"Two million."
Umiling pa rin si Belle sa alok ng doctor. "No parin, sorry talaga.""Kahit five million?" tanong ulit nito, mababakas na ang lungkot sa mga mata.Umiling pa rin siya, humithit ng vape, at nilaro ang usok na lumalabas sa bibig niya."Bakit ba dito ka naghahanap ng mapapangasawa? Marami namang iba diyan. Tsaka, entertainer ako," pagtukoy niya sa trabaho niya na ang ibig sabihin hindi nararapat bigyan ng halaga.Kung baga sa ibang tao katulad ng doctor na ito, hindi siya importante. Sinong baliw na negosyante ang gusto siyang gawing asawa? Maraming babaeng mayaman na nababagay sa doctor na ito, bakit siya talaga?Muling tumagay ang lalaki, marahan lang ang pagkilos nito pero kayang maghatid ng tensyon sa kaniya, kung baga may aura itong nagdedemand ng respeto.Habang inikot-ikot nito ang baso nagsasalita ito. "Ikaw na ang nagsabi, hindi lahat ng entertainer ay kahusga-husga. Let's just say na... there is something different about you, kung baga unique, for example when I compare you to others..." Kumibit-balikat ito at uminom agad ito ng alak.Kumunot ang noo niya, namayani ang kaniyang kuryusidad tungkol sa ibig nitong sabihin. Maaring naririnig niya ang linyang ito sa iba pero mas gusto pa rin niya marinig ang dahilan mula rito.Iba ang lalaking ito, desente, mayaman at siguradong napapalibutan ito ng mga high value woman. Imposibleng ituring siya ng lalaking ito na isa sa mga babaeng iyon. Masyado siyang mababa kung ikumpara sa mga mas mataas.Matapos niyang titigan ito ng ilang sandali, tumingin siya sa crystal at maliit na lamesa na hanggang tuhod lamang ang taas.Huminga siya nang malalim, at kinuha ang natitirang Martini niya. Agad namang nag-alok ng cheers ang lalaki at pinagbigyan niya ito. Sabay silang lumagok.Dinamdam niya ang lasa nito hanggang sa lalamunan niya. Mainit, walang pinagkaiba sa gin ngunit kaya niyang tiisin. Pinagdikit niya ang kaniyang labi upang simutin ang lasa nito sa kaniyang bibig.Una siyang naglapag ng baso, sumunod ang lalaki at muli niyang pinagmasdan ang mukha nito, ngunit ang lalaki, tumingin sa alak niya.Wala na siyang natirang shot, ibig sabihin kung hindi ito mag-order ng dagdag, kailangan niyang iwan ito sa loob ng VIP room pero pinili niyang manatili ng ilang sandali upang bigyan ito ng karagdagang oras para magdesisyon.At isa pa, kanina pa sila sa loob ng VIP room, nag-iinom lamang, nag-uusap, ngunit kahit simpleng haplos ay wala siyang naibigay. Karapatan ng guest ang makakuha kahit isang halik lamang sa kaniya pero hindi ito nanghingi o kahit magtanong man lang kung pwede ba o hindi. Maliban sa simpleng dikit ng labi nila kanina."Pwede ko bang malaman kung bakit gusto mo talaga ng babaeng papakasalan? I mean, random kasi ang hinahanap mo, mayaman ka pa naman. Kaya nakakalito," pag-amin niya sa tunay niyang iniisip.Nag-cross ito ng braso at tumingin sa harapan. "My grandfather wants to see me married. He is old and I am his only grandson." Napanganga siya at napatangu-tango. Nagpatuloy ang lalaki, "Engaged ako." Tumingin ito sa kaniya na nagdulot naman nang pagkunot niya ng noo."Ayan naman pala, ba't inaalok mo pa ako ng kasal?" Sinamaan niya ito ng tingin at tumawa rin kalaunan, ngunit mahina lamang."Hindi ko gusto ang babae," simpleng sagot nito.Napa-taas ang balikat niya at bahagyang napadistansya. "Hindi mo gusto ang fiancee mo, tapos ako..." Hinawakan niya ang kaniyang dibdib. "...inaalok mo? Kanina mo lang ako nakita?" pagsasarkastiko niya."Sa pamilya..." Tumikhim ito nang mahina, tumitig ulit sa kaniya, tila handang ipaintindi ang sitwasyon."Lalo na kung lahat kayo negosyante, hindi maiiwasang may ilan sa kanila ang magtatraidor sa'yo lalo na kung ikaw ang tagapagmana. Maaring mahirap intindihin ang point ko, pero sampung million, kapalit ng palasingsingan..." Masyadong malaki ang sampong million at ang mga titig nito ay mangungumbinsi. "Deal?"Tumagal ang kaniyang pagtitig, pinagmasdan ang nakakaaliw nitong kagwapuhan.Iba't ibang maging kapalaran niya ang naglalaro sa kaniyang isipan. Malaki talaga ang sampong million, giginhawa ang buhay niya hindi lang sa kaniya kundi buhay ng buong pamilya niya.Ngunit ang sampong million ay pera pa rin. Ang katawan niya, ang pangalan niya, ang buong buhay niya ay hindi napapalitan ng pera.Gwapo nga at mayaman ang lalaking ito at oo nga, ang pera ay kayang bumili ng mga bagay na makakapagpasaya sa kaniya ngunit ang kapalit ng pera na inaalok nito ay maging komplikado lamang sa buhay niya lalo na pagdating sa pagmamahal.Kaya umiling siya. "Alam mo...iniingatan ko kasi ang sarili ko."Kailangan niyang linawin sa lalaki ang rason niya lalo na't nakiusap ito nang maayos at talagang binigyan siya ng respeto. Ni hindi nga ito nangahas na hawakan siya. Maswerte na siya sa guest kung tutuusin."Itong katawan ko kasi...kaya ginagawa ko ang lahat para ingatan ito, kasi para lang ito sa lalaking mamahalin ko at mahal rin ako. Gusto ko ng true love at ang kasal?"Pinagdikit niya ang kaniyang mga labi at umiling ng ulo. "Hindi talaga bagay sa atin iyan. Hindi naman kasi tayo magkarelasyon, kanina lang kita nakilala at higit sa lahat, walang pagmamahal na namamagitan sa ating dalawa. Kaya ayaw ko talaga, sorry..."Nagbaba siya ng tingin. Hindi madali sa kaniya bitawan ang prangka niyang mga salita pero kinakailangan. Huminga ito ang malalim sanhi nang pagkabigo. Tumango ito na tila ba'y nauunawaan ang rason niya.Gusto man niyang tulungan ang lalaki dahil mukhang problemado talaga ito sa kung ano mang mga balakid nito sa buhay, ngunit hindi niya magagawa. Kasal kasi ang kailangan nito at hindi niya ito maibigay.Umayos siya ng upo, ginaya niya itong nakaharap sa unahan. Maya-maya naramdaman niya ang kilos nito kasabay ng ilang beses na pagbuntong-hininga.Lihim naman siyang nakaramdam ng kunsensya. Talagang hindi madaling Mag-refuse.Naramdaman niyang tila nagdukot ito ng wallet sa bulsa. Hindi nagtagal narinig niya ang tunog ng pera na para bang ginagawa lang nitong baraha. Dahan-dahan niyang tinapunan ang ginagawa nito at iyon nga, nagbibilang ito ng tig iisang libo.Nilapag nito sa lamesa ang makapal na bundle nito. Lumakas ang tibok ng puso niya dulot ng tukso ng kayamanan. Minsan talaga nakakaramdam rin siya ng kilig kapag pera ang nakikita niya.Sa ibabaw ng patong-patong na tig iisang libo may nilapag rin itong card. Alam niyang hindi ATM iyon at nahagip ng paningin niya ang imahe nito sa kaliwang bahagi ng card. Tumingin ito sa kaniya at sinabing, "Sakaling magbago ang isip mo."Naintindihan niya ang ibig nitong sabihin kahit na pinaliwanag na niya ang rason niya.Tumayo ito, sumunod ang mga mata niya habang nag-aayos ito ng bulsa. May narinig rin siyang tunog ng susi na kung hindi siya magkakamali ay susi ito ng sasakyan nito na nakaparada rin sa labas ng bar.Tumayo rin siya, at bumaba ang paningin niya sa Remy Martin cognac na nasa ibabaw ng lamesa. Binalik niya ang paningin niya sa mukha nito, "Aalis ka na? Paano ang alak mo?"Mahal ito masyado para iwanan lang. Ngunit kumibit-balikat lamang ang doctor. "I can't drink it all, I have no choice but to leave it."Kung sabagay, hindi bagay sa lalaking ito ang magbitbit ng hindi naubos na alak galing sa bar para lang masabing hindi sayang."Akin na lang." Kinapalan na niya ang mukha niya. Sobrang mahal ng alak para baliwalain lang at isa pa kursunada niya.Gumuhit ang simpleng ngiti sa labi nito na animoy, natatawa at natuwa rin sa paghingi niya. Tumango ito. "Sure. Go for it."Lumapad ang ngiti niya. Humakbang naman ang lalaki papuntang pintuan upang lumabas na ngunit pinigilan niya ito. "Wait!" Tumingin ito sa kaniya nasa bulsa ang mga kamay. "Ihahatid kita sa baba, baka kasi pagalitan ako.""Is that necessary?" tanong nito na tila ba OA ang patakaran."Mahalin daw kasi dapat ang guest." Ngumuso siya. Mabuti na lang at nakuha na niyang maging komportable."Mahalin ang guest..." Sinamaan siya nito ng tingin. "Ayaw mo nga magpakasal sa akin."Umiwas siya ng tingin at awkward na tumawa dulot ng hiya. "Eh...ibang usapan naman kasi iyon." Ngumisi siya.Hinarap niya ang lamesa at natigilan pa nang makita ang libo-libong pera sa ibabaw nito. Tinuro niya ang mga ito at tumingin sa guest. "Bayad mo ba ito?""Hindi," sagot nito at awtomatikong bumuka ang bibig niya, hinihintay na marinig ang kasunod na sasabihin. "Sa'yo iyan, pero huwag kang magpa-table sa iba."Bumulong-bulong siya ng, "Possessive yarn?""Definitely? Yes?" Kumibit balikat ito. "Or maybe."Napalunok siya, narinig pala nito ang sinabi niya. Tiniis na lang niya ang hiya at kinuha ang pera sa ibabaw ng lamesa.Tinupi niya ang mga ito at siniksik sa bra niya maliban sa card dahil matigas ito masyado at masakit sa balat. Kinuha rin niya ang bote ng Remy Martin at hinarap ito."Kapag nakita kasi ako ng floor manager na vacant pinapaupo niya ako sa iba kaya..." ngumiwi siya. "Hindi ko masasabing hindi ako pwedeng—"Inagaw nito ang pagsasalita niya. "Ano bang pwedeng gawin? Shall I talk to your boss?"Umiiral na naman sa isipan niya ang pagiging gahaman. Kunwari nahiya pa siya magsabi kaya dahan-dahan lamang ang kaniyang pagsasalita, "Hmm...iwanan mo ako ng ladies drinks na iinomin ko hanggang mamayang umaga."Kumunot ang noo nito, ramdam naman niya ang hiya kaya sinabi na lang niya, "Kung gusto mo talagang hindi ako ma-table ng iba." Pinatabingi niya ang ulo niya yakap-yakap ang bote sa cute na paraan.Tumaas ang sulok ng labi nito. Tiningnan siya taas-baba na tila ba sinasabi nitong, 'gahaman ka' pero maya-maya ay tumango rin. "Okay! Ilang drinks ang kaya mo?" naghahamon nitong tanong.Deretso siyang sumagot ng, "30." Taas-noo iyon sapat na maintindihan nito na tanggap niya ang hamon."So 30 drinks ang isang gabi mo? Is that minimum?" Tumango siya. "Makakauwi ka pa ba no'n?"Halata ang gulat sa boses nito. Kung sabagay sinong maniniwala na kaya ng isang babae ang uminom ng 30 shots?"Malakas lang talaga ako sa alak," mayabang niyang sagot.Siya na ang naunang humakbang. Sumunod ito sa likuran niya at dahil yakap niya ang bote ito na lang rin ang naghawi ng kurtina para sa kaniya, ganon na rin ang pagbukas ng pinto."Sanay na kasi ako," dugtong pa niya.Hindi ito sumagot, hindi rin tumango nang sulyapan niya.Dumaan sila sa area kung saan may mga table at punong-puno ng mga guest na mat mga katabing babae rin. Nakasunod ang paningin ng mga babaeng ka-table ng mga ito sa doctor na kasama niya.Agaw pansin rin kasi ang karisma nito, lalo na't yakap pa niya ang mamahaling alak na halos hindi pa nangangalahati ang laman.Pagkababa nila ng hagdan nakaabang si Mark sa bartender naghihintay ng utos mula sa floor manager.Nang makita nito ang Remy Martin sa mga braso niya bumuka ang labi nito at nanlaki ang mga mata, talagang manghang-mangha.Inirapan niya ito para magpainggit ngunit binati nito ang guest niya. "Hello, sir! Good evening."Nagtaas lang ng kamay ang doctor bilang tugon at dumiretso sa counter. Nginisihan naman niya si Mark pero ngiting-ngiti ito sa cognac na dala niya at ngumuso pa na ang ibig sabihin iinumin nila mamaya pagkatapos ng trabaho.Inirapan niya ito at sumunod sa doctor. Alam niyang bayad na ito at pwede na sanang umalis pero mukhang tutuparin nito ang 30 drinks na sinasabi niya.Tumayo siya sa tabi nito at binati ang matabang kahera na may maiksing buhok sa bartender, "Hello ate Dianne!"Umupo siya naka-fix na high chair sa harap ng bartender sa mismong tabi rin ng lalaki.Imbis na gumanti ang kahera sa pagbati niya ang kasama niya ang kinausap nito. "Aalis ka na sir? Masyado pang maaga ah. Mapupunta sa ibang guest iyang si Berhin kapag iwan mo. Marami pa namang nakapila diyan."Tumingin sa kaniya ang lalaki. Umismid ito sandali at tumingin sa kahera. "Huwag siyang ibigay sa iba kung ganon. Mag-iiwan ako ng drinks." Lihim siyang napangiti at tinanong pa nito sa kahera, "Ilang shots ang kaya nito?" Tinuro siya nito gamit ang ulo."Naku sir! Gahaman sa alak iyang si Berhin, kahit 50 shots ang ibigay mo diyan hindi natutumba iyan. Handa ka bang iwanan siya ng 50 shots?" Pati kahera nila ay talagang gahaman rin, dumiskarte nang mas malala."Oh...that's unbelievable." Napailing ito, napapatunog ng dila habang nagdudukot ng kayamanan sa wallet. "Itong shots ba na ito, anong klaseng alak?""Margarita!" Humagalpak sa tawa ang kahera. Hindi naman kasi nakakalasing ang Margarita, halos juice lang ang lasa nito.Umipekto naman ang biro ng kahera rito at natawa na rin. Napakagat na lamang siya ng labi dahil sa hiya ngunit sa kabila no'n naramdaman niya kung ano ang halaga niya sa lalaking ito."Deal, 50 shots." Tumingin ito sa kaniya pagkatapos at tinaasan siya ng kilay. Tila pinamukha sa kaniya ang pagiging gahaman niya.Debit card ang binayad nito, dahil mukhang ubos na ang cash sa wallet. Makapal na ang pera na nakaipit sa dibdib niya, at sigurado siyang halos kalahating laman ng wallet nito ay napunta sa kaniya."Naku sir! Napakabuti niyo talaga. Huwag kang mag-aalala, walang makakahawak na ibang lalaki diyan." Nginusuan siya ng kahera. "Sa'yo lang iyan, busugin mo lang."Napalunok na lang talaga siya sa mga salita nito. Pagkatapos magbayad ng guest niya hinarap siya nito. "I'll take my leave now." Inasahan niyang lalapit ito upang halikan siya ngunit kinalabit lang nito ang baba niya.Masyadong gentleman, ngunit disappointed naman siya. Umasa siyang halik pero kalabit ang ginawa. Ngumisi siya at nagpa-cute habang sinasabi ang salitang, "Ingat."Tumalikod ang lalaki at nang makalabas na ito tumili ang kahera. "Pucha ka Berhin! Napakayaman ng lalaking iyon, ang laki ng binayaran niya dito!"Kumagat siya ng labi, tila iyon ang pinakamayamang guest na naligaw sa Angel's house.Tiningnan niya ang card na nasa kamay niya. Ito ang contract card ng lalaki na binigay sa kaniya. Sa card na iyon nakasulat ang pangalan na, 'Hivo Soulvero' at sa ilalim nang pangalan nito nakasulat ang contact number nito at ang kasunod nito ay maliliit na litrang nakasulat ang 'Chief Executive Officer of Soulvero Jewelry industry.'Sa kaliwang bahagi naroon ang picture nitong naka-business attire at nasa bulsa ang mga kamay. Napakagwapo ng postura at talagang nakaka-intimidate ang aura.Ibig sabihin hindi lang doctor ang lalaking iyon kundi isang CEO ng hindi lang basta-bastang kompaniya.It hard to believe for Hivo that an entertainer named Belle Elfero is a virgin. She has been working for six years according to her.Her age is twenty-one, exactly as stated in her permit but it does not state how many years she has been working to the bar.Sa edad na bente-uno and exactly anim na taon itong nagtatrabaho roon, ibig sabihin nagsimula ito sa edad na disi-sais. Alam niya na sa loob ng dalawang taon na pagsisimula nito may mga nagaganap na raid. Nakakapagtaka na hindi siya nag-leak. Malalaman rin kasi ng health center na ang babaeng iyon ay minor at hindi rin maaring nagtrabaho ito sa loob ng dalawang taon na walang permit. Bukod sa positibong rason na magaling siyang magtago sa mga panahong iyon, maaring may malaking tao ang nasa likod nito kung bakit tuloy ang pagtratrabaho nito sa edad na 16 at 17. Huminga lamang siya nang malalim at ipinarada ang sasakyan sa tapat ng Elle Light bar. Hindi ito katulad sa bar na pinagtatrabahuhan ng entertainer. Tamang inom, usap, a
Napasinghap si Belle, kasabay nang pagmulat ng kaniyang mga mata na para bang bigla siyang umahon mula sa kailaliman ng dagat.Nangibabaw ang malakas na tunog ng kaniyang phone na nakapatong sa ibabaw ng maliit na drawer, katabi ng kaniyang kama. Kinapa niya ito at bago niya ito bigyan ng pansin, kinusot muna niya ang kaniyang mga mata. Hindi pa siya kuntento sa isang kusot lang kaya tinuloy-tuloy na lang niya hanggang sa nagpasya na lang siyang sagutin ito na hindi tinitingnan kung sino ang tumawag. "Hello..." tamad niyang tugon.Narinig niya hikbi ng kaniyang kapatid na dalagita sa kabilang linya. "Ate si Mama..." Tila biglang lumipad palayo ang antok niya at napakuyom ng kamao. "Ano na naman nangyari?" Katulad ng kaniyang inaasahan, masamang balita na naman ang natanggap niya mula rito. Wala pa siyang kain dahil bagong gising lamang siya, ngunit nagpasya agad siyang maligo at nagbihis nang mabilisan. Dumaan muna siya sa eskwelahan ng kapatid niyang si Bella para magbayad ng
Nilamon ng matinding hiya si Belle nang mapagtanto na ang lalaking tumulong sa kaniya ay walang iba kundi ang lalaking inalok siya ng kasal at ang isang babae na nanabunot sa kaniya ay empleyado nito. Pagkatalikod ng dalawang babae pagkatapos humingi ng paumanhin hindi na niya alam kung paano harapin ang doctor kahit na ang porma nito ay hindi pang-doctor. Naka-business attire ito at ibang-iba ang aura nito ngayon. Halatang boss na boss. "Are you okay?" Naramdaman niya ang marahang paghawak nito sa kaniyang siko. Hindi siya naging komportable sa init ng daliri nito kaya hindi niya naiwasang lumayo agad na naging dahilan at napabulong ito. "Sorry..." Agad na namayani sa sistema niya ang konsensya, kaya dinaan na lang niya sa tikhim ang lahat at ilang na tumingin rito. "O-Okay lang ako." Kinagat niya ang labi niya at mabilis na umiwas ng tingin. Ngunit humakbang ito palapit sa kaniya. "No. You're not okay, may mga gasgas ka, at kailangan mong magamot." Napatingin siya sa kaniyang s
"Entertainer tapos maraming bawal?" tanong ni Levon, playfully glaring at Hivo. Nasa loob na sila ng Angel's house sa itaas na bahagi nito naghihintay ng opening performance ng entertainer. Tatlo sila nakatayo sa mismong railing na sa ilalim nito ay makikita ang entablado. Si Hivo ang nasa gitna nasa bulsa ang mga kamay. Si Zayn naman ang nasa kaniyang kanan, simpleng nakahawak lamang sa railing habang si Levon naman na nasa kaniyang kaliwa naka-cross ang mga braso na nakapatong sa railing. "She's unclaimed, I don't know what is behind it why she is so protected by the bar," simpleng sagot niya sa stage ang mga mata. "Pero sapat na itong dahilan kung bakit sa loob ng anim na taon, pure pa rin siya." Sandali niyang binabaan ng tingin ang kaibigan niyang si Levon. Tumaas ang sulok ng labi nito, na tila napaisip-isip. "Kung ganiyang protektado siya, paano mo nasisiguro na makukuha mo siya halimbawa pumayag siya? Shempre..." Kumibit-balikat ito. "Bar ito eh, malaking tao ang may-ari
Ang nais ng mga kasama niya ay si Belle lamang ang gagastusan nila, ngunit itong si Belle ay may kasamang babae at nagdedemand na bigyan niya ng drinks. Walang kaso naman iyon sa kaniya sapagkat kahit isang katerba pang mga babae pa ang bilhan niya ng alak sa loob ng bar ay hindi mauubos ang pera niya.Naging maayos naman ang daloy ng usapan, napapansin rin niyang mabilis uminom ang mga babae. Nakailang set rin sila ng ladies drinks at wala siyang pakialam. Hindi rin nagprotesta ang mga kaibigan niya at mas pinagtutuunan nila ng pansin ang pagtatanong. Nais nilang malaman kung ano ang nasa likod ng pagiging berhin ni Belle sa loob ng anim na taong pagtatrabaho nito sa lugar sa mismong lugar.Maraming naitanong si Levon at Zayn. Nagsimula sila sa mga simpleng tanong hanggang sa umabot sila sa tila big deal na tanong. "Sinong may hawak sa'yo?" Ang akmang pag-inom niya ng alak ay naudlot. Napatingin siya kay Levon na nagtanong, na nakapatong ang siko sa tuhod at sandaling tumingin sa
Dahil sa nangyaring iyon naiwan si Belle sa bar sa kadahilanang, kakausapin siya ng asawa ni Vilkas. Nakarating agad sa itaas ang nangyari kaya nagpadala ito ng tao na magsusundo sa kaniya. Ramdam niya ang tensyon ngunit may tiwala siya sa titulo niya. Hindi naman siya masasaktan ni Felicia, dahil nandiyan si Vilkas na titigbas sa leeg nito sakaling iyon nga ang mangyayari.Huminto ang itim na van na sinasakyan nila sa tapat ng malaking mansion. Hindi niya maiwasang kabahan ngunit may abilidad siyang magtago nito at iyon rin ang ginamit niyang sandata. Bumuga lamang siya ng hininga't sumabay roon ang pagsiko ni Mark sa braso niya. Binigyan niya ito nang pansin sa pamamagitan ng tingin. "Ayos ka lang?" tanong nito na tila nababasa ang reaction niya.Pinakunot niya ang kaniyang noo, nagkunwaring nagtataka sa tanong nito. "Anong klaseng tanong iyan? Sinasabi mo bang kinakabahan ako?" Sinamahan niya iyon ng paglagay ng palad sa kaniyang dibdib. Sandaling tumingin si Max sa harapan. Bi
"Berhin it's chow time!" Napamulat ng mata si Belle sa malakas na boses ni Mark na talagang may kaakibat pang pagpalo sa couch na hinihigaan niya. Ramdam niya ang bigat sa kaniyang paa dulot ng hindi pa niya nahuhubad ang sandal niyang bakya. Hindi pa siya nakabangon humirit pa si Mark, "Hindi ba ang sabi ko, kakain muna?" Sumimangot siya, sumenyas naman ito sa kaniya na bumangon. "Kilos na, balik-higa ka na lang mamaya. Sarap nang niluto ko." Nakangisi itong tumataas-baba ang kilay sa kaniya. Napabigla pa ang pagbaba niya ng paa kaya nagmukha itong nahulog mula sa arm panel ng couch at lumikha ng malakas na tunog sa tiles. Umalis na si Mark sa harapan niya para siguro asikasuhin pa ang hindi nito natapos sa hapag kainan. Kinusot niya ang kaniyang mga mata at tumingin sa lamesa at dahil walang division ang sala at kusina, makikita niya nang buo ang sitwasyon nito. Nakahain na nga sa bilog na lamesa ang mga pagkain at kasalukuyang hinahanda ni Mark ang plato na para sa kaniya. "Tu
The bathroom door banged after Belle when she came out of it with her palm on her forehead out of frustration. Tumama ang paningin niya sa couch na hinigaan ni Mark at napagtanto nang wala na doon ang lalaki. Panigurado umalis na ito, at minabuti na lang na huwag siyang gisingin. Her tearful eyes turned to the wall, which hit her with the realization that it was already six in the afternoon. Malapit na mag-gabi, dapat kikilos na siya upang pumasok sa trabaho ngunit hindi niya maaring baliwalain ang sitwasyon. Nasa panganib ang kaniyang kapatid at kailangan niyang gumawa ng paraan. Malaki ang kanyang mga hakbang pabalik sa kaniyang kwarto. Ngayon ay bumagsak na ang kaniyang mga luha dulot ng pag-alala ganoon na rin ang sama ng loob. There is only one mother in a person's life but she and Bella are unlucky with the one they have. Ito lang siguro ang pangarap na hindi niya makakamit. Nagpalit lang siya ng damit, humihikbing nagpupunas ng luha nang pagalit. Simpleng t-shirt na itim l
7 years later, ipinagdiwang ang ika-60 na taong gulang ni Olivia sa Sansmith Residence na kasalukuyan nang pag-aari ni Mark. Si Belle at Hivo ay mayroon na ring anak na kambal—lalaki at babae na sa anim na taong gulang na rin ngayon; Natalie Vilkas Soulvero, and Noah Vilkas Soulvero. Si Mark naman ay nagkaroon na rin ng pamilya at talagang si Eloise nga ang naging asawa nito. Mayroon na ring anak ang mga ito na si Ace Caleb Reyes Sansmith. Talagang required ang pangalang Ace sa pamilyang Sansmith at si Ace na lang talaga ang tanging magmamana ng Sansmith properties. Limang taong gulang naman ito. Si Nyx and Zayn naman, ay sila din ang nagkatuluyan. Mayroon namang anak ang mga ito, limang taong gulang din, at mas matanda lang si Ace ng ilang buwan. Ang pangalan naman nito ay Si Celeste Garcia Hernandez. Si Levon lang talaga ang wala pang pamilya at naging ninong na lang ng mga bata. Pero hindi pa sigurado kung sa taong ito ay maging single pa rin ito sa hanggang next year lalo na't
Si Belle, nagmula sa isang entertainer, namuhay bilang entertainer, ngunit sa isang iglap lang nakita na lang niya ang sarili niyang kinikilala ng lahat bilang tagapag-mana. Bukod roon, ang akala niyang pangarap niyang sira na ay natutupad na. Nakamit din niya ang inaasam-asam niyang buhay. Ang maranasang maglakad sa binuksang pintuan suot ang wedding gown, tanda na siya ay magpapabasbas upang maging pag-aari ng isang Hivo Soulvero. Hindi na nagpalit ng pangalan si Hivo bilang Ace One Sansmith. Iyon na kasi ang pangalang nakasanayan nito at mananatili talaga itong tagapagmana ng Soulvero properties. Si Mark naman ay nanatiling Mark ngunit niyakap ang apilyedong Sansmith. Kasalukuyan na rin itong nakatayo, sa tabi ng kambal, kasama ng ina ng mga ito na si Olivia at ang matandang Soulvero. Ngunit si Ysabel, kasama ang kaniyang ama nag-aabang sa kaniya sa gitna upang ihatid siya kay Hivo sa Altar. Napakagandang wedding gown ang kaniyang suot. Talagang binigay ni Hivo ang pangarap ni
Sa hospital, isang malaking kwarto ang inihanda para sa kanilang tatlo. Tatlong higaan rin ang naroon at higit na mas inaasikaso ay si Olivia. Mas matindi ang damage nito sa katawan, si Ysabel naman nangangailangan ng recovery dahil nga naging malnourished ito dulot ng pagkakulong ng mahabang panahon. Habang siya, bugbog sa katawan lang ang kailangan asikasuhin sa kaniya at ang sugat niya sa ulo. Obligado ang kanilang pamilya—priority ng mga doctor at kasama na si Nyx at Zayn na nag-aasikaso. Ang daddy niya ang nasa loob para sa kaniya, dumating rin agad ang matandang Soulvero at hindi makapaniwalang buhay pa ang anak. Si Nana Meli ang nagbantay para kay Olivia. Ngunit kahit alam niyang ligtas na sila, hindi pa rin niya maiwasang mag-alala. Hindi pa kasi bumabalik ang asawa niya at si Mark. May dalawang oras na silang nanatili sa hospital at kakabitaw lang sa kaniya ni Nyx, wala pa ring Hivo at Mark na bumabalik. "Huwag kang bumangon, Belle," matigas na suway ng kaniyang ama. Iya
Kung titingnan niya'y hindi malalaman kung saan nakatayo talaga ang mga kalaban. Ngunit dahil kabisado ni Hivo at bihasa siyang mag-connect the dot, paniguradong ganoon din si Mark, alam nila kung saan banda ang mga ito.Alam niya si Alex at Caspian ay nahihirapan maging ang ninong niya. Kaya ang pagkapanalo ay nakasalalay sa kanilang magkambal. "Nahihilo ka na ba, boi?" asar na tanong pa ni Mark kay Lyndon. Maririnig niya sa iyak ni Felicia na talagang takot na takot na ito. "Mananalo kayo ngayon, sige, pero babalik ako, tandaan niyo iyan!" sigaw pa ni Lyndon na mas ikinatawa niya. Pagtingin niya sa kaniyang ninong na sunod-sunod na lang sa likuran niya ang nagagawa ay tumaas ang kilay nito. Nagtanong siya, "Saan ka nga ulit dadaan?" Narinig niya ang nag-aalburotong paghinga ni Lyndon. "Oo nga pala, nakalimutan niya, nasa atin pala ang access at tayo lang ang makakapagbukas ng daanan," pamimilosopo pa ni Mark. Hindi niya ito kasama sa iisang pwesto at ang dalawang kaibigan nito a
Nakayakap sa kaniya si Robelyn, binitawan naman siya ni Dreor at lumapit kay Olivia na kasalukuyang inaalalayan ni Nana Meli at iba pang tauhan ng kaniyang ama. Iyak nang iyak si Ysabel na nagsusumbong sa kaniyang ama kung ano ang ginawa ni Felicia. Pero mas malakas ang iyak ni Nana Meli. "Anong ginawa nila sa'yo ma'am? Bakit...bakit ka lumpo?" Si Olivia ang kausap nito. Dahil sa tanong nito tumingin sa mga ito ang lahat. Nagpunas ng luha si Ysabel at sumagot sa tanong. "Dahil sa mga orihinal na dokumento at hindi niya sinabi kung saan, tinorture siya. Binasag ang mga buto niya sa paa." Dumaloy lang din ang luha niya. Lumapit siya kay Ysabel at sa kaniyang ama. Lumong-lumo naman ang daddy niyang sinalubong siya ng yakap at bumulong sa kaniya. "I'm sorry...anong ginawa ni Felicia sa'yo?" Nagpunas siya ng luha at nagsumbong, "Ginapos saka binugbog. Hindi naman niya magagawa iyon kung hindi ako nakagapos. Duwag eh," aniya, hindi pa rin talaga nawawala ang yabang. Humarap sa kanila s
"What's going on?!" litong-lito na sigaw ni Lyndon at agad na binulyawan ang mga tauhan. "Ano pang hinihintay niyo?! Kilos!" Maliban kay Alex at Caspian, pati kay Gordon, kumilos ang mga tauhan nito at pinaulanan ng bala ang mga chamber na umangat pataas. Napahiyaw siya sa takot at napapikit ngunit napagtanto niya bandang huli walang kahit isang balang tumagos sa katawan niya. Napaawang ang nga labi niyang tumingin sa katabi ng chamber na kinaroroonan niya. Makikita niya si Ysabel na nagtataka sa nangyayari pero ang ina ng kambal tawa pa rin ito nang tawa na ang ibig sabihin, naisahan nila ang mga Hulterar. Sarado ang chamber, dapat wala siyang maririnig sa kapal ng crystal nito pero hindi, dahil mula sa taas maririnig niya ang boses ng mga ito. Tila ba'y connection ng buong paligid.Pati ang boses ni Olivia, naging malapit sa pandinig niya. "Nice to see you again, Lyndon. Mukhang nauto ka ng mga anak ko." Kitang-kita niya mula sa kinaroroonan niya ang pagbuka ng bibig ni Felicia
"Kunin sila!" utos ni Felicia at agad na pumasok ang mga kalalakihan. Habang hinahawakan sa braso si Ysabel takot itong nagtanong, "Anong gagawin niyo sa amin?" Siya ang sumagot na may kasamang pagpiglas mula sa hawak ng isang lalaki. "Eh ano pa nga ba, edi ipapain kay Hivo. Ganoon naman gawain ng mga duwag!"Masama niyang tinitigan si Felicia at umismid ito at sinabing, "Matalino ka nga Berhin, tama ka, ipapain namin kayo sa asawa mo para magsalita, bawat refused, isang buhay ang kapalit." Nagsimula nang magsisigaw si Ysabel ng, "Háyop ka!" Ngunit upang bigyan ito ng pag-asa nagsalita siya. "Ikaw na ang nagsabi, matalino ako. Ingat ka sa talinong ito, dahil baka ang akala mong savage ka na na-one hit ka pa!" Si Olivia naman habang inaatras na ng mga ito ang wheelchair na inuupuan wala itong tingin sa pagsasabi ng, "Bullet Gun, Ace One, Ace Two. Bullet, Gun, Ace One, Ace Two." Kung baga sa isang baliw ito ang huli niyang naalala. Kasama nito si Ace One at Ace Two at ang mga kal
Abot langit ang hugalpak ng tawa ni Lyndon nang masilayan ang naglalakihang mga robot sa ilalim ng kwarto ng kaniyang anak. Lahat ay namangha sa nakita. Tatlong robot nga ang naroon at ang lalaki nito. Nang hawakan niya ang bawat bahagi ng mga ito ramdam niya ang milyones na halaga. "Ako pa rin ang palaging panalo, Adrian!" dumadagundong sa bawat sulok ng lugar ang pagtawa niya. "Natagpuan ko na ang sekreto mo. Wala kasi itong anak mo, ang galing magtiwala sa tinatawag na kaibigan." Nakangisi siyang tumingin kay Alex na umiwas rin ng tingin. Bumuntong hininga na lang din si Caspian halatang labag sa loob ang ginagawa. Maririnig din niya ang tawa ni Gordon, halatang tuwang-tuwa sa nakikita. Malawak ang lugar, tanging robot lang ang nandito at mga pader na makikita, may dalawang upuan lang sa harapan—upuang naka-fix sa sahig. Bukod sa upuan ng mga robot. Ngunit ayon kay Alex, isa sa bahagi ng walls ay taguan ng mga orihinal na dokumento. Ngunit si Mark at Hivo lamang ang makakabukas.
"Si Hivo pa rin ang may alam kung saan ang mga original na dukomento! Anong silbi ng Ace Two na iyan?!" singhal ni Lyndon kay Gordon, nang sabihin nitong walang naibigay na impormasyon si Ace Two. "At bakit ganiyan ang mukha mo?" Dinuro niya ang mukha nitong puno ng pasa. Huminga ito nang malalim at sinabing, "Mabilis kasi masyado itong si Vilkas. Hindi ako nakailag. Patay na sana ako kung hindi ko sinabing buhay pa ang anak niya at alam ko kung sino ang may hawak." He huffed at napasinghal ng pabulong, "Ano?" Hindi niya akalaing mahuli ito ni Vilkas. Alam niyang madulas itong si Gordon, pero nagsalita ito, "Nahuli man niya ako, pero nakawala pa rin. Huwag kang mag-alala, hindi niya alam kung nasaan ang anak niya. Sinabi ko naman na alam ko lang kung sino ang may hawak. Kaya niya ako binitawan para manmanan." Dahil sa sinabi ito natawa siya. "At sa tingin niya malalaman niya kung na saan ang anak niya sa pagmanman niya sa'yo?" Umismid ito at mayabang na sinabi, "Malamang hindi."