heto na!!! ilabas na natin ang tunay na ugali ng entertainer! love you readers, thanks for the additional gems again!!!
"Paano ba iyan? Boyfriend ko siya, so anong gagawin mo ngayon? Ibubuhos mo ang drinks sa mukha ko?" Mapang-asar na linya mula kay Belle na nagpa-bilog ng literal sa bibig ni Hivo. He had expected this kind of behavior from her. He's not really sure if this is a good start, but he has confidence in Belle. He knew she would do a good job as his wife. Kung tutuusin, hindi naman kailangan talaga magpanggap ni Belle bilang kaniyang asawa dahil legal na ito. Ang kailangan lang talaga niyang gawin ay ang paibigin ito upang mas maayos ang trabaho. He is ready for whatever the consequences are, if for example ma-in-love siya sa babae—sa tingin niya ay wala namang problema iyon. Nasa plano na niya ang paghaharap ng dalawa ngunit sa pagkakataong ito, hindi naayon sa lugar ang sitwasyon, may mangyayaring eskandalo sa restaurant na ito na pag-aari niya rin at baka makarating ang issue sa lolo niya. Hindi pa niya napapakilala si Belle sa matanda. Tumayo siya, bumanat na rin si Samantha. "Girlfr
Napahinga na lang si Belle nang malalim habang nakaharap sa salamin at nagsusuklay ng mahaba niyang buhok. Bumalik kasi sila sa condo at naligo nang wala sa oras. Sino ba naman ang hindi mangati matapos maligo sa mimosa and mayonnaise? Nilagyan lamang niya ng puting ipit ang buhok niya sa itaas banda ng tainga niya, bilang dagdag sa outfit niyang, kulay de gatas na knee length dress at puting sandal. Pinarisan lang din niya ito ng puting sling bag na binili rin ni Hivo para sa kaniya. Paikot-ikot siya sa salamin upang tingnan ang kaniyang sarili kung matino na ba siya tingnan dahil kanina lang, para siyang clown na binalot ng icing. Tiningnan na rin niya ang mukha niya. Simpleng make-up lamang ang suot niya, sapat na para lumitaw ang tunay niyang ganda. Sinuklay-suklay lang din niya ulit ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang daliri at nahagip ng paningin niya ang sing-sing sa kaniyang daliri. Sandali niya itong tinitigan habang napapaisip, na maswerte na siyang babae sa mata ng ib
Sa loob ng anim na taon ang naging buhay lang ni Belle ay bar sa gabi, at tulog sa umaga. Kung lalabas man siya, health center ang pinupuntahan niya or mall para nag-groceries and personal needs niya. Hindi niya naranasang makarating sa mga lugar na katulad ng business building ni Hivo. Ang magarang lugar na napuntahan niya ay bahay lang ni Vilkas at wala ng iba. Malakas ang loob niya ngunit hindi maiiwasang makaramdam siya ng kaba. Mabuti na lang marunong siyang magkunwari kaya nagawa niyang umasta na hindi ignorante. Demand ni Hivo ay umaktong girlfriend nito kaya expected na ipakita niya sa lahat na nakahawak siya sa braso ng lalaki at iyon nga ang sitwasyon nila. Inihinga lang niya nang malalim ang mga matang kinakabisado ang mga galaw nila. Bawat parte ng building may nakaabang at saka susunod sa likuran nila papunta sa kung saan man siya dadalhin ni Hivo. May mga babae ring humaharang sa kanila upang magpapirma kay Hivo—parte ng trabaho. "Please submit this to me on
Ang sagot ni Hivo sa tanong ni Belle ay binayaran niya ang mga residente sa lugar na iyon, especially the houses that are right next to the house of Belle's family.Ilegal ang kaniyang ginawa ngunit tama ang dalaga. Kailangan nilang bumuo ng kalasag para rito upang mas maging pulido ang kanilang plano. Panigurado namang maghahanap ng kapamilya ni Belle ang kaniyang ninong upang gamitin ito laban sa kanila sa oras na magkakairingan na. Hindi biro ang pagsubok na ihaharap niya sa entertainer. Bilang kapalit sa tulong nito—apart from the millions he released, he had to give the girl protection.Bilib din siya sa talino nito. Bago sumabak sa giyera sinisigurado muna nito ang kalasag at sandata. Naniniwala siyang hindi siya nagkamali ng babaeng pinili. Bonus na lang talaga ang ganda at pagiging puro nito. Tumango ito nang malinawan. Now they were both watching the area where...at any moment it would burst into flames.Ang bahay ng mga ito, sa kaliwang banda, lumang court ang naroon na
“Kung hindi ko pa siguro ginawa iyon, tatayo lang siya na parang tuod doon!" Sandali siyang sinulyapan ng masamang tingin ng babae na bitbit ang isang pares ng sapatos papasok sa bahay ni Levon. Ang dalawa niyang kaibigan ang kausap nito, animo'y nagsusumbong. Si Levon naman at Zayn patawa-tawa lang sa mga makukulit na linya ng babae. Unang pumasok si Levon, nakasunod si Belle si Zayn naman animo'y nagpapaiwan upang sabayan siya. "Hindi naman kasi marunong umakting si Hivo. You know, pinanganak talaga siyang robot, makikita mo lang ang emotion niya kapag galit," katwiran naman ni Levon and ushered his hand inside to let the woman enter the entrance of the house—first. Pumasok naman si Belle, nasa sling bag nito ang kamay at hinarap si Levon. She huffed at itinaas ang hawak na sapatos. "Nanonood ang nanay ko doon—mautak iyon eh! Kung mautak ako sa tingin niyo, sa kaniya ko minana iyon. Pagiging makati lang ang hindi ko magawang manahin sa kaniya!" Sinamaan nito si Levon. "Kaya
“Belle...enough, okay?" Kinuha niya ang baso sa dalaga at binalik ito sa lamesa. "Lasing ka na at hindi mo na kaya, we'd better go home. Com'on!" "Hindi!" Iwinasiwas nito ang kamay dahilan para mapatampal sa noo si Zayn dahil natamaan siya sa mukha. Binaliwala lang niya iyon. "Huwag mo akong pigilan. Gusto kong malasing, gusto kong makalimutan iyong babaeng iyon..." Humaba pa ang nguso nito dahil sa salitang 'iyon' na pinilit banggitin. Nanay nito ang dahilan kung bakit ginawa nitong tubig ang alak. Spirytus ba naman. Kahit sinong malakas sa alak—halimbawa mas malakas pa kay Belle—kayang pabagsakin nito kung ang paraan nang paglaklak ay parang uhaw na umiinom ng tubig. Hinawakan niya ang braso nito pero humarap ito sa kaniya at dinuro ang mukha niya kahit namimirot na ang mga mata. Halos sungkitin nito ang butas ng ilong niya. "Kasi alam mo kung bakit galit ako sa kaniya?" nabubulol na tanong nito. Tumitig lang siya sa babae at maging ang mga kaibigan niya ay nakatitig rito. Til
Tila nagising si Belle sa hindi naayos sa tamang oras. Nakikita niya ang buong paligid ngunit hindi ganoon ka-liwanag. Unang natamaan ng paningin niya ay familiar na kisame ngunit hindi iyon kisame ng kwarto niya—patunay na nasa ibang bahay na naman siya natulog. Sunod na nakita niya sa pagbaba ng kaniyang paningin ay ang wall sa paanan niya, kumot, at ang sa gilid niya ay wall rin, bumaba sa sahig ang paningin niya at saka napunta sa lampshade na nagbibigay ng kaunting liwanag sa paligid. Napako ang paningin niya roon ng may gumalaw sa tabi niya. Sa tunog ng hininga nito masasabi niyang lalaki ito. Dahil doon dahan-dahan niyang humarap sa gawing iyon at nakita niya si Hivo na tulog na tulog. Nanlaki ang mga mata niyang napatingin sa sarili—mismo sa loob ng kumot upang tingnan kung may damit ba siya o wala. Mayroon naman, ngunit hindi katulad sa suot niya kahapon. Napaisip siya; bumalik sa isipan niya ang dahilan kung bakit siya nasa kamang iyon ngayon at nakapantulog na.
Pagsapit ng umaga, nagising siyang wala na si Hivo sa tabi niya. Sa pagbukas naman niya ng pinto, habang kinukusot niya ang kaniyang mga mata, naririnig niya ang tunog ng mga kutsara, plato at baso sa kusina. Napatingin siya sa gawing iyon at napakunot ng noo. Alas nuwebe na kasi ng umaga at kung si Hivo nga ang naroon, hindi ba't masyado nang late? Alam niyang papasok ito sa opisina.Nagpasya na lang siyang tumungo roon. Nadatnan nga niya ang lalaking tila kakatapos lang maghanda ng pagkain sa ibabaw ng lamesa. Napatitig siya roon, may sinangag na halatang nilagyan ng giniling na mais, carrot at kung anu-ano pa base sa kulay nito. Mayroon ring omelette, hotdog at ham, bilang ulam at gatas bilang drinks. Mayroon ding nilagang itlog—mukhang marami itong hinanda. "Let's have a good start," anito at ngumiti sa kaniya. Simpleng ngiti lamang ngunit hindi plastic. Kung baga puro pa sa puro—walang bahid sa katotohanang amo niya ito at entertainer siya. Umikot ito sa kabila at naghila ng
7 years later, ipinagdiwang ang ika-60 na taong gulang ni Olivia sa Sansmith Residence na kasalukuyan nang pag-aari ni Mark. Si Belle at Hivo ay mayroon na ring anak na kambal—lalaki at babae na sa anim na taong gulang na rin ngayon; Natalie Vilkas Soulvero, and Noah Vilkas Soulvero. Si Mark naman ay nagkaroon na rin ng pamilya at talagang si Eloise nga ang naging asawa nito. Mayroon na ring anak ang mga ito na si Ace Caleb Reyes Sansmith. Talagang required ang pangalang Ace sa pamilyang Sansmith at si Ace na lang talaga ang tanging magmamana ng Sansmith properties. Limang taong gulang naman ito. Si Nyx and Zayn naman, ay sila din ang nagkatuluyan. Mayroon namang anak ang mga ito, limang taong gulang din, at mas matanda lang si Ace ng ilang buwan. Ang pangalan naman nito ay Si Celeste Garcia Hernandez. Si Levon lang talaga ang wala pang pamilya at naging ninong na lang ng mga bata. Pero hindi pa sigurado kung sa taong ito ay maging single pa rin ito sa hanggang next year lalo na't
Si Belle, nagmula sa isang entertainer, namuhay bilang entertainer, ngunit sa isang iglap lang nakita na lang niya ang sarili niyang kinikilala ng lahat bilang tagapag-mana. Bukod roon, ang akala niyang pangarap niyang sira na ay natutupad na. Nakamit din niya ang inaasam-asam niyang buhay. Ang maranasang maglakad sa binuksang pintuan suot ang wedding gown, tanda na siya ay magpapabasbas upang maging pag-aari ng isang Hivo Soulvero. Hindi na nagpalit ng pangalan si Hivo bilang Ace One Sansmith. Iyon na kasi ang pangalang nakasanayan nito at mananatili talaga itong tagapagmana ng Soulvero properties. Si Mark naman ay nanatiling Mark ngunit niyakap ang apilyedong Sansmith. Kasalukuyan na rin itong nakatayo, sa tabi ng kambal, kasama ng ina ng mga ito na si Olivia at ang matandang Soulvero. Ngunit si Ysabel, kasama ang kaniyang ama nag-aabang sa kaniya sa gitna upang ihatid siya kay Hivo sa Altar. Napakagandang wedding gown ang kaniyang suot. Talagang binigay ni Hivo ang pangarap ni
Sa hospital, isang malaking kwarto ang inihanda para sa kanilang tatlo. Tatlong higaan rin ang naroon at higit na mas inaasikaso ay si Olivia. Mas matindi ang damage nito sa katawan, si Ysabel naman nangangailangan ng recovery dahil nga naging malnourished ito dulot ng pagkakulong ng mahabang panahon. Habang siya, bugbog sa katawan lang ang kailangan asikasuhin sa kaniya at ang sugat niya sa ulo. Obligado ang kanilang pamilya—priority ng mga doctor at kasama na si Nyx at Zayn na nag-aasikaso. Ang daddy niya ang nasa loob para sa kaniya, dumating rin agad ang matandang Soulvero at hindi makapaniwalang buhay pa ang anak. Si Nana Meli ang nagbantay para kay Olivia. Ngunit kahit alam niyang ligtas na sila, hindi pa rin niya maiwasang mag-alala. Hindi pa kasi bumabalik ang asawa niya at si Mark. May dalawang oras na silang nanatili sa hospital at kakabitaw lang sa kaniya ni Nyx, wala pa ring Hivo at Mark na bumabalik. "Huwag kang bumangon, Belle," matigas na suway ng kaniyang ama. Iya
Kung titingnan niya'y hindi malalaman kung saan nakatayo talaga ang mga kalaban. Ngunit dahil kabisado ni Hivo at bihasa siyang mag-connect the dot, paniguradong ganoon din si Mark, alam nila kung saan banda ang mga ito.Alam niya si Alex at Caspian ay nahihirapan maging ang ninong niya. Kaya ang pagkapanalo ay nakasalalay sa kanilang magkambal. "Nahihilo ka na ba, boi?" asar na tanong pa ni Mark kay Lyndon. Maririnig niya sa iyak ni Felicia na talagang takot na takot na ito. "Mananalo kayo ngayon, sige, pero babalik ako, tandaan niyo iyan!" sigaw pa ni Lyndon na mas ikinatawa niya. Pagtingin niya sa kaniyang ninong na sunod-sunod na lang sa likuran niya ang nagagawa ay tumaas ang kilay nito. Nagtanong siya, "Saan ka nga ulit dadaan?" Narinig niya ang nag-aalburotong paghinga ni Lyndon. "Oo nga pala, nakalimutan niya, nasa atin pala ang access at tayo lang ang makakapagbukas ng daanan," pamimilosopo pa ni Mark. Hindi niya ito kasama sa iisang pwesto at ang dalawang kaibigan nito a
Nakayakap sa kaniya si Robelyn, binitawan naman siya ni Dreor at lumapit kay Olivia na kasalukuyang inaalalayan ni Nana Meli at iba pang tauhan ng kaniyang ama. Iyak nang iyak si Ysabel na nagsusumbong sa kaniyang ama kung ano ang ginawa ni Felicia. Pero mas malakas ang iyak ni Nana Meli. "Anong ginawa nila sa'yo ma'am? Bakit...bakit ka lumpo?" Si Olivia ang kausap nito. Dahil sa tanong nito tumingin sa mga ito ang lahat. Nagpunas ng luha si Ysabel at sumagot sa tanong. "Dahil sa mga orihinal na dokumento at hindi niya sinabi kung saan, tinorture siya. Binasag ang mga buto niya sa paa." Dumaloy lang din ang luha niya. Lumapit siya kay Ysabel at sa kaniyang ama. Lumong-lumo naman ang daddy niyang sinalubong siya ng yakap at bumulong sa kaniya. "I'm sorry...anong ginawa ni Felicia sa'yo?" Nagpunas siya ng luha at nagsumbong, "Ginapos saka binugbog. Hindi naman niya magagawa iyon kung hindi ako nakagapos. Duwag eh," aniya, hindi pa rin talaga nawawala ang yabang. Humarap sa kanila s
"What's going on?!" litong-lito na sigaw ni Lyndon at agad na binulyawan ang mga tauhan. "Ano pang hinihintay niyo?! Kilos!" Maliban kay Alex at Caspian, pati kay Gordon, kumilos ang mga tauhan nito at pinaulanan ng bala ang mga chamber na umangat pataas. Napahiyaw siya sa takot at napapikit ngunit napagtanto niya bandang huli walang kahit isang balang tumagos sa katawan niya. Napaawang ang nga labi niyang tumingin sa katabi ng chamber na kinaroroonan niya. Makikita niya si Ysabel na nagtataka sa nangyayari pero ang ina ng kambal tawa pa rin ito nang tawa na ang ibig sabihin, naisahan nila ang mga Hulterar. Sarado ang chamber, dapat wala siyang maririnig sa kapal ng crystal nito pero hindi, dahil mula sa taas maririnig niya ang boses ng mga ito. Tila ba'y connection ng buong paligid.Pati ang boses ni Olivia, naging malapit sa pandinig niya. "Nice to see you again, Lyndon. Mukhang nauto ka ng mga anak ko." Kitang-kita niya mula sa kinaroroonan niya ang pagbuka ng bibig ni Felicia
"Kunin sila!" utos ni Felicia at agad na pumasok ang mga kalalakihan. Habang hinahawakan sa braso si Ysabel takot itong nagtanong, "Anong gagawin niyo sa amin?" Siya ang sumagot na may kasamang pagpiglas mula sa hawak ng isang lalaki. "Eh ano pa nga ba, edi ipapain kay Hivo. Ganoon naman gawain ng mga duwag!"Masama niyang tinitigan si Felicia at umismid ito at sinabing, "Matalino ka nga Berhin, tama ka, ipapain namin kayo sa asawa mo para magsalita, bawat refused, isang buhay ang kapalit." Nagsimula nang magsisigaw si Ysabel ng, "Háyop ka!" Ngunit upang bigyan ito ng pag-asa nagsalita siya. "Ikaw na ang nagsabi, matalino ako. Ingat ka sa talinong ito, dahil baka ang akala mong savage ka na na-one hit ka pa!" Si Olivia naman habang inaatras na ng mga ito ang wheelchair na inuupuan wala itong tingin sa pagsasabi ng, "Bullet Gun, Ace One, Ace Two. Bullet, Gun, Ace One, Ace Two." Kung baga sa isang baliw ito ang huli niyang naalala. Kasama nito si Ace One at Ace Two at ang mga kal
Abot langit ang hugalpak ng tawa ni Lyndon nang masilayan ang naglalakihang mga robot sa ilalim ng kwarto ng kaniyang anak. Lahat ay namangha sa nakita. Tatlong robot nga ang naroon at ang lalaki nito. Nang hawakan niya ang bawat bahagi ng mga ito ramdam niya ang milyones na halaga. "Ako pa rin ang palaging panalo, Adrian!" dumadagundong sa bawat sulok ng lugar ang pagtawa niya. "Natagpuan ko na ang sekreto mo. Wala kasi itong anak mo, ang galing magtiwala sa tinatawag na kaibigan." Nakangisi siyang tumingin kay Alex na umiwas rin ng tingin. Bumuntong hininga na lang din si Caspian halatang labag sa loob ang ginagawa. Maririnig din niya ang tawa ni Gordon, halatang tuwang-tuwa sa nakikita. Malawak ang lugar, tanging robot lang ang nandito at mga pader na makikita, may dalawang upuan lang sa harapan—upuang naka-fix sa sahig. Bukod sa upuan ng mga robot. Ngunit ayon kay Alex, isa sa bahagi ng walls ay taguan ng mga orihinal na dokumento. Ngunit si Mark at Hivo lamang ang makakabukas.
"Si Hivo pa rin ang may alam kung saan ang mga original na dukomento! Anong silbi ng Ace Two na iyan?!" singhal ni Lyndon kay Gordon, nang sabihin nitong walang naibigay na impormasyon si Ace Two. "At bakit ganiyan ang mukha mo?" Dinuro niya ang mukha nitong puno ng pasa. Huminga ito nang malalim at sinabing, "Mabilis kasi masyado itong si Vilkas. Hindi ako nakailag. Patay na sana ako kung hindi ko sinabing buhay pa ang anak niya at alam ko kung sino ang may hawak." He huffed at napasinghal ng pabulong, "Ano?" Hindi niya akalaing mahuli ito ni Vilkas. Alam niyang madulas itong si Gordon, pero nagsalita ito, "Nahuli man niya ako, pero nakawala pa rin. Huwag kang mag-alala, hindi niya alam kung nasaan ang anak niya. Sinabi ko naman na alam ko lang kung sino ang may hawak. Kaya niya ako binitawan para manmanan." Dahil sa sinabi ito natawa siya. "At sa tingin niya malalaman niya kung na saan ang anak niya sa pagmanman niya sa'yo?" Umismid ito at mayabang na sinabi, "Malamang hindi."