TVBH 01Pigil hininga ang ginawa ko dahil kamuntikan ko nang mabitawan ang dala-dala ko na tray. Ang lakas ng pintig ko dahil sa kaba na mahulog ang order ng customer. Nagtatrabaho kasi ako sa isang kilala na restaurant dito sa Mandaluyong. Bawat galaw ay dapat maingat dahil maya-maya ang order ng mga customers na kailangan mo ay mabigyan ng tamang serbisyo. Kaunting pagkakamali ay baka kakaltasan ka ng sahod o di kaya fired sa trabaho. Kaya bago pa iyan mangyari sa akin ay kailangang alerto ako sa bawat kilos ko. Ayoko ng makarinig pa ng salitang lampa dahil hindi ginagawa ang trabaho, what more pa kaya kung taggalan ako ng trabaho na tanging kinukuhanan ng pangkabuhayan. Hindi ko na alam kung saan pa ako maghapo na palakad-lakad sa kalsada para maghanap ng trabaho. "Thank you ma’am, enjoy your meal po," nakangiti kong sabi pagkatapos kong ma-served ang order sa kanilang table, pero imbes na welcome ang matatanggap ko ay umirap lamang ang babae sa akin. Binalewala ko na lamang i
TBVH 02Hindi ako nagkakamali, siya nga… siya nga…anong ginagawa niya rito? Kaibigan ba siya ng boss namin? How come? Isa ba siya sa tinutukoy ni Kimberly kanina na nasa loob ng office ni boss? Kailan pa? Anong ginagawa niya, hinahanap ako I mean? Matagal na ba siyang pabalik-balik sa office ni boss? Bumalik ako sa upuan ng waiting area at tinakpan ang mukha ko sa maliit na poste na nakatayo doon para magtago, kahit alam ko na may posibilidad na tumingin siya sa gawi ko at makita niya ako ay hindi niya ako masyadong mamukhaan dahil tinabunan ko ng buhok ang kalahating mukha ko habang nakatingin ako sa banda nila. Ang lakas ng dagundong ng puso ko. Ang tagal nang lumipas pero ngayon na nakita ko siya ay parang kailan lang. Akala ko hindi na s'ya magpaparamdam, bakit ganito pa ang nangyari? Sa dami-rami, bakit siya pa? Ang mas lalong nanlalambot ang mga tuhod ko na may lumabas na sexy na babae sa maitom na kotse, hindi ko makita ang mukha dahil nakatalikod ito sa banda ko at nan
“Sige na Ashra ba, pumayag kana, once in a lifetime lang naman ito, kapag nakapunta ka na roon saka mo na lang sabihin na ayaw mo ng bumalik ulit sa loob. Sige na, pero sa tingin ko babalikan mo pa rin," pangungulit ni Kimberly sa akin na magbar kami one of these days at ang gusto niya na bar ay ang bar ng bossing namin. Matagal na nila akong kinukulit ni Cha-cha na samahan ko sila magbar total malapit lang naman, ilang hakbang lang ang layo at makakarating na kami sa loob ng bar. Wala namang masama magbar pero wag lang daw na may trabaho pa kinabukasan, ang pwede lang sa aming mga staff ay Friday and Saturday. Close ang restaurant ng Sunday pero dahil may trabaho kinabukasan ay hindi kami pinapayagan unless kung may pasaway at makalusot pa rin. Sa next Friday ay birthday niya kaya gusto niya na kasama ko siya sa celebration, wala na akong trabaho sa restaurant ng Saturday dahil focus ako sa anak ko tuwing Saturday at Sunday. “Sige na, malay mo makahanap ka ng new daddy pa
TBVH 04“Oh, I'm sorry -" aniya. “No.... hindi po ma’am, ako po ang may kasalanan. Sorry po talaga, sorry po," Hingi ko ng pasensya sa kanya dahil sa ginawa ko. Kilala siyang modelo sa Pilipinas kaya ngayon palang ay takot na takot na ako dahil baka ma headline ako nito kinabukasan."I thought it was my fault-" mahinhin niya na sabi. "No ma'am, ako po...ako po ang may kasalanan." "Ashra- anong nangyari rito?” Tanong ni Cha-Cha sa akin. Lumingon ako sa kanya at nakita ko kung paano siya nag-alala sa akin. "Ay...hala ka...napano?" “Ano kasi…. pagtalikod ko ay bigla akong na out of balance at hindi ko namalayan na nariyan pala si ma’am,” sumbong ko sa kaibigan habang kumukuha ng tissue para tulungan ang babae na natapunan ng sauce. Tumingin ako kung nasaan na siya pero umalis na ito at sa tingin ko patungo ito sa restroom para tanggalin ang sauce sa damit niya. Kinabahan ako at baka magsumbong sa manager ng restaurant na may waitress na tulad ko na lampa. “Wait lang Cha-Ch
TBVH 05“Come Ian, let's eat our favorite food." Magiliw na wika sa anak ko. Pero kahit anong usap ko sa kanya ay wala akong response na maririnig. Nasa nilalaro niya na toy car siya naka-focus. “Baby-" doon palang siya lumingon sa akin na inabutan ko ng isang kutsarang pagkain, ang kagandahan din ay magana siyang kumain higit sa lahat mabuti na lang at mahilig siya sa gulay. “Mama…” "Hmmm-” "Pay…paay….eee...eee” Play ang ibig niyang sabihin, ngumiti ako sa kanya at tumango. "Broom….broom…ito na ang food ni baby Ian ko. Love na love yan ni mama. Broom....open your mouth baby” masayang wika ko sa kanya kaya tumatawa siya sa ginagawa ko, sabi ng doctor niya na dapat maging kalmado kalang kapag nakikipag-usap sa anak ko na may disorder, hindi madali lalo kapag nagsasalita ako na hindi niya maiintindihan na sa edad niya ngayon ayon sa ibang mga magulang na dapat ay may salita na silang nabubuo na hindi napuputol, pero sa condition ng anak ko ay hindi pa. Kapag kinakausap ko siya ay n
TBVH 06Pagbaba ko nang jeep ay mabilis ang mga hakbang ko para makarating na agad sa restaurant.Pagpasok ko sa loob ay laking pasasalamat ko na may twenty minutes pang natitira bago ang oras ko sa pagtatrabaho.“Ashra…dali…dali tingnan mo ito,” tawag ni Kimberly sa akin habang nakangiti itong nakatingin sa cellphone niya. Break time kasi kaya nasa girls locker room kami. Kinuha ko muna ang pantali ko ng buhok dahil kakatapos ko lang magpalit ng uniform bago magserve ng pagkain mamaya. “Ano ba iyan at abot tenga ang ngiti mo?" tanong ko habang papalapit sa kanya. “Ito oh, na picturan ko sila-" “Huh? Sino naman ‘yan? Ikaw ha, ang hilig hilig mo sa ganyan at baka mamaya makasuhan ka dahil bigla–” ngunit napatigil ang pagsasalita ko at mundo ko na makita ko kung sino ang nasa picture ng phone ni Kimberly. “Tingnan mo…tingnan mo…sa buong buhay ko, akala ko si sir lang ang gwapo sa lahat…jusmiyo…may lalamang sa kagwapuhan nila, ayan kita mo yan sila, habang kumakain sila rito ay kinuh
TBVH 07Halos malaglag ang puso ko sa sobrang kaba dahil sa muli naming pagkikita. Ang laki ng mundo, ang lawak ng Maynila bakit pa kami nagkita? Pambihira naman ng tadhanang ito. Sa mukha niya palang ay alam ko na kung gaano siya kagalit na makita ako. Kitang-kita ko kung gaano lumaki ang kanyang mga mata habang nakadungaw sa akin at naka-igting ang panga na ma realize niya yata na ako ito... ang dati niyang girlfriend. Pero hindi pangungulila ang nakikita ko sa kanyang mga mata kundi galit at poot.Hindi ako nagkamali, siya talaga iyon. Siya talaga. Bigla kong naalala ang anak ko para kalmahin ang sarili ko. Pinikit ko ang mga mata ko, pinigilan na makawala ang isang butil man na luha. Ayoko ng ganitong pakiramdam, parang ang hina-hina ko kaya kapag maalala ko si Ian, ang baby ko ay kahit papano ay kumakalma ako, pinaalala niya sa akin kung paano lumaban at huwag sumuko dahil naghihintay siya sa aking pag-uwi. Hinawakan ko ang puso ko at ramdam ko kung gaano ito kabilis tumitibok.
TBVH 08"Thank you doc!" nakangiti kong pasalamat sa doctor ni Ian. Every month ay pumupunta kami sa hospital para sa check-up niya. At ayon sa doctor na si Doc Jonna na maayos naman ang kalagayan ni baby at wala siyang ibang nakita na kakaiba sa anak ko. Pero gaya pa rin sa sinabi niya na pag-alaga sa kanya lalo na sa kanyang condition na kailangan ng pag-iingat. "Eat tayo? Saan gusto mo?" nakatingin lang ito sa akin at walang reaction ang mukha, iba ang napansin niya at doon siya nakatingin. Pagkatapos kung ikabit sa kanya ang wrist strap sa kanyang pulsuhan ay kinabit ko na rin ito sa aking pulso. Bumili ako nito dahil suggestions na rin ni Manang Sidra para kung pupunta ako sa mga matao na lugar like hospital or mall na kasama ang anak ko ay kung bigla siyang pumipiglas kapag buhat ko siya ay madali ko siyang makuha kung bigla siyang tumakbo. Ayoko man siyang isama sa lakad ko minsan o di kaya sa bahay nalang papuntahin ang doctor niya pero ayoko namang ikulong siya palagi sa b
CHAPTER 37 The Billionaire's Vulnerable Heart "Okay lang baby Ian na doon ka muna matulog sa kwarto ni nanay Sidra kasama ang playmate mo?” tanong ko sa anak ko habang busy ito sa kanyang laruan na eroplano. " Baby? Look at mama.” Napangiti ako na sumunod siya sa sinabi ko, nagkatinginan kami habang nangungusap ang kanyang mga mata. “May pupuntahan lang na event si mama kaya doon ka muna matutulog kay nanay, okay ba baby?” Tumango siya kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko. He understands me very well. Pagkatapos kong matupi ang mga damit namin ay pinatulog ko na si Ian dahil alas otso na ng gabi. Habang nagpapa-antok ako ay nahagip ko ang cellphone ko na umiilaw at nagva-vibrate, ibig sabihin may tumatawag. Kinuha ko ito at sinilip kung sino ang tumatawag at nagulat ako na makita ko ang pangalan ni Drake. “Ano na naman kaya ang sasabihin niya at napatawag." bulong ko sa sarili ko. Sinilip ko muna si Ian at nang makita ko siya na mahimbing na ang tulog ay bumangon ako sa kam
CHAPTER 36 The Billionaire's Vulnerable Heart “Bakit mo tinakpan ang bibig ko?" Anas ko sa kanya. Nakatingin pa rin sa amin ang sales lady. Inilapit ni Drake ang kanyang mukha malapit sa tenga ko para bumulong kaya napa-atras ako ng konti. “Let's pretend each other na girlfriend kita at boyfriend mo ako para makuha natin ang malaking discount na sinasabi nila." Nagkatinginan kami ni Drake tumaas ang kilay niya at ganoon din ako. Kailangan naming magkunwari na magkasintahan para lang makasave kami? Marami naman yata siyang pera pero sa bagay, tama naman siya, isang beses lang namin gamitin ang dress na susuotin ko at siya ang magbabayad, may pera naman ako rito pero sa tingin ko, dalawa o tatlong buwan ko pa ito kikitain bago ko mabili ng gamot ang anak ko at pambayad sa renta ng bahay. Tumango ako sa sinabi niya at tumalikod sa kanya para maharap ko ang saleslady. "Gusto ko pong makita ang black dress na meron kayo at para maisukat ko muna. And let my boyfriend decide ku
CHAPTER 35The Billionaire's Vulnerable Heart Magulo ang isip ko na lumabas ng office. Isa kasi sa kinatatakutan ko ay baka magkamali ako at hindi ko magawa ng tama ang speech ko o di kaya ang paglalakad ko. Maraming tao ang dadalo for sure iyan. Tapos anong sasabihin ko sa anak ko? Anong sasabihin ng girlfriend niya na ako ang kasama ni del Rego. Ano ang sasabihin ng iba? First time ko at baka mapahiya lang ako, huwag naman sana. Nakakatakot kaya. “Tulala ka na naman Ashera-” napalingon ako sa gawi kung saan si Cha-cha. Malalim akong napabuntong hininga at talagang narinig niya ang ginawa ko. “Kasi nga…. sasamahan ko si Mr del Rego sa isang event.”"You mean?” " Isa sa nominated ang restaurant natin na ginanap ang botohan and guess what, isa ito sa napili na makatanggap ng award.” Balita ko sa kaibigan."Talaga? And then ikaw ang isa sa magre-represent ng award?”"Oo raw-” malungkot ko na wika habang bagsak ang dalawang balikat ko. "Eh bakit ka malungkot riyan, opportunity mo n
CHAPTER 34 The Billionaire's Vulnerable Heart Nagulat pa ako paggising ko na makita si Ian na nakaupo na sa kama at nakatingin sa akin. “Good morning baby--" bati ko sa kanya at ngumiti ito sa akin at humalik sa pisngi ko. Niyakap ko siya at tawang-tawa siya. Buti at hindi bad mood ang baby Ian ko ngayon. “Kain na tayo?” Tanong ko sa kanya habang sinusuklay ko ang buhok niya na mas malambot pa sa akin. “Later mama…” " Later? Okay later then…" narinig namin na may kumakatok sa labas ng pinto at wala pang isang minuto na makita ko si Ian na excited bumaba ng kama namin at tumakbong pumunta ng pinto. "Wait Ian, huwag mo munang buksan ang pinto, we need to make sure whose in the outside, okay?” "K…faster mama…" sinilip ko muna kung sino ang nasa labas lalo at excited ang anak ko, may idea naman ako pero mas mainam pa rin kung sigurado. At nang makita ko kung sino ang tao na nasa labas ay agad kung binuksan ang pinto dahil nagmamadali na si Ian. “Paano mo nalaman na si Tito
CHAPTER 33 The Billionaire's Vulnerable Heart “Ashera nandito ka na pala, ano? Kumusta na ang kalagayan mo?” Bumaling ang attention ko kay Miss Maui. “Mabuti na po ako ma’am Maui, pasensya na po na hindi na po ako nakabalik, hindi ko po inaasahan ang nangyari.” "Kahit kami, mabuti na lang at walang kamote na driver at delikado kung nasagasaan ka.” “Kaya po ma’am, uhmmm….maglilinis nalang po ako ng restaurant ma’am para mabayaran ko ang ilang oras na nasayang.” ani ko sa kanya para, madalang na ang customers dahil hapon na at isa pa, uwian ko na kaya kahit maghabol na lang ako sa mga lilinisin dito sa restaurant. "Out mo na di ba? Huwag ka ng magtrabaho at pinapauwi ka na ni boss para makapagpahinga ng maayos, huwag kang mag-alala, siya mismo ang tumawag sa akin, punta ka na lang mamaya sa office ko,” saad ni Miss Maui. Sabagay, bago ang insidente ay nakapagtrabaho pa ako, kahit hindi naman buo ang matatanggap ko mamaya na sahod ay at least meron akong madadala sa bahay at ang
CHAPTER 32 The Billionaire's Vulnerable Heart Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata, so weird dahil may nakita akong chandelier, kailangan pa kami nagkaroon ng ganyang ilaw sa apartment, bumili ba ako? “Oh my, gising ka na- nurse! Gising na siya." Mahinahon na boses ng babae ang narinig ko at nang lingunin ko siya ay naging familiar ang mukha ng babae sa akin. Hindi pa ako nakapag-adjust sa ilaw kaya ilang pikit mata ang ginagawa ko. Anong nangyari sa akin at bakit tinawag niya ang nurse? Napabalikwas ako ng bangon, bigla kong naalala si Ian. "Hi Ashera–huwag ka munang bumangon, yet, saka na kapag sinabi ng doctor." Ashera? At nang matanto ko kung sino ang nasa harapan ko ay kunot noo ko itong tiningnan. "Ano po ba ang nangyari?” ngumiti ito sa akin habang hinahaplos ang buhok ko. Napabaling ang tingin ko sa pinto at pumasok ang isang ginang na may suot na puting roba na pang nurse at si Drake? Inikot ko ang pangingin ko sa paligid, hindi naman ako nakahiga sa hospita
CHAPTER 31The Billionaire's Vulnerable Heart “Thank you Jaymark!" Hindi ko pinansin si Drake at binalik ang attention kay Jaymark. “No problem, anong oras ang uwi mo mamaya? Matagal ka ng nagtatrabaho rito?" Turo niya sa restaurant. Tumango ako sa kanya at ngumiti. “Mamayang five pa ng hapon and yes, matagal na rin po, baby pa si Ian." “Wow- nice job. Pambihira nalang sa ngayon ang nagtatagal sa trabaho at isa pa-" “Miss Sarmiento–" natigil ang pag-uusap namin ni Jaymark na sumulpot si Drake sa harapan namin. Nilingon ko siya at kung ano ang nakikita ko sa mukha niya kanina ay ganoon pa rin ngayon, madilim at walang kabuhay-buhay ang mga mata, at nasa magkabilaan ng kanyang black pants ang dalawang kamay.“Yes boss" “You're late -" “Po? Hindi kaya…I mean, sorry po,” hingi ko na lang ng sorry at yumuko kahit hindi naman talaga ako late, fifteen minutes pa kaya bago ako magsimula. Nakalimutan niya na ba o wala siyang relo. “Sige….aalis na ako. Ingat ka, susunduin kita mamaya,
CHAPTER 30The Billionaire's Vulnerable Heart Lasing ba siya? Marahil lasing siya kaya siya napatawag at ganoon ang sinasabi. Nagkamali lang siya ng pindot ng numero at agad nagsalita na hindi muna nagtanong. Na wrong send pa s'ya na para sana sa kanyang girlfriend. Binaba ko ang cellphone pagkatapos niyang patayin ang tawag at humiga. Ngunit hindi ako mapakali sa kama dahil naglalaro sa isip ko ang sinabi ni Drake bago lang. Pero hindi maaari na palalimin ko masyado itong nararamdaman ko lalo at wala na kami at may girlfriend na ang tao. Pinilit ko nalang na makatulog ng maayos para hindi naman ako puyat sa trabaho kinabukasan. Kinabukasan ay talagang mapapaiyak na lang ako na makita ang mga mata ko sa salamin na kitang-kita ang eye bags dahil sa puyat ako kagabi, madaling araw na akong nakatulog kaya ito at inaantok pa pero hindi pwede na tamarin lalo at kailangan ko pang asikasuhin ang anak ko at may trabaho ako. Lumabas kami ng kwarto ni Ian pagkatapos ko siyang paliguan a
CHAPTER 29 The Billionaire's Vulnerable Heart Masaya din pala kapag marami kayong kumakain sabay-sabay. Ang huling naalala ko na kumain ng sabay kami ay noong kasama ko ang mga magulang ko bago sila nagtrabaho sa ibang bansa, but, what happened between me and Ian ay hanggang doon na lang ang lahat, hindi na naulit dahil kinamumuhian nila ako na makita si Ian. That was hell experience for me pero no'ng na itaguyod naming dalawa ni Ian at hanggang ngayon ay narito pa rin kaming dalawa ay masasabi ko na ang swerte ko dahil hindi kami pinabayaan ni Ian. Wala mang kadugo na tumulong pero nahanap ko naman ang tulong sa ibang tao. Sa bahay kami ni Manang Sidra kumakain lalo at wala ang kanyang asawa dahil may pasada pa sa jeep at mamaya pa uuwi, kilala na si Chacha and Kimberly kaya ayos lang. Para na rin namin silang mga pamilya. “Yam…yam…” "Yummy?” Tumango ako kay Kimberly na tama siya, iyan ang gustong sabihin ni Ian. Nasasarapan siya sa ulam na manok na lechon kaya sunod-sunod