HINDI ko alam kung gaano ang itinagal ng paghihinang ng mga labi namin ni Crandall bago ko naramdaman na unti-unti niya na akong pinakawalan. Pero hindi agad ako nagmulat ng aking mga mata. Nanatili akong nakapikit ng ilang segundo. “Portia!”When his voice called out my name, I opened my eyes slowly and saw him staring at me.Oh, God! My heart is pounding even more now as I stare into his ocean-blue eyes. My lips parted, but no words came out of my mouth. Pakiramdam ko bigla ko atang nalunok ang dila ko at hindi ko nagawang makapagsalita. I couldn’t take my eyes off of him and I couldn’t even blink for a second.“What did you do to me?”Napatitig din ako sa mga labi niya at bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko nang marinig ko ang tanong niya. What did I do to him? Wala naman. Ah, maybe itong pagkatumba namin ang ibig niyang sabihin. Tipid akong ngumiti sa kaniya pagkuwa’y kumilos para sana umalis na talaga sa ibabaw niya dahil kung titingnan, medyo awkward ang posisyon namin ngay
BIGLA akong napamulat ng mga mata ko nang maramdaman kong tumama sa mukha ko ang sinag ng araw na pumapasok sa bintana ng kuwarto ko. Nang masilaw ako, bigla akong napapikit ulit. Oh, umaga na pala! Akma na sana akong kikilos sa puwesto ko para mag-inat saglit at bumangon na rin, pero hindi ko naman nagawang gumalaw dahil parang pakiramdam ko ang sikip ng puwesto ko. Hindi ko magawang kumilos dahil pakiramdam ko may mga brasong nakapulupot sa baywang ko at may mabigat na bagay na nakadantay sa mga hita ko. Huh? Ako lang naman mag-isa sa kama ko, ah!Mula sa pagkakapikit ko, I suddenly opened my eyes again and slowly turned to the person next to me. My eyes widened with surprise when I saw Crandall’s face so close to mine and he was fast asleep. I could feel his hot breath hitting my face. Damn. What is he doing here? Why are we in bed next to each other? Why is he by my side and his arms around my waist? What happened? Biglang napuno ng maraming tanong ang isipan ko habang mataman
ISANG marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere pagkuwa’y magkasalubong ang mga kilay na nilingon ko si Crandall. “Hey, please stop staring at me like that,” sabi ko sa kaniya na kunwari ay naiinis na. Paano naman kasi, simula pa kanina nang nasa kuwarto pa kami ay hindi na niya ako tinantanan sa kakaibang mga titig niya. Naiilang na ako sa totoo lang. Hindi kasi ako sanay na may nakatitig sa akin lalo na nang matagal. I mean, nakatalikod naman ako sa kaniya ngayon dahil nasa tapat ako ng kalan at nagluluto ng almusal namin habang siya naman ay nakaupo lang sa kabisera. Pero kanina ko pa nararamdaman na nakatitig siya sa likuran ko. At nang lingunin ko nga siya, nahuli ko siyang nakatitig sa akin.Ngumiti naman siya nang malapad.Oh, isa pa ’yang pagngit-ngiti niya sa akin ng napakapogi. Jusko! Kaunti na lang talaga ay matutunaw na ako. I once thought he didn’t know how to smile because his countenance was so serious and his eyebrows were always knit together. Pero ngayon,
DALAWANG ARAW na nawala sa mansion si Crandall. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta at kung ano ang ginawa niyang importante kagaya sa sinabi niya sa akin bago siya umalis no’ng isang araw. Ako lang mag-isa rito sa mansion dahil sa susunod na linggo pa naman uuwi sina Nanay Josephine at William. No’ng unang gabi na naiwan akong mag-isa rito, medyo natakot ako dahil baka muling bumalik ang mga lalaking gusto akong kunin at patayin, pero mabuti na lang at hindi naman iyon nangyari. Naka-survived naman ako ng dalawang araw at dalawang gabi. It’s three in the afternoon and I’m just standing here at the window of my room. I was just looking outside and waiting to see if Crandall would come home now. I was still bored and couldn’t think of anything else to do to distract myself. Kanina pa talaga ako nababagot. Kung hindi pa rin uuwi ngayon si Crandall, ewan ko na lang kung ano pa ang gagawin ko rito sa mansion niya! Dalawang araw pa lang akong mag-isa rito at nakakulong lang sa loob, but
“SANA ay nagpasabi kayo na dadating kayo rito sa rancho ngayong hapon, hijo!” “Ayos lang po, Nana Estella. Biglaan lang din po ang pagpunta namin dito,” sabi naman ni Crandall.Magkatabi kaming nakaupo sa papag na gawa sa kawayan na nasa loob ng kubo. Kaharap naman namin ang matandang babae na sinasabi ni Crandall na dating caretaker daw ng mansion na ngayon ay nangangalaga sa rancho nila. “By the way, Nana Estella, si Portia po. She’s my girlfriend.”Muling sumilay ang malapad at matamis na ngiti sa mga labi ko nang ipakilala ako ni Crandall sa matandang babae. “Hello po, Nana Estella. Magandang hapon po!” bati ko rito.“Magandang hapon din sa ’yo, señorita! Ikinagagalak kong makilala ka.” “Nako, Portia na lang po ang itawag ninyo sa akin. Ayos lang po,” sabi ko. Ngumiti naman ito at saglit na ipinagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Crandall. “Natutuwa ako Crandall hijo na may bago ka ng kasintahan ngayon,” wika nito mayamaya. When I looked at Crandall, I saw a sweet
“DO you have a problem with me, Naya?” tanong ko rito nang mapagsolo kami sa kubo. Saglit kasing nagpaalam sa akin si Crandall na magtutungo siya sa kamalig para daw tingnan doon ang kalabaw nilang nanganak na. Kasama niya si Tata Berting na nakilala ko na rin kanina pagkabalik namin dito ni Crandall mula sa pangangabayo. At simula kaninang pumuwesto kami ni Crandall dito sa kubo ay hindi na rin umalis ang babaeng ito at panay ang pakikipag-usap sa boyfriend ko kahit wala naman ng sense ang mga tanong nito. “Bakit mo naman naitanong kung may problema ako sa ’yo, Portia?” sa halip ay balik na tanong nito sa akin. “Well, napapansin ko lang kasi... simula nang dumating kami ni Crandall dito kanina ay masama na ang tingin mo sa akin. Hindi ko lang maintindihan kung bakit?”Bumuntong-hininga ito. “Simple lang naman ang dahilan ko,” sabi nito. “At hindi na ako makikipagplastikan sa ’yo, Portia. Hindi kita gusto para kay señorito.”Biglang nangunot ang noo ko at napatitig nang seryoso rito
PAGKAMULAT pa lamang ng aking mga mata kinabukasan, ang nahihimbing at guwapong mukha ni Crandall ang kaagad na nasilayan ko habang mahigpit na nakayakap sa akin ang mga braso nito. Our faces were so close to each other that I could feel his hot breathing. Oh, just like the other day! Noong unang beses na natulog kami ng magkatabi roon sa kuwarto ko. Wala sa sariling napangiti ako bigla habang pinagmamasdan ko ang guwapo niyang mukha. Wait, why am I here in his room? Later, I suddenly remembered what happened with Crandall and me last night. My eyes widened at pinakiramdaman ko bigla ang aking sarili. And when I felt the pain between my thighs, roon ko lubusang napatunayan na totoo nga ang nangyari sa amin kagabi. I gave myself to Crandall last night. Nagpaubaya na ako sa kaniya. Habang nakatitig sa kaniyang mukha, dinadama ko ang puso ko kung may pagsisisi ba akong nararamdaman sa mga sandaling ito. But nothing. I didn’t feel any regret at this moment. Instead, my heart feels so
“WALA pa rin bang balita hanggang ngayon kung nasaan si Portia?” tanong ng ina ni Jass habang nasa labas ito silid na inuokupa ng dalaga na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. “Pasensya na po kayo Ms. Gomez, pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita tungkol kay Ms. Portia Martinez,” sagot ng pulis. “Pero huwag po kayong mag-alala, ginagawa naman po namin ang lahat para mahanap siya at ng maimbistigahan pa po namin nang husto ang tungkol sa nangyari sa anak ninyo.”Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan sa ere ng ginang dahil sa mga sinabi ng pulis. “God! Ilang linggo ng nandito sa ospital ang anak ko. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ninyo nahahanap ang babaeng ’yon! Paano naman mabibigyan ng hustisya ang nangyari sa anak ko? Talaga bang ginagawa ninyo nang maayos ang trabaho ninyo?” makahulugang tanong pa nito sa pulis. Saglit na nagkatinginan ang dalawang pulis bago nagsalita ulit ang isa. “Ginagawa naman po namin nang maayos ang trabaho namin, Ms. Gomez.