"Natakot ako sa bodyguard mo, girl. Akala ko ay uumbagin na niya ako kanina. Over makatingin. Parang gusto na niya akong lunukin ng buhay," exaggerated na wika ni Bret pagkasakay nila sa kotse nito. Sa kotse ng kaibigan niya siya sumakay dahil iniwan niya ang kotse niya para may masakyan si Gun pauwi sa bahay nito."Don't worry. Hindi namans siguro manununtok si Gun ng walang basehan," sagot niya sa kaibigan habang nakatingin sa labas ng bintana."Ano ba ang plano, Arielle? Bakit pinauwi mo siya sa bahay niya? Tama naman siya sinabi niya kanina. Kung hindi lamang isang grupo ang nagnanais na patayin ka ay baka ang isang grupo naman nakaabang na sa'yo paglabas mo ng hospital kanina? Nag-aalala lang naman sa'yo ang bodyguard mo."Humugot siya ng malalim na buntong-hininga. "Aalisin ko na siya sa pagiging bodyguard ko, Bret.""What? Are you crazy? Gusto mo na bang maagang mamatay?" nanlalaki ang mga matang komento ni Bret nang marinig ang sinabi niya. Nang hindi siya sumagot ay napabunto
Halos maubos na ni Gun ang isang bote ng mamahaling alak na matagal nang naka-stored lamang sa kanyang cellar. Plano sana niyang buksan ang imported na alak na iyon sa araw kapag naging magkasintahan na sila ni Arielle. Ngunit ngayon na malabo nang mangyari iyon ay nagpasya siyang buksan para lunurin ang kabiguan niya sa alak na sa pang-celebrate nila."That's enough, Gun. Huwag mo nang isipin pa ang babaeng iyon. She's ungrateful kaya hindi siya nararapat na pagtuunan mo ng pansin. Matapos mong itaya ang buhay mo para sa kaligtasan niya ay inalis ka niya bilang bodyguard niya. Is she crazy? Gusto na ba niyang mamatay?" hindi napigilang palatak ng pinsan niyang si Jacob. Kasama niya itong umiinom ng alak sa bahay niya ngunit hindi ito katulad niya na marami na ang nainom na alak.Kahit na hindi na siya bodyguard ni Arielle ay hindi pa rin niya mapigilang mag-alala para sa kaligtasan nito. Kahit hindi siya sahuran nito ay wala siyang pakialam as long as matiyak niya ang kaligtasan nit
Pagpasok ni Claire sa maliit na condo na inuupahan ni Tyron ay agad na niyang naamoy ang alak sa paligid. Nagkalat sa sala ang mga basyo ng bote ng beer pati na rin mga balat ng junk food na ginawa nitong pulutan. Ang mga throw pillow ay walang kaayos-ayos at iba ay nasa sahig na. In short, the living room was totally messed up.Uminit ang ulo niya sa nakita niyang kalat sa loob ng condo ni Tyron ngunit mas lalong uminit ang ulo niya nang makita niya itong nakahiga sa sahig at walang kaayusan ang hitsura. Mahaba na ang bigote nito na halatadong ilang araw nang hindi nagugupitan.Inis na nilapitan niya si Tyron at niyugyog ng malakas ang balikat nito. "Tyron, wake up! Ano ba ang ginagawa mo sa sarili?" galit na tanong niya sa lalaki.Umungol lamang si Tyron at pagalit na inalis ang kamay niyang nakahawak sa balikat nito ngunit hindi ito nagmulat ng mga mata kaya lalo siyang nabuwisit. Kung hindi lamang niya ito mahal ay hahayaan niya ito sa anumang nais nitong gawin sa buhay nito.Ila
"Baliw ka ba, Arielle? Bakit mo inalis si Gun bilang bodyguard mo?"Tulad ng reaksyon ni Bret, ito rin ang naging reaksyon ni Kim nang malaman nito ang kanyang ginawa. Nasa loob na sila ngayon ng isang bar dahil niyaya niya ang kaibigan na sumama sa kanya sa labas. Off duty si Kim kinabukasan, kaya tinanggap nito ang imbitasyon niya."Pero ayoko na ipagsapalaran niya ulit ang buhay niya para sa akin, Kim," sagot niya sa tono na hindi alam ang gagawin. Sobrang namimiss niya si Gun, pero ayaw niyang kontakin ito dahil kung makita niya ito o marinig ang boses nito, baka bawiin niya ang desisyon niya at ibalik si Gun bilang bodyguard niya."Maaasahan ba yung mga bagong bodyguard mo?" Nagtaas ng kilay si Kim nang sinulyapan ang tatlong pulis na bago niyang bodyguard. Nakaupo ang tatlo sa ibang mesa, umiinom ng beer habang masayang nagkukuwentuhan na para bang hindi sila naka-duty.Hindi ko alam," sagot niya kahit alam na niya ang sagot. Sinulyapan din niya ang tatlong bodyguards niya. Umi
Sabay na tumaas ang mga kilay nina Arielle at ng kaibigan niya nang marinig nila ang sinabi ng lalaking lumapit at kumausap sa kanila. Guwapo ang lalaki sa totoong salita ng guwapo ngunit sa kilos at pananalita nito ay halatadong playboy. At sa tingin niya ay ang kaibigan niya ang balak puntiryahin ng lalaki.Nilingon niya ang pinanggalingan nito ngunit wala naman siyang nakitang bakanteng table kaya nasaan ang sinasabi nito na nag-iisa lamang ito sa table nito? Nakita niya ang isang lalaking nakaupo sa mesa ngunit nakayuko ang ulo nito at parang may inaabot sa ilalim kaya hindi niya makita ang mukha nito. Nagkibit na lamang siya ng balikat at inisip na baka umalis ang lalaki sa mesa at pagbalik ay may nakaupo nang iba. Hindi na lang din niya pinagtuunan ng pansin ang lalaking nakita niyang may inaabot sa ilalim ng mesa. Ibinalik niya ang tingin sa lalaking nasa harap nila. Mukhang interested ito kay Kim dahil mas sa kaibigan niya nakapokus ang mga mata nito."Mukhang wala kang nauto
Hindi makapaniwala si Arielle nang malaman mula sa mga pulis na ang taong nagpapapatay sa kanya ay hindi sina Tyron at Claire kundi ang dating shareholders ng kompanya niya na si Mr. Rivero. Mula sa tatlong hired killers na nagtangkang pumatay sa kanya sa loob ng bar ay nalaman ng mga pulis na si Mr. Rivero nga ang nasa likod ng pagtatangka sa buhay niya. Alam niya na hindi ito mabuting tao ngunit hindi niya inaasahan na makakaya nitong ipapatay siya dahil sa matinding galit nito sa kanya.Nakaramdam siya ng malaking disappointment dahil hindi ang dalawang taong inaasahan niya ang makukulong kundi si Mr. Rivero. Hindi man sina Claire at Tyron ang nasa likod ng dalawang beses na pagtatangka sa buhay niya ay natitiyak naman niyang ang huli ang taong pumasok sa bahay niya at nagtangkang pumatay sa kanya."So what's your plan now?" tanong sa kanya ni Bret habang nakaupo silang pareho sa gilid ng swimming pool. Sinabi niya sa kaibigan niya ang nangyari sa bar. Humingi ito ng sorry sa kanya
Nakaramdam ng pagkailang si Arielle habang sinisipat ng tingin ng dati niyang mga kaklase ang kabuuan niya. Hindi talaga sila makapaniwala sa nakita nilang malaking transformation niya. Pakiramdam tuloy niya ay napaka-panget niya noon."Arielle Simpson? Is that really you?" Sa wakas isa sa mga kaklase niya ang pumutol sa awkward na pagkakatingin ng mga kaklase niya sa kanya. Tumayo ito at nilapitan siya para igiya sa bakanteng upuan na katapat ng upuan ni Claire."Sino pa ba sa akala ninyo? Iisa lang naman ang Arielle Simpson na naging kaklase ninyo noong senior high," nakangiting sagot niya kay Billy na siyang nagtanong. Idinaan na lamang niya sa pagngiti ang nararamdaman niyang pagkailang. Huminga siya ng malalim at pinilit na maging kaswal ang kanyang kilos. Ayaw niyang mahalata ni Claire na naiilang siya at gusto rin niyang maging confident sa harapan ng mga kaklase nila lalo na iyong mga kaklase niya noon na mahilig mam-bully sa kanya dahil sa kanyang pagiging nerd manamit. "Hi
Mahigit limang minuto bago sabay na bumalik sa kanilang mga upuan sina Tyron at Claire. Pagbalik nila ay pareho na silang nakangiti na parang walang nangyari. Lihim na lamang na napaismid si Arielle dahil alam niyang pinipigilan lamang nila ang galit nila para sa kanya.Bumalik ang sigla sa mesa nila at muli silang nagkuwentuhan."Arielle, I have a question for you," tanong sa kanya ni Lilac. Mukhang hindi pa siya tapos sa pagtatangkang ipahiya siya. "Of course, you can ask me anything that you want to know," nakangiti niyang sagot sa babae. Akala siguro nito ay aatrasan niya ang tanong nito.Ngumiti si Lilac sa kanya na para bang nakakasigurado ito na mapapahiya siya sa itatanong nito sa kanya."I heard that you hired a bodyguard to protect you fell in love with him. Wala na bang ibang lalaki at pati ang isang hamak na bodyguard ay pinatulan mo?"Biglang tumalim ang tingin niya kay Lilac. Wala siyang pakialam kung nakikita man ng mga dati niyang kaklase ang masamang tingin niya sa