MALALIM na paghinga ang pinakawalan ni Caoimhe sa ere nang bumalik siya sa mesa niya. Pabagsak pa siyang umupo sa swivel chair niya.
“Oh, bakit mas nakasimangot ka ngayon?” Kunot ang noo na tanong ni Anna sa kaniya nang lumapit ito sa puwesto niya.“Kasi naman, kakamadali ko kanina nang magbihis ako, hindi ko na napansin na orange pala ang naisuot ko. Ayon, pinagalitan pa ako ni Madam Cleo.” Problemadong saad niya.Napailing naman si Anna. “Grabe naman kasi si madam! Kahit na lang kulay ng damit may issue sa kaniya.” Ani nito.Bumuntong-hininga siyang muli at tila tamad na binuksan na lamang ang desktop niya para magtrabaho na.Oh! She was wondering where she was going to get a replacement for her orange blouse! She couldn’t leave the building and go to the department store to buy clothes, because it was their work time. For sure, Madam Cleo will scold her even more.“Teka, kukunin ko ang extra t-shirt ko.”Napatingin siya rito nang marinig niya ang sinabi nito.“May extra shirt ka, bes?”Sa halip na sagutin ang tanong niya, naglakad si Anna palapit sa mesa nito saka binuksan ang bag nito. Inilabas nga nito roon ang isang white t-shirt.“Lagi kasi talaga akong may baon na extra pamalit. In case lang na hindi ako nakakauwi sa bahay kapag sinusundo ako ng jowa ko.”Paliwanag nito at iniabot sa kaniya ang damit nang makalapit ulit ito sa mesa niya.“Hiramin mo muna ito. Isuli mo na lang.”Sumilay ang malapad na ngiti sa mga labi niya. “Oh, thank you, bes! Hulog ka talaga ng langit!”“Sige na at magbihis ka muna roon. Baka tawagin ka na naman ng madam mo.”Kaagad naman siyang tumayo sa kaniyang puwesto at nagmamadali na ngang nagtungo sa banyo. Pagkatapos niyang magbihis ay bumalik din agad siya sa kaniyang puwesto at naging abala na siya sa kaniyang trabaho.A few minutes later, she stopped what she was doing when she heard her boss’s voice again from the intercom on the side of her desk. Kaagad siyang tumayo sa puwesto niya at nagmamadaling pumasok sa opisina nito.“Yes po, Madam?” tanong niya habang nakatayo na siya sa tapat ng mesa nito.Nag-angat naman ito ng mukha. At nang makita nitong hindi na niya suot ang orange blouse niya, kaagad na lumiwanag ang mukha nito.“Set a meeting with Mr. Imperial tomorrow morning. Ten o’clock.”“Iyon lang po ba, Madam?” tanong niya nang maisulat na niya iyon sa notebook niya.“And...”Muling naging seryoso ang tingin nito sa kaniya.“Have a sit first.”Napatingin siya sa visitor’s chair na nasa gilid ng mesa nito at pagkuwa’y muli ring napatingin dito.“B-Bakit po, Madam?” tanong niya at biglang kinabahan.First time kasi siya nitong pauupuin sa tapat ng mesa nito kaya hindi niya mapigilang hindi kabahan bigla at mag-isip ng hindi maganda.Hindi kaya tatanggalin na talaga siya nito sa trabaho niya dahil lang sa blouse na suot niya kanina? Oh, holy lordy! Sana naman hindi iyon ang rason nito. Kailangan niya ang trabaho niya. She still has a lot of debt to pay. Then next month, exam na naman ng dalawa niyang half-siblings na siya ang nagpapaaral. God! She can’t lose her job right now.“I said have a sit, Caiomhe.”Napalunok siya ng laway saka dahan-dahan na ngang umupo sa silyang nasa kaliwang bahagi.“B-Bakit po, Madam?” tanong niya ulit.Bumuntong-hininga naman ito at seryosong tingin pa ang ibinigay sa kaniya. Mayamaya ay muli nitong ibinalik ang paningin sa monitor ng laptop nito.“This is your last day here in my office.”Bigla siyang natigilan at napakunot ang kaniyang noo habang nakatitig sa mukha ng kaniyang boss.Ano raw? Last day niya na ngayon sa trabaho niya? Damn. Bakit naman? Dahil lang sa orange blouse na suot niya kanina kaya siya nito tinatanggal sa trabaho niya? Napaka-unfair naman ata n’on!Dahan-dahan siyang huminga nang malalim at sunod-sunod na napakurap.“M-Madam Cleo, bakit naman po?” tanong niya. “Maayos naman po akong magtrabaho sa inyo! Minsan lang naman po ako makalimot sa kape ninyo kapag umaga at minsan lang din po akong ma-late sa pagpasok ko. Actually, simula po no’ng maging secretary ninyo ako, tatlong beses pa lang naman po akong na-late ng five minutes. At kung dahil po sa pagsusuot ko ng orange blouse kanina kaya po tatanggalin n’yo na ako sa trabaho ko, pasensiya na po. Hindi ko naman po sinasadyang makalimutan ang isa sa important rules ninyo. Sadyang... Sadyang nagmamadali lang po talaga ako kanina kaya hindi ko na po napansin. So please po, Madam! Huwag n’yo naman po akong tatanggalin sa trabaho ko dahil lang po sa nangyari kanina. Kailangan ko po itong trabaho ko. Kung tatanggalin n’yo po ako sa trabaho ko, saan naman ako kukuha ng pambili ng maintenance na gamot ng tatay ko na may sakit? Saan po ako kukuha ng pang-tuition ng mga kapatid ko?”Mahaba at mabilis na pagpapaliwanag niya rito. Labis na kasi ang kaba sa dibdib niya kaya hindi niya na napigilan ang kaniya sarili.Magkasalubong naman ang mga kilay ng kaniyang boss nang mag-angat muli ito ng mukha at muli siyang tinapunan ng tingin.“Madam—”“What are you talking about, Caoimhe?”“N-Nagpapaliwanag lang po ako sa inyo, Madam. Para po hindi mo ako tanggalin sa trabaho ko. Hindi ko po tapaga sinasadya na makalimutan ang—”“And who told you I will fire you from your job?”Napahinto siya sa pagsasalita at bahagyang naghiwalay ang mga kilay niya at nalilitong napatitig lalo sa mukha nito.“P-Po? H-Hindi po ba’t sinabi ninyo kani-kanina lang na last day ko na po ngayon sa trabaho ko?” nalilitong tanong niya.Bumuntong-hininga naman ulit si Cleo at inirapan siya. “I’m not done talking, Caoimhe.”Ngiwing napangiti siya. “Ah, e, a-ano po pala ang ibig n’yong sabihin, Madam?”Muli itong tumigil sa ginagawang trabaho saka isinarado ang laptop nito.“My brother needs a secretary, so I will send you to Cardenal Real Estate Company.”“Po?” gulat na tanong niya ulit.Wait! May kapatid pala ang boss niya? Sa halos isang taon niyang pagtatrabaho sa Cleo’s Apparel ay ni minsan hindi niya narinig na may kapatid pala itong boss niya!“Starting tomorrow, you will work at CREC and you will be the secretary of Volkan Cardenal, my younger brother.”“E, b-bakit po ako, Madam?”Muli siya nitong tinitigan nang seryoso.“Because I know you need a job, so you will not immediately leave being my brother’s secretary if you are the one I sent to his office.”Wala sa sariling napatango naman siya dahil sa sinabi nito.“Wala po bang may tumatagal na secretary ng kapatid ninyo, Madam?” napatanong siyang muli. “Masama rin po ba ang ugali niya kagaya mo—este, masungit po ba ang kapatid ninyo?”“You ask so many questions, Caoimhe.” Magkasalubong ang mga kilay na saad nito.“S-Sorry po, Madam.”“Mabait ang kapatid ko. I just don’t understand why everyone who becomes his secretary leaves immediately.” Ani nito. “So Caoimhe, I’m expecting you not to do the same, okay?”Napalunok naman siya ng laway.“E, paano po kung... Kung kagaya sa mga naunang secretary ng kapatid ninyo e, umalis din po ako, Madam? Puwede naman po akong bumalik dito sa inyo, ’di po ba?”“Just look for a new job in another company. Dahil hindi ka na puwedeng bumalik dito.”Ngiwing napangiti siya ulit. God! Napakahirap pa naman maghanap ng trabaho ngayon.“S-Sige po, Madam.”Saad na lamang niya sa huli. Wala siyang choice kun’di sundin ang gusto nitong gawin niya kaysa naman mawalan siya ng trabaho.“Alright. You can go back to your work now.”Tumayo naman siya agad sa puwesto niya at tumango saka tumalikod na at lumabas sa opisina nito.Kaagad niyang hinanap si Anna para kausapin ito tungkol sa napag-usapan nila ni Madam Cleo. At nang makita niya ito sa puwesto nito, kaagad siyang lumapit dito at ikinuwento nga niya ang tungkol sa paglipat niya sa CREC.“Bakit naman ikaw pa? Bakit hindi na lang sila mag-hire ng bagong empleyado?” malungkot na tanong nito sa kaniya.“E, ang sabi ni madam, wala raw nagtatagal na secretary ng kapatid niya. Hindi ko alam kung ano ang dahilan.”“Paano ’yan, hindi na pala tayo magkikita!”“Oo nga, e!” aniya. “Pero huwag kang mag-alala, isusuli ko naman itong damit mo.”“Okay lang kahit hindi na, bes. Basta, mag-iingat ka na lang doon. At kung may mahabang free time, kita na lang tayo sa labas.” Ani nito. “Mami-miss kita, Keeva.” Inabot nito ang kamay niya, at masuyo nitong pinisil ang palad niya at malungkot na ngumiti sa kaniya.“Mami-miss din naman kita.”Simula nang magtrabaho siya sa Cleo’s Apparel, itong si Anna ang naging close friend niya agad kaya mami-miss niya ito nang husto kapag hindi na sila magkasama sa trabaho.“Bakit naman kasi pabigla-bigla si madam? Hindi man lang tayo makakapag-despedida para sa paglipat mo ng kumpanya.”“Hayaan mo na ’yon! Sa susunod na lang kapag magkita tayo ulit,” nakangiting wika na lamang niya kahit na ang totoo’y nalulungkot talaga siya.MARAHAS siyang nagpakawala nang malalim na paghinga habang malalaki ang kaniyang hakbang na papasok na sa entrance ng CREC building. Malinga-lingang hubarin na nga rin niya ang high heels na suot niya para lang takbuhin ang kinaroroonan ng front desk at tanungin ang receptionist kung nasaan ang opisina ng bago niyang boss.God! First day niya sa bago niyang trabaho pero heto at mukhang male-late ata agad siya. Paano naman kasi... She didn’t sleep early last night because she had a lot on her mind. Isa na roon ang bago niyang trabaho at boss. Halos magmamadaling araw na yata nang dalawin siya ng kaniyang antok. Kaya kanina nang magising siya, less than one hour na lang ay male-late na siya sa pag-alis sa kanilang bahay kaya nagmadali na siyang maligo at magbihis. Hindi na nga siya nakapag-almusal sa kamamadali niya. When she approached the receptionist at the front desk, kaagad siyang nagtanong sa babae.“Good morning, Miss. Anong floor ang opisina ni Mr. Cardenal?”“Do you have an a
NAGMAMADALING bumaba si Caoimhe sa taxi na sinakyan niya nang makaparada iyon sa tapat ng Cleo’s Apparel, ang building na pinagtatrabahuan niya.Sukbit ang shoulder bag niya at handa na sana siyang tumakbo papunta sa entrance ng building, nang marinig naman niya ang pagtawag sa kaniya ng taxi driver...“Miss, bayad mo!”Napahinto siya bigla at mariing naipikit ang kaniyang mga mata.“Oo nga pala!” Ngiwing napangiti siya sa taxi driver nang bumalik siya. “Pasensiya na po, Kuya. Nagmamadali lang po ako!” Paghingi niya ng paumanhin saka nagmamadali nang binuksan ang kaniyang bag at kinuha roon ang kaniyang wallet. “Ito po ang bayad ko, Kuya!” Iniabot niya rito ang limang-daan.Bigla namang sumimangot ang taxi driver habang nakatitig ito sa kaniyang kamay.“Pambihira naman, Miss! Umagang-umaga pa lang at ikaw pa lang ang unang pasahero ko! Wala ka bang maliit na pera diyan?” Tanong nito at napakamot pa sa ulo.“E, magkano ho ba, Kuya?”Tanong niya at bahagyang sumilip sa loob ng frontseat
MARAHAS siyang nagpakawala nang malalim na paghinga habang malalaki ang kaniyang hakbang na papasok na sa entrance ng CREC building. Malinga-lingang hubarin na nga rin niya ang high heels na suot niya para lang takbuhin ang kinaroroonan ng front desk at tanungin ang receptionist kung nasaan ang opisina ng bago niyang boss.God! First day niya sa bago niyang trabaho pero heto at mukhang male-late ata agad siya. Paano naman kasi... She didn’t sleep early last night because she had a lot on her mind. Isa na roon ang bago niyang trabaho at boss. Halos magmamadaling araw na yata nang dalawin siya ng kaniyang antok. Kaya kanina nang magising siya, less than one hour na lang ay male-late na siya sa pag-alis sa kanilang bahay kaya nagmadali na siyang maligo at magbihis. Hindi na nga siya nakapag-almusal sa kamamadali niya. When she approached the receptionist at the front desk, kaagad siyang nagtanong sa babae.“Good morning, Miss. Anong floor ang opisina ni Mr. Cardenal?”“Do you have an a
MALALIM na paghinga ang pinakawalan ni Caoimhe sa ere nang bumalik siya sa mesa niya. Pabagsak pa siyang umupo sa swivel chair niya.“Oh, bakit mas nakasimangot ka ngayon?” Kunot ang noo na tanong ni Anna sa kaniya nang lumapit ito sa puwesto niya.“Kasi naman, kakamadali ko kanina nang magbihis ako, hindi ko na napansin na orange pala ang naisuot ko. Ayon, pinagalitan pa ako ni Madam Cleo.” Problemadong saad niya.Napailing naman si Anna. “Grabe naman kasi si madam! Kahit na lang kulay ng damit may issue sa kaniya.” Ani nito.Bumuntong-hininga siyang muli at tila tamad na binuksan na lamang ang desktop niya para magtrabaho na.Oh! She was wondering where she was going to get a replacement for her orange blouse! She couldn’t leave the building and go to the department store to buy clothes, because it was their work time. For sure, Madam Cleo will scold her even more. “Teka, kukunin ko ang extra t-shirt ko.”Napatingin siya rito nang marinig niya ang sinabi nito. “May extra shirt ka,
NAGMAMADALING bumaba si Caoimhe sa taxi na sinakyan niya nang makaparada iyon sa tapat ng Cleo’s Apparel, ang building na pinagtatrabahuan niya.Sukbit ang shoulder bag niya at handa na sana siyang tumakbo papunta sa entrance ng building, nang marinig naman niya ang pagtawag sa kaniya ng taxi driver...“Miss, bayad mo!”Napahinto siya bigla at mariing naipikit ang kaniyang mga mata.“Oo nga pala!” Ngiwing napangiti siya sa taxi driver nang bumalik siya. “Pasensiya na po, Kuya. Nagmamadali lang po ako!” Paghingi niya ng paumanhin saka nagmamadali nang binuksan ang kaniyang bag at kinuha roon ang kaniyang wallet. “Ito po ang bayad ko, Kuya!” Iniabot niya rito ang limang-daan.Bigla namang sumimangot ang taxi driver habang nakatitig ito sa kaniyang kamay.“Pambihira naman, Miss! Umagang-umaga pa lang at ikaw pa lang ang unang pasahero ko! Wala ka bang maliit na pera diyan?” Tanong nito at napakamot pa sa ulo.“E, magkano ho ba, Kuya?”Tanong niya at bahagyang sumilip sa loob ng frontseat