Pagpasok ni Claire sa maliit na condo na inuupahan ni Tyron ay agad na niyang naamoy ang alak sa paligid. Nagkalat sa sala ang mga basyo ng bote ng beer pati na rin mga balat ng junk food na ginawa nitong pulutan. Ang mga throw pillow ay walang kaayos-ayos at iba ay nasa sahig na. In short, the living room was totally messed up.Uminit ang ulo niya sa nakita niyang kalat sa loob ng condo ni Tyron ngunit mas lalong uminit ang ulo niya nang makita niya itong nakahiga sa sahig at walang kaayusan ang hitsura. Mahaba na ang bigote nito na halatadong ilang araw nang hindi nagugupitan.Inis na nilapitan niya si Tyron at niyugyog ng malakas ang balikat nito. "Tyron, wake up! Ano ba ang ginagawa mo sa sarili?" galit na tanong niya sa lalaki.Umungol lamang si Tyron at pagalit na inalis ang kamay niyang nakahawak sa balikat nito ngunit hindi ito nagmulat ng mga mata kaya lalo siyang nabuwisit. Kung hindi lamang niya ito mahal ay hahayaan niya ito sa anumang nais nitong gawin sa buhay nito.Ila
"Baliw ka ba, Arielle? Bakit mo inalis si Gun bilang bodyguard mo?"Tulad ng reaksyon ni Bret, ito rin ang naging reaksyon ni Kim nang malaman nito ang kanyang ginawa. Nasa loob na sila ngayon ng isang bar dahil niyaya niya ang kaibigan na sumama sa kanya sa labas. Off duty si Kim kinabukasan, kaya tinanggap nito ang imbitasyon niya."Pero ayoko na ipagsapalaran niya ulit ang buhay niya para sa akin, Kim," sagot niya sa tono na hindi alam ang gagawin. Sobrang namimiss niya si Gun, pero ayaw niyang kontakin ito dahil kung makita niya ito o marinig ang boses nito, baka bawiin niya ang desisyon niya at ibalik si Gun bilang bodyguard niya."Maaasahan ba yung mga bagong bodyguard mo?" Nagtaas ng kilay si Kim nang sinulyapan ang tatlong pulis na bago niyang bodyguard. Nakaupo ang tatlo sa ibang mesa, umiinom ng beer habang masayang nagkukuwentuhan na para bang hindi sila naka-duty.Hindi ko alam," sagot niya kahit alam na niya ang sagot. Sinulyapan din niya ang tatlong bodyguards niya. Umi
Sabay na tumaas ang mga kilay nina Arielle at ng kaibigan niya nang marinig nila ang sinabi ng lalaking lumapit at kumausap sa kanila. Guwapo ang lalaki sa totoong salita ng guwapo ngunit sa kilos at pananalita nito ay halatadong playboy. At sa tingin niya ay ang kaibigan niya ang balak puntiryahin ng lalaki.Nilingon niya ang pinanggalingan nito ngunit wala naman siyang nakitang bakanteng table kaya nasaan ang sinasabi nito na nag-iisa lamang ito sa table nito? Nakita niya ang isang lalaking nakaupo sa mesa ngunit nakayuko ang ulo nito at parang may inaabot sa ilalim kaya hindi niya makita ang mukha nito. Nagkibit na lamang siya ng balikat at inisip na baka umalis ang lalaki sa mesa at pagbalik ay may nakaupo nang iba. Hindi na lang din niya pinagtuunan ng pansin ang lalaking nakita niyang may inaabot sa ilalim ng mesa. Ibinalik niya ang tingin sa lalaking nasa harap nila. Mukhang interested ito kay Kim dahil mas sa kaibigan niya nakapokus ang mga mata nito."Mukhang wala kang nauto
Hindi makapaniwala si Arielle nang malaman mula sa mga pulis na ang taong nagpapapatay sa kanya ay hindi sina Tyron at Claire kundi ang dating shareholders ng kompanya niya na si Mr. Rivero. Mula sa tatlong hired killers na nagtangkang pumatay sa kanya sa loob ng bar ay nalaman ng mga pulis na si Mr. Rivero nga ang nasa likod ng pagtatangka sa buhay niya. Alam niya na hindi ito mabuting tao ngunit hindi niya inaasahan na makakaya nitong ipapatay siya dahil sa matinding galit nito sa kanya.Nakaramdam siya ng malaking disappointment dahil hindi ang dalawang taong inaasahan niya ang makukulong kundi si Mr. Rivero. Hindi man sina Claire at Tyron ang nasa likod ng dalawang beses na pagtatangka sa buhay niya ay natitiyak naman niyang ang huli ang taong pumasok sa bahay niya at nagtangkang pumatay sa kanya."So what's your plan now?" tanong sa kanya ni Bret habang nakaupo silang pareho sa gilid ng swimming pool. Sinabi niya sa kaibigan niya ang nangyari sa bar. Humingi ito ng sorry sa kanya
Nakaramdam ng pagkailang si Arielle habang sinisipat ng tingin ng dati niyang mga kaklase ang kabuuan niya. Hindi talaga sila makapaniwala sa nakita nilang malaking transformation niya. Pakiramdam tuloy niya ay napaka-panget niya noon."Arielle Simpson? Is that really you?" Sa wakas isa sa mga kaklase niya ang pumutol sa awkward na pagkakatingin ng mga kaklase niya sa kanya. Tumayo ito at nilapitan siya para igiya sa bakanteng upuan na katapat ng upuan ni Claire."Sino pa ba sa akala ninyo? Iisa lang naman ang Arielle Simpson na naging kaklase ninyo noong senior high," nakangiting sagot niya kay Billy na siyang nagtanong. Idinaan na lamang niya sa pagngiti ang nararamdaman niyang pagkailang. Huminga siya ng malalim at pinilit na maging kaswal ang kanyang kilos. Ayaw niyang mahalata ni Claire na naiilang siya at gusto rin niyang maging confident sa harapan ng mga kaklase nila lalo na iyong mga kaklase niya noon na mahilig mam-bully sa kanya dahil sa kanyang pagiging nerd manamit. "Hi
Mahigit limang minuto bago sabay na bumalik sa kanilang mga upuan sina Tyron at Claire. Pagbalik nila ay pareho na silang nakangiti na parang walang nangyari. Lihim na lamang na napaismid si Arielle dahil alam niyang pinipigilan lamang nila ang galit nila para sa kanya.Bumalik ang sigla sa mesa nila at muli silang nagkuwentuhan."Arielle, I have a question for you," tanong sa kanya ni Lilac. Mukhang hindi pa siya tapos sa pagtatangkang ipahiya siya. "Of course, you can ask me anything that you want to know," nakangiti niyang sagot sa babae. Akala siguro nito ay aatrasan niya ang tanong nito.Ngumiti si Lilac sa kanya na para bang nakakasigurado ito na mapapahiya siya sa itatanong nito sa kanya."I heard that you hired a bodyguard to protect you fell in love with him. Wala na bang ibang lalaki at pati ang isang hamak na bodyguard ay pinatulan mo?"Biglang tumalim ang tingin niya kay Lilac. Wala siyang pakialam kung nakikita man ng mga dati niyang kaklase ang masamang tingin niya sa
Bahagya na lamang nanginginig ang katawan ni Arielle habang nakaupo siya sa loob ng kotse ni Gun. Hindi siya nakatanggi nang ipilit nitong sumakay siya sa kotse nito. Hindi niya inalam pa kung kotse ba iyon ng bagong boss nito o kotse ng girlfriend nito.Mag-isa lamang siya sa loob ng sasakyan dahil saglit na lumabas si Gun. Hindi na siya nagtanong kung saan ito pupunta. Naging sunod-sunuran na lamang siya sa binata.Makalipas ang mahigit limang minuto ay pumasok na si Gun sa loob ng kotse dala ang isang maliit na paper bag na may tatak ng isang sikat na drug store."Here. Drink this para kumalma ang sarili mo at tumigil ang panginginig ng katawan mo. You look terrified." Iniabot nito sa kanya ang isang maliit at malamig na bottled water.Pakiramdam niya ay uhaw na uhaw siya kaya naubos niya ang laman ng bottled water. Tama nga si Gun. Medyo kumalma nga ang pakiramdam niya at lumuwag ang kanyang dibdib. "T-Thank you," mahina ang boses na pasasalamat niya kay Gun. Nahihiya siya rito d
"I'm sorry, Bret. I'm really sorry for what Gun did to you. Hindi ko inaasahan na gagawin niyo ito sa'yo," nakangiwing paumanhin ni Arielle sa kaibigan niya habang nilalapatan niya ng icepack ang panga nito na agad nagkaroon ng pasa. "Paano ko ipapaliwanag sa grandpa ko kung bakit may malaking pasa ang aking jaw? Grabe naman kasi magselos ang boyfriend mo, Arielle. Bigla na lang nanununtok ng walang pasabi. At ang lakas pa ng suntok niya, my gosh. Na-dislocate yata ang panga ko. Boksingero ba siya?" Mangiyak-ngiyak na wika nito sa kanya.Iniisip ni Bret na kaya ito sinuntok ni Gun ay dahil sa nagseselos ito sa kanya ngunit nagkakamali ito. Sinabi ni Gun kung bakit nito sinuntok ang kaibigan niya ngunit hindi siguro iyon napansin at narinig ni Bret dahil sa sobrang pagkagulat sa ginawa ng dati niyang bodyguard."Sabihin mo sa grandpa no na kaya ka nagkaroon ng pasa sa mukha ay dahil napaaway ka. Nakita mo kasi ang isang babae na binabastos kaya hindi mo napigilan ang sarili mo na ipag