kayong mag-asawa. Pati ako ay kailangan ninyong alagaan." Muling pinunasan ni Antonette ang mga luha niya. "Doon ta
NASA kusina na si Diane nag-aasikaso ng pagkain ng mga anak na papasok sa eskwelahan. Hinayaan niyang matulog at makapagpahinga ang asawa."Mommy, may school program po kami sa school. Family day po. Puwede po ba kayo ni daddy?" tanong ng anak nilang si Junior."Tatanungin ko muna si daddy. Baka kasi maraming work. Pero kung hindi makakasama ang daddy mo. E, 'di si mommy na lang."Nalungkot naman si Junior sa tinuran ng ina. "Sana po, kasama natin si daddy. Masaya po kung kompleto. Palagi naman pong busy si daddy. Wala na po siyang time para sa atin." Nahimigan ni Diane ng tampo ang pangalawang anak nila.Hindi naman nagkukulang sa atensyon si Ryder sa kanila. Minsan nga ay ito ang nag-aasikaso sa kanilang mag-iina. Iyon lamang ay kapag kailangan siya sa kompanya ay hindi puwedeng 'di puntahan ng asawa. Masyadong babad sa trabaho si Ryder at alam niyang para iyon sa future ng mga anak nila."May work lang si daddy. Hayaan mo kakausapin ko siya. Kailan ba ang family day sa school mo, J
MAAGA pa ay nasa kompanya na si Ryder. Pinaiimbestigahan na niya ang pagkawala ng malaking pera sa RSC. Wala namang problema kung nasa libo lang siya, pero daan-daang libo ang nawawala.Kailangan na niyang mahuli ang kumuha para hindi mawalan ng gana ang kanyang mga investor na mag-invest sa RSC.Hawak-hawak ni Cassandra ang files. At lahat ng withdrawal ay pirmado. Pero nasaan ang pera? Tila naging palaisipan sa kanya ang matapang na kumukuha ng pera ng kompanya.Nanlaki ang mga mata niya sa handwritten na pirma sa isa sa mga cheque. Mabilis siyang tumayo, dala ang folder na naglalaman nang mga kopya ng withdrawal at ang detalye ng mga pumapasok na pera sa RSC.Paanong hindi sumagi sa isip niya? Sakay na siya ng kotse niya kakastiguhin niya. Gusto niyang marinig ang mga paliwanag nito.Ilang minuto lamang ang nagdaan ay narating ni Ryder ang bahay nila."Good morning, kuya. Anong mayroon, napasyal ka?" tanong ni Raleigh."Nasaan si Mommy?""Huh? Bakit, kuya?" Nagtataka si Raleigh sa
NAGISING ng maaga si Ryder. Napatingin siya sa katabi at matamis na ngumiti. Tiyak na napagod si Diane. Kaya siya ang mag aasikaso sa mga bata at magluluto ng kanilang almusal.Pupungas pungas si Wenna na lumapit sa ama. Nasa likuran lang din si Petra, ang yaya ng bata."Good morning, daddy," bungad na bati ni Wenna sa ama."Good morning, my princess." Malawak na ngumiti si Wenna. At yumakap sa ama. Kumalas ito sa yakap niya at hinarap siya ng anak."Ano pong niluluto niyo, daddy?" tanong ng anak niya. Inosenteng inosente ito. "Breakfast natin. And especially for mommy too."Napahagikhik ang anak niya. Hakatang kinikilig. "Ang sweet ni daddy. I hope someday makatagpo din po ako ng katulad niyo."Kumunot ang noo ni Ryder sa narinig mula sa anak. "Wait. You are only four years old, my princess. Bata ka pa. Paano mo nalaman ang tungkol diyan?"May ngiti na kakaiba ang panganay niya."Dad, siyempre po sa inyo. Nakikita ko kayo everyday ni mom na sweet palagi. And you always makes her hap
NAGING sobrang maalaga ni Ryder sa kaniyang asawa. Maselan ang pagbubuntis ni Diane. Hind ito puwedeng mapagod o magkikilos. Bed rest siya at halos nasa loob lang ng kuwarto nilang mag-asawa.Nalulungkot ito na hindi na siya naaalagaan nito. Kaya ginagawa niya ang lahat para hindi ito makaramdam ng panghihina. Isa pa para ito sa anak nilang dalawa. Kailangan niyang magiging matatag para lumaban si Diane. "Love, gusto kong lumabas dito sa kuwarto natin. Ayoko na dito sa loob ng kuwarto lang. Naiinip na ako, e. Wala na akong ginagawa kundi ang humiga," reklamo nitong pangungumbinsi na lumabas ng kuwarto."I'm really sorry, love. Pero hindi puwede. Ginagawa namin ito para sa inyong dalawa ni baby. Ayokong mapahamak ka o kaya ang anak natin. Konting tiis lang. Three months lang naman."Advice ng doktor na manatiling bed rest si Diane dahil sa sobrang maselan ng pagbubuntis. Muntik muntikan na itong makunan. Kaya todo ang ingat nila.Nakasimangot na humalikipkip si Diane.Medyo natawa nam
Dalawang buwan ang naging honeymoon nina Ryder at Diane sa Japan. Kung saan-saan sila namasyal. Kahit na malayo silang mag-asawa ay halos araw-araw silang tumatawag sa Pilipinas, para kumustahin ang panganay nila."Are you happy, love?" tanong ni Ryder kay Diane. Katatapos lang nila ng mainit na pagniniig.Humarap ito sa kanya. "Sobra-sobra, 'yong saya halos umabot na sa langit. Hindi ko alam na ang sarap mo palang magmahal, love."Napaismid si Ryder. "Hindi nga? Baka naman ang alaga ko ang mahal mo? Are you satisfy, love?" Sunod-sunod na tango ang sagot ni Diane sa kanya."Hindi lang ang puso mo ang malaki ang pagmamahal. Pati iyang alaga mo sobrang laki ng pagmamahal sa akin. Kaya wala akong rason para hindi maging satisfy sa lahat. Sobra-sobra pa nga ibinibigay mo sa akin."Ginawaran ng halik ni Ryder sa noo ang asawa at niyakap."I love you, love. Ikaw lang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda natin. Kahit uugod-ugod na tayo at hindi na tumatayo ang alaga ko. Tayo pa din."Hi
NANG matapos ang kasal. Pagod na pagod ang mag-asawa sa buong maghapon na pakikipagkamay sa lahat ng bisita na nagpapaabot ng mga pagbati."Are you tired, love?" tanong ni Ryder sa asawang hinihilot ang sintido. Suot pa din ang wedding gown at nasa bagong bahay na nila. Marahan na tumango si Diane. Nilapitan ni Ryder ito at niyakap sa likuran. Ginawaran ng isang magaang halik sa batok. "Baka gusto mong alisin ko ang pagod mo? With a touch of full love and me."Humagikhik si Diane sa tinuran niya. Pagkatapos ay humarap sa kanya. Tumitig sa mga mata niya."Love, kailangan nating matulog ng maaga. Bukas na ang flight natin papuntang Japan."Trip to Japan ang regalo ng mommy niya sa kanilang kasal. Pati ang bagong bahay ay ito din ang nagbigay. Si Raleigh ay isang ducati at BMW ang niregalo sa kaniya. Habang si Owen ay private plane na sasakyan nila bukas ang regalo sa kanila. Sumimangot ang mukha ni Ryder. Akala niya lulusot ang pang-aakit niya sa asawa. Laglag ang balikat na bumitaw
HINGAL NA HINGAL si Ryder ng makarating sa lobby. Naghagdan na siya dahil baka hindi na niya maabutan si Diane."Palpak! Ngayon magtanda ka na! Dinadaan sa init ng ulo. 'Yan tuloy," pangsisisi ng sariling utak niya. Inaway pa niya ang sarili sa nagawa.Napabuga ng hangin si Ryder."Sir!" sigaw na tawag ng kung sino.Huminto siya sa pagtakbo at nilingon ang tumawag sa kanya."Yes, Cassandra, " iritado pa din ito na nakapameywang."Hinahanap niyo po ba si Diane?"Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya ng marinig ang pangalan ni Diane.Tumango lang siya bilang sagot dito."Nasa cafeteria po kami. Dating gawi," dagdag na sabi ni Cassandra sa kanya.He feel relieved. Saka ngumiti pagkatapos ay tumawa ng malakas.Nagtataka ang tingin ni Cassandra sa kanya. Pati ang mga ibang dumadaan ay napapatingin sa kanya. Natuto ng ngumiti at tumawa ang chairman nila."I thought iniwan na niya ako. F*ck it! Thank you, Cassandra! I will give you bonus. At dagdag sa sahod mo," biglang nasabi ni Ryde
MABILIS na tumatakbo si Diane papunta sa kuwarto kung saan dinala daw si Ryder. Hindi niya pa alam ang totoong nangyari sa binata. Pero sobrang kaba at takot ang namayani sa kanya.Paano kung huli na ang lahat para sa kanila ni Ryder? Iiwan na pala siya ng tuluyan ng binata. Hindi man lang siya nakabawi dito. Paano na lang siya kapag nagkagayon mawala ito?Ang daming tumatakbo sa kanyang isipan na mga tanong. Paano kung magkatotoo ang lahat ng iyon?Agad na nilapitan niya ang isang nurse sa information. "Saan po ang kuwarto ni Mr. Sable?" Chineck 'nong nurse ang computer na nasa harapan niya."Room 108 po," magalang na sagot nito sa kanya."Salamat."Umalis din siya kaagad sa information. Saka hinanap ang sinasabi na room number kung saan andoon si Ryder."Room 108. Ito na nga," usal niya sa isip.Nag-alangan siya kumatok. Sari-sari kasi ang emosyon na nararamdaman niya ngayon. Sobrang takot dahil ayaw niyang makitang nakahiga si Ryder at walang malay. Maraming nakakabit na machine