Kinabukasan, agad siyang nagmulat ng mata nang marinig niya ang mahihinang katok ni Manang Minda sa pintuan ng kaniyang silid.Dali-dali niyang tinungo ang pintuan at binuksan iyon. Ngumiti siya sa matanda at bahagayng yumuko bilang tanda ng kaniyang respito rito."Ineng, pupunta kami ng anak ko sa bayan. May ipapabili ka ba o ipapasabay?"Mabilis siyang umiling. Wala siyang ipapasabay. Ang makitira nga sa poder ni Manang Minda ay sobrang nakakahiya na."Wala ho, Manang. Maraming salamat.""O siya, basta kung may kailangan ka, ha? Sabihan mo si Manong Lito mo at para matawagan niya kami sa cellphone."Tumango siya at ngumiti. Nung makaalis na ito, kaagad niyang sinara ang pintuan at bumalik sa kama. Nagising na ng tuluyan ang kaniyang diwa kaya imposible na makakabalik pa siya sa pagtulog.Kaya ang ginawa niya, nag-unat ng kamay at lumanghap ng hangin mula sa bintana. Nasa San Mateo pa rin siya at hindi ito alam ni Audric.Bago nito malalaman na nandito siya, dapat nakaalis na siya s
"Paalam Ffiona."Isang halik kaibigan ang binigay sa kaniya ni Lucas sa noo at mahigpit na yakap bago ito umalis sa kaniyang harapan. Ang sabi nito, dumaan lang ito para personal na bisitahin siya at iabot ang pickles.Natawa na lamang si Ffion kasi sobrang babaw ng rason ng binata. Para itong 'di lawyer kung magsinungaling ito sa kaniya kasi ang totoo, alam niyang gusto nitong buksan ang topic na sumama siya rito sa Maynila.Pero hindi pwede. Kung may lugar man siyang hindi dapat balikan, ito ay ang Maynila. Hindi siya nababagay sa lugar na ito at siguro naman ay maiintindihan ito ng kaniyang Ina.Gusto niya itong dalawin pero saka na lang. Saka na kapag matino na ang utak niya at hindi kasinggulo ng kaniyang puso. Kasi wala e, magulong-magulo ang lahat."Ineng, umuwi na ang kaibigan mong si Lucas? Aba ay sayang, nagluto pa naman ako ng madalian na tinolang manok."Napangiti siya sa tinuran ni Manang Minda. Tunay na kay bait nito talaga at isa itong anghel para sa kaniya."May as
Isang linggo ang lumipas.Hinanda niya ang kaniyang mga gamit sa isang bag. Nagpaalam na rin siya sa pamilyang pansamantala niyang tinirhan ngayon at lahat ng mga 'to ay humiling na sana, maibalik na ang kaniyang paningin.Mayamaya ay narinig niya ang busina ng sasakyan. Si Lucas! Nagliwanag ang kaniyang mukha na tinungo ang pintuan. Kahit nangangapa at walang nakikita kundi puro kadiliman, nagawa niya pa rin buksan ang pintuan. Mabilis lang naman magbukas ng pintuan at magsara. Ito yata ang una niyang natutunan simula nung nabulag siya."Magandang araw, ho!"Napangiti siya. Pati bosese ni Lucas, may dalang saya."Ineng, nandiyan na si Lucas." Masayang pagbabalita sa kaniya ni Manang. Kaagad nito siyang nilapitan at inalalayan kahit may white cane naman siya sa kamay."Oo Manang. Narinig ko nga ang boses niya.""Masaya ako Ineng na sasama ka na ngayon kay Lucas. Kailangan mo rin lumanghap ng hangin. Ayukong habang-buhay kang magtatago dito sa dilim."Tumango lang siya at hindi na suma
HINDI siya makapag-focus sa nire-review niyang mga documents na binigay sa kaniya ng kliyente. Isa itong murder case at mabilis lang sa kaniya na resolbahin ito pero ang kaniyang isip ay nasa kay Ffiona.Napahugot siya ng malalim na hangin. Pinupuno niya ang kaniyang baga at siguro nga, totoong nababaliw na siya. Nababaliw pa rin siya sa babae.Tumunog ang kaniyang phone, kaagad niya itong kinuha at sinagot ang tawag. "Good day, Dr. Hayes.""I have a good news for you."Nagliwanag sandali ang kaniyang mata. Si Dr. Hayes ay matalik na kaibigan ng pinsan niyang si Farhistt Fortocarerro. Pinsan sila sa side ng kaniyang Ina. Si Farhistt din ang nag-recommend sa kaniya na tawagan niya si Dr. Hudson Hayes at matutulungan siya ng Doctor."What is it? May eye donor na ba?""Yes we have. Ang kailangan na lang ay ang pasyente. Bring her to me so my Doctor can examine her. Hindi ako personal na mag-examine ng mga pasyente as I'm busy taking good care of my pregnant wife, Abhaya.""Noted, D
Mabilis niyang niyakap ang tuta at inamoy ang malambot na balahibo nito. Ang bango naman! Parang umabot hanggang langit ang kaniyang saya sa araw na iyon. Sino ba naman kasi ang hindi? Totoong na-apprreciate niya ang binigay ni Lucas."Gusto mo sabihin ko kung anong klaseng tuta 'yan, ha, Ffiona?""No please." Ngumiti siya kay Lucas. "Ako na ang kumilala kong anong puppy ito." Tumahol naman ang tuta sa kaniyang sinabi at hinalikan siya sa pisngi. Ang cute naman!"Okay-okay, hindi ko na sasabihin." Ginulo naman ni Lucas ang kaniyang buhok at agad siyang inakbayan.Hindi niya na binigyan ng meaning iyon. Ganito na talaga si Lucas lalo na nung nabulag siya, parang way na nito iyon para alalayan siya."Tara sa kusina, titimplahan kita ng kape.""Hindi na, Ffiona. Dumaan na ako sa isang coffee shop. Katunayan niyan, ako ang magluluto ng hapunan natin sa gabing ito.""Nakakahiya naman.""Don't be. Bisita kita rito, Ffiona. Tara, sa kusina tayo at tuturuan kita para mamemorya mo ang mga kaga
Mapait siyang ngumiti habang pumapatak ang kaniyang luha. Buntis siya. Oo. Buntis siya, alam niya na ito nung nakaraan linggo at ando'n pa siya kina Manang Minda.Isa ito sa rason kung bakit ayaw niyang sumailalim sa ibang operasyon. Dala-dala niya ang anak nila ni Audric na hindi nito malalaman na may anak silang dalawa.Buntis siya at bawal. Ngayon nandito si Lucas, baka maghinala itong buntis nga siya. Sasabihin niya ba?"Ffiona…"Tapos na siya magduwal pero nanghihina pa rin. Pinunasan niya ang kaniyang bibig."Lucas... May sasabihin ako."Narinig niya ang paghugot nito ng hangin. Nararamdaman niyang kinabahan ito sa maari niyang sasabihin pero imbes na mag-alala siya sa magiging reaksyon nito na dala niya ang anak nila ngayon ni Audric, niyakap lang siya nito."You're pregnant, right, Ffiona?" Halos pabulong na lang iyon na anas ni Lucas.Hindi siya kaagad nakasagot. Ang tanging nakakaalam na buntis siya ay si Manang Minda dahil ang matanda ang bumili ng pregnancy test para sa k
Kapagkuwan ay tinawagan niya si Lucas. Ang matalik niyang kaibigan."Anong bagong balita?""Naayos ko na ang pinagawa mo. Everything is settled. Inaayos ko na lang ang mga papers para tuluyan ma-annulled ang kasal niyo ni Ffiona.""Great to hear that. Maasahan talaga kita.""Yeah. I'm your best friend, Audric."Sumang-ayon lang siya sa sinabi ng kaniyang matalik na kaibigan at kaagad na pinatayan ito ng tawag. Alam niyang kaya itong gawan ng paraan ni Lucas. Kailangan niya ng putulin ang anuman relasyon meron sila ng babaeng natutunan niyang mahalin.Napabuntong-hinga siya. Paano ba kalimutan?! Sa bawat pagpikit niya ng mata, sa bawat tingin niya sa paligid, masasayang tawa ni Ffion ang nakikita at naririnig sa kaniyang isipan.Ito pa rin ang tinitibok ng putang-inang puso niya pero buburahin niya si Ffion sa kaniyang sistema. Ang mga alaala na kasama niya ito sa Villa ay buburahin niya na parang corrupted files sa utak niya at puso.Mahal niya si Ffion. Minahal niya na ito. At hindi
MABILIS na lumipas ang anim na buwan. Malaki na ang kaniyang tiyan at ayon sa ultrasound nung sinamahan siya ni Lucas sa kaibigan nitong obgyne, babae ang anak nila ni Audric.Halos walang paglagyan ang luha niya nung mga sandaling iyon na malaman na babae ang kaniyang anak. Ngayon pa lang, excited na siya na maisilang ang batang nasa kaniyang sinapupunan. Ang laki-laki na ng utang na loob niya kay Lucas. Kung wala ito, baka sa kangkungan siya aabutin dahil sa kaniyang kalagayan.Nung unang semister ng pagbubuntis niya, hirap na hirap si Lucas sakyan ang kaniyang bawat gusto at mga cravings. Ito na halos gumawa lahat-lahat! Sensitibo kasi ang kaniyang pagbubuntis kaya sinabi ng kaniyang doctor ay dapat mag-iingat siya lagi lalo na at may deperensya ang kaniyang paningin.Napapagkamalan na nga sila ni Lucas na mag-asawa ng mga kapitbahay nilang tsismosa pero okay lang. May dalawa rin kasambahay na kinuha si Lucas para raw hindi siya mapagod. Nung una, umayaw siya pero nung nalaman niya
PASILIP-SILIP si Marriame mula sa kaniyang pinagtataguan sa dalawang tao na kanina pa niya pinagmamatyagan sa may veranda. Ang saya-saya nang mga ito samantalang siya, hihimatayin na yata sa inis.'Nasaan ba ang senyor? Bakit 'di ako na inform na may Barney pala sa buhay ni Lucas? 'Kala ko ba Ffion 'yong pangalan ng babae na gustong-gusto niya? Hindi naman nakasulat sa death note nang matandang 'yon ang pangalan ng babaeng 'to! Magwawala na ba ako? Charrut lang, 'di bagay sa kagandahan ko ano. Kailan ba kasi mapapansin ng damuhong 'yon ang pagmamahal ko? Aba naman! Kung kailan okay na sana, saka naman dumating ang Barney na 'to!'"Ang ganda-ganda na pala rito, ano? I last came here when I was a senior in high school, and I must say, I miss the rural life very much."You missed this place since you were away for too long in another country.""Oy hindi, ah! Simply put, my life and my Dad's business kept me quite occupied. I've tried to visit here a number of times, but each time I've ha
"Manong, may joke ako!""Nag-jo-joke rin pala ang mga maligno?"Naglinya ang mga kilay niya sa sinabi nito. Babanatan pa sana niya si Manong guard nang may matamaan siyang isang napakagarang sasakyan sa may gate. Bumusina ito.Kaagad na binuksan ito ni Manong at dere-deretso na sa pagpasok ang mamahalin sasakyan na sobrang kintab pa."Manong sino 'yon?""Hindi ko alam.""Luhh? Nagpapasok kayo nang hindi niyo kilala?" "Maligno nga nakapasok dito, eh. 'Yon pa kayang magandang sasakyan na 'yon? Tao naman laman no'n." Pabalang na sagot nito at nagtungo sa guard house.Napasimangot tuloy siya sa naging sagot nang payatot na guard. Kaya imbes makipag-chikahan dito, pinili niya ang bumalik sa villa. Sisilipin lang niya kung sino ang kanilang bisita. Baka putyur mader in luw niya ito. Babati rin siya, ano! Mabait kaya siya.Habol ang hininga nang maabutan niya ang sasakyan. Nakita niya rin si Lucas na papalabas ng pintuan, at kakawayan pa sana niya ito nang biglang bumukas ang sasakyan.Nahi
Dahil sa tips na iyon, binigay niya ang best smile niya. Sus, ang bilis-bilis lang nang pinapagawa ng senyor! Pwede na nga siyang gawin endorser ng family sardines sa ganda ng kaniyang ngiti— teka, bakit family sardines nga pala? Hindi siya isda. Kolget pala dapat.Sinadya pa talaga ni Marriame na doon magpunas-punas sa terrace habang nakangiti paharap sa binata. Hindi niya inalis ang ngiting iyon sa maganda niyang mukha. Aba! Secret Tips iyon galing sa ama ni Lucas kaya alam niyang tatalab. Saka marami-rami 'yon. Kaya kung 'di tatalab ang ngiti niya, meron pa siyang bala."The fuck, woman!" Muntikan naibato ni Lucas ang iPad nito nang mapatingin sa kaniya. "Ang creepy!" Nagmadali itong tumayo at iniwan siya sa terasa. "Parang sinaniban."Napanguso siya nang marinig ang huling sinabi ng lalaki. Hmp! Nag-effort pa siyang ngumiti ng bongga, eh!Kaya lumipat siya agad sa 'Tips #2: Eye contact.Mabilis siyang sumunod sa lalaki at tinawag ito sa may hagdanan. "Senyorito! Senyorito, saglit
"KUMUSTA ang pagsama mo hija sa anak ko?" Napangisi si Marriame nang salubungin siya nang gano'n tanong ng senyor kinabukasan nung nakabalik na sila ni Lucas.Deretso lang si Lucas sa silid nito habang siya ay tinawag naman ng senyor sa may terrace para kausapin. 'Naks naman! Muntikan ko na nga gapangin kagabi, buti nakapagpigil pa ako!' Gusto niyang sabihin ang mga salitang 'yon pero 'di niya ginawa, ano! Baka marinig siya ni Lucas, magalit pa 'yon."Okay na okay, senyor! Do'n kami natulog sa 'min dahil naabutan kami ng ulan—""At tapos?" Biglang kumislap-kislap ang mga mata ng matanda. Binaba nito ang iniinom na kape. "Magkakaapo na ba ako ngayon taon?""Senyor nemen! Enebe keye!" Napahagikhik siya. Bigla tuloy siyang kinilig. Ang lakas tuloy nang halakhak ng matanda. "Biro lang, hindi gano'n ang anak ko."Kaagad nawala ang kilig na naramdaman niya. "Kaya nga po, eh. Tingin niya sa 'kin isang mangkukulam. Kuhh, kung mangkukulam ako, uunahin ko na agad kayo.""Ano kamo?""Hehe. W
Kung ang buong akala ni Marriame ay pasasakayin lang siya nito, nagkamali siya. Dahil sinamahan siya ni Lucas hanggang sa makarating sa bahay-kubo nila.Wala tuloy mapapaglagyan ang kilig niya habang bitbit ni Lucas ang anim na kilong bigas na binili niya. Siya naman ay 'yong mga pang-ulam at pasalubong. Para tuloy silang mag-asawa na pauwi pa lang sa bukiran."Ungaaaaa!""Baweeeeengggg!"Napatili tuloy siya nang wala sa oras nang makita si Baweng na nasa labas ng bahay. Maarte itong nakatingin sa kaniya. Mukhang nagtatanong kung bakit kasa-kasama niya ang gwapong si Lucas. "Buhay pa ba sina Lolo, Baweng?" May pag-alalang tanong niya. Mas binilisan niya lalo ang paglalakad. "Oy senyorito, mauna na akong pumasok. Diyan ka muna sa labas, kausapin mo si Baweng. Mabait 'yan, kaso bakla nga lang." Nagmadali siyang pumasok sa loob at kaagad na hinanap ang dalawang matanda. Pero nalibot niya na yata ang maliit na bahay-kubo nila, 'di niya pa rin nakikita ang dalawa. Mas lalo tuloy siyang k
KUNG hindi lang siguro sanay si Marriame maglakad, baka kanina pa nangisay ang mga binti niya. Ang bilis ba naman ng hakbang ni Lucas, panay habol siya rito. Kulang na lang tumakbo siya habang nakasunod.Feel na feel din niya ang kaniyang kagandahan lalo na at lahat napapalingon sa kagwapuhan ng binata. Kahit matatanda, napapa-sign of the cross!"Senyorito! Jusko naman. Baka naman dahan-dahan sa paglalakad. Isang hakbang niyo, tatlo sa 'kin! Mawawalan ako ng pekpek sa inyo, eh." Mahabang lintanya niya pero parang walang narinig ang binata. Dedma ang kaniyang sinabi.Hindi niya rin ma-gets kung ano ba talaga ang sadya nito sa bayan. Pagkain ba o ano? Kung pagkain, sarili niya na ang pinakamasarap sa lahat! Aba, mag-iinarte pa ba ito dapat? Pre teyst pa nga siya."Hay salamat!" Sa wakas, huminto rin si Lucas sa isang tindahan.Hindi niya na tiningnan ang binili nito, panay punas na lang siya ng pawis niya. Ngayon pa lang, pakiramdam niya ay hapung-hapo na siya sa kakasunod. Ano pa kaya
PASILIP-SILIP si Marriame mula sa kaniyang pinagtataguan sa likuran ng sasakyan nito na bukas ang likod. Wrangler truck ang tawag kung 'di siya nagkakamali. Ang tanga naman kasi ni Lucas, hindi napansin ang pagbiglang akyat niya sa likuran nung nakapasok ito sa loob. Masyado itong busy sa katawag nito kaya nakasampa siya nang walang kahirap-hirap.Nag-wave pa siya sa matandang senyor na malaking thumbs up ang binigay sa kaniya. Naks naman, pinapakilig siya ng kaniyang putyur dade talaga! Napaka-suportib nito sa pag-ibig niya kay Lucas.'Buti na lang 'di ako nakita ni Tiyang. Kundi isang malutong na mura makukuha ko sa kaniya.' Bigla siyang natawa nang maisip ang mukha ng tiyahin. 'Ang panget talaga ni Tiyang.' saka niya inayos ang suot na damit. Naka-suot pa rin siya ng uniporme ng katulong pero wala siyang paki! Kahit anong isuot niya, maganda pa rin siya, ano."Ang sarap naman ng hangin! Ganito pala ang feeling na makasakay ng sasakyan." Kinilig na naman siya habang hinahampas-hamp
"GOODMORNING senyorito!" Bigla siyang sumulpot sa tabi ni Lucas na seryusong nagbabasa. Nasa balcony ito.Nabuga naman ni Lucas ang iniinom na kape sa napakaganda niyang mukha. Naku naman! Ginawa pa yata siyang mugmugan. Pero okay lang, si Lucas naman ito, eh, at mahal na mahal niya ito."Ikaw?""Ay, kilala ako ni senyorito! Hindi mo 'ko makalimutan 'no? Sabi na sa 'yong mahihirapan ka na kalimutan ako." Saka siya humahikhik. Pinunasan niya ang mukha gamit ang uniporme. "Ano ba 'yan, dapat sa bibig ko binuga 'yong kape para 'di sayang.""Pinagsasabi ng bruhang ito?"Kaagad naman siyang nagtaas ng kilay at nameywang sa harapan nito. "Anong bruhang pinagsasabi mo? Hindi ako bruha, senyorito. Pwede mo akong ihalintulad sa isang prinsesang napakaganda. Saka ano ka ba, walang bruha na kasing-ganda ko. Tandaan niyo ho 'ya— ay saan kayo pupunta?!" Mabilis naman siyang napasunod sa lalaki. Malalaki ang hakbang nito pero mas malaki yata ang hakbang niya.Kulang na nga lang ay habulin niya ito
"Marriame, nakikinig ka ba kay Aling Donna?" Sita ng tiyahin niya nung nasa kusina na sila. Naghihiwa ito ng mga rekados habang nakaupo siya sa isang tabi."Oo naman.""At saka next time naman, mahiya-hiya ka naman sa katawan mong bata ka! Amo natin 'yon tapos lantaran kang nagpapa-cute? Bukas na bukas rin ay bumalik ka na sa bukid. Mas doon ka nababagay!""Tiyang naman!""At bakit? May reklamo ka? Dalawang araw mo pa lang dito, ang landi-landi mo ng bata ka! Isumbong talaga kita kay itay."Napalabi na lang siya at hindi pinansin ang sinabi ng tiyahin. Wala siyang oras makipagsagutan sa mga pandak. Nakaka-karma 'yon.Saka okay lang din na tanggalin siya. Dahil uuwi na rin si Lucas sa Maynila, eh, kaya ano pang saysay manatili rito sa Hasyenda 'no? Alangan naman si Senyor mahabang pangalan ang kaniyang aakitin? Future dade niya 'yon!Pinagalitan din siya ni Aling Donna pero humingi lang siya ng paumanhin tapos gora ulit! Walang makakapaghinto sa nararamdaman niya para kay Lucas.Teka!